The Brightest Shooting Star (...

Bởi red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... Xem Thêm

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ikadalawampu't dalawang Kabanata

71 3 8
Bởi red_miyaka

Pangdalawampu't dalawang Kabanata

Couch

Binalot ko ang mga braso ko sa leeg niya para palalimin iyong halik niya sa'kin. Hinawakan niya ang kanang bahagi ng leeg ko at marahang hinaplos iyon. Habol hininga kami noong natapos pero ang lapit pa rin ng mukha niya sa'kin at ganoon pa rin ang ayos namin.

"Pwede na ba tayo gumawa ng baby?"

Agad ko siya hinampas sa dibdib at tinulak kaya natawa siya. Nakangisi pa siya noong sinabi niya iyon gamit ang malalim niyang boses. Inikutan ko siya ng mata at nagsimulang maglakad, iniwan siya ulit doon. Agad siyang sumunod sa'kin at nilagay ang braso niya sa bewang ko, hinahapit ako palapit.

"Joke lang, hindi pa naman kailangan. Ikaw naman ang baby ko." Bulong niya sa tenga ko. Ngumuso ako at pinigilang ngumiti dahil aaminin kong kinilig ako roon sa sinabi niya. Ang hyper niya ngayong araw, o baka ako lang nakapansin no'n at madalas siyang ganito. Ewan ko ba rito.

"Yie, kinilig." Panunukso niya sa'kin nang makarating kami sa dulo ng eskinita at naroon na kami sa street ng bahay ko. Napailing na lang ako
at tumigil sa paglalakad para harapin siya. Inabot niya naman ang bag ko kaya sinuot ko na iyon.

"Salamat sa pagkain."

"Salamat din. Sarap mo nga eh."

Sinuntok ko iyong braso niya dahil doon sa sinabi niya. Natawa naman siya sa sinabi niya habang hawak ang braso niya.

"Halika nga rito." Aniya at hinila ako para yakapin. Nakasubsob lang ako sa dibdib niya dahil maliit lang naman ako at mahigpit niya akong niyakap. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago siya umalis at nagpaalam. Naglakad na rin ako papunta sa bahay at dumeretso sa kwarto.

Ilang linggo ang makalipas at ganoon pa rin naman, wala namang nagbabago. Hinahatid niya pa rin ako lagi sa bahay at hihintayin ko siya sa tuwing may rehearsal. Hindi naman siya nagtatagal doon kaya ayos lang sa akin. Dumating na rin ang araw ng performance nila sa malapit na bar at sadly, hindi kami nakumpletong CG dahil mga busy rin sila. Ang tanging mga nakapunta lang ay sina Amarie, Leila, Bianca, Maxine, Eliott, Anton at Franco. Wala iyong mga magjowa dahil maraming ginagawa kaya sabi nila na babawi na lamang sila sa susunod na alis namin.

Nakasuot ako ng white ribbed bungee cami top na tinernuhan ng black leather skirt at boots na may heels. Nakalugay lang ang buhok ko at may kaunting clips na nakakabit at bitbit ko rin iyong black and gold kong sling bag. Suot ko rin ang necklace na binigay sa akin ni Vin at silver earrings na hugis buwan.

Malapit ang lamesa namin sa kanila kaya naaaninag ko si Vin nang maayos. Medyo magulo ang buhok niya at nakawhite siyang polo na bukas ang limang butones at black shirt sa loob, may chain ding nakasabit sa leeg niya. Marami siyang suot na singsing at nakaripped jeans din siyang black. May earring siya sa kaliwang tenga niya na kumikinang pa at suot niya ang combat boots niyang black. Napainom ako sa shot glass na nasa harapan ko dahil nag-iinit ang mukha ko. He looked dashing and more attractive than usual in his outfit. I can get used to what he is wearing right now but I know that he only wears that kind of stuff when performing in a band. Alam ko kasi ang extra niya pumorma kapag may performance simula pa noong highschool. Hindi talaga ako nagugulat na marami siyang fangirls dahil sino ba namang hindi maaattract sa kanya?

Nagulat ako dahil hindi pa nagsisimula ang performance nila ay may sumigaw na ng pakasalan mo ako Vin. Napalingon ako kaagad dahil sa lakas ng tili niya pati na rin at pagkalabit ni Amarie sa akin. Tinaasan ko ng kilay iyong babae na may hawak pang tarpaulin na may nakalagay na "I love you Vin" doon. Hindi niya siguro ako nakita pero tinuro ako kaagad ng kaibigan niya. Inirapan niya ako kaya nag-init ang dugo ko at tatayo na sana pero pinakalma ako ni Leila.

"Mamaya ka na manugod, oy. Magsisimula na sila, oh." Sambit ni Leila at tinuro sina Vin. Totoo nga iyon dahil nakaupo na si Vin sa harap ng drums. Nagsimula silang tumugtog habang nakikisabay lang ako sa ibang kanta na alam ko.

