Incantation Academy : School...

By CuteLazyPig

95.3K 4.6K 590

To be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage unt... More

Authors note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOUGE I
EPILOGUE II
EPILOGUE III
THE POWERFUL ARTEMIS
Authors note
📍Announcement 📍

Chapter 7

2.2K 108 25
By CuteLazyPig


Chapter 7: New friend

Cassandra's POV

Pagkatapos ng usapan namin ni Miss Samantha sakanyang office ay sumunod ako sa tagasilbi para makapunta na sa sinasabi nilang magiging dorm ko daw. Naglalakad kami ngayon sa malawak ng hallway dito sa loob ng Academy at hindi kona alam kung saan ba talaga kami pupunta dahil kanina pa kami nag lalakad.


Ang sabi ay hiwalay ang dorm ng lalaki sa babae kaya sa kaliwang building kami pumasok, kung saan napaka daming pasikot-sikot sa loob. Maganda ang loob ng Academy dahil sa carpet na dadaanan mo sa bawat sulok nito. Maraming malalaking curtain ang nakasabit sa mga gilid ng hallway kung saan may daan papunta sa ibang direksyon. May mga paintings din at mga design ang dingding.


Lumiko kami sa kanan pagkatapos namin mang-galing sa kaliwa nitong sinusundan ko. Pag liko namin sa kanan ay may isa ulit malawak na hallway na tumambad saamin. Mayroong  mag kakatabing pintuan at bawat pintuan ay may nakalagay na Apelyedo sa harap. Siguro ito na ang mga dorm na sinasabi nila.


Pagkatapos noon ay huminto kami sa isang malaking pintuan sa pinaka dulo ng hallway kung saan wala nang ibang katabing pinto kundi iyon lang.


May nabasa akong nakalagay sa pinto na apelyedo.


Lancaster & Soulford

Room 367


Lumingon saakin ang taga silbi sabay yuko. "Ito na po ang iyong tutuluyan, Miss Soulford. Andito na po ang inyong gamit at isusunod ko nalang po ang iba. Mauna na po ako" sabi n'ya sabay bow ulit.


Oh? so paano na ako? andito kaya ang makakasama ko sa dorm? kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit! paano kung masungit yung kasama ko? o di kaya maldita?


Tumalikod na ang taga silbi at aalis na sana ito nang bigla ulit s'yang bumalik sa aking harap.


"Ah...Miss Soulford bago po kayo makapasok sa room n'yo ay sabihin n'yo po muna ang password. Ang password n'yo po ay surname n'yo at room number. Sabihin n'yo lang po ito at bubukas na po ang pinto. Wag po kayong mag-alala dahil may spell pong nilagay sa bawat room para boses n'yo lamang ang maaalala, kaya hindi madali mabuksan ng iba na makakaalam ng password n'yo. Yun lang po mauna na po ulit ako." paliwanag n'ya.


"Sige po." sagot ko at tinignan s'yang maglakad palayo.


Kailangan ko lang yung password. Surname lang Cass! at room No.


Huminga ako ng malalim at humarap sa pintuan.


"Soulford, 367"  sabi ko.


Namangha ulit ako nang may marinig akong click na tunog at unti unti na s'yang bumukas.


Pumasok ako sa loob at tumambad saakin ang malaking kwarto. Mayroong dalawang pinto. Isa sa kaliwa kung nasaan ang kusina at sala habang ang isa ay para ata sa kwarto. Pumasok ako sa pintuan sa kanan at tumambad nga saakin ang kwarto namay dalawang kama at dalawang study table. May pintuan sa kaliwa kung saan ang hula ko ay Bathroom.


Napakalawak at napakaganda ng loob. Lahat ng gamit ay mukhang mamahalin at bago pa. Ang mga kurtina ay kulay sky blue at ang mga guhit sa pader ay puti na may brown. Halos kumpleto sa gamit at parang 'di talaga nagagamit ang mga ito.


Lagi kayang wala ang nakatira dito? Asaan kaya s'ya? Mukhang wala s'ya dito sa loob.


Umupo ako sa isang kama na may nakalagay na gamit at napag alaman kong gamit ko iyon. Patong-patong ang gamit ko kaya napagdesisyonan ko na mamaya nalang aayusin.


Habang naglilibot pa ang mga mata ko sa kabuuan ng dorm ay biglang bumukas ang pinto sa Bathroom at lumabas ang isang magandang babae. Medyo morena, hindi katangkaran, siguro mas maliit s'ya saakin ng konti at may itim na mata at maikli at maalong buhok.


Tinitigan n'ya ako at bigla s'yang sumigaw! Naalarma ako at hindi alam kung anong nagawa kong mali. Nagsimula s'yang tumakbo papunta saakin at bigla nalang akong niyakap. Naestatwa ako sa aking kinauupuan dahil sa ginawa n'ya. Nakangiti s'ya saakin habang sinusuyod ang kabuuan ko.


