Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

24.6K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 23

712 17 0
By dEmprexx

Chapter 23 

Mabilis

Hindi nabanggit ni Calvin sa akin ang problema o kung ano man iyong biglaang emergency na tinawag sakaniya ng kapatid niya. Naghihintay ako ng message sakaniya bago ako matulog. 

Bigla akong nagising mula sa pagkakatulog ng maramdaman kong mag vibrate ang cellphone o kaya kaagad ko itong kinuha. 

“Excited na mabasa ang text?” Asar ni ate Anj bago bumaling na paharap sa akin. Napasinghap ako sa pang-aasar niya pero binaliwala ko lang iyon tiyaka binaling ang atensiyon ko sa cellphone ko. 

Calvin:

Did you ate dinner? 

Me:

Yup! Ikaw?

Calvin:

Yup. Can I call?

Tumayo ako para sana lumabas ng kwarto. Gusto ko kasing uminom ng tubig. 

“Inom lang ako ng tubig ate” Paalam ko kay ate. Napangisi naman siya sa sinabi ko. 

“Sus. Style mo bulok! Ayos lang naman kung tatawagan ka ni Calvin” natatawang asar sa akin ni ate “I don’t mind I just listen” natatawang dagdag pa niya. Napailing nalang ako sa sinabi ni ate. 

Pagkalabas ko ng kuwarto ay tiningnan ko muna ang dalawa kung natutulog na ba. Pero kumunot agad ang noo ko nang makita ko silang busy pa sa cellphone nila. 

“Anong oras na, bakit hindi pa kayo natutulog?” Nakuha ko ang atensiyon nila saglit pero bumalik sila sa paglalaro. Napailing nalang ako sa reaksiyon nila, sayang at hindi nila naranasan ang mga laro sa labas ng bahay. Ngayon paramihan sila ng stars sa mobile games na nilalaro nila samantalang kami noon paramihan ng sugat sa tuhod. Hays, bakit ba ako ganito? Sign na ba ito na tumatanda na ako? 

“Tapusin lang namin itong game ate, rank ito” sagot sa akin ni Anjo. Napangiwi ako sa sinabi niya. 

“Basta pagkatapos niyan matulog na kaagad kayo ah? Babalikan ko kayo mamaya kapag hindi pa kayo natutulog kukunin ko na ang mga cellphone niyo” narinig ko ang pang-angal sakanilang dalawa pero sinara ko narin ang pintuan. 

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig tiyaka ko nilagay sa lamesa ang baso ko na may tubig tiyaka umupo. Nagreply ako kay Calvin na pwede na siyang tumawag. Wala pang isang minuto nang natanggap ko ang tawag niya kaya agad ko itong sinagot.

“Hey” baritonong boses na wika niya. Siguro ay nasa kama na siya at naghahanda na para matulog. 

“Hmm” sagot ko sakaniya dahil saktong pag-inom ko ng tubig kaya hindi ko na siya nabati ng maayos. 

“About earlier, I’m sorry if I cancelled our date” seryosong wika niya. Napangiti ako dahil don, hindi ako galit o nagtatampo sakaniya dahil hindi natuloy ang date namin. Naintindihan ko naman na kailangan siya sa kumpanya nila, hindi naman siya tatawagan ng kuya niya kung hindi siya kailangan at hindi importante ang presensiya niya. 

“Sabi ko naman sa iyo na wala iyon. Naintindihan ko na may emergency sa kumpanya niyo.” paninigurado ko sakaniya mukhang hindi kasi naniniwala sa akin, mukha ba talaga akong excited kaninang sinabi niya na pupunta kami sa Intramuros?

“Schedule nalang natin kapag wala kang ginagawa” wika niya. Kaya siguro minahal ko ang lalaking ito dahil napaka thoughtful niya. He’s always making sure that I’m happy and I don’t need to worry about anything. 

“Hmm. Sabihin mo lang kailan ang free schedule mo. Baka kasi matime-ing-an na sa paghatid ko kay Karlo yung free time mo” sagot ko. 

“Okay, hatid natin si Karlo pero daan muna tayo sa Intramuros” lalo akong napangiti sa sinabi niya. Sabagay para makapasyal din naman kahit papaano si Karlo dito sa Manila. 

Sasagot na sana ako nang marinig ko ang mga yapak na papasok sa kusina, kaagad ko naman nakita ang dalawa na mukhang may kukunin sa ref.

“Akala ko ba matutulog na ate bakit meron ka pang kausap sa cellphone?” Tanong ni Karlo sa akin. Napanguso tuloy ako sa sinabi niya.

