The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Twenty-Two

195K 5.4K 1K
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-TWO

SABI NILA, sa mga istorya daw ay laging may panggulo.

            Sa kaso ng istorya nila Sapphire at Johann, mukhang hindi naman si Czarina ang gugulo sa kanila. Kundi ang isang lalaking naglalakad ngayon palapit kay Sapphire na kung makatingin ay parang alam lahat ng pinakatatago niyang sikreto.

            Napakalakas ng presensiya nito dahil sa dominenteng paglalakad na nahahawi ang mga tao sa dinaraanan nito.

            "Hey," bati nito nang makalapit sa kanya.

            Tinaasan niya ito ng kilay. "Anong gusto mong pag-usapan natin, Ibarra?"

            Inakbayan siya nito at parang nanigas ang balikat niya. "Come on. Let's talk somewhere private and comfortable." Iginiya siya nito sa loob ng isang mamahaling restaurant na nasa loob ng Greenbelt.

            Classy at tahimik ang loob. Mangilan-ngilan lang ang mga tao. Pinaghila siya nito ng upuan nang iginiya sila ng isang butler sa bakanteng mesa.

            "What do you want to eat?" he asked while sitting on his chair infront hers.

            "Sabi mo, mag-uusap lang tayo." Humalukipkip siya. "I even cut my bonding time with my Mom just to talk to you. Now, I want things straight to the point," she demanded. Nagsa-shopping sila kanina ng Mommy niya pero kailangan niyang umalis agad nang tumawag sa kanya ang pinsan ng asawa niya. Buti na lang pinayagan siya ng ina at nakipagkita na lang ito sa mga amiga nito.

            May mga naglarong ngiti sa mga labi nito. He leaned back on his seat and stared at her.

            Nag-serve ng red wine ang isang waiter kaya hindi niya naangilan si Ibarra or 'Bari', that's what his cousins call him.

            Pagkaalis ng waiter ay tinaliman niya ang tingin rito. "Ano ba kasing sasabihin mo?"

            He reached for his wine and smelled it. "Bakit ba lagi kang nakaangil sa'kin? What did I do to you?" nakangising tanong nito.

            "I'm a man-hater, remember?" press release niya.

            He chuckled. Pero parang kalkulado naman ang pagtawa nito. Mahina at maiksi lang. "You're not. I know. You're just a frustrated man-hater, Sapphire. Kahit ang pinsan mong si Reeve ay napansin din iyon."

            "Hindi naman kami laging nagkikita ni Reeve kaya how come he can conclude that?"

            "Oh, protective cousins have their own ways, Sapphire."

            Kumunot lang ang noo niya. "Just tell me what you want to tell me, Bari. I don't have all the time in the world," mataray niyang sabi. "Kailangan ko ring umuwi to catch dinner with Johann."

            Makahulugang ngumiti ito. "Johann. That long-lost cousin of ours." Napailing-iling ito. "Obviously, you have fallen in love with him. Kaya mas lalong tumitibay ang konklusyon namin ni Reeve na hindi ka talaga man-hater."

            "What's with you and Reeve? Pinag-uusapan niyo ba 'ko? And are you two close?"

            "The point is this, Sapphire."

            "Hah! Finally, sasabihin mo na rin. This is such a waste of time kung tumagal pa."

            "Reeve's step-sister is back from somewhere. You know her. Czarina, right?"

            "What about her?" patay-malisyang tanong niya.

            He looked straight at her eyes. He even mockingly smiled. "Tinatago mo siya kay Johann."

            "W-What? Of course not! B-Bakit ko naman siya itatago?"

            "Para hindi sila magkita."

            "Bakit naman ako magsasayang ng oras na hindi sila pagkitain?" pagmamaang-maangan niya pa. Malapit na siyang tamaan ng kidlat.

            He drank his wine while looking at her. Makahulugan ang tingin nito na para bang alam na alam nito ang rason niya.

            "You don't want Johann to realize that he has still feelings for his childhood sweetheart. For more than ten long years, Johann waited for the right time to court Czarina. Then after months of courting her... binasted lang siya. Ouch."

            Hindi siya nagsalita.

