Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

24.5K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Epilogue

Chapter 24

779 18 0
By dEmprexx

Chapter 24 

Dance 

"Fuck! Shit!" Malutong na mura ni Calvin habang hinahampas ang manibela, hawak niya parin ang baril sa kaliwang kamay niya. Tiningnan niya ako na para bang nagdadalawang isip kung sasagot siya sa barilan. 

"What the fuck was that?! Karl Calvin!" Baritonong wika ni Charles sa kabilang linya. 

"They started a gun fire" kalmado pero seryosong sagot ni Calvin. 

"Ate? Anong nangyayari? Bakit may putukan?" Nagsimula nang umiyak si Karlo. Nanginginig narin ang kamay ko sa takot. 

Hindi ako makapagsalita dahil kasabay nang panginginig ng kamay ko ay ang panginginig ng labi ko. Masyado akong kinakabahan para tanungin pa si Calvin. 

"I'm sorry" bulong ni Calvin habang seryosong nakatingin sa dinadaanan. 

"Kuya? Anong nangyayari?" Patuloy ang pag singhot ni Karlo dahil sa pag-iyak. Namumuo narin ang mga luha sa mata ko. 

Nagulat ako ng binilisan ni Calvin ang pagmamaneho kaya napahawak ako sa seat belt ko nang mahigpit. 

"Humawak ka, Karlo" nanginginig na bilin ko kay Karlo. Tiningnan ako ni Calvin pero nag-iwas lang ako ng tingin. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ano ito? 

"I'm sorry. Promise. I'll fix this" paninigurado niya sa akin tiyaka hinawakan ang kamay kong nakapatong sa tuhod ko, nanginginig. Agad ko iyong iniwas sakaniya. Nakita ko ang sakit na dumaloy sa mata niya pero nag-iwas lang ako ng tingin. 

"We will be safe right?" Tanong ko sa kaniya. Pumikit siya ng mariin tiyaka hininto sa isang tabi ang kotse. 

"I'll do my best to keep you safe" wika niya. Inalis niya ang seat belt niya bago "I love you" huling sambit niya bago lumabas ng sasakyan. 

Kaagad akong napatingin sakaniya dahil doon. Bigla akong kinabahan. Wala pa siyang back up! Tumingin ako sa likuran, nakita ko ang mga armadong lalaki na nasa bilang ko ay nasa bente katao. Anong magagawa ni Calvin?

"Ate? Bakit bumaba si Kuya? Hindi ba siya mapapahamak? May mga baril yung mga lalaki tiyaka madami sila" sunod-sunod na wika ni Karlo sa gitna nang paghikbi niya. Napasinghap lang ako bilang sagot. 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makaalis kami dito.

"What? Bumaba si Calvin?" Dinig kong tanong ni Charles sa kabilang linya. Kanina ko parin siya naririnig na may katawagan mula sa isa pang linya. "Krizette listen, where is Calvin?" Bakas sa tono niya ang pag-aalala. 

"H-e is outside" isang malutong na mura ang pinakawalan niya pagkatapos kong sabihin iyon. 

"Wala pa siyang back up! Ano nang nangyayari?" Tanong ni Charles. Tiningnan ko mula sa labas si Calvin gamit ang side mirror. 

"Mu-mukhang nag-uusap sila" sagot ko. Hindi ko naman marinig ang pinag-uusapan nila, pero base sa tayo nila hindi naman pwedeng nagtitigan lang sila. 

"Listen, this is the best thing you can do" seryosong boses ni Charles ang pumukaw sa atensiyon ko mula sa pagtingin kay Calvin ay bumaling ako sa screen kung nasaan nanggaling ang boses ni Charles. "Do you know how to drive? Drive far away from there. We can handle it" namilog ang mata ko sa sinabi niya. 

"Pero si Calvin!" Frustrated na sigaw ko. Hindi ko siya kayang iwanan dito. Napakadelikado. 

