Incantation Academy : School...

By CuteLazyPig

88.1K 4.5K 582

To be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage unt... More

Authors note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOUGE I
EPILOGUE II
EPILOGUE III
THE POWERFUL ARTEMIS
Authors note
📍Announcement 📍

Chapter 16

1.4K 83 1
By CuteLazyPig


Chapter 16: Big Four.

Cassandra's POV

Nabalot ng tawa ang buong Center dahil sa mga dumating. Sabay-sabay naman kaming bumati para sa kararating lang na bisita.


"Oh! Good afternoon, Miss Clever!" bati nung isa sa mga dumating na may blue na buhok.


"Surprise!!" bati ng isa pang lalaki.


Halata naman ang inis sa mukha ni Miss Samantha dahil dito sa dalawang bagong dating. Sa pag kakarinig ko ay Big Four ang dumating......bakit dalawa lang sila?


Nag usap-usap muna sila bago umupo ang dalawang lalaking iyon sa harapan, katabi ni Mr. Larry na ngayon ay wala na pala. Hindi ko namalayan na umalis na pala ang Former President.


"Ok, students! Witch Family, Wizard Family and Sorcerer Family may now leave the Center!" anunsyo ni Miss Clever.


Agad namang nanghinayang ang mga students na hindi nasagot ang mga tanong nila tungkol saakin pero walang magawa dahil iyon ang utos ng Principal.


Tumayo na ako at pumunta kay Miss Clever para makapag paalam. Gustuhin ko mang pakinggan sila ngunit hindi ko din magawa. Baka may importante silang ginagawa o pag uusapan nitong mga lalaking ito.


Yung lalaking na kulay blue ang buhok ay mukhang nasa mids 40 palang s'ya, same sa isa pang lalaki na kasama n'ya.


Sila 'yung Big Four?


Tumingin ako sa taong lumapit sa gilid ko at nakitang si Jake iyon habang nakatitig sa may kulay blue na buhok na lalaki. Bumalik ang cold n'yang tingin.


Tumingin si Miss Clever saakin pagkatapos n'yang makipag usap doon sa dalawa.


Mukhang close ang mga ito ayon sa paraan ng kanilang pag-uusap.


"Muntik ko ng makalimutan. Go to my office later at three o'clock. I have meetings to attend, Miss Soulford" paliwanag ni Miss Clever saakin pero habang kausap ko s'ya ay hindi ko maiwasan na punahin ang titig ng dalawang lalaking kadadating lang. 


Nakatigin din sila sa direksyon ko at tila sinusuri ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at bumaling kay Miss Clever.


"O-ok, Miss. I understand." sagot ko.


Humarap ako sa kanilang lahat at nahihiyang yumuko. "Mauna na po muna ako" sabi ko sabay talikod na sakanila.


Habang naglalakad ako palayo ay narinig kong nag salita ang isa sa mga lalaki. Hindi ko lang alam kung sino sa kanilang dalawa pero base sa lalim ng kanilang boses ay tiyak akong isa sa kanila iyon.


"S-sya ba?"


Hindi ko na narinig ang sagot ni Miss Clever sa sinabi nang lalaki dahil nakalayo na ako sa kanila.


Ang daming tanong ang nabuo sa aking isipan dahil sa lalaking dumating. Para bang may nag tutulak saakin para alamin ang kung sino sila. Big Four.. 


Nagtataka din ako dahil sabi nila sila ang Big Four ngunit dalawa lamang ang nakita ko?


Asaan kaya ang dalawa pa? Madaming tanong ang bumagabag saakin habang nag lalakad ako.


Napag tanto ko na lang na nakarating na ako sa dorm para makapag palit ng damit at kaharap si Belle.


"Do you know them, Belle?" tanong ko.


Mukhang napukaw naman ang pansin n'ya dahil sa tanong ko. Binaling n'ya ang tingin saakin at nag taas ng isang kilay.


"Big Four" sabi ko habang nagtatanggal ng sandals.


Sinarado n'ya ang aklat na binabasa n'ya sabay sandal sa upuan. "Actually, Yes. I now them. Bakit, Cassandra? interesado ka?"


"Hindi naman sa interesado ako pero gusto kong malaman kung sino sila?" may halong pag aalangan kong sagot.


"Edi interesado ka nga!" sagot n'ya pabalik.


Natawa naman ako dahil sa pananalita n'ya. Napailing nalang ako bago humiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Hinihintay kong magsalita s'ya para sagutin ang tanong ko pero parang wala s'yang balak kaya tinignan ko ulit s'ya.


"Bawal ba?" tanong ko ng makitang nag-aalangan pa s'yang magsalita. Bumuntong hininga s'ya bago nagsalita.


"Ok, sasabihin ko na" sabi n'ya at pumunta sa kama n'ya na malapit sa kama ko at umupo. Kinuha n'ya ang wand n'ya at tinignan iyon bago magsalita.


