Bed friends? (Completed)

By ellesanity

374K 4.9K 313

[Completed] We were the best of friends...in bed. No strings. No attachment. No commitment. Just for entertai... More

Prelude
Chapter 1: Bed friends?
Chapter 2: Never been in love
Chapter 3: Not now
Chapter 4: Bitch mode
Chapter 5: Crush
Chapter 6: At the bar
Chapter 7: Blind date
Chapter 8: Escapade
Chapter 9: Gravity
Chapter 10: One bad move
Chapter 11: Come what may
Chapter 12: Not-so-romantic date
Chapter 13: Never look back
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: How
Chapter 16: Savior
Chapter 17: Sorry
Chapter 18: Just friends
Chapter 19: Acceptance
Chapter 20: Let go
Interlude
Chapter 21: Not really
Chapter 22: Hang-over
Chapter 23: If only
Chapter 24: Hush
Chapter 25: Even if
Chapter 26: A little too late
Chapter 27: Damn regrets
Chapter 28: Everything has changed
Chapter 29: The ghost of you
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Why
Chapter 32: Again
Chapter 33: Daddy
Chapter 34: Can't be
Chapter 35: I won't
Chapter 36: Stay away
Chapter 38: It's complicated
Chapter 39: Shattered
Chapter 40: Still in love
Postlude

Chapter 37: Good old days

5.5K 86 1
By ellesanity

Chapter 37: Good old days

Hindi na ulit ako bumalik sa unit niya pagkatapos. Kapag nagkikita o nagkakasalubong kami, ako na mismo ang umiiwas. Napagtanto ko rin kasing nakakagulo na ako sa kanila. Ayaw ko namang maging dahilan ng paghihiwalay nila. Nagmamahalan sila, at masaya na siya sa piling niya. Isa pa, ikakasal na rin sila. Kahit pa gustong-gusto ko siyang agawin mula sa lalaking iyon, at kahit pa nais kong paghiwalayin silang dalawa, hindi ko magawa. Kapag nagkataon, kawawa ang bata. Saka ano bang laban ko? Fiance siya, bestfriend lang ako. Bestfriend na binaon sa limot.

Alam ko. Sinabi kong hindi ako lalayo kaso kinain ko na naman ang mga salitang binitawan ko. Hindi ko naman siya balak iwasan habang buhay. Kailangan ko lang ng oras para makapag-isip-isip. Kung ipagpapatuloy ko pa ba 'tong paghahabol sa kaniya kahit alam kong wala rin namang patutunguhan sa huli.

Naging boring ang mga sumunod na araw. Ibinuhos ko nalang ang oras ko sa pagtratrabaho at pagpapaunlad ng negosyo namin.

Kapag walang pasok, tumatambay ako sa isang gym na pagmamay-ari ng kaibigan ko, nagbababad sa computer, kumakain o kaya ay natutulog. Nagpatuloy iyon hanggang sa sumapit ang araw ng reunion ng aming batch no'ng high school.

Hindi na sana ako pupunta kung hindi lang ako kinulit at pinilit ng mga kaibigan ko. Nagpahuli ako ng ilang minuto dahil tinatamad ako.

Wala namang mas'yadong pinagbago ang school. Bagong pintura ang mga gusali at may ilang bagong tayong building malapit sa field. Habang naglalakad ay mataman kong pinagmamasdan ang paligid. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang binata at magandang dilag naka-suot ng school uniform, masayang nagtatawanan habang nagpapaunahan papunta sa kung sa'n. Sinundan ko sila hanggang sa marating ko ang classroom namin no'ng fourth year high school kami. Patakbo silang umupo sa may pangalawa sa huling row ng mga upuan. Inilabas ng binata ang kaniyang gitara mula sa lalagyang dala.

"Anong gusto mong tugtugin ko?" nakangiti niyang tanong sa dalaga.

"Kahit ano," nakapangalumbabang sagot ng kausap niya.

Nagsimulang tumugtog ang binata. Umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng kaniyang gitara, na maya-maya'y sinabayan ng isang pamilyar na awitin.

"I don't mean to run, but everytime you come around I feel more alive, than ever..."

Habang tumutugtog ang binata na sinabayan ng pagkanta ay tahimik lang na nakamasid sa kaniya ang dalaga. Ang mga mata nito'y sa kaniya lang nakatingin. Para bang may sariling mundo ang dalawa, hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila.

