Diary ni Faphrodite: Ang Diyo...

Oleh RedLonelyRanger

4.4K 89 16

"Life is as to fap. Sometimes it's hard, sometimes not. But no matter what happens, you have to stick it in."... Lebih Banyak

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng Fap
DNF: Entry 1
DNF: Entry 2
DNF: Entry 3
DNF: Entry 4
DNF: Entry 6
-- DNF: 6.1 Niccolo's POV
-- DNF 6.2 Aphrodite's Entry
-- DNF 6.3 Alexia's POV
DNF: Entry 7
DNF: Entry 8
DNF: Entry 10
Intermission
DNF: Entry 11
DNF: Entry 11.1 (Haruka-sensei's POV)
Special Otor's Note
Untitled Part 19
fap

DNF: Entry 9

163 4 1
Oleh RedLonelyRanger

DNF - Entry 9

Dear Diary,

Ay? Maulan pala sa labas. Nakikisabay sa damdamin ko ngayon. NAKS. Aphrodite? Kelan ka pa nagdrama? Dahil ba tag-ulan seasons ngayon kaya ka nagkakaganyan? Ganun. Ba't nakakasenti ang ulan? Yung feeling mo nasa music video ka tapos maulan-ulan. Lakas ng mga trip ko sa buhay. Ang tugtog "Buko."

Pero kailangan kong pumasok. Next week na ang preliminary exam namin. At hindi ako pwedeng bumagsak dahil ayokong mag-shift ng kurso.

Nagbihis na ako diary. Tapos nagsuklay, nag-ayos, nagsuot ng jacket para di ako lamigin sa labas. Pagkalabas ko ng kwarto, napatingin ako sa mga paa ko. Wala pa pala akong medyas. Bumalik ulit ako sa loob para kunin ang medyas ko nang makita ko sa tapat ng bintana si Alexia na nakadungaw. Nakatingin saakin. Natumba ako ako nang makita ko siya.

Panong-sa tapat-TAMA! Kaya pala ang lapit-umikot lang pala ako ng kalsada nun? Ang layo pa ng nilakad ko. Napatayo naman kaagad ako saka tiningnan ko siya. Hindi ko siya marinig dahil sa lakas ng ulan. Kaya naman ay kumuha siya ng malaking notebook at pentle pen saka nagsulat-

"OKAY KA LANG BA?"

Kumuha naman ako ng pentle pen at sketch pad at sinagot ang tanong niya.

Ako: OKAY LANG AKO!

Alexia: AKALA KO NAMAN AT NAPANO KA NA-

Ako: NATUMBA LANG. PAPASOK KA BA?

Alexia: OO! SIGURO MAMAYA! MAULAN PA KASI. IKAW?

Ako: OO. PAPASOK AKO.

Alexia: SABAY NA TAYO. SUSUNDUIN KITA DIYAN WITHIN 10 MINUTES!

EH?! Bigla siyang tumakbo papalayo sa bintana. Dali-dali naman akong tumakbo pababa at kumain.

"Good morning girl! Ba't nagmamadali ka?" tanong ni Barbara sakin.

"Susunduin kasi ako ni Alexia dito."

"Oh-ganun? Nakita mo ba si Kevin? Si Jessica kasi ang nagluto ngayon eh."

"Namalengke daw silang dalawa ni Lucas." Sabi ni Jessica.

"Ahh-I see." Hahahaha! Kapag ang dalawang lalake, namalengke, cute sila para samin. Hmmm-bagay sila. Kung wala lang si Jessica! Perfect! Hahahahaha yaoi.

DING DONG-

NANDYAN NA AGAD SIYA?! Sabi niya 10 minutes?! Ang bilis naman atang 10 minutes yan?! Nabago na?

Dali-dali naman akong pumunta para tingnan kung sino yung nasa labas. Binuksan ko yung pinto at nakita kong may nakapark na kotse sa gate.

Pumasok ako sa loob, nagsuot ng sapatos saka kumuha ng payong.

"Alis na ako!"

"Teka, hindi ka pa kumakain!" sabi ni Jessica.

"Hayaan mo yan Sica. Sinusundo siya ng manliligaw niyang maganda hahahaha."

"Tumahimik ka Barbara! Tapunan kita ng gatas diyan eh. Sige na! bye bye!"

Sayang rin naman kasi yung libreng sakay. Tsaka ayokong mabasa ng ulan on the way. Kahit na malapit yun, maulan parin. Mababasa ako malamang. Ano ba namang klaseng pag-iisip yan Aphrodite.

"Pasok ka!" sabi niya. Pumasok ako at itinupi kung payong sana binalot ng tela at nilagay ko sa bag ko.

"Napano ka kanina Aphrodite?"

"Ah-eh-naslide lang. Yung medyas ko kasi. Pakalat-kalat kung saan. Na-nakatapat pala yung bintana mo sakin?"

"Oo. Matagal na." nakangiti niyang sabi. Stalker mo siya Aphrodite. Malamang nakatapat talaga ang bintana niya sa binta-HA! Ibig sabihin, nakita niya akong-UWA! UWAAAA! UWAAAAAAAAAAA!