"Ang Bigfour ang matalik na mag kakaibigang sangkot sa labanan 17 years ago. Sila ang kumalaban kay Spade nung mga panahon na iyon ngunit may pinakadahilan ang lahat kung bakit nag hasik ng digmaan ang mga Quins, mga tauhan ni Spade laban sa mga Incants, Tao sa bayan ng Goblin. Sabi nila dahil doon kaya nawalan ng kapayapaan ang buong Magic World pero walang nakakaalam ng tungkol doon kundi ang Big Four at ang mga taong nakipaglaban nung panahon na iyon"paliwanag n'ya.


Tumingin ito saakin na parang sinasabing tapos na s'ya magpaliwanag pero agad akong nag salita. "Sino-sino ang Big Four at bakit dalawa lang ang dumating kanina?" takang tanong ko.


"Nope, You're wrong. Tatlo sila kanina." sagot n'ya.


Nagulat ako sa sinabi n'ya kaya napatayo ako galing sa pagkakahiga. Nakita kong natatawa naman si Belle dahil sa naging reaksyon ko.


"Si Miss Samantha ang pangatlo?" gulat kong tanong.


Ngumiti sya tsaka tumango! Naiawang ko ang aking bibig dahil sa pagkamangha sa nalaman. Kaya naman pala close silang tatlo eh!


 "How about the other one? Yung pang apat?" tanong ko kay Belle.


Binalingan n'ya ako ng tingin bago humiga sa kama n'ya. Nagkibit balikat s'ya dahilan para magtaka ako.


"I don't know. No one see him after the war. I don't know even it's name. Basta ang alam ko ay apat sila." sabi n'ya.


Dahil doon ay hindi kona pinilit si Belle na mag kuwento kahit hindi talaga ako satisfied sa paliwanag nya. Para kasing may kulang at may gusto pa akong malaman.


Lumabas ako ng dorm at pumunta sa library. Alam ko doon ko makukuha ang ibang sagot sa mga katanungan ko.


Pagkarating ko doon ay naghanap agad ako ng librong pwedeng makasagot ng mga tanong ko tungkol sa nangyari dati.


Nagbasa ako at naghanap ng iba't-ibang libro para maghanap ng sagot per lahat ng nahahanap ko na libro ay parang putol. Laging tatlo ang ang pangalang nakalagay doon at kahit sa pag kukwento ng nangyari ay hindi miski isang beses binangit ang pangalan ng isa pang kabilang doon.


Ang pangalan lang na nakalagay doon ay Luis Petergreen, Francisco Howland Malfori at Samantha Georgiana Clever.


Sila lang ang laging na babanggit. Si Francisco ay yung may blue na buhok habang si Luis naman yung isang lalaking kasama ni Francisco at si Miss Samantha.


Tinitigan ko ang pangalan ni Mr. Luis dahil parang narinig kona ang pangalan n'ya kung saan. Para bang nakilala ko na s'ya dati. Hindi ko matandaan kung kailan at saan pero may kakaiba akong nararamdaman pagdating sa kanya.


Dahil sa pagbabasa ay hindi kona namalayan na alas tres na pala ng hapon. Kailangan ko ng puntahan si Miss Clever sa kanyang office.


Habang naglalakad ako ay dala ko parin ang pag iisip sa aking mga nalaman at gusto pang alamin hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa harap na ako ng office ni Miss Samantha.


Kumatok ako ng tatlong beses at agad naman itong bumukas.


Iginala ko ang aking paningin sa mga taong nasa loob. Hindi ko akalain na may makakasama ako sa pag-uusap na ito.


Nandito parin si Mr.Luis Petergreen and Francisco Malfori ayon sa pag kakatanda ko sa kanilang pangalan at mas lalo kong hindi inasahan na nandito si Jake na nakatingin lang sa ballpen na nakalapag sa desk ni Miss Samantha.


"G-good afternoon, Miss Clever" nahihiya kong bati.


"Please have a seat, Miss soulford"


Agad ko naman s'yang sinunod at umupo ako sa katabing upuan ni Jake habang nasa harapan naman namin sila Mr. Luis and Francisco.


Tumikhim si Mr. Francisco at tumingin saakin habang nakangiti.


"Hi, Miss Soulford. I'm Francisco Howland Malfori, the most handsome incant here in the magic world" pakilala n'ya habang kunwaring inaayos pa ang buhok.


"Stop that" si Jake na binigyan ng naiiritang tingin si Mr. Malfori.


Ngumiti ako at tumango sakaniya bago bumaling kay Mr. Petergreen.


Nakangiti akong sinalubong ni Mr. Petergreen. "Hi beautiful young lady. I'm Luis Petergreen" sabi n'ya.


Ngumiti naman ako bago yumuko din para magbigay galang. Nakangiti parin s'ya saakin at kita ko kung paano pasimpleng sikuhin ni Mr. Malfori si Mr. Petergreen dahilan ng pagkunot ng noo nito.


"Nice to meet you Miss soulford" sabi n'ya bago bigyan ng nagbabantang tingin si Mr. Malfori na ngayon ay nag-iiwas ng tingin sakaniya.


