THE RISE OF THE DRAGON EMPRESS

By KASSLORENZ

1.3M 31.7K 1.3K

Missaki Sakura Omoyama-Cross. A girl with a doll-like features on the outside but a ripper in inside. A Game... More

the rise of the dragon empress
chap 1- her
chap 2-student
chap 3- them
chap 4- hate
chap 5- him
chap 6- the other her
chap 7-the battle
chap 8- friends
chap 9- bully
chap 10- the students 1-10 and D.E. gang???
chap 11- gangster
chap 12- friends
chap 13- meet the Empress
chap 14- the bully
chap 15- the scholar
chap 16- TRISTAN MILLER
chap 17-- join
chap 18- oooowwwwkkkeeeiiiiii
chap 19-- tristan and reena war
chap 20- tristan and reena war part two!
chap 21-task
chap 22- tristan in
chap 23- spin the bottle
chap 24 -man down
chap 25- say whut?!
chap 26- lie
chap 27- carpenters
chap 28- questions
chap 29- jace way
chap 29- EK!
chap 30- EK 2
chap 31-picture picture
chap 32- gang fight
chap 33- secrets
chap 34- Mikhail?
chap35-phineas and ferbs after effect
chap 36- Lucien
chap 37- brooch and the chess piece
chap 38- rooftop
chap 39- Deleted
chap 40- Hemelvuur gang
chap 41- Hemelvuur gang part 2
chap 42- little did they know
chap 43- she will be loved
chap 44-you did not
chap 45- connection
chap 46- she did
chap 47- he's back
chap 48- kasal?
my own view
chap 49- under the stars above
chap 50- hindi pwede
chap 51- say "aah"
chap 52- training
chap 53- busted
chap 54- hell yeah
chap 55- princess
chap 56- light moments
chap 57- the names
chap 58- the way she moves
chap 59- locked
chap 60- give her to me
chap 61- that's how you say it
chap 62- he...
chap 63- the mission
chap 64- first fight (unfair?)
chap 65- what is she?
chap 66- sneaky little rat
chap 67- which side?
chap 68- the night
chap 69- counting stars
chpa 70- it's my time to shine
chap 71- the video plus the secret
chap 72- the auction
chap 73- two faces three
chap 75- Vincent
chap 76- we few
chap 77- Gemini
X-MAS SPECIAL
chap 78- UNI
chap 79- missing piece?
chap 80- the end?
EXTRA CHAPTER
HEP!!

chap 74- tracking

8.8K 208 9
By KASSLORENZ

MISSA'S POV

Napangiti ako kay Two at saka ako umimbis sa sasakyan niya. Nasa loob na pala kami ng bakuran nitong villa. Well, wala naman talaga siyang mga fences. Tanging mga halaman lang ang nagsisilbing fences niya sa paligid.

Natutuwa at nalulungkot ako sa naging kapalaran namin ni Two. Sigurado ako na kung normal na tao lang kami ay naging normal na magkaibigan kami. Masaya kasama pa ang iba naming mga kaibigan.

Inakay niya ako papasok sa villa at natuwa ako sa loob niyon. It was modern yet cozy. Homey, in one word.

Inilibot niya ako sa buong villa hanggang sa tumigil kami sa isang pinto na nasa second floor nitong villa.

So i guess, this will be my room.

"your room. I hope you'll like it." sabi niya sa akin ng nakangiti at saka binuksan iyong pinto.

I can't stop myself from smilling so big. The room was perfect for me. I love it!

He remembered.

"a room for a princess," sabi niya at saka ako iginiya papasok sa loob.

Noon kasi napag-usapan namin ito. Humihingi kasi siya sa akin ng tawad dahil wala siyang magawa para mailipat ako sa ibang kwarto. Iyong maayos iyong hindi ako sa lapag natutulog. Walang unan. Ni walang sapin.

Tinanong niya ako kung magagawan niya ba ng paraan na mailipat ako ng kwarto anong hitsura ng kwarto ang gusto ko.

Then i said; "a princess room. Gusto ko rin iyong kama ko ay malapit sa may bintana. Iyong kapag gabi papasok iyong liwanag ng buwan at maliliwanagan ako. Tapos may wind chime sa bintana ko para kapag humangin tutunog siya. Gusto ko yun!"