            "And while mending his broken heart, pumasok ka sa eksena. Nag-alok ka ng kasal. A convenient marriage that will just last for a year. Para lang makuha mo ang mana mo." He laughed quietly. "And eventhough you never have fallen in love before, Sapphire, at the back of your mind, alam mo kung anong rason ni Johann kung bakit siya pumayag."

            Nakuyom niya ang kamay na nasa ibabaw ng mesa. "He wanted to help me. Ganoon siya. Matulungin sa kapwa."

            He ignored her answer. "Ano ba ang kailangan ng mga sawi sa pag-ibig? Para hindi nila gaano maramdaman ang sobrang sakit? Tell me, Sapphire. Kahit hindi expert sa love, masasagot iyan."

            She gritted her teeth.

            He smiled mockingly. "A distraction. Johann needs distraction at that time. And you came in the right time, Sapphire. You know very well, that you're just a distraction."

            Parang gusto niyang ibuhos ang wine niya sa pagmumukha ni Bari. "Well, hindi na ngayon!" buong diing sabi niya. "At first, yes. I know that Johann needs a distraction and I took advantage of that by asking him to marry me para makuha ang mana ng Lola ko. We both benefited from it. Pero ang mga sumunod na araw na magkasama kami sa iisang bahay, hindi planado ang mga iyon. Lalo na nang mahulog kami para sa isa't isa."

            "Oh. He said he loves you?"

            "Yes."

            "Interesting. And Czarina's back. More interesting."

            "Abnormal ka ba? What are you saying?"

            "You don't want Johann to know that Czarina's back. You don't want them to see each other. Because it will stir up a feeling from Johann. A feeling that he tried to forget because he was distracted by your presence."

            Gusto niyang takpan ang tainga. Alam na niya ang pinupunto nito.

            "Natatakot ka," sabi pa nito. "You're afraid that Johann will soon realize that he's not really inlove with you."

            Hinawakan niya ang baso ng wine niya. Kaunti na lang, itatapon niya na rito ang alak. Ang dami nitong alam. At totoo ang lahat ng alam nito.

            "What do they call it? 'Rebound', isn't it?"

            "Shut. Up."

            "Kapag alam mo na ang isang bagay, huwag mong uutuin ang sarili mo na kunwari hindi mo alam para hindi ka na lang masaktan." Napailing-iling ito. "I know your big pride does not want to accept that fact, Sapphire. Pero, hanggang kailan mo ba maiiwas si Johann kay Czarina?"

            "I'll do it! Even if it takes me forever."

            "Tsk tsk. Not a wise and smart decision, Sapphire. Hindi lang si Johann ang niloloko mo, pati na sarili mo."

            "Pero kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat, even the most impossible things just to keep safe the love that you have."

            Kumislap ang mga mata nito. "Is there even a love between you and Johann to start with?"

            Parang naiiyak ni Sapphire sa pagkainis. "Bakit mo sinisiraan si Johann sa'kin? He's your cousin."

            "Hindi ko siya sinisiraan. Nagsasabi lang ako ng totoo. You're a girl. I don't tolerate guys and even my cousins to fool girls unless... you are willing to be fooled. Gusto mo bang sinasabihan ka ni Johann na mahal ka niya, well in fact, overwhelmed lang talaga siya sa presensiya mo sa buhay niya? But then again, Czarina's here..." He leaned close to her. "Saan ka na nakalugar, Sapphire?"

            Parang may kung anong matalim na bagay na bigla na lang tumusok sa puso ni Sapphire. Dahil sa sakit na naramdaman sa dibdib, umangat ang kamay niya at malakas na sinampal ang mukha ni Bari na malapit sa kanya.

            Napaatras ito at sumandal sa kinauupuan hawak ang nasaktang pisngi. Nakuha pa nitong ngumisi. "Got slapped, again. This is getting frequent," bulong nito sa sarili.

            "Iba si Johann sa lahat ng lalaki na naka-encounter 'ko. Ilang beses niya iyong napatunayan sa'kin," mariing sabi niya. "Pinatunayan niya sa'kin na hindi lahat ng lalaki sa mundo ay magkakaparehas! He's one of a kind. Kahit anong pagtataray at pagmamaldita ko sa kanya, tinatawanan niya lang. Pagkatapos, paglilinisin niya pa 'ko ng banyo.