Bumaling ako kay Miss Clever na pinagmamasdan kami. Nakatayo lamang s'ya at tinignan ako. Ganon din ang dalawang matandang lalaki.


"So..Saang Family po ako kabilang?" tanong ko sa gitna ng katahimikan.


Tumikhim si Miss Clever bago nagsalita. "Kumplikado ang Family, Group and Type mo, Miss Soulford. Hindi lamang basta-basta ang kapangyarihang mayroon ka."paliwanag ni Miss Clever.


Nakatingin lang ako sa kanya, bakas ang pagtatanong saakin. Nakita ko naman na nakatingin lang din sila Mr. Luis sa kanya pati si Jake.


Ano bang ginagawa n'ya dito? kasama ba ulit s'ya sa meeting?


Binaling ko nalang ulit ang aking atensyon kay Miss Clever. "Sa mga araw na inilagi mo dito sa Academy ay alam kong naka discover ka ng iyong ability." panimula n'ya.


"Sabihin mo Miss Soulford. Ano-ano ang ability na nakaya mong ilabas?" si Miss Clever.


Kahit nagtataka ako sa sinasabi n'ya ay inalala ko ang mga panahon na nakapag labas ako ng kapangyarihan ng hindi ko inaasahan. Nag tataka pa ako dahil miski si Fiona ay parang gulat sa kaya kong ilabas.


Ang laban namin ni Fiona sa Sky Battle. Ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Ang pag papagaling ko sa sugat ni Kate at ang mga symbols sa balikat at leeg ko na hindi ko maintindihan.


"I can control the wind. I can make ice. N-nagawa ko din mag heal ng sugat." sabi ko habang isa-isang inaalala ang mga iyon.


Tumingin ako sa mga taong nasa paligid ko at bakas rin sa kanilang mata ang mangha sa kaya kong gawin. Ganon ba talaga ang taglay kong kapangyarihan? pero bakit? paano?


"Exactly, Miss Soulford." Napatingin ako kay Miss Samantha ng sabihin n'ya iyon.


"Ang kakayahan mong iyan ay taglay ng isang incant na kasapi sa Artemis Group. Ang pinaka rare na group sa Sorcerer Family. Hango sa Triple Moon Symbol at hango sa Goddess na si Artemis na isa sa nagbigay ng kapangyarihan saatin. Artemis Group doesn't have types of powers. Kaya mong maglabas higit pa sa tatlong ability in a short span of time. Hindi iyon madali kontrolin kaya kailangan mo ng matinding pagsasanay"


Lahat kami ay natahimik sa buong office ni Miss Clever. Hindi ako makahinga dahil sa mga nalaman ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at unti-unti ko ng nararamdman ang mga responsibilidad na kailangan kong harapin.


"In short you're in Sorcerer Family, Artemis group and no type....at ikaw lang ang kabilang sa grupo na iyon, Miss Soulford" si Mr. Luis.


Lalo kaming natahimik. Ako lang? ang kasali sa Artemis group? How?


"The last incant who's in Artemis died 75 years ago." si Mr. Malfori.


"Pero hindi lang iyon, Miss Soulford. What makes your identity complicated is that you have the ability to heal others" si Ms. Clever.


"Ability that only the member of Witch Family can do" si Jake ang sumagot habang pinapaikot-ikot n'ya ang ballpen sa kamay n'ya.


What? May ability ako na gaya ng sa Witch Family? So pwede din akog kabilang sa Witch Family? kaya ba kumplikado?


"How powerful" dinig kong bulong ni Mr. Malfori.


"Really Powerful" si Mr. Petergreen na nakatingin na sa baba.


"What about my eyes, Miss Clever?"


Hindi pa man nakakabangon sa mga nalaman ay nagtanong na ulit ako. Kita ko ang lito sa mukha nilang lahat.


"What about your eyes, Miss Soulford?" si Miss Clever na ngayon ay naging alerto bigla.


"Nagiba ang kulay nila noong galit ako. They turned red.." sabi ko.


Nagkatinginan sila Miss Clever at sila Mr.Luis dahil sa tanong ko. Para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.


May mali ba ako ng nasabi?


Mukhang napansin naman ni Miss Clever na nag hihintay ako ng sagot dahil humarap s'ya saakin.


"Nangyari na."


Ang unang salitang lumabas kay Miss Clever.


Nangunot ang noo ko dahil doon at biglang sumilay ang kaba sa aking dib-dib.


Nangyari na ang alin?


"Po?" naguguluhan kong tanong.


Hindi sila agad sumagot at sa panahon na iyon ay gulong-gulo na ako.


Anong nangyayari?

Continue Reading

You'll Also Like

484K 34.6K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
174K 22.9K 97
(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she f...
1.6M 64.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
770K 22.5K 39
Do you have powers or any special abilities? Then... Welcome to MAGICUS ACADEMY and have the chance to meet the Queen of all Queens