"Uhhhh-" napahiga ako sa backseat sa sobrang kahihiyan!

"Eh?! APHRODITE?! Okay ka lang?"

"Eh-eh-okay lang ako." Napatayo naman agad ako saka tumingin sa malayo.

"Oh! Nandito na tayo!" sabi niya. Ang saya-saya naman niya. Sa pagkakataong to, biglang pumasok sa isip ko ang eksenang yakap-yakap siya ni Carkmichael. Yun kaya ang dahilan kung bakit ang saya-saya niya ngayon?

Kinuha ko yung payong ko saka lumabas ng sasakyan.

"Aphrodite! Pa-pa-share! Wala kasi akong payong." Sabi niya sakin. Itinapat ko naman ang payong sa lalabasan niya para hindi siya mabasa nang ulan pero imbis na sakanya ako tumingin-yung pink niya na panty ang nakikita ko.

SHET.

Nakalabas na siya ng kotse. Hinawakan niya ang kamay ko saka naglakad na kami papasok ng school. Medyo nakafeel namana ako ng kunting pagkailang nun. Napatingin siya sakin. Nasa school na kami nun inayos ko na ulit ang payong ko saka inilagay ito sa bag.

"Mag elevator tayo!" nakangiti niyang sabi. Kailangan niya bang ngumiti sa lahat ng oras? HALA?! Ano to? Ba't ako nababadtrip? Hinawakan niya ang kamay ko saka pumunta na kami ng elevator. Dalawa lang kami na nasa loob since maaga pa naman din kaming dalawa. Pinindot niya ang close button tapos number 5.

Tahimik lang kaming dalawa dun sa elevator hanggang sa bigla niya akong tinanong.

"Ah-may gusto ka ba kay Carkie, Aphrodite?" kinabahan ako sa tanong niya. Alam ko nanaman kasi ang sagot eh. Hindi ko lang alam kung dapat ko bang sabihin sakanya. Sa hindi kasi malamang dahilan, hindi ko kayang sabihin.

"Ah-eh-wala akong gusto sakanya." Sabi ko nalang. Ganun naman parati eh. Tanggi-tanggi nalang.

"He finally learned to let me go. Maybe there's a reason why." Napatingin siya sa mga sapatos niya tapos napangiti ng kunti.

"Kaya nga tinatanong kita kung may gusto ka sakanya. Mapapadali kasi niya ang lahat kapag ganun."

"Ah-ganun ba?" sagot ko.

"Hmmm! Tsaka, para hindi narin ako maghabol sa wala." Bigla kaming natahimik dalawa. Maganda si Alexia. Maganda talaga. Sexy at cute rin. Matalino pa. Nasakanya na. Pero-hindi pwede eh. Cute lang to sa mga yuri na anime, pero sa tunay na buhay, hindi ko siya pwedeng pagbigyan.

"Sorry for what I've done with you. Hindi ko kasi napigilan."

DING!

Biglang bumukas ang elevator saka lumabas na kami rito at naghiwalay kami ng room. Papasok na siya ng room niya ng bigla akong nagkaroon ng urge para sabihing-

"Alexia!" nilingon naman niya ako.

"-Gu-gusto ko siya!" ngumiti si Alexia at lumapit siya sakin...

"P-pwede ba tayo maging magkaibigan?" napangiti ako sa sinabi niya. Somehow, nagiging mabuti ang pakiramdam ko't lahat ng hiya ko'y nawala.

"O-oo naman! Gusto ko yun!" niyakap naman niya ako saka tumalikod.

"I like it. I really do." Pinunasan niya ang mga luha niya sa mata saka naglakad papalayo sakin saka pumasok sa room niya.

Hinayaan ko nalang siyang makaalis at pumasok na ako ng room. Pero nagulat ako nang binulaga naman ako ng isang Carkmichael na nakatakip ang muka at may earphones sa tenga.

Na..na..NANDAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Narinig kaya niya ang mga sinabi ko?! JUICE KO! Dali-dali naman siyang lumabas ng room at pumasok sa boys CR.

Anong nangyare dun? Hindi naman siguro niya narinig yung mga sinabi ko diba? May earphones naman siya nung lumabas siya eh. Teka-may problema ba yun? Ba't ang pula niya? Gusto ko siyang sundan papuntang CR pero-BOYS' CR YUN! Aphrodite, alam kong pangarap mo to pero hindi pwede. HINDI!

Pumasok nalang ako sa room at naupo sa upuan ko. Aba, ang bag niya nalagay na sa katabi kong upuan. Ibig sabihin-magkatabi kami. WHAT?! Haaaay wag kang mag 'what?!' diyan Aphrodite. If I know gusto mo rin.

Para akong timang-nangangausap ng sarili.

Umupo nalang ako saka nakinig sa kanta ni Touyama Nao na Omoi wa Rain.

"Omoi wa rain, rain-yamanai rain, rain. Modokashii anata kara no kotoba-"pakanta-kanta ko pa. kapag kasi umuulan, yan yung naalala kong kanta. Rain rain daw kasi. Hahahaha tsaka bagay lang siya sa basta! Maganda yung kanta kasi may 'rain' tapos!

