Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

24.6K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue

Chapter 25

980 14 1
By dEmprexx

Chapter 25 

Miss

Gusto ko siyang pigilan, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero parang napako na ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Alam kong ilang beses ko ng pinag-isipan ito, akala ko madali lang. Akala ko pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Ayos na. Pero akala ko lang pala lahat. Hindi madali, masyadong masakit, masyadong mabigat sa dibdib ang makita siyang maglakad palayo sa akin. 

Walang tigil ang mga luha ko habang nasa gitna ako ng dance floor. Wala na rin akong pakialam sa mga nakakakita sa akin. Ito ang gusto ko diba? Kailangan kong panindigan. 

May humawak sa braso ko, tiningnan ako ni Misha gamit ang nag-alala niyang mata. Inikot niya ang paningin niya para hanapin si Calvin. Tiningnan niya si Jeff pero tanging kibit-balikat lang ang sinukli ni Jeff sakaniya. 

"What happened? Nagsiupo na ang mag estudyante ikaw nalang ang nandito" wika sa akin ni Misha. Inikot ko ang paningin ko, tama nga siya. May iilan pa na nakatingin sa amin tiyaka bumubulong. Bakit hindi nalang nila problemahin ang problema nila? 

Hinila ako ni Misha paalis sa dance floor tiyaka umupo sa inuupuan namin kanina. Tahimik akong naupo, ramdam ko ang lamig sa pisngi ko dahil sa mga luhang natuyo rito. 

"Where's Calvin?" Tanong ni Misha. Pagkaupong-pagkaupo namin. Nasulyapan ko ang paghawak ni Jeff sa braso niya para pigilan siyang magsalita. 

"We broke up" sa lahat ng iniyak ko sa mga nakaraang linggo pati narin sa pag-iyak ko kanina. Mukhang napagod din ang mata ko sa paglabas ng luha. 

"What?!" Bulaslas ni Misha na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tinikom ko ang bibig ko. "Why?" Naguguluhang tanong pa niya sa akin. 

Maaring magalit sila sa akin dahil sinaktan ko ang kaibigan nila pero nasasaktan din ako. Nasanay narin ako na lagi siyang nasa tabi ko. Nasanay na ako sa presensiya niya. Hindi madali sa akin ang nangyari, ang hirap. 

"Misha" suway sakaniya ni Jeff. Jeff is sensitive kaya ayaw niyang mag cause pa nang kung ano ang sasabihin ni Misha. 

"You two good right? I mean, not good the pass few weeks but Calvin is holding to you" halos manlambot si Misha sa sinasabi niya. Alam nila siguro kung ano ang nararamdaman ni Calvin nung dalawang linggo ko silang iniwasan. 

"We're good but doesn't meant we're meant to be" tanging sagot ko nalang. 

Pero sa kasulukan ng puso ko, umaasa pa rin ako na babalik siya. Babalikan niya ako. Lumanghap lang siya ng sariwang hangin sa labas. Babalik siya, nabigla lang siya. Babalik siya, hindi niya ako kayang iwan. 

Pangako, kapag bumalik siya magmamakaawa ako sakaniyang bumalik siya sa akin. Kahit na ako ang nagtaboy sakaniya. Kahit ako ang nagdesisyon. Akala ko kasi kaya ko, pero hindi pala. 

Natapos ang party, hinatid ako nina Jeff sa amin. Sandali akong naupo sa sala dahil ayokong makita ako ni ate Anj nang mukhang namatayan ulit. Kaso nga lang, bumukas ang pintuan mula sa kwarto ni ate Anj. Kaagad siyang lumapit sa akin nang makita niya ako. 

"Anong nangyari? Akala ko ba pumunta ka sa party? Pero bakit mas mukhang galing ka pang lamay?" Tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko. 

Pinaglalaruan ko lang kamay ko na nasa tuhod ko. Hanggang sa nagsimulang mag-unahan sa pagtulo ang luha ko. Agad ko itong pinunasan pero parang walang silbi ang pagpupunas dahil patuloy lang ito sa pagluha. 

"Break na kami" tanging sabi ko kay ate Anj. Narinig ko ang pagsinghap niya sa tabi ko. Mukhang hindi alam ang sasabihin kaya ako na ang tumuloy "Ako ang nakipaghiwalay" dagdag ko pa. 

"Ikaw pala nakipaghiwalay, bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni ate Anj. Sinubukan niya na hindi nakaka-offed ang boses niya pero tama siya. Bakit nga ba ako umiiyak e ako ang nakipaghiwalay? 

