Diary ng tigang-sa pagmamahal

By Amihan2526

1.8K 76 11

Mature content ito pero puro kalokohan. Ako si Candida. Ang babaeng hindi kasexyhan pero umaapaw sa kagandah... More

Disclaimer
Unang sulat
Tigang 1
Tigang 2
Tigang 3
Tigang 4
Tigang 5
Tigang 6
Tigang 7
Tigang 8
Tigang 9
Tigang 10
Tigang 11
Tigang 13
Tigang 14
Tigang 15
Tigang 16
Tigang 17
Tigang 18
Tigang 19
Ang pansamantalang huling sulat

Tigang 12

50 3 0
By Amihan2526

Dear Diary,

Alam mo ba paggising ko kanina nadatnan ko si Tyang Pipita na naghahanda ng almusal. Halata na nadiligan ang dating tigang. Kanta sya nang kanta at nakangiti pa. Obvious na nakakota kinabalu na naman ang thundercats kagabi.

Pipitin, pitin, pipitin! Pipitin, pitin, pipitin!

Yan ang kanta ni Tyang habang nagsasangag ng kanin kanina. Alam mo bang simula ng nadiligan yan ni Mang Kanor palagi na lang nya kinakanta nyang sountrack ng Virgin People na movie na yan.

Pag ako nadiligan siguro mapapakanta din ako nyan. Tapos binati ko si Tyang, aba ang tigang ang bait at ang ganda ng ngiti sa akin. Sabi pa nya sa akin. Magday off daw ako sa work at maghanap ako ng ka-date dahil nakabitin na raw ang edad ko sa kalendaryo.

Jusko po, agang-aga edad ko na naman ang napuna ni Tyang. Palibhasa naka score na naman kagabi ang dating tigang.

"Tyang sino naman pong ide-date ko e wala nga pong magkamali?"

"E di ba si Adonis ang crush mo at ex mo pa. Bakit hindi mo sya ayain?"

"Aba himala ngayon itinitulak na nya ako kay Adonis." Sa isip-isip ko.

"May nobya na po yung tao. Di ba po pinalayo nyo sya sa akin noon. Tapos ngayon itutulak nyo ako sa taong taken na."

"Pinahiwalay ka ba namin doon?" Tanong ni Tyang na parang walang ginawang kasalanan sa amin ni Adonis.

"Opo nakalimutan nyo na po ba? Noong high school po ako. Di ba pinuntahan nyo kami sa school ni Adonis. Pilit nyo kaming pinaghiwalay sa harap ng mga classmate ko at teacher."

"Paano naman kasi ang landi-landi mo e kay bata-bata mo pa. Aba'y akalain ko ba namang titigangin mo pala ang sarili mo simula noong naubusan ka ng kalandian sa katawan." Banat ni Tyang sa akin, parang ako pa ang sinisisi ngayon.

"Sobra din! Samantalang kayo ang dahilan kaya ngayon wala ng magkamali sa akin." Apila ko.

"Di bale, papaligawan ka namin kay Igme. Patay na patay yun sayo di ba?" Pangisi-ngisi at proud pa na sabihin ni Tyang sa mukha ko.

"Yuck, Tyang! What do you think of me thinking of you!" Inis kong sabi, nadiri talaga ako sa sinabi ni Tyang, nagtaasan agad ang balahibo ko, Diary.

"Gaga, anong pinagsasasabi mo dyan, naturingan ngang nag-aral ka sa Estados Unidos ang bobo mong mag-english!"

"Nanlait pa ang dating tigang!" Pabulong kong sabi.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Tyang, parang nagsalubong ang kilay nya bigla.

"Wala po, sabi ko ang blooming nyo po lagi. Iba talaga pag palaging nadidiligan." Agad kong pang-uuto para di na sya magalit.

"Ay sinabi mo pa, ang sherep sherep keye!" Parang sira lang na sagot ni Tyang sa akin. Kadiri!

"Puta ang arte ng matandang dating tigang na ito talaga!" Gigil kong bulong sa isip ko. "Hay naku Tyang, makapasok na nga lang sa work." Paalam ko na lang, kesa inggitin ako ni Tyang.

"Hoy, hoy hoy! Sabi ko wag kang pumasok di ba? Tatawagan ko si Igme mag-date kayo." Pigil at giit pa rin ni Tyang sa akin.

