My Secret K-Pop Agent (...

By red_lover18

32.6K 870 551

Kapag sinabi bang K-Pop Star maarte at mayabang agad? Hindi ba pwedeng cover lang yan? Kapag sinabi bang baba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 Part 1
Chapter 7 Part 2
Chapter 7 Part 3
Chapter 8~~~Teaser ^___^
Chapter 8
Chapter 9 Part 1
Chapter 9 Part 2: Meet the Girls ^_^
Chapter 9 Part 3: Stage Names and the CALL???
Chapter 10: Moving Into Their House...
Chapter 11: The Show
Chapter 12: Their Moment
Chapter 13: Free Hugs
Chapter 15: Kuya and Little Sissy
Chapter 16: The Deal
Chapter 17: Team Up Mission
Chapter 18: Triple Threat's First Encounter
Chapter 19: Preparation and Promises
Chapter 20: MAMA
Chapter 21: Big Fuss
Chapter 22: Kissing Monster
Chapter 23: New Mission

Chapter 14: Overprotective

737 27 8
By red_lover18

"Hmmmm...I guess I should do something." Saad niya kay Jade.

"Do something what? For what?" Taka namang tanong ng kasama niya.

"For you. You always speak alien language even though we have a deal already. So I propose, if you speak that language again in front of me, there must be a free hug!" Sabi niya na nag pose pa ng pa-open arms.

"Eh? Gusto mo lang ata makachansing eh!" Sabi naman ni Jade.

"Bingo! Free hugs come on! Hahaha!" Ngiting-ngiti pa siya habang inaaktong yayakapin si Jade. Malapit na niya itong mayakap nang biglang may tumikhim.

"E-ehem ehem!" Medyo malakas ang ginawa nitong pagtikhim dahilan upang biglaan silang napalayo sa isa't-isa.

Nang tingnan niya kung sino ay laking gulat niya nang makitang andun pa pala si Saich. Nakatayo at napakasama ng tingin sa kanila lalong-lalo na kay Jade.

Unti-unti itong lumapit sa kanila na madilim pa rin ang anyo.

Uh uh...I smell trouble... Nasabi na lang ng isip niya.

Nang makalapit na ito ay agad itong humarap kay Jade na nakataas ang kilay and Saich's wearing his famous deadly cold stare.

"Uie! Andyan ka pa pala? Hahaha." Tatawa-tawa pang bati ni Jade.

"Akala ko ba nagmamadali ka?! Eh bakit nakikipagdaldalan ka pa dito?!" Pasigaw nitong tanong kay Jade. Hindi na lang siya naimik dahil hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nito. Nagsasalita kasi ito sa native language ni Jade na hindi naman niya maintindihan. Magaling kasi si Saich magsalita ng Filipino dahil doon nanirahan ang mama nito nung kabataan pa nito. Sa kanilang walong magkakaibigan, siya lang ang hindi marunong magsalita ng wikang yun. He tried to study once pero pinigilan lang siya ng mama niya at ng Chairman. Wag na lang daw niyang pilitin ang sarili niyang matuto ng Filipino. Total, matututunan naman daw niya iyun pagdating ng araw. He just don't get it pero nevertheless, sinunod naman niya ang utos nito. He just find it weird sometimes.

"Eh nag-uusap lang naman kami ni---"

Hindi na naituloy ni Jade ang dapat ay sasabihin sana nito dahil pinutol na ito ng matinding sigaw ni Saich.

"Halos paliparin ko na ang sasakyan kanina dahil puro ka reklamo na male-late ka na! Tapos pagdating natin dito, makikipagdaldalan ka lang pala?! Sana pala iniwan na lang kita sa bahay kanina at pinagcommute ka na lang!"

"Teka nga, bakit ka ba nagagalit?" Takang tanong ni Jade na mukhang kalmado pa rin.

"Hindi ako galit!!!" Sigaw pa rin ni Saich.

"Eh bakit ka sumisigaw kung hindi ka galit?!" Medyo tumaas na rin ng kunti ang boses ni Jade. Halata na dito ang pagkairita dahil sa ginagawang pagsigaw ni Saich dito.

"Hindi ako sumisigaw! Nilakasan ko lang for emphasis!!!" Ganti namang sigaw ni Saich.

Medyo naguguluhan na siya sa inaakto ng dalawa kaya bago pa tuluyang makakuha ng atensyon ang dalawa ay pinigilan na niya ito.

"Ahm Saich---"

"What?!" Inis na baling sa kanya ni Saich.

Magsasalita na sana siya nang bigla na lang may sumabat.

"Hyung! Kanina pa kita hinahanap! Tawag ka ni Manager!" Sabi ni Dylan na bigla na lang sumulpot sa tabi ni Saich at pilit siyang hinahatak.

"Wait Dylan. I just need to fix someth---"

"Anong meron dito? At Jade ano yung narinig ko kaninang iniwan sa bahay na sinasabi nito?" Biglang sulpot ni Buen na tumabi pa kay Jade at itinuro si Saich.

Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ni Saich at nag-iwas ng tingin.

"Ah yun ba? Wala. May iniwan kasi ang gag*ng to sa bahay niya na kailangan ko ngayon." Sagot ni Jade na nakatingin lang kay Saich.

"Eh? Eh bakit siya pa ang galit?" Takang tanong naman ni Buen.

Nagshrug naman ng shoulders si Jade.

"Ewan. Abnormal ata."

Agad-agad tumingin si Saich kay Jade pagkarinig ng sinabi nito.

"HIndi ko nga kasi iniwan sa bahay! Naiwan yun sa kotse! Sana nga iniwan ko na lang sa bahay eh! Masyadong paimportante!" Sagot naman ni Saich.

"Hyung halika na kasi! Kanina ka pa hinahanap ni Manager eh. Mukhang may commercial kang gagawin ulit." Sabi ni Dylan na hinihila na naman siya.

"Wait nga lang kasi Dylan. Itigil mo muna ang paghatak mo sakin." Utos niya sabay bawi ng kamay na hinahatak ni Dylan at tsaka umayos ng tayo.

"Eh gano ba yun kabigat o kalaki? At tsaka saan mo gagamitin yun Jade?" Tanong ulit ni Buen na palipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nasa harap niya na nagsusukatan pa rin ng tingin sa isa't-isa.

"Basta mabigat yun! At hindi yun importante! Siguro kaninang umaga may silbi pa yun pero ngayon..." Hininto muna ni Saich ang sasabihin sabay tingin kay Jade at sa kanya na nakatingin lang din sa dalawa dahil wala siyang maintindihan. "...Hindi na! Nalessen na ang value!" Pagpapatuloy nito.

"Huh?!" Naguguluhang tanong ni Buen.

"Ang bilis naman atang nagdepreciate ng value niyan? Daig pa yata niyan ang land and buildings kung makapagdepreciate ah?" Komento ulit ni Buen.

"Oo nga!" Sang-ayon naman ni Dylan.

Wala talaga siyang kaalam-alam sa mga nangyayari kaya napatingin na lang siya kay Jade at sakto namang nakita niyang nagsmirk ito.

"Eh sa tingin ko hindi naman marunong mag-estimate ng market value yang kaharap niyo eh." Komento ni Jade.

Nakita niyang napatingin agad si Saich kay Jade pagkatapos nitong sabihin iyon. Kita sa mukha nito na may gusto pa itong sabihin pero tumahimik rin bigla. Mas lalong nainis ang mukha nito at tsaka tumalikod at naglakad.

Pero bago ito tuluyang makalayo, narinig pa niya ang sinabi nito.

"Nakakainis! Bwiset!"

Nang makitang tumalikod na si Saich ay agad siyang nagsalita.

"Well...I didn't understand a thing." Honest niyang sabi kay Jade.

"Oh sure you does!" Pamimilosopa ni Buen sa kanya.

"Halika na kasi hyung! Magagalit si Manager sakin niyan eh." Reklamo ni Dylan na hinihila na naman siya.

"Wait nga lang Dylan. Last na to." Sabi niya dito.

"Hey." pukaw niya kay Jade.

"Hmmmm?"

Tumingin muna siya kay Dylan at inutusan itong mauna na muna at susunod na lang siya. Tumalima naman ito.

"Buen, will you excuse us for a sec?" Tanong niya kay Buen. Nagtaas lang ito ng kilay pero umalis na rin pero bago yun ay may binulong pa muna ito kay Jade saka tinapik ang balikat nito bago tuluyang umalis.

Ngumiti lang si Jade bago bumaling sa kanya.

"What is it?"

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

This is it!

***

"ZL, nakita mo ba si Jade?"

"Hindi Saich oppa eh. Medyo kanina pa siya umalis pagkatapos ng practice namin. Bakit?" Tanong ni ZL sa kanya.

"Ah wala naman. May itatanong lang sana ako." Paliwanag niya pero sa isipan niya ay kanina pa niya gustong ibitin patiwarik si Jade.

Asan na kasi ang babaeng yun? Bwiset! Kanina pa ko hanap ng hanap! Sarap batukan!

"Hyung! Odega?" Tanong ni Dylan sa kanya nang madaanan niya ito.

"Parking. Have you seen Jade?" Tanong niya ulit.

"Anyo..." Sagot nito nang hindi man lang tumitingin sa kanya. Busy ito sa pagbabasa ng magazine at pag-inom ng soda na hawak nito.

Tatalikod na sana siya nang bigla itong magsalita.

"Ah chahm-si-mahn-yo! I think I've seen her. Mukhang nagmamadali siyang lumabas pagkatapos nung practice nila." Biglang sabi ni Dylan.

"Nagmamadali? Saan papunta?!"

Nagshrug lang ng shoulders si Dylan.

Agad-agad siyang tumalikod at tinungo ang parking.

Gusto na niyang umuwi sa bahay nila pero di naman siya matahimik sa pag-aalala kung asan ang babaeng ibinilin sa kanya ng tatay niya.

