Love is Blind (StraightXtrans)

Par ayeng06

239 14 3

Napakaraming eksplenasyon ukol sa pagmamahal. Ngunit paano mo nga ba masasabi na love is blind kung gayon ika... Plus

Chapter one
chapter two
chapter three
Chapter four
Chapter five
chapter seven
Chapter eight

chapter six

23 1 0
Par ayeng06

Aries Balbuena

"psst bakla. tulala ka diyan . hindi mo narinig yung radyo ? ipanapatawag ka daw." biglang siko ni ben saakin sa pag muni-muni ko. andito kami ngayon sa canteen dahil break time namin, nag order ng pagkain si ben pero hindi ko naman kinain.

"Aye, may problema kaba ? isang buwan ka ng laging ganyan bakla ka" tanong ni ben na ngayon ay nakikitaan ko na siya ng pag-aalala base sa pagtingin niya saakin.

"W-wala okay lang ako, sige na punta na muna ako ng office baka emegency" sagot ko at inayos ang damit ko na nagusot na, pero bago pa man ako makatayo ay mabilis na hinawakan ni ben ang kamay ko upang umupo ulit.

"sabihin mo muna saakin ano bang nangyayari sayo? ako bakla pinag-aalala mo na ako ah ? tatawagan ko na si tita nina para sabihin to sakanya, bakla ayokong mag-alaga ng kaibigang baliw" naiirita ng sabi ni ben, napabuntong hininga nalang ako. wala na talaga akong maitatago kay ben, kilalang kilala na talaga niya ako. wala na akong nagawa pa kundi ang umupo nalang ulit sa tabi niya at mag kwento, halos isang buwan na din kasi akong hindi mapakali, hanggang ngayon iniisip ko pa din ang nangyari saamin nung mr. cordova na iyon, alam ko naman na hindi ko na dapat pa iniisip yun. wala naman akong karapatan na umasta na parang naagawan ng halik lalo pa't hindi na uso sa panahon na ito ang mag paka maria clara wala akong karapatan na umasta na parang babae kasi hindi naman. bakla ako.

"aye ang tagal tagal na non, bakit hanggang ngayon iniisip mo pa rin yun? pwera nalang kung may iba kang nararamdaman doon sa tao kaya ganyan ka kung umasta? at kaya hanggang ngayon sa ER pa rin ang duty mo at hindi ka nakikipagpalitan? kasi ayaw mong bumisita doon ? at baka matukso ka na naman na halikan yung tao na yun?" baklang bakla na pagkakasabi ni ben habang isinasayaw sayaw pa sa hangin ang mga daliri nito.

"hindi naman sa ganoon ben, ang inaalala ko paano kung isumbong ako?" nag-aalala ko pang tanong.

"aye isang buwan na? edi sana pagkatapos ng halikan nyong iyon edi isinumbong ka na niya? pero wala eh. wala diba ? ano pang inaalala mo diyan? tsaka hindi lang naman ikaw yung nanghalik ah? nakipag halikan din siya sayo! so meaning, ginusto niya rin. kaya wala siyang dapat na isumbong. para halik lang nagpapaka buang ka diyan"

"eh yun na nga. kaya nga ayoko ng bumalik pa doon sa silid niya, paano kung malaman niya na bakla ako? at dahil sa nalaman niyang bakla ako magalit siya? at doon na siya magreklamo?" sagot ko ulit.

"sabagay may point ka naman ate, ang kaso nga lang kahit anong gawin mong iwas diyan sa mr.cordova na yan ay hindi mo magagawa, lalo pa't yung anak nung taong iniiwasan mo ay masiyadong malapit saiyo, paano kung magkita kayo nung bata na kasama ang ama niya? huwag ka ng umiwas aye, matanda kana alam mo na ang gagawin mo" napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni ben, hindi ko alam anong gagawin ko siguro ang sinsabi niyang alam ko na ang gagawin ko, ay ang humingi ng despensa sa tao. tama iyon nalamang siguro ang gagawin ko. para kahit papaano ay mabawasan itong kunsensiya na nararamdaman ko para sakanya at takot na rin na baka ireklamo ako, at dahil kilala siyang tao ay hindi imposible na hindi niya ako ipatanggal sa trabaho kung nagkataon. ganun na nga lang siguro, pero kung hindi niya ako mapapatawad sa nagawa ko. kailangan ko nalang sigurong tanggapin ang magiging kapalit ng paghalik ko sakanya. talandi ka rin kasing bakla ka, bakit naisipan mo kasing gawin yun, nawala na nga ang pagka virgin ng bibig mo, mukhang mawawalan ka pa ng trabaho dahil sa gagawin mo sermon ko sa sarili ko.

