Dance Of Fate [Serano Duology...

De dEmprexx

24.6K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 6

631 18 0
De dEmprexx

Chapter 6

Brat

Pumasok agad si Calvin sa driver seat kaya agad binuksan ni Jeff ang passenger or back seat. Unang pumasok si Misha tiyaka ako hinarap ni Jeff. 

"Sa front seat ka ulit, wala sa mood yung driver e" nagtataka ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na sa front seat ako dahil wala sa mood si Calvin. 

Pero sa huli, wala akong magagawa dahil ako lang naman ang nakikisabay. Pumasok na ako sa front seat tiyaka nilapag ang bag ko. Wala sa dalawa ang nagtangkang magbukas ng topic samantalang seryosong nakatingin si Calvin sa dinadaanan habang umiigting parin ang panga niya, mahigpit din ang pagkakahawak niya sa manibela. 

Napabuntong hininga ako dahil mukhang walang magsasalita sa dalawa. Wala rin akong alam nai-topic kaya pinili ko nalang na huwag magsalita. 

Lumipas ang ilang minuto, pekeng umubo si Jeff bago magsalita. Nararamdaman niya siguro na walang magsasalita sa amin. 

"Ahm. Hahatid ba natin si Krizette sa tapat ng bahay nila?" Alanganin na tanong ni Jeff kay Calvin. Nakita ko ang pasimpleng pag siko ni Misha sakaniya para patahimikin. 

"Of course" matigas na sagot ni Calvin kay Jeff dahan-dahan itong napatango dahil sa sagot ni Calvin. 

"Ah hindi na. Ayos lang naman kahit sa kanto lang ako. Dalawang minuto lang ang lalakaran" singit ko. Nakakahita kasi lalo na at wala pa sa mood si Calvin ngayon. 

Tumingin ako sa rear mirror nakita ko ang pagsuway ni Misha sa sinabi ko pero wala siyang magawa dahil baka madamay siya sa galit ni Calvin. Hindi ko rin alam kung bakit wala sa mood si Calvin ngayon. 

"Ah. Hatid ka nanamin" nag-alangan singit ni Misha tiyaka ako pinagdilatan ng mata. "Delikado narin kahit na malapit lang ang inyo, tiyaka Calvin said so" kibit-balikat na sagot sa akin ni Misha. Tumango nalang ako sa sinabi niya. 

Muli ay naghari ang katahimikan sa aming apat. Tiningnan ko ang dalawa sa rear mirror. Nakita ko ang pagkuha ni Misha sa cellphone niya, mukhang may itetext base sa galaw ng daliri niya. Pagkatapos ay umilaw naman ang cellphone ni Jeff. Mukhang silang dalawa lang ang magkatext. 

Nag-iwas na ako ng tingin sakanila dahil baka magtaka pa sila kung bakit ko sila tinitingnan. Wala akong magawa kaya gusto ko sana silang panoorin kaso tinuon ko nalang ang tingin ko sa bintana para tingnan ang mga building na dinaraanan namin. 

Lumiko na si Calvin sa kanto namin. Tinuro ko rin sakaniya kung saan ako nakikitira. Saktong hininto niya sa tapat ng bahay nina tita. Mabilis kong kinuha ang gamit ko tiyaka tumingin sakaniya. 

"Salamat" nag-alangan pa ako kung ngingiti ako sakaniya kaya ang resulta mukha akong tanga sa ngiti ko. 

Tumango lang siya kasabay ng pag-igting ng panga niya. Nagpaalam narin ako kina Misha at Jeff na nasa likuran tiyaka mabilis na lumabas. Binaba ni Jeff ang bintana tiyaka nagpaalam sa akin, sumigaw din si Misha na nagpapaalam kaya nakangiti ko lang silang kinawayan. 

Napabuga ako ng hininga ng makaalis na sila. Napatingin ako sa paligid namin na hanggang ngayon ay nasa labas parin ang mga tao, nakatambay tiyaka nakatingin sa akin. Siguro ay pinag-uusapan na nila kung sino ang naghatid sa akin. Hay, mga tao nga naman basta may mapag-usapan lang wala nang pake sa nararamdaman ng taong pinag-uusapan nila kahit harap-harapan na. 

