Killer Girlfriend (COMPLETED)

By QueenOfSpades23

87.7K 1.5K 93

The Killer is my girlfriend - Chip Torres More

QSPADE STORY
WRITER'S NOTE!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
EPILOGUE
WRITER'S NOTE
NEW STORY!

CHAPTER 22

2.6K 47 3
By QueenOfSpades23

CHAPTER 22
AUTHOR'S POV

Humahangos si Devi ng buksan niya ang pinto kung saan siya nakarinig ng tatlong sunod sunod na putok ng baril.


Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Devi habang tulalang nakatitig sa katawan ni Chip na nakadapa sa sahig, unti unti ding umaagos mula sa katawan nito ang napakaraming dugo.


"M-mommy.." umangat ang tingin ni Devi sa pinag mulan ng boses, nanlumo siya ng makita ang anak na iyak ng iyak habang nakagapos ang katawan.


Hindi napigilan ni Devi ang pagpatak ng luha sa mata niya, ang lalaking mahal niya ay nasa sahig at duguan, ang anak niyang walang humpay ang pag iyak na nakagapos ng katawan.


binaling ni Devi ang tingin sa babaeng nakatayo sa pwesto kung nasaan ang anak niya, may tama ito ng baril sa isang balikat, may hawak din ito na baril na ngayon ay nakatutok na sa kanya.


"H-how are you my dear cousin? It's nice to finally see you again." mapang uyam na sabi ni Selene sa kanya, kahit pa nanghihina dahil sa tama ng baril ay pinilit pa talaga nitong magsalita ng ganon sa kanya.


Hindi siya umimik at dahan dahang inabot sa likod niya ang baril na nakatago doon pero natigilan din ng marinig ang nanghihina pero nang iinis na tawa ng kanyang pinsan.


"Oh my dear cousin, you really gonna kill me with your son as an audience?" napakuyom ang kamao ni Devi at bumaling sa anak na tumigil na sa pagiyak ngunit panay pa din ang paghikbi habang nakatingin sa kanya.


napapikit siya at huminga ng malamim, pagdilat ng mata niya ay tinuon niya agad ang tingin sa pinsan, blanko ang mga mata niya habang titg na titig sa pinsang nakangisi sa kanya.


napatingin siya sa braso nitong tuloy tuloy pa din sa pagdudugo, alam niyang nanghihina na to sa dami ng dugong nawala at alam niyang napakadali lang sa kanya na patayin ang pinsan.


"Chip, baby." tawag niya sa anak niya ngunit hindi siya lumingon sa pwesto nito pero ramdam niyang nakatingin lang sa kanya ang anak. "You're a smart kid right? you always follow what mommy said to you." kita niya sa gilid ng mata niya ang pagtango tango nito.


Nagpakawala ng hangin si Devi bago isatinig ang susunod na sasabihin. "Close your eyes anak, kahit anong marinig mo ay wag na wag mong bubuksan ang mga mata kung hindi ay magagalit si mommy." ngumiti si Devi saka nilingon ang anak, nakatitig lang ito sa kanya, tinanguan niya ang anak na mariing pumikit.


"Such a b-bad mother to your c-child Devilaine—"


Hindi na nagawang tapusin ni Selene ang sasabihin nito, nang mabilis na hinugot ni Devi ang baril sa kanyang likuran at sunod sunod na binaril sa katawan ang kanyang pinsan na hindi man lang nagawang makaganti ng baril sa kanya.


blanko ang mata niyang sinundan ang pag bagsak ng walang buhay na katawan ng kanyang pinsan sa sahig, agad niyang iniwas ang tingin.


Hindi niya akalain na dadating siya sa puntong papatayin niya ang sariling pinsan, kaya siya lumayo dito at kay Chip dahil hindi niya ito kayang saktan dahil kadugo niya ito, kahit noon pa man ay hindi na niya gusto ang pinsan ay kagudo at pamilya niya pa din ito kaya naman nagpaubaya siya at iniwan ang mahal niya sa pinsan.


dumako ang tingin niya sa katawan ni Chip na nakadapa sa sahig, parang dinudurog ang puso niya habang unti unti siyang lumalapit sa katawan nito.