"hey nurse aye, kanina pa kita hinahanap, nasabi nilang break time mo kaya dito kita naisipan na puntahan" putol ng isang tinig sa pagmuni-muni ko. at ng mabalik ako sa ulirat ay nakita kong si ayesha papunta sa mesa namin.

"Ayesha ikaw pala, bakit?" tanong ko ng makalapit na ito saamin,

"Upo ka miss" sabi naman ni ben, at parang tila namula naman ang mukha ni ayesha sa pag imbita ng kaibigan ko.

"Salamat, boyfriend mo aye?" wala sa sarili nitong tanong at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaibigan kong si ben, si ben naman ay parang naasiwa sa tanong nito at bago pa magtaray ang kaibigan ko ay ako na ang sumagot.

"Nako ayesha hindi, si ben pala bestfriend ko, ben si ma'am ayesha" pagpapakilala ko sa dalawa. naglahad naman ng kamay si ayesha sa kaibigan ko at malugod naman na tinanggap ng kaibigan ko.

"Nice meeting you ben" sabi naman ni ayesha habang hawak pa ang kamay ng kaibigan ko, talandi rin itong ayesha eh, mukhang hindi niya nahalata na bakla ang kaibigan ko.

"Nice meeting you too ayesha" sabi ng kaibigan ko na binilugan pa ang boses, mukhang balak pang mag patanso kay ayesha, si bakla talaga ang hilig mag play time sa mga babaeng nagkakagusto sakanya. karmahin ka sana.

"ahmm ayesha, bakit mo ako hinahanap?" pagiiba ko.

"A-ah yes, Sir Cordova is looking for you, and he wants to talk to you" biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, biglang nanuyo ang lalamunan ko at naramdaman ko ang tila malamig na pagpapawis ng noo ko. ito na nga ba ang sinasabi ko eh. wala namang ibang dahilan para kausapin niya ako. bigla akong napatingin kay ben na para bang tila humihingi ako ng tulong sakanya, hinawakan nalang niya ang balikat ko bilang sagot.

"B-bakit daw? galit ba siya? paparusahan ba niya ako?" nanginginig ko ng tanong kay ayesha,

"Hey, its okay, hindi galit si sir, gusto ka lang niyang makausap. at sa tingin ko kayong dalawa ang dapat na mag-usap tungkol sa gusto niya. bakit siya magagalit? magkakilala ba kayo?"

"H-hindi, akala ko lang galit siya" pag mamaang maangan ko.

"puntahan mo nalang siya sa room niya at hinhintay ka na rin ni kurt doon" sabi niya at tumango ako bilang tugon

"P-punta muna ako ng office, sasama kaba saakin?"

"No, actually pauwi na din ako, pupunta pa ako ng opisina ni sir, pero mukhang kailangan ko munang kumain" sabi ni ayesha at tumingin kay ben na para bang pinapahiwatig nito na samahan siyang kumain.

"Samahan ko nalang muna dito si ayesha, aye kaya mo na yan. balitaan mo nalang ako mamaya" sabi naman ng kaibigan ko, wala na akong nagawa pa kundi ang tumayo nalang at iwan sila upang pumunta sa opisina namin na kung saan ay ipinapatawag ako. nailing nalang ako sa inasal ng dalawa.

mabigat ang mga hakbang ko papunta sa opisina, at ng makarating na ako ay nagbuga muna ako ng hangin mula saaking bibig, para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib, baka ito na yun. pinapatawag ako sa opisina maging nung mr. cordova, hindi kaya ay isinumbung na niya ako? bahala na. bago ako pumasok sa opisina ay kumatok na muna at hindi naghinaty pa na may magbukas ng pintuan, tuluyan na akong pumasok sa nasabing pintuan, mas lalo akong nanlambot ng makita ko na nandito ang may-ari ng hospital, maging si doc valencia ay nandito din, si doc. valencia ang doctor na nakatalaga sa pasyenteng si mr. cordova. tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon at yumuko at naghintay ng kanilang sasabihin., lahat ng sasabihin nila ay tatangapin ko, maging kung anong gusto nilang ipagawa ay gagawin ko huwag lamang akong tanggalan ng trabaho sa ospital na ito.