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si ate Anj na nakasilip sa bintana. Ngumiti siya sa akin, nakita ko rin ang mga paper works na ginagawa niya sa sala. 

"Ang babait naman ng mga kaibigan mo" nakangiting wika niya sa akin "mag jowa ba yung dalawa sa likuran?" Nakita niya pala sina Jeff dahil siguro sa pagbaba ni Jeff ng bintana. 

"Ah hindi ate, magkakaibigan lang kami" sagot ko sakaniga tiyaka siya tumango. 

"Sino yung driver?" Puno ng kuryosidad ang boses niya. 

"Ah. Yung isa pa namin kaibigan" simpleng sagot ko kay ate, may kung anong paghihinala na kasi ang meron sa boses niya. 

"Hmmm. Kaibigan. Buti sa front seat ka?" Dagdag na tanong pa niya. Hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig ni ate. 

"Bad trip kasi yung kaibigan namin na nagdadrive. May misunderstanding sila ni Jeff" sagot ko nalang kahit hindi ako sigurado. Tumango si ate tiyaka ulit umupo sa lapag para tapusin na ang mga paper works niyang nasa table. 

Lumipas ang tatlong linggo na magkakasama kami nina Misha, Jeff at Calvin. Masaya laging kasama si Misha, lagi niya nga akong gustong kasama dahil wala siyang kapatid, only child lang kasi siya. Nagkaayos din sila Calvin at Jeff kinabukasan pagkatapos ng audition, hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan, wala rin nasasabi sa akin si Misha. 

Sabay-sabay kaming kumakain ngayon sa canteen. Libre ulit ni Calvin kaya tuwang-tuwa si Jeff. 

"Nakakatipid ako ah. Ano kayang magandang bilhin?" Umakto pang nag-iisip si Jeff habang nginunguya ang pagkain niya. 

"Sumasarap ang luto sa canteen" masayang wika pa ni Misha. Umiling si Jeff. 

"Libre kasi kaya masarap. Kapag talaga libre may kung anong hinalo sa pagkain na nagpapasarap" sagot ni Jeff tiyaka ulit sumubo ng pagkain niya. 

"Ngayon magtetext ang mga seniors kung makakapasok kayo sa dance troupe" pag-iiba ni Misha sa usapan "Wala pa bang nagtetext sa inyo? Email?" Tanong ni Misha. 

"Wala pa" sagot ko sakaniya, ngumuso siya sa sinabi ko. 

"Misha, mamayang hapon pa" pagpapaalala ni Jeff sakaniya. 

"Malay mo meron na ngayon" nakanguso paring wika ni Misha. Umiling lang su Jeff dahil kay Misha. 

"Nakita ko nga pala si Alexa sa gathering kagabi. Nakakainis! I want to sabunot her hair!" Inis na kuwento ni Misha tiyaka tinusok ang karne na para bang may kasalanan ang karne sakaniya. 

"Misha" suway ni Jeff kay Misha na para bang alam na ni Misha kung anong ibig sabihin ni Jeff. 

"Eh bakit ba? Sa nakakainis naman si short hair pabida? And she is also a war freak!!" Giit ni Misha tiyaka ito tumingin kay Calvin "She's obsess to you! Inakala niya pa ako na girlfriend mo and what she just said? That I seduced you? Is she out of her mind?! She's an immature brat" sunod-sunod na rants ni Misha. Halatang inis na inis kay Alexa. 

"Don't mind her" tanging sagot ni Calvin kay Misha. Napa-awang ang bibig ni Misha na tila hindi makapaniwala habang umiiling-iling sa sinabi ni Calvin. 

"Oh no, no. Don't tell me naniniwala ka sakaniya? That she's suffering from major depression? The doctor said she's not! She is mentally okay, gumagawa lang siya ng kuwento para kaawaan mo. She even fake her medical certificate!" Pagpapaalala ni Misha kay Calvin. Umigting ang panga ni Calvin. 