            "Oo, Bari. I know that I'm just a mere distraction to him. But you know, what? I don't care! Unang beses kong naramdaman na magkaroon ng isang kaibigan at kakampi kay Johann. I can feel that he's a real person. Now, if he'll realize that he still loves Czarina, then I won't give up without a fight! Ngayon lang ako nagmahal, kaya gagawin ko lahat, to win him over. Ang lokohan puwedeng mauwi sa totohanan. Kaya kung niloloko man ni Johann ang sarili niya na mahal niya 'ko, then I will make a way, para maging totoo iyon!" buong tatag niyang sabi nang hindi naiiyak.

            "Afterall, I'm his wife. I will always have a claim on him. Czarina dumped him. Her loss is my gain. At si Johann, takot kay God iyon. He won't dare cheat on me while we were married." Marahas siyang tumayo habang mataman lang na nakatingin sa kanya si Bari.

            "What, you damn jerk? May sasabihin ka pa ba?" mataray na tanong niya.

            Nagsalubong ang mga kilay ni Sapphire nang malakas itong tumawa.  A manly loud laugh. Pinagtinginan tuloy sila nang mangilang-ngilang customers at waiters.

            "Hey, you alpha jerk! Anong nakakatawa, huh? Stop laughing!" mahinang saway niya rito. Abnormal nga yata talaga ito. Nakaka-intimidate lang ito ng presensiya pero baliw pala.

            Tumigil na nga ito sa malakas na pagtawa at saka napailing-iling. "Oh, women nowadays. Ready to fight for the love of their life."

            "Aalis na 'ko," aniya at saka tumalikod.

            "Come back here," utos nito sa seryosong tinig.

            Ayaw ni Sapphire sumunod ngunit natagpuan na lang niya ang sariling nakaupo na ulit sa kinauupuan niya na katapat ni Bari. Bumalik na ulit ang intimidating presence nito. But she's Sapphire Monteverde-Anderson, dapat hindi niya ipahalata na na-intimidate siya.

            "Let me help you," anito.

            "Huh?"

            "Papiliin natin si Johann."

            "Huh?"

            Inilahad nito ang palad. "Give me your wedding ring."

            Napahawak siya sa daliri kung saan nakasuot ang wedding ring nila. "H-Huh? Why would I give this to you?"

            Misteryosong ngumiti ito. "Do you want to see Johann cry?"

***

NASA tapat na ng bahay si Sapphire nang kusang bumukas ang gate. Iyon pala nag-aabang si Johann sa kanya.

            "Misis! Sino iyong naghatid sa'yong kotse?"

            Pumasok siya sa loob ng gate. "Si Bari."

            "Ha?" gulat na wika nito. Bigla siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat at sinipat sipat ang kabuuan niya. "Bakit siya kasama mo? Dangerous iyong pinsan kong iyon. Buti hindi ka nilamon."

            Muntikan na. "Nagkita lang kami sa mall pagkatapos namin mag-shopping ni Mommy. Eh, nauna nang umuwi si Mommy kaya siya na lang nagprisinta na maghatid sa'kin," pagrarason niya.

            "Nagmo-mall pala iyon," natatawang sabi nito at saka siya niyakap ni Johann nang mahigpit. "I miss you, Misis."

            Napangiti siya at niyakap rin ito. Talagang nasa gate pa lang sila pero nilalambing na siya nito.

            "You smell good. Buti naligo ka ngayong araw?" pang-aasar niya rito.

            "Oo nga, eh. Bigla na lang ako sinipag maligo. Isn't it amazing?" Inakbayan siya nito at kinuha nito ang mga shopping bags niya saka sila pumasok na sila sa loob ng bahay.

            Napangiti na naman si Sapphire nang makitang nakahain na ang dinner nila. Maasikaso talaga ito. Pinasok ni Johann ang mga pinili niya sa loob ng kuwarto nila. Paglabas nito ay siya naman ang pumasok ng kuwarto at nagpalit ng pambahay.

            Nang kakain na sila ay napansin niya na parang biglang tumahimik si Johann. Habang pinagsisilbihan siya nito ng pagkain ay parang wala ito sa sarili.

            Hinawakan niya ang kamay nito. "Are you okay?"

            Napatingin ito sa kanya. "Ha? O-Oo naman." Dinala nito ang kamay niya sa mga labi nito. "May iniisip lang ako. Sige na, kain ka lang."

