Territorial Men 8: Kielton Gr...

By missgrainne

10.5M 314K 70.6K

A rebellious son from one of the most influential family in the Country, Kielton Grande seeks for his freedom... More

Teaser
Prologue
1 ~ Brat
2 ~ Date
3 ~ Basted
4 ~ Yacht
5 ~ Peace of Mind
6 ~ Diamond (SPG)
7 ~ Place (SPG)
8 ~ Fall (SPG)
9 ~ La Libertà
10 ~ Sex
11 ~ Pills
12 ~ Jealous (SPG)
13 ~ Mistake
14 ~ Heart
15 ~ Threat (SPG)
16 ~ Ruined
17 ~ Ship
18 ~ Anguish
19 ~ Visitor
21 ~ Elope (SPG)
22 ~ Fight (SPG)
23 ~ Shot
24 ~ Retribution
25 ~ Wife (SPG)
26 ~ Mastermind
27 ~ Settle Down
28 ~ Ring
29 ~ Brutes
30 ~ Wedding
31 ~ Make Love (SPG)
32 ~ Family (SPG)
33 ~ Coldheart
34 ~ Home
35 ~ Wives
36 ~ Concert
Epilogue

20 ~ Impregnate

229K 9K 2.9K
By missgrainne







CHAPTER TWENTY

SHE can't still believe to what she's seeing. Is she hallucinating? Pinaglalaruan ba siya ng sariling mga mata? She closed her eyes and took a breath, then slowly, she opened her eyes again but the view was still the same, it's still him.

Kianna fingers were shaking and it feels like she wants to throw up because of the overwhelming feelings inside her chest. Samo't-saring katanungan din ang tumatakbo sa isip niya kung paano, kailan at saan nangyari ang lahat.

"Kielton," she whispered Kielton's name the moment she get closer to him.

Maingat na naupo siya sa gilid ng kama, hindi gusto na istorbohin ang pagpapahinga nito. Hindi rin gusto na hawakan ito lalo at nakikita niya ang mga sugat sa halos lahat ng parte ng katawan. He looks so fragile that she's scared to even lay a finger on him, scared that she would break him or hurt him.

May mga gasgas sa mukha nito at maliliit na sugat na nalinis na. May nakabalot na gasa sa ulo, at sa parteng kanan ng noo ay halata ang dugo doon, tanda na may sugat 'yon.

He's wearing a white shirt that revealed the wounds on his both forearms. Maingat na itinaas niya ang kumot upang makita pa kung may sugat pa ito sa bandang binti, ngunit hindi niya na makita dahil nakasuot ng pajamang kulay puti rin.

Kielton is not moving but he's still breathing, yes, he's a live! Her boyfriend is alive! Kielton Grande is alive and breathing!

Sa saya sa katotohanan na 'yon muli siyang napaiyak, tinakpan niya lang ang bibig gamit ang mga kamay upang hindi gumawa ng ingay ang kanyang mga paghikbi.

Lahat ng lihim na pag-iyak niya tuwing gabi noon ay unti-unti nang napapawi. Ang sakit at pangungulila na naipon sa dibdib ay kumakawala na parang umaapaw na tubig sa lalagyan.

Seeing Kielton on flesh ease the burden inside her chest. Ito lang naman ang tangi niyang hangad, ang muling makapiling ang lalaking labis na minamahal.

"I was fishing when I saw his floating body."

Napatingin siya sa lolo niya na nakasandal sa dahon ng pinto ng silid.

Pinahid niya ang luha at naghintay ng susunod pa na sasabihin ng abuelo.

"I thought he was dead, but when I rescued him, he's still breathing. Tinawagan ko ang kaibigang doktor na gumamot sa kanya kanina. May tama siya ng bala ng baril sa tiyan, sa binti at sa likod, pero ang delikado raw ay ang sugat niya sa noo."

Ibinalik niya ang tingin kay Kielton, tapos ay sa sugat nito sa noo. Labis siyang nahabag sa sinapit ng kasintahan, ngunit humanga rin siya sa tatag nito dahil nakayanang lagpasan ang matinding pagsubok sa ibabaw ng karagatan.

Malakas ang alon, malamig at madilim ang tubig, mag-isa at walang makuhanan ng lakas kundi ang sarili, hindi niya lubos maisip na sinapit lahat 'yon ni Kielton nang dalawang araw.

"Nagising na po ba siya?"

"Hindi pa simula pa kanina. Kapag bukas ay hindi pa nagising ay dadalhin natin siya sa clinic ng kaibigan ko."

"Pagod na pagod ka siguro..." pabulong na sambit niya sabay marahan na hinaplos ang panga ng binata gamit ang daliri, iniwasan ang mga gasgas at sugat. "Magpahinga ka lang, dito lang ako, babantayan kita..."