"And I guess it's too much, maybe we're too young, and I don't even know what's real. But I know I've never wanted anything so bad..."

Nang mag-angat ng tingin ang binata ay saglit silang nagkatitigan. Agad namang umiwas ng tingin ang dilag ngunit hindi natinag sa pagtugtog ang lalaki. Nagpatuloy siya sa pag-awit kasabay nang pagtugtog ng gitara.

"I've never wanted anyone so bad..."

Pagsapit ng chorus ay nakisabay na rin sa pag-awit ang dalaga. Ang kanilang tinig ay ang pinakamagandang kombinasyong aking narinig.

"If I let you love me, be the one adored, would you go all the way? Be the one I'm looking for? If I let you love me, (If I say,) be the one adored, (It's okay,) Would you go all the way? (Stay,) Be the one I'm looking for?"

Hindi nila napansing tumahimik na ang iba at sa kanila na nakatingin. Ang ilan ay napatigil sa kani-kanilang gawain at nakatutok na ang mga mata sa kanila. Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Para akong biglang nagising sa isang magandang panaginip at muling bumalik sa kasalukuyan ang lahat. Sa isang iglap, tumigil ang musika at naglaho ang dalawa mula sa paningin ko, alaala'y tuluyan nang nilamon ng panahon.

Kinapa ko ang bulsa ko, dinukot ang nasabing bagay at saka binasa ang natanggap na mensahe mula sa kaibigan ko.

From: Allen

'Tol asan ka na? Malapit nang mag-umpisa ang program.

Agad ko naman siyang ni-reply-an.

To: Allen

Ito na, pupunta na.

Pagkapindot ko ng send button ay muli kong pinasadahan ng tingin ang buong silid.

This trip brings back a lot of memories, nasabi ko nalang sa sarili.

Pumikit ako, huminga nang malalim at bumuga ng hangin. Matapos ay saka ko muling idinilat ang aking mga mata, tumalikod at naglakad papunta sa gym kung sa'n ginaganap ang nasabing pagtitipon.

Pagdating ko sa gym ay nagsisimula na ang program. May nagsasalita na sa podium kasabay nang nagpi-play na slideshow sa unahan. Nagtungo ako sa table na kinalalagyan ng mga kabarkada ko. Agad nila akong sinalubong ng bati.

"Wala ka talagang kupas! Late ka na namang dumating," nakangising bati ni Allen na may kasama pang pagtapik sa balikat ko.

"Sira! Kanina pa ako na'ndito. Nawili lang ako sa paglilibot dito sa campus," sagot ko, sabay upo sa silyang katabi niya.

Buo na sana ang barkada, kaso wala pala siya. Pati mga kasintahan nila, kasama pa. Ako, mag-isa lang na pumunta rito. Saya. Umasa pa naman akong kahit pa'no, pupunta siya. Kaso nabigo na naman ako. Sinabi niya na namang hindi siya dadalo. Sadyang tanga lang talaga ako.

"O, asan ang girlfriend mo? Bakit hindi mo sinama?" usisa ni Aero. Buti nalang narito siya, para may karamay ako sa pag-iisa. (Tangina, ang drama).

"Busy siya kaya hindi nakasama," sagot ko habang nakatuon ang tingin sa unahan. Nakatingin ako sa mga pinapakitang larawan sa slideshow.

"Busy? Kailan pa siya naging busy? Samantalang hindi kayo mapaghiwalay. Laging magkadikit," hirit ni Nica.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Imbis na sumagot ay tinuro ko ang larawang ipinakita sa unahan.

"Ang dudugyot pala natin dati," natatawa kong sabi. Lakas maka-throwback! "Si Patrick, mukhang itlog pa ang ulo! Totoy na totoy! Kalbo kinis kintab!" dagdag ko pa na sinamahan ng malulutong natawa. Pati sila, nahawa sa tawa ko.

"Ang payat ko pa dati. Ngayon ang taba ko na," naka-pout na sabi ni Nica.

"Kahit buntis ka, kahit malaki na ang t'yan mo at kahit na lumobo ka pa nang todo...para sa 'kin, ikaw pa rin ang pinaka-sexy sa paningin ko," pambobola ni Allen. Itong namang mga kasama ko, kilig na kilig sa dalawa.