"I don't believe her. What I'm trying to say is, you, avoid her. She's an immature like what you said so don't waste your time with her" pag-abiso ni Calvin kay Misha. Misha just rolled her eyes. 

"Oh speaking of the evil brat!" Maarte at umiikot ang matang wika ni Misha. 

Napatingin ako sa pintuan ng canteen kung saan siya ngayon nakatingin. Tama nga siya at papasok si Alexa Uy, kasama ang isang babae na hula ko ay kaibigan niya. Aalisin ko na sana ang tingin ko sakaniya ng dire-diretso siya sa table namin. 

"Is it true?!" Pabagsak niya pang nilagay ang dalawang kamay niya sa lamesa namin dahilan ng bahagyang pagtalon ko dahil sa gulat. 

"Oh chill!!" Hinawakan ni Jeff ang kamay ni Alexa para pakalmahin kaso hinawi rin kaagad iyon ni Alexa. 

"Bitch" bulong ni Misha sapat na marinig ko pero hindi iyon narinig ni Alexa. Deretso lang ang tingin ni Alexa kay Calvin na tila naghihintay ng sagot. 

"What are you talking about, Alexa?" Walang kahit anomang emosyon ang mababakas sa mukha ni Calvin ngayon. 

Tiningnan ako ni Alexa habang nanlilisik ang mata tiyaka ako tinuro. Napakunot ang noo ko dahil bigla akong nadamay. 

"Is this gold digger is your girlfriend?!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napataas ang kilay ko dahil don. Gold digger? 

"Watch your mouth, bitch" kalmado pero mataray na babala sakaniya ni Misha. Inirapan ni Alexa si Misha. 

"Why? I'm just telling the truth. That this girl is a gold digger!!" Sigaw ni Alexa dahilan ng pagkuha namin ng atensiyon ng mga estudyanteng kumakain. 

"Alexa, calm down. She is not" kalmadong si Jeff pero nagpipigil siya dahil siguro babae si Alexa. 

"Oh really? Bakit ang bilis naman ata nilang mag date ni Calvin? Is it because he is a Serano kaya pinatulan ng isang probinsiyana?" Bawat salita na binibitawan niya ay may diin. Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sinasabi niya. 

"Where did you get your information? Did you get it from your dog who is on your back right now?" Mataray na tanong ni Misha. Napatingin si Alexa sa kaibigan niya, nakita ko ang pamumula ng kaibigan niya. 

"How dare you!" Sigaw ng kaibigan ni Alexa kay Misha na punong-puno ng galit ang mga mata. 

"Oh. Want to cry now? What a brat" nandidiring pang-aasar ni Misha sakaniya. 

"You shut up, Misha! You're a whore and a bitch!" Inis na wika sakaniya ni Alexa "Hindi mo naakit si Calvin kaya kay Jeff naman?" Dagdag pa nito.

Napatingin ako kay Jeff na mariin pumikit. Biglang napahiyaw si Alexa nang hinawakan ng mahigpit ni Jeff ang braso niya. 

"Watch your words" Jeff warned. 

"Let her go" Calvin commanded. Walang nagawa si Jeff kung hindi bitawan si Alexa. Pumula ang brasong hinawakan ni Jeff kanina. Napangisi naman si Alexa dahil sa sinabi ni Calvin. 

"See? You're in love with me" natatawang wika ni Alexa kay Calvin. 

"Shut up, Alexa. You're hallucinating" tumayo si Calvin handa nang umalis kaso naging agresibo si Alexa. 

"Why it is because of her?" Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Alexa sa braso tiyaka pinilit na tinayo kaya napatayo ako. Bumabaon ang kuko niya sa aking braso kaya pumalag ako. 

"Bitawan mo ako. Aray!" Naiiyak na wika ko sakaniya habang inaalis ang braso ko. 

Kaagad nakadalo sa amin si Calvin at hinila niya ako papunta sa likuran niya. Hinawakan ko ang braso ko na mahapdi dahil sa pagbaon ng mga kuko niya rito. May kaunting dugo rin ang braso ko. 

