Blackmailing the Beast

By jennaration

924K 21.1K 1.8K

[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really be... More

Blackmailing the Beast
Prologo
Chapter 1 - Meet the Belle
Chapter 2 - Belle in action
Chapter 3 - Belle is hired
Chapter 4 - Belle in mission
Chapter 5 - Cup B-elle
Chapter 6 - Belle's interview
Chapter 7 - Belle found the castle
Chapter 8 - Belle trapped in the castle
Chapter 9 - Ulam ni Belle
Chapter 10 - Boss ni Belle
Chapter 11 - Belle to the rescue
Chapter 12 - Beast's pandesal
Chapter 13 - Here comes the Beast
Chapter 14 - The other Belle
Chapter 15 - Blackmailing the Beast
Chapter 16 - Belle's nightmares
Chapter 17 - Yummy Beast
Chapter 18 - Belle the nerd
Chapter 19 - Belle the troublemaker
Chapter 21 - Belle in love
Chapter 22 - Beauty vs Beast
Chapter 23 - Mistakenly Belle
Chapter 24 - Belle meets the family
Chapter 25 - Belle is dead or alive
Chapter 26 - Beast's version of truth
Chapter 27 - Belle before the storm
Chapter 28 - Belle meets the Falcon's
Chapter 29 - Belle in disguise

Chapter 20 - Unidentified Belle

7.9K 323 39
By jennaration

Beauty's POV

Pinagtataguan ako ng boyfriend ko. Kahapon ko pa siya hindi nakikita at ngayon nga ay Biyernes na. Palaging sa labas siya nagme-meeting. Ang huling kita ko sa kanya ay noong wednesday kaya lang maaga ako umalis dahil may klase pa ako. Nagsayang pa ako ng pamasahe papunta sa company niya tapos wala akong mapapala. Siguro tuwang-tuwa ang itlog niyon na hindi ako nakikita ngayon. 

Naglalakad lang ako dito sa pasilyo ng building namin. Pinapatawag kasi ako sa registration office dahil may sasabihin daw ang Head Registrar sa akin.

I dialed Oscar's number. Idinikit ko sa aking tainga ang cellphone ko. Ring lang ng ring ito. Isa pa itong assistant niya na iwas ng iwas sa akin.

I texted him.

Oscar, sagutin mo ang phone please. Wala kang choice kundi mababaha ang inbox mo ng txt ko.  

I hit send. Tapos dinial ko ulit ang number niya. Mga naka-siyam atang dial bago niya ito sinagot.

"Hi Oscar. Kamusta?"

"Busy po ako, Maam."

"Anong busy? Wala ka namang jowa."

"Si Maam, talaga."

"Nasaan kayo ng magaling mong Boss?"

"Sa ano Maam... ano," may pag-aalinlangang sabi niya. 

Mukhang may tinatago.

"Ano!?" 

Diretso lang ang lakad ko habang nakikipag-usap kay Oscar. Napasimangot ako nang masasalubong ko ang bwisit kong klasmeyt na si Nordin. Kumaway siya sa akin. Napa-ismid lang ako. Balak kong hindi siya pansinin kapag nakalapit na siya sa akin.

"Ano, Oscar?" tanong ko muli sa kausap ko sa cellphone.

"Ah, Maam. Nandito kami sa seaport office. Nagi-inspection po sina Sir ng mga vessels."

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"OO, Maam."

"Okay. Pakisabi sa Boss mo, mag-ingat siya. At ipaalala mo yung deal namin bukas. Alam na niya agad yun. Okay?"

"Copy, Maam."

"Bye Oscar. Ingat ka din. Malapit ka na magmana sa Boss mo."

Natatawang sabi ko bago siya pinatayan ng tawag. Mahal kaya ang load ngayon. Hindi pa naman ako naka-unli call. Grabe na talaga, effort kung effort ako sa relasyong 'to.

"Hi Beauty. Papunta ka na ba sa klase natin?" nakangiting tanong niya.

"Nakita kita so hindi na ako papasok," sabi ko sabay iniwan siya doon. Agad naman niya akong sinabayan ng lakad.

"Next week na ang presentation natin. Kailan tayo pupunta ng library para ayusin ang report natin?" nakangiting wika niya. Muntik ko na makalimutan ang presentation na yun. Sa Wednesday na pala.

"Huwag ka ngang ngumiti. Nakakairita ka."

Napalabi siya. "Ang harsh mo sa akin."

