Beloved Bastard (Completed)

Par Nickolai214

543K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... Plus

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 40

8.8K 356 24
Par Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Manila

"Hindi ko sinasadyang makinig sa pinag-uusapan ninyo ni Jako, Ivan. Pero naulinigan ko na nakipagkasira ka na sa kanya." sabi ni Lola.

Naupo siya sa sofa at sumunod naman akong naupo sa kabila. Humugot ako ng paghinga bago ko siya sinagot.

"Pagkatapos po ng nangyari sa amin ni Ralf, Lola, magiging unfair para sa lahat kung itutuloy ko pa ang pagpapakasal ko kay Jako."

Isinandal ko sa headrest ng upuan ang ulo ko saka ko tahimik na pinagmasdan ang mga dahon sa puno na nasa labas ng bintana.

"He's a nice man but I don't love him. I never did." bulong ko.

"At sino ang minamahal mo, Ivan?" sagot niya.

Umayos ako ng pagkakaupo saka ko siya tinitigan. Sa malungkot na mga mata ay inamin ko sa kanya ang buong katotohanan.

"Hindi ko kailanman naisip na mahal ko si Ralf, Lola..."

"But you love him? Don't you?"

"It seems to fall into that line," sabi ko. Nagyuko ako ng ulo, ipinatong ko ang dalawang paa ko sa couch saka ko niyakap ang mga iyon. "Pero walang pag-asa iyon, Lola. We hated each other."

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lola saka niya hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa mga paa ko.

"Hindi ka kinamumuhian ni Rafael kagaya ng iniisip mo, Ivan. Mahal ka niya. Hindi mo lamang iyon nakikita dahil mas nangingibabaw ang disgusto mo sa kanya."

"Hindi mo ako masisisi, Lola. Si Rafael na mismo ang nagbibigay ng dahilan sa akin upang kamuhian ko siya." sagot ko.

"Hindi mo kailangan magalit sa kanya. Kung ang mga materyal na bagay ang dahilan ng ay hindi mo na kailangan pa na magkaganyan. Maaari ninyong pag-usapan iyan nang hindi na kayo nagtatalo pa. Matanda na ako at ayoko kayong iwanan na ganyan kayo."

Tumigas ang anyo ko saka ko siya hinarap. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi. Pero sa huli ay nagpasya ako na sabihin iyon.

"Hindi materyal na bagay o basta selos lang ang dahilan ko kung bakit ako nagagalit sa kanya, Lola. May mas malalim na dahilan ako."

"Kung ganun ay ano ang dahilan? Bukod sa panibugho dahil naagaw ni Rafael ang atensyon ng mga magulang mo at ng pagkakaloob ni Aurelia ng villa kay Ralf ay wala na akong maisip na ibang dahilan pa."

"I saw them, Lola!" galit na sambit ko. Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. "Nakita ko si Mama na nakayakap sa hubad na katawan ni Rafael sa loob mismo ng silid ng bastardong ampon ninyo. Inakit ni Ralf si Mama kaya sa huli ay sa kanya ipinamana ang villa!"

"Dios mio, Ivan. Nagkakamali ka ng iniisip. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ginawa iyon ng Mama mo." nahihintakutan na sagot ni Lola.

"Nakita ko sila. Bago pa mangyari iyon ay napapansin ko na si Mama. Masyado siyang magiliw kay Ralf. Mas hinahap pa nga niya ang lalaking iyon kaysa sa akin na sarili niyang anak. And then I heard them. Narinig ko si Mama. Sinabi niya na hindi malalaman ni Papa ang totoo at mag-iingat na sila."

Sumeryoso ang anyo ni Lola saka niya ako pinagmasdan. Puno ng simpatya at lungkot ang kanyang mga mata.

"Iyon ba ang dahilan kaya mas pinili mo na manirahan dito kasama ko imbes na naroon ka kasama ng mga magulang mo?" tanong niya.

Tumango ako saka ako nagpahid ng mga luha. "Hindi ko kayang makita na sinisira ni Ralf ang pamilya ko. Maging si Papa ay hindi ako pinaniwalaan sa nakita ko."

"Dahil alam niya na nagkakamali ka lang ng hinala. Hindi magagawa ng Mama mo o ni Ralf ang ipinaparatang mo, apo."

"Paano ninyo nasasabi iyan? Wala kayo doon nang mga panahon na iyon. Naroon ako at narinig ko ang lahat."

