Blackmailing the Beast

By jennaration

924K 21.1K 1.8K

[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really be... More

Blackmailing the Beast
Prologo
Chapter 1 - Meet the Belle
Chapter 2 - Belle in action
Chapter 3 - Belle is hired
Chapter 4 - Belle in mission
Chapter 5 - Cup B-elle
Chapter 6 - Belle's interview
Chapter 7 - Belle found the castle
Chapter 8 - Belle trapped in the castle
Chapter 9 - Ulam ni Belle
Chapter 10 - Boss ni Belle
Chapter 11 - Belle to the rescue
Chapter 12 - Beast's pandesal
Chapter 13 - Here comes the Beast
Chapter 14 - The other Belle
Chapter 15 - Blackmailing the Beast
Chapter 17 - Yummy Beast
Chapter 18 - Belle the nerd
Chapter 19 - Belle the troublemaker
Chapter 20 - Unidentified Belle
Chapter 21 - Belle in love
Chapter 22 - Beauty vs Beast
Chapter 23 - Mistakenly Belle
Chapter 24 - Belle meets the family
Chapter 25 - Belle is dead or alive
Chapter 26 - Beast's version of truth
Chapter 27 - Belle before the storm
Chapter 28 - Belle meets the Falcon's
Chapter 29 - Belle in disguise

Chapter 16 - Belle's nightmares

7.6K 222 4
By jennaration

Beauty

Kanina pa tili ng tili sa Beth ng i-kwento ko na kami na nga ni Hunter. Kanina niya pa akong sinasakal, sinasabunutan o kaya hinihila na parang tanga. Ipinakita ko sa kanya yung website kung saan may picture ng kissing scene namin ni Hunter. Sinabunutan na naman ako sabay tawa.

"Ang pangit mo diyan, Beauty."

Lumaki butas ng ilong ko. "OO NA!" sigaw ko. Nakakairita kasi. Alam ko na yun pero ano pang magagawa ko? Nakita na ng buong Pilipinas.

"Grabe pala yung nangyari sa isang vessel ng mga Falcon noh." Nakita kong iba na ang binabasa niya sakanyang laptop. Siguro recommended yun kaya na-click niya.

"Nasaan?" Sumilip ako sa pinapanood niya. Ipinakita doon ang nagliliyab na barko na may mga lamang container. Nakatengga lang ang barko sa may port ng mga Falcon ayon sa ulat. Napatitig lang ako doon. Parang may kakaiba kasi akong naramdaman.

"Pero totoo nga? Bat parang ang bilis naman. Parang kailan nang halos patayin mo siya dito sa bahay tapos kayo na agad?" balik niya sa pinaguusapan namin kanina.

"Hah? Oo. Dinaan ko sa Santong paspasan. Pakipot pa ang ulol eh!" pagmamalaki ko. She closed her laptop.

"Kung sabagay ikaw ang pinaka-impatient na taong nakilala ko kaya hindi na imposibleng isinuko mo na ang pukengkeng mo sa kanya."

"HOY! hindi ko pa sinusuko sa kanya." nae-eskandalong sabi ko.

"pa? so may balak ka?"

"ihh... WALA NOH!" pasigaw ko.

"Defensive meaning OO." pang-aasar niya sa akin. Sinabutan ko siya. Pilit naman siyang umiilag sa akin. "Oo na, hindi na. Ikaw na ang conservative!"

Tsaka ko lang siya tinigilan.

"Akala ko ba hindi mo yun crush, bakit biglang kayo na? Tapos may halik agad, nakakaloka!"

"Eh kasi iyon ang bago kong trabaho. I will babysit that damulag. Basta mahirap ipaliwanag."

"Ano naman kapalit?"

"Pag-aaralin nila ako at ipapagamot nila ako. Basta huwag kang magsabi sa kahit kanino ng tungkol dito. Classified, okay?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Basta mag-iingat ka diyan. Ma-impluwensiya silang tao, hindi mo alam kung anong kaya nilang gawin. Pero kung sabagay baka matulungan ka rin nila sa humahabol sa'yo at sa madrasta mo."

Napatampal ako sa akin noo. Bakit hindi ko iyon naisip. Malamang alam na niya kung saan ako makikita. Pero mahigpit naman ang security sa building nila Hunter. Wala naman problema dito sa bahay ni Beth dahil malayo ito sa Antipolo at tsaka madami kaming mga bahay na katabi. Malawak ang Maynila kaya matatagalan bago ako mahanap ni Tita para ma-ibenta ulit.

"Patay. Sikat na pala ako so kailangan ko na mag-disguise."

Binatukan niya ako. "feeling mo naman. Malaki ka na kaya maging responsable ka sa mga desisyon mo. Oh siya, tutulog na ako." Bigla niyang hinila pababa yung shorts kasama ang panty ko pero agad ko din nahawakan ang kamay niya kaya nag-slide ako pababang kama. Doon lang niya ako pinakawalan.

