Fated To Be

By BampirangPuyat

1.1M 44.7K 4.3K

MIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I go... More

DISCLAIMER
DEDICATION
Prologue
Obsession 1
Obsession 2
Obsession 3
Obsession 4
Obsession 5
Obsession 6
Obsession 7
Obsession 8
Obsession 9
Obsession 10
Obsession 11
Obsession 12
Obsession 13
Obsession 14
Obsession 15
Obsession 16
Obsession 17
Obsession 18
Obsession 19
Obsession 20
Obsession 21
Obsession 22
Obsession 23
Obsession 24
Obsession 25
Obsession 26
Obsession 27
Obsession 28
Obsession 29
Obsession 30
Obsession 31
Obsession 32
Obsession 34
Obsession 35
Obsession 36
Obsession 37
Obsession 38
Obsession 39
Obsession 40
Obsession 41
Obsession 42
Obsession 43
Obsession 44
Final Obsession
Panda's Obsession
Special Obsession
I'm the Vampire Boss' Probinsiyana
BampirangPuyat
Caldrix and Gresha
Other Characters (Male)
Other Characters (Female)
Instagram

Obsession 33

15.9K 622 26
By BampirangPuyat

Gresha

I don't know how long I've been pacing back and forth already.

Halos lahat ay abala dahil sa naganap. Ang mga kawal ay mas naging alerto at armado. Karamihan sa mga mataas na opisyales ay dito muna namalgi sa palasyo sa takot na baka sila ang sunod na lusubin.

Pumanhik si Caldrix at Heneral Adam sa pinangyarihan ng krimen. Kasama din nila ang iilang kawal ng kaharian, ngunit gabi na ay hindi pa rin sila bumabalik. At wala akong naririnig na kahit anong balita tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Hindi ko maiwasang makapag-isip ng mga masasamang pangyayari.

Maging si Cassiopeia ay abala. Hindi ko na siya nakita pagkatapos magpaalam kanina ni Caldrix.

Dahil medyo nagugutom na rin ako ay naisipan kong pumanhik sa pangalawang palapag.

Nagulat ako nang sinalubong ako ng isang pamilyar na babae. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga kandidata sa pagiging reyna. Ngunit bukod dito, ay wala na akong alam tungkol sa kanya.

"So the rumors turned to be true. The king has a new sex toy." Ngumisi pa siya ngunit hindi ko na lang ito pinansin at nilagpasan siya.

"Kinakausap pa kita, bitch!" singhal niya sabay hila ng aking kamay.

Marahas kong binawi ang aking kamay at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka. Kaya kung maaari ay tantanan mo na ako."

"For a human, you're unbelievably brave. Alam mo bang kaya kitang patayin ngayon mismo dahil sa iyong katampalasan?" nakakaloko niyang tanong.

"I'm not just a human. I'm the King's mate and the Queen's right hand," matapang kong pahayag.

"You're a mate to the king and a right hand to the queen. But to me, you're as good as a dinner." She even traced her tounge to her lip.

"And you are what? His mate? That's absurd! King Caldrix was being punished by the Goddess a long time ago. And the punishment is that he would never have a mate, ever. Then you suddenly came claiming that you're his mate, how dare you!?" Bigla niya akong sinampal ng malakas.

Napatulala ako. Hindi dahil sa sampal, ngunit sa sinabi niya tungkol sa parusa ni Caldrix. Totoo ba ito?

"If he just wanted physical pleasure, he should've chosen anyone from our kind, many are willing and craving for him. But he chose a mere mortal like you!"

Sasampalin niya sana ulit ako ngunit sinangga ko ito ng aking kamay. Napaigik ako dahil sa napakalakas na puwersa na tumama sa akin, gayunpaman ay tinitigan ko siya ng deritso.

"Wala kang karapatang maliitin ang pagiging mortal ko. At mas lalong wala kang karapatang husgahan ang pagiging kabiyak ko ni Caldrix," banta ko sa kanya at dinukot ang espisyal na punyal na ginawa para sa akin ni Cassiopeia.

Isang pulgada lang ang orihinal nitong haba kaya madali ko itong maitago, ngunit kong hahawakan ko na ito ay kusa itong hahaba hanggang dalawang dangkal.

Humalakhak siya nang malakas.

"Seriously? You even got the guts to fight a vampire? And with that dagger? Pathetic."

