She Who Stole Cupid's Arrow

By alyloony

35.3M 1.1M 344K

Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5 (10/30/14)
Chapter 6 (11/8/14)
Chapter 7 (11/10/14)
Chapter 8 (11/11/14)
Chapter 9 (11/19/14)
Chapter 10 (11/24/14)
Chapter 11 (11/25/14)
Chapter 12 (11/27/14)
Chapter 13 (11/28/14)
Chapter 14 (12/1/14)
Chapter 15 (12/05/14)
Chapter 16 (12/6/14)
Chapter 18 (12/17/14)
Chapter 19 (12/23/14)
Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 21 (12/30/14)
Chapter 22 (1/2/15)
Chapter 23 (01/07/15)
Next update will be on....
Chapter 24 (2/1/15)
Chapter 25 (02/07/15)
Chapter 26 (2/16/15)
Chapter 27 (3/15/15)
Chapter 28
Chapter 29 (3/25/15)
Chapter 30 (4/2/15)
Chapter 31 (04/18/15)
Chapter 32 (5/6/15)
Chapter 33 (5/19/15)
Chapter 34 (6/9/15)
Chapter 35 (6/14/15)
Chapter 36 (6/16/15)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
The Living Arrow - Book 2 of SWSCA

Chapter 17 (12/9/14)

540K 18.3K 9.7K
By alyloony

Dedicated to leily kea 

Tawa ako nang tawa sa comment mo sa Chapter 15 XD Yung Edgar + Unggoy = Edgoy XD Pati yung "baka si Edgar at Ayesha ang nakatadhana?"

Nyahahahaha XD

***

Chapter 17

 

 

[Jillian’s POV]

 

Napatingin ako sa bintana ng kitchen ko habang kumakalampag dito ang malakas na hangin. Sarado ang bintana at hindi ko makita ang labas ng apartment ko pero dinig na dinig ko naman ang malakas na buhos ng ulan.

            Nadinig ko mula sa sala ang news sa TV. Unpassable na ang karamihan ng mga daan. Mataas na rin ang tubig sa ilang parte ng lugar namin.

            Kaya naman ngayon…

            Napatingin ako sa boss kong nakapangalumbaba sa may sofa ko habang nanunuod ng news. Naka-suot siya ng hoodie na blue, maong pants at rubber shoes. Isang magandang bagay sa opisina namin ay wala kaming dress code. Dahil publishing company naman ito, kahit simpleng t-shirt at pantalon lang, okay lang.

            Simple lang pumorma si Sir West. Bagay naman sa kanya ang mga damit na sinusuot niya kasi maganda built ng katawan niya. Pero kahit anong simple niya pumorma, hindi nawawala yung aura niya na alam mong angat siya sa buhay.

            Kaya naman nang makita ko si Sir West na nakaupo sa bulok kong sofa habang nanunuod sa t.v kong hugis kahon ay para akong biglang nanliit.

            Tinignan ko ang ref ko kung ano ang pwede kong ipakain sa kanya. Tanging dalawang pistel ng tubig, isa bote ng peanut butter, isang can ng liver spread, at isang pack ng sandwich spread lang ang nakita kong laman nito.

            Binuksan ko ang cupboard ko at ay bumungad naman sa aking tatlong lata ng 555 tuna Mechado flavor.

            Nasaan na ang mga pagkain kong matitino?! Nasaan na?!

            Naiumpog ko ang ulo ko sa ref ko.

            Napaka-hina ko talaga. Kanina nung sinabi sa akin ni Sir West na gagawin niyang possible ang impossible, parang lumundag ang puso ko at parang na touch ako. Ewan. Siguro dahil siya ang kauna-unahang lalaking nakapagsabi sa akin ng ganyan. He made me feel special. Kaya naman hindi ko magawang humindi sa kanya nang alukin niya akong ihatid.

