Seducing my Ultimate Crush! [...

By ateR21

132K 3.5K 198

Ito ay imbento ng aking malikot na imahinasyon!:) Hope you like it. <3 More

Teaser
SMUC: Chapter 1
SMUC: Chapter 2
SMUC: Chapter 3
SMUC: Chapter 4
SMUC: Chapter 5
SMUC: Chapter 6
SMUC: Chapter 7
SMUC: Chapter 8
SMUC: Chapter 9
SMUC: Chapter 10
SMUC: Chapter 11
SMUC: Chapter 12
SMUC: Chapter 13
SMUC: Chapter 14
SMUC: Chapter 15
SMUC: Chapter 16
SMUC: Chapter 17
SMUC: Chapter 18
SMUC: Chapter 19
SMUC: Chapter 20
SMUC: Chapter 21
SMUC: Chapter 22
SMUC: Chapter 23
SMUC: Chapter 25
Epilogue
BOOK 2 IS UP!
Announcements
Author's Note

SMUC: Chapter 24

3.8K 106 0
By ateR21

SMUC: Chapter 24

 Cyril’s POV

 Tulala lang ako habang si Martin naman ay palakad-lakad sa loob ng kwarto ko. Kanina pa ako nahihilo sa kanya. Pero hindi ko na muna siya pinapansin pa, dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga sinabi ni Sandra.

 Kung nablackmailed si Tyler. Baka hindi totoong ginamit niya lang ako. Nagmula na ‘yon mismo sa kaibigan ko, alam kong hindi naman siya magsisinungaling sa akin. Napabuntong-hininga ako. Naalala ko ang lahat ng mga sinabi ni Sandra.

 “Cyril. H’wag mong isipin na ikaw lang ang nasasaktan dito. Dahil ang totoo, si Tyler ang mas higit na nasasaktan kesa sa’yo,”

 Pero paano naman siyang masasaktan? Bakit naman siya masasaktan? At paano siyang higit na nasasaktan kesa sa akin?

 “Hindi siya ang dapat mong kamuhian. Ang mga dapat mong kamuhian ay ang mga taong totoong nanloko sa’yo.”

 Anong ibig sabihin ni Sandra sa sinabi niyang iyon? Nung una ang akala ko ay ipinagtatanggol niya lang si Tyler. Pero naisip ko, bakit naman niya ‘yon gagawin? Pero sino ang mga dapat kong kamuhian? Napakagat ako sa labi ko dahil ayoko talaga na maraming iniisip. Pero parang may laman ang mga sinabi ni Sandra sa akin kanina. May alam ba sila na hindi ko alam?

 “Cyril, I have something to tell you,” anas ni Martin. Makikita mo ang pag-aalala sa mukha niya. Ginamot na ng mga nurse ang mga sugat niya sa mukha. Malaki pa rin ang tanong sa isip ko, bakit niya nagawang saktan si Martin ng gano’n? May kasalanan ba si Martin kay Tyler?

 Hindi naman niya ‘to kilala. Hindi nga ba?

 Magtatanong na sana ako pero biglang bumukas ang pinto. Nagulat pa ako ng makita kung sino ito, ang mommy ko! Kaagad na lumapit sa akin si mommy para yakapin ako. Kasunod niyang pumasok si Dad, napakadignified niyang tingnan. Pero alam ko naman na ayaw lang ipakita ni Daddy ang emosyon niya sa lahat.

 Alalang-alala ang mukha ni mommy habang sinusuri ako.

 “I’m okay mom,” malumanay na sagot ko.

 My father cleared his throat. Natakot naman ako dahil alam kong seryoso si daddy. Napalunok ako. Baka naman pabalikin na niya ako sa America. Pero bakit naman? Dahil sa love problems ko? Natural lang na pinagdadaanan ng isang katulad ko ang bagay na ito. They need to understand.

 Nagkatinginan si mommy at daddy. Parang may pinag-uusapan sila na sila lang ang nagkakaintindihan. Pero ano naman ‘yon?

 “Lalabas na muna kami, CC.” anas ni Anica. Nagpaalam sila sa mommy at daddy ko saka lumabas. Sumunod si Katty at Sandra.

 Umupo si mommy sa tabi ko at hinahaplos ang buhok ko. May kutob na ako sa mangyayari.

 “Mom,” anas ko.

 “Kinausap na namin ang mga doctors na tumingin sa’yo dito.” Seryosong anas ni mom. Ano bang problema? May sakit ba ako? Am I dying?

 “Ano bang problema? May sakit ba ako? Mamatay na ba ako?” tuloy-tuloy na tanong ko. Ang weird lang nilang lahat. Tinanong ko si Anica kahapon about my condition, pero ang tanging naisagot niya lang ay, you should ask your parents.

 Napabuntong hininga si daddy.

 “Is there something that I need to know?” kunot-noong tanong ko. “Mom,” anas ko kay mom saka tiningnan siya pero hindi siya makatingin sa akin.