"He can, he can handle himself" kumbinsi sa akin ni Charles pero parang kinukumbinsi niya rin ang sarili niya. 

Sure, I can drive. Tinuruan ako ng basic ni Calvin. Hanggang sa barangay lang namin ako nakapagdrive. Ibang usapan na dito sa high way tiyaka paano kung nahuli kami? Wala akong lisensiya. 

"Pero hindi ko siya kayang iwan" mahinang bulong ko pero alam ko na narinig iyon ni Charles base sa pag singhap niya. 

"Look, malapit na kami. We can protect him. Just protect yourself and your brother" wika ni Charles. 

Bahagya akong napatalon sa gulat nang makarinig ako ng isang putok kaya napatingin kaagad ako sa labas. Inalis ko ang seat belt ko para maayos na matingnan kung anong nangyayari sa likuran namin. 

"What was that?!" Tanong ni Charles na mukhang nagulat din sa biglaang putok ng baril. 

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakatayo pa naman si Calvin. Mukhang pinutok lang sa hangin iyong baril, mukhang nanakot lang base sa ngisi ng lalaki sa tapat ni Calvin. Nakatutok ngayon ang baril kay Calvin ganon din ang ginawa ni Calvin kaso nga lang, mas madaming baril ang nakatutok sakaniya. 

"Ate? Magiging maayos lang ba si Kuya?" Tanong ni Karlo na mukhang pinapanood ang bawat galaw nina Calvin. 

"Krizette, listen. Just fucking start the engine and stay away from there" rinig ko ang frustration sa boses ni Charles. Umiling ako. 

No. I will never leave him. 

"Ma-may baril pa ba rito?" Tanong ko kay Charles nang maisipan kong tulungan si Calvin. Narinig ko ang pag-angal ni Charles sa kabilang linya pero binuksan ko ang compartment ng kotse, nakakita ako ng isang maliit na baril, hindi ko alam kung anong pangalan ng baril dahil hindi naman ako mahilig dito. 

"Look, Krizette. You're risking your life and your brother's life. Just stay there if you don't want to run. Stop doing and thinking something stupid. You are not use to it, you can't do anything. You can't help him because you don't have the proper training. It will risk your lives so please, shut yourself up" mahabang lintanya ni Charles. Sinabihan na niya ako ng masasakit na salita para siguro matigil kung ano man ang iniisip ko. "Look, mukhang hindi pa nila alam na may kasama si Calvin. You fucking stay inside the car" frustrated na dagdag pa niya. 

Bigla akong napaiyak hindi dahil sa mga sinabi ni Charles kung hindi awa para kay Calvin. Siya lang mag-isa. Naiiyak ako dahil wala man lang akong magawa para tulungan siya. 

Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan. Apat sa mga lalaking kasama ng mga baril na nakatutok kay Calvin. Mukhang hindi niya kami nakikita dahil nagtitingin siya sa loob na para bang walang makita. Tinted ang salamin. Tiningnan ko ang nangyari kay Calvin ngayon ay hawak-hawak na siya ng dalawang tauhan, mukhang nakipagsuntukan muna. Nakatingin siya sa kotse, nakita ko ang sakit sa mga mata niya at ang galit sa mata niya habang tumitingin sa lalaking kumakatok sa amin. 

"Ate? May tao" wika ni Karlo na para bang hindi ko nakikita na may kumakatok sa amin. Narinig ko ang tanong ni Charles mula ss kabilang linya pero huli na ang lahat. 

Bago ko pa man mapigilan si Karlo ay binuksan na niya ang pintuan. Narinig ko ang sigaw ni Calvin at ang pag ngisi ng mga lalaking kumatok. Kaagad nilang hinatak si Karlo kaya agad din akong bumaba sa sasakyan para makuha si Karlo sakanila. 

"Fuck!! Let them stay away from this!" Dinig kong pagpapalag ni Calvin sakanila. 

