Jonah Complex [HSS #3, Comple...

By InsaneSoldier

241K 17.6K 3.8K

Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpa... More

Jonah Complex
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Final Chapter

Chapter 5

6.8K 509 49
By InsaneSoldier

"Hello."

Halos matigilan ako sa ginawang pagbati sa akin ni West dito sa loob ng classroom. Naturally ay madadaanan niya talaga ang puwesto ko pero hindi ko naman ine-expect na magt-take time talaga siya na huminto para lang batiin ako. Wala naman akong mabasang kahit ano sa mukha niya. Napaisip pa ako kung imagination ko lang bang nagsalita siya o hindi. Natauhan lang ako nang siniko ako ni Valeen.

"Girl, huwag kang snob, hindi ka maganda!" Ang matinis na bulong sa akin nitong bespren ko. Hindi ko na lang siya pinansin, lalo na yung huling pasaring niya.

"He-hello din," Nahihiya man ay lakas loob na rin akong bumati. West nodded her head. Muntik pa itong masubsob nang halos dambahan siya ng kakambal sa likuran na akala mo magaan lang.

"Heyo! Ohayou, ohayou!" East greeted to both of us since tumingin din siya sa best friend ko. She was all smile at us. Kaagad din namang nawala ang atensyon niya sa amin at basta na lang bumuntot sa isa naming kaklase na kadaraan lang. "Lucy, Lucy, Lucy!"

"Ano." Ang monotone na sagot ng kaklase namin habang naglalakad papunta sa upuan nito. Doon ay rinig pa rin ang ingay ng hyper na Hansen.

Nakatayo pa rin si West sa harap namin. Biglang parang ang awkward tuloy. Hindi ko sure kung anong iniisip niya o kung may sasabihin pa ba siya. Hindi naman siya nakatingin sa akin pero inilibot nito ang tingin sa paligid. Napagaya na rin tuloy ako. Saka ko lang napansin na parang wala pa si Jamaica. Ilang minuto lang mags-start na ang klase, ah.

Recently ay napapadalas na ang pag-absent no'n. Wala rin namang may alam kung bakit, pero nakakapanghinayang din yung ginagawa niya. Siguro may sakit lang.

"West, may..." Tumikhim ako dahil parang nawalan ako bigla ng boses, tunog paos ba naman. "May sasabihin ka pa ba?"

Nag-tilt siya ng ulo. Pansin ko madalas niyang gawin iyon every time na para siyang nag-iisip or kung meron siyang kailangan, or kung may sasabihin. Any of the three, hindi ko pa rin naman siya mabasa ng malinaw.

Inilagay niya sa harapan niya ang kulay asul na knapsack na kanina lang ay prenteng nakasandal sa likuran niya. Mula ro'n ay may kinuha siyang kung ano. Nang matingnan ko ay Combi biscuit iyon. Napataas ang kilay ko ng iabot niya 'yon sa akin. Walang imik na kinuha ko 'yon kahit nagtataka.

"Ano 'to?" Nawiwirduhan kong tanong.

"Biscuit."

Natawa ako kasi feeling ko namilosopo siya. Pasalamat siya at cool siya! "Oo nga, pero bakit mo ako binigyan?"

Ibinalik niya ang bag sa likuran, nakahawak lang siya sa kanang strap no'n. Hinawi niya ang buhok at inipit sa gilid ng tainga niya. Ewan ba pero ang cute niya sa part na 'yon. Shit, bakit kasi ang unfair ng life! Kapag ginawa ko iyon malamang mukha lang normal. Si West parang palabas sa tv, eh. Hay. Sad. Parang siya yung mga nai-imagine kong Wattpad characters. Ganoon kaya talaga kapag nagsusulat? Magsulat na lang din kaya ako, baka nakakaganda 'yon.

"Binigay 'yan sa akin ni East."

"Eh, bakit binibigay mo sa akin?" Mukha ba akong patay-gutom sa paningin niya? Naalala ko no'ng time na nakita ko siya sa Tokyo-Tokyo at himalang nakasabay sa pagkain dahil sa bespren niyang biglang nag-missing in action.

Malaki yung in-order ko no'n samantalang regular sized lang sa kanya. Mukhang napansin niya na magana akong kumain. Mukhang halata rin naman sa itsura ko. Hindi naman ako mataba, chubby lang, saktong malaman. Healthy pa rin, sakto lang ang BMI.

Bata pa naman ako, eh. Mag-g-gym na lang ako kapag eighteen na ako. Baka sakali maging kasing-sexy ko sina Mama. Feeling ko talaga sa tatay ko nakuha 'tong pagmumukha ko, eh. Bad trip. Hindi ko pa nakikita yung mukha no'ng lalaking iyon, wala rin naman nang pictures si Mama no'n. Pero wala naman din kasi akong makitang resemblance kay Mama so sure ako doon talaga sa tatay ko ako nagmana. Kamalasan naman talaga. Maganda nga ang nanay, hindi naman maganda pinagmanahan.

"Hindi ako mahilig masyado sa matamis." sagot niya sa wakas. "Sa'yo na 'yan."

Napatango na lang ako. Tipid na ngumiti lang siya bago umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang makaupo. Nang bigla itong lumingon sa akin ay mabilis naman akong napaiwas at nagpanggap na inspector ng biscuit. Combi talaga...

"Hoy, Ella!" Napangiwi ako nang hampasin ako sa balikat ni Valeen, muntik ko pang mabitawan yung pagkain kaya kaagad kong ipinatong 'yon sa desk ko. Tiningnan ko siya ng masama pero pinandilatan niya lang ako ng mata. "Ano 'yon?"