"Who's that? Karlo?" Tanong ni Calvin mula sa kabilang linya. 

"Yep, hindi pa sila natutulog dahil sa mobile games" sagot ko sakaniya. Kumuha sina Karlo ng baso tiyaka yung Chuckie sa ref. 

"Magagalit nanaman sa inyo si ate Anj kapag naubos niyo iyan" si ate Anj kasi ang nag stock ng chuckie sa ref dahil paborito niya. 

"Pabayaan mo si ate, wala lang boyfriend" sagot ni Anjo, narinig ko ang pagtawa ni Calvin sa kabilang linya. Napailing nalang ako sa sinabi ni Anjo. 

"Basta pagkatapos niyo riyan, matulog na kayo" wika ko sakanila. Mukhang wala pa silang balak matulog. 

"Matutulog lang kami ate kapag matutulog ka narin" sagot pa ni Anjo sa akin. Napailing nalang ako sa sinabi niya. 

"Ikaw Anjo, mas matanda ka kay Karlo kaya dapat hindi mo siya tinuturuan sa ganiyan" payo ko sakaniya. Natatawa naman si Calvin sa amin, hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sagutan namin nina Anjo. 

"Sige na. I'm gonna drop this call. Mukhang galit na si Anjo" natatawang sabi pa niya "Matulog ka narin, huwag ka masyadong magpuyat" dagdag pa niya. 

"Sige. Good night" pamamaalam ko sakaniya. 

"I love you so much, always" paboritong linyang lagi niyang sinasabi kaya lumawak ang ngiti ko. Tiningnan naman ako ni Anjo na para bang nandidiri. Batang ito talaga!

“I love you too” sagot ko, nag good night pa siya bago ko binaba ang tawag. Napatingin ako kay Anjo na para bang masusuka na anytime kaya inirapan ko siya. 

“Ayan, happy? Wala na akong kausap” sabi ko sakanila. Pinapaalala ko lang na matutulog na sila pagkatapos nilang uminom. 

“Nagalit ata sa atin si ate, Kuya Anjo” wika ni Karlo. Sampung taon din kasi ang agwat nila sa isa’t-isa. Pilit akong ngumiti kay Karlo. 

“Hintayin ko na kayong matapos uminom pagkatapos ay matulog na kayo” paalala ko sakanila. 

“Hoy! Ano iyan? Sabi na nga ba at t’wing gabi niyo iniinom ang chuckie ko e” parang batang wika ni ate Anj. Napailing ako sa entrada niya. 

“Ang sungit talaga kapag walang boyfriend” bulong ni Anjo habang umiinom ng chuckie pero hindi nakatakas iyon sa pandinig ni ate Anj. 

“Ano? Anong sinasabi mo? Bakit? Ikaw may girlfriend ka na ba huh?” Masungit na wika ni ate Anj tiyaka kinuha ang chuckie pagkatapos ay nagsalin siya ng kaniya sa baso. “Gusto mo?” alok sa akin ni ate Anj pero umiling lang ako. 

Nagbangayan sina ate Anj at Anjo hanggang sa napagdesisyunan na naming matulog pero siguradista si ate Anj kaya kinuha niya ang cellphone nilang dalawa. Kung ako, hindi ko naman makukuha ang cellphone nila tinatakot ko lang naman sila. Pero si ate Anj, seryoso talaga siya tapos medyo napikon pa kay Anjo. 

Mabilis ang paglipas ng mga araw. Malapit na ang pasukan kaya kailangan nanamin ihatid si Karlo. Ako na ang nagpresinta na maghatid sa kaniya pauwi dahil si tita Anya na ang sumundo sakaniya. Nasabi ko na rin na hahatid kami ni Calvin. 

“Ngayon talaga ang uwi niyo?” Tanong ni ate Anj sa amin. Tumango ako, kumakain muna kami ng breakfast. 

Kagabi kasi ang sigla ni Karlo, siguro excited pumasyal at umuwi. Tinawagan niya pa sina mama para ibalita iyon. 

“Pwede naman sa linggo na umuwi” dagdag pa ni ate Anj, nagtaka ako bigla sa sinabi ni ate Anj. 

“May aasikasuhin pa sila sa foundation patin narin sa school ate, baka hindi kayanin kung sa linggo pa siya uuwi. Tiyaka para makapagpahinga siya bago ang pasukan” sagot ko kay ate. Tumango siyang matamlay sa akin “Bakit ate? May problema ba?” Tanong ko. Nagkibit-balikat muna siya bago ako sinagot. 

