Dance Of Fate [Serano Duology...

By dEmprexx

24.6K 490 32

Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 2

902 17 0
By dEmprexx

Chapter 2 

Kaibigan

Puro orientation lang ang nangyari sa araw na iyon. Pagkatapos ay pinapunta kami sa lobby ng department namin para kuhanin ang ID namin na kinuhanan nung enrollment. Nagtetext si Misha dahil magkikita raw sila nung dalawang kaibigan niya na lalaki, susunduin daw siya sa department namin. 

"Sabay ka narin sa amin, dadaanan naman namin yung street niyo" wika ni Misha habang nakapila kami sa kuhanan ng ID.

"Ah hindi na. Nakakahiya" sagot ko, talagang nakakahiya lalo na at hindi ko man kakilala ang mga kaibigan niya. Umiling siya sa sinabi ko. 

"Ano ka ba! Huwag kang mahiya no! Tiyaka dadaanan naman namin pauwi yung street sa ninyo kaya pwede ka na naming ibaba ron. Yung kaunting minuto na ibaba ka, that won't hurt us" she assure me. 

Tumango ako sakaniya, binigay nanamin sa babae ang ID receiver slip namin para pirmahan na niya at makuha nanamin ang ID namin. 

"Nasa labas daw sila ng department natin" wika ni Misha tiyaka inilingkis ang braso niya sa akin. 

Nagkukuwento pa si Misha habang palabas kami ng building ng department namin. Pagkalabas namin ay agad siyang luminga para tingnan kung nasaan ang mga kaibigan niya. 

"Basta kapag nakakita ka ng dalawang magkasamang panget sabihin mo sa akin. Sila na iyon" wika sa akin ni Misha habang lumilinga-linga pa. "Sabi nila nandito lang sila" dagdag pa niya habang patuloy sa paghahanap. Luminga rin naman ako kahit na hindi ko alam ang itsura ng mga kaibigan niya. 

"Layla Misha!" Sigaw ng isang lalaki para tawagin kami. Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Misha dahil buong pangalan siyang tinawag ng lalaki. 

"Siya ba iyon?" Tanong ko habang nakaturo sa dalawang lalaki na mukhang kakatapos lang kinausap yung mga babae na hula ko ay ka deparment namin na nauna lang bahagya sa amin. 

"Oo ang panget diba?" Wika niya tiyaka kami pumunta don habang nakalingkis parin ang mga kamay niya sa akin. 

Nang makalapit kami, tiningnan ko ang dalawang lalaking kaibigan niya. Pareho silang matipuno at gwapo. The guy on the left side seems friendly but this one guy on our right side seems serious. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. 

"Akala ko ba naghihintay kayo sa labas?" Mataray na tanong ni Misha sakanila. 

"Nasa labas naman kami" sagot ng masiyahing lalaki na tumawag sakaniya kanina. 

"Kung nasa labas kayo, pagkalabas palang namin, nakita nanamin kayo. But you are busy flirting! God! First day of school!" Ngiwi ni Misha pagkatapos sabihin nang madrama ang huling pangungusap niya. 

"Kinausap lang namin sila, they approach us first" sagot ng lalaki kay Misha "Mukhang type itong si Calvin, 'yaw mo non magkaka love life na" pang-iinis na dagdag ng lalaki sa kasama nila. 

"Haha. As if magseseryoso yang si Calvin" sagot ni Misha sakaniya "By the way, this is my friend!" Masayang pagpapakilala sa akin ni Misha. 

"Hi. Ahm. Krizette Claire" nahihiyang bati ko sakanila.

"Hello! I'm Jefferson, just Jefferson" natatawang wika niya "And here is Calvin Karl Serano the famous one" sabay akbay ni Jefferson kay Calvin, naiiritang ginalaw ni Calvin ang pagkaka-akbay sakaniya ni Jefferson. 

"Don't mind them, ganyan lang talaga sila. Malay mo sila pa magkatuluyan" bulong sa akin ni Misha kaagad naman umangal si Jefferson sa bulungan.

"Hoy hoy. Layla Misha, anong binubulong mo?" Tanong ni Jefferson na mukhang alam niya na sila ang pinag-uusapan. Napaikot ng mata si Misha dahil sa sinabi ni Jefferson. 

"Didn't I tell you? Just call me Misha" naiinis na wika ni Misha "By the way, sasabay pala sa atin si Krizette" bahagya akong yumuko dahil sa hiya. 

"Sure! No problem. Right, Calvin? You're too silent" tiyaka humalakhak si Jefferson. Nag-iwas ng tingin sa akin si Calvin nang tiningnan ko siya. 

"Saan ba nakapark ang sasakyan niyo?" Tanong ni Misha tiyaka kami sumunod sa dalawang lalaki. Nakapamulsang naglalakad si Calvin habang nakaabay sakaniya si Jefferson. "Tiyaka sa iyo nalang kami sasakay, Jeff?" Tanong ni Misha habang naglalakad kami. 

