Unlucky I'm In Love With My T...

Af shyhaida

2.4K 124 27

FREINDSHIP. LOVE. SICKNESS. Ang daya-daya ng TADHANA. Mere

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Author's Note
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen

Chapter Nine

91 10 0
Af shyhaida

Diary

~•~

"Asan na ba yun?" naiinis na hindi mapakali kong sabi.

Kanina ko pa hinahanap yung diary ko pero di ko talaga makita. Di ko naman matandaan kung san ko nilagay. Hinalughog ko na sa lahat ng mga drawers at divider ko, hinanap ko na rin sya pati sa kasuluksulukang parte ng kwarto ko pero wala talagang diary ang nagpapakita.

"Diary ko, magpahanap ka naman..."

Sinilip ko sya sa ilalim ng kama ko, sa ilalim ng maliit na table sa tabi ng higaan ko at kung saan saan na pero ayaw niya talagang magpahanap.

"Please naman oh, magpahanap ka na. Meron akong gustong sabihin sayo. Sobrang sama ng nangyari sa araw ko ngayon. Please... lumabas ka na."

Patuloy pa din ako sa paghahanap at sa tingin ko, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko sya nahahanap. Kelangan ko lang talaga ng kaibigan ngayon na pwede kong sabihan ng problema ko. Di ko naman kasi matawagan si Jessa dahil alam kong may duty pa sya kasi nagtatrabaho sya ng part time pandagdag sa allowance nya. 

Yung iba ko namang mga kaibigan, I'm sure, indi makakarelate sakin yung mga yun tsaka ayokong sabihin sa kanilang mahal ko si Dean ng higit pa sa kaibigan. Alam kong mababaduyan lang yung mga yun sa idea ng magbestfriend na may lihim na pagtingin yung isa. Ayaw nila ng ganung mga love story. Baduy, corny, tanga at mga engot daw yung may ganung love story. Kaya ako, tanggap ko ng baduy, corny, tanga at engot ako para sa kanila. Sabagay diba, parang totoo naman. Pero san na ba talaga yung diary-slash-journal kong yun. Pinagpawisan na talaga ako kakahanap.

Isiniksik ko ulit yung ulo ko doon sa ilalim ng table na nagbabakasakali paring makita yung diary ko, pero pag nakabuntot nga naman talaga si Kamalasan sayo, nabagok yung ulo ko sa may drawer nung table pag-upo ko.

Pati ba naman sa mga oras na ito, minamalas pa din ako? Sobra na.

Hinimas himas ko na lang yung part ng ulo kong nasaktan. San na ba kasi nagsusuot yung diary kong yun. Kung kelan kailangan na kailangan mo sya ay tsaka pa mang iiwan. Tsk. 

Just a smile and the rain is gone
Can hardly believe it (yeah)
There's an angel standing next to me....

Napatigil na lang ako nang marinig kong tumunog yung phone ko. Dali dali kong tinungo ito, pero naku naman! Sasagutin ko ba to? Si Dean kasi yung tumatawag. Nahihiya pa din kasi ako. Bawat birthday nya na nandun ako, laging kamalasan ang hatid ko. Ewan ba kung bakit ultimate fan ko si Kamalasan. Ewan rin ba kung anong nakita nya sakin at inistalk nya ako. Nakakairita na talaga sya.

...an angel calling me,
Reaching for my heart

I know, that I'll be ok now
This time it's real

I lay my love on you
It's all I wanna do
Everytime I breathe I feel brand new

Ang tagal kong nakatunganga, nakatitig lang sa phone kong nasa kama ko. 

Sasagutin ko ba to o ano? Baka pag sinagot ko to, sumbatan nya pa ako ng kung anuano. Ayoko munang makarinig ng masasakit na salita ngayon lalo na't pag galing sa tumatawag na mokong na to.

...and walk right through
As I lay my love on you

I was lost in a lonely place
Could hardly believe it (yeah)
Holding on to yesterdays....

"Ayen, wag mong sagutin ang tawag nya. Susumbatan ka lang nyan. Sisisihin ka lang nyan at sasabihin sayong wala ka ng ibang ginawa kundi sirain ang kaarawan nya. Galit na sasabihin sayong wala ka ng ginawang tama. Puro kamalasan ang regalo mo sa kanya..." naririnig ko itong nagsasalita sa loob ng ulo ko.

Ewan ko kung maniniwala ako o ano. Pano kung sumbatan nga ako ni Dean. Pano kung insultuhin nya ako. Pano kung... Pano kung... Pano kung...

Ano ba? Bat ba ako nag-iisip ng ganito? Hindi magagawa ni Dean ang lahat ng pinag-iisip kong to. Bat ba ako napaparanoid? Para na akong luka luka dito na aabutin tapos hindi yung phone.

Pero sige na nga lang. Magalit man sya, manigaw kaya o manumbat man ay tatanggapin ko ng buong puso bastat marinig ko lang ang boses nya, makakatulog na akong mahimbing.

