MILAN (P.S#4)

بواسطة Yoonworks

77.6K 3.2K 1.5K

"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let y... المزيد

Notice
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Milan
Epilogue

36

1.1K 51 18
بواسطة Yoonworks

Weak...

Months passed and my life played the same scenario, gigising ako, sisilipin si Milan at magtatrabaho sa kumpanya nila. Abuela had given me so much freedom lalo pa nga at sa mansyon niya ako nakatira. Noong una nga ay ayaw pa ako nitong pagtrabahuhin at gusto na lamang na mag focus ako kay Milan para daw hindi ako masyadong napapagod.

Nagkaroon na lamang ako ng sariling lamesa sa silid ni Milan at minsan ay doon na lamang itinutuloy ang ginagawa.

I have to live too.

Sa gabi ay halos makatulog na rin ako sa kakabantay sa kanya at hindi na nakakalipat. It's either makakatulugan ko ang trabaho sa lamesa o sa couch na ako aabutan.

"Ate, nagkakaroon ka na ng bags under your eyes oh," turan ni Grey.

She was sent here para sa mga sessions niya. Apparently, she almost threw a vase to Xantha last time na naroroon siya sa mansyon. Walang nakapansin na may nadevelop na palang isa pang personality dito kay Grey matapos maaksidente ni Milan.

Nginitian ko siya at umupo sa hapag para makakain na. It's Sunday at wala akong pasok sa opisina.

Napahikab akong muli at sinikap na maimulat ng maayos ang aking mga mata.

Nakatulog ako sa silid ni Milan. Nanuod ako ng movie dahil kinukulit ako ni Andrea na panuorin iyon. Maganda daw kasi. Kung anu ano pang pananakot ang kanyang ginawa para lamang gawin ko iyon.

Sinunod ko na lamang dahil wala namang mawawala. Wala din naman kasi akong maikuwentong bago kay Milan.

His health has greatly improved. Hindi na siya inaatake at ang kanyang nga sugat ay naghilom ng lahat. Ang kailangan na lamang talaga ay magising siya.

Gaano na ba siya katagal mula nang nangyari ang aksidente? Hindi ko na halos tanda. Basta ang alam ko ay marami ng nagbago sa'kin.

.
Or maybe because I had to deal with so many people at the office kaya pakiramdam ko ay may nagbago? Hindi ko na rin nakakasama ang aking mga kababata madalas kaya naman pakiramdam ko ay ibang buhay na ang mayroon ako.

"Ate, sabi ni Miss Cynthia, marami daw may crush sa'yo sa office?" hagikgik nito. "Ikukwento ko nga kay Kuya Milan iyon para gumising na siya. Baka mamaya mawalan na siya bigla ng girlfriend,"

Sumubo ako ng kanina at hindi na masyadong kumibo. Si Lola ay natawa na din.

Mayroong mga nagsasabing may gusto sila sa'kin but I don't entertain people at the office.

Iyong huling lalaki na masyadong makulit ay halos mahimatay sa sobrang putla ng biglang sumabat ang sekretarya ni abuela at sinabing nobyo ko si Milan.

Hindi ko rin kasi ipinagsasabi sa opisina iyon. I have so many things to deal with at ayaw ko na may mga lumapit pa sa'kin para magtanong ng kung ano ano.

"Don't you have an appointment today?" tanong ko kay Grey. Mabilis naman itong napasimangot. Kapag Sunday kasi ay bonding time dapat nila ni Abuela. Pati si Tita Amelia ay nandito kapag Linggo so Grey hates going out on Sundays.

"Samahan mo na lang ako ate, please. Tapos diretso tayo sa mall because I need to buy some new notebooks. Lan would buy dark themed stuff kapag siya lang,"

Natawa naman ako sa kanyang tinuran ngunit sumangayon na din. At least if I'm with her, I can actually help in choosing dahil madalas ay itim lamang ang pinagdadadampot ni Lantis. Kaya rin naiinis si Grey minsan.

"Where do you wanna go?" tanong niya sa dalaga matapos ko siyang sunduin. She was already done with her session at hindi na ako nagtaka ng si Lantis ang sumakay sa harapan ng kotse. It was me driving this time. Sa tagal ko rito ay nakasanayan ko na ring ipagmaneho ang aking sarili though madalas ay ihinahatid ako ng driver ng pamilya sa opisina. Iyon ay lalo na kung pagod ako at puyat.

"Hindi ko alam. Hindi naman ako ang kausap mo sa lakad na 'to," pagtataray ng ampon ni Chase.

Napangisi ako bago nagdesisyong tumuloy sa mall.

We were inside the book store at tumitingin na rin ako ng librong babasahin. Wala naman din kasi akong ibang pwedeng pagkaabalahan.

I was scanning through some romance novels nang halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsasalita ni Lantis.