"Ang kulit mo kasi. Sa monday na lang tayo pumunta sa library. Okay na ba yun?" pabalang kong wika. Wala naman akong choice at siya na lang natitirang walang ka-groupmate sa klase namin.

Nag-thumbs up siya. "Okay na okay. Pahingi number mo para ma-kontak kita."

"Para-paraan ka din eh!'

He chuckled. Ibiniga nito ang iPhone niya sa akin. I input my number.

"Salamat. Textmate na tayo."

"Anong textmate? Huwag mo akong ginugulo sa text. Hindi ako unli text and calls."

"Lo-lodan kita. Saan ka pala pupunta?"

"Registration."

"Sasamahan na kita."

"Bakit lumpo ba ako para samahan mo pa?"

"Ah basta! Sasamahan kita."

"Bahala ka sa buhay mo."

Mabilis akong naglakad para hindi siya masabayan. Kung sino-sino kasia ng kinakausap niya habang naglalakad kami. Iisa lang tinatanong nila kung sino ang kasama niya which is ako yun. 

Mabilis akong pumasok sa registration office. Hindi ko alam kung nakasunod pa rin si Nordin sa akin. 

"Hi. Ako nga pala si Beauty Contreras. Tinawagan ako kaninang umaga dahil kakausapin daw ako ng Head Registrar." magalang kong sabi sa babaeng nakaupo sa likuran ng isang glass window. Wala naman estudyante na iba dito.

"Ah yes. Ako yung tumawag sa'yo. Sandali at i-inform ko ang Head na nandito ka na. Antayin mo ako sa harap ng pintuan," wika niya, saba'y turo sa pintuan sa may gilid ng office area niya.

"Sige, salamat po."

Naglakad na papunta sa may pintuan. Mga dalawang minuto lang inantay ko ang pinagbuksan ako nung babae.

"Pasok ka na lang sa loob."

"Sige."

Pumasok ako sa nakabukas nang pintuan. Nadatnan ko yung Head na may tinitignan sa kanyang computer. Maganda siya, mga early 30s na siguro ang edad niya.

"Hi po. I'm Beauty."

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.

"Hi, please have a seat. I'm Stacy Villareal."

Umupo ako sa upuan na nasa harap ng mesa niya.

"May problema po ba."

"I've seen from your files that you were recommended by Mr. Fernand Castillo. He is a family friend," panimula niya.

"AHm, opo."

Tumango-tango siya.

"That's why we were very confident when we accepted you in this University despite the high standards we put in accepting students especially transferees."

Ngumiti ako pero may kaba sa aking dibdib.

"May problema po ba?"

She pulled out a paper document from a folder. She showed it me.

"Your birth certificate is fake, Miss Contreras."

Inabot ko ang papel at tinitigan iyon dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"P-po? Imposible po kasi mismong ang Tatay ko ang kumuha niyan sa Statistics office. "

"I am positive. We check all our student's birth certificates with PSA and it was confirmed to me that was a counterfeit document."

"Ito na po ang ginagamit ko sa lahat ng schools ko dati."

Original kasi ang hiningi nila dito sa akin noong nagpasa ako ng requirements at nag-enrol. Unlike sa ibang schools ko dati na puro photocopy lang.

"Maybe your schools before didn't check the document properly. Unfortunately, there are schools who does that. It just so happened that we have a different standards here."

Kumunot ang noo ko. 

"You can get a new one at PSA if you have doubts to what I just said. Don't worry I will not kick you out of our University. However, I will give you by the end of the semester to provide a legal document."

Isinilid ko sa aking backpack ang document.

"Sige po. Pasensiya na po talaga hindi ko po alam na peke ang binigay ko. At tsaka naniniwala naman po ako sa inyo."

Ngumiti siya sa akin.

"No worries. That will be all for now."

Tipi akong ngumiti sa kanya at lumabas na ng kanyang opisina.

Tulala akong lumabas ng registrar office. Ang hirap kasi maniwala na peke ang dokumento ko dahil mismong si Tatay ang nagbigay sa akin niyon.

Unless, he lied to me. But why? 

Baka wala siyang pambayad. Pwede rin iyon ang dahilan niya.

I have to go back to Rizal. Maybe I can find an original document from my Father's cabinet. Naguguluhan talaga ako eh. Bakit magsisinungaling si Tatay sa akin? Pwede naman niyang sabihin na peke pala ito eh di sana kumuha ako ng bago nung nag-umpisa na ako magta-trabaho.

