HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

370M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER TWENTY

3M 87.7K 57.3K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Tumambay na muna kami sa Batibot habang hinihintay si Kim matapos ang dismissal ng klase.

"Hoy! Kanina ka pa masaya, ah? Nayaya mo na ba si Kim?" tanong ni Tob.

"H-Hindi pa," nakangusong sagot ko. "Mamaya na lang, hehehe!"

"Bakit parang ang saya mo?" tanong naman ni Lee.

"Masaya ba ako? Hahahaha! Hindi, ah! Normal ko 'to," taas-noo, nakangising sagot ko naman sa kaniya.

"Ano nga? Parang iba 'yung ngiti mo, e!" natatawang banat ni Tob at nginitian ko lang siya.

"Tsh. Nababaliw lang 'yan! C.R. muna ako," paalam ni Lee at naiwan kami ni Tob.

"Share naman d'yan, dre! Bakit nga masaya ka? May good news ba?" interesadong tanong ni Tob. 

Ngumisi naman ako. Tinignan ko pa kung nakalayo na si Lee at saka ako humarap sa kaniya. "Oo, meron!"

"Nice! Ano 'yon?"

"Hahaha! Matatawa ka!"

"Mukha nga! Iba ngiti mo, e. Ano 'yun?"

"Si Taguro!"

"Si Taguro? Shhkk. Oh? Anong meron?"

"Hahahaha!"

"Inuuna tawa, e! Ano nga?"

"Kanina kasi nung nasa library tayo,  nung naghahanap ako ng libro, nakita ko siya. Doon sa kabilang side ng book shelves."  

"Naaaay! Oh, tapos?"

"Hahaha! Tapos...bwahahahahaha!"

"Wag ka kasing tawa ng tawa!"

"Nilag...hahahaha!" halos hindi ko maituloy ang kwento dahil nauunahan ako ng pagtawa ko kaya naman nahahawa siya.

"Ano?" natatawa na ring tanong niya.

"Nakita ko siyang natutulog, hahaha!"

"Oh tapos?"

"Habang tu...hahaha! Habang natutulog sya...bwahahahaha!" hindi ko talaga mapigilan ang matawa.

"Dali na, dre! Ano na, hahaha!"

"Ni...Nilagyan ko siya ng bub...hahahahhaa!"

"Anak naman ng...Pabitin, e! Anong inilagay mo? Hahaha!" natatawa na rin sya talaga. Ang lakas pa namang tumawa ni Tob.

"Hahahahaha! Nila---Nilagyan ko siya ng bubble gum, hahahaha! Nilagayan ko siya ng bubble gum sa buhok niya, bwahahahahaha!" mabilis na kwento ko at saka bumulalas ang mas malakas ko pang tawa.

Napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang pagtawa.

Bwahahahahaha!

At nung mahimasmasan ako ay doon ko lang napansing hindi na tumatawa si Tob. Seryoso na siya.

"Hahaha! Oh, bakit?" nakangiti pa ring tanong ko. Nagtaka ako bigla sa gulat na itsura niya pero bahagya pa rin ako'ng natatawa.

"Ano?" gulat na tanong niya.

"Anong ano?" natatawa pa ring tanong ko.

"Nilagyan mo sya ng bubble gum sa buhok?"

"Bwahahahaha, oo! Tawa nga ako ng tawa habang binibilog ko isa-isa 'yung bubble gum! Pito ata 'yung inilagay ko! Kanina nga nung nasa library pa tayo gusto kong tumawa ng malakas kaso---""

"Siraulo ka ba?" pigil niya sa'kin at natigilan ako. Salubong ang kilay niya at animong galit.

"Bakit?" inosenteng tanong ko.

"E pano matatanggal 'yun?"

"Tch! Hindi ko na problema 'yun! Hahahaha--" Nahinto ako sa pagtawa nang bigla ay may sumapak sa akin!

"Deib!" gulat din na reaksyon ni Tob.