Napasipol ako. "Talaga naman! Ansabi ng banat? Paturo naman master!" natatawa kong sabi.

"Sus! Hindi na kailangan 'yan! May girlfriend ka na naman," singit ni Mart.

"Huwag ka nga! Panira ka talaga! Gate crasher! Hindi ka naman invited dito! Alis," biro ko. Napasimangot siya. "Joke lang 'tol," pang-asar kong sabi sabay ngisi.

Alam niyo, hindi naman kasi namin siya classmate no'ng high school, pati na rin si Aero. Ako, si Allen, Nica at Ella ang original na magkakabarkada mula pa no'ng high school. Isama na rin natin si Yna, kahit na no'ng college lang talaga namin siya naka-close.

"Inggit ka lang kasi mag-isa ka lang ngayon. Ako, kasama ko girlfriend ko," sabay akbay sa kasintahan niya.

"Ayos lang. Na'ndito naman si Aero para damayan ako," sambit ko sabay tingin sa kabarkada ko.

"Buti nalang talaga na'ndito si Aero! Hero ka talaga," wika ni Nica. Si Yna, wala pa ring kibo sa isang tabi at abala sa pagkakalikot ng phone niya. May ka-text yata. Masanay na kayo. Madalas kasi, tahimik talaga 'yan.

"What? Am-bully niyo talaga! Dahil lang single ako, ginaganiyan niyo na ako! Antayin niyo lang! Kapag ako nagka-girlfriend, who you kayo sa akin," pagbabanta ng kumag.

Tumawa kami dahil sa sinabi niya. Pa'no, kaya naman kasi siya hindi nagkaka-girlfriend nang matino at seryoso kasi panay landi ang inuuna niya.

Takot yata siyang makipag-commit. Alam niyo naman mga katropa ko, may topak sa ulo.

"Wooohooo! Ayos lang 'yan! Hinay-hinay lang. Hindi naman tayo mauubusan," wika ko.

"Anong tayo? Ako lang! Ako lang naman ang single dito," madramang sabi ng kumag.

"Hindi kaya, may isa pa," sabi ni Nica sabay nguso kay Yna. "Kung kayo nalang kaya para masaya?" dagdag niya pa.

Walang umimik sa amin pagkatapos.

Ako na bumasag sa katahimikan, nabibingi na kasi ako.

"Break na kami."

Walang nagsalita. Hindi yata nila ako narinig. Pa'no, nakatingin na sila sa unahan at nakikinig sa nagsasalita sa may podium.

"Break na kami!" malakas kong sambit kaya napalingon sila sa akin.

"What?" sabay-sabay nilang sabi, halata sa mga mukha nila ang gulat.

"Hindi nga?" nanlalaking mga matang tanong ni Nica.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang sabi ni Allen.

"Kailan pa?" nakangangang sambit ni Aero.

"Why? What happened?" says Yna.

"Woah, woah! Hinay-hinay lang guys. Iisa ang kalaban," sagot ko nang naka-taas ang mga kamay na para bang sumusuko sa pulis.

Humugot muna ako ng buwelo saka nagsimulang magkuwento.

"We broke up almost a month ago," I answer nonchalantly.

"Ang tagal na pala! Bakit ngayon mo lang sinabi?" pasigaw na sagot ni Nica. "Sayang naman. Gusto pa naman namin siya para sa 'yo," dagdag niya pa.

"Anyway, what happened ba?" Yna asks.

"Mahirap ipaliwanag," ang tangi kong nasabi.

Naningkit ang mga mata ni Allen na kanina pa nakatitig sa akin, para bang binabasa ang iniisip ko. "Is it because of her?" tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot. Dahil dito ay nakumpirma ang hinala niya.

"Sabi na. Dahil na naman sa kaniya," umiiling niya pang sabi.

"Still into her, huh?" sambit ni Aero.

Ngumiti nalang ako nang malungkot at hindi na nagsalita pa.

Matapos magsalita ng pangulo ng batch namin sa unahan ay nagsimula na ang kainan, sinamahan ng kuwentuhan at kamustahan ng iilan. May ilan kaming classmates na lumapit sa amin at nangamusta. Habang naka-upo, tahimik na kumakain at nagmamasid sa paligid ay saka ko lang napagtanto na ang dami na palang nagbago hindi lang sa akin, kung hindi maging sa iba.

