Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

543K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 44 (Special Chapter)

9.7K 446 574
By Nickolai214

Beloved Bastard

Rafael Certeza

Hacienda Aurelia

"Ilang kaing hong mangga ang naani ninyo ngayon, Mang Domeng?" tanong ko sa katiwala namin sa manggahan.

Halos dalawang araw na rin ang nagdaan mula nang umuwi ako dito sa hacienda at marami ang mga gawain na sumalubong sa akin dahil sa ilang araw na pananatili ko sa Maynila.

"Kulang dalawang libo po, Ser Rap." sagot sa akin ng matanda saka na niya ipinagpatuloy ang pagtatali sa mga kaing ng mangga.

Nakita ko si Celine na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. Swabe ang paggalaw ng balakang niya ngunit mabilis ko nang iniiwas ang mga mata ko doon. Tama na ang isang beses na pagkakamali at ayoko nang dagdagan pa ang mga kasalanan ko.

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin si Ivan. Sinilip ko silang dalawa ni Ryle kanina na kapwa mahimbing ang pagkakatulog.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-uwi dito ni Ivan matapos ang naging pagtatalo namin sa mansyon noong nakaraang gabi.

Natawa ako sa sarili ko. Malamang na ang villa ang dahilan. Ang putang-inang bahay na nagpapagulo sa sitwasyon naming dalawa.

Marahil ay kailangan ko na nga talagang tanggapin sa sarili ko na hanggang doon na lang talaga kami ni Ivan.

Kahit na anong gawin ko ay mag-aaway at mag-aaway pa rin kami.

Hindi naman siguro kahangalan kung hahayaan ko na siya kay Jako. Kung sa lalaking iyon naman talaga siya sasaya ay wala akong magagawa.

Maraming babae ang handang tanggapin ako. Ngunit hindi ko na siguro kaya pang magmahal ng iba higit sa pagmamahal ko kay Ivan.

Hindi na rin naman ako bumabata. Kailangan ko nang bumuo ng sarili kong pamilya. Kung hindi man kay Celine ay marahil sa ibang babae na tatanggap sa akin.

Pero si Celine ang masigasig na nang-aakit sa akin. Nagawa pa nga niya akong maidala sa kama nang malasing ako noong nagdaang gabi.

Napailing na lang ako sa itinatakbo ng alaala ko. Hindi na iyon kailangan na maulit pa.

Hindi ko gustong abalahin si Ivan sa mahimbing nilang pagtulog ng anak ko kaya nang dumating si Celine kanina ay nagtungo na kaagad ako sa manggahan.

Ikinawit ni Celine ang braso niya sa baywang ko saka niya ako matamis na nginitian.

"Matagal pa ba iyan? Tayo na." malambing niyang yaya sa akin paalis ng manggahan.

Inalis ko ang kamay niya sa katawan ko saka na ako nagpatuloy sa pagmomonitor ng gawain dito sa manggahan.

Sa totoo lang ay nakakadama na rin ako ng pagkairita dahil sa masyadong pagdididikit sa akin ni Celine. Napapansin ko na tuloy ang kakaibang tinginan ng mga trabahador.

Pero out of politeness ay sinisikap ko siya na huwag bastusin. Ayokong isipin niya na ginawa ko siyang parausan nang gabing devastated ako dahil kay Ivan.

Maging kaninang umaga nang bigla niyang dakmain at mabilis na isinubo ang pagkalalaki ko habang nasa kamalig kami.

Sinabihan ko siya na hindi tama ang ginagawa namin at baka masaktan ko lang siya sa bandang huli.

Pero hindi naman niya iyon binigyan ng pansin at mas lalo pa siyang nagdidikit sa akin ngayon na parang linta.

"Sandali na lang ito." sabi ko. "May ipagbibilin lang ako sandali kay Mang Domeng."

Nilapitan ko na ang matanda at ibinilin ko na ang mga kailangan nilang gawin.

Nauna na sa akin si Celine. Sumakay na siya sa kabayo niya. Ilang sandali pa ay sumunod na rin ako sa kanya. Sumakay ako sa stallion ko.

"Where to?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Sa bahay." patamad na sagot ko naman.

"Sa bahay?" nagsasalubong ang mga kilay na ulit niya. Alam niya na kung sa bahay kami tutuloy ay walang mangyayaring pagtatalik sa pagitan naming dalawa.

"You promised me na buong maghapon mo ay sa akin." nakalabing sabi niya.

"O, hindi ba? Sana naman ako buong maghapon." amused na sagot ko sa kanya. "Tara sa villa." patuloy ko.

Nawala ang mga ngiti sa labi niya. "Ralf, I wouldn't let you use me again like the way you did kaninang umaga."