Ah bwiset talaga kahit kelan!

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ito. Makatapos ang ilang rings ay sumagot na ito.

"Hello?"

"Hoy! Asan ka?" Agad na bungad niya dito.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay narinig na lang niya ang tatlong nakakarinding tunog.

*toot toot toot*

Binabaan siya nito ng telepono!

Sh*t! Langya yan!

Sinubukan niya itong tawagan ulit ngunit biglang may nagtext sa kanya.

Wag mo na kong tawagan. Mauna ka nang umuwi. May aasikasuhin lang ako. Text ni Jade.

Napatawa siya ng pagak.

Ha! Ang lakas ng loob sabihing wag ko siyang tawagan! Langya! Eh di umuwi! Kala niya ha...

At umuwi na nga lang siya.

Pagkauwi niya sa bahay ay agad niyang ibinagsak ang sarili niya sa sofa.

"Kakapagod..."

Balak na lang niya sanang matulog pero kumakalam pa ang sikmura niya kaya minabuti niyang pumunta sa kusina at nang makapagluto ng kahit anong pwedeng makain. Marunong naman siyang magluto eh. Hindi lang halata.

Nagtingin-tingin siya sa ref kung anong pwedeng maluto pero tinamad na siya kaya kinuha na lang niya ang kimchi na naiwan dun at yun ang pinagtyagaan niyang kainin. Pabalik na siya sa may sala nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Kasama ko ngayon si Jade. Wag kang mag-alala. Ako nang maghahatid sa kanya. Yan ang laman ng text.

Wala sana siyang pakialam kung sino ang kasama nito pero biglang tumaas na naman ang dugo niya nang makita niya ang pangalan ng nagtext.

Si Drake.

Agad-agad niyang ibinaba ang cellphone niya at tinungo ang sala.

Napagdesisyunan niya na lang na kumain habang nanunuod ng TV. Hindi niya alam kung bakit naiinis na naman siya. Kanina pa siyang umaga inis sa mga ito simula nang makita niya ang mga itong magkasama.

*flashback*

"Bilisan mo nga maglakad! Bagal-bagal." Sita niya kay Jade nang hindi man lang ito nililingon. Alam naman niya kasing nakasunod ito sa kanya. Iniinis lang talaga niya. Alam niyang kanina pa ito inis sa kanya simula pa nung malaman nitong sumama ang Tito nito sa papa't mama niya at sila lang dalawa ang maiiwan sa bahay. Gusto niya lang talagang pagtripan ito.

"Oo na! Andyan na!" Padabog nitong sagot.

Napangiti na naman siya. Okay lang naman total hindi naman nito kita eh. Alam niya ang mga ginagawa ng kasama niya sa may likod niya. Kanina pa niya ito nahuhuling sinusuntok-suntok siya at nagme-makeface pa. Pinabayaan na lang niya ito. He's in a good mood today at ewan na lang niya pero he even find Jade's silly actions so cute. Naku-cute-an siya dito.

Natigil lang ang pagde-daydream niya nang may tumawag dito.

"Jade?"

Agad-agad siyang napalingon.

"Uie! Kaw pala! Hehe...muztah?" Sagot naman ng kasama niya. Maya-maya pa ay bigla itong natawa.

"Hahaha...oo nga pala! I almost forgot. You don't understand me...hahaha..." Lumapit pa ito kay Drake.

"Hey! Don't laugh at me. I look stupid here." Ani ni Drake na nakasimangot.

Kanina pa siya nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Naiinis na siya! Ni hindi man lang naalala ng babaeng yun na may kasama ito! Tila nakalimutan na talaga siya!

"Hahaha...yeah you look like one. Definitely like one." Saad ulit ni Jade.

At nakikipagtawanan pa! Langya! Parang wala lang kasama ah. Hoy! May kasama ka hoy!

Sumimangot naman bigla si Drake.

May pasima-simangot pang nalalaman.

"Oh! Wag kang sumimangot! Hindi bagay! Kala mo cute ka? Hahaha..." Komento ulit ni Jade.

Oo nga! Pagsang-ayon ng isip niya.

"That language again!!! I could only understand the word 'cute'." Reklamo ni Drake.

"...Perhaps...are you saying that I'm cute? Huh?" Tanong pa nito na halatang nagpapacute kay Jade. Nainis na naman siya! Diyata't ang kaibigan niya ay nagpapacute sa babaeng kasama niya sa bahay!

"Hindi ah!" Tanggi agad ni Jade na sa sobrang bilis ay nagmumukha na tuloy defensive.

Tsk. Ang defensive ng dating! Pansin niya sa inakto nito.

"Even though I can't understand the last sentence that you answered me, I still have a hint that it sounds so like being defensive. Am I right?" Tanong ni Drake sa babaeng kasama niya kanina. Kahit naman hindi nakakaintindi si Drake ng Filipino, alam ni Saich na matinik pa rin itong makapick up lalong-lalo na when it comes to woman who are close to his friend. At hindi siya bulag para hindi makitang close ang dalawang tao sa harapan niya ngayon. And that thought alone makes his blood boil again!