Sina Allen at Nica na tinaguriang aso't pusa ng class section namin, ikakasal na.

Si Nicholas na isa sa mga heartthrob kuno ng batch namin, nagladlad na. Lalaki rin pala ang hanap niya. Not that it's bad to be gay or what. Nakakagulat lang talaga. Ang dami kaya niyang kalandian dati, mas marami pa sa 'kin kahit na mas g'wapo naman talaga ako sa kaniya. Tapos biglang ganito?

Iyong golden couple ng section at ng batch namin, hiwalay na pala. Ang isa sa kanila, may asawa na. Matindi.

Ang iba may mga anak na. Ang ilan, single pa rin.

At ang isa naming classmate na may pagka-badboy dati, akalain mo bang magpapari na?

Halos lahat, busy na sa kani-kaniyang buhay at trabaho. Ang dami nang nagbago.

Sana lang, magbago at maglaho na rin 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.

Matapos ay nagkaroon ng palaro, sayawan, kantahan na sinamahan na rin ng inuman at kuwentuhan. Wala ako sa mood kaya lumabas muna akong gym para magpahangin. Tahimik akong naglakad papunta sa field at nagtungo sa madalas naming tambayan dati.

Malayo pa lang ako ay natatanaw ko na may isang babaeng nakasuot ng puting dress na naka-upo sa ilalim ng puno malapit sa tambayan namin. Naka-side view siya at nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok kaya natatabunan ang mukha niyang hindi ko makita nang ayos. Sa kabila nito ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ilang pagitan nalang ang layo ko mula sa may tambayan nang biglang lumingon sa direksyon ko ang nasabing babae, na siyang dahilan kaya napahinto ako sa paglalakad.

Nang magkaharap kaming dalawa ay hindi ako agad nakapagsalita. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang masilayan ko siya. Nagkatitigan ang aming mga mata na para bang nangungusap. Ilang saglit akong nakatulala sa kaniya na parang tanga nang biglang umihip ang malakas na hangin. Saka lang ako natauhan.

Tatalikod na sana ako at lalakad palayo kung hindi lang siya nagsalita.

"Uy," matipid niyang bati.

"Hi," sagot ko naman at ngumiti nang pilit. "Hindi ko inakalang pupunta ka pala," sabay tingin sa malayo.

"Ako rin. Bigla ko lang naisipan," mahina niyang sagot.

"Bakit hindi ka nagpakita sa kanila?"

"Hindi pa ako handa." Kung hindi ngayon, kailan pa?

"Gano'n ba? Sige, una na ako. Mamaya nalang ulit," mabilis kong sabi at agad na tumalikod. Hahakbang na sana ako palayo nang magsalita ulit siya.

"Bakit ka ba umiiwas? Akala ko ba hindi ka lalayo?" malungkot niyang tanong. "Akala ko ba kaibigan kita?" pabulong niya pang sabi.

"Hindi ba ito naman talaga ang gusto mo? Ang lumayo ako? Para wala nang gulo?" mapait kong sambit.

Hindi siya umimik kaya humarap ako sa kaniya. Laking gulat ko nang makitang sobrang lapit niya na pala sa akin. Halos isang dangkal nalang ang pagitan namin mula sa isa't-isa.

"Ilang araw ka nang hindi dumadalaw sa amin. Hinahanap ka na ni baby girl sa akin," malumanay niyang sagot.

"Pakisabi nalang na sorry kasi hindi na ulit ako makakadalaw at baka mapatay pa ako ng fiance mo," malamig kong sabi.

"About that, sorry sa inasal ni Raf," wika niya na para bang nahihiya.

Napa-tsk nalang ako.

"Wala ka na bang ibang sasabihin? At nang maka-alis na ako," naiinip kong tanong.

"Puwede bang dito ka muna?" paki-usap niya.

"Ano namang gagawin ko rito?" masungit kong sabi.

"Samahan mo muna ako," mahinahon niyang sagot.

"Pa'no kung ayaw ko?"

Ipinagdikit niya ang kaniyang mga palad na para bang nagdarasal at yumuko. "Please?"

I sigh in defeat.

Tumango ako na siyang nagpangiti sa kaniya.