Pumasok na rin si Carkmichael at takip takip parin niya ang muka niya. Nang nakita niyang napatingin ako sakanya, napatingin siya sa iba. Oh-teka... tumayo ako para lumapit sakanya.

"Carkmichael, ba't pula ang tenga-teka! Ba't pulang-pula ang muka mo?"

"Ha?! Ah-eh yung chocolates kasi na kinain ko kanina. Merong mani. Allergies to. Buti nalang at naisuka ko ang lahat ng yun."

"Ah-ganun ba? Sure ka okay ka lang?" tiningnan lang niya ako tapos tiningnan rin niya ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Wala akong masabi. Siya rin. Wala rin siyang masabi. Parang yun lang ang nangyari. Nagtitigan lang kaming dalawa.

"HOY! ANO YAN? HA?" napabaling naming ang tingin naming dalawa dahil nakangiting pumasok si Cyrene sa room. At nakita niya ang ginagawa naming dalawa. Ito na ang isa mga nakakatakot na araw na dumating sa buhay ko. Pero mas nakakatakot parin yung makain ka ng ghoul.

"Cyrene! Ginulat mo ako! Si Carkmichael kasi! May allergies! Kaya tinitingnan ko lang." sabi ko kunwari. Cross fingers tayo bhe. Sana makalusot.

"Eeeeeeeeeeeh? Bakit? Anong nangyare?" tanong niya sabay lapit saaming dalawa at naki-usiyoso na rin. Kelan ba hindi nakichismis tong babaeng to? Sigh.

"Wala. Wala to. Ahaha. Labas muna ako saglit ha? Pupunta lang ako ng clinic." sabi ni Carkmichael. Tumayo naman siya tsaka lumabas ng room.

"Ayeeeeei mala-anime ang peg nila! Hahahaha!" tukso sakin ni Cyrene. Anong bang problema nitong babaeng to? Sabunutan ko to eh. EH KASI NAMAN!

"Anong mala anime? Tokyo Ghoul? Yung ako yung ghoul tapos siya si Kaneki? Tapos kakainin ko siya ganun? Ay ang ganda naman ng buhay ko!" pasarkastiko kong sagot sakanya.

"Asus! Nakita ko kung pano kayo magtinginan kanina! Ayun na eh oh? Ang lagkit lagkit pero matamis. Parang biko lang! Kala niyo wala nang bukas yang pagtitinginan niyong yan! Ayeeeei!" sabi niya with actions sabay sundot sa tagiliran ko.

"Baliw. Anong-sus para tiningnan lang ang muka eh. Eh tiningnan lang naman eh."

"Wooo baka tiningnan mo lang." sabi niya witn matching patawa-tawa pa ng malakas.

"Hindi nga Cyrene! Ikaw talaga, ang ers mo! Hindi nga kasi!"

"Oo na! 'ta mo to oh? Paulit-ulit. Depensib ka masyado!"

"Ayan kasi tayo eh no? Kapag nagpapaliwanag, depenshib. Kapag tahimik, guilty. Woooo muka mo Cyrene. Gawin kitang payong eh. Teka, tapon ko lang tong papel." Sabi ko. Maalikabok kasi yung lamesa ko. Kaya kumuha ako ng papel kanina at nilinisan ko yun gamit ang papel. Itatapon ko na sana pero ayun nga.

"Oh sige bae. Tapon mo na yern." Sabi niya sabay upo sa lamesa at kuha ng cellphone para mag-Facebook.

Binuksan ko ang basurahan. Wow naman talaga. Ang linis-linis talaga ng school naming. Early in the morning pala kasi, wala na yung mga basura. Pero ngayon, may isang pirasong ballot ng Goya white chocolate ang nandun.

"HA? Bakit?-" parang may kung anong sumapak sa puso ko diary. Chocolates? White chocolates? Hindi naman gatas to pero-si-ano-NAG-IISIP KA NG KUNG ANO ANO APHRODITE! Porke't puti, gatas agad? Di ba pwedeng vanilla muna? Teka, alam niyo ba na ang pod ng vanilla ang pinakamahal na parang spices ba yan o anong tawag diyan sa buong mundo? Kaya nga yung mga tao, puro extract yung binibili eh. Tsaka hindi naman puti ang vanilla. Brown naman siya. Pero bakit puti?

Wala namang kinalaman yun. Nasabi ko lang naman po.

"Haaaay nagugutom ako." Tinapon ko yung papel sa basurahan saka tumalikod na para pumunta ng canteen nang may biglang bumangga sakin. Lalaki siya. Medyo brownish-redish yung buhok niya. KPOP look. May earings sa kabilang tenga, naka earphones, okay? Gwapo? Pero mas gwapo parin si Carkmichael siyempre. Kaso-

"Watch we're your going f*ckbrain!" ABA! Tinawag akong f*ckbrain?! Chura neto?!

"Ah eh sorry. Ikaw yung nakakakita, bobo ka pala eh."

"Get out!" sabi niya sabay push sakin. Aba't napaka suplado't barumbado naman nitong hayup na to? Sus. Bago siya dito ah. Ngayon ko lang siya nakita eh. Malamang. Bago nga diba?