"Are you alright Mr.Balbuena?" tanong ni doc. Valencia.

"Yes, doc, ipanapatawag nyo daw ho ako?"

"Yes" Tipid na sagot ni mr.Sigua ang may-ari ng hospital na ito. bigla akong kinabahan sa malamig na tono nito.

"Bakit po?-"

"You have to leave this hospital for a while mr.balbuena" putol saakin ni mr. sigua dahilan para maiyak na ako.

"Sorry po, hindi ko po sinasadya, hindi ko po iyon ginusto, hindi ko rin po maintindihan ang sarili ko kung bakit ko iyon ginawa, ako na mismo ang lalapit kay mr.cordova para humingi ng pasensiya, at gagawin ko po ang lahat ng gusto niya wag lang po akong mawalan ng trabaho" pagkasabi ko non ay lumabas na ako ng opisina at mabilis na tinungo kung nasaan si mr.cordova, wala akong pakialam sa mga nabubungo ko. ang kailangan ko ngayon ay ang makausap siya.

Hinihingal ako na dumating sa silid ni mr.cordova, nasa tapat na ako ng pintuan ng silid ni mr. Cordova at pilit na kinakalma ang aking sarili, kumukuha ng lakas ng loob, wala na akong pakialam sa sarili ko ang importante ay ang makausap ko siya. Nasa ganoon akong sitwasyon ng bumukas ang pintuan at iniluwa nito si nanang delya.

"ohh aye. Nandito kana pala. Kanina kapa hinihintay ng mag-ama. Lalo na si kurt, pumasok kanalang, at ako'y uuwi muna ng mansyon, may mga pinapakuha pa kasi si sir rommy" sabi ni nanang delya habang iniistima ang itsura ko. Tumango lang ako bilang sagot.
"Umiyak kaba? Ayos ka lang ba nars aye?"

"Okay lang po ako nanang delya, haharapin ko po itong mag-isa. Mapapakiusapan naman po siguro si mr. Cordova ano ho?" Tanong ko at pilit na pinapatapang ang sarili ko.

"Aba'y ou naman. Masungit yang si sir, pero may konsiderasyon naman yang si sir. Hindi kita maintindihan nars aye, pero mukhang kayo lang ang dapat magusap ni sir tungkol sa mga bagay na iyan"

"Sige po nanang delya salamat po"

"Osha sige at akoy mauuna na, pumasok ka na sa loob"

"Sige ho. Magiingat po kayo" tumango si nanang delya at tuluyan na akong iniwan. Habang ako naman ay nasa harapan pa rin ng pintuan ng silid, at pilit na kumukuha ng lakas ng loob. Bahala na. Andito na din ako. Ayokong mawalan ng trabaho. Hindi ko pa napapatapos ng pag-aaral ang aking mga kapatid, wala pa akong sapat na ipon para makapag patayo ng sarili kong pagkakakitaan, madami pa akong mga pangarap para sa sarili ko at magulang ko. Kaya hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho.

Kumatok ako, pero hindi ko na hinintay na may mag bukas ng pintuan. Ako na mismo ang nagbukas, pagbukas palamang ng pintuan ay naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin na nagmula sa loob, iginala ko ang mata ko sa loob at nakita ko siya na nakaupo sakanyang kama habang nagbabasa at ng maramdaman niya ang presensiya ko ay tumingin siya saakin. Hindi ko alam bakit nakangiti siya saakin, ngiti na may mga matang nagtatanong. Ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga iyon bagkus ay nag umpisa akong humakbang papunta sa kinalalagyan niya, nanginginig man ang mga binti ko ay hindi ko nalamang pinansin pa.

"Kagagaling lang ni doc valencia dito nurse, and i didnt expect you. Long time no see" hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, ang tinig niya na tila ay kay sarap saaking pandinig. Tinig na para saakin ay isang musiko na aking paborito. Tinignan ko siya, may kung anong ibig ipahiwatig ito base sa mga ngisi niya. Tila ay parang nakaramdam ako ng pagkailang, dahil alam ko ang ibig niyang ipahiwatig saakin.