Hay.

Ewan ko na lang talaga kung makakatulog pa ako ng mahimbig pag sinagot ko to at bulyawan nya ako.

Bahala na nga lang si Batman.

Inabot ko yung phone ko atsaka sinagot nga yung tawag niya.

Be ready Ayen. Be ready...

"Tol.." simula ni Dean na may accent na malumanay.

Hindi sya galit. Parang hindi. Sana nga hindi.

"Tol, ano kasi... may naiwan kang box kanina nang mahulog.."

"Sorry tolbespren. Sorry talaga!" biglang lumabas na lang to sa bibig ko kaya di niya natapos ang sinabi nya.

"Sorry para saan?" nagtataka na may halong pag-aalalang tanong niya.

"Sorry! Sorry! Sorry... Wag kang mag-alala, next year hindi na ako susulpot sa birthday mo para hindi ka na malasin. Sorry talaga kung lagi akong palpak at malas. Sorry!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Yung bang kanina?" narinig ko yung mahina niyang pagtawa.

Talaga nakuha nya pang tumawa eh halos umiyak na nga ako ng pako dito. >_<

"Bat ka ba nagsosorry ha? "

"Sorry.."

Tumahimik sya sa kabilang linya. Dahil sa pagtahimik nya, ibababa ko na sana yung phone kasi ano.. wala lang. Puro na kasi ako sorry dito, wala lang kasing ibang maisip na salita tsaka at the same time nagi-guilty pa din ako sa hatid kong kamalasan. Ibababa ko na sana talaga nang bigla syang magsalita.

"Tol, kanina lang, nakatanggap ako ng pinakamagandang regalo. Regalong hindi maibalot."

Ewan ko ba pero napanganga na lang ako dito sa kabilang linya. Regalong hindi maibalot? Ano meaning non? Nakabalot yung sakin eh so ibig sabihin hindi kagandahan yung regalo ko sa kanya at yung maganda or pinakamaganda ay yung natanggap nyang regalo na hindi maibalot? Anong klaseng regalo yun kung ganon? Buwan? Araw? Hindi maibalot eh. 

Nakakalito talaga si Dean. Ang dami nyang punchline na ang hirap intindihin.

Pero teka nga lang, speaking of regalo, asan na yung gift ko para kay Dean. Di ko pa naibibigay yun. San na yun..

"San na yun..." bulong ko sa sarili ko at nakalimutan kong kausap ko pala si Dean sa linya.

"Ang ano?" natauhan na lang ako ng tanungin nya ito.

"Uh, w-wala. Nevermind." sagot ko agad.

"Yung box na binalot ng gift wrapper ba? Nasakin. Kunin mo na lang bukas."

Nasa kanya? Pano napunta sa kanya yun? Eh diba di ko pa nga binibigay.

"Pano napunta sayo yan?" nagtataka talagang tanong ko na di ko namalayang nakapagtaray ako ng di sinasadya.

Wala na talagang ginagawa si Kamalasan kundi pangunahan ang moves ko. Imbes na ibibigay ko sa kanya ng personal para naman magmukhang sweet ng konti sa imagination ko eh inunahan pa ako. Ang ganda-ganda na sana ng plano mo sa utak mo pero sisirain lang ng bwiset na kamalasan sa isang iglap lang. Nakakapikon talaga.

"Kung naalala nyo pa po, nahulog lahat ng gamit nyo mula sa bag mo. Tinulungan kitang pulutin lahat ng yun kaso nga lang bigla ka na lang tumakbo at lumayo samin kaya naiwan itong box na to." pag-eexplain ni Dean sakin ng marahan at pilit na ipinaiintindi sakin lahat ng nangyari.

Bat ba kasi nakapagtaray ako? Kung naging tao lang tong si Kamalasan, hinagisan ko na sya ng bomba eh. Lahat ng masaklap na mga pangyayaring ito ay dahil sa kanya. Lahat kagagawan nya! Talaga bang wala syang awa? Talaga bang wala syang konsensya? Inano ko ba sya? Wala naman akong kasalanan sa kanya ah?

"S-ssory. Actually para sayo yan. Happy birthday... Babye.." malungkot kong tugon sa kanya.

Feeling ko talaga anlaki ng kasalanan ko. Ang saklap-saklap ng araw ko ngayon. Tapos nawawala pa yung diary ko.

"Teka!" ibababa ko na sana nang marinig ko sya kaya nag-stay yung phone sa tenga ko. "A-ano.. Salamat. Salamat sa napakalaking regalo mo." tsaka nagtawa ng mahina.

 Sigh.

Napabuntong hininga ako dahil sa frustration nang marinig yon. Napakalaki nga talaga ng regalo ko. Effortless lang talagang tignan.

Wag nyong i-take literaly ang word na 'napakalaki'. Irony yun. Actually ang liit-liit-liit nya. Para lang syang kasingliit ng box na lalagyan ng ring. Effortless diba? Para ngang di niya naappreciate eh at nagbiro pa sya ng napakasarcastic.