Lumabas nalang ako para bumili ng pagkain nang Makita ko si Niccolo na nagyoyosi sa loob ng school. Agad ko naman siyang nilapitan saka sinapak ng mahina.

"Ano ba? Ano bang problema mo?" tanong niya sakin. Sinamaan niya ako ng tingin. Na ikinatakot ko naman.

"Ah-eh-bawal kasing manigarilyo dito! Tapon mo na yan! Tsaka masusunog baga mo niyan. Sige. Uhmm-bye bye!" sabi ko sabay takbo papuntang elevator. Isasara ko na sana ito nang bigla niyang hinarang at pumasok siya.

AY KAINIS. Umabot siya. Ngayon, kukunin nanaman niya ang pagkaing bibilihin ko. Badtrip naman. Badtrip talaga.

"Sasabay lang ako. Hindi ko kukunin ang pagkaing bibilhin mo. Kung yan ang iniisip mo ngayon." SUGOI! Ang galing niya! Pano niya kaya nabasa yung iniisip ko? Ganun na ba talaga ako ka predictable diary? Ewan ko sayo Aphrodite. Napaka predictable mo.

Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya. Tumigil naman ang elevator sa 4th floor kasi merong sasakay.

Nang magbukas ang elevator ay grupo naman ng maiingay na mga estudyanteng lalaki ang pumasok.

Nagtatawanan sila't naghahagik-gikan. Ang taas naman ng energy nila. Magang-maga nagtatawanan. Napatingin yung isang lalaki. Tapos nagsitahimik sila at nag-usap-usap. Pinindot nila lahat ng buttons sa elevator saka nagtawanan. AH-GUTOM NA AKO!

"He-hey! Ano ba yan?" palag ko. Si Niccolo naman, ganun parin. Parang walang pakialam sa mundo.

"Ahehe napansin niya tayo!" tapos nagtawanan ulit sila ano bang meron at ang saya-saya nila?

"May girlfriend ka na ba?" tanong nung isa na blue ang buhok.

"Ah-" dinikitan nila ako hanggang sa maipit na ako sa sulok. Pangarap ko namang marape diary. Pero wag naman yung mga ganito.

"Sige na-sige na! Wala akong girlfriend eh." Sabi naman nung lalaking blonde.

"Sakin ka nalang! Ganda mo oh. Kinis mo pa." Sabi nung brown ang buhok. Gusto ko na sanang umiyak dahil iniipit na nila ako sa elevator pero biglang-

"Girlfriend ko siya. Layo." Sabi ni Niccolo sabay tingin ng masama sakanila. Nilayuan ako ng mga lalaki at natahimik sila. Saka bumaba sa 3rd floor. Haaay salamat. Nagsira ang elevator at naiwan kaming dalawa ni Niccolo sa loob.

"Uy! Girlfriend mo na ako! Hahahaha." Pabiro kong sabi sakanya. Tiningnan naman niya ako saka bumalik ang tingin niya sa harap.

"Tsch."

"HAHAHAHAHA jino-joke lang naman kita eh hihi."

DING!

Sa wakas! 2nd floor na! Nang magbukas ito ay dali-dali siyang lumabas saka bumaba ng hagdan. Lumabas na rin ako. Marami-rami naring mga estudyante sa labas. Papunta na ako ng canteen nang biglang tumigil sa paglalakad si Niccolo. Pinagtinginan naman siya ng mga babae. Saka nag-usap-usap at ngumiti-ngiti.

Humarap naman sakin si Niccolo saka ngumiti.

"Oo na. Sinasagot na kita."

AH-HA? Ano daw? Hindi ako nakasagot sakanya. Pagkatapos nun ay naglakad na siya pababa ng hagdan. HA?!

"HOY NICCOLO! WAG KANG ASSUMER! HINDI KITA-"

"Whatever Hatsune! Sinasagot na kita." Pagpuputol niya sakin.

Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Ano ba namang klaseng dahon sa dagat ang nakain niya at ang lakas lakas ng trip niya ngayon? Pambihira naman. Mas lalo tuloy akong ginutom! NAKAKABADTRIP!

Nang makapunta ako ng canteen ay nag-uusap-usap ang babae sa canteen.

"Huh? Siya yung nanligaw?!" sigaw nung babae.

"Wag kang sumigaw! Baka marinig ka!" bulong nung isa. Sus. Bumulong ka pa. Rinig-rinig ko naman. Mga aning pala to eh. Saka nagbulong-bulungan pa sila. Ang galing nga diary eh kasi para akong yung mga bidang babae sa Wattpad na pag nadikit sa mga bidang lalaki, pinag-uusapan! Ang ganda ko naman ata hahahahahaha

"Fresh milk." Ah-

"Carkmichael!" sabi ko naman.

"Appy! Tara upo tayo dun." nakangiti niyang sabi sakin.

"Teka, bibili lang ako ng pagkain." Sabi ko. Ayun nga. Bumili ako ng apat na pizza roll tapos orange juice. Siya naman, ay egg sandwich tsaka fresh milk. Tapos umupo na kami sa upuan.

"Nga pala! Next week na ang exam!" sabi ko sabay kain.