"Ang sakit. Akala ko, okay lang. Akala ko iyon ang kailangan ko. Kasi sa t'wing nakikita ko siya bumabalik ako sa insedenteng iyon. Kasi sa t'wing nakikita ko siya nasasaktan ako. Hindi ko siya kayang tingnan nang hindi man lang ako nasasaktan" sabi ko sa gitna ng paghikbi ko. 

"Wala akong masabi kasi desisyon mo iyan. If that's what make you heal then do it. But all I can see right now is you're not healing, you are creating another wound in your heart" wika niya sa akin na lalong nagpa-iyak sa akin. 

"Tama na. Mag-usap kayo. Yung parehong magaan ang pakiramdam niyo, yung parehong hindi magulo ang isipan niyo" tumango ako sa sinabi ni ate Anj. 

Tumayo na ako tiyaka naghilamos pagkatapos ay nagbihis na. Tatlong linggo lang ang nakalipas pero parang taon ang nagdaan. 

Bago ako matulog ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya pero cannot be reach na ang number niya. Hindi naman niya siguro binlock ang number ko diba? Hindi niya kayang gawin sa akin iyon. 

Me: 

Kapag natanggap mo ito, please call me. 

Pero lumipas ang weekend wala man lang akong natanggap na kahit anong mensahe sakaniya. Hindi ko narin ma-reach ang cellphone niya. Nahihiya naman akong tawagan sina Misha dahil sabi nga ni ate Anj, ako ang nakipaghiwalay kaya anong karapatan ko? 

Nagpasya nalang ako na sa school kausapin sina Misha tungkol dito. Magpapatulong din ako sakanila kung sakali man na iniiwasan ako ni Calvin. Nagsisi ako sa ginawa ko, kahit pala tatlong linggo kong pinag-isipan iyon, hindi parin tama ang desisyon ko. 

Pero paano ko masasabing mali kung iyon ang sa tingin kong magpapagaan ng loob ko? Kung iyon ang magpapagaan sa akin sa pagkawala ng kapatid ko? 

Hindi ko na alam. Ang gulo ng utak ko. Masyado na akong nag-iisip sa mga bagay-bagay na kahit hindi kailangan ay iniisip ko parin at ginagawang problema. 

Pumasok ako sa school. Nauna sa akin si Misha kaya agad siyang ngumiti sa akin nang makapasok ako sa classroom. Umupo ako sa tabi niya. Ngumiti siya sa akin na tila ba tinitimbang niya ang emosyon ko at sinusubukan pagaanin ang atmosphere. 

"How's weekend?" Tanong niya. Tipid ko siyang nginitian. How was my weekend? Naghintay ako sa wala. 

"Ayos lang" tipid na sagot ko sakaniya. Tumango siya sa sinabi ko. "Hindi ba kayo tinext ni Calvin?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero napabuntong hininga muna siya bago sumagot. 

"Hindi eh. I tried calling him to ask if he's okay but cannot be reach. He also deactivated all of his social media account" nagulat ako sa impormasyon na binigay sa akin ni Misha. Hindi ko alam na nagdeactivate siya, hindi rin naman kasi ako nagbubukas "Pabayaan mo kausapin natin siya mamaya. Tiyaka alam ko naman na titiklop siya sayo agad" paga-assure niya sa akin. Sana nga. 

Parang ito na ang pinakamahabang araw, pinakamatagal na subjects sa tanang ng buhay ko. Gusto ko lang naman magkausap kami ni Calvin para maayos na ang hindi namin pagkakaintindihan pero bakit tila ang bagal ng oras? Kung pwede ko lang hatakin ang oras ginawa ko na. 

Pagkatapos na pagkatapos sabihin ng prof namin ang dismiss agad kaming nag-ayos ni Misha. Hindi ko alam kung kanina pa napansin ni Misha na aligaga na akong umalis sa classroom para pumunta sa business department dahil agad din siyang nag-ayos pagakaalis ng prof. 

Tahimik kaming pumupunta sa department nila. Tinatawagan ni Misha si Jeff para agad namin silang makita. Sa lawak ng university, mukhang mamayang gabi pa namin sila makita kung lilibutin namin. 

Hindi pa kami nakakapasok sa department nila nang makita na namin sa labas si Jeff. Mukhang hinihintay kami. Tumakbo payakap sakaniya si Misha kaya iwas tingin akong sumunod. 

