The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Twenty-One

199K 5K 1.1K
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-ONE

NANINIWALA si Sapphire sa "divine intervention". Iyon bang lahat ay handa na at tila wala nang makakapigil para gawin ang isang bagay pero sa hindi maintindihang pangyayari, hindi matutuloy ang planong gawin.

Katulad ngayon. Kinakabahan siya pero ready na ready naman sa "hashtag-Galawang-Johann-Version-2.0", ngunit may "divine intervention" na naganap.

Pababa na ang mga labi ni Johann sa leeg niya nang biglang may kumatok nang malakas mula sa gate.

"Saphi? Saphi, baby? Knock knock!"

Her eyes widened. "Si Mommy!"

Agad na napatayo naman si Johann at napakamot sa leeg. "Sandali lang po, Mommy!" Sigaw nito. Tinulungan siya nitong bumangon at ayusin ang sarili niya. "Love ko Nanay mo pero parang wrong timing siya, ano? Nakakainis," nakangising sabi nito.

She has the same sentiments but she just shrugged it. "Sige na, Mister. Open the gate."

Lumabas naman agad ito para pagbuksan ang Mommy niya. Mabilis naman siyang nag-isip. Ano kayang kailangan ng Mommy niya? Kinabahan na din siya. Parang awkward pa na magkaharap sila ng ina lalo na sa mga sinabi niya rito kaninang hapon.

Magkasabay na pumasok ng bahay ang Mommy niya at si Johann.

"Mommy..." She forced a smile. "I---"

Sinugod siya nito nang mahigpit na yakap bigla. "M-Mom..."

"I love you, Saphi. I love you so much," bulong ng ina. She cupped her face and her mother's already teary eyed. "And I'm so sorry if you feel that I have neglected you."

Tumikhim si Johann. "Maiwan ko po muna kayo," magalang na paalam ni Johann bago tumingin sa kanya nang makahulugan. Pagkuwa'y pumasok na ito sa loob ng kuwarto nila.

"Mommy, I've told you already that I understand naman. You don't have to say sorry."

"No, anak." Napabuntong-hininga ito. Her mother looked stressed.

Napaupo sila sa sofa. "Nagulat ako sa mga sinabi mo kanina. B-believe me or not, I wasn't aware na ganoon na pala ang tingin mo sa'kin." Hinawakan nito ang kamay niya. "I'm sorry, my baby. Mommy failed you... Tama ka, I realized all of these years, wala akong inatupag kundi maghanap ng boyfriend. Gusto ko lang naman na...n-na magkakaroon ka ng Daddy pero..." Napayuko ito. "But looks like hindi naman iyon yung nagawa ko. Rason ko lang ata iyon para mapagtakpan ang pagka-selfish ko. Sapphire, I'm sorry... Mommy's sorry... Hindi ko naman kasi alam na may kinikimkim ka na because I thought everything's cool with you..."

She sighed and hugged her mother who was in tears already. Ayaw niyang nakikita ang Mommy niya na umiiyak. Mabigat sa dibdib. Tapos siya pa ngayon ang rason kung bakit umiiyak ito.

"M-mommy...don't cry. Okay na. I still love you kahit anong mangyari."

"I was young and immature then. Looks like I never grew up, baby. Akala ko, I was doing my duties as a mother already by the thought of finding a father for you. Pero nag-asawa ka na at lahat, I never got married." Hinaplos nito ang buhok niya. "Desperada na rin siguro ako, Saphi. Tumanda na 'ko nang ganito pero kahit isa sa mga lalaking minahal ko...hindi nila ako ganoon kamahal para alukin ng kasal. Parang walang tao ang gustong samahan ako hanggang dulo."

Saphi pouted. "Ako, Mommy. I want to grow old with you. I will take care of you."

Tinitigan siya ng Mommy niya at napangiti ito. "Oh, Sapphire..." Niyapos na naman siya nito. "You don't know how much happiness you always brought me since the day that I first held you."

"H-Huh? I m-made you happy?"

"Of course! Kapag umuuwi ako noon sa mansyon after a break-up, tinititigan lang kita nang natutulog ka noon and I find myself smiling. After a heartbreak, you, Saphi...a mere sight of you brings hope to me. Dahil sa'yo, laging may pag-asa sa'kin na makakakilala rin ako ng lalaking tanggap tayong dalawa. I mean, kung mahal niya ako, tanggap nila ako kasama ka. From all the relationships I've been with, ang unang concern ko ay kung seryoso na ang isang relasyon, dapat tanggap ka ng lalaking iyon."