"Hmm.."

"Ah-okay ka lang ba?"

"Oo. Sa bahay tayo maya."

"Teka-galit ka ba sakin?"

"Ah-"

"Ano?" nilabas niya ang rubics cube niya tsaka tiningnan lang ito habang umiinom ng gatas.

"Kayo-kayo na pala-may gusto ka pala kay kuya?" tanong niya sakin. Hindi niya ako tiningnan ng diretso sa mata. Nakatitig lang siya sa rubics cube.

"Ha-HA?! NGE! Hindi ah! Wala ah!" mabilis ko namang sagot. Napatingin siya sakin. Tapos tumawa ng tumawa. Eh?

"Bakit?"

"Hahahaha wala lang. Nakakatuwa lang! Yung kanina kasi. Akala ko kayo na." sabi niya sabay tingin sakin.

Ngayon ay inayos naman niya ang rubics cube. Nakatingin lang ako sakanya. Naguguluhan ako kung ano ang dapat kong ireact. Pero hindi naman kailangang mag react diba? Sus. Muka mo Aphrodite. Assumers ka masyado.

"Eh-okay. Basta tulungan mo akong mag-aral ha?" Sabi ko sakanya.

"Hmm! Sabay nalang tayo uwi maya! Hahahaha Appy."

Though wala akong maintindihan, ayos na to. Basta nakikita ko lang siya, nakakausap ko siya, okay kaming dalawa-okay na to. Okay na to diary diba?

"Tara! Pasok na tayo sa room." Aya niya sakin. Inaayos-ayos parin niya ang rubics cube niya. Wala talaga akong ideya kung paano gamitin yan. Kahit makaubo man lang ng isang color di ko pa magawa. Haaay sana marunong din ako niyan.

Naiba kami ngayon diary. Hindi na kami nag elevator. Nag hagdan nalang kami. THOUGH NAKAKAPAGOD GAWA NGANG 5th FLOOR KAMI-pero kapag kasama ko siya, walang pagod pagod para saakin. Ayeeeei Aphrodite, lumalandi ka po.

Sumusunod lang ako sakanya. Busy'ng busy kasi talaga siya sa ginagawa niya. Hanggang sa makarating kami ng 5th floor. Haaaay buti naman at namanage ko. Mabagal rin naman kasi kaming maglakad kaya nakakahabol ako kahit papano.

Nasa labas si Cyrene. Kausap yung lalaking suplado kanina. Ang hayup na yan. Magbabayad siya! Papakainin ko siya ng mga ipis dagat!

"Yow! Yuuki!" sigaw ni Carkmichael dun sa lalaking ma-ewan ang kulay ng buhok. Napatingin naman siya saka kumaway. Nang walang ano-ano'y hinawakan ako sa kamay ni Carkmichael saka naglakad papunta sakanya.

"Ta!" sabi niya. Tiningnan niya ako saka ngumiti siya at naglakad. Hawak-hawak ko ang kamay niya diary. Ang soft ng mga kamay niya. Parang kamay ng mga prinsipe. It must good to fa-ah nevermind.

DIARY! HINDI NA AKO MANYAKIS MASYADO! "HINDI NA MASYADO" slight nalang. Parang si Ate Pipay lang. Hihi idol ko kaya yun. Nagmala movie ang lahat ng pangyayare sa mga oras na yun. Sa maiksing panahong yon kasi, naging slow motion ang lahat. Hindi nalang rin kaya ako maligo? Ay wag.

"Yow L!" Bati niya kay Carkmichael. Ako lang ba ang tumatawag sakanya ng Carkmichael? Ang sipag ko naman. Napabitaw naman siya sakin at kinausap yung tao. Eeeeeesh. Bwesit na tao.

"Kamusta na? Well, it's been a long time!"

"Yeah. It is." Sabi nung tao.

"Ah! By the way! Si Aphrodite! Appy, Yuuki. Kaibigan ko. " sabi ni Carkmichael. Napatingin naman sakin yung lalaki. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Wha-oh! Sorry kanina ha?" sabi niya sakin.

"Wait-so magkakilala kayo?"

"AH-yeah. I ran into her kanina. Medyo-it wasn't a nice meeting though." Tatawa-tawa niyang sabi. Hmmmm muka niya. Ang suplado.

"Eeeeeeeeeeeeeh-bakit kayo magkasama? Yeeeeei kayo ah!" sabat ni Cyrene.

"E-ewan ko sayo Cyrene. Kung ano anong naiisip mo eh." Tumawa naman si Carkmichael sa sinabi naming dalawa.

"Eh kanina nagtitigan kayo, tapos parati mo siyang tiniting-ARAY!" sinapak ko na si Cyrene bago ko pa pagsisihan ang lahat. Ang daldal naman ng babaeng to. Sagad sagad na ang panunukso. Pati mga sikretong bagay, naeexpose. Dapat kasi secret eh. SECRET nga eh. Kelan ba ginawa ang secret para ikalat? Sus.

"Daldal mo. Masama bang tingnan muka niya? May allergies kasi siya. Di pa kasi ako nakakakita ng allergies na ganun talaga." Sabi ko. Sana mabenta yung palusot ko.