"Baka nakalimutan mo? Grounded ako sa kotse ko" sagot ni Jefferson kay Misha. 

Matapos ang tatlong minuto namin paglalakad, nakarating rin kami sa isang mukhang mamahalin na sasakyan. Hindi ko alam kung anong brand ng sasakyan ito dahil hindi naman ako ganon kaalam sa mga sasakyan. Pinatunog ni Calvin ang kaniyang sasakyan tiyaka binuksan agad ni Misha ang back seat para roon kami maupo. 

Sinarado ni Misha ang back seat pagkasakay niya, sumakay narin ang dalawang lalaki. 

"You're so full of yourself kasi kaya ayan! Muntik kang madisgrasya sa race. Sino kayang walang kotse ngayon?" Asar ni Misha siguro kay Jefferson. 

"Buti nalang may kaibigan tayong malalapitan" tiyaka niya tinapik ang balikat ni Calvin. Napailing si Misha sa ginawa ni Jefferson. 

Nasabi ni Misha sa akin kanina may sarili siyang kotse at driver pero ayaw niyang kasabay ang driver nila dahil wala raw siyang makausap kaya madalas sumasabay siya sa dalawa dahil sa iisang subdivision lang sila nakatira. 

"Tahimik ka ba talaga?" Tanong ni Jefferson tiyaka bumaling sa akin mula sa rear mirror. Bigla tuloy akong nahiya. He chuckle because of my reaction "Pareho pala kayo ni Calvin, tahimik" dagdag pa niya pero nahimigan ko ang pang-iinis sa boses ni Jefferson. 

"Shut up, jeff" seryosong wika ni Calvin habang nagmamaneho. 

"Ah oo nga pala. Nasabi ba ni Misha sa iyo kung paano kami naging magkakaibigan? Kaibigan ko na kasi si Calvin simula pa nung bata kami, family friend. Tas naging kaibigan ko si Misha kay naging magkaibigan sila ni Calvin" napatango ako sa sinabi ni Jeff. Nasabi narin kasi sakin ni Misha kanina iyon, nung pagkarating niya raw kasi rito ay magkaibigan na ang dalawa. 

"I already told her that" sagot ni Misha kay Jefferson. Natawa si Jefferson dahil don. 

"Syempre ikaw pa ba? Ang daldal mo e" tatawang wika pa niya "Pero mabuti nalang naging magkaibigan kayong dalawa. E ayaw ni Misha sa mga babae" nagtatakang dagdag ni Jeff. 

"I like her. She's not like the other girls, not a two face bitch" wika ni Misha and shrug her shoulder.

"May boyfriend kana ba?" Tanong ni Jefferson sa akin, muntik akong mabulunan kahit na wala man akong kinakain. Natawa si Jefferson sa reaksiyon ko "Oh meron na ba? Mukhang meron na" umiling agad ako sa sinabi niya. 

"Hindi. Wala pa" sagot ko kay Jefferson. Tumango siya sa sinabi ko. 

"Bawal ka pa?" Tanong ni Jefferson sa akin. Umiling ako. Wala naman sinasabi sakin sina mama na bawal ako, pinapaalalahanan lang ako na huwag papabayaan ang pag-aaral kahit na magkaroon na ako ng boyfriend. 

"Hindi. Pwede naman" sagot ko sakaniya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang pagbaling ni Calvin sa akin sa rear mirror kaya nagkatinginan kami pero mabilis din siyang nag-iwas. 

"Pwede naman pala, bakit wala pa?" Tanong ni Jefferson nang nagtataka "To tell you honestly, you're beautiful kaya hindi ako maniniwala kapag sasabihin mong walang nanliligaw" mahabang paliwanag ni Jeff. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. 

"Ah. Ayoko parin kasi, mag-aaral muna ako para makatulong ako sa pamilya ko" tumango-tango si Jeff sa sagot ko. 

"Tiyaka, dadaan muna sa akin ang manliligaw sakaniya" singit ni Misha sa usapan tiyaka humarap sa akin "Ayos ba iyon?" Tanong sa akin ni Misha kaya napa tango ako. Wala naman din akong balak magpaligaw. 

"Etong si Calvin single rin" natatawang asar ni Jeff kay Calvin. Napansin ko ang pag-igting ng panga ni Calvin sa sinabi ni Jeff. 

"Shut up" natatawa parin si Jeff kahit na naiinis na si Calvin sakaniya. 

"Single but too many flings" nakangiwing wika ni Misha na lalong pag-igting ng panga ni Calvin. 

"They are not my flings" humagalpak lalo sa tawa si Jeff dahil sa sinabi ni Calvin. 

"Someone's explaining" pang-aasar pa ni Jeff. Bahagyang natawa si Misha sa tabi ko. 

"If they are not your flings then what are they? Your girls? Take note the S" pang-aasar na sagot ni Misha kay Calvin. 

"If you are here to tease me, both of you may leave this car" saktong nag traffic kaya huminto ang sasakyan sa kalagitnaan ng high way.

"Both of us? How about Krizette?" Nahimigan ko ang pang-aasar sa tono ni Misha. Tiningnan ng masama ni Calvin si Misha sa rear mirror, mabilis din siyang tumingin sa akin pero agad ring bumalik ang tingin sa daan. 

"Stop. Baka mag commute pa tayong wala sa oras" nagpipigil na tawang saad ni Jefferson. "Saan nga pala ang probinsiya mo?" Tanong sa akin ni Jeff. 

"Sa Morong" tumango siya sa sagot ko. 

"Malapit sa beach?" Tanong niya. Tumango ako dahil don "Cool! Bisita kami minsan sa inyo ah?" Masayang wika ni Jeff. 

"Ahm." Nag-alangan pa ako kung sasabihin ko o hindi pero sasabihin ko nalang din "Maliit lang ang bahay namin hindi siguro katulad ng sa inyo na maraming guest room" ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Calvin. 

"It's fine, there's nothing wrong with a simple house" saad nito habang deretsong nakatingin sa daan, sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Misha sa tabi ko pero kaagad ding nakabawi sa gulat. 

"Calvin is right" pag-agree ni Misha. "Besides, I want to live a simple life even just for a days" dagdag pa niya. 

Napatango ako sa sinabi niya. Kung seryoso man sila na gusto nilang bumisita, siguro ay sa debut ko nalang sa December. Kapag tapos na ang finals. 

Nang napadaan na kami sa street namin, itinabi ni Calvin ang sasakyan para makababa na ako. 

"Salamat nga pala" wika ko sakanila. Ngumiti si Jeff sa akin, tumango lang si Calvin. 

"Ayos lang. Sabay kana lagi sa amin!" Masayang wika ni Misha sa akin. Ngumiti ako sakaniya tiyaka nagpaalam na. 

Bumaba na ako sa sasakyan tiyaka sinara ang pintuan. Kumaway na ako sakanila hanggang sa makaalis na sila. Huminga ako ng malalim bago tumalikod para maglakad papunta sa bahay nina tita. Dalawang minuto lang naman ang layo mula sa kanto hanggang kina tita kaya hindi ko na kailangan mag tricycle. Nakuha ko rin ang atensiyon ng iilan dahil sa pagbaba ko sa isang kotse. 

Nang makarating na ako sa bahay, nadatnan kong gumagawa ng school works si Anjo. Alam niya rin limitahan ang paglalaro sa cellphone niya at sa mga school works. Pumasok na ako sa kwarto para makapagpalit, mabuti nalang walang masyadong gagawin dahil first day palang kaya nagsaing na ako ng kanin. 

Naghapunan ay sabay-sabay kaming kumakain nina tita. Nagtitinda kasi si tita sa mini mart nila sa street namin kaya umaalis din siya ng umaga, iyon ang unang naipundar ni ate Anj. 

"Ay Kriseta, oo nga pala at naikuwento sa akin ng mga chismosa na may naghatid daw sayo kanina. Naka kotse" nakuha ko ang atensiyon ni ate Anj at ni Anjo habang kumakain kami. Naging nickname ko kasi sa probinsiya ang Kriseta kaya minsan natatawag ako ni tita na ganoon. 

"Ah. Sinabay lang po ako nung kaibigan ko" sagot ko sakaniya. Kumunot ang noo ni ate Anj sa sinabi ko. 

"Kaibigan?" Tanong niya sa akin. Tumango ako tiyaka nilunok ang pagkain ko bago sumagot. 

"Si Misha naging kaibigan ko kasi siya, may kaibigan pa siyang dalawa. Tapos ay dadaanan din ang street natin kaya sinabay na nila ako" paliwanag ko. Tumaas ang kilay ni ate Anj sa sinabi ko. 

"Mayaman, may kotse" wika ni tita Anya sa akin. 

"Basta piliin mo ang mapagkakatiwalaan mo" paalala ni ate Anj sa akin. 

"Oo ate. Hindi naman sila katulad ng ibang mayayaman na matapobre" totoo na hindi sila matapobre base kanina. Lagi rin nila akong kinukuwentuhan para hindi ako ma outcast sakanila. Tumango si ate Anj sa sinabi ko na may tiwala sa akin. 

"Kung mabait sila kagaya ng sinabi mo, huwag kang basta-basta magtitiwala sa iba. Hindi sila katulad nila, maaring sinuwerte ka sa nakilala mong kaibigan ngayon pero hindi lahat katulad nila lalo na maraming mayayaman doon" pagpapaalala niya. Tumango ako, naintindigan ko naman iyon. Ayos lang sa akin kahit si Misha lang ang maging kaibigan ko. 

It's better to have a few friends who's always been true.

Continue Reading

You'll Also Like

739K 14.2K 54
Emilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. N...
101K 1.7K 33
Suarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when de...
14.3K 1.1K 23
What inspired you to write One Promise? You see, when I was young, life was tough. I grew up with a broken family. I never felt the love I wanted all...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...