            "Kumusta pala araw mo?" tanong pa nito.

            "Me and Mommy had so much fun." Saka siya nagkuwento ng mga ginawa nila ng ina. Minus the part na nagkita sila ni Bari. "How about you, how's your day?" tanong niya rito.

            Patapos na pala ito kumain. "Hmm."

            "Anong 'hmm'?"

            "May sasabihin ako. Pero... pero huwag kang magagalit, ha, Misis?"

            Tinignan niya ito. "O...kay."

            Tumikhim ito. "Bale kanina, naghuhugas ako ng pinggan. Pero wala na pala tayong Joy dishwashing liquid kaya lumabas ako at bumili sa tindahan sa kabilang kanto. Pagbalik ko, naghugas na ulit ako ng pinggan. Tinimpla ko na 'yung Joy tapos naglagay ako ng kaunti sa sponge--"

            She boredly looked at him. "Really, Mister? Ikukuwento mo sa'kin step by step iyan?" mataray niyang sabi.

            Natawa ito. "Ito naman. Intro lang iyon. Ano, ahm, pagkatapos kong maghugas ng pinggan may kumatok sa gate. Hulaan mo kung sino."

            Biglang binayo ng kaba ang dibdib niya. Nagkaroon agad siya ng hinala. "Was that... C-Czarina?"

            Ngumiti si Johann. "Bakit nahulaan mo agad?"

            Napalunok siya. So, nagkita na ang mga ito? Biglang nalukot ang mukha niya at saka siya tumayo. Pero hinila siya paupo ni Johann.

            "Tignan mo 'to. Hindi pa 'ko tapos, eh. Selos agad?"

            Marahas na binawi niya rito ang kamay. "What happened after?" angil niya rito.

            Mapang-asar pa itong ngumiti. "Aba, eh di, niyakap ko! Ang tagal naming di nagkita. Na-miss ko iyong kababata ko."

            Agad na sinakop ng selos ang buong pagkatao ni Sapphire. "Niyakap mo pala, huh? You also missed her? Eh, bakit nandito ka pa? Sumama ka na sana sa kanya!" she bursted. "Now, what? You realize that you still love her?! Huh?! Huh?!"

            "Wow. Ang bangis mo, Misis."

            "Johann!"

            "Hala. Kalma lang, Misis. Ano bang pinagsasabi mo? Porket ba niyakap ko at na-miss ko, kailangan ko nang sumama sa kanya? Na-miss ko lang siya pero hindi ibig sabihin niyon, tatalikuran ko lahat ng binitiwan kong salita sa'yo. Halika nga rito." Hinila siya nito hanggang sa nakakandong na siya rito. "Ito ang problema sa selosang Misis. Uber paranoid."

            Binatukan niya ito at akmang lalayo rito pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya.

            "Let me go!" she fiercely said.

            "Ayoko nga. Kasi naman, nagkukuwento ako ng maayos. Pakinggan mo 'ko, puwede?"

            Kumalma nga siya pero iniwas niya ang tingin rito. "What did you feel when you saw her? Don't lie to me. I know you still love her," dire-diretsong sabi niya.

            "Hindi na mahalaga kung anong naramdaman ko. Ang mahalaga sa'kin ay iyong mga sinabi ko sa'yo."

            "You still love her...I'm just a distraction. Overwhelmed ka lang sa presence ko. Huwag kang ma-obliga na tuparin ang mga sinabi mo sa'kin kung hindi naman iyon ang gusto ng puso mo."

            Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap nito sa baywang niya. Umalis siya sa pagkakandong rito at hindi na siya nito binitiwan. Nang humarap siya ulit rito ay parang gusto niyang maiyak sa itsura nito.

            Mukha itong nasaktan base sa ekspresyon ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

            "Ganoon kababa ang tingin mo sa'kin?" mahinahong tanong nito. He's serious. His playful smiles have no hint in his lips.

            "J-Johann..."

            "Iyang pagseselos na iyan, nakakakitid ng utak iyan, eh. Sa tingin mo ba, sasabihin ko sa'yong pumunta rito si Czarina para pasakitan ka? Eh di sana kung gusto kitang lokohin, itinago ko na lang, di'ba?" Inurong nito ang upuan at saka tumayo.

            "You hugged her. You missed her."