"Nandyan ang mga gamot niya at may pagkain din sa kusina. Kapag nagising ang nobyo mo, pakainin mo at painumin ng gamot." Bilin ng lolo niya.

"Opo," mabait na sagot niya.

"Magpapahinga na ako at magpahinga ka na rin."

"Paano si daddy? Magpupunta po ba siya dito?" Hindi niya napigilang itanong.

Napahinto ang lolo niya sa pag-alis, muli siyang hinarap.

"Hindi na magpupunta dito sa Campbell, sinabi ko ng bumalik ka. Wag kang mag-alala at kakampi mo ako."

Maliit siyang napangiti at na-appreciate ang sinabi ng abuelo.

"Thanks, lo."

Isang tango lang nito bago isinarado ang pinto.

Kianna took a shower and changed a sleeping clothes. She go back to the bed and kissed Kielton's forehead before she lay beside him.

Nag-iwan lang siya ng sapat na distansya upang hindi niya ito mabangga. Gusto mang yakapin ay hindi niya na ginawa sa pangamba na baka masaktan lang ito.

THE RAYS of sunlight coming from the window woke her up from deep sleep. When Kianna heard a painful groan beside her, her eyes widened.

Mabilis na tinignan niya si Kielton at nagsisi nang makita na nakayakap siya rito at nakasiksik ang mukha niya sa braso nito. Taranta na dumistansya siya, kinain kaagad ng pagsisi kung bakit hindi niya namalayan na nakayakap na pala siya sa sobrang sarap ng tulog niya.

"H-Hi, morning," she greeted him.

Nang hindi sumagot si Kielton ay napilitan siyang bumangon. Maingat na umupo siya sa kama at tinignan ulit ito.

Maaga pa pero magkasalubong na ang mga kilay nito, may tanong sa mga mata nang salubungin ang tingin niya.

After a few moments of staring at her, Kielton's curious eyes roamed around the room, then it stopped in the glass window. Medyo napapikit ito nang masilaw sa sinag ng araw na nagmumula doon.

His eyes were still curious, he looked down to his body. Tapos ay muling ibinalik ang tingin sa kanya, medyo kinabahan siya, kung bakit ay hindi siya rin talaga matukoy.

"Where are we?" He asked in a weak husky tone.

"We are in... Romblon."

Kumunot lang ang noo nito, hindi nawawala ang pagtataka at ang maraming katanungan sa mga mata.

"And you?" He inquired.

"Me?" Turo niya sa sarili.

"Yeah, you."

Siya naman ngayon ang hindi makapaniwala sa tanong ng binata.

And when she realized something... that maybe Kielton lost his memory, she got alarmed. Pakiramdam niya ay bumaliktad ang sikmura niya sa ideyang hindi siya kilala ng kasintahan.

Kianna covered her mouth when she felt like throwing up. Nasa lalamunan niya ang lahat ng emosyon at para siyang mabibilaukan kung hindi niya 'yon mailalabas.

Nagmamadali na tumakbo ba siya papunta sa shower room at doon dumuwal. Maiyak-iyak at halos manghina pa sa sunud-sunod na pagbaliktad ng sikmura. Ang asim sa pakiramdam at talagang nakakadiri ng sobra.

After a few minutes of battling with that damn feelings, she brushed her teeth and washed her face.

Nanlalata na naglakad siya pabalik sa kama. Hindi na muna pinansin si Kielton dahil kumukuha pa siya ng lakas sa pakikipaglaban sa sikmurang bumabaliktad.

"What happened?" Kielton spoke again after a long silence between them.

Matamlay niya itong sinulyapan. Hindi pa masyado matanggap na wala nga itong naaalala.

Kagabi ay plano niyang ipaalam sa mga kaibigan nito na kasama niya si Kielton, kaya lang ay gusto niyang magpaalam muna sa binata. Pagod din siya kagabi kaya walang lakas makipag-usap at magkwento sa mga kaibigan nito.

"To you?" She asked back.

"Yes,"

Mariin siyang napapikit, nasaktan sa katotohanan na wala nga talaga itong maalala. Hindi rin naman mukhang nagbibiro. Punung-puno ng kaguluhan sa mukha nito.

"Hindi mo ba kilala kung sino ka?" Naiinis na tanong niya, halu-halo na talaga ang nararamdaman. "Wala kang naalala?"

"I remember some but it was blurry."

"Wag mo ng alalahanin."

Tumahimik lang ito, nasa malalim na pag-iisip.

Tumayo si Kianna upang makapaghanda ng almusal.

"Babalik ako rito, dadalhan kita ng pagkain para makainom ka ng gamot."

Nang hindi nagsalita si Kielton ay umalis na siya sa silid.