"Where's Calvin?" Agad na tanong ni Misha nang ilang minuto wala pa ring Calvin ang nasa tabi ni Jeff. Nilinga ko ang mata ko para hanapin siya pero hindi ko nakita. Nakita ko ang pagkibit-balikat ni Jeff. 

"Absent siya" tipid na sagot niya na para bang ayaw na niyang dagdagan iyon. Napasinghap ako sa sinabi niya "May alam ba kayo bakit siya absent?" Tanong pa niya sa amin. 

"Kaya nga namin kayo pinuntahan at hinahanap namin siya dahil akala namin pumasok diba?" Masungit na sagot sakaniya ni Misha tiyaka ito nag cross arm. 

"Cannot be reach ang cellphone niya. He also deactivated his social media account" parang inulit niya lang ang sinabi ni Misha kanina sa akin "I don't have connection with him except to his cousins but they didn't know" pagpapaliwanag ni Jeff. Tumango ako. 

"Ah ganon ba?" Walang ganang sagot ko. Parang naghintay lang pala ako sa wala. Excited pa naman ako na matapos na ang klase namin para makausap at makita ko na siya. 

"Don't worry, I'll update you kapag may alam ako" sabi pa niya "Ayos ka lang?" Naga-alalang wika niya sa akin. Ngayon, ako naman ang nagkibit-balikat. 

Ayos lang ba ako? Siguro, ayos na unti-unti na akong nakakapag move on sa nangyaring insidente. Pero hindi ako ayos dahil wala si Calvin sa tabi ko pero kung nasa tabi ko siya, makaka move on kaga ako ng paunti-unti? 

Ayos lang ako. Dapat maging ayos ako dahil ito naman ang ginusto ko kaya bakit ako nagdadrama? Bakit ako nagiging mukhang kawawa gayong ako ang nagpaalis sa kaniya? 

Isang linggo ang lumipas at walang Calvin na nagparamdam at nagpakita sa amin. Sinasabi rin sa amin ni Jeff na hindi siya pumapasok. Nung una ay ayaw namin maniwala sakaniya ni Misha dahil baka tinatago lang nilang dalawa, dahil magkaibigan sila. One time, nag ditch kami ng klase ni Misha para makumpirma kung wala nga talaga si Calvin. 

Halos ma-memorize ko na ang mukha ng kaklase nila dahil paulit-ulit kong tinitingnan kung wala talaga si Calvin pero wala talaga. Naghintay din kami doon dahil baka sakaling nag CR lang siya pero wala talagang Calvin na dumating. Doon namin nakumpirma ni Misha na nagsasabi nga ng totoo sa amin si Jeff. 

Isang linggo na siyang hindi pumapasok. Five days absent considered drop. At limang araw na siyang wala. Papaano ang pag-aaral niya? 

Kumakain kami sa cafeteria nina Misha at Jeff. Nagkukuwentuhan naman kami at pareho nilang iniiwasan banggitin ang pangalan ni Calvin para sa akin. Gusto ko man magtanong pero alam ko na wala rin naman silang alam tungkol sakaniya. He cut his connection with me even with his long time friend. 

"CR lang ako" paalam ni Jeff sa amin. Tumango ako kaso biglang tumayo rin si Misha. 

"Ako rin" sagot niya. "Pahintay" wika niya sa akin. Kakatapos lang kasi naming kumain kaya pumunta na sila sa CR. 

Dalawang minuto ang nakalipas. Nakaramdam din ako na maiihi ako dahil siguro sa juice na ininom ko at tubig. Sumunod ako sa dalawa. Habang papunta ako sa CR bigla ko silang nakitang nagtatalo kaya nagtago muna ako sa pader, hindi ko alam kung bakit ako nagtago e pwede naman akong magpakita. 

"Jeff, I know may alam ka tungkol sa pagkalawa ni Calvin!" Inis na wika sakaniya ni Misha "Look, hindi lang ikaw ang kaibigan niya. Kaibigan niya rin ako at si Krizette! Kaya bakit hindi mo masabi sa amin?" Tanong ni Misha. 

"Wala na akong connection sakaniya. Kung may connection lang sana ako sakaniya edi sana nasabi ko na agad na gusto siyang makausap ni Krizette. Panigurado lilipad ulit iyon pabalik dito sa Pilipinas" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jeff. 

"What? He's not here in the Philippines?!" Gulat na tanong ni Misha. Mukhang parehong hindi namin alam iyon. 