Inatake niya ako nang mabilis. Kahit halos hindi ko makita ang kanyang galaw ay alam ko ang mekanismo ng kanyang kilos. Kaya bago pa niya magawa ang kanyang balak ay yumuko ako at tinarak sa likuran ko ang punyal.

Napadaing siya nang malakas dahil hindi niya inaasahang matatamaan ko siya.

"How could you---" Namimilipit siya sa sakit at nasundan ng walang humpay na pagmumura dahil sa sugat na kanyang natamo.

This is not a simple dagger. A pureblood's blood is forged with it. Cassiopeia's blood, specifically. And there is a natural rule here, stronger blood beats the weaker ones.

"Hindi lang yan ang aabutin mo kung hindi mo ako tatantanan. Kung iniisip mong masisindak ako sa mga tulad niyo, nagkakamali ka. At paumanhin kung hindi tulad mo ang napili ni Caldrix." Ngumisi ako at hinagod siya ng tingin habang nakahandusay na siya sa sahig. "Well, I fully understand Caldrix. He got a better taste than you assumed."

"Elisa? Anong nangyari sa'yo?" bulalas ng bagong dating. Bigla akong kinabahan nang makikilala ko siya. Si Lord Herni. Sa pagkakaalam ko ay isa siyang Elder.

"That whore stabbed me suddenly! I don't want to fight her back because she's the Queen's right hand."

What a big liar she is.

Napaismid ako nang mapatingin sa akin si Lord Herni na puno ng galit.

Hindi ko inaasahang mabilis siyang susugod kaya hindi na ako nakapaghanda. Inaasahan kong masasaktan ako ngunit ihip lang ng hangin ang aking naramdaman.

Napatingin ako sa pader at nakitang kasalukuyang hawak na ni Sir Ares Knight ang leeg ni Lord Herni.

"Uh-oh. I'm afraid, I cannot not let you," pagbabanta nito sa kanya at marahas na binitawan.

"That bitch hurt my daughter," pag-iimporma ni Lord Herni.

"Really? I saw the whole thing. I was about to fetch my right hand earlier, but this happened." Napatingin kami kay Cassiopeia nang bigla itong sumulpot.

Napatingin siya kay Elisa kaya napaismid ito.

"You little devil. How dare you threatened and attacked my right hand? Is it because you're confident that your father will back you up like what he did several times because of your stupidity?"

Napayuko si Elisa.

"I'm sorry, Queen Cassiopeia. Nadala lang ako ng aking emosyon."

"Emosyong mapaghanggad. I do love being the bringer of bad news, so here's the tea, your little daddy can't rescue you anymore for some reasons."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Elisa at napatingin siya kay Lord Herni.

Pumalakpak si Cassiopeia na parang baliw.

"He's no longer an Elder. Bad news, isn't it?" Humalakhak siya nang malakas na nagpatulala kay Elisa, samantalang napayuko lang si Lord Herni.

Bigla akong hinila ni Cassiopeia pabalik sa silid ni Caldrix at iniwan ang mag-ama.

"I love how you got that bitch' belly. Bullseye. It will hurt a while," nakakalokong sabi niya.

Napahilot ako sa aking sentido. Nandoon siya kanina tulad ng sabi niya, ngunit hinayaan niya lang ako?

"You already know how to fight back, don't you?"

"You just wanted me to thank you for training me back then," bagot kong puna sa kanya. "So, thanks."

"You do know me. But still, I'm glad that your training isn't just a waste of my time."

"I want to ask you something, Cassiopeia," seryoso kong sambit kaya napatikhim siya.

"Again, it's Queen Cassiopeia. But anyway, if you're going to ask me about what that bitch told you, I'm not going to answer you."

Napadaing ako dahil sa sinabi niya.

"I'm not your mate. I'm your queen and you're my right hand. I make demands, and you fulfill. It's not the other way around, dear."

Inirapan ko lang siya.

"Besides, I'm really busy. Kaya simula ngayon ay hindi ka maaaring lumabas dito. Pupunta rito si Maya upang pagsilbihan ka. At si Ares ang nakatalagang magbantay sa'yo. With him, you're safe. He is reliable, and hot, wouldn't you agree?"

Sa pangalawang beses ay inirapan ko lang ulit siya.

"This is one of those times that I'm very eager to pull out your eyeballs, do you know that?"

Iniripan ko lang siya at napangisi ako nang biglang nalukot ang maganda niyang mukha.

Napatingin kami sabay nang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Ares.

"Cassiopeia, naayos ko na ang nangyari kanina," pag-iimporma niya.