Kita mo na? Nahalata kaagad? Ang bobo! Bitter na komento niya sa isip.

"H-Hindi ah...I mean no!" Tanggi naman agad ni Jade.

Oh...nagstammer pa! Ang bobo talaga...

"Hahaha! Why are you stammering all of a sudden?"

Tama!

"Eeehhhh! Hindi nga kasi! Kulit naman eh!" Tila napipikon ng sagot ni Jade pero mukhang hindi ito pinansin ng kasama nito.

Walang maisip na sagot. Bobo! Stupid! Banat niya ulit sa kanyang isip.

"Hmmmm...I guess I should do something." Biglang saad ni Drake at umakto pa itong nag-iisip.

What? Something? Ngali-ngali niyang itanong yun sa kaibigan niya pero pinigilan niya ang sarili.

"Do something what? For what?" Nagtataka na ring tanong ni Jade sa tinuran ng kaibigan niya.

"For you. You always speak alien language even though we have a deal already. So I propose, if you speak that language again in front of me, there must be a free hug!" Kulang ang salitang nagulat para idescribe ang naramdaman niya nang marinig ang sinabi ni Drake. Nabigla siya ng todo sa sinabi nito.

Ano daw? Free hug?

"Eh? Gusto mo lang ata makachansing eh!" Sagot naman agad ni Jade na mukhang hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan niya. Drake instantly grab the opportunity and smiled widely at Jade.

"Bingo! Free hugs come on! Hahaha!" Ani nito. Nakangiti pa ito habang papalapit kay Jade at akmang yayakapin ito.

Hindi na niya kinaya ang mga nakikita niya kaya umepal na talaga siya.

"E-ehem ehem!"

Effective naman dahil napatingin naman ang dalawa sa kanya. Nakabusangot ang mukhang nilapitan niya ang mga ito. Pero ang walangyang babae, ito lang ang sinabi.

"Uie! Andyan ka pa pala? Hahaha." At tumawa pa! Anong nakakatawa eh halos tubuan na siya ng ugat kakahintay sa dalawang mapansin siya samantalang ang mga ito ay prenteng nagkwekwentuhan at nagtatawanan pa? Mga bwesit!

"Akala ko ba nagmamadali ka?! Eh bakit nakikipagdaldalan ka pa dito?!" Sigaw niya agad kay Jade nang makalapit na siya nang tuluyan.

"Eh nag-uusap lang naman kami ni---"

At sasagot ka pa ha?

"Halos paliparin ko na ang sasakyan kanina dahil puro ka reklamo na male-late ka na! Tapos pagdating natin dito, makikipagdaldalan ka lang pala?! Sana pala iniwan na lang kita sa bahay kanina at pinagcommute ka na lang!" Agad niyang putol sa kung ano mang sasabihin pa nito.

"Teka nga, bakit ka ba nagagalit?" Taka nitong tanong sa kanya. Oo nga. Bakit nga ba siya nagagalit? Oh wait. Galit nga ba siya?

"Hindi ako galit!!!" Sigaw niya dito.

"Eh bakit ka sumisigaw kung hindi ka galit?!" Medyo tumaas na rin ang boses ng kausap niya.

Abat sinisigawan niya na rin ako?

"Hindi ako sumisigaw! Nilakasan ko lang for emphasis!!!" Ganting sigaw niya.

Nilakasan ko lang naman talaga para maemphasize. Hirit niya pa sa isip.

Pero maemphasize ang alin? Ang galit mo? Sagot ng isang bahagi ng utak niya.

Hindi na niya ito pinansin pa at magsasalita pa sana pero naputol ito nang may biglang sumabat sa kanya pero bago pa matapos ang sasabihin ng kung sino mang Pontio Pilato na sumabat sa kanya ay inunahan na niya ito.

"Ahm Saich---"

"What?!" Putol niya sa sasabihin ni Drake.

Nakita niyang magsasalita na sana ito pero bigla namang dumating si Dylan na tumabi pa sa kanya at sabay hatak sa braso ni Drake.

"Hyung! Kanina pa kita hinahanap! Tawag ka ni Manager!"

"Wait Dylan. I just need to fix someth---" Magsasalita pa sana ulit si Drake nang bigla na namang dumating si Buen.

"Anong meron dito? At Jade ano yung narinig ko kaninang iniwan sa bahay na sinasabi nito?" Sabi ni Buen na itinuro pa siya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

Sh*t! Narinig niya kaya?

"Ah yun ba? Wala. May iniwan kasi ang gag*ng to sa bahay niya na kailangan ko ngayon." Sagot ni Jade.

Hanep! Ang galing gumawa ng dahilan ah! At ano daw? Ako ang nakaiwan? At ako pa ang ginawang may kasalanan ng babaeng to? Naiwan pala ha...humanda ka!

"Eh? Eh bakit siya pa ang galit?" Nagtatakang tanong ni Buen sa kaibigan nito.