Umiling si Lola saka niya ako niyakap ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

Nang kumalas na siya ay pinahid niya ang mga luha ko saka siya muling naupo sa tabi ko.

"Matagal ko na dapat sinabi sayo ito. Noon pa lang nang ilibing si Aurelia ay gusto ko nang ipagtapat sayo ang buong katotohanan. Karapatan mong malaman iyon. Pero pinigilan ako ni Lyndon. Nakiusap siya sa akin na hayaan nang maibaon sa limot ang lahat."

"Pagbalik ninyo dito mula sa San Isidro matapos mailibing si Lyndon ay binalak ko nang ipagtapat sayo ang totoo pero pinigilan ako ni Ralf. Iniingatan nila ang damdamin mo na huwag masaktan. Ngunit sa nakikita kong sitwasyon ninyo ngayon ay nakabuo na ako ng pasya. Nararapat lang na malaman mo ang katotohanan. Dahil iyon lang ang magpapalaya sa inyong dalawa ni Rafael mula sa masalimuot na nakaraan."

"Anong katotohanan, Lola? Please, sabihin na ninyo." pakiusap ko matapos niyang magsalita.

"Si Rafael ay bunga ng panggagahasa ni Manuel kay Aurelia."

Shock ang bumalatay sa anyo ko. Napakurap ako at inaanalisa ko sa isip ko ang mga sinabi ni Lola.

"A-ano ang gusto ninyong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I should have told you this a long time ago, Ivan. Iyon din ang ipinayo ko noon aa mga magulang mo pero natakot si Aurelia. Maging si Rafael."

"Si Rafael na rin mismo ang kusang umayaw noon na ipaalam sa lahat ang tungkol aa tunay na ugnayan nila ni Aurelia. Ginawa niya iyon upang pangalagaan ako at ang ina niya."

"Totoong inampon ko si Rafael, Ivan." patuloy niya saka niya isinandal ang katawan niya sa sandalan sa nahahapong paraan.

"Inampon ko siya mula pa nang isilang siya subalit hindi siya iba sa akin. Si Rafael ay sarili kong dugo, dugo ng aking dugo. Hindi man ako ang nagluwal sa kanya ay minahal ko siya na para na ring akin."

"K-kung ganon ay magkapatid kami? Pero may nangyari sa amin kagabi. Oh God!" nababahala kong sagot saka ako nanlulumong napasandal sa kinauupuan ko.

Umiling si Lola. "Hindi mo siya kapatid, Ivan. Katulad ng alam mo ay kaisa-isa kong anak si Aurelia. Dalawang taon pa lamang siya nang magpasya kami ni Adolfo noon na ampunin ang isang batang lalaki. Pitong taon noon si Manuel nang mamatay ang mga magulang niya mula sa isang nakawan noon sa hacienda. Uso pa noon ang cattle rustling. Mararahas ang mga magnanakaw. Sinunog nila ang mga kubong tinitirahan ng mga tauhan ng hacienda."

"Nakaligtas sa nakawang iyon ang batang si Manuel. Inampon at pinalaki namin siya ni Adolfo bilang sarili naming anak. Kasabay ng pagpapalaki namin kay Aurelia."

"Totoong minahal at itinuring na tunay na kapatid ni Manuel ang anak ko. Natutuwa ako na naging tagapagtanggol ni Aurelia ang aming ampon."

Nakita ko ang pagsilay ng bahagyang ngiti sa mga labi ni Lola sa parteng iyon ng kanyang paglalahad.

"Subalit lingid sa aming kaalaman ay natuto na palang gumamit ng ipinagbabawal na gamot si Manuel. Nahikayat ng mga hindi mabubuting kaibigan at kamag-aral."

Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng kapaitan. Base sa nakikita ko kay Lola ay nahihirapan siya na balikan sa isipan niya ang lahat.

Nakadama naman ako ng guilt at nakita ko na tila nahahapo na siya. Mabilis akong napatayo saka ko siya inalalayan.

Tinawag ko ang mga katulong at dinala namin si Lola sa loob ng silid niya. Mabilis namang dumating ang ipinatawag kong doktor at habang nagpapahinga siya ay nakita ko ang pagsilip ng notebook sa bulsa niya.

Kinuha ko iyon saka ko binuklat. Nakita ko sa unang pahina ang pangalan ni Mama.

