Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

24.6K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 5

705 16 0
By dEmprexx

Chapter 5

Like

Nang matapos akong mag bow ay bumalik na ako sa bleachers. Wala na roon si Calvin, saktong pag bow ko ay ang pag-alis niya sa gymnasium. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon tiyaka nanood sa mga susunod. 

Seryoso akong nanonood ng biglang may nag alok sa akin ng gatorade. Napatingin ako kay Calvin na hinihintay ang pagkuha ko sa gatorade na inaalok niya. Kinuha ko ito tiyaka ngumiti sakaniya. 

"Thanks" tipid na pagpapasalamat ko sakaniya. Tumango siya tiyaka umupo sa tabi ko habang iniinom ang kaniya. Binuksan ko narin ang akin para makainom na ng gatorade. 

Katahimikan ang bumalot sa amin. Huminga ako ng malalim bago magtanong sakaniya. Masyado kasing nakakailang kung walang magsasalita sa aming dalawa diba? 

"Buti naisipan mong sumali?" Tanong ko. Nagkibit-balikat siya dahil don. Curious kasi ako sa nakita kong reaction kay Misha kanina. 

"For experience? And to live a normal life?" Nagkibit-balikat ulit siya na para bang hindi siya sigurado sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Normal life?" Takang tanong ko "Bakit? Hindi ba normal ang buhay mo?" Muntik ko na ulit ilagay ang palad ko sa mukha ko dahil baka nakaka offend ang tanong ko. 

"Yeah. I'm helping kuya Charles, dad still not in good condition e" sagot niya tiyaka ininom ang gatorade na hawak niya. Napatango ako sa sinabi niya. 

Ilang minuto ulit na katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa biglang lumapit sa amin si Misha na sinisigaw ang pangalan namin. Nasa likod niya si Jeff na natatawang umiiling. 

Pagdating nila sa harap namin ay nag stretch si Misha. Tapos na siguro lahat sa unang part, kaya may kaunting break muna bago simulan ang pangalawa na huling part ng audition. 

"Ang galing mo kanina!!" Masayang papuri sa akin ni Misha, pagkatapos ay napatingin sa hawak kong gatorade tiyaka sa gatorade ni Calvin. "Nasaan yung sa amin?" Tanong ni Misha kay Calvin. 

"Tell Jeff to buy you one" kibit-balikat na sabi ni Calvin. Humalakhak si Jeff tiyaka inakbayan si Misha. 

"Tara na bili muna tayo" sabi ni Jeff tiyaka hinila gamit sa pagkakaakbay si Misha "Iwan muna namin kayo" paalam ni Jeff sa amin. Tumango si Calvin kay Jeff tiyaka ako ngumiti sakanila. 

"Walang nasasabi sa akin si Misha, pero meron bang something sakanilang dalawa ni Jeff?" Tanong ko sa ere. Sa pagkakataon ito, natampal ko na ng palad ang mukha ko. 

Bakit ba napakapanget ng mga naiisip ko na topic? Baka akalain niya na tsismosa ako. Bahagya siyang natawa sa ginawa ko. 

Ang gwapo niya kapag tumatawa siya. 

"You'll found out soon" sagot niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. Ayaw ko nang dagdagan pa dahil baka mukhang chismosa na nga ang datingan ko. 

"Ah. Naikuwento pala sakin ni Jared na magkakaibigan din pala kayo?" Napansin ko ang pasimpleng pag-igting ng panga niya sa sinabi ko. 

"Why? Do you like him?" Deretsong tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. 

Bahagya akong nagulat sa tanong niya tiyaka pasimpleng nag-iwas ng tingin. Bakit niya ba naisipan itanong iyon? Nakakailang. 

"Ah" hindi ko alam kung anong tamang salita ang bibitawan ko dahil baka ma offend siya sa sasabihin ko tungkol sa kaibigan niya "Ahm. Ano. I like him" tanging sagot ko nalang. He is kind that's why I like him to be my friend. 

Binalik ko ang tingin ko sakaniya, sa pagkakataong ito siya na ang umiwas ng tingin tiyaka marahan na tumango. Umiwas narin ako ng tingin, tiyaka tumingin sa bleachers habang nagpapahinga sila. 

