Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

25K 492 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 15

638 15 0
By dEmprexx

Chapter 15

Can't

Kitang-kita ko sa mga mata ni Misha ang excitement sa nalalapit na debut ko kaya napangiti ako dahil sakaniya.

"Do you have a mansion there?" Singit ni Alexa, napangiwi kaming dalawa ni Misha at nagpakawala naman ng nakakailang na tawa si Jeff.

"You're innocent" naiilang na wika ni Jeff kay Alexa pero labas sa ilong ang pagsabi niya non, na para bang sinabi niya lang iyon dahil kay Calvin na nasa tabi ni Alexa dahil sa pagtingin ni Jeff sakaniya.

"No. She's not. Stop lying Jeff just for the sake of the other one" masungit na wika ni Misha

"Misha" tawag ko kay Misha para pigilan siya "Wala kaming mansyon o malaking bahay na inaakala mo" sagot ko nalang kay Alexa.

"Oh. I thought your house is a mansion that's why Misha and Jeff seems excited about it" kibit-balikat na sabi niya tiyaka sumubo ng pagkain.

"We are excited because we will meet kind people" madiin na wika ni Misha sakaniya "And we want to experience a simple life" nagkibit ulit ng balikat si Alexa sa sinabi ni Misha.

"If you say so" may halong pang-aasar pa ang tono nito "If you're free tonight you can come to our house, we will have a party. You can come, Krizette so you can experience one" ngisi niya sa akin. Tumingin ako sakaniya tiyaka napabuntong hininga. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Calvin sa tabi niya.

"Stop it, Alexa" nagpipigil na inis ni Calvin sakaniya.

"Oh? We can't come" ngiwi ni Misha kay Alexa "We're scared of animals e" dagdag na asar ni Misha sakaniya.

"Will you two shut up?" Iritang tanong ni Calvin sa dalawa. Kagad naman nilang inirapan ang isa't-isa tiyaka bumaling si Misha sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit may sumisingit na iba riyan, halata namang hindi natin siya gustong kasama pero pinagsisiksikan niya ang sarili niya" pagpaparinig ni Misha. Magsasalita na sana si Calvin nang nagsalita na ulit si Misha "Anyway, diba may kapatid ka?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako sakaniya tiyaka sinagot ang mga katanungan niya tungkol sa kapatid ko. May kapatid akong lalaki, bunso. Six years old pa lang siya, may leukemia.

"Oh my God! Is he taking medicine? Or regular check up?" Sunod-sunod na tanong ni Misha na may halong pag-alala.

"Wala siyang regular na check up" deretsong sagot ko na ikinabilog ng mata ni Misha.

"Wh-what?" Gulantang na tanong niya.

"Why?" Takang singit na Jeff. Nakitaan ko rin ng pag-aalala sa mga mata niya. Ngumiti ako ng mapait sakanila.

"Wala kaming ganong kalaking pera" sagot ko sakanila. Natahimik silang dalawa.

"Is it okay with him?" Singit ni Alexa. This time, nakitaan ko nang pag-alala sa mata niya "Don't get me wrong my twin diagnose with the same illness. She got depress and" huminga siya ng malalim tiyaka pumikit ng mariin "end her life" halos bulong na ang huling mga salita niya. Nagulat ako sa biglang pag-open niya sa amin.

"I'm sorry to hear that" sagot ko kay Alexa. Ngumiti lang siya sa akin tiyaka pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Hindi naman nagpapadala sa hospital ang kapatid mo?" Tanong ni Misha. Umiling ako.

"Siya yung may ayaw. Minsan gusto na siyang dalhin nina mama kaso ayaw niya, naiintindihan niya kasi na hindi sapat ang kinikita nina mama sa pagtitinda at pangingisda" sagot ko.

"Hinihintay na lang niyang mamatay siya" biglaang singit ni Alexa. Kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Misha.

"You bitch!" Inis na wika sakaniya ni Misha.

"Alexa, that's insensitive" suway sakaniya ni Jeff. Nagkibit balikat si Alexa tiyaka nilunok ang kinakain niya.

"Why? I'm just telling the truth. Ganyan ang nararamdaman noon ng kapatid ko" masungit na wika ni Alexa.