“Wala naman. Hindi ko lang maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pero kasama niyo naman si Calvin diba?” Tumango ako bilang sagot sakaniya “Hmm. Magiging ayos naman siguro” ang weird talaga ngayon ni ate Anj. 

Habang kumakain kami ay tinatanong ko siya pero sinasabi niya sa akin na pati siya ay hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman niya. Ang weird daw kasi ng pakiramdam niya, pati nga ako ay nawiwirduhan na sakaniya. 

Lumipas ang kalahating oras ay narinig na namin ang sasakyan ni Calvin sa tapat kaya nagpaalam na kami ni Karlo sakanila. Una muna naming pupuntahan ay sa Intramuros pagkatapos ay ihahatid na namin si Karlo pauwi. 

Sumakay na ako sa harapan habang sumakay naman sa likod si Karlo tiyaka inayos sa tabi niya ang gamit niya. 

“Good morning” nakangiting bati sa akin ni Calvin, ngumiti rin ako sakaniya tiyaka bumati. Tumingin siya sa likod para tingnan si Karlo “Good morning, Karlo” bati niya rito. Ngumiti si Karlo tiyaka bumati. 

“Good morning din kuya, nakapunta ka na ba sa Intramuros? Nakita ko sa facebook na maganda daw iyon lalo na parang bumalik ka sa sinaunang panahon” excited na kuwento ni Karlo. Calvin chuckled tiyaka pinaandar na ang sasakyan. 

“Maganda nga doon dahil parang nakabalik ka na sa sinaunang panahon” wika ni Calvin “I’ve been there last two years, with my cousins” dagdag pa niya bilang sagot kay Karlo. 

“Huwag kang masyadong lumayo, lagi ka lang nakasunod sa amin at huwag mong bibitawan ang kamay ko ah? Maraming tao dun at malaki iyon baka maligaw ka” paalala ko sakaniya. May pagkamalikot pa naman si Karlo dahil bata pa lang. Siguro ganon talaga kapag bata, kapag unang punta mo o subok ay sabik na sabik ka. 

“You, listen to your ate” natatawang dagdag ni Calvin. Napailing nalang ako. 

May pinag-usapan sila tungkol sa mobile games na nilalaro nila. Minsan ay kaming dalawa ni Calvin ang magkausap pero madalas silang dalawa ni Karlo. Ang daldal nga ngayon ni Karlo parang hindi na mauubusan ng sasabihin.

Kaagad din kaming nakarating sa Intramuros. Iniwasan ni Calvin ng traffic, sa ibang daan kami dumaan para hindi maipit sa traffic ng Manila. Minsan kahit malayo ang daan mas okay na daanan iyon keysa sa malapit pero sa traffic ikaw ay maiipit. 

"Wow! Ang ganda naman pala dito" bulaslas kaagad ni Karlo. Kaagad naman siyang nagpapicture para may remembrance raw siya dito. 

Kaagad kaming kinuhanan ni Calvin ng picture. Nagdala kasi siya ng camera niya. Tinitingnan ko si Calvin and he seems enjoying just like Karlo. Parang bonding nga nilang dalawa ito. 

"Do you want to ride a kalesa?" Tanong niya kay Karlo. Kaagad kumislap ang mata ni Karlo sa tanong ni Calvin tiyaka walang pag-aalinlangan na tumago. 

Sumakay kami sa kalesa para makalibot sa Intramuros. Pumunta rin kami sa Fort Bonifacio at iilan pang makasaysayang lugar dito. Ang dami narin naming nakuhang pictures, minsan solo, madalas kami ni Calvin o kaya ni Karlo o kaya naman silang dalawa ni Calvin. 

Ang saya ng araw na ito habang tinitingnan ko ang ngiti sa labi nina Calvin tiyaka ni Karlo na masayang nagtatakbuhan. Minsan ay gumagawa pa sila ng eksena na napapanood nila sa pelikula. 

"Come! Join us!" Yaya sa akin ni Calvin nang mapansin na nakatingin lang ako sakanila habang nakangiti. Kaagad akong tumakbo papunta sakanila tiyaka sinabayan ang trip nila. 

Nang mapagod na ay pumunta kami sa isang fast food chain na nandito sa Intramuros. Nag-order na si Calvin habang hinihintay namin siya ni Karlo. Hiniram ni Karlo ang DSLR ni Calvin para tingnan ang mga letrato namin kanina. 