Kaagad na may humawak sa kabilang braso ko. Bumaon pa ang kuko nila sa akin dahil sa higpit nang pagkakahawak nila na para bang makakawala ako. Narinig ko ang iyak ni Karlo sa harapan ko habang nilalapit kami sa taong nasa tapat ni Calvin. 

"Jayson!! They didn't do anything so spare them, please!" Pagmamakaawa ni Calvin. Namumula na ang mata ni Calvin sa pinaghalong galit at sakit. 

"Bakit naman?" Ngisi ng lalaki na nasa tantiya ko ay Jayson ang pangalan. Pinaluhod kami ng mga humawak sa amin kaya kaagad kong niyakap si Karlo na ngayon ay umiiyak. 

"Wala silang kinalaman dito. Kaya please" muling pakikiusap ni Calvin.

"Bakit? Paano kung lumpuin ko rin kaya ang babaeng pinakamamahal mo kagaya ng ginawa mo sa kapatid ko?" Namilog ang mata ko sa takot nang tinutok niya sa akin ang baril na kanina ay nakatutok kay Calvin. 

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong nilumpo? Kapatid niya? Ni Calvin? Tiningnan ko si Calvin na mahigpit ang pagkaigting ng panga niya pati narin ang mga kamao niya. 

"You did that to her!" Sagot ni Calvin sakaniya "If you didn't abduct Natashia that will never happened!" Sigaw ni Calvin sakaniya. Ngumisi habang umiiling si Jayson. 

"Pero kung hindi pinatay ng ama mo ang ama ko, hindi mangyayari ang pagkidnap kay Natashia" Natashia, saan ko nga ulit narinig iyon? Oo! Yung ex girlfriend ni Charles, ibig sabihin kinidnap nila si Natashia? 

"How can we fucking explain that it's their fault?! Nanlaban sila! And you're dad is a drug lord! My father just done what his job is!" Frustrated na wika ni Calvin na parang mapuputol ang litid niya dahil sa inis. 

"Do you think I will believe that?" Pang-aasar na wika ni Jayson sakaniya. Linuhod ni Jayson ang isang paa niya para maging lebel niya ako. Pinaglalaruan niya ang baril habang nasa harapan ko. Narinig ko ang mura ni Calvin dahil sa ginawa ni Jayson.

"Did you know that your boyfriend is a criminal?" Tanong niya sa akin. Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya "Oh let me rephrase that, a son of criminal" mapait na dagdag niya. 

Alam ko na may business sina Calvin tungkol sa mga agent, security and other staff. Nasabi na niya sa akin iyon noon. Siguro ay nasa operasyon ang daddy ni Calvin kaya napatay niya ang ama ni Jayson. 

"Don't believe him" mariin na wika ni Calvin habang pinipilit na pumalag. Hinawakan ako sa pisngi ni Jayson na kaagad ko naman iniwas. Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Calvin "Don't fucking touch her. Swear, if something happen to her? I won't hesitate to kill you. And your words will be true by killing you" isang mapang-asar na tawa ang pinakawalan ni Jayson dahil sa banta ni Calvin. 

"How can you say so? Wala ka ngang laban" pang-aasar pa niya rito. 

Nakarinig kami ng mga kotseng paparating, may mga sirena din ng police ang narinig namin kaya naagaw ang atensiyon. Naging balisa ang mga tauhan ni Jayson pati narin siya dahil sa mga hindi inaasahan na paparating. Ginamit ni Calvin ang pagkakataon para masiko ang mga humahawak sakaniya. Pinulot niya rin ang baril niyang nasa lapag habang tinatayo kami. 

"Let's go!" Yaya sa amin ni Calvin. Nagsimula ang putukan sa pagitan ng mga police at nina Jayson. 

Bahagya akong napatalon ng may bala na nakasunod sa amin. Napamura si Calvin tiyaka nagpaputok ng bala pabalik. Malapit na kaming makapasok sa sasakyan pero hindi parin nawawala ang putok sa banda namin kaya nagpapaputok din si Calvin. 