Kumapit siya sa aking braso at nagsalita.

"Ang boring dito. Tara, maglakad-lakad tayo. Ipasyal mo naman ako rito," masigla niyang sabi.

Nagsimula na kaming maglakad. "Sa'n mo ba gustong pumunta?" wika ko nang hindi siya nililingon.

"Kahit sa'n basta maganda. Ikaw na pumili. Hindi ko naman kabisado 'tong campus," aniya.

Tumango lang ako.

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa kung sa'n man kami dalahin ng aming mga paa. Hindi pa kami nakalalayo nang magsalita siyang muli.

"Ang tahimik mo naman," sambit niya habang patuloy kami sa paglalakad.

"Ano bang dapat nating pag-usapan?" casual kong tanong.

"Sungit!"

Hindi ako nagsalita. Ilang saglit lang ay naramdaman kong dahan-dahang bumaba ang kamay niya mula sa aking braso patungo sa kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri.

"I miss holding your hand."

Agad akong napalingon dahil sa sinabi niya.

"What?" tanong niya.

Napailing ako. "Nothing." Bumaba ang tingin ko sa mga kamay naming magkahawak na ngayon.

Kahit magkasama kami ngayon, pakiramdam ko, ang layo pa rin namin sa isa't-isa.

"Kuwentuhan mo naman ako," sabi niya.

"At ano namang ikukuwento ko sa 'yo?"

"Tungkol sa kung ano ba talaga tayo dati," sagot niya. "Kung ano bang mga ginagawa natin dati, basta kahit ano, baka sakaling maka-alala ako."

"Nakikita mo ba 'yon?" tanong ko sabay turo sa puno ng mangga malapit sa mga lumang building.

"Alin? Iyong puno ng mangga?" sagot niya. Tumango ako. "Bakit?"

"Alam mo bang madalas natin 'yang akyatin dati para pumitas ng mga bunga, at para makatambay," salaysay ko.

"Talaga? Marunong pala akong umakyat ng puno?" mangha niyang sabi.

"Oo. Isang araw, nahulog ka dahil sa kalikutan mo. Pasaway ka kasi. Kitang mahuna ang sanga, tinungtungan mo pa. Buti nasa baba ako para saluhin ka," pagpapatuloy ko. "Na-guidance at napagalitan pa tayo kasi may nakakita sa 'ting teacher habang nasa may taas tayo ng puno. Tatakas ka pa sana pagkababa natin, buti nalang napigilan kita kung hindi tiyak na hindi lang pamumulot ng basura sa buong campus sa loob ng isang linggo ang inabot natin."

Those were the good, old days.

"Ang pasaway ko pala dati," natatawa niyang sabi.

"Sobra."

Maya-maya, namalayan naming nasa may tapat na pala kami ng quadrangle. Huminto ako sa paglalakad at pinasadahan ng tingin ang buong lugar. Nakita ko ang aking sarili ilang taon na ang nakalilipas, tumatakbo papunta sa may kabilang dulo kasunod ang pinakamatalik kong kaibigan. Bumaling ako sa kasama ko at nagsalita.

"Dati, madalas tayong maghabulan dito sa field. Naaalala ko, tuwing hapon, malimit tayong magpaunahan mula sa dulo ng quadrangle papunta sa tapat ng fish pond. Ang talo, nanlilibre ng pagkain bago umuwi." Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

"Sinong madalas manalo?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.

Ngumisi ako. "Tinatanong pa ba 'yan? Malamang ako," mayabang kong sagot. Dahan-dahang lumuwag ang kapit niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan nang kumalas mula sa pagkakahawak.

Humalukipkip siya at sinabing, "Hindi ako naniniwala."

"Talaga? Sige nga, paunahan tayo. Unang makarating sa may dulo ng quadrangle ang mananalo. Ang matatalo, may parusa," matapang kong hamon.

"Bring it on! Pakakainin kita ng alikabok, makikita mo."

"Yabang!" natatawa kong sagot.

"Game?"

Bago pa man niya mamalayan, kumaripas na agad ako nang takbo.

"Ang daya mo talaga!" narinig kong sigaw niya.

Saglit ko siyang nilingon. "Sabi mo kasi game na kaya tumakbo na ako," pasigaw ko namang sagot.

"Patanong kaya ang pagkakasabi ko!"

