Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

473K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Simbang Madaling-araw
Da Moves
Effort
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Bittersweet
Smile
Medyo Awkward
#SelosKills
Truth or Consequence
Past and Present
palusot.com
Loner Or Nagpapaka-loner?
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Sampal
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

A Big NO

13.1K 492 19
By theashtone

A Big NO

Ivan's P.O.V.

Nagising ako the next day na sobrang sakit ng katawan. Namimigat ang pakiramdam ko nung bumangon na ako.

Nagulat ako nung nakita ko si Grey na nakahiga sa couch. Tulog pa rin. Tumingin ako sa alarm clock na nasa bedside desk ko.

Thirty minutes past six na. Eight ng umaga ang pasok namin.

Bumangon na ako at ginising ko na si Grey.

"Good morning," bungad niya sakin.

Inirapan ko lang siya. "Ba't diyan ka natulog? Alam mo ba na may anim na kwarto dito sa bahay at dalawang guest room? Kahit bigyan mo ng tig-i-isang bed yung anino mo, kuluwa mo, at yang katawang lupa mo eh may space pa rin," sabi ko habang kumukuha ng tuwalya.

"Binantayan kita. Ni hindi ka na nga makagalaw kagabi sa sakit ng katawan mo," sagot naman niya.

"May uniform ako dito, kumuha ka na lang," sabi ko naman.

"Don't worry. Nung nakatulog ka na kagabi eh umuwi muna ako at kumuha ng extra uniform," sabi niya.

"Okay." Sagot ko naman sabay sara nung cabinet ko.

"Magluluto lang ako ng breakfast," sabi niya sabay bangon at diretso labas ng kwarto ko.

Huminga lang ako ng malalim.

Inunat ko ng konti yung katawan ko pero sobrang masakit pa rin yun. Pagtingin ko sa katawan ko eh panay pasa ako sa braso at tiyan.

Di ko pa rin maiwasan na hindi mainis kapag may umiinsulto sa mga taong mahalaga sakin.

Wait..

MAHALAGA? Tange..

Ayoko lang na may umaalipusta kay Grey. Masyado na siyang maraming ginagawa para sakin kaya naman kahit maipagtanggol ko man lang yung dignidad niya eh okay na para naman masuklian ko yung pagmamalasakit niya sakin..

Teka.. Teka.. Teka..

Kelan pa ako nagkaroon ng pakialam kay Grey? Niyugyog ko na lang yung utak ko para maalis yun sa isip ko.

Kung nagrereklamo siya dahil cold ako sa kanya pwes sorry na lang siya at di na yun magbabago. Kasalanan niya kung bakit hindi na ako ang Ivan na dati niyang nakilala.

Tapos pagbalik niya dito sasabihin niya na sorry? After two years siyang mawala babalik siya na parang walang nangyari? Swerte niya..

"Ang tagal mo maligo. Mas matagal ka pa kesa sa babae.."

Bigla akong napatalon at nagtakip ng tuwalya sa bewang ko.

"ALAM MO BA NA ANG PAGIGING PA MO EH HINDI EXTENDED SA CR NA TO?! KAYA KO MALIGO MAG-ISA!" Sigaw ko.

"Nakahain na yung breakfast. Tsaka don't worry, di ko naman nakita. Tsaka wala ka namang dapat itago sa katawan mo. Makinis naman.."

Binato ko siya nung container ng shampoo ko. Pero nakalabas na muna siya..

After kong makapagpalit eh bumaba na ako sa kusina. Nakaligo na rin siya at nakaupo na sa mesa.

"Ba't mo pa ako hinintay?" Tanong ko sabay upo.

"Masyado naman akong walang ugali kung mauuna ako kumain. Bilis na, baka ma-late pa tayo," sabi niya sabay sign of the cross.

Kahit simpleng bacon, itlog, tinapay, at sausage lang ang breakfast namin eh iba talaga ang lasa kapag si Grey na ang nagluto.

Kumpara naman sa luto ko na minsan sunog..

"Mamayang hapon hanggang three lang tayo, so gusto mo pa mag-McDo? Tanong niya sakin.

"Libre mo pa rin?" Tanong ko.

"Oo na! Ikaw tong mayaman ikaw pa nagpapalibre.." Sabi niya.

"Nagtitipid ako," sagot ko naman.

"So sasama ka nga?" Tanong niya.

"Yeah," sabi ko naman.

•••

"Hintay lang ah, may kukunin lang ako sa locker ko," sabi sakin ni Grey.

Kakatapos lang ng klase namin kaya naman habang maaga pa eh inaya na ako ni Grey na pumunta sa pinakamalapit na McDo dito.

Sumandal naman ako sa pintuan nung locker room. Nasakto naman nun na may pumasok na mga classmates namin.

"Grey! Buti naman nakita kita. Nagkaproblema kasi tayo sa project natin na ipapasa bukas. Nandun yung groupmates natin sa room, pwede ka ba sumama? Madali lang to," dinig kong sabi nung classmate namin.