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang tenga ko dahil masyadong nakakabingi ang putukan na naririnig namin. Ganoon din ang ginawa ni Karlo kaya nabitawan ko siya mula sa pagkakahawak. 

"Ah! Damn!" Mura ni Calvin tiyaka napahawak sa kanang braso niya. Namilog ang mata ko ng makita kong walang preno ang pag-agos ng dugo roon. Inilipat ni Calvin ang baril sa kaliwang kamay niya dahil napuruhan ang braso niya. 

"Ca-calvin. Natamaan ka ng bala" nanginginig na wika ko sakaniya pero baliwala lamang iyon kay Calvin dahil sunod-sunod parin siyang nagpapaputok. 

"Don't mind it. Just a stupid wound" sagot niya sa akin. Pero hinila ko siya para matigil sa pagtakbo para tingnan ang braso niya. "Shit. Krizette, we don't have enough time to check it!" Frustrated na wika niya. Nakarinig kami ng putok kasabay ng pagbagsak ni Karlo. 

"Karlo!!" Sigaw ko kaya kaagad kong nilapitan ang kapatid ko. Napaiyak ako ng may dugo siyang sunusuka kasama ang pagdugo sa may bandang dibdib niya. Malutong ulit na napamura si Calvin tiyaka nagpaulan ng bala. 

Napatingin ako sa pinapaulanan niya ng bala at nang makita kong si Jayson iyon dahil dahan-dahan na bumagsak ang katawan niya sa sahig. 

Agad na lumapit sa amin si Calvin, hirap siyang lumakad papunta sa amin tiyaka niya binuhat si Karlo. Napahawak ako sa bibig ko nang makita kong may tama rin sa tagiliran si Calvin but he manage to carry Karlo inside the car. 

Sa likuran na ako pumwesto dahil nandoon si Karlo. Patuloy ang pag-agos ng luha ko nang makita kong hindi na namumulat ang mata ni Karlo. Kaagad pinaandar ni Calvin ang sasakyan. Kaagad kaming nakapasok sa Pampanga, agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya sa malapit na hospital. 

Dinala agad si Karlo sa emergency room. Nakasakay siya ngayon sa isang kama habang tinutulak papunta sa operation room pero hinarangan lang ako ng nurse dahil bawal na akong sumunod doon. 

"Hanggang dito nalang po kayo" wika ng babaeng nurse sa akin "Don't worry, we will do our best to save him, punta muna po kayo kay sir. Mukhang ayaw pagamot" wika niya habang tinuturo si Calvin na ngayon ay nakaupo lang sa emergency room habang patuloy na dumadaloy ang dugo sa tagiliran at braso niya. 

Lumapit ako sakaniya na hindi matigil ang mga luha ko. Nung una ay wala siyang reaksiyon pero nang umagat ang tingin niya sa akin ay biglang nabalot ng sakit ang mata niya. Kaagad siyang nilapitan ng isang nurse para asikasuhin siya. 

"Krizette, I'm sorry" hingi niya ng tawad. Ayaw niyang magpadala sa emergency room anya ay hindi naman ganon kalalim ang natamo niyang bala at pwedeng alisin lang iyon at tahiin dito. 

Hindi ako kumibo habang inaalis ang bala sa loob niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagtahi sakaniya kaya siya nasasaktan o dahil sa ibang bagay. Nang matapos ang nurse ay nilagyan na niya ng gasa ang sugat niya tiyaka tumayo. Naghabilin ang kasama niyang doctor sa amin bago umalis. 

Magsasalita sana si Calvin nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Ang daming missed calls mula kina ate Anj, tita Anya, kay mama, kay papa, kina Misha ate Jeff. Sinagot ko si ate Anj at sinabihan na nasa Diosdado Macapagal Hospital kami dahil nabaril si Karlo. Ganon din ang ginawa ko kay Mama. Ramdam ko ang gulat at iyak nila mula sa kabilang linya. 

