Her Yellow Notebook (Complete)

By maputinganghel

83.3K 2.2K 1.3K

May mga bagay sa mundo na kahit hindi mo makuha, makita mo lang, MASAYA ka na. More

Prologue
Chapter 1.1
Chapter 1.2
Chapter 2.1
Chapter 2.2
Chapter 3.1
Chapter 3.2
Chapter 4.1
Chapter 4.2
Chapter 5.1
Chapter 5.2
Chapter 6.1
Chapter 6.2
Chapter 7.1
Chapter 7.2
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Vince and Celeine Special Chapter
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12.1
Chapter 12.2
Chapter 13.1
Chapter 13.2
Chapter 14.1
Chapter 14.2
Chapter 15.1
Chapter 15.2
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 19.1
Chapter 19.2
Chapter 20.1
Chapter 20.2
Chapter 21.1
Chapter 21.2
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23.1
Chapter 23.2
Chapter 24.1
Chapter 24.2
Chapter 25.1
Chapter 25.2
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27.1
Chapter 27.2
Chapter 28.1
Special Chapter
Chapter 28. 2
Chapter 29.1
Chapter 29 .2
Chapter 30
EPILOGUE

Special Chapter (Halloween Special)

1.3K 43 30
By maputinganghel

Author's Note: Wag masyadong dibdibin ang chapter na ito. Hindi ito kasama sa kwento, pang epal lang kaya stay cool, pweding kiligin pero wag sagarin kasi again hindi ito kasali sa kwento.

Napagdisisyonan ng barkada na mag bakasyon sa Batanggas don sa bahay ng lola ni DakilangAdik.

Nagmamaniho si Paolo at katabi nito si DakilangAdik na syang girlfriend nito. Sinusubuan nya si Paolo ng mamon kasi nagugutom ito habang nagda-drive medyo malayo-layo din kasi ang bahay ng lola ni DakilangAdik.

Si Maddy at Charles naman ay nasa back seat natutulog na magkayakap.

*EEENNNKKKK

Biglang napahinto si Paolo sa pagda-drive dahil sa may dumaang itim na pusa sa gitna ng kalsada. Muntik ng mabagok ang ulo ni DA (short for DakilangAdik.. nakakapagod mag type ^_^V) sa windshield ng sasakyan. At ang sweet na sweet na sina Maddy at Charles ay nagising din.

"Araaay" reklamo ni Maddy.

"Okay ka lang na babes? nasaktan ka ba?" tanong ng bf nyang si Charles.

"okay lang naman ako babes.. ikaw okay ka lang?" tanong nya sa nobyo nya.

"oo okay lang ako babes.. chuup" at hinalikan nya sa noo ang nobya.

"wow, di nyo man lang ba tatanungin kung buhay pa kami?" umepal bigla si DA.

"mahal ko okay ka lang, sorry bigla kasing dumaan yung pusa." sabi ni Paolo kay DA.

"Hindi mahal ko, medyo masakit yung dito ko. " tinuro ni DA ang noo nya.

*chuuup "okay na ba noo mo mahal ko? masakit pa ba?" tanong ni Paolo kay DA.

Si DA naman halatang eni-enjoy yung moment. Ang landi langs, adik na nga lumalandi pa.

Paolo:wag mo nga awayin ang mahal ko.

Ako: ang o.a nyo para nag stop lang yung sasakyan ang drama agad. Buhay pa naman kayong lahat kung makapag-react parang may mamamatay. Spell O.A..

All: wag kang epal alis.. chupi.

Ako: awch, multohin sana kayo.

Pagkarating nila sa bahay ng lola ni DA (DakilangAdik) biglang kinalabutan si Maddy.

Sinong hindi kikilabutan. Ang laki-laki ng bahay, yung pang world war 2 ang design ng bahay. May mga picture frames sa wall mga angkan ata ni DA, may isang lumang grand piano sa dulo, lahat ng desing makaluma. Yung upuan, yung lamisa, yung ilaw at pati na din yung amoy.

"Babes i-aakyat ko muna mga gamit natin ha" sabi ni Charles kay Maddy. Tumango lang si Maddy.

Umakyat na sa ikalawang palapag si Charles at Paolo para i-akyat yung mga gamit nila.

"Maddy, kukuha lang ako ng meryinda sa kusina, dyan ka muna" sabi ni DA at nagtungo papuntang kusina.