Hindi rin nagtagal ay umupo na kasama namin si Calvin tiyaka nilapag ang tray na may lamang pagkain. Masaya namang kinuha ito ni Karlo. Hindi ko alam kung bakit sobrang daming energy naman ata ni Karlo ngayon. 

"Dahan-dahan lang" suway ko kay Karlo. Hindi ako sanay na masyadong marami siyang energy. Kahapon at ngayong araw siya maraming energy, akala ko nga kahapon hindi siya makakapag-enjoy ngayon kasi sobrang dami niyang enerhiyana binuhos kahapon. 

"Let him be" natatawang wika ni Calvin. Inirapan ko siya dahil in-spoil niya si Karlo. Nung nagbakasyon dito si Karlo, in-spoil niya lagi ito. Siguro dahil bunso siya kaya ayos lang sakaniya pero kung may kapatid pa siya na bunso sakaniya ewan ko lang kung gusto niya pang magkaroon ng bunso. Pero syempre, mahal ko si Karlo kahit ganon. 

Nagkuwentuhan kami ni Calvin. Minsan ay nasisingit pa sa usapan si Karlo. Kanina pa nga siya dumadaldal sa kotse pagkatapos ngayon may kuwento pa siya. Mukhang sa loob ng anim na taon niya rito sa mundo ay naikuwento na niya. 

Pagkatapos namin kumain ay namasyal ulit kami. Naglakad-lakad lang kami tiyaka ko tiningnan ang buong paligid. Ang ganda pala ng Pilipinas noong unang panahon pero ngayon punong-puno na ng polusyon. 

Sana, sana napangalagaan man lang ang Pilipinas at sana hindi sisirain pa ng mga tao ngayon ang bansa. Ang sarap sigurong mamuhay sa sinaunang panahon kung saan ang sariwa pa at presko pa ang nalalanghap mong hangin pero ngayon puro polusyon na. 

Siguro ang hindi lang maganda noong unang panahon ay ang pagsakop ng iba't-ibang lahi sa Pilipinas. Sabagay, sino ba namang hindi magkaka-interes sa bansang punong-puno ng kayamanan at sagana sa kagandahan? 

Napatingin ako kina Karlo at Calvin na busy sa pagkuha ng picture na may ngiti sa labi nila. Iniba ko ang tingin ko hanggang sa may nakita akong babae na naglalakad sa gitna ng Intramuros. Umiiyak. 

Nilapitan ko nang bahagya ang babae. Wala parin tigil sa pagtulo ang mga luha niya habang tinitingnan ang Intramuros. Natutulala rin siya sa isang lugar kasabay ng pagtulo ng mga luna niya na mukhang hindi niya mapigilan. Mukha siyang nawawala sa old city. 

"Ah. Miss? Ayos ka lang? May kailangan ka ba?" Tanong ko sakaniya. Tiningnan niya ako habang namumuo pa ang luha sa mga mata niya, mukhang kanina pa siya umiiyak dahil namamaga na ang mata niya. 

Natauhan siya nang makita ako tiyaka mabilis na pinunasan ang luha niya. Pero bakas parin sa mata niya ang pag-iyak tiyaka ang natuyong luha sa pisngi niya. 

"Ah. Ayos lang ako. May naalala lang" tiyaka ito ngumiti sa akin ng pilit. 

"Alam ko na wala ako sa tamang puwesto para sabihin sa iyo ito" panimula ko "Hindi ko masasabi na ayos lang iyan dahil mukhang hindi ka naman ayos. Pero kung ano man ang napagdadaanan mo ngayon, magsisilbing turo sa iyo sa susunod na mga taon. Magpakatatag ka lang. Nandiyan lagi ang Panginoon para gabayan ka sa araw-araw" nakangiting wika ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin, ngayon hindi na peke ang iginawad niya sa akin. 

"Salamat" wika niya sa akin pagkatapos ay inalok ang kamay niya "Glacia Rae" tinanggap ko ang kamay niya tiyaka nagpakilala. 

"Krizette Claire" ngumiti ako sakaniya. 

Nagpaalam siya sa akin na may titingnan pa raw siya kaya bumalik na ako sa dalawa. Pagkabalik ko naman ay mukhang pagod na si Karlo. 

"Tara na? Baka maipit pa tayo sa traffic at gabihin pa tayo" anyaya ko. Mukhang nag enjoy naman silang dalawa. 

"Tara na ate" wika ni Karlo sa tabi ni Calvin. Ngumiti ako kay Calvin ganon din ang ginawa niya sa akin. 