Nagulat nalang kami nang biglang napatakip ng muka si Carkmichael saka lumayo samin at bumahing. Hala. May sakit parin kaya siya?

"Yow L! Are you okay?" tanong ni Yuuki saka naman lumapit si Carkmichael.

"Yeah! I'm fine! Let's talk inside. It's kinda hot in here." Oo. Hot ka naman talaga.

"Haaay salamat! Ang init dito sa loob. Dun na tayo sa room!" sabat naman ni Cyrene. Kaya naman ay pumasok na kami sa loob. Napatingin ako kay Carkmichael. Napatingin rin siya sakin saka ngumiti at naglakad na papasok. Hinawakan ko siya sa sleeve.

"Ah-Carkmichael-" huminto naman siya at tiningnan ako. Marami-rami narin palang tao sa loob ng classroom.

"Hmmm bakit?" tiningnan ko lang siya. Ganun rin siya sakin.

"Ah-okay ka na ba?" tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya't sumagot-

"Oo naman. Okay pa sa okay Appy!" sabi niyang nakangiti at pi-nat nalang ako sa ulo. Nagulat ako sa ginawa niya. Pero somehow diary, narelieve naman ako sa mga sinabi niya.

Pumasok na kami sa room. Maya-maya'y pumasok na ang hot naming sensei saka ipinakilala yung Yuuki saaming lahat. Nagpakilala naman yun saka umupo. Exchange student pala yun galing Japan. Astig.

Bale ako yung nasa sulok na upuan tapos si Carkmichael sa tapat ko. Sa harap ko naman si Cyrene tapos katabi niya yung Yuuki. Nagsimula ang klase na ganun.

Napapasulyap ako kay Carkmichael. Muka naman siyang okay. Kanina pa siya ngingiti-ngiti eh. Parang ang saya naman niya. Hahaha mabuti naman. Mabuti yun diary at nakangiti siya parati.

After ng class na yun ay pumunta kami sa sarili naming mga room para sa next subject namin. As expected, yung Niccolo, tulog parin. Inakbayan naman ako ni Carkmichael nung papasok kami ng classroom.

"Mamaya Aphrodite, ipagdasal nating uuwi si kuya!"

"Ha? Bakit?" tanong ko naman. Ngumiti naman siya saka dinag-anan si Niccolo sa likod.

"E-ano ba?" naiiritang tanong ni Niccolo. Tumawa naman si Carkmichael.

"Nandun si Appy mamaya. Punta ka ha? Kuya." Nakangisi niyang sabi kay Niccolo. Hindi naman siya pinansin nito at natulog nalang ulit. Umalis na sa pagkakadag-an si Carkmichael saka inakbayan ako ulit.

Napatingin ako sakanya diary.Bakit niya kaya ako inaakbayan? Yung pempem ko kinikilig. Pati yung heart ko. Marami masyadong kilig. Mga 69. Nabilang ko. Wag na kayong pumalag.

"Hmm! Carkmich-ah" nahinto ako sa sasabihin ko nang lumingon siya sakin at nagkalapit ang mga muka namin. Umalis naman siya sa pagkakaakbay niya sakin saka inayos ang kanyang buhok.

Instantly, biglang pumasok sa isip ko ang 'kissing scene' naming dalawa ni Alexia. Ewan ko kung baki-BASTA!

"Ah-bakit?" ang init-init ng muka nun diary. Nararamdaman ko yun. Hindi ko pa to naramdaman sa mga hentai o kung ano mang pinapanuod ko o sa mga crushes ko dati. Kasi nga gusto diba? Hay nako.

"Ah eh isama natin sila Alexia, Cyrene at ah-yung tao." Sabi ko.

"Ha? Sinong tao?"

"Yung Yuuki."

"Ah sige ba! Isama natin. Sige, upo ka na." sagot naman niya. Umupo naman ako sa upuan ko. Si Niccolo tulog parin ako naman, kinuha ang notebook ko saka mechanical pencil. Si Carkmichael, yung rubics cube niya.

"Na na na na..." ang cute naman niya. Pahum-hum pa siya habang ginagawa niya yung cube na yun. Tapos nakangiti parin.

AS EXPECTED-puro mga bagay na hindi ko maintindihan ang inelecture samin. Pambihira naman. Nakakadugo ng utak. Nag quiz kami. Ayun. Nagsi-swibel-swibel ang mga mata ko sa paligid at nahagip ko si Niccolo na pasagot-sagot lang. Napatingin si Niccolo sakin. Pansin niya sigurong tinitingnan ko siya. Sinamaan niya ako ng tingin saka nagsulat sa notebook niya at inaangat niya ito para mabasa ko.

"Wag mo nga akong tingnan!"Ah-ANG KUPS NAMAN NITONG TAONG TO! Para tanaw lang tingin na agad? Pinandilatan ko siya ng mata saka sumulat rin sa notebook ko.

"BAKA! Hindi kita tinitingnan! >o<"nagsulat rin naman siya. (idiot)

"Bobo mo. Hindi kita tutulungan-wag ka nang umasa. Hindi kita girlfriend."