            Pero habang nasa byahe kami, doon ako nagsisi. Naalala ko kasi ang pana. Hindi naman niya gagawin at sasabihin ang lahat nang ito kung hindi dahil sa pana ni Cupid.

            At ewan. Nalungkot ako sa thought na ‘yun.

            Pero hindi ko na nagawa pang malungkot nang mas matagal dahil pagkarating namin sa bahay, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Nag stay lang siya saglit para magpatila kaya lang, tatlong oras na siyang nandito at hindi pa rin tumitila ang ulan. At ayon sa balita, mukhang wala pa itong planong tumila hanggang bukas ng umaga.

            “Jillian.”

            Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si West. Nakita ko na nasa likuran ko na pala siya.

            “Uhmm Jilian, sabi sa news na baka abutin daw bukas ng hapon ang bagyo kaya naman nag suspend na kami ng pasok bukas sa trabaho.”

            So ibig sabihin hindi talaga siya makakauwi.

            “O-okay lang bang nandito ako ngayon?” tanong niya sa akin na para bang nahihiya-hiya.

            “Oo naman! Ayos na ayos lang. Hindi naman kita hahayaan na umalis habang bumabagyo,” ang tanging problema ko lang ay wala akong maipapakain sa’yo.

            “Salamat Jillian ah?”

            “Kaso may problema…”

            “Ano ‘yun?”

            Ipinakita ko sa kanya ang dalawang de lata na hawak ko.

            “Eto lang ang kaya kong ipakain sa’yo eh...”

            Bigla naman napangiti ng malawak si Sir West, “ayun lang ba? Walang problema.”

            Kinuha niya sa akin ang de-lata at nagpaalam na makikigamit siya ng lutuan ko. Hinayaan ko siya habang ako naman ay nag sa-saing. Iginisa ni Sir West sa bawang at sibuyas ‘yung tuna. At infairness, nagutom ako bigla sa amoy nito.

            Maya-maya lang din, ay natapos na siya sa pag gi-gisa at naluto na rin ang sinaing. Sabay namin pinagsaluhan ang simpleng hapunan.

            “Infairness, mas masarap pala ‘to kung ginigisa ah,” masayang sabi ko. “Siguro marami kang alam sa kusina ‘no?”

            Bigla naman napayuko si West, “u-uhmm, n-nabasa ko lang y-yung style na ‘yan doon sa isa n-nating manuscript.”

            “Oh…I see.”

            “P-pero marunong ako mag luto ng lasagna.”

            Napangiti ako, “buti ka nga marunong mag-luto eh. Ako hindi. Nasanay na kasi ako bumili diyan sa kanto ng ulam at kanin. Tutal mag-isa lang din naman ako sa bahay.”

            Napaangat ulit ang tingin niya sa akin, “wala ka bang kapatid? Nasaan ang parents mo?”

            I shrugged my shoulders, “hindi ko alam.”

            Hindi nagsalita si West pero halata sa expression niya na maraming bagay pa siyang gustong itanong sa akin.

            “Hindi ko alam kung may kapatid ba ako o wala. Hindi ko kasi nakilala ang mama ko. Ang papa ko naman, busy ako itago kasi malaking issue pagka nalaman na may anak siya sa labas.”

            Nakita ko ang gulat sa mga mata ni West nang dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit na-banggit ko sa kanya ang bagay na ‘yun. Tanging ang mga kaibigan ko lang na nagmula sa bahay ampunan at ang mga madre na nag-alaga sa amin ang nakakaalam ng bagay na ‘yan. At siguro si Cupid since wala naman ata siyang hindi nalalaman tungkol sa akin kahit hindi ko ikwento sa kanya.

            Pero kasi, ewan, parang ang gaan ng loob ko ngayon kay Sir West.

            “P-pwede ko bang tanungin kung sino?”

            Nginitian ko siya, “Si Ricardo Evangelista.”

            Mas lalong nanlaki ang mga mata niya, “yung senador?!”

            “Oo siya nga.”

            Biglang napa-kuyom ang kamay ni West at nakita ko ang inis sa mata niya.