"And how was it?" amused na tanong ko sa kanya. Banayad ko nang pinatakbo ang kabayo ko at sumunod naman siya.

"I hate quickie," nakasimangot na sagot niya. "Just as I hate the hays." dagdag pa niya.

Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya.

"Iyon naman ang gusto mo diba? Kung saan mas delikado, doon mas masarap." paalala ko sa linyahan niya noon.

"Ngayon ka na nga lang pumayag na pasukin ako matapos ang ilang taon na pangungulit ko sayo pero pakiramdam ko ay para lang akong puta mo na pinaparausan mo."

"That's part of your reputation bago pa man ako dumating sa buhay mo. Ilang lalaki na ba ang gumalaw sayo bago ako?" inis na sagot ko sa kanya.

"Babalikan na naman ba natin ito? Hindi ba sinabi ko naman sayo na nagbago na ako? Ginawa ko ang lahat para lang mapansin mo."

Nakadama naman ako ng kaunting guilt dahil sa sinabi niya. Totoo naman na wala nang iba pang napabalita na nakarelasyon niya mula nang mawala si Isabel.

Sinikap ni Celine na magbago para da akin kahit na hindi ko sinusuklian ang pagmamahal niya.

Sinabi ko naman sa kanya mula pa noon na hanggang sa sekswal na paraan lamang ang kaya kong ibigay sa kanya.

"I'm sorry." sincere na sagot ko. "Pero sana ay intindihin mo rin ako. Hindi ipinipilit ang pagmamahal."

Minsan na rin akong naging makasarili dahil sa pagmamahal na iyon.

Alam ko na nasaktan ko si Ivan dahil sa pagpipilit ko na itago sa kanya ang buong katotohanan. Pero ginawa ko lang naman iyon dahil natatakot ako na tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.

At sa nakalipas nga na dalawang araw na hindi kami nagkikita ay napagtanto ko na sa sarili ko ang lahat ng pagkakamali ko.

"Matagal na akong naghihintay sayo, Rafael. Nung mawala si Isabel ay sinikap ko nang gawin ang lahat mapansin mo lang. Pero hindi ako sumuko kahit ilang beses mo akong itaboy at sabihin sa akin na hindi mo ako mahal. Nakahanda ako na maging puta mo kahit panghabangbuhay pa na ganito lang tayo."

Pinahinto ko ang kabayo saka ko siya nilingon. "Hindi ko kailangan ibaba nang ganyan ang sarili mo para lang sa akin, Celine. Find a man na kayang ibigay sayo ang mga pangangailangan na gusto mo. Hindi ako ang lalaking makakapagpaligaya sayo."

"Pero ikaw ang gusto ko, please hayaan mo ako na gawin ang gusto ko. Pangako, hindi na ako magiging mareklamo. You can fuck me anywhere. Kahit sa damuhan man yan o kung saan pa."

Napapailing na lamang ako na ipinagpatuloy ang pag-uwi sa villa. Kahit anong sabihin ko ay hindi ko talaga masakyan ang takbo ng isip ng babaeng ito.

Malayo pa lang kami ay natanaw ko na ang sasakyan ni Ivan na nasa harapan ng villa. Kaninang umaga ay wala iyon. Marahil ay sa gilid niya iginarahe at ngayon ay ginamit niya kaya iyon napunta sa harapan.

Saan siya nagpunta? Kay Jako? Nagsimula na naman akong makadama ng inis dahil sa naiisip ko.

Kung gusto ko talaga na maging maayos ang lahat, ngayon pa lang ay kailangan ko nang patayin ang damdamin ko para kay Ivan.

Sooner or later ay maaari silang magpakasal ni Jako. Maiiwan ako na nasasaktan at ayokong magmukhang kaawa-awa.

"May bisita ka ba?" tanong ni Celine nang mapuna na rin niya ang sasakyan.

Nagkibit na lang ako ng mga balikat. Hindi ko na gustong sagutin pa ang mga tanong niya.

Nang malapit na kami sa villa ay mabilis na akong bumaba sa kabayo. Si Celine ay akma na rin sanang bababa nang bigla ay lumabas mula sa may portico si Ivan.

"Don't bother to get off the horse, Celine," wika niya.

May nahimigan akong warning sa tinig niya na ikinasalubong ng mga kilay ko.

"May importante kaming pag-uusapan ni Rafael at natitiyak ko na matatagalan kami." maawtoridad na sabi ni Ivan.

"Oh," usal ni Celine. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin, naghihintay ng sasabihin ko.