Lagot ka ngayon! Pano mo lulusutan yan aber? Gagawa na nga lang ng palusot palpak pa! Hindi ginagamit ang utak! Banat niya sa utak niya.

"Ewan. Abnormal ata." Cool lang na sagot ni Jade na nagshrug pa ng shoulders. Parang wala lang dito ang sinagot nito sa kaibigan pero ang laki ng impact nun sa kanya.

Sa narinig ay agad siyang nagtaas ng tingin at sinagot agad ito.

"HIndi ko nga kasi iniwan sa bahay! Naiwan yun sa kotse! Sana nga iniwan ko na lang sa bahay eh! Masyadong paimportante!" Sinigurado niyang bigyan ng emphasis ang mga salitang naiwan sa bahay at paimportante kahit na hindi niya alam kung ano naman talagang ibig sabihin ni Jade sa kung anumang bagay na naiwan niya. Pero para sa kanya, iba ang ibig sabihin ng mga salitang yun. Mayroon siyang gustong patamaan. At alam niyang alam ng taong yun kung ano o kung sino ang pinatatamaan niya.

"Hyung halika na kasi! Kanina ka pa hinahanap ni Manager eh. Mukhang may commercial kang gagawin ulit." Narinig pa niyang sabi ulit ni Dylan kay Drake.

"Wait nga lang kasi Dylan. Itigil mo muna ang paghatak mo sakin." Utos naman ni Drake dito.

"Eh gano ba yun kabigat o kalaki? At tsaka saan mo gagamitin yun Jade?" Narinig niyang tanong ulit ni Buen na nagpalipat-lipat na ng tingin sa kanilang dalawa ni Jade na sa ngayon ay tinitignan siya ng masama. Nakipagsukatan naman siya ng tingin dito.

"Basta mabigat yun! At hindi yun importante! Siguro kaninang umaga may silbi pa yun pero ngayon..." Agad na sagot niya na pinutol pa talaga ang dapat niyang sabihin para tignan ang dalawang tao na nasa may bandang harap at gilid niya.

"...Hindi na! Nalessen na ang value!" Pagpapatuloy niya.

"Huh?!" Naguguluhan na talagang tanong ni Buen. Halata na sa mukha nito ang pagkalito.

"Ang bilis naman atang nagdepreciate ng value niyan? Daig pa yata niyan ang land and buildings kung makapagdepreciate ah?" Narinig pa niyang komento ulit ni Buen.

Eh paki mo ba? Eh sa yun ang estimation ko sa value niya eh...

"Oo nga!" Narinig niyang sang-ayon naman ni Dylan.

Isa pa to eh...

"Eh sa tingin ko hindi naman marunong mag-estimate ng market value yang kaharap niyo eh." Narinig niyang komento ng taong nasa harapan niya pero naman! Siya? Hindi marunong mag-estimate ng market value? Anong akala ng babaeng ito sa kanya...bobo?!

Nang sinabi yun ni Jade ay agad-agad siyang nag-angat ng tingin para sana sagutin ito pero nang tumingin siya dito ay nagsmirk ito sa kanya and mouth the word na nagpatigil sa kanya.

'Bahay'

Yan ang sinabi nito kaya agad-agad siyang napasimangot at nagtimpi na lang. Tumalikod na lang rin siya at nagsimula nang maglakad pero di niya maiwasang magpalabas ng sama ng loob.

"Nakakainis! Bwiset!"

Bwiset na babae! Nakakainis! Paulit-ulit niya iyong sinasabi. Ni hindi na nga niya namalayan na kasabay na niya pala si Dylan sa paglalakad.

"Good morning hyungnim!" Bati nito sa kanya.

Hindi siya sumagot.

"Mukhang bad trip ata..." Narinig niyang sabi ni Dylan sa sarili nito.

Naiinis pa rin siya pero bigla siyang nakunsensya. Kay Jade lang siya inis pero dahil dito ay mukhang nadamay pa pati si Dylan kaya kinausap na niya ito.

"Asan ang kasama mo?" Tanong niya dito nang maalala niyang sinusundo nga pala nito si Drake kanina.

"Ah si hyung ba? Nagpaiwan muna saglit. Pero susunod rin siya." Sagot nito na mukhang tuwang-tuwa at kinausap na niya ito.

Bigla naman siyang natigilan sa paglalakad.

"Boh? Nagpaiwan?" Pag-uulit niya sa sinabi nito.

"Neh. Sabi niya saglit lang daw kasi may sasabihin siya kay Jade at tsaka---"

Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ni Dylan at agad siyang naglakad pabalik.

"Hyungnim! O-di ka-say-yoh?" Narinig pa niyang tanong ni Dylan pero hindi na niya ito pinansin. Nang makarating sa may dulo ay papaliko na sana siya nang biglang natigilan. Rinig na rinig niya ang mga tawanan ng mga ito mula sa kinatatayuan niya. Sumilip siya sandali para makita ang mga ito at laking gulat niya nang makitang nagyayakapan ang mga ito. Hindi. Mali pala. Si Drake lang ang nakayakap kay Jade. Halata sa mukha ni Jade ang pagkagulat pagkaraan ay mahina nitong itinulak si Drake nang mahimasmasan.