"Nangangarap ka pa rin ba ng isang happy ending para sa inyo ni Milan?"

Sinamaan ko siya ng tingin at pinigilan ang sarili na mainis. Buwisit na bata ito. Nananahimik ako, ang tabil na naman ng bibig.

"Find something you'd like to read imbes na iniinis mo ako," angil ko sa kanya.

"Romance novels are for the weak. Bakit kailangan mong papaniwalain ang sarili mo na totoo ang happy ending? Look at Grey's parents,"

Marahas akong napabuntong hininga at nagsisisi na kung bakit pumayag pa akong lumabas. Nagpahinga na lamang sana ako sa'king silid.

"Believing in love doesn't make you a weak person. Hindi naman masama ang magmahal. Love comes in different forms. Iyang simpleng katabilan ng dila mo sa tuwing pinoprotektahan mo ang mga taong importante kay Grey, that's a form of love too. You're just as weak as I am,"

"Nonesense, I have no say sa mga desisyon ni Grey. It was all on her,"

"That makes you even weaker then. Dahil isa ka lang persona na sumusunod sa kagustuhan ng totoong pagkatao niya,"

Sinamaan niya ako ng tingin at matapang ko naman sinalubong nag kanyang mga titig. Sa mga ganitong panahon lumalakas ang presensya niya e.

"Huwag na huwag mong kukwestyunin ang kinabukasan ko kay Milan. Whatever your intention is, wala akong pakialam. I will wait for him. Walang makakapigil sa'kin dahil hindi ko siya susukuan,"

Ibinaba ko ang hawak kong libro bago siya tinalikuran. But that brat doesn't really know when to stop.

"Madaling sabihin iyan ngayon pero darating ang araw na mapapagod ka. Mapapagod ka sa kakahintay at sa huli, hindi mo na kakayanin ang sakit. And when that time comes, sasabihin mo na sana ay bumitiw ka na noon pa para hindi ka ngayon nauubos,"

Umuwi din naman kami at hindi na pinagusapan pa ang nangyari. Nang magswitch siya kay Grey ay parang walang nangyari.

Nagkulong na lamang ako sa'king silid pagkatapos noon.

That confrontation with Lantis made my heart waver a bit. Ayokong isipin ang mga salitang kanyang binitiwan pero hindi ako makapagpigil. I refuse to admit na darating ang araw na mapapagod ako sa paghihintay. Kasi alam ko kung gaano ko kamahal si Milan. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa'kin. But deep inside, napapaisip din ako. Totoo ang sinasabi niya, na napapagod din ako. Pero mas pipiliin kong mapagod ng paulit ulit kaysa tuluyang mawala sakin si Milan.

Nakatulog ako na iyon ang laman ng aking isipan.

If it wasn't the continous knocking on my door ay hindi ako magigising. Kulang din kasi ako sa tulog lately kaya siguro bumigay na din ang katawan ko.

"Yes po?" bungad ko sa kasambahay.

Ni hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng makarinig ako ng ingay sa labas. Milan's room was just right next to mine kaya naman dinig na dinig ko ang pagkakagulo roon maging ang malakas na iyak ni Abuela.

Para akong nanghina bigla at mabilis na napatakbo doon. Please don't tell me na may masamang nangyari sa kanya.

Hindi na ako nagabalang magpalit ng damit. Nakapantulog lamang ako at nakayapak.

Sobrang lakas ng tibok ng aking puso at para akong maiiyak sa sobrang takot. Takot na takot ako sa maaring mangyari. Hindi ko kasi kakayanin.

Napakaraming kasambahay sa labas ng silid at ilang mga guwardya na tila nakaantabaybsa kung anong pwedeng mangyari. A family doctor was living with us para mamonitor palagi si Milan maging ang kalusugan ni Abuela kaya naman hindi na ako nagtaka ng makita iyon sa loob.

Ang inaasahan kong posibleng atake ni Milan ay taliwas sa inabutan kong eksena.

Instead, I saw abuela sitting on a chair sa harapan ni Milan habang ang doktor naman ay tila sinusuri ang pasyente.

At kahit na nasa bandang pintuan pa lamang ako ay mabilis na nagbagsakan ang aking mga luha nang mapagtanto ang mga nangyayari. Hindi na kinaya ng aking mga tuhod at napasalampak na ako sa sahig. Naitakip ko ang aking mga kamay sa'king mukha at doon na naiyak. Ang kaninang takot na lumulukod saking puso ay unti unting napalitan ng kasiyahan.

Milan was finally awake.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

398K 15.9K 41
She had always wanted to mend the relationship between her and her half-brother. So she did everything to secretly take care of him. She's even conte...
1.3M 32.8K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
102K 3.7K 53
"Stop acting like a damn child Xantha. Umuwi ka na kung hindi hahalikan talaga kita," I glared at him in pure hatred. "I hate you..." Book 3 of Punta...