Napakurap-kurap si Saphi. Napapasaya niya pala ang Mommy niya...

"You know why no relationship had worked out? Dahil nakikipag-break ako sa lalaki kapag hindi ka nila tanggap. Di bale nang mahal ko siya pero pakakawalan ko siya. I'll just cry for a while. Pero ayos nang umiyak ako over a heartbreak, kaysa naman manatili akong magmahal ng lalaking hindi ka tanggap na parte ng pagkatao ko. At the end of the day, I will always have you, Saphi." Napayuko na naman ito. Her shoulders were shaking. "I-I'm sorry that I made it look like you never have a value for me, anak. Please forgive me for making you feel that you never made me happy. But, i'm telling you that's not true. Nagkamali lang talaga sa pagpili ko ng priorities. I was busy finding a perfect father for you but I forgot being mother to you. Saphi, baby, please... I know it's already too late, but let Mommy make it up to you."

"Mom..." Nakusot ni Sapphire ang mga mata. Ayaw niya nang umiyak dahil nag-effort kanina si Johann na patawanin siya at pasiyahin pagkatapos ay iiyak na naman siya? Pero kasi...naiiyak siya dahil parang tumataba ang puso niya sa mga sinabi ng Mommy niya. Hindi niya inaasahan na malaman ang mga iyon. Dapat pala noon niya pa sinabi ang mga hinanakit rito para maaga nitong nalaman ang side niya.

But, maybe, the time now was just right.

"I love you, anak. I love you. Hindi mo lang alam kung ilang beses akong nag-regret that I was not able to come to the special days of your life dahil lang inuna ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano pa'kong babawi pero--"

"Mommy, you don't have to. The fact that I know now na napapasaya pala kita...na napapansin mo pala ako dati...na you always consider me in every relationships that you had...oh, Mommy, it's all okay now."

Her mother loves her truly in her own way.

Niyakap ulit siya ng Mommy niya na parang yakap nito sa kanya noong mas bata pa siya. Sumubsob siya sa dibdib nito.

"I guess, the happily ever after that I wanted to have for a very long time was already with me," bulong ng ina. "It's you, anak. You're my happily ever after."

Mas humigpit ang yakap niya sa ina at hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Sapphire.

Ugh! Too much love for that night!

Thank you, God! You did hear my silent cries before. I almost thought You don't love me until Johann.

>>>>><<<<

LUMABAS ng kuwarto si Sapphire pagkagising na pagkagising niya kinaumagahan. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ay pinili nitong mag-overnight doon. Na-excite si Sapphire na makatabi ang ina kaya pumayag siya. Magkatabi sila sa higaan sa kuwarto habang ang kanyang mister na si Johann ay sa sofa natulog.

Okay lang naman daw rito dahil alam nitong gustung gusto nilang mag-ina na mag-catch up agad sa isa't isa.

She yawned as she head towards the living room. Nakita niya si Johann na natutulog pa sa sofa at nakatakip ang isang braso nito sa mga mata nito. Lumuhod siya sa tabi ng sofa at kinintilan ng halik ang mga labi nito.

Naalimpungatan si Johann. Naalis nito ang braso na nakatakip sa mga mata at mapungay ang mga mata nang dumilat.

"Misis..." He murmured with a hint of smile in his lips. "Ikaw ba ang nagpatikim sa'kin ng true love's kiss?"

Sumiksik siya sa tabi nito kahit di na sila kasya sa sofa. Pero nagkasya na sila dati kaya para-paraan na lang. Nasa loob na siya ng mga bisig ni Johann.

Tumingala siya at muling hinalikan ito.

"Ang sarap naman. Isa pa."

She kissed him again.

Napangiti ito habang nakapikit na ulit. "Ang sarap naman talaga ng mga ganitong panaginip."

Napakunot-noo siya. "Stupid. Hindi ka nananaginip."

Humigpit ang pagyapos nito sa kanya. Dumapo pa ang isang kamay nito sa hita niya. Marahan iyong humaplos pababa at pataas. Pinisil pa nito ang hita niya. "Ay, totoo nga!" bulalas nito pero nakangisi.

Tinapik niya ang kamay nito sa hita niya. "Huwag mo 'ko hipuan!"