Napahawak pa ako sa panga at saka ko inis na nilingon ang pinanggalingan ng sapak na 'yon. Ngunit halos 'di ko makilala ang nasa harap ko. "T-Taguro?" mahinang pagtawag ko, sinisiguro kung ito nga ang kaharap ko. Ngunit sa halip na sumagot ay sinapak niya muli ako. "Aray! Ano ba? Masakit, ah!" inis na sigaw ko sa mismong mukha niya.

"Ano kamo?" galit ring tanong niya.

"Masakit! Bakit ba nananapak ka na naman?"

"Tss! Gago ka talaga e, no?"

"W-What?" tugon ko.

 Muli akong nagulat naman ako nang biglang daklutin niya ang kwelyo ng uniform ko gamit ang dalawang kamay upang magpantay ang mga mukha namin.

"Ano bang atraso ko sayo, ha?" halatang nanggigigil na tanong ni Taguro. Kitang kita ko sa mata niya na galit talaga siya.

Bahagya akong nakaramdam ng kaba. "Ano rin bang atraso ko sa'yo, ha? At saka pwede ba?!" pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko ngunit masiyado siyang malakas. "'Wag ka ngang umastang parang ang lakas lakas mo? Dahil kapag pinatula---"

"H'wag ka rin magsalita na parang alam mo kung anong kaya kong gawin sa'yo." seryosong tugon niya, natigilan ako.

"Wa--" magsasalita na sana ako pero biglang sumulpot si Lee at hinawakan siya sa kamay saka pilit na inalis ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko.

"Max," mahinang tawag pa ni Lee sa kaniya. "Hindi magandang tingnan para sa isang babaeng gaya mo ang manapak ng lalaki," pormal pang dagdag niya.

"Ha," maangas na singhal ni Taguro at saka humarap kay Lee. "Kung hindi magandang tignan sa babae ang ginagawa ko, di hamak namang mas panget tingnan para sa isang lalaki ang pinaggagagawa nito," sigaw niya kay Lee habang nakaturo sa'kin. Pero nanatili sa kaniya ang paningin ni Lee.

Wow! Ang kapal ng mukha nitong gunggong na 'to? Siya na nga 'tong inililigtas lagi ni Lee tapos.., "Hoy Taguro!" inis na pagtawag ko pero tiningnan niya lang ako sa gilid ng mga mata niya. "Hindi porket mabait sa'yo 'yang kaibigan ko e sisigaw-sigawan mo na lang." 

Humarap siya sa'kin at muling nagtama ang paningin namin. Nangunot ang noo ko at kasunod no'n ay napalunok ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang epekto ng tingin niya sa akin. Parati iyon.

Ngunit sadyang 'di ko magawang labanan ang mga titig niya. Lalong lalo na ngayon. Bakas ang galit sa mga mata niya at talagang masama kung tumingin.

Nasanay akong blangko ang emosyon sa mukha niya kaya naman kinakabahan ako dahil mukhang galit talaga siya...

"Max, enough," mahinang pakiusap pa ni Lee.

"H'wag kang makialam," pagmamatigas ni Taguro habang sa'kin nakatingin.

"Ikaw lang ang inisiip ko--" 

"Hindi ako interesado sa iniisip mo," pambabara ni Taguro.

"Lee, hayaan mo siya," sabat ni Tob. Nilingon naman namin siya. Seryosong seryoso ang mukha niya kaya naman nakisang-ayon ako sa kaniya.

"Oo nga! Hayaan mo siya, Lee! Alam mo namang wirdo ang isang 'yan," singhal ko pa habang nakaturo kay Taguro.

"Bakla ka ba?" maangas na tanong ni Taguro sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko. "What??"

"Tinatanong ko kung bakla ka ba?"

"Bakla? Ako? Ha! At ano sa tingin mo? Hahalikan kita dahil sinabihan mo akong bakla?" pigil ang inis na tanong ko ngunit hindi nagbago ang sama ng tingin niya.

"Deib," biglang lumapit mula sa kung saan si Kim. Gulat naman akong nilingon siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Kim," mahinang tawag ko rin. Ngunit hinarap niya na si Taguro at sinampal ito.

Nanataling nakaharap sa gawing tagiliran ni Taguro ang mukha niya dulot ng malakas na pagkakasampal ni Kim. Maangas pang hinawakan niya ang pisngi niya at animong tiningnan pa kung dumugo ang labi niya.