"Pero magkakaiba ang mga tao. Kung yung iba napaghihinaan na ng loob at hinihintay nalang na mawalan sila nang hininga kagaya ng kapatid mo, mayroong iba na pilit nilalabanan sa kabila ng sakit na natatamo nila" paliwanag sakaniya ni Jeff. Nakitaan ko ng inis at pangungulila ang mata ni Alexa.

"Tama si Alexa" sagot ko sakanila kaya napatingin sila sa akin "Hinihintay na lang niyang mamatay siya" napabuntong hininga ako nang maalala ang gabing narinig ko siyang nagmamakaawa na mawalan na siya ng buhay. "Siguro nagtataka kayo kung bakit pero kung kayo ang nasa estado ng buhay namin ngayon, hindi na kayo magtataka. Kulang sa lahat. Kulang kami sa pera, mga ospital sa probinsiya na kulang sa pasilidad. Yung mga katulad namin na nagkakasakit, tinatanggap nalang, hinihinitay na mawalan ng buhay, wala e, walang pera, walang doktor, walang pasilidad. Paano ka lalaban sa isang giyera na wala kang dalang armas?" Natahimik sila sa sinabi ko. .

"I know one foundation who can treat your brother" tanging si Calvin ang bumasag sa katahimikan. Ngumiti nalang ako sakaniya dahil masyado na akong nahihiya sa mga tulong na naibibigay nila.

"Ayos lang" paninigurado ko sakanila "Ikaw ba mag drive, Jeff?" Pag-aalis ko sa topic na iyon.

"Yeah" medyo naiilang na sagot ni Jeff.

"Ayos lang ba sa iyo? Medyo malayo?" Nag-alangan na tanong ko. Siguro ay nakabawi na si Misha dala nang ma-emosyonal kong sinabi kanina.

"Nag land trip na kami Manila to Ilocos, kaya niya iyan" sagot sa akin ni Misha.

Kaagad din naiba ang topic at napunta sa birthday ko. Tuwang-tuwa si Misha habang nagsa-suggest ng gagawin namin sa pagpunta namin roon at sa mismong birthday ko.

"May dress ako na pwedeng pang debut. Hindi ko man nasusuot ang mga binibili ko, sayo na! Bagay sayo iyon panigurado!" Excited na wika ni Misha "Oo nga pala, marunong din akong mag make up, dalhin ko ang make up kit ko!" Dagdag pa nito, natawa si Jeff sa reaksiyon ni Misha.

"Pwede naman akong maging photographer" natatawang dagdag ni Jeff. Napangiti ako sakanilang dalawa.

"Salamat sa inyo ah" hindi ko talaga alam kung paano ako magpapasalamat sakanilang dalawa. Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan akong kagaya nila. Tatanawin kong utang na loob lahat ng kabutihan na binibigay nila sa akin.

"Ano ka ba? Ayos lang iyon. Bakit pa tayo magiging magkaibigan kung hindi rin tayo magtutulungan?" Tanong sa akin ni Misha nang nakangiti "Alam mo excited na talaga akong make up-an ka. Para kang barbie" masayang dagdag pa nito. Natawa ako sa sinabi niya.

"Mukhang na-inlove sayo ang girlfriend ko ah" namilog ang mata ko sa sinabi ni Jeff.

"Mama mo girlfriend! Duh, wala kaya tayong label" sabay irap ni Misha kay Jeff kaya natawa lang din ako.

"Walang label pero naghaharutan" singtit ni Alexa. Hindi siguro mabubuhay ang babaeng ito nang hindi sumisingit, mainit pa man din ang dugo ni Misha sakaniya.

"Oh! Shut up! Ikaw nga hinaharot mo, ayaw naman sayo" pagbabara ni Misha sakaniya.

"Paano mo nasabing ayaw niya sa akin?" Heto nanaman sila.

"Bakit? Sinabi ba niya sa iyo na gusto ka niya o assuming ka lang talaga?" Inis na tanong sakaniya ni Misha, magsasalita na sana sina Calvin at Alexa nang nagsalita pa si Misha "Yes Calvin, gonna shut up now" pangunguna ni Misha kay Calvin. Napabuntong hininga si Calvin dahil sa kakulitan ni Misha.