"Wow! Ikaw ba si Cassandra? Ikaw ba ang makakasama ko dito sa dorm!? yieeee excited na akong makasama ka! Alam mo kasi? Alam ko yung tungkol sa alam mona!? Yung powers mo?ihhhhhh! Ang swerte ko naman at dormmate kita ayieee." kinikilig n'ya na reaksyon.


Lumayo s'ya saakin at winasiwas ang kanyang wand sa aking harap. Nagulat ako ng may lumabas na upuan doon. Inihipan n'ya ang dulo ng wand bago tinago sa pocket nito at tsaaka s'ya umupo sa upuan na nilabas n'ya gamit ang wand.


"Ako nga pala si Isabelle Lancaster at ako na ang magiging dormmate mo. opss! pwede mo pala akong tawaging Isa or Belle! bahala kana pero mas common na ang Belle pero maganda kasi 'yun pero bahala kana talaga! hahahahha" natatawa n'yang sabi saakin.


Natatawa din ako sa kanya dahil sa kadaldalan n'ya, hindi kona namalayan na ang kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng saya. Hindi naman pala masungit o maldita ang magiging dormmate ko, eh! Naaalala ko sa kanya si Meigan pero mas lamang ang pagiging madaldal nitong si Belle pero mukang masaya s'yang kasama.


"I'm Cassandra Astrea Soulford" maikli kong saad habang nakangiti sakanya.


Ngumiti naman s'ya saakin.


"Cassandra Astrea!? Ang ganda ng pangalan mo! pwedeng tawagin nalang kitang Astrea? o Sandra? kasi masyado ng common ang Cass. kaya Sandra nalang ok ba yun!? Pero wag ka mag- alala! alam ko matatawag din kitang Cass. pag tagal! hahahaha" Natawa n'yang sabi pero mas mahinahon na kesa kanina.


Baka nahimasmasan na s'ya sa pagiging hyper n'ya.


"Uhm..o-oo naman, pwede!" medyo nahihiya kong sabi.


Natahimik kami sandali. Ilang sigundo kaming ganon nang bigla s'yang tumayo at harapin ako bago nagtanong.


"So which Family and Type you belong? you know? ikaw ang may special power. Anong type ka ng Magic dito sa academy?" bigla n'yang tanong na hindi ako handa na sagutin.


Binigyan ko naman sya ng nag tatakang tingin.


"Type? anong type? wala pa akong alam sa ganyan dahil ngayon ko palang nalaman na may powers ako...Ano yung type?" nahihiya kong tanong.


Ano ba yung type na yun? type A? B? C? O baka naman type ng dugo? baka type O? AB? A? o baka naman type 1? or 2? Hindi ko alam!


Binigyan n'ya naman ako ng nag papaumanhing tingin.


"Oh? Sorry, my bad! Sa Academy kasi na ito ay may Family and Type ang power na hawak mo. Like me, ako ay kabilang sa Wizard Family at Mechanical Type ako.  It means na ang powers ko ay pang Mechanical katulad ng paggawa ng Machines at mga bagay! basta about sa Mechanical thingy" paliwanag n'ya habang nakaharap saakin. Tumango-tango lang ako para sabihing naiintindihan ko.


"Hindi mo pa alam ang Family and Type mo? pero sinabi saakin ni Miss Clever na ang makakasama ko sa dorm ay ang may Special Powers? Ano kayang power ang mayroon ka?" taka n'yang tanong.


"Hindi ko talaga alam, Belle. Hindi kami nakapag-usap ng maayos ni Miss Samantha dahil may meeting daw s'ya, pero ipapatawag n'ya daw ako." paliwanag ko naman sa kanya.


"Well, then. I won't ask you that question again.." Lumapit s'ya bigla at hinigit ako para tumayo. "Tara! I To-tour muna kita dito sa Academy dahil bukas ay simula na ng pasok mo! Ngayon ay in-excuse ako ni Miss Clever dahil nga sa iyong pag dating at sinabihan din ako na I tour kita! kaya tara na!" sabi n'ya.


Lumabas kami ng Building at tinignan ang aming paligid. Sa harap ng Building ng dorm ay may mga puno pahilera at may mga bench din sa bawat kanto. Makikita mo sa di kalayuan ang Building para sa Dorm ng mga lalaki at makikita mo din ang ibang mga Building na sa pagkakasabi ni Belle ay PE Building at Potion Building, Library at Iba pa. Mayroon ding park at garden sa di kalayuan! Sa pinakagitna ng Academy ay may malaking Building kung saan kami pumasok. Napakalaki nito na para bang ilang floor ang aabutin. Pumasok kami sa loob at lalo akong namangha ng makita ang napakagandang mga paintings and pictures na nakasabit. Dumaan kami sa kaliwa at tumambad saamin ang Hallway na napakalaki. May nadadaanan kaming mga Pinto na sa tingin ko ay Classrooms kung saan may mga nagkaklase na studyante kaya hindi kami gaanong napapansin. Lumiko kami sa kanan at tumambad saamin ang napakalaking Pintuan na kasing laki ng isang palapag na floor kung tutuusin.