"Babye.." frustrated kong b-bye sa kanya.

"Yen! Teka! Teka lang. May no...."

"Babye.." pagbabye ko ulit at di na sya pinatapos pa tsaka ko ibinaba yung phone.

Sobrang nafufrustrate lang talaga ako ngayon. Makatulog na nga lang nang mapayapa.

***

Dean's Point Of View

"Babye.." malungkot na malungkot yung boses nya sa kabilang linya.

Alam kong malungkot sya dahil sa nangyari kanina. Kaya nga ako tumawag, nagbabakasakali sanang mapasaya sya kahit konti. Kaso ngayon ay nagdadalawang isip na ako kung mapapasaya ko pa sya. Ni hindi nga sya tumawa sa joke ko tungkol doon sa box. Sa halip na matawa ay sinagot lang ako ng 'b-bye'. Tsk.

Ibababa nya na sana ang telepono kaso pinigilan ko sya. Gusto ko pa syang makausap, marinig ang boses nya, iparamdam sa kanyang wala syang kasalanan sa nangyari dahil panay kasi ang sorry nya at ang ginawa nyang effort kanina ay ang pinakamagandang regalong natanggap ko. Regalong hindi maibalot.

"Yen! Teka! Teka lang. May no...."

"Babye.." tsaka tuluyang ibinaba ang telepono.

Sa halip na mapigilan ko syang ibaba ang telepono ay ako pa itong napigilan nya.

Nasakin ang maliit na box na ito na nahulog galing sa bag nya kanina atsaka itong notebook nyang ayaw nya talagang ipakita at ipabasa sakin ang laman.

Ibinaba ko na lang din ang telepono.

Ang drama talaga ni Ayen kung minsan. Lahat na lang yata ng bagay sineseryoso niya. 

Tama ba namang sisihin niya ang sarili niya sa pagsulpot ni Palatae (Hermes aka John Legend) kanina at ang pagkasira ng selebrasyon sana ng kaarawan ko dahil sa matakaw na yon. Mahirap talagang intindihin ang mga babae. Minsan ang drama, minsan naman sinusumpong ng menopause at minsan din dinaig pa yung chocolate sa sobrang sweet.

Sinubukan kong tawagan sya ulit pero ang napala ko ay bagsakan ng telepono.

Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa may table nang madanggil ng kamay ko yung maliit na box na sabi nga ni Ayen ay para sa akin at yung notebook nya. Nahulog ito sa sahig at yung notebook nabukas. Pupulutin ko na sana ang mga ito pero napatigil ako nang may mapansin ako doon sa nakabukas na notebook. Lumantad sa mga mata ko ang unang pahina nito na kung saan andun yung mukha ko, nakangiti. Nakadikit dito ang picture ko. Hindi ko matandaan kung kelan yun nakunan. Sa baba nung picture ay may kung anong nakasulat. Mga sulat kamay na puno ng disenyo. Binasa ko yun at ang nakasulat ay ganito:

My One and Only,

My Savior,

My Hero,

My Love,

My Dazzling Knight in Shining Armor,

My Prince Charming,

My Handsome...

Dearest

.

.

DEAN

.

.

I Love, Love, Love, Love You So Much. I LOVE YOU, DEAN!

Nangiti na lang ako pagkatapos kong basahin ito. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon bastat ang alam ko ay masaya ang puso ko ngayon. Masyado mang baklang sabihin, gusto ko magpagiling giling ng beywang ngayon at gusto kong maglulundag sa tuwa at gusto kong sumigaw hanggang sa abot ng aking hininga. YES! YES! Gusto kong marinig ito ng buong mundo. Gusto kong makita ng lahat ng tao isama mo na pati alien ang nakasulat sa notebook niyang ito. Galing na mismo sa kanya: mahal niya ako. 

Pinulot ko ng masiglang masigla yung notebook nya. Para bang biglang nabuhay yung dugo ko. Pakiramdam ko nakainom ako ng isang timbang kape. Kahit maghahating gabi na biglang nandilat yung mga mata ko. Nawala ang antok ko ng mabasa iyon.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at sinimulang buklatin ang bawat pahina ng notebook nya. Tingin ko ay diary niya ito. Kahit hindi magandang pakialaman yung pagmamay-ari ng iba ay talagang di ko mapigil ang sarili ko.

AN: Hindi ko na ilalagay dito ang laman ng diary ni Ayen since may mga part or chapter naman dito na nagsusulat si Ayen ng mga nararamdaman niya sa diary niya. Kung gusto nyo pong mabasa yung laman ng diary ni Ayen, just go back to chapters 1, 4, 5 . Andun po yun, I think sa may last part ng mga chapter na instate ko. Basta yun na po instruction ko doon sa may gustong mabasa kung ano yung mga nakasulat sa diary. Thank you.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...