"He talked to me, he said he's going to US. Doon na niya pagpapatuloy ang pag-aaral niya bago siya umalis. Then, he permanently cut his connection with us. Ayaw din magsalita ng mga pinsan niya" sagot pa niya. Napaawang ang labi ko dahil sa impormasyon na nalaman ko. 

"Pero paano si Krizette?" Nag-aalalang tanong ni Misha kay Jeff. Napasinghap ako bago ako nagdesisyon na magpakita sakanilang dalawa. 

"Krizette" gulat na tawag sa akin ni Misha. Napaharap din sa akin si Jeff. Tipid akong ngumiti, at least nalaman ko man lang kung nasaan siya. 

"Is he okay there?" Tanong ko. Napanguso ako ng maalala ko na pinutol niya pala lahat ng pwedeng connection sa amin. "Ah wala ka na palang connection sakaniya" malungkot na dagdag ko. 

"I'm sorry, Krizette" pagpapaumanhin ni Jeff sa akin. 

"Ayos lang" ngiti ko sakaniya. 

Sa mga susunod na araw. Ginawa kong busy ang sarili ko sa pag-aaral. Naging active narin ako sa dance troupe, kasi nagbabakasali ako na isang araw a-attend siya sa practice. Naging close din kami ni Ray, ang direktor. Siya yung nag direk sa unang performance ko rito hanggang ngayon. 

Sumasama rin si Misha sa dance troupe dahil matagal na siya rito at dahil din sa akin. As much as possible gusto niya na lagi akong kasama. Nung mga panahon na umiiyak ako gabi-gabi ay siya yung nasa tabi ko, gusto ko na ngang pumunta sa isang psychologist noon dahil ang dami nang pumapasok sa utak ko. 

Hanggang dumating ang araw ng graduation. Sabay-sabay kaming tatlong nag graduate. Nakakuha rin kami ng latin honors ni Misha. Jeff is a magna cum laude on their department. Ganon din kami ni Misha sa department namin. 

"Congrats!!!" Maligayang wika ni Misha habang hawak-hawak ang diploma tiyaka ako niyakap. Niyakap ko rin siya tiyaka natawa. 

"Congratulations din" bati ko sakaniya. Kakatapos lang ng program sa stage. 

"Magkikita pa naman tayo diba? At least, twice a week!" Pangontrata niya sa akin. Natatawa akong tumango sakaniya. 

Ito ang hirap kapag haharapin mo na ang reyalidad. Hindi na sigurado kung kailan mo ulit makakasama ang mga taong minsan nagkulay sa buhay mo. Hindi mo alam kung makakausap mo pa ba sila dahil pareho na kayong busy sa pagbuo ng pangalan at responsibilad sa trabaho tiyaka pamilya. 

Nagpaalam narin ako kina Misha at Jeff. Kasama namin ang pamilya namin. May kaunting salu-salo sa bahay nina tita Anya dahil graduation. Ayoko pa sana nung una dahil gastong lang pero sinabi nina mama na deserve ko naman iyon kaya pinilit nila ako. 

Nang makalabas kami sa venue ng event ay napatingin ako sa langit. Ang liwalas ng panahon ngayon. Kitang-kita rin ang kagandahan ng ulap. Napangiti ako nang maalala ko si Karlo, sayang at wala siya ngayon. Hanggang sa maalala ko ang nag-iisang lalaking minahal ko. 

Ilang layo ang pagitan natin na kailangan pang dumaan sa mga ulap para muli tayong magkita. Kakilala mo pa kaya ako? Kumusta ka na? Masaya ka ba sa buhay mo ngayon? Mga tanong na mananatili nalang tanong. Napasinghap ako nang marinig ko ang tawag nina papa sa akin. 

I miss him. I miss what I missed. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 613 26
KEENO'S PRINCESS (2023) Binger S. Princess Quinn Tuazon never had a problem with food allergies. Pero sa tao, mayroon. Anino pa lang ni Keeno Prince...
17.3K 531 25
Season Series #2 Maddison Salvador, a future ceo of the Mux Company is a happy go lucky and bubbly woman. She really loves to have fun and to go with...
564K 12.4K 63
Kung sino pa yung mga taong wagas kung magmahal, sila pa yung madalas nasasaktan, sila pa yung hindi nakukuha yung mahal nila, sila pa yung naiiwan o...
72.5K 3.6K 47
"Seoul gave me a lot to hold on to. From creating good memories to bad heartbreak. From life lessons to applying it. Seoul taught me that love is unc...