 “We will go back to America with you. We’ll go back there, whether you like it or not,” pinal na sabi ni daddy. Pero bakit?

 “Is it about my love problems? Dad, I can handle this.” Anas ko.

 Ibinulsa ni dad ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng pants niya.

 “Baby, you need to go with us.” Malumanay na anas ni mom.

 “But why? How about my friends here? My studies?!” histerical na anas ko. I know my dad, kapag nag-decide na siya. Wala ng pwedeng tumutol.

 “My decision is final, Cyril.” Anas ni Dad.

 Hindi ko na napigilan ang mga luhang kusang pumatak sa mga mata ko. Tiningnan ko si mom pero hindi siya makatingin sa akin. Nagsusumamong tiningnan ko si Martin para ipagtanggol ako, pero bakas din ang pananahimik niya at kawalan ng magagawa. Humagulgol nalang ako ng humagulgol. Niyakap naman ako ni mom. This is the reason, kaya ayaw kong malaman nila ang mga nangyayari sa akin. Dahil alam kong mangyayari ito.

 Madali nilang inayos ang bills dito sa hospital. Kinausap din nila ang mga doctors dito. Hindi ko inakala na magiging ganito kabilis ang pangyayari. Itong gabi na din ang flight namin papunta ng America. Pinuntahan ako ng mga kaibigan ko. Umiyak ako sa harapan nila at niyakap naman nila ako. Hindi sila tutol sa naging desisyon ng parents ko. Parang payag na payag pa sila.

 “Nakakainis kayo,” anas ko habang umiiyak.

 “We’ll visit you there,” anas ni Anica sa akin.

 Alam kong kaya nilang pumunta do’n. Pero iba pa rin kapag araw-araw ko silang kasama, kakulitan at kaasaran. Ayokong mapahiwalay sa kanila. Alam ko naman kasi na pag-uwi ko sa America, magiging busy ang mom and dad ko. Ang lola ko lang ang makakasama ko do’n. Tapos hindi pa makausap ng matino si lola dahil hindi na niya kami kilala.

 NAKARATING na kami sa America. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang kabilis ang mga nangyari. Hindi ko alam na ngayon araw din ito, babalik ako sa dati kong buhay. Wala na ang vice president ng students’ council. Wala na ang mga kaibigan kong kaasaran ko araw-araw. Wala na ang school at higit sa lahat wala na si Tyler. Nalulungkot talaga ako sa mga nangyari.

 Hindi pa rin malinaw ang mga nangyari sa amin ni Tyler. Hindi ko man lang napatunayan kung may relasyon ba talaga sila ni Dhine? Hindi ko pa nalalaman ang totoo about sa kanila. Wala ng pag-asa. Mananatili nalang ako dito sa ayaw at sa gusto ko.

 Naka-skype ko ang mga kaibigan ko ngayon gabi. Busy si mom and dad sa hindi ko malamang dahilan. Meron silang pinuntahan at palaging kausap. Nag-uusap din sila na parang kay importante no’n. Ano naman ‘yon? Nakatulugan ko na ang isiping ‘yon. Pagkagising ko kinabukasan, naninigas ako sa lamig. Hindi ko alam kung saan na ang mga gamit ko. Naghanap ako ng coat pero wala akong makita.

 Nagpunta ako sa kwarto ni mom and dad, pero tulog pa sila. Then, I saw my grandmother. Nakaupo siya sa kanyang wheelchair at nakatingin lang sa malayo. Nasa veranda siya ng bahay. Namiss ko tuloy siya. Hindi kami gaanong nag-uusap ni lola dahil hindi na rin naman niya ako matandaan. At isa pa, tumira ako sa Pilipinas, kaya mas lalong nakalimutan na niya ako. Pero ang alam ko, tumira din si lola sa Pilipinas no’n. Nilapitan ko si lola at niyakap mula sa likod.

 “Lola,” anas ko saka siya niyakap siya ng mahigpit. Kinuha niya ang kamay ko at saka pinapunta sa harap niya. Nakita niya ako, sinuri niya ang mukha ko. “Do you know my name, lola?”

 “Who are you?” tanong ni Lola. Sabi ko na nga ba eh. Itatanong lang niya kung sino ako.

 “Ahh. Lola, I’m Cyril.”

 “Cyril? Who’s Cyril?” anas niya.

 “Lola, My name is Cyril. I am your granddaughter,” nakangiting anas ko sa kanya. Hindi na niya talaga ako matandaan.

 “I don’t know you. I just know Cy, my real granddaughter.” anas bigla ni lola. Napakunot ang noo ko. I remember Zel called me that way. Cy. “Do you know Cy?” tanong sa akin ni lola.

 “Yes lola,” anas ko.

 “Really? You know what, I really love Cy, because she is really brave.” anas ni lola. Alam ko naman na ako ang tinutukoy niya. Ang sabi naman kasi ni mommy, si lola ang madalas kong kasama no’ng bata pa ako. At no’ng nagdadalaga na ako. Nasabi nga rin sa akin ni mom no’n, na madalas siya ang kasangga ko. Madalas daw niya akong ipagtanggol sa parents ko.