"Sabi mo kanina girlfriend mo ako? =___="

"Ayoko sa mga babaeng bobo."

Napatayo akong nakasalubong ang kilay nang dahil sakanya. Na nakakahiya dahil ikinagulat iyon ng mga kaklase ko. Pati narin ng teacher ko. Si Carkmichael rin ay napatingin sakin. Habang siya naman, tinutukso ako sa mga ngiti niyang nakakabadtrip. GRRR!

"Why? Something wrong?" tanong ni Haruka-sensei sakin. Halos lumabas na ang eyeballs ko dahil sa kaganapang to diary! (hello Free fans! Haruka is here, then guess what? Hihihi >:D alam na dis)

"Ha? Ah-eh sensei, may I go out?" nangingig kong sabi.

"Why? What's wrong?"

"Ah-I want to use the toilet sensei."

"Dozo." (go ahead)

Wooo thank you. Sabi ko sa sarili ko. Dali-dali akong lumabas. Haaaay naglakad ako papunta ng water fountain saka uminom.

"WAAH!"

"Kailangan bang kapag nakikita mo ako, nagugulat ka?" nakangiti niyang sabi sakin. Eh kasi naman diary eh. Ang tahimik ng floor, walang gumagala, tapos bigla siyang susulpot na ganun. Sino ba namang hindi magugulat dun? Ang aning pala nito eh.

"Eh kasi-" hinawakan niya ako sa ulo saka pi-nat nanaman ito. Tapos ay uminom rin siya sa water fountain.

"Sige mag c-cr lang muna ako."

"Appy..."

"Ha? Bakit?" hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Oh." Sabi niya sabay abot ng kapirasong papel sakin.

"Ano to? Love letter?" te-teka-HA?! APHRODITE NAMAN! ANO BA NAMANG KLASENG TANONG YAN?!

"Oo."

Na-na-nan-ANO?!

"Galing sa subject natin. Para hindi ka na raw mahirapan. Sige. Balik na ako dun." Sabi niyang nakingiti saka tumalikod na't naglakad..

Pagtingin ko sa papel eh solution yun sa problem na binigay samin ni sensei. Gusto ko nang umiyak. Hindi dahil may answers na ako sa quiz-kundi binigyan ako ng papel na galing kay Carkmichael. At ang masaya pa-SI CARKMICHAEL SANDOVAL ANG NAGBIGAY NG PAPEL.

Ang landi ko diary. Pumunta ako ng school para mag-aral. Hindi lumandi. PERO KASI si Carkmichael na yun eh. Kahit isang piraso siguro ng buhok niya't mahawakan at maitago ko yun, masaya na ako. Sigh. Babaw.

Ayun, nag-cr ako tapos sinagutan ko na yung problems at pinasa ang papel ko. Nakahinga na rin ako saw akas! Tapos, natapos na ang klase. Tiningnan ako ni Niccolo at binigyan niya ako ng 'Anong ginawa ko sayo?' look. Hindi ko naman siya pinansin. Hmm! Magsorry ka! Yun yung gusto kong mangyare ngayon!

May maganda problems ako eh. Bakit ba?

"Tsch." Yun lang ang sinabi narinig ko galing sakanya. Inakbayan naman ako ni Carkmichael.

"Hayaan mo na yun. Ganun talaga yun eh. Hihi"

"Buti nalang at hindi ka ganun." Sabi ko naman.

"Eh pano kung naging ganun rin ako?" tanong niya sakin.

"Ha? Sus. Baka maging ganun ka rin hahahaha." Pabiro kong sagot sakanya.

"Ganito lang ako." Mahina niyang sabi sabay ngiti.

"-Ano? Tara? Bahay na tayo?" nakangiti niyang tanong sakin.

"BAHAY?! ANONG BAHAY?!" biglang tanong samin ni Cyrene. Lord Odin, why? WHY?!

"Kung ano ano nanaman yang iniisip mo Cyrene, uunahan na kita. Pupunta lang ako ng bahay niya para mag-aral. Isasama nga kayo nung Yuuki eh."

"Bakit ba parati mong sinabing 'yung Yuuki'? Kanina mo pa kaya nasasabi yan." tanong ni Cyrene sakin with matching gaya-gaya pa sa boses ko kapag sinasabi kong 'yung Yuuki'.

"Eh kasi naman. Nababadtrip parin ako." Oo talaga. Kasi mas wala ata siyang kwenta kesa kay Niccolo eh.

"That's why I said sorry right? Tsch," sabi nung Yuuki. Wala eh. Badtrip parin ako sakanya.

"That's why I said sorry right?" sabi ko na animo'y ginagaya ko yung Yuuki.

"Tsch-if ayaw mo di wag. You're not pretty you know."

"Ah-" magrereact nasana ako nang inunahan ako ni Carkmichael.

"Yuuki." Sabi niya sa seryosong tono.

"Oh-I'm-I'm sorry. Sorry na. Okay? Do you want me to lick your shoes?"

"Teka, puputikan ko muna."

"AHAHAHAHA Aphrodite! Nagsosorry na nga yung tao eh." Sabi ni Cyrene.