"Oh my God," gulat na reaksyon ni Migz, noon ko lang sila napansin. 

"Hey, awatin niyo, please," si Michiko.

"Hindi. H'wag tayong makialam," seryosong sabat ni Parrot na masama rin ang tingin sakin.

'Anong itinitingin tingin ng isang 'to? Parrot!

"All this time," dinig kong panimula ni Kim, nilingon ko siya. "All this time, I was on your side. We even had an arguement because of you! Ikaw ang pinaniwalaan ko, tapos ganito? So, it's true? That you really don't care who you're dealing with?"

"Kim, tama na," sabat ni Lee pero tinignan lang siya nito.

"No, not this time, Lee" seryosong ani Kim habang deretsong nakikipagtitigan kay Taguro. "Ang kapal ng mukha mo, who do you think you are?"

"You don't wanna know," malumanay at seryosong tugon ni Taguro. Hindi ko maipaliwanag ang mabilis na paninindig ng mga balahibo ko.

Ayon na naman 'yung walang emosyong mukha ni Taguro. Salubong na salubong naman ang mga kilay ni Kim sa pagtataka.

"Yeah, right! Ilang beses kitang nilapitan, tinulungan, tapos ganito ang igaganti mo? This is Deib Lohr Enrile! Alam mo ba kung ano si Deib sa'kin?"

"Alam mo rin bang wala akong pakialam kung ano siya sa'yo?" mayabang na tugon ni Taguro. "At mas lalong wala akong pakialam sa pagkatao ninyo. Hindi ko kinailangan ang paglapit at pagtulong mo kaya 'wag mo kong sumbatan na para bang humingi ako ng tu--"     

Nahinto siya sa sinasabi upang pigilan ang ambang pananampal muli ni Kim.

"Tama na 'yong nakaisa ka na, 'wag ka ng dumalawa pa, dahil ako ang 'di mo kilala," seryosong sambit pa ni Taguro sa mismong mukha ni Kim habang gigil na nakapigil sa braso nito. "Baka ma-ulul 'yan kapag sinaktan kita?" animong naghahamon pang dagdag ni Taguro na isinenyas pa ako.

At saka niya malakas na binitiwan sa ere ang braso ni Kim na gulat namang nakatingin sa kaniya. Mabilis na humarap sa'kin si Taguro at nagtamang muli ang mga paningin namin. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang bilis ng tibok ng puso ko na idinulot ng mga masamang titig niyang 'yon. Bumuntong-hininga pa siya bago lumunok.

"Siguraduhin mong may maganda kang dahilan para dito, dahil sinasabi ko sa'yo, iiyak ka sa harap ko, kapag nagkataon," banta niya pa, mas kinabahan naman ako. "Tara," anyaya niya sa mga kasamahan at saka mabilis na tinalikuran kami.

Hindi ko maintindihan kung bakit tumatak sa isip ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? 

"Pasalamat ka, hindi pumapatol sa babae 'yun," nakangising banta ni Parrot kay Kim at saka sumunod sa kanila.

Kabado akong sinundan lang sila ng tingin. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Gusto kong magalit ngunit sadyang lamang ang guilt na nararamdaman ko. 

Hindi binanggit ni Taguro ang tungkol sa bubble gum, pero dahil guilty ako ay alam kong 'yon ang dahilan ng galit niya. Iyon lang ang pwedeng maging dahilan para magkaganito siya.

"Deib, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kim, bumaling ako sa kaniya. "May I see your face?"

"I'm okay," tipid na sagot ko.

"Una na ako," biglang sabat ni Tob. Gulat akong napalingon sa kaniya. Seryosong seryoso ang mukha niya. Alam kong badtrip siya. Nagulat pa ako nang biglang tumingin siya sa'kin ng may sama sa tingin. "Ayusin mo 'yan," bulong niya pa at saka tinalikuran kami.

"Anong nangyari 'dun?" biglang tanong ni Lee. 

Nagkibit-balikat naman kunwari ako. "Ewan ko," pagsisinungaling ko.