"Ewan ko rin." Ngumuso ako. Parang gusto kong mag-iwas ng tingin pero todo-pigil ako sa sarili kasi alam kong makakahalata siya. Alangang sabihin ko na nalaman ko na kung sino ang favorite author namin. Shit, ang conflicting! Bakit ba kasi nalaman ko pa!

"Anong ewan ka riyan?" Kumunot ng bongga ang noo niya. "Parang kailan lang ni hindi kayo nagtitinginan tapos ngayon—oh, my gosh! Dahil ba ikaw pinagsauli ko ng notebook niya? Dapat pala ako na lang!"

"Loka-loka!" Napatawa tuloy ako ng malakas dahil sa conclusion niya. May gano'n bang senaryo? Dyusko, kung ganoon pala edi sana lahat close na ni West at binibigyan ng biscuit. "Kumalma ka nga, napaghahalataan ka, eh."

"Kasi naman," Finally ay hininaan na niya ang boses. Sinubukan niyang kunin yung Combi na kaagad ko namang naiiwas. "Baka naman pwedeng akin na lang 'yan? Id-display ko sa bahay at sasambahin."

"Valeen, ang pagkain, kinakain, hindi sinasamba sa bahay." Ngumuso siya sa sinabi ko at hindi nag-react nang itago ko sa bag ang kawawang biscuit. Natawa ako sa kanya. Parang sira talaga!

Grabe naman pagka-crush niya kay West. Paano na lang kaya kapag nalaman niyang si Nishi at si West ay iisa lang, baka magwala 'to. Ayos na rin palang ako lang ang may alam. Kung nagkataon na siya, feeling ko sasabog 'to sa kilig.

I mean kinilig din naman ako na alam ko na, pero conflicting kasi nakakapanghinayang na hindi ko na maliligawan ang favorite author ko. Babae kasi. Well, at least, hindi ko man siya maging boyfriend, may chance namang pwedeng maging magkaibigan kami.

Matagal pa siguro bago ako makapagpakilala kina Mama ng taong magugustuhan. Bata pa naman ako, eh. Hanggang crush na lang muna.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang teacher namin. Saka ko naalalang may assignment nga pala kami sa subject na 'to! Patay, nalintikan!

"Valeen, Valeen, may assignment ka?"

Nanlaki ang mata niya. Parang saka lang din naalala ang lahat-lahat na related sa school. Goals talaga kami ng bespren ko! "Ella, wala! Nalimutan kong mangopya!"

Napa-face palm ako. Kung bakit naman kasi nagkaka-amnesia ako kapag nauwi na ng bahay! Literal na nalilimutan kong tumingin sa notebook. Tsaka hindi naman talaga ako mahilig magsulat.

Tinatandaan ko lang din talaga yung dini-discuss kasi akala ko maaalala ko lahat—akala ko lang pala. After ng isang subject, back to zero ulit brain cells ko.

Sa group chat naman namin, e, naka-mute lagi notification ko. Ang ingay kasi. Hindi rin ako makapag-back read kasi puro kung anu-ano ang usapan, hindi ko na makita kung anong importante sa hindi.

Napalingon ako sa puwesto nina West. Siyempre may assignment siya. Hay...dapat pala hindi na lang siya nag-hello! Nakaka-distract ng layuning mangopya!

Huli na para mag-iwas ng tingin nang bigla siyang lumingon sa pwesto ko. Napalunok ako. As usual ay nag-tilt na naman siya ng ulo. Feeling ko na-realize niyang wala akong assignment. Umangat ang gilid ng labi niya.

Aba, teka, nang-aasar ba siya?

Ilang araw na rin ang lumipas nang huli kaming mag-usap na kami lang dalawa. Matapos no'n ay hindi na ako nagkaroon pa ng chance na masolo siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya sa totoo lang, marami akong gustong itanong na tanging writer side niya lang ang makakasagot.

Simula rin no'n ay nag-alangan na akong mag-message sa kanya sa Wattpad. Ano pa bang dapat kong sabihin, e, kilala na niya ako. Nakakahiya kaya. All this time, sa kanya pala ako nagm-message. Yung kalandian ko talaga, shit!

Napatingin na lang ulit ako sa harap at in-ignore yung mga thoughts ko tungkol sa kanya kasi lalo lang akong nakakaramdam ng hiya. Taimtim akong nagdasal na sana nakalimot ang teacher namin na meron ngang assignment.

"Aabangan ko sa labas ang magpapaala na may assignment tayo," narinig kong sabi ni Valeen. Parehas kami paniguradong humihiling na sana makaligtas kami.

Nagkatinginan kami at natawa na lang. Bahala na nga kung wala! Hindi na rin naman na bago itong wala kaming assignment minsan.

"Okay, class, may assignment tayo kahapon, 'di ba?"

Joke lang pala.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

52.9K 2K 19
Anong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!
1.1M 50.2K 46
"You're my betrothed." "Naliligaw ka, Miss." Inis na isasara ko na sana yung pinto ng humarang sya doon. "I don't think so. You're Terry Alcatraz ri...
326K 12.7K 41
"You just make me lose my date just to babysit your house?" I asked my cousin Trance. I almost punch his handsome face if it's not just on that--i ca...
112K 6K 11
R18+ βœ” Amanda Leigh Ryans, a jobless woman with a diploma who is experiencing an existential crisis, finds herself being the babysitter of a psychopa...