Na iwan nalang si Maddy mag isa sa sala.

Lumilipad yung mga kulay puting kurtina na naksabit sa bintana sa lakas ng hampas ng hangin, pati ang buhok ni Maddy nakatatakip sa mukha nito.

Naupo si Maddy sa sofa at napatingin sa labas ng may matandang babae na nakatingin sa kanya. Mahaba ng buhok nito at puti, nakasuot ng kulay blue na damit ang matanda at may dala-dalang pusa na kulay itim.

Biglang nakaramdam ng takot si Maddy, dahil tila galit ang matandang babae kaya iniwas nya agad yung mata nya. Tumingin ulit sya sa labas pero nandoon pa rin ang matandang babae, nag blink blink sya ng mata nya pero pagtingin nya nandoon pa rin ang matandang babae na tila galit na nakatingin sa kanya.

Tumalikod sya at yumuko ng ilang sandali tumingin ulit say sa labas nagbabakasakali na wala na yung matanda. Pero imbis na mawala ay mas lumapit pa ito sa bintana at may sinabi.

"Umalis na kayo dito habang maaga pa" nanayo ang balahibo ni Maddy sa mga sinabi ng matanda. Kaya kumaripas sya ng takbo papuntang second floor.

*BLAAAGGSSH

Nabangga nya ang nobyo nyang si Charles.

"babes namumutla ka ata, tapos pinapawisan ka pa. okay ka lang ba?" tanong nito at pinunasan ang pawis ni Maddy.

"babes alis na tao dito" sabi ni Maddy na takot na takot habang nakayakap kay Charles.

"babes kakarating lang natin, uuwi agad. ano ba kasi nangyari sa iyo?" tanong ulit ni Charles pero di na nagawang sumagot ni Maddy kasi biglang dumating ang epal always na si DA.

"Guys, kain muna tayo may cake sa baba, alam nyo ang daming nagbago sa bahay ni lola, dati wala namang grand piano don sa sala" sabi ni DA at pumulupot sa braso ni Paolo.

Nagpunta na silang sala at kinain yung cake na nakahain.

Tumingin ulit si Maddy sa labas ng bintana at nakita na naman nya ang matanda, may mga tumutulong luha sa mata ng matanda at galit ang expresyon ng mukha nito. Kaya napayuko nalang sya at napapikit ng mata. 

Gusto nyang sabihin sa mga kasamahan nya ang nakita nya pero natatakot ito, at alam nyang hindi sya nito papaniwalaan.

"Mahal ko sino nangangalaga dito sa bahay ng lola mo?' tanong ni Pao kay DA

"wala" simpleng sagot ni DA habang ngumunguya ng cake.

"nagtaka nga ako bakit bukas yung pinto pagpasok natin, at ang daming pagkain sa kusina." sabi ulit ni DA.

"DA may cake pa ba? ang sarap kasi." sabi ni Charles.

"ah oo, kuha ka lang don sa kusina" sagot ni DA.

Nagpunta ng kusina si Charles para kumuha ng cake. Binuksan ni Charles yung ref at kinuha yung cake. Nang biglang pagharap nya may nakita syang isang matandang babae, mahaba at maputi ang buhok at kulay blue ang suot na damit at may hawak hawak na pusang itim.

Nagulat si Charles ng makita ito kaya nabitawan nya ang cake.

"Umalis na kayo dito habang maaga pa." naluluhang sabi ng matanda pero may bahid na galit sa tuno ng boses nito.

Sa takot na naramdaman ni Charles ay tumakbo sya pabalik ng sala kung saan nandoon ng barkada nya.

"Oo Russell bakit ka namumutla?" tanong ni Paolo sa kanya.

"ah wala wala" nanginginig na sagot nito.

"nasaan na yung cake?" tanong ni DA.

"ah na ubos ko na" pagsisinungaling nya.

Tiningnan nya ang nobya nyang si Maddy at umupo sa tabi nito. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ng nobya at sinabing.

"Babes, wag kang lalayo sa akin ha."

Maya-maya pa ay nakaramdam ng pagtatae itong si Paolo, sa lakas ba namang kumain ayan tuloy natae.

"mahal ko saan yung cr dito?" tanong nya sa nobya nyang si DA (DakilangAdik)

"ah diritso lang dyan mahal ko tapos kumaliwa ka, at may makikita kang maliit na pintuan yan yung cr" pagtuturo ni DA sa nobyo.