"Saan niyo gustong pumunta pagkatapos?" Tanong ni Jeff sa amin nang nakangiti para hindi na mag bangayan si Alexa at Misha.

"Rides" simpleng sagot ni Misha.

"Rides? Pagkatapos natin mag unli? Gusto mo bang magsuka tayo?" Tuloy-tuloy na tanong ni Alexa. Umirap si Misha.

"Sino bang nagsabing kasama ka?" Inis na tanong ni Misha sakaniya "Kaming tatlo lang nina Krizette, bahala kayo sa buhay niyo ni Calvin" napatingin ako kay Calvin na nakatiim ang panga.

"K" tipid na sagot ni Alexa kay Misha. Napangisi si Misha na akala mo'y nanalo siya sa isang debate.

Nang matapos kami sa pagkain ay sabay-sabay na kaming lumabas. Magkatabi ang kotse nang dalawa kaya pinatunog na nila ang sasakyan.

"It's so hot!" Reklamo ni Alexa at agad na sumakay sa sasakyan ni Calvin.

"Are you coming on Krizette's eighteen birthday?" Tanong ni Misha kay Calvin. Dahilan nang pagtingin ko sakaniya, napatingin din siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.

"I can't" mahinang wika niya. Naramdaman ko ang pangungulila sa mga mata niya. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya "I'm sorry" dagdag pa niya. Iwas tingin akong tumango sakaniya tiyaka napatingin kay Misha.

"Tara na?" Kung noon ay sila ang nagyaya sa akin ngayon ay ako na ang nagyaya sakanila. Marahan na tumango si Misha nang makita ang reaksiyon namin ni Calvin.

"Una na kami, bro" tiyaka tinapik ni Jeff ang balikat ni Calvin.

"Take care" seryosong wika ni Calvin. Randam ko parin ang paninitig niya sa akin.

"Kayo rin, ingat" humawak na ako sa kamay ni Misha, gusto ko man siyang hilahin pero nakakahiya.

Nakayuko lang ako at iniiwasan ang tingin ni Calvin kahit na nakapirmi lang sa akin ang mga mata niya. Napasinghap si Misha, laking pasalamat ko nang hinila niya ako palapit sa kotse tiyaka pinagbuksan sa back seat. Pumasok narin siya sa front seat at nag seat belt. Tiningnan namin sa side mirror ang dalawa na nag-usap pa bago ulit tinapik ni Jeff ang balikat ni Calvin tiyaka na ito pumasok sa kotse.

So he can't come.

Mabilis ang paglipas ng araw, Wednesday na. Ngayon ang luwas namin pauwi sa bataan, ayaw pumayag nina tita sa gusto nina Jeff pero kinausap sila ni Misha, dinahilan na para hindi sila maligaw ni Jeff. Nasa front seat si Misha, habang si Jeff ang driver. Nasa likod kaming apat nina tita, sa likuran din nang sasakyan ang mga gamit namin.

"Anong rank mo na?" Tanong ni Jeff kay Anjo nang makita niyang naglalaro ito sa rear mirror.

"Grandmaster" sagot ni Anjo habang busy sa pagpindot sa kaniyang screen, seryosong-seryoso sa kaniyang paglalaro. "Ikaw kuya?" tanong ni Anjo.

"Mythic" mayabang na wika ni Jeff. Bahagyang napangiwi si Misha nang marinig ang kayabangan ng katabi.

"Ayan diyan ka magaling tapos matutulog kana pero on game ka?" reklamo sakaniya ni Misha. Natawa si Jeff sa sermon ni Misha.

"Hay nako! Ganyan din si Anjo, imbis na matulog e naglalaro pa" singit ni tita na halatang naiinis kapag ginagawa ni Anjo iyon "Oo nga pala, parang kulang kayo?" tanong ni tita sa amin "Wala yung isa, Kriseta?" sabay baling sa akin ni tita.

"Huh?" nagtatakang tanong ko kay tita dahil hindi ko maintindihan kung sino ang sinasabi niyang isa.

"Yung pumunta sa atin noon" pagpapaalala sa akin ni tita. Si Calvin pala ang tinutukoy nito.

