Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

25K 492 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 8

597 17 0
By dEmprexx

Chapter 8 

Visit

Tinuro ko kay Jared kung saan ang kanto ng street namin. Kaso pinilipilit niya na sa tapat na ng bahay nina tita ako ibaba. Napasinghap nalang ako tiyaka pumayag.

Nang huminto na sa tapat ng bahay nina tita Anya. Kinuha ko na ang bag ko tiyaka tumingin kay Jared. 

“Salamat sa paghatid” ngumiti ako sakaniya. 

“Wala iyon. Pasensiya na talaga sa ginawa ng pinsan ko” pagpapaumanhin niya para kay Alexa. 

“Oo. Ayos lang iyon” tanging sagot ko nalang. 

Muli akong nagpaalam tiyaka bumaba sa kotse niya. Kumaway na ako sakaniya. Mabuti nalang walang masyadong nakatambay kaya hindi ako magiging usapan. Ganyan siguro kapag wala nang magawa sa buhay pati buhay ng iba pinapakialaman na, ba’t hindi nalang kaya sila maghanap ng trabaho? 

Pagpasok ko ay nakita ko si ate Anj na naka-abang sa pintuan. Wala kasi silang pasok ngayon, linggo. Oo, kahit linggo ay may exam kami. Mukhang kakatapos niya lang magluto ng tanghalian. 

“Ibang kotse naghatid? Magkaibang tao?” Nagtatakang tanong ni ate Anj sa akin. Hindi na niya napansin kung anong nangyari kanina dahil inayos ko ang sarili ko kanina sa kotse. 

“Ah yung naging kaibigan ko nung nag audition sa dance troupe” napatango si ate sa sinabi ko pero may bahid parin ng pagtatanong ang boses niya. 

“Basta yung paalala ko sayo na huwag kang masyadong magtiwala” tumango ako sa sinabi ni ate. 

“Ano bang pwede kong maitulong ate?” Tanong ko tiyaka binitawan muna ang bag ko sa sala tiyaka dumeretso sa kusina. 

“Ihanda mo nalang ang mga plato tiyaka kutsara. May yelo sa ref, lagay mo sa pitsel tapos may juice riyan” tumango ako sa sinabi ni ate. 

Kumuha ako ng apat na plato tiyaka nilatag ito sa lamesa. Ganon din ang ginawa ko sa mga baso, kutsara at tinidor. Kinuha ko na yung yelo sa ref pagkatapos ay inalis ito sa platik. Tiyaka ko nilagay sa pitsel na may lamang tubig. 

“Oh. Kriseta, ibang kotse raw ang naghatid sayo ngayong tanghali? Sinabi sakin ni Beling” nagulat ako ng pumasok na sa kusina si tita Anya. 

“Kaibigan lang ni Kriseta, ma” sagot ni ate Anj sa akin. Pumasok narin si Anjo. Kasama kasi sa store ni tita kapag wala siyang pasok. 

“Basta kung mayaman man yang manliligaw sayo, sigurauhin mong hindi matapobre ang pamilya” bilin sa akin ni tita Anya. Tumango ako sakaniya tiyaka kami naupo sa lamesa. 

“Huwag mo rin papabayaan ang pag-aaral mo. Iyang lalaki makakapaghintay ‘yan” dagdag pa ni tita Anya. Tumango ulit ako sa sinabi niya. 

“Alam ko po. Kaibigan ko lang po talaga ang mga iyon” tumango si tita anya sa sinabi ko. 

May nagbabantay ngayon sa store na binabayaran ni tita Anya. Isang oras lang naman, kapag kumakain sila nang tanghalian tiyaka malapit lang naman yung store. 

Nagkuwento si ate Anj sa mga estudyante niya. Minsan ay napapasali kami lalo na kapag may isyu sa mga bata. 

“Nako! Ang daming kabataan na ang nabubuntis” madramang wika ni tita. Tumango si ate Anj sa sinabi ni tita. 

“Oo nga, ma. Impluwensiya narin siguro ng social media tiyaka ng ibang nababasa nilang nobela. Akala kasi nila madali lang ang buhay dahil ganon ang nababasa nila sa nobela o napapanood nila sa telebisyon pero sa totoong buhay, mahirap ang buhay kaya kailangan mong mag doble kayod para makapagpalaki ka ng anak. Tiyaka minor de edad palang sila kaya hindi sila makakahanap ng trabaho” mahabang wika ni ate Anj. Napatango ako sa sinabi ni ate Anj. 

“Nako! Kaya ikaw Anjo! Huwag ka munang magbubuntis! Mas okay na yung sa video games ka na muna” nag-aalalang wika ni tita Anya. “Ikaw pa naman ang lalaki kaya ikaw ang mas mabigat ang responsibilidad” dagdag pa ni tita Anya.

“Oo naman ma” sagot ni Anjo sakaniya. 

May kung ano pang napag-usapan habang nasa hapag. Tinanong din ni ate Anj kung kumusta ang prelims namin. Sinagot ko naman na ayos lang at kung saang parte ako nahirapan. Hindi ko naman sinabi sakanila ang tungkol kay Alexa, ayaw ko na rin silang mag-alala. 