"Tyang kilabutan ka nga sa sinasabi mo? Senior citizen na yun tapos ang swanget pa, ewww!! Wala na bang iba!"

"Arte, arte mo tigang ka na naman." Nanlalaki ang mga mata na tila naiinis na sa akin na sabi ni Tyang.

"Di bale ng matigang Tyang wag lang kay Mang Igme mapunta na Chuckie Dreyfus ang fezticles!"

"O sige, ihahanap ka namin ng mas bata-bata. Tsaka yung kaibigan mong si Sweetania nga pala. Tumawag kanina, pumunta ka raw sa kanila at magdala ng pang-gym na damit."

"Bakit daw po!"

"Aba malay ko, baka magsuswimming kayo, gaga! Syempre malamang maggigym kayo. Tama yun at ng pumayat ka naman. Kaya nauumay agad sayo ang mga lalaki dahil majubis ka. Tingnan mo nga yang Chanda Romero mo daig mo pa ang anim na buwan ng nagdadalang tao!"

"Tyang dati ka bang bekla bakit sari-sari ang lumalabas sa bibig mo. O dahil pinakain ka ni Tyong Kanor ng itlog na maalat kagabi ha?" Tatawa-tawa kong tukso kay Tyang.

"Tse! Hindi lang itlog na maalat ang pinapakain nun sa akin ano ka ba! Lahat pinapakain nun sa akin kaya nga ako ang magpapakain sa kanya ngayon."

"Ha! Tyang wag naman dito sa harap ko baka masuka po ako!"

"Gaga ka talaga, ang sabi ko papakainin ko ng niluto ko si Kanor ngayon dahil palagi sya ang nagluluto ng pinapakain sa atin araw-araw. Ikaw tigang ka na nga at majubis ang dumi pa nyang jutak mo! Umayos ayos ka ha."

"Aray Tyang, sobra ka namang makalait kanina pa. Palibhasa hindi ka majubis! Nakakasakit ka na ng damdamin talaga kanina pa."

"Ewan ko sayo. Basta magpapayat ka na at ng madiligan ka na. Halata dyan sa pagmumukha mo na kulang ka na sa dilig. Ang dry mo!" Pintas pa nito sa akin.

"Napaka mo talaga Tyang! Palibhasa may Mang Kanor ka na kaya ginaganyan mo na ako. Kahit tigang ako maganda naman ang feslak ko noh! Tse!" Pairap kong sagot kay Tyang, kung di ko lang talaga ito tiyahin, kanina ko pa itong naupakan, Diary. Nakakasakit na ng damdamin e.

"Maganda ka nga wala ka namang jowa, walang nagmamahal sayo. Parang kasabihan lang yan na "Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo."

"So, ano naman pong kinalaman ko sa kabayo?" Inis na inis ko na namang tanong, namumuro na talaga si Tyang kanina pa.

"What I mean is, aanhin mo ang feslak mong maganda kung tuyot na yang pukengkeng mo. Wala ng pakinabang, ganern!"

"Wag kang mag-alala Tyang. Ang babaeng nagsusulat nitong kwento ko mahilig sa happy ending at kasalan with matching junakis pa. Kaya nasisiguro ko na sa ending ng Diary ko ipapakasal nya ako at magkakaroon ako ng supling sa lalaking iibigin ako kahit na ano pa ako."

"Dami mong drama. Mabuti kung maawa sayo ang nagsusulat ng kwento mo, gaga!"

"Bakit naman po hindi. Kayo nga ni Tyong Pipito binigyan nya ng lovelife. Ako pa kaya na mas sariwa kesa sayo Tyang!"

"Aba't may paganyan-ganyan ka pa. Tingnan lang natin sa ending ng Diary mo kung maawa sya sayo. Baka nga patayin ka pa nya sa sarili mong istorya. Papatayin ka nya dahil sa sobrang uhaw, hanggang sa madehydrate ka at matigang ang kaloob-looban mo."

"Grabe sya oh, talagang nagbibigay ka pa ng idea sa tagapagsulat ng sarili kong kwento noh. Gusto mo talaga kayo lang ni Mang Kanor ang maging bida dito. Kaya gusto mong mamatay ang character ko?"

