The Vampire King's Beloved

By imperial_gem

57.7K 4.4K 1.6K

Sirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the... More

Introduction
Chapter 1: Sirene, Run!
Chapter 2: Valencia
Chapter 3: Troy Ashvill
Chapter 4: He's a Master?
Chapter 5: Blood Lust
Chapter 6: Valencia Empire
Chapter 7: Rain Ashvill
Chapter 8: Vampire Hunter
Chapter 9: Abducted
Chapter 10: Sirendepity
Chapter 11: Sirene's Dead?
Chapter 12: Burn Into Ashes
Chapter 13: Special Weapon
Chapter 14: Deceive
Chapter 15: Hidden Treasure
Chapter 16: War against Valencia
Chapter 17: Glimpse of the Past
Chapter 18: The Prophecy
Chapter 19: Unknown Identity
Chapter 21: Troy's Revenge
Chapter 22: Escaping Alegria
Chapter 23: Captured
Chapter 24: Queen's Pendant
Chapter 25: A Vampire's Battle
Chapter 26: Fight, Sirene
Chapter 27:After Death
Chapter 28: A Vampire's Bite
Chapter 29: Awaken
Chapter 30: Changes
Chapter 31: Mating
Chapter 32: Vampire's Instinct
Chapter 33: Moments
Chapter 34: Secured
Chapter 35: Simulation Room
Chapter 36: Sirene's Training
Chapter 37: Under the Tree
Chapter 38: The Mating

Chapter 20: Unfold the Past

884 80 18
By imperial_gem

Chapter 20: Unfold the Past

Ngayon ay nandito ako sa labas ng palasyo kasama si Kael na tinitingnan ang mga bampirang nagsasanay para sa gaganaping digmaan.

Pinapalakas nila ang mga sarili nila at mas pinabibilis ang bawat galaw nila. Si Dad naman ay bumalik sa office niya kasama ang iba pang council head ng Alegria.

"Ano sa tingin mo... Mananalo kaya tayo sa digmaang ito?" biglang tanong sa akin ni Kael na ikinagulat ko.

"H-Ha? Ah syempre naman!" sabi ko at tumango tango pa.

"Anong gagawin mo kapag nakita mo na si Troy Ashvill sa digmaan?" tanong niyang muli.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Oo nga noh? Anong gagawin ko? Lalo na't ngayon ay nagugulohan ako.

"Patayin agad siya." tipid kong wika at tiningnan si Kael.

Kailangan kong magpanggap na iyon pa rin ang gusto kong gawin. Baka kasi pag nalaman nilang nagdududa na ako sa katauhan ko ngayon ay baka uulitin lang nilang burahin ang ala-ala ko.

Tinangoan naman ako ni Kael sa sagot ko at tiningnan muli ang mga bampirang nagsasanay. Inatasan siya ni Dad na bantayan at tulongan silang mas gumaling.

Narinig ko rin kanina na bukas darating ang iba pang mga bampirang nais sumali sa digmaan laban sa Valencia. Malayo ang lugar na tinitirahan ng mga nag rebeldeng bampira kaya alam kong kailangan nila ng ilang oras para maglakbay patungo sa sentro ng Alegria.

"Sirene! Nagsisimula ng magbukas ang iyong isipan. Isarado mo ito!"

Napapitlag naman ako ng may marinig akong boses sa aking isipan. Boses na kagaya ng boses ni Ginoong Greg.

"Huminga ka nang malalim at alisin mo lahat ng mga iniisip mo. Pagkatapos, isipin mong may malaking pinto sa isipan mo na hindi pwedeng buksan ng kahit sino. Sa pamamagitan niyan, walang makakabasa ng iniisip mo."

Bigla naman akong napatingin kay Kael na seryosong pinagtutuonan ng pansin ang isang babaeng kanina pa nagkakamali sa kanyang pagsasanay.

Umalis ako sa lugar at humanap ng tahimik na espasyo. Hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili kong nasa likod ng palasyo, kaharap ko ngayon ang fountain na ipinakita ko noon kay Kael.