 “Brave?” naanas ko. Matatag nga ba ako? I can see myself as a weak woman. Ni hindi nga ako nagawang magustuhan ng taong mahal ko.

 “Yes! Cy is very brave! She’s a very strong woman and I’m so happy for her because he met that man. Cy is a strong princess so she deserves a perfect prince,” anas ni lola.

 Mas lalong napakunot ang noo ko. Man?A perfect prince for Cy?I am Cy. Then who’s that guy?

 “Hahaha!” tumawa si lola. Ang cute niya lang tingnan kaya napangiti na rin ako. “They were very sweet. I can see them as a perfect couple. That man tried to seduce Cy, but because of that man’s perseverance, Cy fell in love with him.” Tuwang-tuwang anas ni lola.

 Pero naguguluhan ako sa mga sinasabi ni lola. Alam kong ako si Cy, pero sino naman ang lalaking nagkagusto sa akin? At nangseduce pa daw sa akin?

 “That man works really hard just to win Cy’s heart. I felt his pain when Cy suffered from a serious illness,” anas ni lola.

 Do’n na bumangon ang kuryosidad sa puso ko. Hindi ko alam pero pumintig ng mabilis ang puso ko.

 “Lola? What do you mean? Who’s that man? And what illness are you talking about?” gulong-gulong tanong ko.

 “I can’t remember his name but I have his picture. I took that picture before when they were together,” anas ni lola. “I hope to see him again together with Cy,” anas ni lola.

 Naguguluhan na ako. Ano bang pinagsasabi ni lola?

 “Where’s the picture?” kunot noong tanong ko.

 Kinuha ni lola ang kamay ko at iginiya ako papunta sa kwarto niya. Binuksan niya ang maliit na drawer.

 “I remember his endearment to Cy,” natutuwang anas ni lola na parang inaalala ang mga pangyayari. Pero dapat ko bang paniwalaan si lola? Matanda na siya, baka ibang tao ang tinutukoy niya. Baka ang love story ng mga tita or tito ko. Oh baka naman ng mga kaibigan niya. She has a dementia and it’s severe.

 Nakuha ni lola ang picture at tiningnan iyon. Hindi ko pa makita dahil tinago niya iyon sa mga palad niya. It was an old picture, but not totally obsolete.

 “Do you want to know their endearment?” tanong ni lola sa akin. Tumango ako. “Kiss,” anas ni lola. Napaawang ang bibig ko sa kanya.

 “Lola? Did you say kiss?” pagkukumpirma ko.

 “Yeah. Hahaha! The man told me that she fell in love with Cy because of a kiss. That’s why they use that as their endearment. They’re really funny, right?” natutuwang anas ni lola.

 Gusto ko ng maluha sa mga nalalaman ko. Si Martin ba ang tinutukoy niya? My best friend? Pero walang sinasabi sa akin si Martin about dito? At kung ako ang babaing tinutukoy ni lola. Bakit hindi ko ito maalala? Bakit wala akong maalala? Dahil ba, ako rin ang tinutukoy ni lola na nag-suffer sa isang seryosong sakit? Kinagat ko ang labi ko ng iabot ni lola ang picture sa akin.

 Nanginginig na tiningnan ko ito. Bigla nalang tumulo ang luha ko ng makita kung sino ang babai sa picture, walang iba kundi ako. Pero hindi mapatid ang luhang kusang umaagos sa mukha ko dahil ang lalaki sa picture na kasama ko ay si, Tyler.

 Pero ano ang mga sinabi ni lola? Paano? Anong nangyari? Bakit? Ang daming tanong na sumasagi sa isip ko.

 “They’re very in love with each other. But Cy’s illness sets them apart,” malungkot na anas pa ni lola.

 Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at kinatok ng sunod-sunod ang pintuan ng magulang ko. Halos ibigay ko ang lahat ng lakas ko para lang mabuksan ang pinto nila. Binuksan ni dad ang pinto. Nakita niya ang itsura ko kaya nawala ang kunot ng noo niya. Pumunta sa likod ni dad si mom.

 “Baby? Why are you cyring?” alalang tanong ni mom.

 “Tell me the truth!” sigaw ko sa kanila. “Did I suffer from an illness? And what does this picture mean?!” tanong ko na ikinagulat nilang dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

44.6K 763 34
A Spoiler's Copy paste: "Sabi sa texto kanina, choose right daw. So Zia, Choose me. Say yes, Baby!" Maraming darating para guluhin at saktan ka, mama...
2.6K 102 22
Ang kwentong Ito ay pumapatungkol sa pagibig na nabuo sa matinding pagsubok.. Bilang pagpapakilala sa mga bida sa kwento , binubuo Ito Ng TATLONG BAB...
168K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
6.1K 273 32
Synopsis: Being a fighter is being a cruel to yourself, everyone wants to fight for what they want? Fighting for the throne? Or fighting for love? Wh...