Unlucky I'm In Love With My T...

By shyhaida

2.4K 124 27

FREINDSHIP. LOVE. SICKNESS. Ang daya-daya ng TADHANA. More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Author's Note
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen

Chapter Eight

78 8 4
By shyhaida

Sorpresa

~•~

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para asarin sya nang biglang pumasok si Jess na nakaalalay kay Dean habang ito ay nakapiring.

"Ssssshhh!" halos sabi ng lahat sabay dampi nung hintuturo nila sa labi nila.

Natahimik ang lahat. Yung mga mata nila, lahat nakasentro kay Dean.

Sabik na sabik sila kung anong magiging reaction ni Dean once tinanggal na yung piring nya. Sana magustuhan nya ito at sana rin ay maappreciate niya itong effort ko. Sana talaga.

Sinenyasan ako ni Jess kung pwede na bang tanggalin ang piring ni Dean. Sasagot na sana ako doon sa senyas ni Jess nang bigla akong siniko at ng katabi kong to na may balak ngang manligaw kay Jess atsaka sya bumulong sa akin.

"Ang cute nya talaga." kilig na kilig nyang bulong.

Nangiti naman ako ng ibulong nya ito at kamuntik ko ng makalimutang sagutin ang senyas ni Jess kaya naman ay agad-agad akong bumaling sa kanya. Tinanguan ko sya na ibig sabihin ay pwede ng tanggalin.

Habang dahan-dahan ng tinatanggal na ni Jess ang piring ay hindi naman mapakali itong puso ko. Lulukso-lukso kasi ng napakabilis.

Dugdugdugdug...

Sana magustuhan nya... sana magustuhan nya... sana magustuhan nya... sana... sana... Panalangin ko.

Nang tuluyan ng matanggal ang piring ni Dean, nang ilibot nya ang paningin niya sa paligid, nang makita niya ang sorpresa ko- sorpresa namin ay... ay kumunot na lang ang noo nya at nawala sa porma ang kilay niya.

Bakit?

May mali? May mali ba sa sorpresa namin?

"Ano 'to?" seryosong-seryoso niyang tanong na halatang hindi niya nagustuhan ang mga nakita nya.

Pagkatapos nyang sabihin to ay napako na lang bigla ang tingin nya sakin. Lalo lang tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

Ni isa dito sa amin ay walang nagkalakas loob na sagutin ang tanong ni Dean. Napipi yata lahat.

Bat siya ganito?

Walang ano-ano'y agad siyang lumakad papunta sa kinaroroonan ko. Kung naririnig nyo lang ang puso ko ngayon, para ng may nagnu-New Year dito eh. Ang ingay.

Naku naman talaga. Huminto sya sa harap ko. At ng tingalain ko sya... ang sama nung tingin niya sakin. Napalunok tuloy ako ng di oras. Yumuko na lang ako dahil di ko kayang makipagtuos sa titig nya, yung baba ko nga eh halos masagi na yung dibdib ko. Hawak-hawak ko pa ng pagkahigpit-higpit yung palda ko.

"Ano to?" whoo! Nakakapanindig balahibong tanong nya.

Bang!

Anong isasagot ko sa taong to? Tsaka teka nga lang, bat ba sya galit? Pasalamat nga sya't nag-effort kaming sorpresahin sya. Yun pala, kami pa yung sinorpresa nya. Medyo nakakainis na talaga tong taong to? Isa't kalahating eng eng ba sya? Kahit sino naman diba eh matutuwa pag sinorpresa at pinag-effort-an ng ganito. May sayad talaga tong taong to eh.

Alam kong naghihintay sya ng sagot at paliwanag kung bakit namin ginawa ang karumal-dumal na surprise birthday 'party' bang matatawag ito? Pero hindi ako umimik at ipinagpatuloy lang ang pagyuko ko.

Tss. Kung di lang kita mahal, kanina pa kita binigyan left and right hook eh.

Yung mga kasama ko namang to, hindi ako maipagtanggol laban sa eng eng na to. Makapag-isip na nga lang ng isasagot.