"My goodness. Queen Cassiopeia. I'm a queen now!" singhal niya. "Mabuti naman dahil may kailangan pa akong gawin. Bantayan mo nang mabuti ang babaeng iyan. At huwag kang gumawa ng bagay na ikagagalit ng iyong hari, hmmm?"

"Baliw ka ba?" Halos hindi makagalaw nang maayos si Sir Ares sa sinabi ni Cassiopeia na mukhang may iba pang kahulugan. Halatang nahiya siya dahil namula ang kanyang mukha.

Naalala ko noong binigyan niya ako ng rosas sa library ng university. Ganyan din ang reaksiyon niya. Napalaki ang aking mata nang may mapagtanto ako. Agad akong napatingin sa vase.

Ang rosas na nakikita ko ngayon at ang rosas na itinapon ko sa basurahan ng library noon.

Galing iyon lahat kay Caldrix.

*

Mula sa ilang oras na tulog ay agad akong napagising dahil sa ingay mula sa labas. Hindi ko inaakalang makakatulog pa ako sa likod ng aking pag-aalala. Ang gradfather clock sa silid ang nagsabing madaling araw na.

"Nandito na ang hukbo ni Haring Caldrix, ngunit hindi maganda ang naging kinahinatnan nito." Nang marinig ko ang sinabi ng kung sino sa labas ay marahas kong binuksan ang pinto.

Nadatnan ko si Ares at isang kawal na nag-uusap. Kapwa sila nagulat sa akin.

"G-gresha, bumalik ka sa loob." Umiling ako.

"Narinig ko ang sinabi ng kawal. Dalhin mo ako kay Caldrix ngayon din. Kailangan ko siyang makita." Halos mapasigaw na rin ako.

"Hindi na kailangan. Dadalhin na nila rito si Caldrix," pahayag ni Cassiopeia na bigla na lang sumulpot.

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong nanlamig. Parang may mali. Hindi maganda ang aking pakiramdam.

Sumunod na lang ako nang hilahin ako ni Cassiopeia papasok ng silid.

"Gusto kong maging mahinahon ka. Huwag kang mabigla."

Pagkatapos niyang magsalita ay pumasok ang dalawang kawal. Malinaw kong nakita kung paano nila akayin ang katawan ni Caldrix na tila ba wala itong lakas at malay.

Natuod ako at hindi makakilos. Naramdaman kong halos hindi na rin ako makahinga.

Nang mailapag na si Caldrix sa kama ay kusang umalis ang kawal. Kinausap ni Cassiopeia si Ares at agad itong pumanhik kung saan.

Napaluhod ako bigla dahil nawalan ng lakas ang aking mga tuhod.

"A-anong nangyari sa kanya?" halos pabulong kong tanong, na nagkuha ng atensiyon ni Cassiopeia.

Maging siya ay halatang frustrated sa nangyari.

Nilapitan niya ako at niyakap.

"Grip yourself, Gresha. Hindi pa siya patay dahil hindi pa siya nagiging abo. May nangyari sa kanya at sinusubakan na naming alamin."

Bigla na lang akong napahikbi at napasigaw. Parang tinutusok ang aking puso ng kakaibang sakit. Mas gugustuhin ko pang mabulag na lang kesa makita ang kasalukuyang sitwasyon ni Caldrix.

Tumatak na sa akin ang isang malakas at makapangyarihan na Caldrix. Hindi tulad nito, hindi tulad ngayon.

Nadurog ang aking sestima.

Tinanggap at minahal ko ang lahat ng kanyang katanginan. Ngunit hindi ko matanggap ang estado niya ngayon.

Wala siyang malay. Wala siyang kalaban-laban. Hindi ito ang Caldrix na kilala ko. Dapat ay umuwi siya ng may matikas na tindig at deritsong tingin na kinakakatakutan ng karamihan.

"You're breaking. Sleep now, Gresha," mahinang bulong sa akin ni Cassiopeia.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kusang bumigat ang aking mga talukap.

Ayaw kong matulog. Gusto kong makita ang pagbabalik niya, nang dating siya.

Ngunit kinulong ako ng walang hanggang dilim.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 215 26
'Wait for my revenge I'll destroy everything you have' Selene
415K 14.3K 44
(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring an...
68K 2.9K 35
MIDNIGHT CREATURES SERIES 4 Are they ready for the final war? FORMER TITLE: I'M THE LEGENDARY VAMPIRE'S POSSESSION
2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...