Tiningnan ko ang tubig at nagtaka ng makitang hindi na ito kulay pula. Malinis ang tubig at maaliwalas.

Totoo talagang binigyan nila ako ng bagong ala-ala? I smirk.

Dinala ko pa dito si Kael at sinabihan siyang gumawa ako ng ritwal para sa wishing well na gusto niya. How pathetic! Lahat naman pala 'yon ay 'di totoo.

Napabuntong hininga naman ako sa ginawa ko na akala koy totoo. Kung hindi ko kailangang alamin ang totoo, umalis na sana ako. Pero hindi pwede. Kailangan ko pang alamin ang katotohanan, at magpanggap bilang Irene sa harap nilang lahat.

Umupo ako sa upoang nakaharap sa fountain at huminga ng malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinunod ang sinabi ni Ginoong Greg. Alam kong siya iyong nagsasalita sa isipan ko dahil ramdam na ramdam ko.

Inalis ko lahat ng mga iniisip ko at nagsimulang mag-isip ng malaking pinto sa aking isipan. Iniisip ko rin na walang ibang makakabukas nito kundi ako lang. Ng magawa ko na lahat ay bumuga agad ako ng malalim na hininga. Okay na siguro iyon.

Bubuksan ko na sana ang mga mata ko ng biglang may nagsalita na naman sa isipan ko.

"Sirene..."

"Ginoong Greg?" tanong ko sa aking isipan habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

"Oo ako nga. Naisara mo na ba?" tanong niya kaya tumango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

"Opo. Nasaan po kayo? Okay lang po ba kayo?" sunod-sunod kong tanong ng ma kumpirma ko ngang si Ginoong Greg nga ang kausap ko.

Bago ako umalis kanina sa dining hall ramdam ko ang pag-aalala ni Ginoong Greg. Na para bang humihinge siya ng tulong. Pero hindi ko alam kung paano siya kakausapin lalo na't palagi silang magkasama ni Dad.

"Nandito ako ngayon sa office ni Gilbert. Kasama namin ang mga council head. Nag-iingat lang akong kausapin ka ngayon dahil baka mapahamak ka kung hinayaan mo lang nakabukas ang isipan mo. Alam mo namang nakakabasa ng isip ang mga bampira." wika nito na ikinatahimik ko.

Oo nga. Nakakabasa nga ng isip ang mga bampira. Pero hindi sumagi sa isip ko kung bakit hindi ko nababasa ang mga isipan ng mga bampirang nasa paligid ko na isa rin naman akong bampira.

Pero sabi nga ni Ginoong Greg. Pansamantala lang lahat ng abilidad na mayroon ako. Kapag ganap na akong kaagapay ng prinsipe at nagawa namin ang proseso ng pagsasama na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano gawin ang prosesong iyon, ay magiging tunay na akong bampira.

Pero kapag hindi namin magawa iyon. Babalik daw ako sa pagiging normal na tao. Mawawala lahat ng abilidad ko.

Minsan naiisip ko rin na mas maganda siguro kong normal na tao na lamang ako. Na walang ibang iniisip kundi ang mabuhay bilang normal hindi kagaya nito.

"Sirene... alam kong nagugulohan ka pa rin. Pero gusto kong malaman mo sa huling pagkakataon kung bakit ako nandirito sa Alegria."

Napabalik naman ako sa ulirat ng marinig ang mahinang boses ni Ginoong Greg sa isipan ko.

"Nag a-agaw buhay ako noon ng makita ako ni Gilbert Ashvill. Ang kapatid ni Benedict Ashvill, ang pinuno ng Valencia. Kinuha niya ako at pinagaling kapalit noon ay magiging sunod-sunoran niya ako at ta-traydor laban sa kapatid niya."

Tila naawa naman ako ng sabihin niya sa akin iyon. Bakit pa siya tinulogan kung may kapalit naman pala.

"Nang mga oras na iyon gusto kong lumayo pero hindi ko kaya. Hanggang sa gumaling ako at hinanap kita. Ako ang iyong tagapagbantay noong bata ka pa. Pero huli na ako, nasa kamay ka na ni Prescila ang matandang babaeng kumuha sa iyo."