Pagbaba niya sa hagdan ay nag-aalmusal na ang lolo niya at si Oliver.

"Good morning." Her grandfather greeted.

"Morning,"

"Mag-almusal ka na. Kumusta ang bisita natin?"

Napilitan na naupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ni Oliver.

"Gising na siya pero... hindi siya nakaka-alala."

"Yan ang ipinaliwanag ng doktor kahapon." Nag-angat siya ng tingin sa abuelo. "May posibilidad na hindi makaalala kaagad dahil sa matinding trauma. Tatawagan ko ang kaibigan ko para puntahan siya mamaya."

Kahit si Kianna ay tulala. Ayaw nang isipin na hindi nakakaalala si Kielton, ang tanging mahalaga ay buhay ito at kasama niya. If he forgot their memories together, then, they will make new memories.

Tanghali nang dumating ang doktor. Nasa loob sila ng silid, siya ay tahimik na nakikinig.

"What happened to me?" Kielton asked.

"I found you in the middle of the sea yesterday morning. Unconscious." Her grandfather answered.

Tumahimik si Kielton at nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.

"Ano ba ang huli mong naaalala?" Tanong ng doktor na lalaki.

"I was in... a cruise ship, then... I heard a gun shot," Kielton paused, it looks like it's hard for him to remember everything. "... Nagkagulo, may sumabog... "

Mariin itong pumikit at mahinang nagmura, wala ng masabi dahil wala ng maisip.

"That's enough. You will remember everything in time. For now, I suggest you to rest and stop forcing yourself to think about what happened." The doctor advised.

Nang lumabas ang mga ito, nilapitan niya si Kielton. Umupo siya sa gilid nito, walang pakialam kahit na tinignan nito ang pag-upo niya, na nagtataka kung bakit gano'n nalang siya ka-komportable na malapit siya dito.

"Do you know me?" Kielton asked again, mukhang hindi ito mauubusan ng tanong.

"Yes,"

"How did you know me?"

"You're famous."

"Famous?" His forehead knotted. "Sino ako? Ano ako?"

"Band vocalist. Marami ang humahanga sayo dahil sobrang ganda ng boses mo."

Kielton seems like he don't believe on her. Nanatili ang kyoryoso sa mukha nito. How she wish she would see the twinkle in his eyes and his playful smiles again.

She sighed silently. Her heart is happy because they are together again, but it's also sad because Kielton don't remember her yet.

"Why do I feel like... I know you?"

Malungkot niyang nginitian si Kielton. Akala niya ay dito na nagtatapos ang paghahanap niya, hindi pala, dahil may kailangan niyang ipahanap kay Kielton mismo ang lugar niya sa buhay nito.

"Why did you say that?"

"I feel it."

"Your mind can't remember, but your heart can." She playfully wiggles her eyebrows at him.

"So, are we close?" He started to get interested.

"Yes,"

"Rate it from 1 to 10."

"10!" Magiliw niyang sagot.

Tumahimik ito, parang nag-iisip parin.

"Halikan mo ako," utos nito.

"Bakit ko 'yon gagawin?" Takang tanong niya, medyo uminit ang pisngi sa hindi inaasahang utos.

"Bakit hindi? Hindi ba tayo naghalikan dati?"

"Nag kiss." Humina ang boses niya.

"Then, why can't you kiss me now?"

Nagdududa niya itong tinignan. Gustong isipin na nagloloko lang ito at gustong maka-isa, pero wala talagang bahid ng pangloloko dito, bagkos puro pagtataka lang at paniniguro kung nagsasabi nga siya ng totoo.

"Kiss me," he demanded.

Kianna tilted her head closer to hi, then, she closed her eyes and kissed him on the lips.

Her heart beat gone wild when Kielton licked her lips like as if he's very thirty to have a taste of her!

Ngumuso siya at inilayo ang mukha.

"I got it. We are not friends." There was sureness on his voice. "Umamin ka, hindi tayo magkaibigan, di ba?"

"Hindi,"

"Ano lang?"

Naiirita sa maraming tanong, umikot ang mga mata niya.

"Kung sasabihin ko na boyfriend kita, maniniwala ka ba?"

"Yes," deretsang sagot nito. "Sa ganda mong 'yan, imposibleng papalagpasin kita."

Wala na itong naaalala lahat-lahat at heto ay matamis parin ang dila. Nasa dugo na nga talaga na magaling magpa-ibig ng babae.

"Kung gusto mo, ku-kwentuhan kita, kung 'yon ang paraan para maka-alala ka ulit."

"Gusto kong marinig ang mga kwento mo."

Humugot si Kianna ng hangin sa dibdib at tumango.

UMAGA nang magpilit si Kielton na lumabas kahit na masakit pa ang likod at tiyan nito dahil sa tama ng baril. They stay in the terrace, sitting in white rattan sun lounger while watching the crystal blue water in front of them.