Nagulat lang siguro si Alexa sa presensiya ko kaya naging ganon ang reaksiyon niya. Pinagkibit balikat ko nalang iyon. 

Nang matapos kaming kumain ay nagpresenta na akong maghugas ng pinggan. Kaya sininop ko na ang mga pinggan tiyaka nilagay sa lababo. Kinuha ko na ang sponge tiyaka nagsimula na akong maghugas. 

Ilang minuto rin akong naghuhugas hanggang sa natapos ko narin. Pinunas ko sa damit ko para matuyo na ang kamay ko tiyaka ko ginalawa ang ulo ko dahil ilang minuto rin itong nakayuko. Palabas na ako sa kusina nang magkasalubong kami ni ate Anj. 

“May naghahanap sayo” nakangising sabi sakin ni ate Anj. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

“Sino raw ate?” Nagtatakang tanong ko. Nagkibit-balikat siya sa tanong ko. 

“Mabuti pa tingnan mo nalang kung sino. Naghihintay siya sa harap” sagot ni ate Anj. 

Hindi naman malawak ang bakuran nila kaya nang nasa pintuan ako ay nakita ko si Calvin na prenteng nakasandal sa kotse niya habang nasa bulsa ang isang kamay at pinaglalaruan ang isang kamay niya ang kaniyang cellphone.

Nang mapansin niya ang presensiya ko, hinubad niya ang sun glass niya tiyaka binulsa ang kaniyang cellphone. Naiilang na ngumiti siya sa akin tiyaka tinaas ang isang kamay and he mouthed ‘hi’. 

Nilapitan ko siya para makapag-usap kami. Taka ko siyang tiningnan kung bakit siya nandito. 

“Ahh? Napunta ka rito?” Tanong ko sakaniya.

“I just want to check you” sabi niya “I’m sorry” mahinang dagdag niya tiyaka napayuko. 

“Ayos lang iyon. Hindi mo naman kasalanan” hindi ko alam kung paano niya nalaman ang ginawa sa akin ni Alexa. 

“Are you okay?” Tanong niya habang in-examine ang mukha at braso ko. Ngumiti ako sakaniya. 

“Yup. I’m okay” ngiting sagot ko sakaniya. 

“Kriseta! Papasukin mo muna ang kasama mo” sigaw ni ate mula sa loob.

“Ah. Ahm. Pasok ka” wika ko sabay turo sa munting bahay nina tita. Napakamot siya batok niya tiyaka sumunod sa akin. 

Nang makapasok na kami ay sinalubong kami ni ate Anj. Ngumiti siya sa akin tiyaka siya tumingin kay Calvin nang nakangiti. 

“Good afternoon po” bati ni Calvin kay ate tiyaka bahagyang yumuko bilang pag respeto. 

“Good afternoon din, pasensiya kana at maliit lang ang bahay namin. Maupo ka” tiyaka nilahad ni ate ang upuan sakaniya. Naupo kami ni Calvin sa sofa. 

“Ayos lang po, walang problema” sagot ni Calvin. Napatango si ate kay Calvin. 

“Teka lang kuha lang ako ng miryenda sa store. Nagtanghalian kana ba?” Tanong ni ate pa sakaniya. 

“Opo” tumango si ate sa sagot ni Calvin tiyaka lumabas ng bahay para kumuha ng miryenda sa store. 

“Ahm” hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayong kami lang dalawa sa bahay. 

“Are you really okay?” Paninigurado niya. Mukhang hindi pa siya kumbinsido sa sinabi ko kanina. 

“Yup. Besides Jared was there” pagkuwento ko sakaniya para makumbinsi ko siya that I’m really okay. Umigting ang panga niya sa sinabi ko tiyaka dahan-dahan na tumango. 

“Did he drive you home?” Tanong niya sa akin. Ngumiti ako tiyaka tumango, naka-igting parin ang kaniyang panga. 

“Yup!” Masiglang sabi ko sakaniya. Tumango siya sa sinabi ko. 

“I’m just worried, you didn’t respond to my messages” mahinang bulong niya tiyaka napayuko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya “I asked Misha to send your number” tumango ako. 

“Hindi ko kasi hawak ang cellphone ko pasensiya na. Naglilinis kasi ako kanina” napatango siya sa sinabi ko. “Hindi mo kasama si Jeff?” Siya naman ang kumunot ang noo ngayon. 

“Why are you looking for him?” Tanong niya sa akin nang magkasalubong ang kilay. Ang sungit naman. 

“Akala ko sumabay siya sayo pauwi” sagot ko sakaniya. “Hindi kayo sabay?” Tanong ko pa. 

“Hinatid ko siya” he pause “Then I pay you a visit” dagdag niya. 

“Magpinsan pala sina Jared at Alexa?” Masiglang tanong ko sakaniya, hindi naalis ang pagkunot ang noo niya. 