"Oo nga. Hindi siya kasama o susunod nalang?" Takang tanong ni ate Anj.

"Ah si Calvin po? Hindi po siya makakapunta e" sagot ko sakanila "Baka may gagawin po nasabi na niya rin po sa amin" pagpapaliwanag ko.

"What?! Pumunta na sa inyo si Calvin?" Gulat na tanong ni Jeff habang tumitingon sa amin pero binabalik niya rin ang tingin sa daan.

"Hindi mo alam? Buti pa ako na umalis non alam ko" pagmamayabang sakaniya ni Misha.

"Ahh oo, nung last day ng midterm" sagot ko kay Jeff.

"Hindi talaga siya pupunta?" Naghihinayang na tanong ni ate Anj "Sayang naman, akala ko pa naman nanliligaw na sayo iyon" muntik akong mabulunan sa sarili kong laway sa sinabi ni ate Anj, natawa bigla si Jeff dahil don.

"Ah hindi naman siya nanliligaw atem, nagtatanong lang siya kung ayos lang akong nakauwi non kasi hindi ako nakasabay" pagpapaliwanag ko.

"Eh bakit kailangan niyang siguraduhin? Bakit kailangan ka pa niyang puntahan para makasigurado? Sana nag text nalang siya. Hindi na ako magtataka kapag nagpaalam yun isang araw sa amin na nanliligaw sayo, kita ko rin sa mga mata niya no" napailing ako sa entrada ni ate.

"Nagtext naman siya ate, hindi ko lang napansin" marahan na sagot ko sakaniya. Umiling si ate sa paliwanag ko na tila hindi nakukumbinsi sa akin.

"Bakit nga kailangan niya pang pumunta? Dahil hindi ka nagreply? Hay, ang inosente mo Kriseta" stress na tugon sa akin ni ate, natawa sina Jeff at Misha sa harap.

"Hay nako karin Anjeline at ang bata pa ng pinsan mo e ano na pinagsasabi mo sakaniya" singit ni tita Anya sa amin.

Apat na oras nagtagal ang biyahe dahil narin sa traffic, isang beses pa kaming nag drive thru dahil ginutom ang dalawa sa biyahe.

Nang makarating kami ay maligaya kaming sinalubong nina mama, niyakap niya ako ganon din ako. Niyakap ko rin si Karlo na kapatid ko na naka face mask. Lagi niyang suot dahil sa sakit niya. Bumati rin sina Misha kina mama tiyaka iginaya kami ni mama sa kusina para makakain.

"Pagpasensiyahan niyo na ang munti naming bahay" wika ni mama kina Misha. Ngumiti si Misha kay mama.

"Ayos lang po, maayos naman po ang bahay niyo" tugon ni Misha.

Nag-usap kami sa hapag, kung anong nangyari sa akin sa Manila. Mabuti nalang at hindi na naikuwento nina Misha si Alexa, ayaw niya rin sigurong mag-alala sina Mama. Dahil maliit lang ang bahay namin at sina Misha ay tutuloy sa kuwarto ko, sina Tita ay kina lola matutulog. Dito rin namin balak mag new year.

Nang maghapon ay naglakad-lakad kami sa dalampasigan nina Misha, nagustuhan iyon ni Misha kaya ang dami na niyang picture, minsan kaming dalawa, minsan silang dalawa ni Jeff pero madalas siya lang mag-isa.

"Kriseta!" Nagulat ako sa isang pamilyar na boses na sinigaw ang pangalan ko.

Lumingon ako para kumpirmahin kung siya nga. Bigla akong napangiti nang makita ang pamilyar na itsura. Tumakbo papunta sa akin si Lorencio tiyaka ako niyakap ng mahigpit.

"Namiss kita!" wika niya tiyaka namin pinakawalan ang yakap namin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Namiss din kita, Architect!" wika ko sakaniya. "Oo nga pala, sina Misha at Jeff" pagpapakilala ko kina Misha at Jeff na nasa likuran ko. Nginitian naman sila ni Lorencio.

"Hello, Misha" tiyaka kumaway si Misha kay Lorecio.

"Jefferson" tipid na ngiti ni Jeff tiyaka niya ito tinanguan.

"Lorencio" pagpapakilala ni Lorencio tiyaka nag bow pa. Baliw.