Binaba ko na ang tawag dahil hindi ko kayang marinig ang boses at pag-iyak nila. Lalo lang akong maiiyak kapag narinig ko ang hagulgol nila mula sa kabilang linya. Alam ko na papunta narin naman sila rito. 

"Baby, I'm sorry" sa palagi kong kasama si Calvin, ngayon ko lang siya nakitang ganito na parang hindi alam ang gagawin niya. Parang gusto niya akong hawakan pero pinipigilan niya ang sarili niya. 

Nasasaktan ako na makita siyang ganito ngayon. Nasasaktan ako habang naghihintay sa kapatid ko na nasa operation room. Nasasaktan ako habang sunod-sunod kong naririnig ang mga putukan kanina, ang mga boses at paghagulgol ng pamilya ko dahil sa binalita ko. Nasasaktan ako dahil wala man lang akong nagawa.

Tiningnan ko si Calvin habang walang sawang bumubuhos ang luha ko mula sa mata ko. Ngayon ko nakita ang mata niya na punong-puno ng pagsusumamo, kaba, takot at sakit habang hinihintay ang maari kong sabihin. 

"Wa-wala kang kasalanan. You did your best to save us" sagot ko sakaniya. Umiling siya sa sinabi ko "Kung meron mang dapat sisihin ay ako iyon, ako ang nagpamulit na ngayon ang uwi ni Karlo. Ako ang hindi nakinig kay Charles nang sinabihan niya ako na umalis na kami ni Karlo" puro iling ang sagot niya sa mga sinasabi ko. 

"Hush, baby. Don't blame yourself" ngayon lang siya naglakas ng loob para halikan ako sa ulo. Inakbayan niya ako kaya sa balikat niya ako umiyak ng umiyak. Hanggang sa hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. 

Sobrang bilis. Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang kasama pa namin si Karlo pero ngayon, nakalagay na siya sa puting higaan at payapang natutulog. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko habang nakatingin sa harapan ko ngayon. Parang kailan lang nung sinasabihan ko silang matulog pero parang nagmamakaawa ako sakaniya ngayon na magising na siya. 

Sa limang araw na nakatingin lang ako sa kapatid ko. Hindi umaalis sa pwesto ko ay si Calvin ang nasa tabi ko. Siya rin ang tumulong kina mama para sa mga tao na nakikiramay sa amin. Hindi rin ako nagsasalita magsimula ang araw na iyon. Napapasinghap nalang lagi sakin si Calvin kapag umuupo siya sa tabi ko. 

Hanggang dumating ang araw na kailangan na naming ilibing si Karlo. Ngayon, ang huling araw na makikita namin siya ng pisikal kaya naman walang sawang bumuhos ang mga luha ko. Nasa tabi ko si Calvin pati narin sina Misha, Jeff at Lorencio. 

Tahimik kaming bumalik sa bahay. Naupo lang kami sa sala. Habang naglilinis naman sina mama sa bahay. Kahit na hindi sila okay ay nagagawa parin nilang ngumiti sa harapan ng maraming tao para masigurado lang ang iba na ayos lang. Narinig ko pa na alam naman nila na hindi magtatagal dito si Karlo dahil sa sakit niya pero nagpasalamat parin sila na nakasama nila si Karlo sa loob ng anim na taon. Pero syempre sobrang sakit parin na makita ang anak mo na wala ng buhay, sa halip na ang magulang ang ihahatid ng anak sa huling hantungan ay ang magulang ang naghatid. 

Ramdam ko ang sakit nina mama dahil naririnig ko siyang humahagulgol. Sinasabi niya lang na tanggap nila pero ang totoo hindi nila tanggap pero wala naman ibang magagawa kung hindi tanggapin dahil iyon lang ang tanging paraan para kahit papaano ay maibsan. Dahil kung hindi mo tinaganggap na wala na siya, hinding-hindi ka makakalakad sa susunod na hakbang mo sa buhay. 