"Ano bang trip 'yan, Jeff?!" Narinig ko ang boses ni Misha galing sa gilid ko. 

"Bakit? Titingnan lang naman natin. Pareho tayong curious kung tama nga ang hinala natin na may nararamdaman si" hindi ko narinig ang kasunod nang sinabi ni Jeff dahil biglang naghiyawan nang may pumasok na babae. 

Isang babae na naka palda tiyaka crop top, may nakasabit din na jacket sa beywang niya. Naka white shoes siya pero kahit simple lang ang suot niya alam mong sumisigaw ang presyo nito na mukhang one year ko ng allowance. Maliit lang din ang kaniyang buhok na bumabagay sa hugis ng mukha niya. 

"Here she is" dinig kong bulong ni Jeff. 

"Kapag iyan nagalit sa atin, ewan ko sa’yo" inis na wika ni Misha dahil mukhang hindi pabor sa plano ni Jeff. "Halata naman may gusto siya kay Krizette bakit-" napatingin ako kay Misha na ngayon ay takip-takip na ni Jeff ang bunganga niya. Humalakhak nang naiilang sa akin si Jeff, alam niyang narinig ko ang pinag-uusapan nila ni Misha pero hindi ko nalang pinansin pa iyon. 

Hindi narinig ni Calvin ang pinag-uusapan ng dalawa dahil malalim ang iniisip niya pagkatapos ng pinag-usapan namin kanina. Nakakunot pa ang noo niya habang seryosong nakatingin kung saan. Sinundan ko ang tingin niya, nakatingin siya sa babaeng kakapasok lang na umagaw ng atensiyon ng lahat. 

Nagpeperform na siya ngayon dahil late siya, mabuti nalang at pinagbigyan siya ng mga senior. Tumabi sa akin si Misha samantalang nilagpasan ako ni Jeff tiyaka tumabi kay Calvin na nasa tabi ko. 

"I thought she's not coming" bulong sa akin ni Misha "Kahit kailan talaga, papansin yang babaeng iyan" masungit na dagdag pa nito. 

"Who is she?" Mukhang magkakakilala na naman sila, hindi na ako magtataka kung family friend ulit dahil sa business. 

"Alexa Uy, the pabida queen" Misha hate her, I can feel it. Ramdam ko ang inis niya sa babaeng iyon. 

Nang matapos siyang magperform ay tinawag na kami para bigyan kami ng kapareho. Pinakita sa amin ang video na gagayahin namin at pwede rin namin dagdagan or ibahin ang ibang parts basta sa loob ng sampung minuto ay tapos na kami. Nagsulat nang pangalan si Jeff at ang ibang mga seniors para siguro sa magiging partner. 

"Jared Sanchez and Krizette Claire Mendez" kaagad akong nilapitan ni Jared na may ngiti sa sa labi kaya napangiti narin ako. 

"Calvin Karl Serano and Alexa Uy" sila na ang panghuling pares. Nakuha ulit ni Alexa ang atensiyon ng lahat ng bigla siyang tumili palapit kay Calvin. 

"OMG!! You're here! I didn't notice you!" Maingay na wika ni Alexa na halatang excited dahil partner niya si Calvin. 

"Yeah" tamad lang na wika ni Calvin tiyaka napatingin sa banda ni Jeff. Jeff gave him a peace sign habang naiilang na ngumiti tiyaka iniwas ang tingin niya kay Calvin na ramdam mo ang galit sa mga mata niya. 

"Tara na" yaya sa akin ni Jared tiyaka tinuro ang isang parte ng gymnasium. Sumunod narin ako sakaniya para ma-practice namin. 

Pinanood ulit namin iyon sa cellphone. Nagsa-suggest din si Jared ng mga magagandang step na pwedeng ipalit, kaagad kong nakuha ang sinasabi niya. Mukhang seryoso siya kapag seryoso na ang pinag-uusapan sa isang bagay, hindi katulad kanina lagi siyang nakangiti pero si Calvin seryeroso sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung bakit ko sila pinagkukumpara. 