Nang makarating kami sa kotse niya agad na pumwesto sa likod si Karlo. Mukhang napagod nga. 

"Salamat sa araw na ito" nakangiting pagpapasalamat ko kay Calvin. Pinaandar na niya ang sasakyan bago sumagot sa akin. 

"No worries. Seeing you both happy makes me happy too" Napangiti ako, itong lalaki na ito ang gusto ko ng makasama sa habang buhay. 

"Ate, tawagan natin sina mama" wika ni Karlo. Kinuha ko ang cellphone ko tiyaka tinawagan sina mama gaya ng gusto ni Karlo. Wala kasi siyang load kaya nakikiusap siya sa akin. 

Si Karlo ulit ang maingay sa biyahe dahil kausap sina mama. Hanggang sa napagod siya. 

"Are you hungry? Drive thru?" Tanong ni Calvin. Umiling ako dahil busog pa naman ako sa kinain namin kanina. "You sure?" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti pagkatapos niyang tanungin iyon. 

"Oo no. Tiyaka ang dami na kaya nating kinain kanina" nakangusong wika ko. 

Seryoso siyang nagdadrive hanggang sa kumunot ang noo niya. Pabaling-baling na siya sa side mirror. 

"May problema ba?" Hindi ko na mapigilan ang tanong ko. Lumilingon narin ako sa likod. Napataas ang kilay ko nang makita na parang may sumusunod sa amin na kotse. 

Hindi niya ako sinagot pagkatapos ay pinindot niya lang ang screen sa kotse niya para may matawagan. Kaagad nagregister ang hindi pamilyar na pangalan. Blace. 

"We need a back up" bungad sakaniya ni Calvin. 

"Exact location" narinig ko ang bulong na mura ni Calvin habang tumitingin sa side mirror. 

"Near Nlex toll. SM Pampanga. Papasok palang kami sa Pampanga" sagot ni Calvin. 

"Copy" sagot ng nasa kabilang linya. Kaagad tumawag si Calvin kay Charles. 

"Where the fuck are you?! Blace alarm his men and our men!" Parang kidlat ang boses ni Charles. 

"Nlex" tipid na sagot ni Calvin na mukhang frustrated na sa mga nangyayari ngayon. 

"Do something!! You have a back up!" Galit na utos sakaniya ni Charles "Papunta na kami riyan. Keep yourself safe. Get your gun!" Nagulat ako sa huling salita na sinabi ni Charles. 

Sumulyap sa akin si Calvin at biglang nanlambot ang reaksiyon niya nang makita ko ang gulat na reaksiyon ko. Kinakabahan ako! 

"Ate, kuya anong nangyayari?" Tanong ni Karlo sa likod namin. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari! 

"Fuck! Don't tell me you're with Krizette?!" Bulalas ni Charles sa kabilang linya. 

"That's why I can't do something!! One wrong move and their lives at risk!" Frustrated na sigaw ni Calvin habang seryoso paring nakatingin sa daan. 

"Fuck! I warned you! Stay at home as much as possible!" Narinig ko na sa kabilang linya na nasa kalsada narin si Charles "You're repeating this shit" dagdag pa niya. 

"Tell Blace to make it faster!" Wika pa ni Calvin habang nakatingin sa likuran namin na nakasunod ang kotse. 

"Just fucking get your gun for defense!" Kinuha ni Calvin ang baril sa compartment. Gulat akong nakatingin sakaniya. "Don't drop this line" wika pa ni Charles. 

"What's happening?" Nagtatakang tanong ko. Naguguluhan ako kung ano ang nangyayari ngayon. 

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Tinatanong narin ako ni Karlo sa likuran namin pero wala akong maisagot dahil wala naman maisagot si Calvin sa akin. Bakit may sumusunod sa amin? Bakit may baril si Calvin? 

Mabilis ang pangyayari hanggang sa napasigaw ako dahil sa putok ng baril mula sa kotse na nakasunod sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

13.2K 544 28
Season Series #4 Olivia Shane Salves, an accounting student is a fun to be with girl and a palaban filipina. His brother is living and studying abroa...
101K 1.7K 33
Suarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when de...
36.5K 842 27
Serano #1 (Completed) The sadness of Bullet It's really for me; I bet Is this what I get? I wish we didn't met Bullet of Pain How can I restart...
293 51 22
A KISS TO REALITY [COMPLETED] "Ako ang nauna, siya ang wakas." - Moira, Paubaya. ••• Start: Oct. 30, 2020 End: Nov. 3, 2020 ••• ALL RIGHTS RESERVED ©...