~Tonight we'll dance
I'll be yours and you'll be mine
We won't look back,
Take my hand and we will shine
Oh, oh, oh
She needs a wild heart
She needs a wild heart
I got a wild heart~

Nagheheadbang na kami at pati na rin sina Amarie ay ganoon habang tuwang-tuwa. Nagcheers kami at maya-maya pa'y naging tipsy na ang iba, pati ako. Alam ko pa naman ang ginagawa ko kaya tumayo ako at hinila sila habang sumasayaw-sayaw. Kumanta-kanta rin kami habang sinisigaw iyong lyrics.

~I saw it coming, from miles away
I better speak up if I got something to say
'Cause it ain't over, until she sings
You had your reasons, you had a few
But you knew that I would go anywhere for you
'Cause it ain't over, until she sings~

"More than you know!" Sigaw ko habang nakaakbay kay Amarie at tumatalon-talon na. Mukha na kaming mga lasing pero okay pa naman kami. Tawang-tawa kami at patuloy lang sa pagkanta. Napatingin ako sa harap at nakitang nakangiti si Vin habang nakatitig sa'kin kaya ngumiti ako sa kanya at nagflying kiss. Umakto siyang gulat at tumawa na lang pagtapos. Natawa na rin ako at tumuloy sa pagkanta at pagsasayaw. Nang matapos sila ay dinumog kaagad sila noong pababa ng stage. Napailing ako at nanatiling umupo kaso tumili na naman iyong babae kanina.

Tumayo ako at lumapit sa pwesto nina Vin. Hinawi ko iyong babae pero
hindi siya nagpatinag at hindi man lang ako nilingon. Nairita ako saglit dahil sa ginawa niyang 'yon pero nanatili akong nakatayo at nakakrus ang mga braso roon habang nakasimangot. Hinihintay kong makalapit si Vin sa'kin pero mukhang hindi siya makaalis doon pati na rin ang ibang mga kabanda niya. Napangiwi siya lalo na noong tanungin ng babae na kanina ko pa kinaiinisan.

"May girlfriend ka na ba? Kung wala, pwede namang ako na lang!" Sigaw ng babae kaya napangiwi ako dahil sa lakas noon. Napakunot ang noo ni Vin at naiiling na ngumiti. Nang makita ko siyang palapit na ay agad akong naglakad ng mabilis papunta sa kanya at sinabit ang braso ko sa leeg niya.

"It's me, I'm the girlfriend." Taas noo kong sabi. Nginitian ko si Vin at napatulala pa siya saglit sa'kin habang hawak ang bewang ko. Nakatingkayad pa ako dahil hindi ko naman siya abot. Binaba niya iyong braso ko at inalalayan ako papunta sa table namin. Kinindatan ko iyong babae na halatang iritang irita na sa akin. Matagal na rin namang kumakalat ang chismis tungkol sa'ming dalawa, ah? Ba't parang gulat na gulat pa siya?

Pinaupo ako ni Vin sa upuan ko at lumuhod siya sa harap ko. Titignan ko sana sina Leila kaso wala na sila roon kaya inikot ko pa ang paningin ko. Hindi ko na sila makita. Iniwan na naman yata ako.

"Bakit ka nandiyan? Tumayo ka nga." Sabi ko kay Vin nang makita na nakaluhod pa rin siya sa harap ko at nakayuko sa may hita ko. Kinalabit ko siya kaya napaangat ang tingin niya sa'kin. Mapungay ang mga mata niya at parang paiyak na kaya nagpanic ako at hinila siya palapit.

"Uy, Vin?" Nilagay ko ang mga palad ko sa pisngi niya at hinaplos iyon. Hinawakan niya iyon pareho at napapikit.

"Girlfriend na ba talaga kita?" Seryosong tanong niya sa'kin habang deretsong nakatingin sa mata ko. Natawa ako dahil mukha siyang kinawawang bata. Natahimik ako nang makita na seryoso pa rin siya ro'n. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Ayaw mo ba?" Pang-aasar ko pero agad siyang napailing. Tahimik pa rin siya kaya tumayo ako at ganoon din siya. Niyakap ko siya agad at mahigpit niya akong niyakap pabalik. Natawa ako dahil ang laking tao nito at ang bad boy pa ng datingan pero ang lambot ng personality niya.

"I love you." Bulong niya sa tenga ko. Napangiti ako dahil doon at niyakap siya lalo.

"I love you too." Bulong ko pabalik. Gulat siyang humarap sa'kin at nanlalaki pa ang mata. Natawa uli ako dahil gulat na gulat talaga siya, kanina pa siya ganyan.

Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko at hindi niya napigilang sumigaw kaya kinurot ko siya sa bewang. Malakas na iyong tugtog pero ang lakas pa rin ng sigaw niya kaya iyong mga fans niyang dinudumog siya kanina ay napalingon sa amin. Natawa ako dahil sa pagkunot ng mga noo nila habang ang iba naman ay nakatapat sa'min ang phones na mayroong flash pa. Nagtinginan kami at sabay na pinakyuhan ang mga camera kaya humiyaw iyong mga tao, karamihan ay mga nakangiti pa. Hinawakan ni Vin ang bewang ko at inalalayan ako paakyat. Nakita naman namin sina Leila na nakaupo na sa mga couch doon.

"Nandiyan lang pala kayo!" Sigaw ko sa kanila. Tinabihan ko si Amarie at kinalabit siya dahil mukhang hindi nila ako narinig. Tumabi naman si Vin kina Anton para makipagkamustahan na rin.

"Anong nangyari sa inyo sa baba?!" Pasigaw na sambit ni Amarie dahil sa malakas na tugtog. Umiling ako at uminom sa isa sa mga shot glass na naroon sa lamesa. Nagtawanan kami at nagkamustahan lang. Vinideo call pa namin sina Bria na hindi nakapunta pero mga nakauwi na. Magkasama si Bria at Mateo na nasa kotse. Nagdadrive pa si Mateo kaya kumakaway lang siya kapag humihinto sila. Sina Zil at On ay hindi magkasama pero nag-aaway pa rin kahit gano'n at si Ivy ay nakahiga lang sa kama.

"Sayang! Punta sana ako kaso pagod na ako." Sabi ni Zil na humiga na rin sa kama niya. Natawa kami dahil alam naman naming siya pa ang magyayayang pumunta sa ganito at ngayon lang siya hindi nakapuntang gala, lalo na inuman.

"Akala ko nga pupunta ka pa, eh." Sagot sa kanya ni On. Tinaasan siya ng kilay ni Zil.

"Pake mo?" Sabi nito kaya napanguso na lang si On. Kawawa naman, under siya kay Zil.

Lumubog ang kaliwang bahagi ng couch kaya nilingon ko si Vin na tumabi pala sa'kin. Kumaway siya sa camera ng phone ko at ngumiti. Nagtaas ng kilay si Zil at dinuro iyong camera niya.

"Kayo na ba?!" Malakas niyang sigaw kaya napangiwi kami pareho ni Vin. Nagearphones ako dahil hindi ko sila marinig.

"Oo." Simpleng sagot ko. Napatili naman ang iba at si Ivy ay napatakip sa tenga. Napalingon naman sa amin sina Amarie kaya natawa ako at binelatan sila.

"Ah, 'yan pala ang nangyari sa baba."
Napatango-tango si Amarie kaya natawa kami ni Vin. Nag-usap pa kami ng ilang saglit bago namin ibaba ang tawag. Nagkwentuhan naman kami ng mga naroon habang umiinom. Medyo tumaas na rin ang alcohol tolerance ko at ng iba kaya kahit nakailang baso na kami, hindi pa rin kami nalalasing.

Maya-maya pa ay tumayo sina Eliott para bumaba at sumayaw. Naiwan kami ni Vin sa couch at naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa hita ko. Nilingon ko siya dahil do'n at nakitang umiinom lang naman siya at hindi nakatingin sa'kin. Napainom din ako at huminga bago hawakan ang leeg niya at siilin siya ng halik. Naramdaman kong binaba niya ang basong hawak niya kanina at hinawakan ang likod ko para alalayan ako.

I licked his lip and sucked on it. Tinulak niya ang batok ko para mapalapit pa ako lalo sa kanya at hinalikan pa ako ng mas malalim. Binalot ko ang mga braso ko sa leeg niya hanggang sa napasabunot ako sa buhok niya at napahawak ang dalawang kamay niya sa likod ko, inaalalayan ako. Humiwalay siya at hinalikan ang panga ko pababa sa leeg ko kaya inangat ko ang mukha ko to give him access to my neck. Pinatakan niya iyon ng isa pang halik bago bumitaw. Dumilat ako at tinignan siya na mapungay na iyong mga mata.

"Sayaw tayo." Aya niya sa'kin at tumayo. Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo. Tumingkayad ako upang ayusin ang buhok niyang nagulo dahil sinabunutan ko kanina. Inayos niya naman ang damit kong medyo nagusot at tumaas.

"Let's go?" Nilahad niya sa'kin ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon at bumaba na ulit kami para sumayaw.

"Lock me up with joy and kisses." Bulong niya sa tenga ko habang nakayakap sa likod ko at sumasayaw.



Wild Heart - The Vamps

More than You Know - Axwell ^ Ingrosso

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

440K 6.2K 24
Dice and Madisson
74.7K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]
901 76 49
V A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...