"Bakit naman hindi. E baka nga gawin pa nya na makabuo kami ni Kanor ko ng baby dito sa Diary mo."

"Ewww, asado ka pa. Tuyo na yang matris nyo noh! Sobra ka na talagang liyamado Tyang sa istorya ko na 'to ha kakainis na talaga. Tandaan mo, pag ako nadiligan—

"Anong gagawin mo?!" Tumatawa at nanunuyang dugtong ni Tyang, nakapamewang pa yan ha. Asar talaga.

"Wala po, kakanta din ako ng kinakanta mo lagi ng pipitin pitin, pipitin! Di ba kanta yan ng mga navivirginan?"

"Gaga, kanta yan sa virgin people na pelikula. Yung kay Pepsi Paloma ba yun noong araw."

"Malay ko hindi naman ako taong sinauna na gaya nyo Tyang." Pabalang kong sagot kay Tyang kaya naman nabatukan ako ng hindi oras.

"Nagsalita ang bata. Excuse me Candida ha. Trentay uno ka na kaya wag mong masabi-sabi na hindi ka taong sinauna. Aminin mo man at sa hindi tigang na tigang ka na noh!"

"Grabe sya talaga oh, palibhasa may dumidilig sa inyo ginaganyan nyo na ako Tyang. Nakakasama kayo kalooban."

"Tse! Ang gawin mo magpapayat ka at ng makahanap ka na ng makakapareha mo. Aba tumatanda na kami ni kambal. Sino na lamang ang aalalay sayo kapag nawala na kami. Si Kanor at Dessa hindi mo rin alam, baka mauna pang mautas ang dalawang yun sa amin ni kambal." Mapagdamdaming sagot sa akin ni Tyang.

Naantig naman Diary ang puso ko sa sinabing iyon sa akin ni Tyang. Atleast alam ko na kahit paano ay concern din naman sila sa akin ng kakambal nya kahit na nilalait na nya ako kanina. Pero naisip ko na ganon siguro talaga magpakita ng pagmamahal ang mga sinaunang tao ano. Lalaitin ka muna at yuyurakan bago nila ipadama yung nilalaman ng puso nila.

Sa totoo lang Diary simula ng mamatay ang parents ko. Hindi ko talaga naramdaman na mahal ako ni Tyong at Tyang Pipita ko. Pakiramdam ko ginagawa lang nila akong katulong at tagapag-alaga. Naisip ko nga na siguro kaya ayaw nila ako mag-asawa noon ay dahil gusto nila na ako ang mag-alaga sa kanila kapag uugod-ugod na sila.

Pero dahil sa sinabi ni Tyang kanina bigla akong nahiya sa sarili ko at nakonsensya sa mga mali kong naiisip at palagay sa kambal noon. Concern din naman pala sila at nagmamahal sa akin kahit ganon sila na parang mga Tiger guardian ko. Mas lalo ko tuloy silang minahal, Diary.

Yun nga lang, sana nga ay makahanap na ako ng lalaking magmamahal sa akin. Hay ayokong malungkot Diary baka mamaya maiyak pa ako. Kaya dyan ka na, bukas na ulit.

PS. Hindi kami natuloy ni Sweetania na mag-gym kanina Diary. Bigla kasing Jumulanis Morisette. Ang sabi ni Sweetania sa text Bahamas na daw sa kalsada kaya hindi sya agad makakapunta sa amin. Hintayin muna daw naming tumila ang julanis, kaya lang ang portugal naman tumila. Kaya ayun sabi ko sa kanya bukas na lang kami tumuloy, tutal linggo naman bukas. Pumayag naman sya.

Ba-bye na Diary. Talk to you tomorrow.

Tigang— sa pagmamahal,

Candida Si.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 123 47
sana maka relate po kayo 1st post ko po toh kaya sana po magustuhan nyo ?
23.9M 386K 60
(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin...
189K 4.3K 50
Switched and Stuck With You Copyright © 2012-2013 Chichi_Louise // Isang simpleng high school student lamang si Elise, nag-aaral, nag-eexam, nakikih...
4.7K 246 60
May mga sumusulat dahil malungkot Yung tula na rin mismo yung mga luha nila, higit pa sa papel na lukot May mga sumusulat dahil masaya Yung galak nas...