CHAPTER 37
Tulala akong naglalakad pauwi sa apartment namin ni duke.
Pagkatapos ko kasing makita si luci ay dali-dali na akong umalis doon. Hinabol pa n'ya kami at buti nalang ay may grupo ng kabataan na dumaan kaya nawala kami sa mga mata n'ya.
"Nanay bakit po natin iniwanan si tito pogi doon ng hindi nagpapasalamat?" Nagtatakang tanong ng inosente kong anak.
"Baby nagmamadali kasi si nanay." Maikling sambit ko.
"Kahit na po, diba kayo na po ang nagsabi sa akin na kapag may ginawa pong mabuti ang kapwa mo kailangan mo pong magpasalamat?" Inosente pa din nitong tanong kaya napabuntong hininga ako.
"Baby duke listen okay? Nakapagpasalamat na ako kay lu-- kay tito pogi mo baka hindi mo lang narinig." Sambit ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko kaya na magsinungaling sa anak ko pero kailangan.
"Ganoon po ba nay? Sige po pero sana magkita pa ulit kami ni tito pogi ang bait po kasi niya tapos po binili niya ako ng ice cream." Masayang kwento ng musmos kong anak.
"Hindi ko alam anak, baka hindi na kayo magkita." Mahinang sambit ko na alam kong hindi narinig ni duke.
At hindi ko hahayaan na kunin ka n'ya sa akin...
"Nanay nasaan po si papa tito?" Maya-maya'y tanong ni duke.
Mukhang napansin niya na wala si cylan.
"Nasa work si papa mo." Sambit ko.
"*pout* lagi nalang busy si papa, hindi na kami masyadong nagpe-play." Nagtatampong tugon ni duke.
Alam ko na nagtatampo na ito kay cylan dahil sobrang busy na talaga nito nung mga nakaraan sa hindi ko malamang dahilan at hindi na ito masyadong nakikipaglaro kay prince.
Napamahal na si duke kay cylan dahil simula ng isilang ito hanggang sa lumaki ay kasama niya si cylan. Alam ko na tinuturing na talaga ni duke si cylan na parang totoong ama.
Naalala ko dati sinabi ni cylan na mahal niya ako, sabi din niya na tatanggapin niya si duke na parang totoong anak niya. Bigyan ko daw siya ng isang chance pero hindi ako pumayag.
Ayokong umasa sa akin si cylan dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din si luci. Sinabi ko na sa kanya na wala siyang pag-asa pero makulit talaga si cylan at sinabi na kahit wala siyang pag-asa ay nandito lang siya sa tabi namin at hindi niya kami papabayaan.
Ramdam ko ang pagmamahal sa amin ni cylan kaya sobrang thankful ako sa kanya.
"Nanay! Your spacing out again!" Bugnot na sambit ni duke.
"Sorry po lolo." Biro ko sa kanya pero inirapan lang ako.
Para talagang tata--- erase! Erase!
***
*The next day*
Ito ang araw na gaganapin ang meeting. Ako ang representative ng Khaski Restaurant. Ng itanong ko kay ma'am kung oras saan ba ito dahil nakalimutan kong itanong ko nung nakaraa. Sabi ni ma'am naghahanap daw ng restaurant na magluluto ng pagkain para sa isang anibersaryo ng isang kumpanya. Hindi ko na naitanong kung anong pangalan ng kumpanya dahil paniguradong malalaman at malalaman ko naman ito.
"To all representative of all restaurant, please proceed to meeting area." Tawag ng isang lalaki na sa tingin ko ay secretary ng CEO.
Kaagad na pumasok ang lahat ng representative at ako ang nasa huli.
Nakasabay ko ang isang lalaki na parang nerd.
"Hello." Maikling bati ko ng mapatingin ito sa akin.
"Hi" balik bati niya.
"Nakakakaba ito ano?" Maya-maya'y pagbubukas ko ng topic.
Nakaupo na kaming lahat. May iba ding tao dito sa loob na sa tingin ko ay mga executive members ng kumpanya.
Ang CEO naman ay nakatalikod pa sa amin at mukhang may kausap.
"Oo nga nakakakaba nga dito. Sana ay makuha ang isa sa mga restaurant dito, balita ko napakasungit at nakakatakot daw ang CEO." Balik sabi sa akin ng lalaki.
"Talaga? Parang natakot tuloy ako." Natatawang sambit ko.
Totoo iyon ng marinig ko ang sinabi niya ay tumayo ang mga balahibo ko.
"By the way I'm astrid and you are?" Pakilala ko dahil hindi pa kami magkakilala.
"I'm Angelo." Pakilala din niya at nakipag-shake hands.