Huminga ako ng malalim at tumitig ako palayo.

Naramdaman ko na papalapit sakin si Grey kaya naman nagpaka-poker face agad ako.

"Uhm.. Keith. Nagkaproblema daw kami sa project ng group namin eh. Kailangan daw ako agad. Could you wait? Or mauna ka na lang sa McDo?" Alanganin niyang tanong sakin.

"Uuwi na lang ako," sagot ko naman sabay ayos ng sling bag ko.

"Wait! Hintayin mo na lang ako sa McDo okay? Please? Susunod ako agad." Sabi niya.

Tinitigan ko siya sa mata bago ako huminga ng malalim.

"Fine," sabi ko naman sabay talikod.

So wala akong nagawa kundi ang maglakad mag-isa papunta ng McDo. Maaga pa naman kaya napagbigyan ko pa si Grey sa request niya. Wag lang siyang magtatagal kundi titirisin ko siya.

Pagkarating ko sa McDo eh um-order muna ako ng isang float at isang regular na fries. Para naman hindi ako mabore sa paghihintay ko sa kanya.

Tumanaw ako sa bintana. Dati na namin tong ginagawa ni Grey nung hindi pa siya umaalis sa Pilipinas. Mga Grade Six kami nun. Ako pa nga yung parating nag-aaya sa kanya na pumunta rito.

And DATI yun.. Bulong ng matinong parte ng utak ko. Ba't ba ako panay kaka-alala kung ano ang nakaraan na? Hayy.. What matters is the present.. Matagal nang nawala ang dating Ivan na nakilala niya..

I can be friends with him, pero hindi na gaya ng dati na parang kapatid ang turing ko sa kanya.. Parang vase lang yan, pag nabasag, maibalik mo man sa dati, may lamat na..

3:45 pm. Wala pa rin si Grey. Kinain ko na lang yung fries ko. Baka medyo na-delay lang ng konti tsaka malamang naglalakad na yun papunta rito. Fifteen minutes pa lang ang nakakaraan nung dumating ako rito..

4:15 pm. Tunaw na yung float ko. Karton na lang ang natira sa fries ko pero wala pa rin si Grey. Medyo naiinip na ako at manaka-naka akong tumatanaw sa labas ng bintana. Asan na ba ang mokong na yun..

4:45 pm. Isang oras na ako ritong nakanganga. Nag-iinit na rin ang tenga ko.. Umabot na sa five hundred yung pagbibilang ko pero hindi pa rin naaalis yung pagka-irita ko.. Yuping-yupi na yung container ng float ko dahil sa pagkuyom ko doon..

5:15 pm. Medyo madilim na sa paligid.. Di ko na kinaya yung pagka-irita ko at umalis na lang ako.. Nakakuyom yung palad ko sa sobrang inis.. Lagpas isang oras ako dun na tumunganga wala pa rin siya? Anong akala niya sa pasensya ko? Unlimited?

At umasa naman ako na makakarating siya. Kelan pa ba yun tumupad sa promise niya? Masyado ata akong nag-expect..

Tumayo ako dun at pumikit.. Bilang hanggang sampu..

Huminga ako ng malalim pero naiinis pa rin talaga ako..

"Ivan.."

Bigla akong napadilat at mas lalo pa akong nanginig sa galit.

"Salamat sa libre.. Nag-enjoy ako. Sa uulitin ha?" Sabi ko sa nanginginig na boses diretso lakad.

"Ivan.. I'm sorry.. Hindi ko naman inakala na ganun katagal aabutin yung pag-aayos namin sa project namin-"

"Eh di sana nagsabi ka na lang para di ako dun tumunganga! Buti pa kung umuwi na lang ako may napala pa ako!!" Sabi ko.

"Sorry-"

"Madali lang sabihin no? Ganyan ka naman eh! Puro ka sorry! Sa bagay, ganyan ka naman talaga, kelan ka pa ba tumupad sa pangako mo?!" Sagot ko at naglakad na ako palayo.

Hindi na nagsalita pa si Grey pero nararamdaman ko na nakasunod pa rin siya sakin.

Pagkarating ko sa bahay eh sumunod pa rin siya sakin. Pero pagdating ko sa pinto eh pinigilan ko na siya.

"Hindi ka welcome dito," sabi ko at isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan niya ako.

"Sorry na nga. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari eh di sana sinabihan na kita para di ka na naghintay. Sumunod naman ako sa McDo pero wala ka na dun," sabi niya.

"Wala akong pake," sagot ko naman sabay balibag pasara nung pinto.

"Keith! Sorry na nga! Di ko na uulitin!" Sigaw niya

"Hindi na talaga yun mauulit!" Sigaw ko naman pabalik.

"Wag ka naman kasing selfish! Mahalaga rin naman sakin yung project namin!" Sabi niya.