Ang lolo niya at si Oliver ay nangisda. Her grandfather house and lot is private and away from the neighborhood and in the City. Nasa sulok ito at hindi pansinin, o baka dahil pribadong lugar kaya walang nagtatangkang magpunta.

"Do you think it's safe to tell my family about me?"

Kanina pa sila nag-uusap at umabot na sila sa puntong ito, na ipaalam na sa pamilya at mga kaibigan ni Kielton na buhay ito upang mapanatag na rin at tumigil sa paghahanap.

"I think so. I'm sure we can trust them and your friends."

"Do you know them?" Kielton is still hesitant.

She understand that he lost even his trust. Kaya lang ay kailangan niya itong paliwanagan pa para na rin magkaroon ng kapanatagan ang mga nagmamahal dito.

"I already met your brother and your friends. But we are not that very close."

"According to the news, the investigation is still on-going. I wondered why I have gun shots? Why they shoot me? Am I really safe?"

At dahil hindi niya rin alam ang totoong dahilan kung bakit nga ba nauwi sa trahedya ang simpleng paglalayag, hindi niya masagot ng maayos ang binata.

Isa pa ay iniisip niya ang pagkakasangkot nito sa iligal na droga noong nakaraang buwan, paano kung may mga naka-bangga ito o ang ColdHeart nang hindi niya alam? Paano kung hindi naman pala talaga safe si Kielton?

Sa totoo lang ay masyadong magulo rin ang isip niya. Hindi rin makapag-desisyon ng tama.

"I don't know if you're really safe. All I know is you will be more safe if we let them know that you're alive. Your family is powerful, they can provide a security for you."

"If they can provide a security for me, why am I here then? Why I have all of these wounds?"

Yes, why? But she can't answer him.

"Ikaw lang ang makakasagot niyan." Aniya at kumurot sa Atis.

Tahimik na pinapanood lang siya ni Kielton. She ignored her glances, she just continue enjoying that fruit. Sinasabayan niya pa 'yon nang calamansi juice. Tinimplahan niya si Kielton pero ayaw naman.

"Kapag may naghanap sa'kin dito, sabihin niyo wala."

"Sasabihin ko 'yan kila lolo mamaya pagdating nila."

Dumaan ang katahimikan sa kanila at malayang pinagmamasdan lang ang hampas ng alon sa kalayuan. Maalat ang simoy ng hangin, madikit sa balat.

"Ano ba 'yang kinakain mo?" maya-maya ay tanong ni Kielton.

"Atis,"

Magkasalubong ang kilay nito na para bang ang weird ng kinakain niya.

"Hindi kaya... buntis ka?"

Halos mabali ang leeg niya sa hinuha nito. Napainom si Kianna sa juice at napangiwi sa asim niyon.

"Ano ba 'yang sinasabi mo..." nasamid pa siya.

"When was the last time we had sex?"

At iyon talaga ang tanong ng lalaking 'to? Kailan nga ba?

"T-Two months ago?" She wasn't even sure! Na-sorpresa siya sa tanong!

"Tang ina tagal na, ah. Kaya pala parang namimiss parin kita kahit malapit ka lang sa'kin."

Para siyang pinagpapawisan, malakas ang kalabog ng dibdib, hindi maalis sa isip ang tanong na 'yon ni Kielton.

"Kinakabahan ako," sambit niya at napahawak sa tiyan na animo may nagsisirko sa loob.

"Bakit?"

"D-Delayed ako." Kabadong-kabado na siya nang maalala ang tungkol doon.

"Buntis ka, sigurado ako."

Lalo siyang kinabahan sa sinabi ni Kielton at talagang siguradong-sigurado ito?!

"Paano ka nakakasiguro?!" Galit kaagad siya, idinaan sa galit ang sobrang kaba!

"Sa akin ka ulit matulog mamayang gabi at kapag nagduwal ka na naman bukas ng umaga, buntis ka talaga."

Uminit ang buong mukha niya, literal na pinagpapawisan na. Samantalang ito ay kalmado lang at nakikita niya ang pagka-aliw sa mga mata.

She stopped using pills because Kielton made her believe that he won't impregnate her!

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 125 7
I have a normal life. Normal family. Normal work. Normal friends. But it all changed because of something that happened in my life that I never expec...
107 57 8
SOLICITIOUS OF AOMINE Your smile is my only light -AOMINE Disclaimer: I do not own the image used as book cover. Credits goes to the rightful owner.
1.2M 23.6K 63
BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet Allen, ang Sarcasm King ng pinag-graduate...
2.5M 115K 47
Valeska Leigh Dampierre's life is in trouble because of her mother's greediness. Left with no other choice, she accepted a job to dance in a bachelor...