At ngayon dahil malapit sa dagat itong villa ay mahangin kaya naririnig ko ang tunog noong wind chime.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok. Dinala niya ako sa may kama at pinahiga ako doon. Natamaan ang buong katawan ko ng liwanag ng buwan. Sobrang liwanag niyon ngayon dahil full moon. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko iyong hangin at narinig ko iyong tunog noong wind chime.

Ito lang naman ang gusto ko eh. Peaceful. Normal. At wala akong ibang inaalala. Gusto ko kasi na kapag nasa sarili akong kwarto magiging iba ang mundo ko. Yeah. A fake world.

"Goodnight, Three. Sweetdreams," narinig kong sabi ni Two saka ko naramdaman ang labi niya sa noo ko.

Ramdam ko ang bawat galaw niya mula sa pagalis niya sa tabi ko hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko at ang paglapat noong pinto.

Napangiti ako ng mapait at ibinukas ko ang mga mata ko.

Pinagmasdam ko ang ganda at liwanag ng buwan.

5 days. Iyon ang sinabi niya sa akin noon. Kapag kinuha na niya ulit ako limang araw ng buhay ko ang hihingin niya. Pumayag ako dahil sa ika limang araw. Doon na magwawakas ang lahat sa pagitan namin.

ZEVI'S POV

Hell! Hindi ko na alam kung anong nangyayari! Hindi pa ako makaalis dito sa kwartong ito!

Oo. Tatlong araw na akong nakakulong. Hindi ko alam kung sino ang mga dumukot sa akin. Marahil ay iyong mga nakalaban namin noong sa auction.

-flashback-

Naghiwahiwalay kami ng daan para mailigaw namin sila at hindi nila masundan si Lucien.

Maayos naman noong una. Dalawang kotse ang sumunod sa akin. Napabagsak ko din naman agad sila pero noong papunta na dapat ako kila Lucien ay hindi ko namalayang may sumusunod pala sa akin kotse.

Agad nilang binaril iyong dalawang gulong ng kotse ko sa likod kaya nawalan ako ng balanse sa pagmamaneho.

Ilang beses akong umikot ikot at ng tatama na sana ako sa isang kotse sa kanan ko na may nakasakay na isang batang babae kasama ang kanyang ama ay pinihit ko ang kotse ko pa kaliwa at tumama ako sa isang poste.

Saglit akong nawalan ng malay. Hindi naman ako napuruhan salamat na rin sa seat belt at sa air bag. Makakaalis na sana ako ng maabutan ako noong mga humahabol sa akin.

Dahil nahihilo pa ako ay hindi ako nakalaban ng malakas na batukan ako kaya nawalan ako ng malay.

- end of flashback-

And the next thing i know. Nandito na ako nakakulong sa isang kwarto. Iyong kwarto na para sa mga baliw. Puti ang pintura ng dingding.walang bintana pero hindi naman ganoon ka kulong kaya sapat ang oxygen. May ac din dito kaya hindi mainit. Isang kama. Na may isang unan at kumot. isang closet na naglalaman ng mga damit na kakailanganin ko. Isang maliit na cr. Iyon lang.

May nagdadala ng mga pagkain ko. Maayos naman ang mga pagkain na ibinibigay sa akin. Mukha pa ngang ino-order ang mga iyon eh. Kahapon kasi ay take out sa Tokyo Tokyo ang ibinigay sa aking pagkain. Maayos naman silang magpakain dahil gusto ko lahat ng mga pagkain na ibinibigay nila.

Ang kaso nga lang ay hindi talaga ako makaalis. Walang gamit dito na maari kong gamitin para masira iyong pinto. At hindi rin iyon basta bastang pinto. Bakal iyon at computerized. Kapag pumapasok din iyong magbibigay sa akin ng pagkain ay may kasama siyang dalawang guard niya at laging nakatutok na agad sa akin ang mga baril nila. Hindi ko rin sila makilala dahil may mga suot silang maskara sa buong ulo. Iyon bang isinusuot sa buong ulo pag halloween o kaya naman ay pang payaso.

Pero kahapon ng hindi na talaga ako nakapagpigil at nasapak ko iyong nagbigay sa akin ng pagkain. Naka tatlong suntok siguro ako bago ako inawat noong dalawang kasama niya.