Nakangiti si Belle sakin habang binubuksan ang napakalaking Pinto na iyon. Tumambad saamin ang sobrang lawak na lugar na kung saan sa dulo ay may parang mini stage. Ang sahig ay gawa sa tiles na gold, silver, blue and white at may mga palamuti sa gilid.


"This is what we called "The Center". Dito nagtitipon-tipon ang Families at pinag uusapan ang ibat-ibang matters about the Academy. Dito din ginaganap ang mga Parties, Grand Ball and other activities. If may Important Announcement na kasama ang buong Academy, ang mga Families ay pupunta sa kanikanilang Assigned places para alam agad kung anong Family ka."


"Napakalaki naman nito Belle!" Nasabi ko nalang habang nakatingala sa mga chandelier na nakasabit sa taas at mga kumikinang na display sa gilid.


Natawa naman si Belle bago ako hinila ulit papunta naman sa Cafeteria. Lalo akong namangha sa ganda ng Cafeteria dito! Napakaraming pagkain! Ikaw nalang ang kukuha! pero sabi ni Belle ay pwede ding ipautos nalang. Maraming upuan at pati mga kubyertos ay kulay ginto! Kumuha lang si Belle ng Sandwich at Juice dahil baka gutom na daw ako.


Nagpahinga kami ng konti bago nagpatuloy sa pag iikot sa Academy. Napakalawak talaga nito! Mayroon pa ngang side na parang gubat! Nang mapuntahan namin ang last building ay napagpasyahan na naming bumalik sa Dorm.


Pagpasok sa dorm ay dama kona ang pagod dahil sa ginawa naming Tour kanina ni Belle. Hindi ko din matandaan yung iba n'yang tinuro pero Familliar na ako kahit paano. Umupo ako sa kama at napansin na nakalagay na ang uniform ko sa ibabaw nito pati narin ang mga gamit ko at iba pa. 


Naisipan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Inisa isa kong lagay ang mga iyon sa tinurong cabinet ko. I put my things beside Belle's cabinet. Pati narin ang mga libro and all ay inayos kona sa aking study table. 


Pagkatapos kong maayos lahat ay napatingin ako sa may kama kung may naiwan pa ba at doon ko nakita ang regalo saakin ni Meigan bago s'ya umalis.


Hindi ko nga pala nabuksan 'to kasi madaming nangyari. Pero paano 'to napunta dito? siguro kinuha nila Guardian kasi sabi n'ya diba ang alam ng mga tao sa Ampunan ay inampon na ako, kaya dapat wala na akong gamit doon.


Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama at kinuha ang regalo ni Meigan saakin. Ano kayang laman nito? Malaki eh...


Binuksan ko ang regalo n'ya at tumambad saakin ang isang magandang bag. Sakto at walang bag na binigay sila Miss Samantha! Magagamit ko 'to dito! or baka they already know that I already have a bag so hindi na nila ako binigyan. Dali-dali kong ipinasok ang mga gamit ko na ipinatong ko sa study table sa bag. Pagkatapos ay naglinis na ako ng katawan at humiga na sa kama.


Nakita ko naman si Belle na may binabasa sa study table n'ya.


"Matutulog na ako, Belle ha. Goodnight" saad ko sa kanya.


"Oh sige Sandra. Matulog kana at tatapusin kopa ito. Goodnight!" sabi n'ya naman bago ako nginitian at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.


Napangiti ako bago umayos ng higa. Inisip ko ang mga nangyari ngayong araw. It feels surreal. I can't imagine that I'm here, In this Academy right now with my new friend named Isabelle Lancaster .

Continue Reading

You'll Also Like

447K 15.2K 47
3rd Installation of Magical Elite Academy! Read at your risk! Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #63 in Teen-Fiction #3 in Vampire #9 in Magical #5...
71.5K 2.2K 102
Curse Academy Book 2 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted." Date started: September 2,2018 Dat...
631K 23.4K 79
Naido High: School of Magic #1 March 30, 2020 - May 10, 2020
70.1K 2.3K 88
Si Lauranie ay nag-iisang anak ng mag-asawa na sina Joseph at Estilla. She lived a luxury life dahil parehong mayaman ang angkan ng kaniyang mga magu...