Habang loading na loading yung utak ko sa pag-iisip ng maisasagot ay..... ay laking gulat ko na lang nang bigla niya akong yakapin. Yung yakap na mahigpit na mahigpit. Anyari dito?

Dahil sa gulat ko, hindi ako kaagad-agad na nakapagsalita at patuloy na nagloload ang utak ko kung bakit kanina lang parang galit sya tas ngayon yayakap-yakapin niya ako. A big big question.

Pero ang lalo kong ikinapagtaka ay nang sabihin nya ito:

"Mahal kita... higit pa sa kaibigan..."

Pakiramdam ko nang sabihin nya ito ay para bang huminto sa pagtibok ang puso ko na para bang nasosoffocate ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko at hindi na ako makahinga, para bang nasamid ako kahit na wala akong kinakain.... pero....

***

Dean's POV

"Magkunwari kang nasorpresa dahil kung hindi, ipapasalvage talaga kita." pananakot sa akin ni Jessa.

Nasa may pintuan na kami ng classroom namin.

Pano nga ba magkunwaring nasorpresa? Yun bang palalakihin yung mga mata na halos lumuwa na yung eyeball? Yun bang pipigilin ang paghinga habang ibinubuka ng pagkalaki-laki ang bibig tapos tatakpan mo nung kamay mo? O yun bang halos mangiyak-ngiyak na magpagpapasalamat at paulit-ulit na sasabihin ang ganito: "thank you, thank you, thank you! Hindi ko talaga inaasahang gagawin nyo ito para sa akin!". Ang bading naman non tignan. Pano kung sila na lang kaya ang isorpresa ko? Parang mas astig yon.

Pumasok na kami ni Jess sa classroom at pagpasok namin ay biglang natahimik silang lahat, kanina lang ang ingay nila.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng tinatanggal ni Jessa ang piring ko. 

Pagkatanggal nung piring ay inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid at saka ako sumimangot at nagkunwaring hindi ko nagustuhan ang mga nakita ko.

"Ano to?" kunwaring badtrip kong tanong.

Bumaling ako kay Ayen at seryosong-seryoso ko muna syang tinignan tsaka ko sya nilapitan. Tinitigan ko sya ng masama hanggang sa abot ng aking konsensya.

Nang gawin ko to ay naging kapansin-pansin agad yung pamumula nya. Itinungo nya na lang ang ulo nya na aakalain mong mahuhulog na.

"Ano 'to?" lalo ko pang ginalingan ang pagkukunwari ko.

Patuloy ko lang syang tinitigan nang masama. Medyo natutuwa ako sa ginagawa kong ito kahit na hindi ito magandang biro. Alam kong malakas na batok ang parusa ko ngayon. Pero nakakatuwa kasing pagmasdan si Ayen ng ganito. Nakakatuwa syang biruin. Lahat na lang yata ng bagay sineseryoso nya.

Pero.... hindi ko inaasahan, bigla-bigla ay wala sa sarili ko syang niyakap. Hindi ko alam kung bat ko nagawa yon bastat biglaan na lang. May sumapi yatang kung ano sa akin. 

Naramdaman ko tuloy yung kaba ni Ayen ng gawin ko ito. Bigla na lang syang nanigas at wala akong narinig na miski maliit na boses galing sa kanya.

"Mahal kita... higit pa sa kaibigan..."

Laking pagkagulat ko na lang nang marinig ko tong mga salitang ito na lumabas galing sa bibig ko. Kinabahan ako ng di oras. Bat ko nasabi to? Mali. Maling sabihin ko ito sa kanya ngayon. Hindi pa tama ang oras para aminin ko sa kanya. Hindi pa oras para umamin ako... pero-- biro lang. Walang nangyaring ganito. Bigla na lang kasing sumagi sa isip ko habang yakap-yakap sya. Kung kailan ko masasabi sa kanya itong nararamdaman ko only heaven knows.

Kahit naman sinasabi nilang mahal nga ako ni Ayen ng higit sa kaibigan ay di parin ako magkalakas-loob na aminin sa kanya ang totoo. Hindi ko alam kung san ako ipinaglihi at kung bakit ipinanganak akong torpe. Ang mabuting gawin na lang siguro ngayon ay wag muna akong magpadalos-dalos.

***

Ayen's POV

Pero ang lalo kong ikinapagtaka ay nang sabihin nya ito:

"Mahal kita.... higit pa sa kaibigan..."

Pakiramdam ko nang sabihin nya ito ay para bang huminto sa pagtibok ang puso ko na para bang nasosoffocate ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko at hindi na ako makahinga, para bang nasamid ako kahit na wala akong kinakain.... pero....joke lang! A BIG BIG BIG joke. Hanggang ilusyon ko na lang yung sabihin niya sa aking mahal niya ako. Hanggang doon na lang yun. Mananatili at mananatiling pangarap na lang ang marinig ko mula sa kanya ang mga salitang 'mahal kita higit pa sa kaibigan'. Imposibleng-imposible.

Tuluyan na akong natauhan sa daydream ko ng palayain ako ni Dean sa yakap niya. Nang pagtingin ko sa kanya ng ganyan ay..... nakangisi pa sya!

Mapalo nga tong taong to dahil sobra niyang galing mantrip. 

Kainis! Akala ko talaga totoo eh. Pinakaba niya pa ako.

Hay.

Sarap niya talagang ihagis sa Mars. Pag nagkataon, pagt-tripan ko rin to eh. Promise. Hindi kasi biro yung halos mamatay ka na sa kaba tapos trip-trip lang pala. >_<

Dahil sa inis ko, napaisip tuloy akong hampasin sya sa braso nya, pero bago ko pa man magawa ito ay may biglang bumato ng libro sa ulo nya. Napangiwi tuloy sya ng matamaan. Ang sakit kaya nun. Naawa tuloy ako at feeling ko pati ako natamaan at nasaktan. Feeler lang. ^_^

Tinignan ko sya, kinakamot-kamot niya yung part ng ulo nya na natamaan atsaka bumaling siya doon sa bumato sa kanya. Kung sino yun? Si Axle. Tropa ni Dean at sya yung may balak ligawan si Jess. Nasa side ko lang naman pala ang bumato sa kanya. Mabato nga din.

"Gago! Ang galing ng trip mo aa. Napaniwala mo kaming lahat. Gusto mo ng isa pa?" seryoso na parang hindi niyang sabi.

Pagkatapos nyang sabihin ito ay bumaling sya sakin at tinitigan niya akong ngingiti-ngiti.

"Ayen beybe, batuhin mo nga ng halik mo! Flying kiss kumbaga! Bwahahaha!"

Tinitigan ko sya ng masama then I rolled my eyes. Batukan ko siya eh! Ayoko talagang itinutukso ako kay Dean. Mamaya malaman niya pa yung totoo. Medyo nahihirapan na akong itago yung katotohanan sa kanya eh. Namumula na kaya ako ng sobra dito. 

Pag itinabi siguro ako sa strawberry, malamang iisipin nyong strawberry na din ako.

Pero ah, aaminin ko, kinikilig ako ng sobra dito. Pakiramdam ko maiihi na ako. Hindi kasi ako makaget over dun sa yakap ni Dean kahit na medyo nainis ako dun sa trip nya. Para lang akong napunta sa heaven sandali.

"Kayong dalawa, umamin nga kayo, magkaibigan lang ba talaga kayo o ano?" tanong ito nung isang babae dun sa gilid na kaklase ni Dean.

"A-ang mabuti p-pa, kumain na tayo." sabi ko bigla para mailihis yung topic tsaka ako kumuha ng paper plate.

Pero ang di inaasahan ng lahat ay ang pagsulpot ni John Legend este Hermes pala. May hawak-hawak syang bola ng makapasok sa pinto at ng makita yung mga pagkain na nakalapag sa table sa harap ay biglang nagningning yung mga mata nya na kulang na lang siguro lagyan ng heart o di kaya ay star sa mga mata nya.

"Uy! May pagkain! Penge aa! Gutom na gutom ako, galing kasi sa pagbabasket ball eh!"