Tumayo na si Paolo at nagtungo ng cr, pagkatapos nyang ilabas lahat ng kinain nya babalik na sana sya ng sala ng pagbukas nya ng pinto ng cr ay may nakita syang isang matandang babae.

Nagulat si Paolo at na isara ng malaks  ang pintuan. Hindi muna sa lumabas ng cr nagdasal muna sya ng tatlong Hail Mary at maya-maya pa ay lumabas na din.

Pagbukas nya wala na yung matandang babae, na isip ni Paolo na baka imagination nya lang yun.

Bumalik na sya ng sala at tumabi sa nobyang si DA.

Nang biglang may napansin si DA.

"Bakit ang tahimik mo Maddy di ata ako sanay ang kulit mo kasi. Tapos ikaw Charles bakit namumutla yang red mong lips. At ikaw mahal ko bakit tila hindi ka mapakali.?" sunod sunod na sabi ni DA.

"DA kasi" sabay na sabi ni Maddy at Charles.

"mahal ko may nakita akong matanda kanina, pero tingin ko imagination ko lang yun" sabi ni Paolo.

"nakita mo din?" sabay ulit sina Maddy at Charles.

"may nakita rin kayo?" tanong ni Paolo at tumango lang ang magkasintahan.

"Ano ba ang nakita nyo?" tanong naman ni DA.

"May matandang babae na lumapit sa akin kanina at sinabing umalis na daw tayo dito habang maaga pa. At habang kumakain tayo ng cake nakatingin lang sya sa atin ng masama at naluluha" explain ni Maddy.

"kanina nung kukuha sana ako ng cake, pagharap ko may nakita din akong matanda, mahaba at maputi yung buhok, kulay asul yung suot nya at may hawak syang itim pusa. Yung din ang sinabi nya sa akin umalis na daw tayo dito habang maaga pa. Nagulat ako kaya natapon ko yung cake." sabi naman ni Charles.

"Kanina mahal ko palabas na sana ako ng cr kaso pagbukas ko ng pinto nakita ko din yung matandang babae, parihong-pareho sa discription ni Charles." sabi naman ni Paolo.

"Pero bakit may matandang babae dito? eh wala namang nakatira dito eh at isa pa matagal ng patay ang lola ko kaya nga walang tao dito" sabi ni DA.

Sa sinabing iyon ni DA ay mas natakot ang tatlo lalo na nung biglang humampas ng napakalakas na hangin.

"Alis na tayo dito." natatakot na sabi ni Maddy.

"Hindi kayo pwedeng umalis" biglang sumulpot sa likuran ni DA yung matandang babae na namumula ang ilong dahil sa lakas ng pagkasara ni Paolo sa pintuan kanina ay nasaktan ang ilong ng matanda.

"po? akala ko po ba dapat na kaming umalis habang maaga pa" sabi ni Charles.

"Hindi kayo pwedeng umalis" biglang naging galit ang boses ng matanda.

"wag nyo po kaming saktan" natatakot na sabi ni DA.

"hindi kayo pwedeng umalis" galit na galit na sabi ng matanda.

"bakit nyo kinain ang cake ko?" tanong ng matanda.

"po sa inyo po yung cake?" gulat na tanong ni DA

"oo dahil birthday ko ngayon" galit na sagot ng matanda.

"pero bakit po kayo nandito" tanong ni DA.

"kasi bahay ko ito."sagot ng matanda.

"Bahay? bahay po ng lola ko ito." sago naman ni DA.

"bahay ko ito." sabi ng matanda.

"teka lang po, anong lugar po ba ito."

"!@#$%&&*%$^" may sinabing lugar ang matanda.

Biglang nagulat si DA.. gulat na gulat..

.

.

.

Dahil napagtanto nya na, na sa maling bahay pala sya. Kaya pala naisip nya na nag-iba yung bahay.

"Ay sorry po, akala ko po bahay to ng lola ko. Nasa kabilang bayan pa pala bahay nya. Peace po." sabi ni DA at nag peace sign pa. Adik talaga.

"guys, TAKBOOOOO!!!' sigaw ni DA at nagsitakbohan sila.

"Hoy mga bata kayo, bumalik kayo dito, yung cake ko palitan... hoy" pahabol ng matanda.

THE END

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...