Nakangiting tumingin si Drake dito at pagkatapos ay nagsalita.

"Yan ang bayad sa pagtawa mo sakin kanina at pagsasalita ng alien language na hindi ko talaga maintindihan!" Narinig niyang sabi ni Drake na medyo nagpout pa.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Jade at matamang tinitigan si Drake.

"Hindi naman ako pumayag ah!" Reklamo nito.

"Oh!" Nakita niyang itinuro ni Drake si Jade.

"That language again! Free hug!" Sabi ulit ni Drake na aktong yayakap na ulit kay Jade nang pigilan ito ng huli.

"Wait! You speak stupid language also! I should also do something about that!" Narinig niyang angal ni Jade na sa ngayon ay mukhang may naiisip na namang kalokohan.

"What? Stupid langua---oh that!" Sabi naman ni Drake. Tumingin pa ito kay Jade na parang may naaalala.

"Sorry..." Sabi pa nito pagkaraan.

"Na-ah-ah..." Sabi lang ni Jade na iginagalaw pa ang hintuturo nitong nakaharap kay Drake.

"You want me to speak languages that you do know how to speak and it's quite the same for my preference also. That's why you come up with that deal. You're the one who propose it. How come you're the only one who've got some punishments when in terms of lapses?" Tanong ni Jade dito.

Oo nga! Pag-aappove naman ni Saich sa sinabi ng babae sa isip niya. Tahimik lang siyang nakikinig sa namumuong pag-uusap nina Jade at Drake.

Nagpakawala lang ng buntunghininga si Drake bago ulit hinarap si Jade.

"Fine...so what's your deal?" Tanong ni Drake.

"You see, I give punishments a lot of value for it can spare us from doing something which we have done wrong in the past. It can straighten things up and...it can clear some misunderstandings." Pagsisimula ni Jade na pinapaikutan pa si Drake habang nagsasalita. Huminto ito sa paglalakad pagkatapos nitong mabanggit ang huling pangungusap.

"So...?" Tanong ni Drake.

"So I strongly propose that my punishment for every lapses in our deal is superiority over the other during the time of the punishment."

"What?! But---"

Pinutol na agad ni Jade ang ginagawang pagtutol ni Drake sa mga sinasabi nito using her own hand.

"I'm not done yet." Seryoso nitong sabi.

Tumahimik naman agad si Drake.

"As what I've said, superiority over the other. Meaning, I can give orders. And during the course of the punishment, such orders may differ depending on the situation." Sabi ni Jade na nakatingin na ngayon kay Drake.

"So...what is exactly your order your highness?" Pagbibiro ni Drake na ngayon ay nakangiti na.

Ngumiti rin si Jade at unti-unting lumapit kay Drake. Sobrang lapit na nito kay Drake about inches away na lang ang mga mukha ng mga ito.

Hindi naman malaman ni Saich ang gagawin. He was thorn between walking out of the scene or staying there and watch what would happen next. Finally, he chose to make the last one.

Nakamasid lang siya sa dalawang taong nasa may di kalayuan sa kanya. He's waiting for Jade's final words for Drake.

Unti-unting lumapit si Jade sa may tenga ni Drake at may ibinulong.

"I order such cancellation of that deal of yours." Nakangiting sabi ni Jade pagkatapos ay lumayo na kay Drake. Nakangiting naglakad na ito at hindi man lang pinansin ang pagmamaktol ni Drake sa sinabi nito.

Dali-dali namang umalis si Saich sa pwesto niya at naglakad paalis. Hindi man niya narinig ang sinabi ni Jade but he himself knew that it was somehow...important base na rin sa naging reaction ni Drake.

Bago siya tuluyang nakalayo, narinig pa niya ang sinabi ni Jade kay Drake.

"Next time you should know better. You mess up with the wrong person." Sabi ni Jade na halatang walang threat sa mga binitiwan nitong salita. Nasa tono kasi nito ang amusement at tuwa.

That made Saich even more furious and at the same time...curious.

*end of flashback*

Inis na inis na naman siya ngayon dahil sa naalala niya. Ni hindi niya napansin na sobrang higpit na pala ng hawak niya sa chopsticks niya at halos durugin na niya ang kimchi na nakaipit dito. Natigil lang siya dahil sa isang tinig na nagpabalik sa kanya sa huwesyo.

"Maawa ka sa chopsticks. Wala yang laban sa yo."

Nang lingunin niya ang pinanggagalingan ng tinig ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Jade. Tumabi ito sa kanya at kinuha ang chopsticks na hawak-hawak niya kanina.

Ininspeksyon nito ang chopsticks at pagkaraan ay nagsalita.

"Tsk. Tsk. Tsk. Kawawa naman ang chopsticks...napuruhan..." Saad nito na di man lang tumitingin sa kanya.