“Why are you interested?” Seryoso at masungit na tanong niya sa akin.

“Ah. Nagulat lang ako kaninang sinabi ni Jared, ang layo ng ugali nila sa isa’t-isa” kuwento ko sakaniya. 

Magsasalita pa sana siya nang may pumasok na sa pintuan. Nangunguna si tita Anya kasunod si ate Anj na may dala-dalang soft drinks tiyaka tinapay. 

“Nasabi sakin ni Beling na may bisita raw pagkatapos ay kumuha itong si Anjeline para sa bisi-” hindi natapos ni tita ang kaniyang sasabihin nang makita si Calvin sa tabi ko. 

“Good afternoon po” tumayo si Calvin para magbigay galang kay tita. Napatayo rin tuloy ako. 

“Good afternoon din iho. Napapasyal ka?” Nagtatakang tanong ni tita. Umupo siya sa sofa na pang dalawaan kaya naupo ulit kami ni Calvin sa sofa na katapat niya. 

Binitawan ni ate ang soft drinks at tinapay sa lamesa na nakapagitan sa amin. Tiyaka pumunta sa kusina para siguro kumuha ng baso. 

“Ah nag-alala lang po ako kay Krizette” bahagya kong siniko si Calvin. Baka masabi niya ang tungkol kay Alexa. 

“Bakit naman?” Kunot noong tanong ni tita. Bumalik si ate Anj na may dala-dalang baso. Nagsalin na ng soft drinks si ate Anj tiyaka binigay sa amin. 

“Ah. Hindi po ako nakapagpaalam sakanila kaninang umuwi po ako tita, hinihintay po pala nila ako” singit ko, kumunot ang noo ni Calvin tiyaka ako tiningnan. Ngumiti ako sakaniya tiyaka tumango. 

“Ah ganon ba? Nag commute ka ba?” Tanong ni tita Anya. “Pero may naghatid sa iyo kanina, diba?”

“Ah kaibigan po namin iyon sa dance troupe” sagot ko kay tita. 

“Lalaki?” Tumango ako sa sinabi ni tita. Napasinghap siya tiyaka tumayo. 

“Iwanan muna natin sila Anjeline. Feel at home kalang iho, pasensiya na sa bahay namin” wika ni tita tiyaka umalis kasama si ate Anj. 

Hindi ko alam kung bakit humihingi sila ng pasensiya sa bahay nila, maayos naman ito hindi nga lang kasing laki at kasing ganda panigurado ng bahay nila Calvin. Hindi ba dapat maging proud kasi napatayo nila ang bahay na ito sa kabila nang problema sa pinansiyal? 

Pinagkibit balikat ko lang iyon tiyaka tumingin kay Calvin. 

“Hindi rin ako magtatagal dito. I just want to check if you are okay” tumango ako sa sinabi niya. 

“Don’t worry. Baka nagulat lang si Alexa sa presensiya ko kaya niya nagawa iyon” wika ko sakaniya. Tumango siya sa akin bilang pag sang-ayon. 

“If she will do it again, don’t hesitate to call me. And if Misha is not around text me” tumango ako sa habilin niya sakin. Baka nag-alala silang dalawa ni Jeff. Ilang oras kaya silang naghintay? 

Tumayo siya kaya tumayo narin ako. 

“I’ll go now” paalam niya sa akin. Tumango ako tiyaka sumunod sakaniya para ihatid siya sa labas. 

“Ingat. Thank you” nakangiting wika ko sakaniya. Tumango siya sa akin tiyaka pinatunog ang sasakyan niya. 

Pumasok na siya sa sasakyan niya tiyaka binaba ang bintana. Kumaway ako sakaniya tiyaka siya nagpaalam ulit sa akin. Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa bahay tiyaka kinuha ang cellphone ko may iilang text na galing kay Misha. 

Misha: 

Where are you? Hinahanap ka na nina Calvin. 

Misha: 

Hey, did something happened? 

Misha: 

Calvin wants your number. Gonna give it to him.

Misha: 

Hey! 

Iyon lang ang text ni Misha at nakatanggap ako ng mga texts na galing sa unknown number. Panigurado ay kay Calvin galing ‘yon. 

Calvin:

Where are you? -Calvin

Calvin: 

Hey. 

Calvin: 

I’m worried. 

Calvin: 

Misha said you are just in the washroom. Answer my calls. 

Calvin: 

I’m worried. 

Calvin: 

On my way. 

Calvin: 

Hey, I heard what happened. Are you okay? 

Calvin: 

Answer my texts. 

Napasinghap ako. Nagreply narin ako sa mga texts niya. 

Me: 

Sorry for making you worried. Thank you, Calvin. 

He is indeed worried.

Continue Reading

You'll Also Like

396K 9K 53
Jethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He...
16.4K 416 34
When you thought you have it all, but because of just one mistake everything you have disappeared. Krystal Jung fell inlove with a man she never exp...
1.2K 62 15
"There are better things ahead than any we leave behind" But what if, What if those things we leave behind are the better things? What if they are t...
25.8M 473K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...