Hindi muna ako papasok. Hindi rin naman ako maka-concentrate. Naabutan ko si Nordin sa labas na agad tumayo nang makita ako.

"May problema ba?"

"W-wala. Mauna ka na sa classroom. May pupuntahan pa ako."

Nauna na akong maglakad palabas ng building.

"Hah, malapit na mag-umpisa ang klase."

"Oo, babalik din ako agad. Huwag ka na makulit pwede." naiiritang sabi ko.

"Ah okay. Sige mauna na ako." 

Tumalikod na siya sa akin dahil sa kabilang side ng building ang classroom namin. Hindi naman talaga ako babalik dahil matagal ang biyahe papuntang Rizal. 

SANA talaga wala si Tiya Marga sa bahay. Well, usually wala naman talaga siya sa bahay. Laging nasa pasugalan iyon, all day everyday, ang motto niya.

Mga alas-cinco na ata ng dumating ako dito dahil sa sobrang traffic at walang masakyan. Pasilip-silip ako dito sa bakod namin kung may naglalakad na mukhang pera sa loob ng bahay namin. Kung meron, yung Tiya ko na yun. 

"Mukhang wala siya," bulong ko. 

Dahan-dahan ako pumasok sa loob ng bakuran namin. Palingon-lingon ako sa gate baka biglang dumating si Tiya. Nang makalapit ako sa may pintuan ay tumayo ako sa gilid. Kulang na talaga ako ng baril at pwede na akong sumigaw nang -  sumuko ka na, napapaligiran ka na namin. 

Sumilip ako sa aming bintana. Wala naman akong naririnig na kaluskos. Nilabas ko sa aking bulsa ang susi ng bahay at sinuksok iyon sa hawakan ng pintuan. Dahan-dahan ko iyon binuksan, at medyo nakapikit na sinarado ito.

Nilibot ko agad ang aking paningin sa loob. Negative.

"Coast is clear," bulong ko sa aking sarili. I tiptoed my way upstairs. Nag-sign of the crossed pa ako habang pinipihit ang pintuan ng masters bedroom kung nasaan ang mga gamit ni Tatay at kung saan ang kwarto ni Tiya.

Wala akong narinig na kahit ano kaya niluwangan ko ang pagkakabukas ko ng pintuan. Dumiretso ako agad sa cabinet ni Tatay. Hindi ko na nga naisara ang pintuan ng kwarto.

Nakita ko na lahat ng laman ng cabinet ni Tatay noon dahil ako ang nag-ayos nito bago pa ako ibenta ni Nanay. Baka lang may nakaligtaan akong tignan. Bale limang drawers ang cabinet niya.

Isa-isa ko yun kinalkal pero wala namang kakaiba. Hanggang sa mabuksan ko ang pang-huling drawer at agad bumungad sa aking ang isang pambatang school uniform. Wala iyon dati dito na siyang ikagulat ko.

"Kanino kaya ito?"tanong ko sa sarili. Kinuha ko yun para kilatisin.

Isa itong uniform blazer. Kumunot ang noo ko. I can feel some familiarity to it. I touched the patched near the collar of the button down blazer

Pacific Grade School

"Eh? Mayaman ba kami dati?"

Umiling-iling ako. 

Parang hindi naman. Isinilid ko sa aking backpack ang blazer. Itatanong ko kay Beth kung sa kanya ito nung bata siya. Hinalukay ko pa ang mga damit na kasama ng blazer pero mga damit na lahat iyon ni Tatay.

Tutal andito na rin lang ako. Kahit masama ay binuksan ko na lahat ng kagamitan na may drawers sa kwarto. Wala akong nakita na kahit anong kakaiba. Isusunod ko ang aking kwarto baka sakaling may bago doon.

"AY MULTO!" I screamed when I see Tiya standing near my room as if she was waiting for me.

Masama ang kanyang tingin. Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Kaya dinahan -dahan ko rin ang pag-atras. Hanggang sa na-korner niya ako sa pintuan ng kwarto niya.

I nervously laughed. "Tita, kamusta? Nanalo ka ba? Balato naman diyan!"

Hinablot niya ang mahaba kong buhok at pinaikot iyon sa kanyang kamay.

Napaigik ako sa hapdi.

"Pinapagod mo ako, Beauty. Alam mo ba na hinahabol ako ngayon ni Mr. Sy dahil hindi ko na maibalik ang ibinayad niya para sa'yo. Kaya ibabalik na kita sa club."