Binuklat ko pa iyon saka ko napagtanto na isa iyong lumang diary. Ipinagbilin ko si Lola sa maid saka ko dinala sa silid ko ang diary.

Doon ay malaya ko nang nabasa ang lahat ng nakatagong sikreto sa nakaraan na gusto nang ilahad sa akin kanina ni Lola kung hindi lamang sumama ang kayang pakiramdam.

Aurelia Certeza's Diary

Linggo iyon at kaarawan ni Manuel. Nagkaroon sila ng salusalo sa loob mismo ng bahay na iyon sa Maynila.

Napakarami niyang naging bisita at ang iba sa mga iyon ay hindi kilala ni Aurelia. Nagsidatingan ang lahat ng kaibigan at kamag-aral ng binata.

Habang tumutulong siya sa paghahanda ng pagkain at pag-aasikaso sa mga bisita ay halos mapatalon sa gulat si Aurelia nang maramdaman niya ang paghimas ng isang kamay sa puwet niya.

Nakita iyon ni Manuel at dahil sa galit niya ay nabugbog niya ang kaklase niya saka na tuluyang pinaalis sa mansyon.

Sa kabila ng nangyari ay nagpatuloy pa rin ang handaan kahit na mainit na ang ulo ng binata.

Nagsimula na silang mag-inuman hanggang sa inabot na sila ng gabi. Dahil sa pagod sa paghahanda ay nauna nang umakyat ang mag-asawang Certeza at nagpahinga na sa kanilang silid sa itaas.

Naiwan si Manuel at ang ilan sa mga kabarkada niya. Dahil wala nang tao sa ibaba ay naglabas sila ng droga saka sila gumamit sa loob mismo ng bahay.

Nang maramdaman nila ang pagbaba ni Aurelia upang uminom ng tubig sa kusina ay mabilis nilang naitago iyon ngunit hindi ang amoy sa pagtataka ng dalaga.

Hindi na lang niya iyon pinansin at tumuloy na siya sa kusina. Ilang sandali lang ay muli na itong umakyat sa itaas.

Binulungan naman ng isang kaibigan si Manuel. "Pare maganda yung kapatid mo. May syota ba yan?"

"Gago bawal yan. Bata pa siya at maraming pangarap sina Papa at Mama para sa kanya." sagot ni Manuel.

"Pero parang masarap siya sa kama. Hindi mo ba naiisip minsan na patulan na lang siya?" bulong ng isa pa niyang kasama sa sala.

Napaisip naman doon si Manuel. Ngunit mabilis din siyang napailing.

"Hindi, pare. Magkapatid kami." sagot niya.

"Hindi naman talaga kayo magkapatid. Hindi ba sabi mo nga ampon ka lang? Kung si Aurelia ang makakatuluyan mo ay sayo lahat mapupunta ang kayamanan ng mga magulang ninyo." sulsol ng isa.

"Mag-inom na nga lang tayo. Kung anu-ano ang naiisip ninyo." sagot niya.

"Pero nakakainip ngayon. Wala man lang tayong maikakama na mga babae. Nagsiuwian na lahat."

"Tigang pa naman yang si Manuel. Iniputan sa ulo ni Mindy." biro ng isa.

Doon na nag-init ang ulo ni Manuel.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" madilim na sabi niya. Pinitserahan niya ang kaibigan saka niya iyon sinuntok ng malakas kaya napasadsas ito sa sofa.

"Ikaw kaya ang kantutin kong gago ka? Ako tigang? Tarantado pokpok lang yung si Mindy. Maraming babae ang halos maghubad na sa harapan ko."

Akma niya ulit susugurin ng suntok ang kaibigan ngunit umawat na ang mga kasama nila saka na nagpaalam na aalis na ang mga ito.

"Pare, pasensya ka na. Lasing na kasi kaya hindi na alam ang sinasabi." sabi ng isa na sinisikap na mapagaan ang sitwasyon.

Nang makaalis ang mga kaibigan ay nagpasya nang umakyat si Manuel sa itaas ngunit nakasalubong niya doon si Aurelia.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya sa sa dalaga.

"Nakarinig kasi ako mg komosyon. Akala ko ay may nag-aaway sa ibaba kaya lumabas ako."

"Wala yun. Nagpapaalam lang sila. Mga lasing na kasi." pagsisinungaling niya.