"What do you want? Nurse?" Tanong niya ulit na tila parang tinatanong niya kung sino ako? Pero imposible. Pinapatawag niya nga ako diba? Kaya kilala niya ako. Hindi ako sumagot, bagkus ay lumuhod ako sa kama niya at hinawakan ang mga kamay nito, tila ay parang nagulat naman siya sa ginawa ko, nanlaki ang mga yata niya. Pero hindi ko na pinansin pa ang mga reaksyon niya. Ang gusto ko lang ngayon ay ang patawarin niya ako. At handa akong gawin ang lahat ng gusto niya wag niya lang akong ipatanggal sa trabaho ko.

"Mr. Cordova. Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po intensyon ang ginawa kong paghalik ko sainyo, sa maniwala po kayo sa hindi. Hindi ko rin po alam bakit ko nagawa yon" sabi ko na humihikbi na.

"Hey wait miss tumayo ka muna diyan-"

"Handa po akong gawin ang lahat ng gusto nyo mapatawad nyo lang po ako. At huwag nyo lang po akong ipatanggal sa trabaho ko. Lahat po ay gagawin ko. Kailangan ko pong suportahan ang pamilya ko sa probinsiya. hindi pa po sapat ang ipon ko. Kaya hindi pa po ako handa na mawalan ng trabaho. Parang awa nyo na po mr. Cordova" patuloy na pagmamakaawa ko, patuloy pa rin ang pagluha ng mga mata ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko. Kaya hindi ko na maaninag ang mukha nito.

hindi na ako makapagsalita dahil sa kakaiyak, pero hanggang ngayon ay wala pa din akong makuhang sagot dito, pinunasan ko ang mga luha saaking mga mata, at tinignan siya. ngunit base sakanyang mukha ay tila naguguluhan ito sa mga nangyayari . hindi ko rin alam naguguluhan din ako sakanya.

sa ganoong senaryo ay bigla kong narinig si kurt. kakalabas lang galing banyo. at mukhang bagong ligo ito.

"What is happening here? Dada Aye? why are you crying? dad? what did you do?" sunod sunod na tanong nito. habang palipat lipat ang tingin ang saaming dalawa. at ng makita ang ayos ko nito ay mabilis ako nitong nilapitan at niyakap.

"Dada, get up na and stop crying, i will talk to dad" sabi nito at pilit na pinapatayo ako, ngunit nanatili ako sa aking pwesto, tama. maari kong gamitin si kurt para pakiusapan ang ama niya. Magsasita palamang sana ako ng biglang nagsalita si mr. cordova.

"so he is your dada kurt? i didn't do anything to him. pero kailangan niyang magpaliwanag saakin" baritonong sagot nito sa anak at saka tumingin saakin na may halong pang-uuyam na ngiti.

"you hurt him dad? why he is crying." inosenteng tanong ng bata.

"Promise son, i didnt do anything. and i understand why your dada is crying, at kaming dalawa lang ang maaring mag-usap ng tungkol sa bagay na iyon. tama diba nurse balbuena?" sabi nito at may diin na pagkakasabi sa pangalan ko, napakagat naman ako sa pang ibabang labi ko at tumango saka yumuko.

"Now get up, Nurse Balbuena. we need to talk formally and intensely just the two of us." sabi nito na maluwag ang pagkakangiti saakin at tila ba na may kung anong kislap sa mga mata nito. hindi ko nalamang pinansin pa at tuluyan na akong tumayo at inayos ang aking sarili. at nahihiyang tumingin sakanya. nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa habang nangingiti.

"Kurt, can you go to balcony for a while, i need to talk to your dada privately" utos nito sa anak. dahil malaki ang silid na ito ay may sariling balkonahe ang nasabing silid na kung saan ay maaring magpa-araw o magpahangin ang mga pasyente.

"Okay, i'll just leave for a moment, and please dont do anything to my dada or else" sabi nito ama na inamba pa ang braso nito sa ama. at bago umalis ay tinignan muna ako tsaka nginitian ako. tinanguan ko naman siya bilang sagot, at ng makaalis na ang bata ay hindi naman ako mapalagay sa pwesto ko ngayon. hindi ko alam kung anong sasabihin ko, may kung anong bumabara sa bibig ko para magsalita.

Pero bigla akong nagulat ng bigla siyang tumikhim bago magsalita, hindi ko alam kung titingin ako sakanya nahihiya ako. o talagang wala lang akong mukhang ihaharap sakanya.

"have a sit Nurse Balbuena" malumanay na sabi nito habang itinuturo ang silya na malapit sakanya, inabot niya pa ito at inilapit ng mas malapit sa kinalalagyan niya.

"D-dito nalamang po ako sir" nauutal kong sabi.

"No! maupo ka dito sa tabi ko! ayokong marinig ng anak ko ang pag-uusapan natin lalo pa't tungkol sa paghalik mo saakin" mahina ngunit may diin nitong sabi. wala na akong nagawa pa kundi ang lumapit maupo nalamang, sa ganitong sitwasyon namin ay alam kong nakikita niya ang panginginig ng mga kamay ko. pinipigilan ko pero hindi ko magawa. masiyado kaming malapit sa isa't-isa kaya ramdam ko ang bawat hininga nito na sunod sunod. nang subukan kong tumingin at nahuli ko siyang nakatingin saakin na tila ba ay parang pinagmamasdan ako nito, nagtama ang mga mata namin. ngunit nauna din akong nag-iwas ng tingin ng makaramdam ako ng pagka ilang. bigla naman itong nangiti sa ginawa ko. hindi ko alam bakit ba ito pangiti-ngiti. gayong sabi naman ni nanang delya ay masungit ito.

"I didnt know that you are gay" panimula niya,

"O-opo" nahihiyang sagot ko habang nakayuko. halos pabulong nalang ang sagot ko. at hindi ko alam kung narinig niya ba ako.

"At nahihiya ka?! bakit?! dahil ba naisip mo na sinamantala mo ang kahinaan ng isang lalaki?" mahina ngunit may diin at gigil na sabi nito. hindi ko alam ang isasagot ko ngunit kailangan kong tanggapin ang masasakit na sasabihin niya, kasalanan ko naman eh. napaiyak nalang ako sa sinabi nito. iyak na pigil na masakit sa dibdib.

"Ganyan ba talaga kayong mga bakla? mapagsamantala? bakit nurse Balbuena nauubusan kanaba ng lalaki? kung kayat ang pananamantala sa isang lalaking walang laban na nakahiga at walang malay ay ginawan mo ng kahalayan ah?" pagpapatuloy pa nito. sobra na akong nasasaktan, hinawakan ko ang dibdib ko habang humihikbi at pilit na pinipigilan ang paglakas nito, baka marinig ako ni kurt. alam kong mali ako. pero tumugon naman siya sa halik na ginawa ko diba? deserve ko ba talaga ang mga sinasabi niya? na halos ay parang ibinababa na niya ang pagkatao ko bilang isang bakla.

"Calm down Nurse balbuena! ayokong marinig ka ng anak ko na umiiyak. at hindi ko rin maintindihan kung bakit gustong gusto ka ng anak ko. kung kayang sabihin ko ang ginawa mo sakanya, magustuhan kapa kaya ng anak ko?" sabi nito na mas nilapitan ang mukha niya sa tainga ko, ramdaman ko ang hangin na tumama saaking mukha, tila may kung anong kuryente akong naramdaman sa ginawa niya.

"Kung iniisip mong kahalayan ang ginawa ko mr. Cordova. Hahayaan kitang isipin ang bagay na iyon, pero ang kwestyunin mo ang pagkatao ko bilang isang bakla. Gusto ko pong malaman niyo na iba ako sa mga baklang kakilala nyo, sa maniwala po kayo't sa hindi. Hindi ko ginusto ang ginawa ko, at nagsisisi po akong ginawa ko iyon." Buong tapang na sabi ko. Ayoko ng makarinig pa ng ibang masasakit na salita na magpapakababa ng pagkatao ko.

"Naparito lamang po ako para humingi ng kapatawaran sa ginawa ko, pero mukhang hindi ko na po mababago pa ang desisyon nyo. Kung gusto nyo po akong ipatanggal sa trabaho ko maiintindihan ko po. At kung gusto nyo rin po na tanggalan ako ng lisensiya sa pagiging nurse ko, gawin niyo. Wala po kayong maririnig saakin. Pero ang tapakan nyo po ang pagkatao ko bilang isang bakla. Hindi nyo po magugustuhan ang mga isasagot ko."
Sabi ko at buong tapang na hinarap siya, tila may kung anong kislap sa mga mata niya na para bang natutuwa siya sa mga naisagot ko. Hindi ko alam kung bakit yun ang mga nakikita ko.

"At sa palagay mo ganon nalamang yon nurse balbuena? Sa tingin mo hahayaan kitang takasan nalang ang ginawa mo saakin? Hindi bat kakasabi mo pa lamang na gagawin mo ang lahat?" Mapaghari-harian na sabi nito habang isinasayaw ang ulo at maitim na nakatingin saakin.

"Handa po akong gawin ang lahat ng gusto nyo, pero mukhang wala na naman po tayong dapat pag-usapan pa. Dahil kung tatapakan nyo lamang ang pagkatao ko at iinsultuhin ang pagkabakla ko. Mas okay na lang po na gawin nyo nalang ang gusto nyo. Kung gusto nyo rin po akong ipakulong gawin nyo nalang po" sabi ko at tatayo na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang pulso ko at hilahin papunta sakanya. At ngayon ay masyado ng malapit ang mukha namin sa isa't-isa.

"Be my personal nurse. Hanggang sa gumaling ako! Hanggang sa makalakad ako." Bulong nito saakin habang nagtiti titigan kami ng mata sa mata.
"At pag magaling kana?" Matapang pa rin na sagot ko.
"Pwede ka ng umalis!" Pagkasabi nito at mas lalong pang nilapitan ang mukha niya sa mukha ko. Parang maduduling na ako sa ganitong sitwasyon namin. Hindi ko malaan kung inaakit ba ako nito sa mga ginagawa nya o sadyang naakit lang talaga ako sa gwapo nitong mukha. Sa mga labi nito na para bang hinihila ka. Para siyang magnet at ikaw ang bakal na kung hindi mo lalaban ay tuluyan kang madidikit. Pinagmasdan ko ang mamula mula nitong labi at nang mapansin na nakatingin ako sa labi niya ay bigla itong ngumisi, dahilan para umiwas ako at naramdaman ko na parang tila parang uminit ang pisngi ko. At alam kong namumula na ang buong mukha ko. Bigla naman akong napakagat sa labi ko.

"Okay deal." Mahinang sagot ko. Ewan ko kung narinig niya. Hindi ko rin alam bakit tila nawawalan ako ng lakas.

"Good, ipapagawa ko na kay ayesha ang kontrata mo. Hindi ka aalis saamin hanggat hindi ako gumagaling. Wala kang ibang gagawin kundi ang alagaan ako, si kurt hindi mo siya obligasyon may sarili siyang yaya. Lahat ng atensyon mo ay saakin lang. Naiintindihan mo ba nurse aye?" At sa unang pagkakataon ay tinawag niya ako sa pangalan ko, may diin ngunit para saakin ay may lambing. Pagkasabi niyang iyon ay bigla niya akong binitawan at tila kusang naupo naman ang katawan ko . Nanghihina parin ang mga tuhod ko. At hindi ko maintindihan kung bakit.

"P-pero kailangan ko pa rin magtrabaho sa hospital na ito mr. Cordova. Kailangan kong suportahan ang pamilya ko"

"Hindi mo na muna kailangan magtrabaho nurse aye, at bilang personal nurse ko ay obligasyon ko ang swelduhan ka. Pero dahil sa ginawa mo saakin, bilang kaparusahan ay wala kang karapatan na magreklamo sa mga gusto ko"

"At paano kung ayoko?"

"Alam mo naman siguro ang kaya kong gawin right nurse aye?" Makahulugan nitong sabi. Habang nakangiti. Wala na akong nasagot bagkus ay tumango nalamang ako.

Sa ganoong senaryo ang biglang pasok ni mr.garcia, at doc valencia. Maging si ayesha at ben.

Tinignan ako ni ben na tila nagtatanong ang mga mata, nagkibit balikat nalang ako bilang sagot.

"Mr.cordova. its good to see you that you are getting better" puna ni mr. Garcia.

"Nakausap mo na ba itong isa sa pinakamagaling naming nurse? Tanong nito habang tinuturo ako. Napayuko naman ako. Nahihiya ako na alam nila ang ginawa ko.

"Yes, mr. Garcia, at sapalagay ko payag na narin naman itong si nurse balbuena, para maging personal nurse ko. Right nurse aye?" Sabi nito habang taas baba ang mga kilay nito habang nakangiti saakin. Napatango nalamang ako bilang sagot.

"Well thats good to hear, yun lang naman ang gusto naming sabihin sayo nurse balbuena. At hindi ko alam na ganon ka ka excited kaya iniwan mo nalamang kami sa opisina" sabat naman ni doc. Valencia bigla naman nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. At nang mapatingin ako kay mr. Cordova, nakita ko na kay laki ng ngiti nito at tila ba parang nagniningning ang mga mata sa narinig nito. Naguguluhan ako sa kinikilos ng lalaking to, samantalang kanina ay napakasungit.

"Well, ikinalulungkot namin na pansamantala kang mawawala sa hospital na ito nurse Balbuena, ngunit hindi ko naman matatangihan itong kaibigan ko na kunin ka bilang isang private nurse niya, sa galing mong mag-alaga ng pasyente kaya halos lahat ikaw ang gusto. Pero babalik ka naman hindi ba?" Sagot naman ni mr. Garcia na para bang nalulungkot siya.

"O-oo naman po mr. Garcia."

"Well, thats good. Hihintayin ko ang pagbabalik mo aye"
makahulugan nitong sagot at ngumiti ng tipid saakin.

Hindi ko na inaasahan na magkaibigan pala sila ni mr.cordova.

"Aalis na ako. May mga meeting pa akong pupuntahan. Rommy. Ikaw na ang bahala sa pinakamagaling kong nurse ah. Ibalik mo ng buo saakin yan" hindi ko maintindihan ano ang ibig sabihin ni mr. Garcia ngunit hindi ko nalamang pinansin pa.

"Ou naman pre. Salamat" tipid na sagot nito kay mr garcia. Tumango nalamang si mr. Garcia at tumingin saakin, hindi ko alam pero parang kay lalim ng tingin niya saakin at hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng pagtingin niya saakin.

"Goodluck aye, kung may problema. Huwag kang mahihiya na tawagan ako" at nagulat ako ng bigla akong yakapin nito. Maging si ben ay nakita ko paano ito ngumiti ng makahulugan saakin. Malisyosong bakla!

"S-salamat po" sagot ko nalamang kahit naguguluhan sa mga kinikilos nito. Tumikhim naman si doc.valencia dahilan para kumalas na siya sa pagkakayakap saakin.

"Mauuna na kami" sagot ni doc.valencia at hinila na si mr. Garcia. Tulala pa rin ako hanggang sa makalabas na silang dalawa sa silid ni mr.cordova. nagising nalang ako sa pagkatulala ng sumigaw si kurt.

"Dada! Will you live with us naba?" Tanong agad nito saakin na ngayon ay nasa bandang tuhod ko na ito na nakayakap. Kaya naman yumuko para buhatin siya. Pero imbis na sagutin ko siya tumingin ako sa ama niya at tila nahulaan naman ang ibig kong iparating sakanya.

"Yes kurt. At ako ang aalagan ni nurse aye hindi ikaw, kaya behave ka lang okay?"

"I will dad, kaming dalawa ni dada aye ang mag-aalaga sayo " magiliw na sagot ni kurt. Sa sobrang cute niya ay hindi ko naiwasan na hindi siya halikan sa pisngi at leeg niya. Nakiliti naman siya kaya naman hindi napigilan nito ang pagtawa. Napatigil ako sa ginagawa ko ng makita ko si mr.cordova na nakatingin saamin na tila naaliw.

"Wow. Happy family? Baka nakakalimutan nyo na andito kami" biglang sabat ni ben. Nakalimutan ko na nandito rin pala sila kasama si ayesha na nakaupo sa malaking sofa ng silid. Tumingin sakanya habang nakangiti silang dalawa ni ayesha. Mukhang close na ang dalawa ah. Baklang bakla na kumilos ang kaibigan kong borta.

"And who are you?" Tanong ni mr. Cordova na nakanuot ang noo habang nakatingin kay ben. Ako na sana ang sasagot pero biglang nagsalita ayesha.

"Ah sir si nurse ben soliman po, bestfriend ni nurse aye. They are my friends also sir" sagot ni ayesha.