"AYOKO!" I screamed.

Mas lalo niyang hinila ng malakas ang buhok ko. Humihiwalay na ang anit ko sa king buhok.

"Madali lang naman akong kausap... tutal mayaman yung boyfriend mo, humingi ka na lang pambayad sa kalayaan mo."

Umiling ako. "HUWAG MO SIYANG IDADAMAY DITO. AT ISA PA HINDI KO 'YON BOYFRIEND!"sigaw ko.

"Sinong niloko mo? Mahirap siyang hagilapin pero kung ikukulong kita dito, mismong siya ang magpapakita sa akin dala ang pera na hihingin ko," tumatawang wika niya.

"WITCH KA TALAGA!"sigaw kong muli. "Sana hindi ka na nakilala ni Tatay!"

Tumawa siya muli. She looked at me in the eyes. 

"Ang Nanay mo ang dapat hindi nakilala ng Tatay mo. Utang mo ang buhay mo sa akin at ng Tatay mo. Tandaan mo yan!" matigas na sabi niya. 

Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit ako magkaka-utang sa kanya gayong teenager na ako ng makilala ko siya.

Hinila niya muli ang aking buhok kaya napahiyaw ako.

Tinulak ko siya ng buong lakas. Nang dahil sa mahigpit ang pagkakapit niya sa aking buhok ay mas lalo ako nasaktan ng nahila niya ako. Napasandal kami sa pader.

Pak! 

Pak!

Dalawang beses niya akong malakas na sinampal sa magka-parehong pisngi. Sa sobrang lakas nauntog ang aking ulo sa pader. 

"Ahhh..." daing ko.  

I could taste my own blood. Pumutok ata ang labi ko.

Ayoko sanang gawin ito pero wala na akong choice. Kinalmot ko ng sobrang diin ang braso niyang nakahawak sa buhok ko. Humiyaw siya pero nahuli niya gamit ang isa niyang kamay ang isa kong braso ng patakbo na ako. Kaya hinihila ko ang sarili ko mula sa pagkakahawak niya hanggang sa makarating kami sa hagdan. 

Bigla niya akong binitawan kaya nagtuloy-tuloy ako hanggang sa baba. Tumama ang balakang ko kaya napapaiyak ako sa sobrang sakit. Hindi naman mataas ang hagdan namin, mga anim na baitang lang pero tiles ang sahig namin kaya doon ako nasaktan ng todo.

Pababa na si Nanay kaya kahit masakit ang aking balakang, pinilit kong makatayo at tumakbo. Naiiyak ako habang tumatakbo palabas ng bahay namin. Nang makalabas na ako ay lumingon ako. Hinahabol na ako ni Nanay ngayon at may kasama na siya na isang lalaki. 

"Saan galing... ang alipores niya? Pasulpot-sulpot bwisit!" wika ko habang tumatakbo.

Madaming tao ang nakatambay sa labas pero wala akogn oras para isipin pa sila. Nanonood lang naman sila. Akala siguro may shooting...

Palabas na ako ng street namin. Lumingon ako muli at medyo malayo sila sa akin dahil mas lalong dumami ang mga tao na nakiusyoso at nakaharang.

Nasa may main road ako nagtatakbo. Kumakaway sa mga dumadaang motorista. Malapit na akong mawalan ng pag-asa nang may humintong itim na Civic sa harapan ko. 

Tumakbo ako palapit.

Bahagya akong nagulat nang makita kung sino ang lumabas mula sa driver's side. Kaya lang nataranta ako nang maisip yung mga humahabol sa akin.

"Oscar, Oscar.. SAKAY DALI!" I screamed. 

Iwinagayway ko pa ang kamay ko para makuha ang atensyon niya dahil sa bandang likuran ko siya nakatingin. Malamang napansin na niya yung mga humahabol sa akin.

Umikot ako sa may passenger side at dali-dali kong binuksan ang pintuan nun at pumasok. Sumunod naman agad si Oscar na pumasok muli sa kanyang kotse.

"Maam, anong nangyayari?" 

"May humahabol sa akin. Paandarin mo na," utos ko. 

Pinasibad naman niya agad ang kotse niya. 

"Wala tayo sa teleserye na kailangan magpaliwanag muna bago umalis, kaloka! Kung magjowa kailangang mag-hug o magdrama muna. Kaya naabutan sila ng mga naghahabol sa kanila eh," kung ano-ano na sinasabi ko sa  sobrang taranta ko. Patingin-tingin ako sa side mirror para i-check kung may humahabol pa sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo na kami. Doon ko na rin naramdaman lahat ng sakit at hapdi, sa balakang ko at sa aking pisngi.