"Ahm. What if palitan natin yung sa dulo?" Kakatapos lang namin mamemorize yung mga steps at nakatugma na sa kanta nang bigla ulit mag suggest si Jared. 

"Hmmm. Pwede rin? Ano ba?" Tanong ko sakaniya. Napakamot siya sa batok niya dahil siguro nahihiya siyang sabihin sa akinang suhestiyon niya. 

"I'll turn you around right?" Tumango ako sa sinabi niya "Pagkatapos non, maghihiwalay tayo tatakbo sa gilid natin pagkatapos sa end ng kanta ay tatakbo tayo ng mabilis papunta sa isa't-isa. And is it okay with you if I touch your cheeks? Habang magkadikit ang noo natin?” Nag-alangan na tanong niya "But it's okay if you're not comfortable" he added. 

"No, it's okay. I like your idea" ngiti ko sakaniya. 

Ginawa namin from the start hanggang sa dulo tiyaka sinubukan yung suhestiyon niya. Nakarinig kami ng tunog hudyat na tapos na ang kalahating minutong binigay sa amin para sa practice, dapat kasi sampung minuto lang pero may iilan na nagrequest na gawing kalahating minuto ang practice. 

Lumapit na kami sa stage tiyaka pinapanood ang mga mauuna sa amin. Katabi ko parin ai Jared para kung kami na ang tatawagin ay kaagad na kaming makakaakyat sa stage. 

"Huwag kang masyadong kabahan. Magaling ka naman kanina sa part one" bulong sa akin ni Jared, kailangan niya pang yumuko dahil matangkad siya sa akin. 

"Magagaling din naman sila sa unang part" ayokong magtunog nega kaya binawi ko rin "Pero ayos lang, makuha man o hindi, ayos lang, at least nag-enjoy and I did my very best" sagot ko sakaniya. Kita ko ang pagtango niya mula sa gilid ng mga mata ko. 

Naunang nag perform sa amin sina Calvin at Alexa. Akala ko nga nung una hindi maganda ang kalalabasan dahil mukhang ayaw mi Calvin sa partner niya pero maganda parin ang kinalabasan. They were both professional. Natapos ang kanila sa pose na nakapalupot ang dalawang kamay ni Alexa sa batok ni Calvin habang nakataas ang isang legs niya samantalang nakahawak naman si Calvin paa ni Alexa na nakataas tiyaka sa isang beywang niya. 

Huminga ako ng malalim dahil pangalan na namin ang sunod na binanggit. Kaagad binitawan ni Calvin ang pagkakahawak kay Alexa habang seryosong nakatingin sa amin. 

"We can do it" bulong ulit sa akin ni Jared dahilan ng pag ngiti ko. 

Kahit papano ay nawala ang kaba sa akin dahil sa mga positibong binubulong sa akin ni Jared. Nasa gitna na kami at tumugtog ang music tiyaka namin sinabayan sa mga step na ginawa namin. Kagaya ng napagpractice-an kanina. Nagtapos kami habang nakahawak ang isang kamay ni Jared sa beywang ko pagkatapos ay sa pisngi ko habang magkadikit ang noo namin tiyaka nagtitigan. 

Naramdaman ko ang palakpak ng isang senior mula sa baba kaya napangiti ako. Napangiti rin si Jared dahil don. 

"Perfect! May chemistry kayong dalawa!! Pwede kayo sa mga musical play!" Masayang wika nung senior sa amin. 

Humarap na kami ni Jared sakanila. Hinawakan niya ang kamay ko tiyaka sabay kaming nag bow. Napangiti ako ng pumalakpak din ang ilan nag audition sa performance namin. Pagkababa namin ay binati kami ng iilan na kasama namin nag audition kahit na hindi ko kakilala ang iilan. Tinawag narin ang susunod na magpeperform. 

Nakita ko ang pagkaway sa akin ni Misha, sinenyasan niya akong lumapit sakanila. Ngiting-ngiti sa akin sina Misha at Jeff habang busangot ang mukha ni Calvin sa tabi nila. 

"Punta lang ako kina Misha" paalam ko kay Jared habang nakaturo kina Misha. Tumango siya sa akin dahil may kausap din siyang isang lalaki kaya siguro hindi na susunod. 