Tahimik kaming nakaupong lima sa sala. Walang sino man ang bumasag ng katahimikan na para bang isang malaking kasalanan ang pagsasalita. Napapasinghap si Misha na hindi na alam ang gagawin dahil alam kong gusto niya akong kausapin. Hinahawakan lang ni Jeff ang kamay niya para pakalmahin at pigilan sa sasabihin niya. Tahimik lang si Lorencio sa tabi ko, habang hindi ko matingnan si Calvin. Ayoko siyang tingnan. Sa loob nang ilang araw na siya ang nasa tabi ko hindi ko pa siya tiningnan. Hindi ko kaya. 

"Pupunta kayo sa acquitance party ng mga sophomore?" Pagbabasag ko sa katahimikan. Alam kong nagulat sila sa biglang pagsasalita ko, parang ngayon na lang narinig ang boses ko pwera sa mga hagulgol at hikbi na pinakawalan ko sa nakalipas na araw. 

Walang sumagot sa tanong ko. Alam kong hindi naman ata ngayon ang tamang oras para magparty dahil kakalibing lang ni Karlo. Pero gusto kong kalimutan muna sandali ang lahat. Gusto kong takasan ang reyalidad dahil para na akong mababaliw kakaisip sakaniya. Para na akong mababaliw na paulit-ulit nagpe-play sa utak ko ang nangyari sa araw na iyon. Nakakabaliw. 

"Punta tayo" anyaya ko sakanila. Napaawang ang labi ni Misha sa sinabi ko. 

"Kriseta" tawag ni Lorencio sa tabi ko na para bang gusto niya akong matauhan sa sinabi ko. 

"Gusto ko lang makalimot" sagot ko "Besides, two weeks pa naman iyon mula ngayon" dagdag ko pa. Parang ngayon ko lang din narinig ang sarili ko na magsalita nang mahabang salita. Sa mga nakalipas na araw ay puro isang salita lang ang binibigkas ko. 

"If that's what you want, then" wika ni Calvin sa tapat ko. Napasinghap si Jeff sa sagot ni Calvin. 

"Seryoso ba ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Misha. Tumango lang ako tiyaka tumayo para pumasok sa kwarto ko. 

Sa loob ng dalawang linggo ay busy lang ako sa school. Iniiwasan ko rin na makasabay sina Calvin kaya nagcocommute na lang ako. Sinabihan ko naman siya tungkol doon at pumayag siya sa gusto ko. Parang binibigay niya ang lahat ng gusto ko sa akin. Hindi ko siya nakitaan ng awa sa boses niya kapag kinakausap niya ako, hindi ko alam kung nag-ilusyon lang ako dahil punong-puno ng pagmamahal ang boses niya, alam ko dahil ramdam ko. 

Kapag weekend ay nasa kwarto lang ako ni ate Anj. Nag-aalala narin sa akin si ate pero mas gusto ko ng magbasa ng libro para may matutunan ako keysa sa umalis sa bahay. Naririnig ko rin na nasa sala si Calvin t'wing weekend pero hinahayaan niya akong mapag-isa. Kapag naman nasa sala o kusina ako ay nasa labas siya sa loob ng sasakyan niya. 

Nagtetext parin sa akin araw-araw si Calvin at lagi niyang tinatanong ang 

Calvin: 

Are we good right? 

Dumating na ang party, sinabihan ako ni Misha na sabay na kaming pupunta. Anya ay ang driver na nila ang maghahatid sa amin. Yung dress na sinuot ko nung pinakilala ako ni Calvin sa pamilya niya ang suot-suot ko dahil wala na akong ibang maayos na gamit. Simple lang din ang ayos ko, powder at lip stick lang ang nilagay ko. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos dahil wala naman magandang mangyayari sa gabi. 

Habang papunta kami sa venue ay nagkukuwento lang sa akin si Misha. Tumatango lang ako minsan sa kuwento niya, alam ko na pinapagaan niya lang ang nararamdaman ko. 