Nagdaldalan lang kaming dalawa dahil busy pa ang CEO sa phone at hindi namin namalayan ang oras ng.
"EHEM!" Biglang may umubo sa harap namin at ng pagtingin ko ay nakita ko nanaman siya..
Ano ba naman? Bakit lagi kaming pinagtatagpo ng tadhana? Wala bang magawa si tadhana dahil naka-lock down at kami ang pinagti-tripan?
Si LUCI kasi ang nasa harapan namin at mukhang alam ko na kung anong kumpanya ang maggaganap ng Anniversary. Ang Buenavista Corporation..
"Chatting isn't allowed here. And FLIRTING while we're having a meeting is strictly forbidden." Madiing sambit nito sabay tingin sa aming dalawa ni angelo.
Nagkatinginan kami ni Angelo at kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na kaba.
"Pasensya na po SIR. Kala po kasi namin hindi pa magsisimula." Paliwanag ko at talagang idiniin ko ang salitang 'sir'
"And you're talking back huh?" Nang-uuyam na sambit niya.
Napaiwas nalang ako ng tingin dahil parang patalim na tumatama sa akin ang mga mata niya.
Kung nakakamatay lang ang tingin siguro ay pinaglalamayan na ako ngayon.
"Let's start." Maikling sambit ni luci at umupo na.
Umayos kaming lahat ng upo at ng makita kong hindi nakatingin sa akin si luci ay dali-dali kong kinalabit si angelo.
Napatingin ito sa akin kaya agad akong nag-peace sign.
"Sorry ha? Napagalitan ka pa tuloy dahil sa kadaldalan ko." Paghingi ko ng paumanhin.
"It's okay, hindi mo kasalanan." Sagot ni angelo sabay nginitian ako kaya naman napangiti ako pabalik.
"You two." Napabaling ukit ako kay luci at nakita kong sobrang sama na ng aura nito at parang anytime ay ready ng pumatay.
"Po sir?" Sabay naming tanong ni angelo.
"Hindi ba talaga kayo titigil sa kakalandian d'yan?" Naiinis na sabi ni luci.
"MR.AGLIBUT!" Biglang tawag nito sa isang lalaki na nakaupo sa gilid n'ya.
Kita ko ang panlalaki ng mata nito at agad na tumayo na tila kinakabahan.
"P-po Sir?" Kinakabahang tanong nito.
"Doon ka maupo, and YOU." Sabay turo niya sa akin.
"A-ako p-po?" Nauutal na tanong ko, nakita ko naman na agad na tunaas ang kilay niya sa tanong ko.
"Sino pa ba? Malamang ikaw! Ikaw lang naman ang nakikipaglandian d'yan." Masungit na sabi niya.
"B-bakit po sir?" Nalilitong tanong ko with matching utal pa.
"Dito ka maupo." Maikling sambit nito tatanggi pa sana ako pero agad akong tinawag ni angelo.
"Umupo ka na doon, baka tanggalin pa ang restaurant natin." Kinakabahang sambit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag at umupo doon.
Pagkaupo ko palang ay amoy ko na ang napakabangong amoy ni luci na pinaglihian ko dati.
"Flirting infront of me huh?" Mapang-uyam na bulong niya sa akin kaya mas napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ko.
Busy ang lahat sa panonood sa representative na nasa unahan namin ngayon. Kaya hindi nila napapansin kung nag-uusap ba kami. Lahat sila ay tutok na tutok sa nagsasalita.
Nairita ako agad ng maramdaman ko na may kumakalabit sa akin kaya pasimple akong tumingin sa lokong nangangalabit.
Pagkatama ng aming paningin ay agad ko siyang pinandilatan ng mata pero ang loko sinamaan ako ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa nagsasalita sa harao kaya wala na akong nagawa kundi ang makinig nalang ulit.
Nang si angelo na ang nag-sasalita ay nakinig ako, tutok na tutok ang tingin ko kay Angelo ng biglang tumayo si Luci kaya sa kanya napunta ang atensyon ng lahat.
"I don't want to hear anything that us coming from you so shut up and leave, we will continue this next time." Sab nito kaya tumayo na ang lahat
Awang ang labi na napatingin ako kay angelo na bakas ang lungkot sa mukha kaya hindi ko maiwasang hindi makunsensya dahil alam kong ako ang dahilan noon.
Agad akong oumunta sa harap ni luci at magsasali na sana ngunit inunahan aki nito.
"Ayan ang napapala ng lahat ng lalandi sayo, so better luck next time miss Ramirez. Kung lalandi ka doon sa hindi ko nakikita."
And with that he left me dumbfounded.