Nag-init na naman ang ulo niya at pabiglang inagaw ang chopsticks na hawak ni Jade.

"Akin na nga yan! Pakialam mo ba kung anong gawin ko dito?!" Tanong niya dito sa naiinis na tono. Pero tila hindi man lang ito natinag at nagkibit balikat lang. Mas lalo naman itong nagpadagdag sa inis na nararamdaman ng binata kaya sinigawan na naman niya ito.

"Hoy ikaw! Saan ka galing ha?!" Tanong niya dito.

Bigla namang lumungkot ang itsura ni Jade at agad nag-iwas ng tingin.

"Dyan lang sa tabi-tabi. Nagpahangin." Sagot nito. Medyo nagsoften naman ang ekspresyon ng mukha ni Saich sa nakita niyang reaction ni Jade at iniba na lang ang topic.

"Ganun ba...ku-kumain ka na ba?" Tanong niya ulit dito.

Tumango naman ang kausap niya.

"Oo tapos na ko. Sinamahan ako ni Drake kaninang kumain." Paliwanag nito.

Bigla na namang bumalik ang inis niya dahil sa narinig at sa laman ng text na nabasa niya kanina.

"Eh tapos ka na palang kumain eh! Sige na! Umakyat ka na sa kwarto mo at matulog!" Padabog niyang sabi dito sabay kuha ng kimchi ulit.

Kumunot naman ang noo ni Jade sa biglaang pagpapalit ng mood ni Saich.

"Hoy. Probema mo?" Tanong ni Jade kay Saich.

"Wala ka na dun." Sagot naman niya dito.

"Oo nga. Wala akong pake dun pero problema ko ang attitude mo!" Sigaw naman ni Jade na humarap na sa kanya.

"Pati ba naman attitude ko pinapakealaman mo?!" Inis na tanong niya dito. Eh ano naman dito ang attitude niya?

"Hindi ko pinapakialaman yan! Ang akin lang, ayus-ayusin mo yang ugali mo!" Sigaw nito ulit.

"Bakit? Anong problema sa ugali ko?! HA?!" Inis na niyang sigaw dito.

"Masyado kang bipolar! Ang tindi ng mood swings mo grabe! Daig mo pa ang babaeng may dalaw kung makasigaw! At kung umasta ka, parang dala mo na ang lahat ng problema ng buong mundo dahil dyan sa nakabusangot mong mukha! Pwede ba, magtino ka nga!" Sigaw na naman ni Jade sa kanya. Naningkit naman ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.

"Hoy babae! Matino ako! Wala akong problema o deperensya! Ikaw ang may saltik sa utak! Bigla-bigla na lang mawawala nang hindi nagpapaalam! Ano tingin mo sa kin? Aso at masusundan ko ang baho mo kung saan ka nagsususuot? Ni hindi mo man lang inisip na may mga taong nag-aalala sa yo! Tingnan mo nga ngayon! Anong oras ka na umuwi? Uwi ba ng matinong babae yan ha? Gabing-gabi na lumalabas ka pa! At wala ka pang kasama!" Mahabang litaniya niya dito.

Natigilan naman si Jade sa narinig at tsaka ngumiti na siyang pinagtaka niya. Ano to may saltik? Pinapagalitan na masaya pa? Aba! Malala!

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?! Kita mo na? Ikaw ang may problema hindi ako!" Sigaw niya ulit nang hindi man lang umimik si Jade sa mga sinabi niya.

Umiling lang si Jade sa kanya at ngumiti ulit.

"Alam mo bang yan ang pinakamahabang speech na binitawan mo simula nang magkakilala tayo?" Tanong ni Jade sa kanya.

Natigilan naman siya. Tama ito. Ngayon lang niya narealize na ang haba nga pala ng sinabi niya dito.

Nag-iwas na lang siya ng tingin dito.

"Eh ano naman ngayon?!" Tanong niya para maitago ang pagkapahiya.

"Wala naman. Di ko lang lubos maisip na ang isang mainiting ulo at palaging nakabusangot na taong katulad mo, marunong rin palang mag-alala para sa iba. Salamat ha." Sabi ni Jade na nakatingin pa rin sa kanya.

"Salamat saan?" Taka niyang tanong dito. Bakit ito nagpapasalamat sa kanya?

"Sa pag-aalala. Sa paghintay sa kin. Sorry kanina. May emergency lang kasi kaya kita nababaan. At tsaka hindi naman ako mag-isang umalis eh. Sinamahan ako ni Drake. Hinatid pa nga niya ako eh." Pagpapaliwanag ni Jade sa kanya.

Nagpanting na naman ang tenga niya sa narinig. There's a sudden pang of something he can't name. Ang alam lang niya ay naiinis na naman siya.

"Eh di mabuti at hinatid ka niya. Tsaka...ano ba! Sinabi nang umakyat ka na sa kwarto mo eh! Istorbo!" Pag-iiba na lang niya sa usapan at para paalisin na rin ito.

"Ayan ka na naman eh!" Sigaw ni Jade sa kanya.

"Anong ganyan na naman? Ano na naman ba?" Inis na inis na niyang tanong dito.

"Naninigaw ka na naman! Napakabipolar mo talagang tao ka!" Sigaw nito sa kanya.

"Wala kang pakialam! Now get out of my sight or better yet jump out of the window kung wala kang magawa! Basta do something na hindi mo ko iisturbuhin!" Sabi niya tsaka humarap muli sa TV.

"Napaka mo! Napakawalang modo!" Sigaw ni Jade sa kanya.

"Napaka mo rin! Napakapakialamera! Alis! Shoo!" Sagot niya dito at itinaboy pa na parang aso. Tsaka niya ibinalik sa TV ang atensyon niya at nagpalipat-lipat ng channel.

Kinuha naman ni Jade ang remote at inilipat ito sa discovery channel.

"Ano ba?! Akin na yan!" Agaw niya sa remote na hawak ni Jade.

"Ako muna! May sinabing channel sa kin si Drake na maganda raw panoorin eh." Sabi nito na naglilipat pa rin.

"Eh bakit hindi ka sa bahay niya tumingin?! Akin na nga yan!" Sabay hablot ng remote.

"Tsk. Bipolar. Siya nga pala. Bukas may pupuntahan ulit kami ni Drake. Wag mo na kong hintayin ha? Oh ayan nakapagpaalam na po ako." Saad nito. Bigla naman siyang may naisip na ideya.

"Hindi pwede."

Nabigla naman ang kausap niya sa sinabi niya. Maski siya ay nagulat rin sa sinabi niya pero yun talaga ang gusto niyang sabihin.

"Anong hindi pwede?" Taka nitong tanong.

"Narinig mo ko. Hindi ka aalis bukas. Hihintayin kita sa parking, sabay tayong uuwi." Seryoso niyang saad dito.

"I'm not asking permission from you!" Sabi nito na tila biglang nainis sa sinabi niya.

"Well you don't have a choice." Sabi naman niya dito.

"Of course I have! And I'll stick to my plan!" Determinado nitong sagot.

"Oh really? Well look here young lady. Ako ang kasama mo ngayon sa bahay dahil wala ang Tito mo. For the mean time ako ang guardian mo. Ibinilin ka sakin ng Tito mo kaya ako ang masusunod! You're not going out tomorrow not even with Drake and that's final!" Mariin niyang sigaw dito na nagpatahimik sa kausap niya.

"Why? Galit ka kay Drake?" Tanong ni Jade sa kanya pagkaraan.

"No! Of course not!" Agad niyang sagot dito dahil hindi naman talaga. Yun ang totoo. Inis siya sa presensya ni Drake kapag umaaligid ito kay Jade pero other than that, they're cool with each other. They're best of friends and a good partner.

"Eh bakit ayaw mo kong payagan?"

"Basta hindi pwede!" Pagbabawal niya ulit.

"Bakit nga?!" Pagpupumilit naman nito.

"Hindi ko alam! Basta ang alam ko, hindi ka pwedeng sumama kahit kanino man kahit kay Drake pa yan!" Sigaw niya dito.

"Eh si Drake naman ang kasama ko eh---"

"Kahit na! Ayokong lumalabas ka mag-isa dahil ayokong mapahamak ka!" Seryoso niyang sabi dito nang nakayuko.

"So ayaw mo lang akong mapahamak?!" Tanong ni Jade.

"Natural! Kahit na bweset na bweset na ko sa yo at kahit pakialamera ka pa ayoko pa ring mapahamak ka!" Saad niya nang hindi tumitingin dito. Ewan niya ba pero nahihiya siya sa mga pinagsasasabi niya.

"Hindi naman ako mapapahamak eh. Kaya kong sarili ko." Pagpupumilit pa ni Jade sa kanya.

"No."

"Andyan naman si Drake eh. Poprotektahan niya ako." Pilit ulit nito.

"No! Mas lalong hindi pwede!" Singhal ni Saich.

"Huh?"

"Paano kung may mangyari bigla at hindi ka niya naprotektahan ha? Sabihin mo nga!" Kontra niya ulit.

"Walang mangyayari at hindi ako mapapahamak! Paranoid ka masyado!" Pag-aassure ni Jade sa kanya.

"Hindi pa rin ako kumbinsido."

"Teka nga, bakit ka ba nagkakaganyan?" Takang tanong ni Jade.

"Hindi ko rin alam!" Frustrated niyang sagot.

"Basta ang alam ko lang nagiging overprotective ako sa yo. Hindi ako ganito dati. Wala akong pakialam dati pa man pero ewan ko...pagdating sa yo...pagdating sa yo iba na. Lumalabas ang pagiging overprotective ko sa yo." Sabi niya na ngayon ay nakatingin na kay Jade.

to be continued...

_____________________________________________________________________________________

Red's: LONG COMMENT PLEASE...

THANKS ^___^V

UP\


Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.2M 44.3K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...