Nakakainis! Wala akong magawa. Wala na rin sa akin iyong tracker ko. Mabuti na lang at nag o-automatic off iyon kapag natanggal sa balat mo at hindi basta bastang nabubuksan.

Ano na bang nangyayari sa labas? Kumusta na si Missaki ko? Alam kong ayos lang siya. nararamdaman ko. Ayos lang siya. Pero hindi pa rin ako mapakali hanggat hindi ko siya nakikita.

*click*

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng marinig ko ang tunog na iyon. Tunog iyon ng pagkakabukas ng pinto. Siguro ay ito na ang tanghalian ko.

Tulad noong mga nagdaang araw ay tatlo ulit silang pumasok. Dalawang may baril at isang may hawak ng pagkain. Of course, pare pareho silang may maskara.

Isang mukha ni Bugs Bunny. Isang mukha Mickey Mouse at isang mukha ni Pororo.

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Bakit ba naman kasi sa dami dami ay ganyan ang mga naisip na nilang gawing maskara.

Inilapag iyong pagkain ko pero hindi pa sila umalis. Syempre hihintayin nila akong matapos. Take out na naman ito. Jolibee. Hindi ko naman magamit itong kutsara at tinidor na sandata paano ay plastic.

Kung iniisip ninyo rin na hindi ko sinubukan amg lahat ng paraan para makatakas ako dito ay nagkakamali kayo.

Noong unang araw ko ay sinubukan kong agawin iyong baril noong isa pero mabilis siya. Mabilis niyang naiiwas iyong baril at saka naman ako sinuntok noong kasama niya.

Masasabi kong hindi sila basta basta na kidnapper ayon sa mga galaw at kilos nila noon. Kaya napagpasyahan ko na lang na magpahinga at magpalakas kesa ipagpilitan ko na saktan sila dahil alam kong madedehado rin ako.

"ano ba ang kailangan ninyo sa akin?" tanong ko nang makalahati ko na itong kinakain ko.

"kailangan lang naming mapanatili ka rito." sagot ni Bugs Bunny.

Yan naman ang lagi nilang sagot sa tanong kong iyon. Hindi ko rin mawari iyong mga boses nila dahil iba. Minsan ay sobrang baba at minsan naman ay sobrang tinis.

"kailan ninyo ako pakakawalan?" tanong ko.

"malapit na rin. Huwag kang mainip at makisama ka na lang sa amin." sagot ni Mickey Mouse.

"anong kinalaman ko sa inyo?" tanong ko pa.

"malaki." tanging sagot ni Pororo.

"kilala ba ninyo kung sino ako?" alam kong pang bobo yang tanong ko pero gusto kong makakuha ng hint kung may kinalaman ba kay Missaki ang pagkuha nila sa akin.

Paano kung mga tauhan pala sila ni Virus at gagamitin nila akong pa-in? Hindi ko makakayang maging pabigat sa mga kaibigan ko lalo na kay Missaki. Ayokong makadagdag pa ako sa mga aalalahanin nila.

"Zevi Raykunen." sagot ni Pororo.

Tumango ako sa kanya habang iniinom ko iyong coke ko.

"sigurado ka?paano kung sabihin kong hindi ako iyon at nagkakamlai lang kayo ng dinukot?" nakangising sabi ko.

Hindi naman sila kumagat sa sinabi kong iyon. Hindi sila umangal o nag alinlangan. Sigurado akong kilala talaga nila ako.

"edi sabihin mo at tatawa kami." sabi ni Bugs Bunny.

Aba't-!

Ibinaba ko iyong inumin ko at saka sinamaan ko siya ng tingin. Pinagbibigyan ko lang sila dahil gusto kong malaman kung anong pakay nila sa akin at kung sino sila pero hindi ko hahayaang insultuhin ako ng mga ito.

Mabilis akong tumayo at itinumba iyong lamesa at agad ko siyang sinugod at sinakal sa leeg hanggang sa maisandal ko siya sa pader.

I am not one of the rank ten in  Underworld for nothing.

"don't you dare laugh at me," seryoso at madiing sabi ko sa kanya habang dinidiinan ko iyong pagkakasakal ko sa kanya.

Mahigpit din naman ang kapit niya sa mga kamay ko para pigilan ang pagkakasakal ko sa kanya.