Ngumiti naman ng napakatamis si Aurelia saka niya ikinawit sa braso ni Manuel ang braso niya. Likas na sa kanila ang pagiging malambing sa isa't isa.

Inalalayan siya ni Aurelia papasok sa silid niya dahil nakita nito na lasing na rin siya. Pagkatapos ay inutusan niya ito na ikuha siya ng malamig na tubig.

Lumabas ang dalaga upang kumuha ng tubig. Inilabas naman ni Manuel ang droga saka siya muling humithit sa loob ng silid niya.

Lutang na siya sa alapaap nang makabalik si Aurelia. Binigyan siya nito ng isang baso ng tubig ngunit natapon iyon sa katawan niya dahil sa likot niya.

Mabilis naman siyang hinubaran ng pang-itaas na damit ni Aurelia saka siya nito inayos sa pagkakahiga sa kama.

"The party is successful, Manuel. Wala yata ang girlfriend mo ha? Hindi ko siya nakita kanina." sabi ni Aurelia habang kumukuha ng sando sa closet upang ipasuot kay Manuel.

Hindi niya namamalayan na masama pala ang loob ni Manuel dahil sa ginawa ni Mindy at binanggit pa ni Aurelia ang pangalan nito.

Nagmulat ng mata si Manuel saka niya tinitigan si Aurelia.

"Ang tak...sil na iyon," wika niya na lasing sa alak at droga. "Papatayin ko sila kapag nakita ko sila ng lalaki niya."

Nahintakutan naman si Aurelia sa mga pinagsasasabi ni Manuel. Mabilis na niya itong nilapitan upang iangat ang katawan at ipasuot dito ang hawak niyang sando.

"Lasing ka na, Manuel. Matulog ka na." sabi niya saka niya ipinasuot kay Manuel ang sando.

Ngunit mabilis siyang nahila ng binata saka siya inihiga sa kama. Mabilis din itong pumatong sa kanya saka siya nito siniil ng maiinit na halik.

"M-Manueeel!" tili ng dalaga.

"Mindy," bulong ni Manuel saka niya pinaulanan ng halik ang leeg ni Aurelia. Sa kanyang paningin ay ang kasintahan niya ang naroon sa ibabaw ng kanyang kama.

"Manuel, hindi ako si Mindy, ano ba!" sigaw ni Aurelia sa pagpipilit na paglabanan ang ginagawa ng binata.

Subalit lulong na sa alak at droga ang kaisipan nito at wala na itong iba pang nais gawin kundi ang makaniig ang babaeng nasa ibabaw ng kanyang kama.

Mabilis na nahubad ni Manuel ang mga damit nilang dalawa. Nagsimulang tumili si Aurelia ngunit napasok na siya ni Manuel.

Nagpatuloy ang panghahalay nito sa kanya hanggang sa tuluyan na itong makaraos.

Doon na sila napasukan ng mag-asawa. Nag-iiyak na si Aurelia habang nasa ibabaw pa rin niya ang nakatulog nang binata.

Halos maghisteria siya dahil sa kanyang sinapit. Hindi mapigilan ang walang tigil na paghikbi at pagdaloy ng kanyang mga luha.

"A-Aurelia? Anong nangyari dito?" tanong ni Don Adolfo.

Sa hindi maintindihan na salita ay naipahayag ni Aurelia ang nangyari.

"G-g-ginahasa p-po ako n-ni M-manuel," aniya sa pagitan ng mga paghikbi.

Mabilis naman siyang nilapitan ni Donya Corazon at ni Sita. Inilayo nila sa katawan ni Manuel ang dalaga at tinakpan ng kumot ang kanyang hubad na katawan.

Tinulungan siyang makatayo ng mga ito upang ilabas sana sa silid na iyon ngunit mabilis na nakabalik sa loob ng silid si Don Adolfo hawak ang isang revolver saka niya pinagbabaril ang noon ay nakadapang binata sa ibabaw ng kama.

Nagtilian ang mga babae sa loob ng silid at nabalot ng karahasan ang napakatahimik na gabi.

Matapos mapatay ni Don Adolfo ang kanilang ampon ay inatake ito sa puso at hindi na umabot pa sa ospital.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

172K 4.1K 54
What will you do if you end up in someone else body?
702K 23.5K 52
What was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up...
797K 27.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
155K 6.6K 36
Si Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga...