Dance Of Fate [Serano Duology...

dEmprexx tarafından

24.6K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 4

701 13 0
dEmprexx tarafından

Chapter 4 

Audition

"Wow! As in, wow!" Hindi parin makapaniwala si Misha. Bilib na bilib pa siya sa desisyon ni Calvin. Napailing lang ng isang beses si Calvin dahil sa reaksiyon ng kaibigan. “Ikaw ba talaga si Calvin? Yung kaibigan namin?” Nagtataka parin na tanong ni Misha. 

“Of course, tss” masungit na wika ni Calvin tiyaka kumain na. Umiiling lang habang natatawa si Jeff bago bumaling sa akin. 

“Nasabi mo na ba baka gabihin ka ngayon dahil sa audition?” Tanong sa akin ni Jeff. Muntik ko nang makalimutan iyon ah. 

“Oo nga pala. Salamat sa pagpapaalala” hindi pa ako nakapapagpaalam, mabuti nalang talaga pinaalala ni Jeff sa akin kung hindi baka mag-alala sina tita. 

Bahagyang umangat ang tingin ni Calvin mula sa pagkain niya nang marinig ang usapan namin ni Jeff. Jeff gave me a sweet smile. 

“Mabuti nalang napaalala ko baka mag-alala sila sayo eh” tiyaka siya kumain muna bago magsalita “Sabay ka ulit sa amin, gabi na masyadong delikado rito sa Manila” dagdag pa ni Jeff. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. 

“Hay nako! Ang dami pa naman masasamang tao sa tabi-tabi!” Dagdag pa ni Misha. Tahimik lang na kumakain si Calvin sa tabi ko. 

“Alexa will be there” saad ni Misha. Tiningnan ko siya kung sinong kausap niya, nang makita kong kay Calvin siya nakatingin ay napatingin na rin ako kay Calvin. Naghihintay siyang magsalita. 

“Then?” Bored na tanong ni Calvin sakaniya. Nagkibit-balikat si Misha sa tanong ni Calvin. 

“Nothing. I think she can change your mind for joining” kibit-balikat pang saad ni Misha. 

Kung ganon, baka si Alexa ay malapit sakaniya noon pero hindi na ngayon kaya iniiwasan niya? That is my conclusion. Napatingin sa akin si Calvin kaya nahuli niya ang seryosong tingin ko sakaniya, mabilis kong iniwas ang tigin ko tiyaka pinagpatuloy ang pagkain ko.

He let a sigh. 

“I don’t want to go near her because I don’t want her to assume” simpleng sagot ni Calvin, narinig ko ang mga kubyertos niya sanhi na nagpatuloy na siya sa pagkain. 

Kaagad nakapasok ng isang topic si Jeff para gumaan ang atmosphere. Mabuti nalang ay nagtagumpay siya rito. Nag-usap silang tatlo tungkol sa business. Napatingin sa akin si Jeff. 

“Bakit nga pala pinasok mo ang Political Science?” Tanong niya sa akin “Eto kasing si Misha may law firm sila kaya she needs basic information” pagsagot ni Jeff sa side ni Misha. 

“Ah. Gusto ko sanang pagpatuloy ang Law pagkatapos” sagot ko tumango si Jeff sa sinabi ko. 

“Hmm. So you want to be a lawyer” he said the obvious, I just nod “But did you know that lawyers are liars?” Kuryos na wika niya. Tumango ako. 

“Lawyers are indeed a good liars” sagot ko sakaniya. Kumunot ang noo niya na tila naguguluhan. 

“So are you?” Umiling ako sa tanong niya. 

“Kaya nga gusto kong maging lawyer para gumanda ang justice system dito sa bansa” sagot ko sakaniya. Napatango siya sa sinabi ko “I want to prove that not all lawyers are liars” dagdag ko pa. Bahagyang natawa si Misha sa sinabi ko tiyaka nagpunas ng tissue. 

“I respect what you just said” malungkot na wika niya sa akin “However there are things in this world that is not meant for what you want. Marami narin kaming narinig na ganyan ang gustong mangyari kaya gusto nilang maging lawyer but we can’t deny the fact na masyadong malabo iyon. Lawyers tend to lie because of their safety” kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Alam ko naman iyon. Umaasa parin ako na mabago ang sistema pagdating sa katarungan na hindi pera ang nangingibabaw” sagot ko sakaniya. Napatango siya sa sinabi ko. 

“But sadly, money is the most powerful thing in today’s world. Hindi mabubuhay ang tao nang walang pera. Kailangan magsinungaling ng abugado para sa pera” Misha said. 

“Pero meron din mga abogado na hindi nagpapaakit sa pera” pagtatanggol ko. She nod. 

“Meron. Pero hindi mo nga tinanggap ang malaking halaga. Paano kung i-black mail ka nila?” She ask. 

“You are a lawyer. Mapagtatanggol mo ang sarili mo” wika ko. 

“Paano kung idamay mga mahal mo sa buhay?” Tanong pa niya. 

“You can consider it as a death threats” sagot ko sakaniya. Tumango siya tiyaka uminom sa shake niya bago sumagot. 

“Mapera sila at pera ang nagpapagalaw sa batas” 

“Whoah whoah whoah. Chill, girls! That was tense!” Jeff said. Napangiti sa akin si Misha tiyaka ako ngumiti sakaniya “Kaya pala huwag kang manligaw o mag jowa man lang ng law student kagaya ng sinasabi nila. Ganto pala kasi” natatawang dagdag ni Jeff. 

“You, boys want to get ladies easily, that’s why” sagot sakaniya ni Misha. Umiling si Jeff. “I can hire you in our law firm” Sabi ni Misha habang nakatingin sa akin. 

“Ga-graduate at papasa muna ako” nakangiting sagot ko sakaniya. 

“Full na kaya sa firm niyo wala nang available. Kina Calvin biglang magbabakante yan” natatawang asar ni Jeff kay Calvin pero hindi ko na iyon masyadong pinansin. 

Kinausap ako ni Misha tungkol sa fashion pero wala akong masyadong masagot dahil hindi ko hilig iyon. Kung sanang libro ang pag-uusapan namin ay marami akong mairerekomenda sakaniyang magandang basahin. 

Nagtagal kami ng kaunti roon, mabuti nalang at nag alarm ang cellphone ko thirty minutes bago ang klase namin kaya nag bill out na si Cavin. Nakakilingkis ang braso sa akin ni Misha habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, hilig atang gawin ni Misha iyon t’wing may kasama siyang naglalakad. 

Nang makarating na kami sa university. Naghiwalay rin kami dahil magkaiba kami ng department, nasa business department kasi ang dalawa. 

Nang matapos ang dalawang subject ay kaagad na akong hinatak ni Misha paalis doon, nagmamadali na makapunta kami sa gym para sa audition. 

Nang makarating kami ay naghabol ng hininga si Misha bago bumaling sa akin. 

“Palit ka muna ng damit, diyan lang ako sa bleachers” sabay turo ni Misha kung saan banda siya uupo. 

Tumango ako sakaniya, kinuha niya rin ang cellphone niya para siguro itext ang dalawa. Mabuti nalang hindi ko nakalimutan magdala ng isang shirt at leggings. Iyon ang sinabi sa akin ni Misha na susuotin. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako kung nasaan si Misha habang katabi na niya ang dalawa. 

Napabuntong hininga ako dahil nasa gitna si Misha kaya hindi ko siya matabihan. It’s either sa tabi ako ni Jeff o ni Calvin. At dahil si Jeff ang mas malapit sa akin ay sakaniya na ako tumabi. Nakuha ko ang atensiyon nila, tiningnan ni Misha ang suot ko tiyaka siya napangiwi. 

“I-roll natin shirt mo para maging crop top” naka crop top kasi ngayon si Misha at leggings na, hindi na siya nagpalit dahi ito na ang suot niya kanina pa. 

“That’s good” singit ni Calvin kaya lalong napangiwi si Misha. 

“It’s not, look at the other contestants” gumala ang paningin namin sa gymnasium at tama nga si Misha na naka crop top halos lahat ng mga contestants.

Tumayo si Misha tiyaka ako marahan hinila patayo para gawing style crop top ang aking shirt. Nang matapos siya ay pumalakpak pa siya dahil sa tuwa. 

"Look at your shape! Hindi dapat iyan tinatago!" Masayang wika niya habang marahan akong kinikiliti. Ngumiti lang ako kay Misha. Nang may dumating na isang lalaki sa amin. 

"Uy Jared, ikaw pala iyan!" Masiglang wika ni Misha sa lalaking dumating. Tumango ang lalaki kay Misha tiyaka tumingin sa dalawang lakaking kasama namin bago bumaling sa akin "This is Krizette, my best friend!" Pagpapakilala sa akin ni Misha. 

"Hello, Krizette. I'm Jared" binigyan niya ako ng matamis na ngiti tiyaka nag offer ng hand shake kaya tinanggap ko ito. 

"Ahm. Hello" naiilang na bati ko sakaniya. Pansin ko ang matagal niyang paghawak sa kamay ko at hindi niya ito binibitawan. 

May itsura si Jared o should I say gwapo siya na pwede na siyang maging artista sa kaniyang physical appearance. 

Bahagyang umubo si Calvin sa likuran namin kaya napabitaw ako ng hawak kay Jared dahil siguro sa gulat. 

"Buti nandito ka bro?" Tanong ni Calvin, tiyaka lumapit sa amin. Mabilis niya akong tiningnan bago tumingin kay Jared. 

"Mag audition ako" he shrug his shoulder. 

"Bakit pa? Pasok kana agad!" Singit ni Jeff na nasa tabi na ni Misha. Jared chuckle. 

"May mali ako sa dance troupe, bigla nalang akong umalis nang hindi nagpapaalam" Jared said. Napatango si Jeff sa sinabi niya. 

"Ganon ba? Pero alam naman namin na pasado ka" wika ni Jeff sakaniya. 

Napabaling kami sa court nang biglang tinawag sina Misha at Jeff para siguro mag assist din sa mga nag-audition. Sabi sa akin ni Misha kanina mga senior daw ang magdedecide kung makakapasok ka sa dance troupe. 

Tinawag kaming mga contestants kaya nakahilera na kami. Magkakatabi kaming tatlo nina Calvin at Jeff habang nakikinig sa isang senior na pinapaliwanag ang gagawin namin. Unang part daw ay ang pinractice namin at ang pangalawa na panghuli na ay bibigyan nila kami ng partner mula sa mga nag-audition din, may papanood silang sayaw na ipa-practice namin. 

"Understood?" Tanong ng senior sa amin kaya sumagot kami na naintindihan namin. Pagkatapos ay isa-isang nagperform. 

Hindi ko maipagkakaila na magagaling ang mga nauna. Parang sanay na talaga sila sa pagsasayaw. Kung ako ang isa sa mga hurado, panigurado mahihirapan ako sa pagpili. Tig-limang lalaki at babae lang ang kailangan nila, nasa thirty kaming nag audition. 

Huminga ako ng malalim tiyaka nag stretching nalang para mabawasan ang kaba ko. Masyado kasing magagaling ang mga nauna, baka hindi na ako makapasok at malungkot si Misha. Excited pa naman siya na makasama ako t'wing may practice. 

Napatingin ako sa katabi kong nag stretching din tiyaka siya ngumiti sa akin. 

"Not from Manila right?" Nakangiting tanong sa akin ni Jared. He's kind. 

"Ah yeah" sagot ko sakaniya "Morong, Bataan" dagdag ko pa. 

"Oh! Nakapunta na kami ron. Maganda rin ang beach doon!" Nakangiting pagkuwento niya "You're not a pure probinsiyana eh?" Tanong niya sa akin. 

"Pure. Malayo kami sa bayan" napatango siya sa sinabi ko "malapit lang kami sa dagat, may malapit na maliit na palengke sa amin pero malayo ang pinaka bayan" sagot ko sakaniya. 

"What is your course?" Tanong niya sa akin. Tumayo na ako nang matuwid dahil tapos na akong mag stretching ganon din ang ginawa niya habang nakatingin sa akin naghihintay ng aking sagot. 

"Political Science, same as Misha" sagot ko sakaniya sabay turo pa kay Misha na katabi ng mga seniors habang nanonood ng nagpeperform. 

"Mabuti nalang naka close mo si Misha. She hates girls" he chuckle. Napakunot ang noo ko kung gayon

"Matagal na kayong magkakaibigan?" I ask. Hindi ko alam na meron pa silang isang kaibigan.

"We're not that close. Hindi katulad nilang tatlo na hindi mo maipaghihiwalay. But yeah, we're friends. Matagal narin nung bata pa kami you know, family friends. Business world" he shrug his shoulder. Akala ko kasama siya sa grupo nila. 

"Oh I see" tanging sabi ko lang sakaniya. 

"By the way, may boyfriend kana?" Namilog ang mata ko dahil sa pagiging straight forward niya. Natawa siya sa naging reaksiyon ko. "I'm just asking you know" he said while shrugging his shoulder. 

"Ah? Wala pa" sagot ko sakaniya. Hindi ako masyadong kumportable kapag gantong topic na ang usapan. 

"Pa? Meaning magkakaroon? May nanliligaw?" Tanong sa akin ni Jared. Umiling ako. 

"Wala pa sa ngayon pero hindi naman ibig sabihin na may manliligaw na ako. Wala lang talaga akong oras para sa ganyan ngayon" nakangiting sagot ko sakaniya kahit na hindi ako kumportable sa ganong topic. 

"Pero ayos lang sayo na magpaligaw?" Kuryos na tanong niya. Sasagutin ko na sana siya kung wala lang akong narinig na tawag mula sa likod ko, base sa boses niya ilan metro lang ang layo niya. 

"Jared, you're next" tawag niya kay Jared gamit ang kaniyang seryoso at malamig na tono. Pareho kaming napatingin kay Calvin ngayon, walang emosyon ang makikita sakaniyang mukha. 

"Sige, perform muna ako" paalam ni Jared habanag tinuturo ang spot kung saan nagpeperform. Tumango ako bilang sagot. 

Lumapit sa akin si Calvin. Napaupo ako sa bleachers habang hinihintay na matawag ang pangalan ko, umupo rin sa tabi ko si Calvin. Para maiwasan ang pagkakailang ay nagtanong ako sakaniya. 

"Tapos ka na?" Hindi ko kasi napanood ang mga nagpeperform dahil nakatalikod ako sa kanila habang kausap si Jared. Nakatingin siya sa nagpeperform at marahang tumango sa tanong ko. 

Napabuga ako ng hangin, ang cold niya naman. Naramdamanan niya siguro ang reaction ko kaya pinili niyang sumagot. 

"Oo, kanina pa. Hindi mo lang nakita kasi busy ka sa pakikipag-usap" sagot niya sa akin, napansin ko ang marahang pag-igting ng panga niya pagkatapos niyang banggitin ang nga salitang iyon. 

Mukhang badtrip na wala sa mood. Syempre meron bang badtrip na nasa mood? Hay nako, Kriseta!

"Ah? Wala ka sa mood?" Nag-alangang tanong ko. Muntik ko nang ilagay ang palad ko sa mukha ko dahil sa kahihiyan, bakit ko tatanungin iyon? 

"Yeah" simpleng sagot niya lang, halata nga sakaniya na wala siya sa mood. 

"Ahm. Nagkamali ka sa performance mo?" Ah shit. Bakit gantong topic ba ang naisipan kong itanong. 

Marahan siyang umiling sa tanong ko hanggang sa narinig kong tinawag na ang pangalan ko para mag perform. Pumunta na ako sa harapan ng mga seniors. Kaagad ngumiti sa akin si Misha tiyaka nagsenyas na 'kaya mo iyan' 

Nagsimula ang musika kaya sinabayan ko na ito. Hindi na ako nag-isip nang kung ano-ano habang pinapakita sakanila ang mga moves and steps ko, baka kasi magkamali pa ako kapag nag over think ako. 

Tamang pag galaw ng paa, pagsabay ng kamay, at kembot ng beywang ang ginagawa ko. Hanggang sa natapos ang tatlong minutong performance.
 
Unang pumalakpak ng malakas si Misha pagkatapos ko na sinundan naman ng palakpak ni Jeff. Napangiti ako tiyaka nag bow sakanila. 

Even if I'll get rejected, I'm contented that there are people who believe and support me with my passion. 

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

101K 1.7K 33
Suarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when de...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
35.6K 1.1K 43
The Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remembe...
335K 8.2K 49
Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because o...