"BETH tililing!!!" tili ko habang inaayos ang shorts at underwear ko.

"May boyfriend ka na pero yang panty mo, loose garter." pang-aasar niya sa akin. Tumatawang lumabas siya ng kwarto ko. I check my panty. Hindi naman totoo.

Inayos ko na lang kama ko para makatulog. Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa plano ko kay Hunter.

"Huwag ka nang umiyak."

"Mommy... mommy!"

"Ssshhh huwag kang maingay."

"Paano kung walang magliligtas sa atin dito?"

"Huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan. I wasn't called a braveheart for nothing. Kaya tahan na."

"Braveheart?"

Tumawa siya. "someone I know always called me a braveheart because I always get into fight. Tahan na."

Bigla akong nagmulat ng mata. Nasa tabi ko si Beth nakaupo at niyuyugyog ang balikat ko.

"Hoy Beauty, okay lang? Humihiyaw ka kaya medyo naalerto ako. Akala ko napasukan tayo ng magnanakaw."

Napalunok ako pero wala akong malunok. Sobrang dry ng lalamunan ko.

"Tu-tubig... nauuhaw ako."

"Okay, sandali."

Tumakbo ito palabas at pagbalik ay may dala nang isang baso ng tubig.

"Napanaginipan mo na naman ba yung dalawang bata?" She took the mug from me. Nilapag niyo iyon sa bedside table ko.

Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit nasa panaginip ko ulit sila. Matagal na yung huli."

Laging nag-uusap yung mga bata sa panaginip ko. Minsan hindi ko masyadong maintidihan yung pinag-uusapan nila. Tapos blurred yung mga mukha nila. Most of time umiiyak yung isa kanila o kaya humihingi sila ng tulong.

Akala ko nga may sixth sense ako or something. Natakot pa ako sa sarili ko noon. Bata pa ako noon kaya hindi ko pa maintidihan kung ano ba talaga ang amnesia. I never really care that much at that time. Pero noong napapadalas ang mga panaginip ko doon na ako nakaramdam ng concern sa kondisyon ko. Hanggang bigla na lang wala na naman sila sa panaginip ko. Mga ilang taon din yun. Ngayon na lang ulit bumalik.

"Alam mo, matagal ko nang tinatanong yung sarili ko kung isa ba ako sa mga bata sa panaginip ko kaya lagi silang nagpapakita sa akin? Pero bakit pakiramdam ko hindi naman."

"Siguro kasi kung hindi, hay ewan. Basta i'm sure may rason bakit sila ang napapanaginipan mo."

Napatayo at nginangat-ngat ang daliri ko gamit ang ngipin ko. "Beth, parang alam ko na kung bakit ko sila napanaginipan."

"Ano?"

"Dahil sa sunog. Tama. Dahil yun sa sunog na napanood ko bago ako matulog. Yung video ng barko nina Hunter."

Una nga ako nagkaroon ng nightmares at flashbacks noong nasunugan yung kapit-bahay namin. Tumulong si Tatay noon na maapula ang apoy. Sumunod ako kay Tatay dahil wala akong kasama sa bahay. Nasa malayo lang naman ako nakatingin sa bahay na unti-unting nilalamon ng apoy. I recalled vivid memories of a building engulfed by fire. I was confused because in front of me was a house and not a building. I shrugged thinking it was just an imagination. What do i know? Ang bata ko pa noon.

"Kinikilabutan ako sayo, Beauty. Napaka-dramatic ng boses mo, parang nasa horror movie."

Siniko ko siya ng bahagya. "Gaga. Seryoso nga ako. Diba sabi ni Tatay, nasunog yung sinasakyan namin ni Nanay noon. Kaya siguro na-trigger yung utak ko na magkaroon ulit ng nightmares."

"Baka madaming bata sa sinakyan niyo ng nanay mo noon. Hindi kaya?"

Nagkibit-balikat ako. "Pwede rin."

Umupo ito sa tabi ko habang tinatatanggal ang face mask mula sa kanyang mukha.

"Baka sign na ito na malapit ka na maka-alala."

"Sana nga." I sighed.

Tumayo siya. "Hindi na ako makakatulog kaya magluluto na lang ako ng almusal natin." I checked the wall clock. it's only 6 am. Ang alam ko alas-nuwebe pa ang pasok ni Beth sa trabaho. Tumango lang ako.

"Pupuntahan ko yung Doctor na nirekomenda sa akin mamaya. Makikinig ako kung ano ang masasabi niya."

"Mabuti nga yan. Kaya din siguro hindi bumabalik ang ala-ala mo dahil never ka naman nagpunta sa Doctor."

Mga ilang oras pa akong nakatunganga sa loob ng kwarto ko bago ako nagpasyang mag-ayos at kumain para makapunta na sa Hospital at pagkatapos ay sa Pacific University. Tinatawanan pa ako ni Beth kanina dahil naka-sumbrero ako tapos naka-shades para kahit kaunti ay makatago ako sa mga paparazzi este sa mga tauhan ni Nanay na humahabol sa akin dahil malamang mas malakas ang loob nilang mahahanap nila ako.