Pagkasabing-pagkasabi niya non ay bigla akong nanlumo. Para bang may mga ala-alang bumabalik sa isipan ko. Mga ala-ala nong bata pa ako.

"Pero hindi ako tumigil. Naglaban kami ni Prescila at nagtagumpay ako. Nakuha kita sakanya. Wala kang malay at nong nagkamalay ka ay hindi mo na ako kilala. Nawalan ka ng memorya."

Tila ba pumasok lahat sa ala-ala ko ang mga nangyari noon. Naalala ko kung paano ako nagulat ng makita si Ginoong Greg na bitbit ako. Naalala ko kung paano ako napadpad sa Valencia. Lahat-lahat.

Naalala ko rin ang unang pagkikita namin ni Troy. Muntik pa niya akong patayin. Si Miggy!

Bigla naman akong napasinghap at tumayo sa pagkaka upo ko. Naalala ko na lahat!

"Kaya iniwan kita sa bahay ampunan hanggang sa may kumopkop sa iyo. Hindi ko na lang namalayan na nakuha ka na pala ni Gilbert. Ang akala koy maililigtas kita, iyon pala ay hindi."

Patuloy niyang wika na ikinalungkot ko. Naalala ko na si Ginoong Greg. Malapit siya sa pamilya ng mga Ashvill at tapat siya sa haring si Benedict.

Bigla namang sumagi sa isipan ko ang tunay na ina at ama ko. Bampira si ama at tao naman si Ina. Pero hindi ko nakuha ang dugo ng pagiging bampira. Nasaan sila?

"Ginoong Greg? Nasaan ang aking Ina at Ama?" tanong ko sakanya.

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Namatay sila sa digmaan Sirene. Namatay sila habang pinoprotektahan si Troy ang anak ng hari."

Wika niya na ikinabigla ko.

Ano?

Namatay sila?

Hindi... Hindi ko man lang sila nakasama ng lubosan.

Naalala ko noon kung gaano nila ako kamahal. Kung gaano nila kami kamahal ni Troy. Bata palang ako alam na nilang gusto ako ni Troy. Alam nilang ako ang susunod na kaagapay ng susunod na hari ng Valencia dahil sa akin ibinigay ni Troy ang kwintas. Kwintas na siyang magpapatunay na ako ang susunod na reyna ng Valencia. Ako lang ang makakasuot non.

"Ni hindi ko man lang sila nakausap sa huling saglit." Mapaklang pagkakasabi ko.

Naramdaman ko na lamang ang mga maiinit na butil ng luhang umaagos sa mga mata ko. Alam kong pinoprotektahan nila si Troy dahil siya ang susunod na hari pero sa prosesong iyon ni hindi man lang nila na protektahan ang kanilang sarili.

At ako...

Kailangan kong umalis dahil kapag nalaman nilang ako ang itinakdang maging kaagapay ng susunod na hari ng Valencia ay paniguradong papatayin nila ako.

"Sirene... huling beses ko na itong kakausapin ka. Kaya ko ang sarili ko pero hindi ko kayang makitang naghihirap ka Sirene kaya mag-iingat ka. Hindi na kita kayang tulongan sa susunod dahil alam kong nararamdaman na ni Gilbert na may ginagawa ako. Paalam..."

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong nawala na siya sa isipan ko. Tila ba bumigat ang pakiramdam ko.

Ngayon na alam ko na ang lahat ay para bang hindi ako makapaniwala.

Alam kong hindi dapat ako bumalik sa Valencia. Dahil hindi ko pa oras. Alam kong magkakaroon talaga ng digmaan dahil tututolan ng Alegria ang pagsasama namin ni Troy.

Napasinghap naman ako ng maalala si Troy. Kailangan kong bumalik sa kanya!

Kailangan naming magsama! Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya pero alam kong iniisip niya ngayon na patay na ako.

Kailangan ko ng umalis dito. 

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
22.2K 2.2K 12
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
280K 5.2K 29
Duke & Izza
113K 7.3K 33
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...