            “That guy! Akala namin mabuting tao. Tinulungan pa naman ng pamilya namin sa pangangampanya niya tapos biglang---“

            “Wait, wait,” pag putol ko sa sinasabi niya. “Tinulungan ng family niyo?” biglang nanlaki ang mga mata ko.

            Mga Martinez ang tumulong kay Sen. Evangelista. (Oo hindi ko siya tinatawag na papa, tatay, daddy o ama.) Yung mga Martinez na may ari ng biggest telephone company ng bansa.

            Napabitiw ako bigla sa kutsara na hawak ko dahil sa realization kung sino ang nilalang na nasa harapan ko ngayon.

            Pak---shet.

            Si West Martinez? Anak siya ng isang business tycoon tapos—tapos---pinapakain ko lang siya ng 555 tuna! Tapos napana ko pa siya!

            Yung anak ng business tycoon.

            Napalunok ako. Baka ipapatay ako nito pag nalaman niya kung anong kagagahan ang ginawa ko sa kanya.

            Three days straight pa naman siya nagpa-breakfast sa opisina!

            “Bakit isa kang editor in chief ng isang publishing company?!” tanong ko sa kanya at medyo napataas ang boses ko kaya nagulat siya.

            “I-I’m not interested in our family business,” nahihiya-hiya niyang sabi.

            Hindi ako halos makapag salita. Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang taong born with a golden spoon on his mouth na paglaki ay pinili na lang magpaka low profile.

            At ang humble ng dating niya sa paningin ko.

            “A-ang tanga ko ‘no?” halos pabulong niyang sabi at namula na naman siya.

            Napailing ako bigla, “no! You’re amazing!”

            “H-ha?”

            “I mean, grabe. Nasa harap mo na ang kayamanan pero mas pinili mong tumayo sa sarili mong paa. At para sa akin kahanga-hanga ‘yun.”

            A wide, beautiful smile spread across his, “t-talaga? Ayun yung tingin mo?”

            Tumango ako, “oo naman! As in kahanga-hanga ka talaga!”

            “Thank you Jillian. Ikaw pa lang ang kauna-unahang nagsabi sa akin ng ganyan. P-pero kung sabagay ang opinyon mo lang naman ang mahalaga sa akin eh.”

            Ako naman ngayon ang namula dahil sa sinabi niya.

            “S-so,” he cleared his throat, “dito rin ba natutulog yung pinsan mo?”

            “Pinsan?”

            “Si Eros?”

            “A-ah! O-oo! Minsan nakikitulog yun dito.”

            “Dito rin ba siya uuwi ngayon?”

            Actually hindi ko alam. Pero sana wag dahil ayokong magulat si West na bigla na lang susulpot mula sa hangin si Cupid.

            “Hindi. Baka sa ibang bahay tumuloy ‘yun.”

            Medyo napaiwas ng tingin si West at nakita kong mas lumala ang pamumula ng mukha niya. Sa daming beses ko siyang nakitang mamula, ngayon ata ang pinaka mapula.

            Buti na lang at meztiso ang isang ‘to!

            Nag-taka naman ako kung bakit nag blush siya nang ganyang katindi. Then bigla ko na lang na gets.

            Buong gabi kaming magkakasama ngayon sa iisang bubong.

            Tapos malamig pa.

            Tapos umuulan pa ng malakas.

            Napatingin ako sa namumulang si Sir West. Medyo mahaba ang pilik-mata niya kaya naman parang ang pungay ng mga mata niya. Tapos yung mata niya, itim na itim na para siyang naka-contact lense kahit hindi naman. Tapos yung labi niya mamula-mula. Kung aalalahanin ko maigi, oo, napatitig ako dati sa braso niyang may muscle. Hindi malaki, hindi ubod ng liit, yung tama lang

            Nag-init bigla ang mukha ko.