"What the fuck, Alexa!" Umalingawngaw ang baritonong boses ni Calvin sa buong canteen dahilan ng pagtahimik ng lahat. 

Kung kanina ay may iilan pang bulungan, ngayon ay natahimik at nakuha ni Calvin ang atensiyon ng lahat. They even stop eating. 

"Why are you defending her?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Alexa. Napailing si Calvin dahil don. 

"You know what? You should stop imagining that I am your boyfriend 'cause I’m not and I will never be your boyfriend" punong-puno ng pandidiri ang boses ni Calvin "You know what the reason is? I don't like an immature, spoiled brat and desperate girl like you" kung kanina ay mangiyak-ngiyak si Alexa ngayon ay tuluyan ng tumulo ang luha niya. 

Narinig ko ang pagtawa ni Misha dahil sa itsura siguro ngayon ni Alexa. Titingnan ko na sana si Misha nang hinila ako paalis doon ni Calvin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya sumunod nalang din ako. 

Ramdam ko ang galit niya kahit na nakatalikod siya sa akin dahil nauuna siya habang hila-hila ako. Nakikita ko ang mga ugat niya sa braso dahil sa inis pero marahan ang pagkahawak niya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nako-control ang sarili niya. 

Nang makarating kami sa clinic ay mayroong naka duty na nurse roon na kaagad dumalo sa amin. 

"What happened?" Nag-alalang tanong ng nurse. Napatingin siya sa akin at sa kamay ko na nakahawak sa braso ko na may kaunting dugo dahil sa ginawa ni Alexa. Napangiwi ang nurse "Girls fight eh" wika niya. 

Inimuwestura niya sa amin ang isang hospital bed tiyaka ako pinaupo roon. 

"Pahiram nalang ng mga gamit nurse. I can do it" napatango ang nurse sa sinabi ni Calvin tiyaka binigay ang kit sakaniya. 

Kumuha ng betadine tiyaka bulak si Calvin. Marahan niya itong nilagay sa braso ko na may kaunting sugat. Napangiwi ako ng lumapat ang bulak sa balat ko. 

"Ah shit. Did I hurt you? Sorry" bahagya akong natawa sa reaksiyon ni Calvin. He look innocent. 

"No, it's okay" tiyaka ako ngumiti. Tumango siya sa dahil sa sinabi ko. 

"Sorry for the trouble" maamong wika ni Calvin.

"Ayos lang" kibit balikat na sagot ko. "Hindi lang siguro sila sanay na may kasama kayong ibang babae pwera kay Misha" naintindihan ko naman. 

Naintindihan ko rin kung bakit ganon umasta si Alexa. Marahil ay desperada nga siya kay Calvin kaya niya nagawa iyon. Hindi ko siya masisisi, nagmahal lang naman siya. 

"Even so" sagot niya sa akin "Alexa shouldn't done that" may bahid ng galit ang tono niya. 

"Ilang taon na bang may gusto sayo si Alexa?" Tanong ko. He let a sigh because of my question. 

"Twelve years" what?! 

Nagulat ako sa sinabi niya. Twelve years? Is he serious? Pero base sa mukha niya mukhang seryoso nga siya. Grabe naman ang pagkagusto sakaniya ni Alexa kung gayon. Kung hindi lang siya immature at spoiled brat gusto ko siya para kay Calvin. Pero may kung ano sa dibdib ko ang kumontra. 

Marahan parin ang pagdadampi ni Calvin sa bulak sa aking braso. Seryoso niya rin itong ginagawa na para bang isang galaw, masasaktan ako. Napangiti ako. Naramdaman niya siguro ang pag ngiti ko habang nakatingin sakaniya kaya tumingin siya sa akin na may pagtataka. Umiling ako bilang sagot. 

I'll never thought that this cold man is thoughtful and soft too.

Continue lendo

Você também vai gostar

14.3K 1.1K 23
What inspired you to write One Promise? You see, when I was young, life was tough. I grew up with a broken family. I never felt the love I wanted all...
35.6K 1.1K 43
The Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remembe...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
101K 1.7K 33
Suarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when de...