Hanggang sa nakarating na kami sa venue tiyaka naupo sa mesa na naka reserve sa amin. Kasama namin sina Calvin, siya nga ang katabi ko pero hindi ko parin siya matingnan. He's wearing a tuxedo. Tahimik kaming apat sa table, walang sino man ang nagsalita. Bigla akong nakonsensiya para kina Jeff at Misha, dapat ay nag-enjoy sila ngayon. 

Biglang tumugtog ang love song para sa slow dance. May iilan na umalis sa dance floor dahil walang kasayaw, meron naman nanatili. Niyaya ni Jeff si Misha kaya napasinghap si Misha tiyaka nagpaalam sa akin. Tipid akong ngumiti sakaniya tiyaka tumango. 

Dalawang minuto. Tumayo si Calvin sa tabi ko tiyaka iginawad niya sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko iyon nang hindi tumitingin. Nang makarating kami sa dance floor. Nakayuko lang ako, hindi ko siya kayang tingnan. 

"Hi" naiilang na bati ko sakaniya. Masyadong tahimik, nairirnig ko ang mga kasabay namin na sumasayaw na nag-uusap sila. 

"Hello" sagot niya na para bang ngayon lang kami nagkakilala. Biglang may punyal na sakit ang naramdaman ko sa puso ko.

Parang dati lang kumportable kami sa isa't-isa pero ngayon nag-iba. 

"How are you?" Agad na tanong niya .

"I'm good" naramdaman ko ang pagtango niya sa sinabi ko "How 'bout you?" Tanong ko. He shrugged his shoulder. 

"Calvin" tawag ko sakaniya. Biglang umayos siya sa pagkakatayo. Suminghap ako hanggang tumingin sa mata niya. Agad namuo ang mga luha sa mata ko nang makita ko siya. 

I miss him but it's hunting me. 

"Le-let's break up" umigting ang panga niya sa sinabi ko. Hindi ko nakitaan ng reaksiyon ang mukha niya. 

"Why?" Tanong niya sa akin na para bang gusto niyang bawiin ko ang sinabi ko. 

"I can't look at you because it's hunting me. It hurts me so bad when I look at you, it reminds me of that day" marahan siyang tumango sa eksplenasyon ko. 

"Repeat what you said earlier" wika niya na para bang magbabago ang desisyon ko. 

"Le-let's break up" nanginginig na wika ko kasabay ng pagtulo ng luha. 

"Is that what you want?" Tumango ako tiyaka pumikit ng mariin kasabay ng pagtulo ng luha ko. 

"Yes" 

"Say it again" ulit niya, alam ko na umaasa siya na babawiin ko ang sasabihin ko. 

"Le-let's break up" nanginginig na wika ko pa sakaniya. 

"You don't want to see me anymore?" May halong sakit ang boses niya habang tinatanong niya iyon. Marahan akong tumango. Tumingin siya sa taas para pigilan ang luha niya pero nabigo siya dahil tumulo ito. 

We're crying while we're dancing. We're crazy. 

"Say it again without your voice trembling" umaasang wika niya. Naramdaman ko ang sakit sa boses niya. Humugot ako ng malalim na hininga para sabihin sakaniya ulit nang hindi na nanginginig ang boses ko. 

"Let's break up" hindi ko alam kung dapat ba akong huminga ng maluwag dahil nasabi ko ng hindi man lang nanginginig ang boses ko pero hindi ako makahinga dahil sa sikip ng dibdib ko. 

He nodded and walk away from me. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 70.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
8.4K 640 15
[COMPLETED] Ike Sonja Claveria is Galeley's "Ex", and a few weeks before summer ends, Gal is tasked to do this challenge: Be Ike's girl for a whole d...
101K 1.7K 33
Suarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when de...
40.2K 1.2K 34
Matsona Series #2 Celeste Sierra Matsona, she believed in true love, she believed that if you like or love that person you must take your move for hi...