Bakit ako hindi ba ako mahalaga sayo? Yun yung unang pumasok sa isip ko pero buti na lang at napigilan ko pa yung dila ko.

"Hindi ako selfish! At hindi kita inaangkin!" Sigaw ko naman pabalik.

"Di ako dito aalis hangga't di mo tinatanggap sorry ko!" Sabi niya.

"Wag kang maarte! Hindi to eksena sa love story! Hindi kita pagbubuksan! At hindi rin kita papapasukin dito kahit umulan pa diyan!" Sabi ko.

Sakto naman nun na kumulog at maya-maya pa eh bumuhos na yung malakas na ulan.

Lord naman eh..

"Manigas ka diyan kakahintay!" Sigaw ko naman.

Pero di na siya sumagot. Sumilip ako sa may bintana pero nandun pa rin siya nakatayo. Basang-basa na sa ulan.

"Hindi to Wattpad story na pagbubuksan kita tapos papapasukin kita tapos magso-sorry ka ulit then pagkatapos magbabati na tayo!" Sabi ko sabay akyat sa kwarto ko.

11:15 pm.

"Ano? Gusto mo magkasakit? Sige diyan ka lang!" Sabi ko naman at nakayuko kong niluwagan yung pinto.

"Pinapapasok mo na ako?" Tanong niya sabay hatsing.

"Ayaw mo? Sige wag," sabi ko sabay sara ng pinto pero natabig na niya yun at ako naman yung natamaan sa mukha nung pinto.

"Uy sorry.. Di kita nakita.. Masakit?" Sarkastikong tanong niya.

"Umbagan kita ng pinto tapos tanungin kita kung masakit?" Sabi ko na hawak ang ulo ko.

Nagtanggal na siya ng uniform niya. Pero nataranta ako bigla nung pati t-shirt niya eh tinatanggal na niya.

"May tatlong CR dito sa baba. Bawat kwarto sa taas may kanya-kanyang CR, sa third floor may dalawa pang CR, pwede dun ka magpalit?" Sabi ko sabay bato sa kanya ng tuwalya.

Pumunta ako sa medicine cabinet at kumuha ako ng gamot. Baka kasi magkasakit pa tong mokong na to ako pa masisi.

Nag-init din ako ng tubig at kumuha ng isang super spicy na cup noodles.

Kaya naman pagbalik niya mula sa CR eh nakahanda na yung mesa.

"Wag na wag kang mag-rereklamo. Yan lang ang meron ako dito. Pasalamat ka at pinapasok pa kita. Inumin mo yan na gamot, pag nagkasakit ka at di ka nakapasok konsensiya ko pa," sabi ko.

"Kasalanan ko naman kung bakit ako dun naghintay sa labas eh," sabi niya sakin na nakangiti.

Napako na naman yung mga mata ko sa mukha niya. Pero binawi ko naman agad yung tingin ko.

"Wag ka ngang martir," sagot ko naman sabay talikod.

Tumawa siya ng marahan.

Natigilan ako dun sa kinatatayuan ko. Its been a long time since na narinig ko ang tawa niya.. Parang nag-e-echo pa yung tawa niya sa tenga ko.. Natulala ako at di nakagalaw..

"So, tinatanggap mo na ang sorry ko?" Tanong niya sakin.

"No," sabi ko naman.

"Tanggapin mo na, sincere na nga yung tao eh," sabi niya.

"Isulat mo sa papel tapos bigay mo sakin.. Tatanggapin ko," sabi ko naman.

Pero naramdaman ko bigla ang isang ulo na sumandal sa balikat ko. Kasabay nun ay ang mga kamay na pumulupot sakin mula sa likuran.

"Sorry na," bulong niya sa tenga ko.

Awtomatiko akong kumawala sa kamay niya. Hindi ako nakatingin sa kanya ng diretso..

"Grey!" Sigaw ko.

"Oh? Wala naman akong masamang ginagawa ah, humihingi lang ako ng sorry," pa-inosente pa niyang sabi.

Jerk..

"Kapag hindi mo tinanggap ang sorry ko that means araw-araw akong bibisita dito para mapatawad mo na ako," sabi niya.

"WHAT???!!!!"

"Checkmate," sabi niya na nakangiti.

Pumulot ako ng libro at binalibag ko yun sa kanya.

"Magkakasundo tayo IN YOUR DREAMS!!!!!!"

Continue Reading

You'll Also Like

16.1K 1.1K 22
Payapa, tahimik ang buhay sa probinsya.Buong buhay ni Islaw sa probisnya na sya lumaki hindi nya hinangad na pumunta sa lungsod dahil para sa kanya...
3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.4M 20.1K 39
Kakaibang kilig nina Chace at Bryce. || HEART SERIES: Thumping Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.
24K 1.6K 35
I love him.. He loves me.. But he's my brother.. We are the definition of WRONG LOVE AT THE WRONG TIME... WARNING: THIS IS NOT AN INCEST STORY! (SP...