Malakas siya.

"Sh*t!"

"D*mn it!"

Iyan ang narinig ko duon sa dalawang kasama niya at saka ako nakarinig ng magkasabay na kasa ng baril at tutok niyon sa ulo ko.

"bitawan mo siya ngayon din!" sabi ni Mickey Mouse.

Bumuntong hininga ako at saka ko unti unting niluwagan iyong pagkakasakal ko. Pero bago ko siya pinakawalan ay tinuhod ko muna ng malakas iyong sikmura niya kaya agad sin siyang napaluhod hawak hawak iyong tiyan niya.

"aargh!" daing nito at saka ako bumalik sa kama ko at umupo duon.

Agad naman siyang tinulungan ni Mickey Mouse. Si Pororo naman ay iniligpit iyong pinagkainan ko at agad ding lumabas.

Ako naman ay humiga sa kama ko at pumikit. Naikuyom ko ang kamao ko at saka patalikod na inilagay ko iyon sa taas ng nakapikit kong mga mata.

Hindi pwedeng ganito na lang. Hindi pwedeng maghintay na lang ako sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa labas. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari kay Missaki. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para makaalis ako sa kanila.

BRIAN'S POV

wengya. Napuruhan ako dun kanina ah! Agad kong tinggal itong Bugs Bunny na suot ko.

Tawa naman ng tawa itong si Jace na katatanggal lang din ng Mickey Mouse na maskara na suot niya. Si Tristan naman ay nginisian lang ako pagkatanggal niya noong Pororo na maskara niya.

Oo. Sila iyong mga kasama ko kanina.

"wahahaha!ano tol? Tatawa ka pa?" - Yvan

"woooh!buti na lang nanalo ako kanina sa jack en poy!"- Icen

"bukas pitik bulag naman!" - Kira

"ulol! Hindi ka naman kasali dahil baldado ka pa!" sinimangutan ko si Kira.

Langya! Nakakaligtas itong isang ito  sa lupit ni Zevi eh! Pero ayos na to kesa naman sa kanya na may saklay pa.

Kahapon ay si Icen ang nasapak kaya may band aid pa ang kilay hanggang ngayon. Kasama niya si Jace at Yvan kahapon na hinayaan muna si Zevi na maka-tatlo bago nila pinigilan.

Oo. Kami ang "kumidnap" kay Zevi.

Walang personalan. Sumusunod lang naman kami sa utos ni Fujin. Oo. Si Fujin dahil inutos na niya sa amin ito noong hindi pa namin alam na siya si Missa. Noong panahon din na umalis si Zevi ng bansa kaya hindi niya alam.

Pero takte! Akala ko mababara bara ko na sa wakas itong si Zevi pero hindi eh pumapalag pa rin!

Oo magkakaibigan kami. As in para na nga kaming magkakapatid. Pero iba kasi kapag si Zevi o si Mikhail ang pinikon o ginalit mo eh. Napatol talaga yang mga yan eh. Si Lucien din hindi namin gaanong inaasar. Paano kasi kung sino ang namuro sa kanya iyon ang susubok ng bago niyang imbensyon.

Eh nako! Mas gugustuhin ko pang magpabugbog duon sa dalawa kesa ang mapagdiskitahan niyang tester. Kasi kapag duon sa dalawa mababaldado o 50/50 pa ako eh. Sa kanya magreready ka na ng kabaong mo o kaya naman urn kung gusto mong cremation ang gawin sa bangkay mo.

Bakit nga ba namin ito ginagawa kay Zevi? Actually, sumusunod lang kami sa utos talaga eh. Pero ngayong nakikita namin ang inaasta ni Zevi alam na namin.

Kasi kung hindi namin ikukulong itong si Zevi susunod at susunod yan kay Missa. Well sino ba namang nagmamahal ang hindi diba? Gusto din naman naming sumunod lalo na noong mapanood namin iyong video sa kanya. Alam kong lahat kami ay mas naging protective sa kanya. Hindi dahil siya ang Empress namin at nakababatang kapatid ni Mikhail. Kung hindi dahil kaibigan namin siya.

Hindi rin namin alam kung bakit ayaw kaming pasunodin ni Missa. Basta ang sabi niya sa amin noon ay darating ang araw na ito. At kapag dumating na ay mawawala siya sa amin ng limang araw. Sa ika limang araw at hindi siya bumalik sa amin hanggang sumapit ang alas dose ng madaling araw ay saka namin siya hanapin. At ikulong namin si Zevi.