"Sa katunayan ay kanina ko pa kayo hinihintay na makabalik. Nakakapagtaka naman na inabot na halos kayo ng maghapon sa farm." muling singit ni Ivan habang sa akin siya nakatingin. Nararamdaman ko na may ibang kahulugan ang pagkakasabi niya sa bagay na iyon.

Nag-iwas ako ng tingin saka ko binalingan si Celine.

"Go home, Celine," utos ko sa babae. "I'll see you later. Promise."

"Don't count on it," mabilis na singit ni Ivan." napasulyap ako sa kanya.

"Hmp!" inis na buntong-hininga ni Celine saka na siya tumingin sa akin. "Hihintayin ko ang tawag mo. Aalis na ako." malambing na paalam niya sa akin.

Tinanguan ko siya saka na niya pinatakbo ang kabayo palayo. Dinaanan muna niya ng matatalim na tingin si Ivan bago siya tuluyang umalis.

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Ivan nang makita niya ang ginawa ni Celine saka na siya sumulyap sa akin.

Nagsimula na akong humakbang papasok ng bahay. Nilampasan ko si Ivan na nakatayo sa may portico. Sumunod siya sa akin sa loob.

"What do you want?" singhal ko sa kanya nang hindi siya nililingon.

"I-I came to say I'm sorry." sabi niya.

"So you're sorry. What now?" patuloy ko. Kailangan ko itong gawin para na rin mabilis ko nang matanggap sa sarili ko na hindi talaga kami pwede ni Ivan.

Hindi ko binago ang tono ko. Tuloy pa rin ako sa paglakad at patuloy lang din siya sa pagsunod.

Hindi ko siya gustong lingunin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sa kama ko na naman ang bagsak niya.

Galit pa rin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin noong nagdaang gabi. Hindi ko matanggap na matapos ko siyang maangkin ay sasabihin niya sa akin na magpapakasal siya sa ibang lalaki.

Noong mga sandaling iyon ay naramdaman ko na para bang napakawalang kwenta kong tao.

Hindi ba siya nasarapan sa ginawa ko sa kanya? Dalawang beses ko siyang inangkin nang gabing iyon for Pete's sake.

Hindi ko ba siya nasatisfy? Malaki naman ang sa akin ah.

O baka naman ganoon na lamang talaga siya kagalit sa akin at hindi talaga niya ako kayang mahalin kahit ano pa ang gawin ko.

Kasalanan ko ba kung mas naunang dumating sa buhay niya si Jako kaysa sa akin? I know him, he's always nice kahit pa lagi na lang ay pinag-iinitan ko siya.

Iyon marahil ang dahilan ni Ivan kung bakit mas gusto niyang piliin si Jako kaysa sa akin. Dahil hindi ako naging mabuti sa paningin niya kahit kailan.

"Hindi ba sinabi mo sa akin na gusto mo akong pakasalan?" sabi niya.

"Did I?" tuya ko sa kanya pero hindi ko pa rin siya nilingon. Dumiretso ako sa kusina. Nakasunod pa rin siya.

"Will you please stop and let's talk?" aniya. Sa pagkakataong ito ay nahihimigan ko na ang iritasyon sa tinig niya.

So, this is the point. Hindi pa nga kami nagtatagal na magkausap ay mainit na kaagad ang ulo niya.

"We are talking," sabi ko naman. Huminto ako sa tapat ng ref. Binuksan ko iyon. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig.

Lumakad ako patungo sa cupboard. Kumuha ako ng baso. Nagsalin ako ng tubig doon saka ako uminom.

"I broke my engagement with Jako. Nakipaghiwalay na ako sa kanya." sabi niya. Of course para sa villa na ipinangako ko na ibibigay ko sa kanya.

"So?" sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang hesitation sa mukha niya. Nararamdaman ko na malapit na siyang masiraan ng loob dahil sa malamig na pakikitungo ko sa kanya.

"Tinatanggap ko na ang alok mo na sayo na lang ako magpakasal." sa wakas ay sambit niya.

Natigilan ako sa narinig ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. Ibinaba ko ang baso sa counter saka ako pumalatak.

"That's bad luck for you, Ivan." sabi ko. Ibinalik ko na sa ref ang pitsel saka ako sumandal doon nang maisara ko iyon.

"I've changed my mind. Forget my offer." sabi ko sa kanya at nakita ko ang matinding sakit sa mga mata niya.

Continue Reading

You'll Also Like

256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
164K 8.8K 46
Note: This story was inspired from a Chinese Webseries titled Addicted Heroin. That's why some scenes are similar to that series. Manuscript: He's no...
3.7M 174K 69
Her name is Cindy Gonzales and this is her journey to Music Academy.
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...