"Hah? Ano Ma'am. Hindi kita maintindihan."

"W-wala iyon! Ibaba mo na lang ako sa sakayan papuntang Metro," wika ko. 

Kinalong ko ang backpack ko at hinagilap ang seatbelt na hindi ko na naisuot kanina sa sobrang pagmamadali. 

Panaka-naka siya kung tumingin sa akin. May pagtataka sa kanyang mukha.

I sighed before shifted on my seat to face him. Napangiwi ako kasi naramdaman ko muli ang sakit sa balakang ko. Mas mabuti kung hindi muna ako gagalaw siguro.

"Mag-promise ka sa akin, Oscar. Huwag na huwag mong babanggitin ang nangyaring ito kay Hunter," seryoso kong sabi. 

Hindi niya pwedeng malaman or else tuluyan na siyang iiwas sa akin kapag nalaman niyang puro gulo ang hatid ko.

"Eh Maam."

"Oo alam kong loyal ka doon. At tsaka hindi yun interesado sa akin, kaya huwag ka na lang magkwento. Okay. Pigilan mo yang bunganga mo, Oscar. Hay naku kapag talaga namali ka ng sinabi sa kanya, i-unfriend kita sa FB."

"Eh, Maam. Di tayo friends sa FB."

"I-block kita para di mo ako ma-add. Mag-promise ka nga."

"Sige po susubukan ko."

Simaan ko siya ng tingin.

"Gusto niyo po dalhin ko kayo sa hospital? Nagdudugo po yang gilid ng bibig niyo."

Umiling ako. "Huwag na. Kayang-kaya ko na 'to gamutin."

"May tissue po dyan sa glove compartment." 

Itinuro niya ang nasa harapan ko. Binuksan ko iyon at meron ngang tissue box. Kumuha ako ng limang piraso ng tissue. Pinunasa ko ang gilid ng bibig ko. 

"Salamat," wika ko.

"Sigurado ka na ayaw mo sa hospital na lang kita idiretso?"

Umiling ako. "Ayoko. Mawawala din ito pagkatapos ng ilang araw."

"Bakit ka nga pala nandito sa Rizal?"

"Ah Maam, sa Antipolo ako nakatira."

"Ah sige sa sakayan mo na ako ihatid."

"Huwag na Maam, ihahatid na kita sa bahay niyo."

"Hah? Eh babalik ka pa ng Metro. Malalayuan ka pa. Huwag na."

"Sige na Maam. Okay lang sa akin."

Huminga ako ng malalim. "SIge na nga. Salamat, Oscar ah."

"Wala pong anuman."

"Po ka ng po sa akin. Beauty na lang."

"Okay po, Beauty."

Natawa ako. "May PO pa rin."

Pati siya tumawa. "Okay, Beauty."

"Bakit ang aga niyo natapos? Saan nagpunta si Hunter?" tanong ko.

"Ahh Maam, hindi ko alam. Hindi na iyon saklaw ng trabaho ko unless nasa schedule niya."

"Kailan mo ibibigay ang number niya sa akin?"

"Hindi kasi pwede. Ikaw na lang huningi sa kanya, Maam!"

Napanguso ako. 

I rested my head on the back of my seat. May bukol na ata ako. Minasahe ko yun hanggang makatulog ako sa pagod.

Nagising lang ako sa tapik ni Oscar sa braso ko. I opened my eyes and was a bit disoriented. I looked outside the window and it was already dark. I noticed how we were already in front of the apartment. 

"Teka, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Napakamot siya sa ulo.

"It's my job to know, Beauty."

"Bakit?"

"Lahat ng nakaka-usap ni Sir kailangan alam ko ang background nila for security and for future references. It is my job as an EA. Don't worry, I only know the basic information... like where you live, your phone number and your job. Yun lang."

"Ahh.. s-sige. Salamat uli ah. At yung pinangako mo."

Tumango siya.

"Sige, Maam. At tsaka dampian niyo po ng ice yang pisngi niyo."

Tumango ako. 

Lumabas ako ng sasakyan niya dala ang bag ko. Paika-ika akong naglakad papasok ng apartment namin.


----------

A/N Almost there. I'm so excited. 







Continue Reading

You'll Also Like

177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...