"We need to talk ayesha" lumapit naman agad si ayesha kay mr. Cordova at habang ako naman ay naglakad patungo sa kinaroroon ni ben. Habang karga ko pa rin si kurt.

Umupo ako sa tabi ni ben, habang kalong pa rin si kurt, inabot ko ang mansanas na nasa mesa ng harapan ng sofa at ibinigay kay kurt.

"So, paano nalang aye? Mag-isa nalang ako sa bahay? Sino ng magluluto? Alam mo namang hindi ko marunong magluto" sabi nito na may halong pagtatampo.

"Sandali lang naman to ben. Pagtiyagaan mo nalang muna ang mga fast food. Babalik din naman ako pag gumaling na si sir cordova" sagot ko.

"Pwede naman akong tumira na muna sa apartment nyo, habang wala si aye, ben. Pwede rin kitang ipag luto." Biglang sabat ni ayesha na habang papalapit saamin.

"N-nako ayesha nakakahiya naman makakaabala pa ako sayo" sagot ni ben na kakamot kamot sa ulo.

"No, i insist, wala din naman akong masiyadong gagawin sa opisina habang nagpapagaling pa si sir rommy, wala din akong kasama sa condo ko eh"

"S-sure ka?" Nahihiyang tanong ni ben. Napapangiti naman ako sa nakikita ko sa dalawa.

"Ou naman. Basta ikaw!" Magiliw na sagot naman ni ayesha.

"Wow ahh! Iba na agad ang closeness nyo ah?" Tanong ko habang palit palit ang tingin ko sa dalawa.

"Is he your boyfriend ninang ayesha?" Biglang sabat naman ni kurt at bigla namang namula ang dalawa sa tanong ng bata. Na mas lalo kong ikinatawa.

"What?" Sabay pa nilang tanong saakin na tila para bang naiinis. Basta ako may iba akong nararamdaman sa dalawang ito. At malalaman ko din ito sa tamang panahon.

"Ikaw nga diyan kung makapagpaalam sayo si sir garcia eh. At kung makayakap pa. Sabihin mo nga saakin aye naglilihim kanaba saakin? Anong meron sainyong dalawa ni sir garcia?" Biglang tanong ni ben na nagpatigil sa tawa ko. Sa totoo lang ako din nagulat ako sa inasta ni mr.garcia, mabait sinmr. Garcia sa lahat ng doctors at nurses sa hospital kaya alam kong wala siyang ibig sabihin sa ginawa niya kanina. Nalulungkot lang siguro talaga yung tao.

"Teka? Wala naman akong ibig sabihin ah? Bakit biglang ganyan ang tanong mo? Tsaka mabait lang talaga si mr. Garcia kaya ganon siya. Walang ibig sabihin yun" sagot.

"Paanong wala? Kitang kita ko kung paano lumungkot yung tao, babae ako aye. Kaya alam ko na may gusto saiyo iyong mr. Garcia na yon" biglang sabat naman ni ayesha.

"Tumigil ka nga diyan ayesha. Baka mamaya may makirinig saatin. Boss namin yun. Malabong mangyari yun. Tsaka malabong magustuhan ako non mabait lang talaga si mr.garcia saaming lahat"

"At paano kung meron nga? Papatulan mo siyempre" biglang sagot naman ni mr. Cordova na naririnig pala ang pinaguusapan namin. Bigla naman akong natahimik sa tanong niya. Basta pagdating sakanya parang hinihila ang dila ko.

"At sino namang hindi sir? Bukod sa gwapo si mr. Garcia, mabait mayaman pa." Biglang sagot naman ni ben. Hinampas naman siya ni ayesha sa balikat.

"Kung sabagay. Pag bakla nga naman kahit sino papatulan" sagot naman ni mr cordova na biglang kinatahimik naming lahat, sasagot pa sana si ben pero pinigilan na siya ni ayesha. Habang ako. Yumuko nalang. Mukhang hindi kami magkakasundo ni mr.cordova sa magiging trabaho ko sakanya. Pero wala na naman akong choice. Sana lang mapabilis nalang ang paggaling niya para mapabilis din ang pag-alis ko sakanya. Mukhang may galit siya sa mga bakla. Hindi ko rin naman siya masisisi. Dahil sa ginawa ko sakanya. Titiisin ko nalang muna. Hanggang sa gumaling na siya.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.5M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
18.3K 636 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