"Ah basta. Bahala kayo." Naglakad na ako palabas ng room. Pambihira naman kasi. Nakakabadtrip talaga yung Yuuki na yun. Feeling ko may something na mali sakanya. Ewan ko ba. Siguro dahil sa nangyare kanina. Pero basta!

"Sorry nga pala dun ah? Eh ganun talaga yun."

"Ah wala yun? Ah may load ka? Kakapalan ko na ang muka ko. Pwede akong makitext? Itetext ko lang yung kasama ko sa bahay na malelate ako ng uwi." Sabi ko sakanya.

"Kasama?"

"Oo."

"Ah sure!" sabi niya sabay kuha ng cellphone niya saka ibinigay sakin.

Ah-wow. Wow naman talaga. Halos mabitawan ko yung cellphone diary kasi ang ganda ganda ng wallpaper niya sa phone niya.

Si Alexia.

Napalunok nalang ako saka tinext nalang si Kevin.

Hoy. Si Aphrodite to Kev. Medyo malelate ako ng uwi. Mag-go-group study kasi kami mamaya. Alam mo na? Kailangang magpaapoy para masunog at kilay at para sa grado. Pero wag kang mag-alala. Uuwi parin ako.

SENT!

Binalik ko naman ang cellphone ni Carkmichael saka naglakad na kami nang natatawa siyang niyang binalik ang cellphone niya sakin.

Ha?

Oh talaga? May group study ka pa palang nalalaman? Aba't buti naman at marunong ka parin palang mag ganyan. Wag kang mag-alala. Kahit hindi ka na umuwi, ayos lang. Sige. Magsisindi nalang ako ng katol dito't ipagdadasal kita para makapasa ka. Ge. May susi ka naman eh. Hindi mo rin ako magulang. Wag ka nang magpaalam sakin. Ge.

Kahit kalian talaga Kevin, wala ka talagang mabuting silbi para sa lipunang ito. Ang sarap niya parin talagang hampasin ng Durian at buwaya diary. Dinelete ko nalang ang message niya saka-teka. Ito na yun. Hawak ko na ang cellphone niya.

"Carkmichael, pahiram muna ha? Nirereplayan ko lang tong Kevin na to." Sabi ko.

"Oh sure. Anything for you." Sabi niya sabay wink sakin.

Papindot-pindot ako, para kunwaring tuma-type-type ako. Tiningnan ko ang mga messages niya diary.

Alexia (+639*********) napalunok ulit ako ng isang basong laway saka binasa ang mga messages nila.

Carkmichael: Good morning baby.J

Alexia: Morning Jbaby huh?

Carkmichael: Of course yes. I'd like to ask you something...

Alexia: What?

Carkmichael: You wouldn't give up on her, would you?

Alexia: Well, do you like her? J

Carkmichael: Do "I" like her? Yeah. Of course.

Alexia: More than friends?

Carkmichael: I love you.

Alexia: I love her.

Carkmichael: Well, this is sad. Really. L

Alexia: I know you like her. You like her still.

Carkmichael: No I don't. My heart belongs to you.

Hindi ko kinaya. Ayoko na. Hindi magandang idea tong trip ko sa buhay. Pambira naman oh. Bakit ko pa kaya binabasa to? Sus. Binalik ko na ang phone sakanya saka nginitian naman niya ako saka sumunod na si Cyrene saka yung Yuuki.

Galing nga eh. May kotse siya. Ewan anong tawag dito basta bluegreen yung kotse saka maganda. Hindi naman ako nahilig sa mga kotse eh. Kaya malay ko. Binuksan niya yung upuan sa front seat saka in-offer sakin yun.

"Eh dun lang kami sa likod."

"Ayaw mo bang akong Makita mag drive? Hahahaha"

"Bilisan mo ha?"

"Ano?"

"Wala." Buti naman at medyo bumabalik-balik na rin ako sa dati. Sinusubukan ko naman diary eh. Masakit pero kinakaya. Kahit papaano.

Pumasok na ako sa sasakyan at umupo saka lumapit siya sakin para ilagay ang seatbelt ko. Tinignan ko lang siya diary. At napatingin din siya sakin. Nagulat siya at natama ang ulo niya sa kotse nang biglang sumigaw si Cyrene.

"ENEBEYEN! May special treatment yung nasa front seat! Kami sa likod wala!"

"Aray." Mahinang sabi ni Carkmichael sabay himas sa batok niya.

"Okay ka lang ba Carkmichael? Ikaw Cyrene ah? Kunti nalang talaga gagawin na kitang dinuguan talaga. Kunti nalang."

"Eh ang sweet niyo kasi! Tara Yuuki!" binuksan nung Yuuki yung pinto saka unang pinapasok si Cyrene at pumasok na rin siya't sinara ulit ito. Ba't ang gentleman niya kay Cyrene tapos sakin hindi? Ganun ba talaga ako bastusin? HAY NAKO.

Papunta kami ngayon sa bahay nila para mag-aral. Yosh diary! Makikita ko na rin ang bahay niya sa wakas! Woooo yes! (unnecessary dancing). Para mag-aral kaya?

- Faprodite

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

343K 9.6K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
132K 5.6K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
910K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.