"Tsh! Ano bang nangyari? Anggulo," inis pang singhal ni Lee. Hindi na ako kumibo. Napabuntong-hininga na lang ako ng sobra'ng lalim. 

"We're going to the mall, you wanna come?" biglang yaya ni Kim sa pinsan.

"Hindi na, you need a quality time together," nakangiting tanggi ni Lee at saka bumaling sa'kin. "I'll see you tomorrow."

"Ingat." Pinanood ko ang paglayo niya.

Ayusin mo 'yan. Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang huling sinabi'ng 'yon ni Tob.

"Sorry." biglang ani Kim kaya naman bumalik ako sa wisyo at gulat na nilingon siya. 

"Sorry for what?"

"Nagi-guilty ako," nakatungo pang sagot niya. "Ilang beses kong kimpihan 'yong Taguro na 'yon! Imagine, nag-away pa tayo dahil sa kaniya tapos ganito lang pala ang ginagawa niya sa'yo? Nakita ko ang ginawa niya! Psh! Siya lang ang nakagawa niyan sa'yo," malungkot pang dagdag niya at natigilan naman ako. 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at mas nangibabaw ang guilt na nararamdaman ko. "Just don't think about it, okay?" pag-iiba ko na lang ng usapan. "Hindi na natin siya dapat isipin. Mag-enjoy na lang tayo sa mall. Let's go."

"Are you sure you're okay?" nag-aalala pa ring tanong niya kaya napangiti naman ako.

"Oo naman! Tch! 'Yon lang? Pft! Babae pa rin 'yon kahit papano, hindi ko 'yon papatulan." utal pang naisagot ko.

Pagdating sa mall ay mabilis naming nalimutang pareho ang nangyari. Pareho kaming nagsaya habang magkasama.

"Where do you wanna eat?" tanong ko.

"I want pizza," nakangiting sagot niya at saka kami naglakad papunta sa Pizza house.

"Good afternoon, Ma'am, Sir, welcome to Sbarro," nakangiting bati pa nung crew. Iniwan ko si Kim sa couch at pumunta na ako sa line.

"What's your order, Sir?" tanong pa nung babae sa line at sinabi ko naman ang lahat ng orders ko na agad rin naman niyang nakuha kahit pa marami.

"Tagal mo naman?" nakangiting salubong sa'kin ni Kim pagbalik ko.

"Marami akong in-order e," nakangiti ring sagot ko at saka naupo sa tabi niya.

"Hahaha! Bakit? Gutom ka?"

"Sobra! Hehehehe!"

Nung mai-serve ang orders namin ay sinimulan na naming kumain habang nagkukwentuhan.

"Kim?" panimula ko.

"Hmm?"

"Bukas, tayo ang partners, ah?" nakangiting tanong ko.

"Oo naman!" bakas ang tuwa na sagot niya. Napangiti agad ako. "Akala ko hindi mo na ako tatanungin. I was about to worry."

"Nahihiya kasi ako."

"Huh?" natatawang tanong niya. "Hahaha! Ilang years na tayong partners, Deib, ngayon ka pa ba naman nahiya? Psh! Kung kailan last year na na'tin sa BIS."

"E kasi...hindi mo pa ako sinasagot. Naisip ko, baka may iba kang ka-date--"

"Nako, ah!" pigil niya sa'kin. Napapahiyang tumingin naman ako sa kaniya. "Hindi ako ganon, no."

"Biro lang, hehehe!" palusot ko. "Susunduin kita ha?"

"Of course!" agad na sagot niya. "I'll wait for you, promise!" 

Saraaaaap!

Tinapos lang namin ang pagkain ng pizza at inihatid ko na siya sa kanila. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Manang.

"Oh? Bakit ngayon ka lang?" mataray na tanong ni Noona na deretsong nakatingin sa'kin. "Hindi ba't alas singko ang tapos ng klase mo--"

"Oh ayan!" pigil ko sa kaniya at saka ko inis na inilapag sa harap niya ang mga pasalubong kong pagkain.

"Wow! Its so sweet of you! Alam na alam mo talaga ang weakness ko, brother, I love you!" pang-uuto pa ni Noona.