Pero sino ba ang susunod doon. Hinihintay lang namin na mabuksan ni Mikhail at Lucien iyong orasan at saka hahanapin na namin siya.

Ito na ang ika apat na araw. At hapon na. Konti na lang.

Ayos naman kami ngayon. Ang pamilya ni Tristan kasama sina Im-han at Reena ay nasa safe house. Ang mommy nila Mikhail, ang Empress, ay nasa mansion na ng mga Cross. Ang kaso nga ay hindi pa rin siya nagigising dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuksan nila Mikhail at Lucien iyong relo.

Ang grupo nila Mr. Weyler ay naubos na ng grupo nila Raijin. Wengya! Muntikan na pa lang napatay nun si Aki noon. Tss. Mabuti nga sa kanya at inuuod na siya ngayon!

"Sa wakas!!!"

Napalingon kaming lahat sa sigaw na iyon nila Lucien at Mikhail. Nakataas pa ang dalawang kamay noong dalawa.

"nabuksan ninyo na?" tanong ni Tristan at agad na nilapitan iuong dalawa. Nandito kasi kami nakatambay sa laboratory.

Kung iniisip ninyo kung saan nakakulong si Zevi. Well, napaghandaan na pala ito noon nila Lucien kaya nagpagawa na sila ng spare room kasabay noong room ni Lucien.

Oo. Ang hinayupak dito na pala tumitira dati kaya pala hindi na namin siya mahagilap sa condo niya noon. Kaya sa gabi. Nag rorotation kaming anim. Iyong tatlo uuwe sa mansion ng mga Cross para doon mag bantay. Iyong tatlo maiiwan dito para bantayan naman si Zevi. Syempre kasama palagi si Lucien dito dahil dito na nga siya nakatira.

Nagsilapitan silang lahat maliban sa amin ni Kira. Medyo hirap pa kasi siya dahil sa tama noong bala sa hita niya pero pakiramdam namin ay nag iinarte na lang ito dahil madadagdagan na naman ang atraso niya kay Zevi eh. Noon naman kasing nagbugbugan kami mas malala pa dyan ang sakit ng mga katawan namin pero nakakatayo pa naman kami.

Ano bang atraso niya kay Zevi? Iyong pakikipagsabwatan niya rin kay Fujin noon. Iyong nagtataka kami kung bakit halos hindi na namin ma kontak iyong ibang gang ng The Dragon kaya nag utos si Zevi na mangalap kami ng impormasyon dahil hindi kami sinasabihan ni Fujin kung ano na ang mga nangyayari.

Ang galing ko pa namang manguha ng mga impormasyon noon. Nalaman ko pa nga iyong mga nadagdag na gang member na galing sa amin na napunta sa grupo nila Xandro. Pero wengya, wala pa lang napuntahan ang ilang araw na pagpupuyat ko noon dahil ibang impormasyon ang ibinibigay ni Kira kay Zevi. Sana pala ay ako na mismo ang nag abot sa kanya. Tss.

"aalis na muna kami ni Lucien.pupunta kami ng mansion." sabi ni Mikhail na naghahanda na ng pag alis. Ganoon din si Lucien.

"sasama kami sa inyo." sabi naman nitong si Icen at si Yvan.

Sumang ayon naman si Mikhail. Maganda na yan para kung mag ka aberya ay may back up. Alam naman naming tahimik lang ngayon pero sigurado kaming tinutugis pa rin kami ng grupo ni Virus.

So maiiwan ako, si Jace si Kira at si Tristan. Ano bang gagawin namin ngayon? Actually ay nag pa paractice rin kami dahil malapit din naman ang dome dito. Baka magpalitan na lang ulit kami ng pagbabantay habang iyong iba ay nag papractice.

"and Tristan. Start tracking Sakura. I know you know how to track her." sabi ni Mikhail kaya napatingin ako kay Tristan.

Wae. Galing talaga nitong mga ito sa pagtatago ng sikreto eh. basta may kinalaman kay Missa bawat isa sa amin ay may tinatago. Alaman na lang kung ano yun. Itong si Zevi lang nga yata ang walang alam eh. Masyado kasi siyang pinoprotektahan ni Missa.