            BAKIT BIGLA KO NA LANG TINITITIGAN ANG ASSETS NI SIR WEST SA KATAWAN?!

            Dirty thoughts, please leave me aloooneee!

            “Nuod tayong movie!” sabi ko na lang para mawala ang awkwardness namin sa isa’t-isa (at maduduming bagay na naglalaro sa isip ko)

            “S-sige!” natataranta siyang tumayo at tumama pa ang tuhod niya sa lamesa ko kaya naman natumba ang baso niyang may tubig at tumapon ang laman nito sa hoodie niya.

            “H-hala.. s-sorry!” sabi niya.

            Napatayo rin ako bigla at agad ko siyang inabutan ng tissue.

            “Hala nabasa na ang hoodie mo. Wala pa naman akong damit na mapapahiram sa’yo rito. Hala paano na?”

            “N-no worries. May t-shirt naman ako sa loob,” sabi niya sabay pinadaan ang hoodie sa ulo niya para hubarin.

            Medyo sumama yung panloob nyang t-shirt kaya naman sumilip ng onti ang abs niya sa harapan ko. At nang tuluyan na niyang mahubad ang hoodie niya, nag hello sa mukha ko ang biceps niya.

            Oh my gosh. CUPID NASAAN KA? DUMATING KA NA PLEASE AT ILIGTAS MO ANG LALAKING ITO SA KAPAHAMAKAN.

            Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at inumpisahan iligpit ang mga pinagkainan. Mas okay kung hindi ako titingin. Mas okay kung lalayo muna ako.

            “Ah—Jiliian! A-ano tulungan na kita.”

            “Hindi na. Okay lang. Bisita kita. Umupo ka na doon at mabilis lang ‘to,” nakangiti kong sabi. Smile Jillian. Smile at wag ipahalata na may namumugad nang paruparo sa bituka mo.

            “P-pero---“

            “Sige na! Okay lang talaga,” umalis ka na sa harapan ko. Ayokong maakit sa’yo. Hindi pwede. Hindi. Hindi talaga.

            Hindi na ako kinulit ni Sir West at nagtungo na siya doon sa sofa. Ako naman, pilit na pinapakalma ang sarili habang nag huhugas. Buti na lang at nahimasmasan ako kahit papaano.

            Seriously Jillian. Bakit bigla-bigla ka na lang naapektuhan sa boss mo? Mali ‘yan! Maling-mali!

            Pagkatapos kong maghugas, kinuha ko yung hard drive ko na puro mga movies ang laman. Kumuha rin ako nang dalawang kumot na pwede namin ibalot sa sarili namin gawa nang sobrang lamig ngayon.

            Nang bumalik ako, pinapili ko si Sir West kung anong movie ang gusto niya. Good thing he chose a safe-romance free movie---Despicable Me.

            Aliw na aliw pa rin ako sa mga minions. At nakakatawang isipin kasi hindi pa pala ito napapanuod ni Sir West. Kaya naman nang matapos naming ang Despicable Me, pinapanuod ko naman yung part 2 nito sa kanya.

            Nasa kalagitnaan na kami nang movie nang medyo makaramdam na ako ng antok. Nanlalabo at napipikit-pikit na nga ang mata ko eh. Halos hindi ko na ring naiintindihan ang pinapanood ko.

            Naramdaman ko ang kamay ni Sir West na inaalalayan ang ulo ko pahiga sa dibdib niya. Hindi ako pumalag. Hinayaan ko lang ang ganoong pwesto.

            Masyado kasi komportable.

            To be continued…

***

#TeamKanluran

#TeamKupido

#TeamLuke

#TeamEdgar (?!!!)

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 353 2
Amidst a town plagued by evil spirits, a lone doctor and a ravishing priest find themselves battling not only the demonic forces threatening their co...
66.4K 3K 13
Isang babae ang mahilig sa music. Halos lahat ng bagay na kanyang ginagawa ay binibigyan niya ng karampatang musika. Lagi na lang siyang nabobroken h...
6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...