Ilang oras lang natapos na akong gawin lahat ng tests like CT scan, Xrays, blood and urine tests. Pinapasok ako ng assistant sa isang consultation room. Ilang minuto lang sumunod na pumasok ang Neurologist ko.His name is Dr. Juno. Mukhang bata pa siya kaya medyo na-intimidate ako ng kaunti. Naka-polo ito ng printed at black slacks. Hindi ko inexpect na lalaki pala siya. He smiled kaya nahihiyang ngumiti ako pabalik. Binati niya ako at nakipag-kamay.

"You must be..." he look at his computer confirming my identity perhaps. "Beauty Alejandra Contreras?"

"Yes Doc."

"How can I help you?" Sumandal siya sa kanyang upuan pinagmamasdan lang ako. It was if hinati na niya yung skull ko at pinag-aaralan ito. I'm confident pero nahihiya ako sa kanya. Naapak-professional kasi ng dating niya. Masyado siyang pormal.

"Ahm, Doc ang concern ko po ang amnesia ako. Gusto ko lang maibalik ang ala-ala ko." Tapos yung kinuwento ko na lahat ng naalala ko tapos ang mga nangyari sa akin after accident pati na rin ang mga nighmares at kaunting flashbacks. "Gusto kong malaman kung ano ako before I turned 7 yrs old. Curious lang ganun, I don't really care that much until tinatanong nung mga kapit-bahay namin kung saan ako nag-aral o kaya saan kami dating nakatira kasi bagong lipat kami sa lugar na yun. Wala po akong maisagot sa kanila."

Umayos ito ng pagkakaupo. "The results for your tests will take at least 2 days. My secretary will call you for another appointment. Any headaches, or episodes where you became unconscious, depression?"

"Wala naman Doc."

"You don't remember even your 5th birthday? What was like? Or Christmas?"

Inisip ko kung meron ba. Bahagya akong umiling. "Wala Doc. Kahit anong pilit ko wala talaga. Siguro maalala kung may magpapa-alala sa akin. Kaya lang ulila na po ako tapos pagkatapos kong maaksidente lumipat kami ng bahay. Wala rin akong ibang kamag-anak na makakausap ko."

Tumango-tango siya. Nag-type siya sa kanyang computer. Nag-antay lang naman ako sa susunod niyang sasabihin.

"My initial diagnosis is that you have dissociative amnesia that was caused by a trauma from the accident. Ahm, you said that a vision of fire may have triggered you to have nightmares?"

"Opo"

"Actually you're probably right because a fire was associated to what happened to you. Sabi mo nga nasunog ang sinasakyan niyo ng mother mo. Have you ever experienced getting burned. I mean napaso ka na ba? Nakatapak ng apoy? except of course, doon sa accident."

Umiling ako.

"Takot ka ba sa apoy?"

Umiling ulit ako.

"Okay hmmm," He opened a drawer behind him at naglabas ng isang notebook at inabot sa akin. "Here, take down all the things you can remember and especially the nightmares and flashbacks. I want to know everything. Dalhin mo ang notebook during your appointments with me."

"Sige po."

"To be honest, a family member would be really helpful to gain your memories back because they can show you pictures or they can tell you stories about you while growing up. I also don't have your medical history so it's hard for me to tell whether you got your amnesia from the accident or somewhere else. Maaaring nagka-amnesia ka before the accident. Buhay pa ba ang mga magulang mo nang maaksidente ka?"

"Opo. Yung tatay ko lang."

"Then do you happen to know if he kept a copy of a police report of the accident? If we have the report, malalaman natin kung saang hospital ka isinugod. Then we will have a concrete explanation of your diagnosis from your history."

"Wala naman po siyang inihabilin sa akin noon. Pero kung may time po ako ay magtatanong ako sa mga hospital o kapitbahay kung saan kami lumipat. Baka siguro hindi kalayuan yung pinanggalingan namin."

Walang kahit na anong iniwang si Tatay sa akin noon. Wala naman kahit ano sa mga damitan niya dati kasi naghahanap ako ng pera noon. Kahit isang kusing wala akong nakita.

"Okay, that is a good idea. Anyways, that is all for now. Let's wait for the result before we proceed into planning your treatment."

"Sige Doc, thank you."

Lumabas kami sa consulation room. Tinawag niya ang kanyang secretary at siya na ang nag-asikaso sa akin. Umalis na si Dr. Juno. Ang appointment ko ay in four days pa dahil fully book na siya for three days.

Kailangan ko tuloy bumalik sa Rizal kung saan naghahasik si Nanay ng lagim.

Continue Reading

You'll Also Like

86.2K 56 41
R18
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
56.8K 2K 54
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
1.5M 35K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...