Tumango naman si Tristan at saka nagbukas ng laptop at tumutok na doon. Umalis na sila Mikhail kaya heto na kaming tatlo ang nagharap harap.

"so? Ano? Magpitik bulag na kayong dalawa." nakangising sabi nitong si Kira sa aming dalawa ni Jace.

Nagkatinginan kami ni Jace at nagkasundo gamit ang mga mata namin.

"hindi ka makalakad ng maayos hindi ba?" tanong ni Jace kay Kira.

At ito namang si tanga nakangiti pang tumango.

"so maiwan ka." nakangisi kong sabi kay Kira at sabay kaming tumayo ni Jace para iwan siya at mag punta sa dome.

"teka! Wala namang ganyanan!" agad na pigil sa amin ni Kira at tumayo.

Tumayo siya ng matuwid. Walang ngiwi walang saklay.

Nangumisi kami ni Jace sa kanya at saka niya pa lang naisip iyong ginawa niya.

"ah. Eh. Kagagaling ko lang. Mga one minute ago. Hehehe. Baka mabinat ako."

MISSA'S POV

"Just so you know. Your minions are starting to track you down this afternoon. Sa cp mo. Kaya ayun sinira ko na iyong cp mo," sabi sa akin ni Two habang tinitira iyong black stone niya.

Naglalaro kami ngayon ng Go dito sa may gazebo ng villa niya. Gabi na mga 8 pm katatapos lang naming mag dinner kanina at pareho kaming hindi pa inaantok kaya napagpasiyahan naming tumamabay at maglaro dito.

Tumango tango lang ako sa sinabi niya habang iniisip ko kung saan ko ilalagay itong white stone ko.

Ayos lang naman iyon. Iyong wrist watch tracker ko nga ay noong unang araw na magkasama kami ay nasira na niya. Kinuha niya kasi iyon pati iyong cp ko. Pati na rin iyong mga alahas na suot suot ko. Isang kwintas. Dalawang hikaw at isang singsing.

Sigurado ako na si Tristan ang nag tatrack sa akin.siya lang naman kasi ang may alam na pwede niya akong matrack sa cp dahil doon sa tracker na nakaimplant sa kanya eh.

"and also. Your mom is awake." dugtong niya kaya natigilan ako saglit sa pagbaba ko ng stone ko sa board.

Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti. "i'm happy." sagot ko.

Alam ko ang nangyayari sa kanila,simply because sinasabi sa akin ni Two. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa pero alam niya lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung sino ang nagsasbai sa kanya dahil hindibnaman siya umaalis dito sa villa. At sigurado ako doon.

Inaamin kong mas magaling na player sa akin itong si Two. Mas magaling siyang magplano. Alam niya nga rin na may roon na lamang kaming 12 oras bago makarating ang kampon ni Virus dito sa villa niya.

At bago makarating dito si Virus ay dapat may namatay na sa aming dalawa. Pero kita ninyo naman heto kami at pa relax relax lang.

Sa nakalipas na araw ay naging masaya kami ni Two dito sa villa niya. We enjoyed the beach to the fullest. Lahat ng pwedeng water activity ay ginawa namin. Pumunta pa nga kami sa kabilang isla na malapit dito eh. Ito kasi iyong napagusapan namin sa isa't isa noon. Pareho kasi kaming hindi pa nakakapunta sa dagat. Kaya pinangako namin sa isa't isa na kapag nagkita ulit kami ay papasyal kami sa isang dagat.

We are the perfect Frenemy. As Two said. I am his one and only friend. Yet his one and only enemy in the end.

We don't know but we have this very strong bond as friends. Siguro ay pareho kasi naming unang kaibigan ang bawat isa.

"so?what's your next plan, Three?" tanong niya sa akin matapos niyang tumira.

Kumuha ako ng isang white stone habang nakatuon ang pansin ko sa board. Inisip kong maigi kung saan ko iyon ilalapag.

"you? What's your next plan, Two?" balik tanong ko sa kanya ng maibaba ko na iyong white stone ko.

Pareho kaming napasandal sa mga upuan at tumitig sa isa't isa.

Nagkibit balikat siya at saka ngumisi.

"don't have any." sagot niya.