            "Pero hindi ibig sabihin niyon, hindi na kita mahal."

            Napayuko siya.

            "Masama ba siyang ma-miss? Masama ba siyang yakapin? Sabay kaming lumaki ni Czarina, eh. Kahit naman nasaktan ako nang binasted niya 'ko, tinanggap ko iyon. Kasi hindi naman ako ma-pride na tao para maging bitter sa rejection na iyon."

            "Masisisi mo ba'ko? She might be a threat, Johann. Binasted ka na niya, right? Bakit kailangan ka pa niyang kausapin?"

            "Anong threat? Hindi ganoon si Czarina. Hindi siya maninira ng relasyon ng may relasyon."

            "Now, you're defending her."

            "Ipinagtatanggol ko talaga siya kasi wala namang ginagawang masama iyong tao. Kilala mo ba siya para husgahan agad ng ganyan? Iyan problema sa mga tao ngayon, eh, kung makapanghusga, akala mo mga hindi nagkakasala."

            "Now, I'm pretty sure that you still love her! Masama bang mag-isip ako na baka maagaw ka niya sa'kin? Hindi ko siya kilala, so I don't know what she's capable of!"

            Tinignan siya ng matalim ni Johann. "Pinu-push mo talaga iyan? Na mahal ko siya? O eh di, sige! Oo, Sapphire, mahal ko pa siya! O, masaya ka na?"

            Dahil sa panggigil ay naiyak na siya.

            "Tapos ngayon iiyakan mo 'ko?"

            "I hate you!"

            "Alam mo, Sapphire, siguro nga may katiting pa 'kong nararamdaman sa kanya. Pero siguro, utang na loob na lang. Dahil alam mo ba nung sampung taong gulang ako, iniwan ako ng asawa ng nanay ko sa lugar na wala akong kilala. Doon na lang daw ako sa totoo kong tatay. Dinala niya 'ko sa tapat ng bahay nila Czarina kasi akala ng tatay-tatayan ko, ang ama ni Czarina ang totoo kong ama. Hindi 'ko siya mahabol nang basta niya lang akong iwan doon na nagugutom at umiiyak. Tapos alam mo kung sino iyong nagbukas ng tahanan nila kahit di nila ako kilala? Si Czarina at ang pamilya niya. Pinakain nila ako. Binihisan. Pinag-aral. Wala silang alam sa'kin kundi iyong sinabi kong iniwan lang ako ng tatay ko sa labas. Hindi nila ako inisipan ng masama. Hindi nila hinusgahan na baka bata lang ako na alaga ng sindikato tapos nanakawan ko sila kapag wala sila. Pinagkatiwalaan nila ako.

            "Kaya sabi ko sa sarili ko, kapag may nagtiwala sa'kin, aalagaan ko iyon. Hindi ko sisirain. Kaya nang sinabi mong mahal mo na rin ako, akala ko, may tiwala ka na rin sa pagmamahal ko sa'yo. Tapos malalaman ko na napunta na pala rito si Czarina noon pero tinago mo. At nang i-check ko ang phone ko kanina, nagulat na lang ako na naka-block iyong number niya kaya pala hindi niya 'ko ma-contact. Wala ka pa lang tiwala sa'kin para gawin mo iyon."

            Napabuntong-hininga ito. "Okay lang magselos, Sapphire, pero iyong sapat lang."

            "I-I'm sorry..."

            "Kung mahal ko pa si Czarina, Sapphire, handa akong ignorahin iyong damdaming iyon para sa'yo. Minsan, hindi mo naman kailangan sundin lagi ang puso mo. Makikinig rin dapat sa sinasabi ng Diyos. At naniniwala akong may rason kung bakit sa lahat ng lalaking puwede mong alukin ng kasal, ako ang napili mo. May purpose ako sa buhay mo."

            Seryosong tinignan siya nito sa mga mata. "At gusto kong paniwalaan na ang silbi ko sa buhay mo ay iyong ibigay sa'yo ang pagmamahal na matagal mo nang hinahanap—tunay na pagmamahal mula sa kaibigan at mula sa isang tunay na lalaki."

Johann turned his back. Still upset, he went outside the house.

Naiwan si Sapphire na umiiyak.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
2.3M 75.3K 27
More Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa bu...
321K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
89K 7.6K 38
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...