"Hashtag galawang Johann!"

She laughed. "Ugh! Umayos ka nga. Baka magising at lumabas si Mommy. Nakakahiya kapag naabutan niya tayong--"

Hinalikan siya nito. Natawa siya dahil nakanguso ito at paulit-ulit lang na sumasayad ang mga labi nito sa labi niya.

"You're disgusting."

"Gusto mo naman." Lalong ngumuso ito at hinalikan pa siya lalo. "Mas masarap ka pa sa Yum burger ng Jollibee. Yum yum yum yum yum! Ensherep!" anito sa pagitan ng mga halik. Mas lalo pa nitong niyakap ang baywang niya. Halos nasa ibabaw na siya nito.

She giggled like a little girl. Sometimes, she does not really like how Johann plays with his language. Hindi siya sanay makarinig na ganoon magsalita ang lalaki dahil sa society na kinalakihan niya, laging pormal o kayabangan magsalita ang mga iyon. But then, Johann is Johann.

"Kumusta na kayo ni Mommy?" tanong nito pagkatapos siyang halikan sa mga labi. Cheeks naman nito ang pinanggigilan niya ng halik.

Hinayaan niya lang ito. "Oh, we're so much fine. I mean, settled na lahat ng issues ko sa kanya. Kung alam ko lang na kailangan ko lang sabihin 'tong lahat para ma-realize ni Mommy, ginawa ko na sana noon pa."

"Eh, bakit nga ba hindi mo kinompronta ang mommy mo noon pa?"

"I guess, masyado rin talaga akong ma-pride. Ayokong ako ang lalapit sa kanya. Gusto ko siya ang lumapit sa'kin kasi siya naman ang nagkulang. But I learned that sometimes, it does not work the way. If I have issues with her, sabi niya, mas magandang sabihin ko agad." Napabuga siya ng hangin. "I guess, you're right from the first time you told me how conceited I am. Dapat babaan ko rin ang pride ko."

"Nababaan mo naman. Tumira ka sa bungalow na to, naglilinis ka na ng banyo nang walang angal, namamalengke ka kahit maputik, hindi ka nag-e-aircon kapag hindi pa oras ng pagtulog, at..." Inangat nito ang baba niya at sinalubong ang mga tingin niya. "Natutunan mo 'kong mahalin," marahang sabi nito ang ikiniskis ang tungki ng ilong sa ilong niya. "Isang man-hater na future bookstore owner na-inlove sa isang poging teacher...perfect!"

She pouted. "Hindi ko talaga alam bakit ako na-inlove. Seriously, hindi pa 'ko na-i-inlove before. Ayoko nga kasi sa lalaki and I have issues in life but then..." Napangiti siya at sinubsob ang mukha sa leeg nito. She sighed. "Pa'no mo nagawa iyon, Mister? Yung sa wedding vows mo...how did you turn my bitterness into sweetness? How did you fill my everyday with sweetness?"

"Galawang Johann 'yan, eh," pagmamalaki nito at saka tumawa.

Yeah. He has the most unlikely but adorable moves. "I love you, Mister."

Napakunot noo siya nang maramdamang nanginig ito. Agad niyang inagat ang ulo. "What happened?"

Nakapikit ito at pinipigilan ang pagngiti. "Putek."

"Huh?"

"Kinilig ako, pucha! Huwag kang ano..." Bigla itong napatakip ng mukha gamit ang mga kamay. Napansin niya rin ang pamumula ng tainga nito at ang pigil nitong pagtawa.

Napailing-iling siya pero napapangiti. Ganoon pala kiligin si Johann?

"Mister, can we continue na your version two-point-O?" she curiously asked, half-teasing because most probably, they can't do it dahil nandoon pa ang Mommy niya.

Nanlaki ang singkit nitong mga mata nito. Nasa baywang niya na muli ang mga kamay nito.

"Pero saan tayo...mag-a-ano?" tanong pa nito. Anticipating. Napalunok pa.

"Sa CR," she suggested. Pero pinapaasa niya lang ito. She's just teasing Johann. Ayaw niya namang ang first time niya ay sa CR lang. Not so ideal.

"Huwag doon. Gusto ko sa komportable ka. Yung relaxed ka. First time mo, di'ba? Tapos sa CR pa? Hindi naman pagpaparaos ang gagawin natin. Ayokong nakikipag-sex para makaraos lang. Walang puso iyong ganoon. Dapat with feelings. Para lasap na lasap," prankang sabi nito.

