"anak ng, sino ka?" pagkagulat ni mama, patay ako nito
"hello po Tita" nako po huhuhuh T_T bakit tadhana ganyan ka
"hi din iho, sino ka at anong ginagawa dito sa apartment ng anak namin?" tanong nya kay Neo nakita kong lumapit din si papa sa kanilang dalawa
"ako po si Neo Cruz boyfriend ng anak nyo" nako patay na hindi marunong makiramdam sa nangyayari si Neo
Neo's POV
"ako po si Neo Cruz boyfriend ng anak nyo po" alam ko naman ang sitwasyon ngayon ngunit ayaw kong idinay ni Chris sa harap pa ng mga magulang nya
"totoo ba ang sinasabi ng lalakeng ito ah Chris" ramdam kong naging seryoso ang tono ng mama ni Chris
sana wag nya akong itanggi sa mag magulang, patunayan nyang mahal nya ako
"anak totoo ba?" lumapit si Tita papunta kay Chris
yumuko si Chris at kita sa mga mata nyang malungkot sya "opo ma totoo po iyon"
nakahinga ako doon dahil hindi nya ako tinanggi sa mga magulang nya
nagulat nalang ako sa malakas na tunog na narinig ko
sinampal pala ni Tita si Chris
"walang hiya ka Chris pagkatapos ng lahat ng pagod namin sayo ito ang isusukli mo samin ng papa mo" sigaw ni Tita kay Chris
nakitang umiiyak si Chris kaya agad akong lumapit sa kanya habang hawak nya ang kayang kanang pisngi
"mahal tara na hindi ko na kaya ang nakikita ko, nakakadiri kayong dalawa" sabay takbo nya sa labas ng apartment namin
"ano mahal manonood ka nalang ba dyan?" sabay labas rin ni papa
"ma wait lang magpapaliwanag ako" hinabol sya ni Chris ngunit huli na ang lahat dahil nasaraduhan na sya ng pintuan ni Tita
Chris's POV
ma bakit hindi ninyo tanggap ang anak nyo, ako parin ito ang anak nyo
sigaw ko sa konsensya ko habang umiiyak
galit ako ngayon hindi kay Neo ngunit sa sarili ko bakit hindi ako tanggap ng sarili kong mga magulang
"magiging maayos rin ang lahat" yakap sakin ni Neo habang nandito kaming dalawa sa sahig
"paano na ko mabubuhay nyan sila ang nagpapaaral sakin" takot akong hindi makapagtapos
"sino ang magbabayad ng mga gagastusin natin sa araw-araw?" at humarap ako sa kanya
parang kanina lang napakasaya naming dalawa ngayon ito kami sa isang saglit biglang nagiba ang ihip ng mundo
"ako" sagot sakin ni Neo, hindi ko tuloy mapigilang magisip ng maige, san naman kaya sya kukuha ng pera
magbebenta b sya ng laman nya sa kalye, wag naman ang akin ay akin lang. at ayaw ko syang mahirapan dahil sakin
"paano ka kikita ng pera?" simple kong tanong sa kanya ng malawa ng itong agam-agam ko sa pagiisip ko
"may ATM ako, na hindi nauubusan ng laman, binigay sakin ito ng black witch kapalit ng isa sa mga binhi ko" ngiti nya sakin
"kaya natin itong pagsubok nato marami na tayong pinagdaanan patunayan natin sa mundo na kaya natin ang pagsubok nato" at mas mahigpit nya pa akong niyakap
tama si Neo mas malake pa ang aming mga pasubok noon kaysa ngayon kaya naman kakayanin namin itong dalawa
kung naging matatag si Neo noon para sakin iyon rin ang gagawin ko para sa kanya
"tara na at marami pa tayong gagawin bukas" aya sakin ni Neo
"sige wait lang iinom lang ako sandali" at dumeretso ako ngayon sa kusina
nakita ko pang nadoon iyong cake na binili nila papa para sakin
teka lang mukhang hindi galit si papa sakin ah, pero hindi ko parin maalis sa isip ko iyong reaksyon sakin ni mama kanina
kitang-kita kong nandidiri, galit at kinahihiya nya ako
hindi ko tuloy mapigilang umiyak ngayon, T_T sana tanggap parin ako ni papa kahit papaano
sana hindi ko ganito ipagdidiwang ang kaarawan ko bukas
sana bukas ok na ang lahat ulit.
itutuloy....
baka next week ko na ito masusundan ng katuloy busy na kasi sa school ang daming quiz, resitation and projects idagdag pa ang parating na exam...