At... binitawan yung bola nya at dire-diretsong nagtungo sa table at nilantakan lahat nung pagkain sa table.

Posha. >_<

Nang magsabog siguro ng katakawan sa mundo ay nasagap nya siguro lahat. San ba siya ipinaglihi ng nanay nya at kung bakit umabot hanggang Saturn ang kapal ng mukha nya? Panira!

Nawalan na lang kami ng imik lahat at naging statwa na lang na nakatingin sa 'makapal na baboy' na to (sorry sa word, naiinis lang talaga ako).

"Hhmm!! Ang sarap!" sabi nyang punong puno ang bibig.

Isupalpal ko sa bibig nya yung bola nya eh! Nakakainis! Buti sana kung para sa kanya yung handa!

Yung sumunod na nangyari ay wala sa isip kong magagawa ko, wala talaga. Hindi ko talaga inakalang magagawa ko.

Hinila ko yung collar nung uniform niya tsaka sya pinatayo ng tuwid galing sa pagkakayuko niya atsaka.. atsaka ko sinuntok yung mukha niya. Ewan ko kung bat ko nagawa to. Dahil lang siguro sa sobrang inis ko.

Natumba sya sa sahig pagkatapos ko syang suntukin. Yung mga pagkain sa bibig nya eh halos lumabas na. Nakakainis talaga. Yung effort ko nasayang dahil lang sa katakawan niya.

"I hate you!!!" galit na sigaw ko habang nakatungo doon baboy.

Pagkatapos kong sabihin ito ay biglang sumungaw yung mga luha sa mata ko. Ang palpak! Ilang gabi at araw kong pinaghandaan to tapos sisirain lang ng baboy na to!

"Yen...." nag-aalalang sabi ni Dean habang inaalo ako, balak nya pa nga siguro akong yakapin kaso hindi ko sya hinayaan.

Nakakahiya. Nakakahiya kay Dean. Leshe kang baboy ka. Sira lahat ng effort ko.

Lumayo ako kay Dean tsaka ko kaagad-agad na kinuha yung bag ko pero pag minamalas ka nga naman talaga oo.

Nakaopen pala yung bag ko at hindi ko napansing inabot ko sya sa may pwetan kaya ayun nalaglag sa sahig lahat nung gamit ko sa loob nito. Bwiset! Bat ba lagi akong pinagkakaisahan ng mga kamalasan sa mundo? Lalo lang tuloy akong naiyak.

"Yen!" alalang-alalang sigaw ni Jessa.

"Ito kasing bwiset na matakaw na to!" sabi nung isa sa mga tropa ni Dean.

"Kung puruhan na kaya natin to?"

Umupo na lang ako at madali kong pinulot lahat ng gamit na nalaglag galing sa bag ko. At ang mas lalong nakakahiya ay nang tulungan ako ni Dean na ibalik lahat nung gamit sa bag. Susunod din sana si Jessa kaso tumayo na ako agad dahil parang wala naman din akong naiwan at dire-diretso akong lumabas ng classroom. Umiiyak pa din ako. Ang drama ko lang talaga ngayon.

Wala na yata akong ginawang tama eh pagdating sa pagpapasaya kay Dean. Nung last last last birthday niya, sosorpresahin ko sana sya dito rin sa school nang may sumigaw na may bomba daw doon sa may CR kaya yun pinalabas lahat ng studyante for safety daw, ang palpak diba? Tapos nung last last birthday naman nya, itinreat ko sya sa mall at ibibigay ko na sana ang gift ko nang may biglang magsuntukan at kamuntik ng magsaksakan gamit ang table knife, palpak rin diba? Last year naman nung birthday nya, icecelebrate sana namin ang birthday nya doon sa may fountain kung saan una kaming magkakilala nang biglang bumuhos naman ang malakas na ulan, ayun sinira ng ulan lahat, palpak na palpak parin diba? Idagdag pa natin ang nangyari ngayon. Talagang wala na akong ginawa kundi badtripin sya sa birthday nya. Huhuhu

Continue Reading

You'll Also Like

776K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
96.2K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...