"Tch!" singhal ko at saka humarap kay Manang. "Kumain na po muna kayo dito, Manang." 

Lumapit si Manang at gulat pa akong makitang kasunod niya ang mga anak niya. Nakangiti akong sinalubong sila.

"Kuya Deib!" sabay pang tawag sa'kin nina Nono at Joan, mga anak ni Manang.

"Oh, Nono! Joan! Nandito pala kayo! Tamang tama, may pasalubong ako. Kain muna kayo." 

"Oh, may pasalubong sa inyo ang Kuya Deib ninyo, ano'ng sasabihin ninyo?" si Manang. Humarap naman sa'kin ang dalawang bata.

"Salamat, Kuya!" nakangiting sunod nila at natuwa naman ako sa itsura nila.

"Kumusta Nono?" baling ko sa batang lalaki.

"Okay naman po, Kuya," sagot nito.

"Ikaw Joan?" baling ko naman sa batang babae.

"Okay din po, Kuya, maganda pa rin," bibong sagot naman nito.

"Nice to hear that," nakangiting sagot ko pa. "Oh, kumain kayo ng marami ah? Ang papayat niyo na."

"Ikaw, Kuya?" tanong ni Joan.

"Tapos nako, thanks, Joan," sagot ko pang hinimas ang tiyan ko.

"Nako!" sabat ni Noona. "Tapos ng kumain 'yan dahil may pasalubong na. Malamang ay nag-date na naman sila ng pangarap niyang gawing prinsesa na hanggang ngayon ay hindi--"

"H'wag niyo ng bigyan 'yan ah?" inis na utos ko kila Manang at mga bata habang nakaturo kay Noona na agad nanlaki ang mga mata.

"Na malapit na malapit na siyang sagutin!" biglang pag-iiba ni Noona. "'Yon ang sasabihin ko dongsaeng, ano ka ba? Psh!"

"Tch! Aakyat na ako, gisingin mo 'ko bukas before lunch, Noona," utos ko.

"Bakit?"

"After lunch ide-deliver 'yong suit ko for tomorrow. Kailangang ako ang mag-receive."

"Okay! Before ako pumasok, I'll wake you up."

"Thanks. Akyat na ako! Manang, oy mga bata! Kain lang ng kain ah?"

"Opo, Kuya! Dito rin po kami matutulog, kaya magkikita pa tayo bukas!" si Joan.

"Ah, talaga? Sige, labas tayo sa Sunday," nakangiti pang yaya ko at natuwa naman agad sila.

"Yeeeheeeyyy!" 

Hindi ko na pinatagal pa ang usapan namin at mabilis na akong umakyat sa kwarto ko. Nagpahinga lang ako at saka naligo. Pagkahiga ko sa kama para matulog ay 'di na ako nilubayan ng kaiisip.

Alam ko namang hindi tama 'yung ginawa ko kay Taguro...hindi ko lang talaga inaasahang aabot sa ganito. Napabuntong-hininga ako. "Tch! Sino ba talga ang nagsimula?" biglang inis na bulong ko sa sarili. "Ako ba talaga? Tch! E siya 'tong tumingin sakin ng masama! Kung hindi niya ginawa 'yon ay hindi ko siya papatirin. Kahit naman ganito ang ugali ko na mahilig mang-trip ng mga newbies, may isang salita ako. Hindi ko na naman talaga dapat uulitin ang pangti-trip sa taon na 'to gaya ng sinabi ko kila Lee at Tob. Pero ng dahil sa kaniya ay sinuway ko ang sarili kong sinabi," inis akong napasuntok sa unan ko. "Oo, Deib! Tama ang ginawa mo at wala kang dapat ika-guilty. Isa pa, basura lang naman sa school niyo ang Taguro na 'yon at 'di mo na siya dapat pang pakialaman!" 

Matapos kong magmuni-muni ay kusa akong dinalaw ng antok.

Continue Reading

You'll Also Like

67.7K 885 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...
1.2M 51K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
96.5K 6K 38
"Jungkook, bakit mahal pa rin kita?" Book 2 of Noona