Pinantayan ko naman ang ngisi niya.

"me,too."

TRISTAN'S POV

sh*t!

Sh*t!

Sh*t!

It's gone! She's gone! D*mn!

"ano wala na ba talaga?" tanong sa akin ni Jace.

Tulad ko ay natutuliro na rin silang tatlo dito. Nawala kasi iyong signal ko sa cp ni Missa kanina.

Nakakonek na ako eh. Nakuha ko na. Pero bigla na lang nawala.

Ang sigurado lang ako ay bandang north iyon. Sh*t! Pa relax relax pa man din kami dahil kahit hindi na namin ma kontak iyong wrist watch tracker niya may isa pa namang paraan. Itong sa akin. Pero nawala na!

Nasabi na namin ito kila Mikhail at pabalik na rin sila dito. Natagalan pa sila dahil hinintay pa nila kung eepekto iyong gamot. Nandoon naman iyong scientist na kasama ni Lucien dati kaya noong matiyak nila na gagana iyon ay bumalik na rin sila papunta dito.

Error.

Aiish!D*rn it! Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inulit na mahanap iyong signal niyon simula noong mawala iyon kanina pero wala talaga.

Aissh!

Hindi ko mapigilang mapasabunot sa buhok ko dahil hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko.

Pati itong si Kira ay tinutulungan na rin ako dahil magaling siya sa computer pero wala rin.

11pm na at wala pa rin sila Mikhail. Baka maubusan na kami ng oras.

"nandito na sila!" sigaw ni Brian kaya napatingin kami sa may pintuan.

Pumasok silang apat at halata sa mga mukha nila na namomroblema din sila.

"anong nangyari?" tanong agad sa akin ni Yvan.

Napabuga ako ng hangin bago ko ikinuwento sa kanila ang buong pangyayari.

Ngayon lahat kami ay nag iisip na kung anong gagawin namin. Sinabihan na rin nila sila Raijin tungkol dito. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring update mula sa kanila.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang nangyari. Kahit naman maubusan ng battery iyong cp niya ay matatrack ko pa rin siya dahil duon sa chip na nakainstall mismo sa loob ng cp niya na gumagana kahit walang battery.

Ano bang nangyari? Ayaw niya ba talagang sundan namin siya? Bakit?

Sa aming lahat ay ako ang mas nakakaalam ng mga plano niya. Alam kong si Two ang kasama niya ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit magkasama sila eh alam kong takot siya kay Two at anak ni Virus si Two.

Ang sabi lang sa akin ni Missa noon ay hayaan lang namin siya at sundin ang mga inutos niya. May pangako daw kasi siyang tutuparin sa taong nagpalaya sa kanya noon. Pangako kay Two.

Napatigil kaming lahat sa malalim na pag iisip ng makarinig kami ng kaluskos. Kaluskos mula sa pintuan ng kwartong pinagkulungan namin kay Zevi.

"sh*t! Nakalimutan natin siyang pakainin!" - Brian

"bakit? Tayo rin naman hindi pa kumakain ah." si Jace.

"si Zevi! Tama! Si Zevi ang huling pag asa natin para malaman natin kung nasaan si Missa!" sabi ni Lucien na mukhang nakaisip ng magandang paraan.

"paano? Ipapain natin siya?" tanong ni Mikhail.

Napangiti naman ng malaki si Lucien.

"hindi. Iyong Sakura Brooch. Iyong ginawa mong walkie talkie noon. Ipinaayos sa akin iyon ni Missa at dinagdagan ko ng features. Naglagay ako ng tracking device doon dahil gusto kong malaman kung sino ba talaga si Fujin. Bago tayo lumaban sa Hemelvuur ay inutusan niya akong ibigay iyon kay Zevi."paliwanag ni Lucien na na nagpabuhay sa mga pag asa namin.

"Good. Then let him out." sabi ni Mikhail na agad namang sinunod ni Lucien.

Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
404K 10.9K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...
38.8K 1K 79
Paano kung ang isang babae.... isang babaeng wlang alam sa salitang 'PAG-IBIG' ay mahulog sa isang PLAYBOY??? how is it possible!!! pagnasaktan kaya...
11.4K 301 33
We are born to kill each other.. But will this be the time to change the way we live? Or will this be a new start of the war between vampires and ass...