Aww! Johann, wala ka nang katulad. Good thing, I got you.

"Di bale, Misis, kapag hindi mo na first time, experiment tayo. Healthy iyon. Kahit papaano, maganda ring i-Johann ka sa bawat sulok ng bahay. Bwa-ha-ha-ha!"

Binatukan niya ito. "Anong i-Johann?"

Ngumisi ito. "Alam mo na. Hashtag 'galawang-Johann-pinaka-hot-na-version'. Kapag na-Johann ka, wala ka nang kawala. Akin ka na forever."

"You like playing with words, huh? Dami mong pauso."

Kumindat ito. "Kasama iyon sa 'galawang-Johann', ano ba?"

"Akin ka lang, ha? I mean, that silly hashtag of yours. Gusto ko, sa'kin ka lang ganyan."

"Yung friendly na nanlalandi? Sure! I love you, Misis!" Nanggigil na kinagat nito ang balikat niya.

"Hey! Magkakaron iyan ng mark!"

"Ay, sorry sorry." Tumawa pa ito habang hinahalikan ang balikat niya. "Hindi pa pala ako nagtu-toothbrush."

"Same here."

"Hindi ba disgusting iyon?" Ginaya pa nito ang maarte niyang tono.

"Nah. I love you anyway, Morning breaths don't matter."

"Sandali."

"What?"

"Kinikilig na naman ako."

"Crazy!"

"Sapphire."

"What?"

"Salamat."

Napataas siya ng kilay. "For what?"

He smiled. "For making me happy."

Napalunok siya. "W-Wala naman akong ginawa... Ikaw nga lagi ang nagpapasaya sa'kin."

"Ang malamang mahal mo 'ko at nagbukas ang puso mo para sa isang lalaki na kagaya ko, sobrang pinasaya mo na'ko. Pakiramdam ko, ang pogi-pogi ko!"

"Ako din."

"Feeling mo, poging pogi ka din?"

Hinampas niya ito at tumawa pa ito. "What I mean is, I'm happy also for making me feel like I'm the only girl in your eyes..."

"Ikaw lang din sa puso ko. Pati sa isip ko. Kulang na lang, pati atay, baga, at bato ko, isigaw ang pangalan mo."

"Ugh! Gayness! Just kiss me."

Ngumuso ito. "Ikaw naman mag-effort abutin nguso ko. Masakit kaya sa leeg---mmm! Mmm... Mmm! Yum yum!"

>>>>><<<<

Feeling ni Johann nasa cloud nine siya. Tapos hinehele siya ng mga anghel. Bakit ba? Masaya kayang magmahal at mahalin. Salamat naman at minahal din siya ng taong mahal niya. Akala niya, epic fail na naman siya at mare-reject.

Parang tanga na siyang hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi habang naghuhugas ng pinggan. Linggo nang araw na iyon. Katatapos lang nilang magsimba ni Sapphire pero wala sa bahay ang misis niya ngayon dahil pumunta ito sa mall kasama ang biyenan niya.

Masaya talaga siya para sa asawa. Sa wakas, tapos na ang issue nito sa ina. They're both catching up now. Tuluyan na talagang lalambot pa sa malambot ang puso ng asawa niyang makinis ang legs.

"Tao po!"

Pinatay ni Johann ang gripo. "Sandali lang!" sigaw niya at saka itinaob ang plato sa lalagyanan. Nagpunas siya ng kamay at agad na lumabas para buksan ang gate.

"Ano pong kailangan nila..." his voice faded as his smile went away.

"Johann...H-hi!"

Parang kakapusin siya ng hininga. Pucha na iyan. "C-Czarina..." Napakurap siya. Totoo talaga. Nasa harap niya ang babaeng halos lagpas dekada niyang minahal... pero walang naging katugon.

"Buti nakita na kita. Hindi kasi kita masaktuhan sa--"

Natigil ito sa pagsasalita dahil sa gulat nang bigla niya itong niyakap nang mahigpit.

He missed her.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

321K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
11.9M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
17.5K 259 10
WALANG HIHINGA! WALANG HIHINGA! Char hahaha De, para sa mga naghahanap ng story guide ni Lena. Bisita po muna kayo rito para alam ninyo kung ano ang...
3.1M 73.4K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...