"Wala, sadyang slow ka lang talaga," pang-asar kong sagot. Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang maramdaman kong malapit niya na akong abutan.

Muli akong lumingon sa kaniya at sinabing, "Nangangalawang ka na talaga. Ang bagal mo nang tumakbo. Papayat ka minsan."

"Hindi ako mabagal. At lalong hindi ako mataba! Madaya ka lang talaga!"

Mukhang dinamdam niya yata masyado ang sinabi ko, mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo kaya muntik-muntikan niya na akong abutan.

"Wala naman akong sinabing mataba ka," paliwanag ko. Magkasabay at magkatabi na kaming tumatakbo. Ilang hakbang nalang at malapit na kami sa finish line.

"Shut up!" bulyaw niya.

Hindi ko na napigilang tumawa, naunahan niya tuloy ako. Ayos lang.

"Ha! Sabi sa 'yo, ako ang mananalo," mayabang niyang sabi at saka hinihingal na umupo sa bench malapit sa may mga puno.

"Huwag kang mayabang, pinagbigyan lang kita," sagot ko naman at saka tumabi sa kaniya. Naglabas akong panyo mula sa bulsa at pinunasan ang tumatagaktak kong pawis.

"Wala ka talagang sportsmanship!"

Tinawanan ko lang ang sagot niya.

"Ang moody mo talaga. Kanina lang napakasungit at ang cold mo sa akin, tapos ngayon tinatawanan mo pa ako," nakasimangot niyang sambit. "Bipolar ka ba o ano?"

Napakibit-balikat nalang ako. Sa totoo lang, hindi ko rin kasi alam. Ang gulo ko ba? Siguro ganito lang talaga ako kapag tinotopak o sinasapian ng kung ano. 

Umihip ang malakas na hangin.

"Oo nga pala. Sinabi mo kaninang ang matatalo, may parusa," nakangisi niyang sabi. Parang kumikinang pa ang mga mata niya habang nagsasalita.

Nako, patay! Ba't kasi naalala niya pa? Kung ano pa ang dapat na kalimutan, 'yon pa ang natatandaan niya!

Napakamot ako sa aking ulo at sinabing, "Puwede bang next time nalang 'yong parusa?" sabay iwas ng tingin.

"Ay nako! Siya, sige! Ano bang reward ko?" Para siyang batang nag-a-abang ng biyayang candy o ano mula sa kaniyang magulang. Umusod pa siya sa tabi ko kaya lalo kaming nagkalapit. Dumako ang tingin ko sa kaniyang mga mapupulang labi. Napalunok ako kasi bigla nalang akong kinabahan. Anak ng tinapa! Ano na naman bang nangyayari sa akin? Saglit kong ipinikit ang aking mga mata saka dumilat at tumingin sa malayo.

"Pikit ka muna," seryoso kong sabi.

Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko.

Lalong lumapad ang ngisi sa mga labi ko. Halos manginig na ang mukha ko dahil sa sobrang pagpipigil ng tawa.

Iniangat ko ang aking kamay at pinitik ang ilong niya.

"Aray!" daing niya.

Walang anu-ano'y tumayo ako at agad na kumaripas nang takbo palayo; palayo sa kaniya at sa nakalipas na patuloy akong minumulto.

"Argh! Nakakainis! Naisahan mo na naman ako! Ang daya mo talaga! Humanda ka sa akin kapag inabutan kita!"

Siguraduhin mo lang na mahahabol mo ako, kasi huling pagkakataon na 'to.

***

A/N: Sorry sa late update, busy lang sa pag-aaral. Chos! Hinabaan ko nalang para may pambawi. Anyway, salamat sa pagbabasa! Sa susunod nalang ulit kapag may time ako.

PS: 3 updates/chapters left before the postlude/epilogue ;)

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 2K 60
PROLOGUE Every great dream begins with a great dreamer. Dalawang matapang na kababaihan ang nakikipaglaban para sa katarungan ng karamihan. Tapang...
20.1K 484 20
R18 || MATURE CONTENT Neriza and Adon Story. Her Feminine Lover Side Story 3rd Person POV Date Started: 09/26/22
1.9M 38.8K 73
"You're mine andrea at pagsisisihan mo ang pagtago mo ng sekreto sa akin"
3.4K 157 45
Peach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. C...