Pagkalapit ko ay kaagad akong niyakap ni Misha na tuwang-tuwa dahil siguro sa papuri sa amin ng isang senior. 

"Panigurado matatanggap kana!!" Nagtatalon pa si Misha habang sinasabi sa akin iyon "Sa wakas at may kasundo narin ako t'wing practice" dagdag pa niya. 

"Bagay pala kayo ni Jared, Krizette!" Singit ni Jeff sa tabi namin. Napangiti ako sakaniya. 

"Oo nga. Grabe din iyong chemistry niyo, pwede na kayong ka-level ng sikat na love team sa Pilipinas!" Gatong pa ni Misha sa sinabi ni Jeff. Napailing lang ako sa sinasabi nila. 

"Kaninong ideya yung last part? Iyon ang isang step na naghatak talaga sa inyo" Jeff said "Grabe ramdam iyong emosyon habang sumasayaw kayo" dagdag pa ni Jeff "Diba dude?" Sabay siko kay Calvin na nakaigting ang panga, marahan itong tumango. 

"Ah kay Jared ideya iyon. Halos sakaniya nga yung mga bagong ideya eh. Ang galing niya!" Kuwento ko sakanila. Totoo naman na tinulong ko lang ay ang pagsunod sa mga step na sinasabi niya, maganda ang kinalabasan nito. 

"Ohhhhh" makahulugang wika ni Misha habang may patakip pa sa bibig. Nakangiti pa akong napangiwi dahil sa reaksiyon ni Misha. 

"Did he confess? He like you?" Kita ko ang excitement sa mata ni Jeff sa tanong niya at ang paghintay sa sagot ko. 

"Ah? No?" Naiilang na sagot ko sakaniya. Nakita ko ang dismayadong mukha ni Jeff dahil sa sagot ko. 

"But did he ask you something about love life?" Tanong pa niya. Inalala ko ang usapan namin ni Jared. 

"Ah. Nung nag stretching kami tinanong niya ako kung may boyfriend na raw ako" sagot ko kay Jared. Nakita ko ang biglang pagsigla ng mukha niya sa sinabi ko. 

"Ohhh!! That means he is interested with you. He certainly like you" muntik pang pumalakpak si Jeff dahil dito. 

"Let's go home" nawala ang ngiti sa mukha nila ni Misha nang marinig namin ang malamig na utos ni Calvin. 

"But it's not yet done!" Reklamo ni Misha kay Calvin. Naka-igting lang ang panga nito na para bang nagpipigil ng galit. 

"We can go home even if it's not yet done!" Bahagya akong nagulat sa tono ni Calvin, nakita niya ang reaksiyon ko tiyaka siya pumikit ng mariin para pakalmahin ang sarili niya "If you don't want, I'll go" tiyaka ito umalis. 

Hindi pa naman ngayon malalaman ang resulta kung tanggap ba o hindi. Makakatanggap nalang kami ng text mula sa senior kung tanggap kami. Binigay narin kasi namin kanina ang mga cellphone number namin. 

"Wait!" Sigaw ni Jeff kay Calvin. Humarap siya sa amin ni Misha "Paalam na muna tayo Misha tiyaka natin sundan si Calvin. Wala tayong sasakyan" tumango si Misha sa sinabi ni Jeff. 

Mabilis na nagpaalam si Jeff sa mga senior, sinabi niya na may emergency kaya biglaan ang pag-alis nila. Hinabol kaagad ni Jeff si Calvin tiyaka inakbayan, inalis ni Calvin ang pagkaka-akbay ni Jeff. 

I wonder why is he mad? Is there something happened?

Continue Reading

You'll Also Like

75.7K 3.6K 43
World Trip Series 2 Struggling to keep her career in the spotlight, Cosette finds a new way to save herself from becoming one of the misfits. In Pari...
564K 12.4K 63
Kung sino pa yung mga taong wagas kung magmahal, sila pa yung madalas nasasaktan, sila pa yung hindi nakukuha yung mahal nila, sila pa yung naiiwan o...
1.9M 87.7K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...