"Secret boyfriend mo?" Tanong ni Misha na may halong pang-aasar, natawa si Lorencio sa sinabi ni Misha.

"Hindi. Misha" suway ko sakaniya kaya natawa si Misha.

"Jeff, you can update him" natatawang wika ni Misha na hindi ko magets kung ano "Just kidding" dugtong niya pa tiyaka pilyang ngumiti.

"Napagkakamalan nga kami noon na magjowa" Kuwento ni Lorencio.

Kasama na namin naglalakad si Lorencio sa may dalampasigan, nagkukuwentuhan din sila. Mabuti nalang at walang OP sakanila dahil marunong silang makisama. Kung nandito siguro si Calvin siya lang ang tahimik. Hays, teka nga bakit ko ba siya naiisip?

Naikuwento ni Lorencio na kapag wala siyang ginagawa ay sumasama siya kay tito sa pangingisda t'wing madaling araw. Nagustuhan iyon ni Misha kaya niyaya niya kami na sumama bukas sa pangingisda. Kaya kinabukasan ganon ang ginawa namin pagkatapos ay namasyal sa iilang lugar at iilang bayan na malapit sa amin.

Sabado, ngayon na nag birthday ko at nakaupo ako ngayon sa kuwarto, nakalagay sa lamesa ang gagamitin ni Misha sa mukha ko habang nakasabit ang dress na binigay niya sa akin. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya habang inaayos ang mga gamit niya sa harapan ko, may maliit na salamin naman doon para makita ko ang repleksiyon ko.

"Ang ganda mo talaga, hula ko wala ka man skin care?" tanong sa akin ni Misha habang nagsisimula na sa pag-aayos sa mukha ko.

"Skin care?" takang tanong ko hanggang sa napatango nang maalala kung ano iyon, base sa napanood ko sa youtube na mga beauty vlogger, skin care ay ang mga ginagamit nilang produkto bago o pagkatapos nilang matulog para mapanatili ang makinis nilang mukha "Ah wala man" sagot ko sakaniya, wala rin naman akong pambili kaya hindi na ako nag-aksaya nang panahon na tumingin sa watson.

"Tingnan mo, napaka natural naman ng balat mo" wika niya sa akin "Para akong naglalaro ng make up kasi barbie ang minemake up-an ko" papuri niya pa sa akin.

Nang natapos na siya sa pagmamake-up, umabot kami nang kalahating oras. Ika niya ay hindi na kailangan ng hard make up, mas bagay ko raw ang light dahil maganda na ako. Hindi ko alam kung binobola niya ba ako o ano. Pinasuot na niya sa akin ang dress tiyaka sinimulang ayusan ang buhok ko, inuna na niya ang pagpapasuot ng dress para hindi magulo ang buhok mamaya, kapag kasi inuna ang pag-aayos ng buhok magugulo ito kapag sinuot na ang dress.

Nagulat ako nang mag biglang kumatok, si mama ang niluwa ng pintuan kaya napatingin kami ni Misha. Matamis na ngumiti sa akin si mama halata na nagustuhan niya ang ginawa sa akin ni Misha.

"Dumating ang isang kaibigan niyo mula Manila" balita ni mama sa amin. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama, nakita ko rin ang repleksion ni Misha sa salamin na nakakunot ang noo.

"Kaibigan?" Pag-uulit ko sa sinabi ni mama bilang katanungan para makasigurado.

"Oo. Kausap na ni Jefferson" nakangiting sagot sa akin ni mama "Maiwan ko muna kayo at may niluluto pa kami" dagdag ni mama tiyaka sinarado ang pintuan. Nanatiling ganon ang reaksiyon ko.

No this can't be. Why is he here? He said, he can't.

Continue Reading

You'll Also Like

96.2K 1.7K 33
Suarez #3 [Completed] "Little do you know, how I'm breaking while you fall asleep." As I sing the first line of the song. Bawat lyrics na aking kinak...
1.3M 39.3K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
36K 1.1K 43
The Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remembe...
526K 7.9K 44
It may hurt to let go, but believe me, it hurts more to hold on. Fall in love with Tripp Marco Palma and his ways again. Written by: ireadnotes