Napaluhod siya sa tapat ng lalaki, binitawan niya ang hawak na baril at sinapo ang ulo nito at inilagay sa kanyang kandungan, sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.


nahihilam na siya sa sarili niyang mga luha habang nakatitig sa gwapong mukha ng mahal niya.


ang tagal niyang tiniis ang sakit na hindi ito makasama, tiniis niya ang pangungulila sa lalaki at tiniis niya ito noong iniwan niya.


"C-chip." basag ang boses na sambit ni Devi sa pangalan ng lalaki, parang gusto niyang sumigaw dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman.


nanginginig ang kamay niyang hinaplos niya ang mukha nito, natigilan siya ng maramdaman ang pagpintig sa bandang leeg nito na nahawakan ng isang daliri niya.


mabilis niyang pinawi ang luha sa mata at pinulsuhan ang lalaki, nanlaki ang mata niya ng maramdaman niyang may pumipintig pa doon.


Parang nabuhayan ng loob si Devi, Hindi pa patay si Chip, pwede pa itong mabuhay, kailangan niyang magmadali, kailangan niyang dalhin sa hospital si Chip, kailangan nitong mabuhay, kailangan niya ito, kailangan nila ng anak niya si Chip.


"M-mommy.."


mabilis na binalingan ni Devi ang anak, namumula ang mga mata at ilong nito dahil sa ginawang pag iyak, bakas na bakas din sa bata ang takot nito.


dahan dahan at maingat na inalis ni Devi ang pagkakaunan ng ulo ni Chip sa kanyang hita, tumayo siya at nilapitan ang anak.


"Baby.." pinilit niyang ngitian ang anak, napababa ang tingin niya sa kadenang nakagapos sa anak, hindi nanaman niya mapigilan na manlumo sa murang katawan ng anak na iginapos sa poste ng kwarto gamit ang malalaki at malamig na kadena.


"Don't worry baby, aalis na tayo sa lugar na to. dadalhin natin ang daddy mo sa ospital." sabi niya habang pilit na inaalis ang kadenang nakapulupot sa katawan ng anak.


"D-daddy?" natigilan sandali si Devi ng marinig niya ang sinabi ng anak, tinignan niya ito at ngumiti tapos ay tumango dito.


"Yes anak, ang daddy mo." napababa ang tingin ng bata sa nakadapang katawan ni Chip sa sahig.


"Si m-mister? d-daddy ko po?" mahina at inosenteng sabi nito, tumango tango si Devi habang pilit pa rin inaalis ang kadena sa katawan ng anak.


Hindi na mapigilan ni Devi na mapaluha habang lumilipas ang minuto na hindi niya pa din matanggal ang kadena sa katawan ng anak ay ang paglagay sa buhay ni Chip sa bingit ng kamatayan.


madami ng dugong nawala dito at kapag mas tumagal pa sila doon ay mangyari ang kinatatakutan niya, ang mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal.


Inis na pinahid ni Devi ang luhang nagpapalabo ng mata niya, lumingon siya sa paligid para maghanap ng pwedeng gamitin para maalis ang kadena sa anak niya.


nahinto ang mata niya sa baril na binitawan niya sa tabi ni Chip, mabilis siyang lumapit dun at dinampot ang baril.


nilabas niya ang magazine sa loob nito at agad na pinalitan ng bago mula sa bulsa niya, napaangat ang tingin niya sa anak na titig na titig sa kanya at sa hawak na baril.


"Wag kang gagalaw anak, aalisin ka ni mommy jan okey?" malambing na sabi niya dito na ikinatango naman ng bata.


naglakad siya sa likod na bahagi ng poste, tinutok niya sa kadena ang hawak na baril at sunod sunod niya itong binaril.


Parang nakahinga ng maluwag si Devi nang makitang bumagsak sa sahig ang kadena, umangat siya ng tingin ng makita ang anak na patakbong lumapit sa kanya, sinalubong niya ng yakap ang anak.


"Mommy.."


bahagya niyang nilayo ang anak at pinakatitigan ito sa mata.


"Baby, kailangan na natin umalis. dadalhin natin ang daddy mo sa hospital, gusto kong maglakad ka lang at tumingin ng daretso kapag lumabas tayo ng room na to okey?" pangungumbinsi niya sa anak na sunod sunod naman ang pag tango.


sabay silang naglakad ng anak palapit sa walang malay na Chip.


Pinilit ni Devi na itayo ang katawan nito, napakagat siya ng labi ng maramdaman ang mabigat na timbang ng lalaki, talagang nag iba na ito ng lubusan, kung katulad lang ng dati ang pangangatawan ni Chip ay marahil mabilis niya lang ito maitatayo para akayin.


Natigilan sandali si Devi ang makita niya ang anak na tinutulungan siyang itayo ang ama nito, tipid na napangiti siya sa anak, nang maitayo nila ito ay inilagay niya ang isang braso nito sa balikat niya at inilalayan ang bewang nito upang hindi matumba, ang anak niya din ay nakahawak sa bewang ng ama.


pinilit ni Devi na maging mabilis ang pag alis nila sa lugar na iyon, maya't maya siya napapalingon sa anak tuwing may madadaanan silang bangkay sa dadaanan pero gaya ng inutos niya dito ay tuloy tuloy lang din itong naglakad, daretso ang tingin at hindi tinatapunan ng tingin ang mga katawan.


Hindi gusto ni Devi na mamulat ang anak niya sa ganitong klaseng sitwasyon pero wala siyang magawa sa mga oras na iyon, pinagpapasalamat nalang niya ang pagiging matalino nito dahil alam niyang mauunawaan ng anak ang mga nangyari kahit pa sa murang edad nito.


Nakaramdam ng pag asa si Devi ng makarating sila sa kotse ni Chip sa kalsada, mabilis niyang pinasok si Chip sa loob ng backseat, sumakay din ang anak niya sa likod ng kotse katabi ng ama nito.


Mabilis naman ang naging kilos ni Devi at sumakay kaagad sa driver seat, nakita niya pa ang nakagapos na lalaki sa kalsada na wala pa ding malay pero hindi niya na pinansin ito, sumakay at mabilis na pinaandar niya ang sasakyan.


Napatitig si Devi kay Chip na nakahiga sa kama habang mabilis na tumatakbo ng mga nurse para dalhin ito sa emergency room.


Huminto siya ng nasa tapat na sila ng emergency room, pigilan siya ng isang nurse na sumunod sa loob kaya naman sinundan nalang niya ng tingin ang kinahihigaan ni Chip hanggang sa makapasok ito sa loob ng kwartong iyon.


Napababa ang tingin niya sa anak ng hilahin nito ang laylayan ng damit niya, inosente ang mukha nitong nakatingala sa kanya, sinubukan niya itong ngitian.


Pareho sila ng anak na punong puno ng dugo ng ama nito, napakagat ng labi si Devi at niyakap ang anak.


Chip, kayanin mo. mabuhay ka para sa amin ni Chip.


Ilang oras na ang limipas pero hindi pa din lumabas ang doctor na umoopera Kay Chip, si Devi ay nakaupo lang sa labas ng kwartong pinagdalhan kay Chip.


Nakapagpalit na din siya ng damit pero hindi pa kumakain, ang anak niyang si Chip ay pinasama muna niya sa matalik na kaibigan na si Nimfa upang makapagpalit ng damit at makakain.


Eto ang tumulong sa kanya noong mga panahon na manganganak siya at hindi niya alam ang gagawin, parang anghel itong dumating ng mga oras na iyon at hindi nagdalawang isip na tulungan siya at dalhin sa ospital, naging malapit sa kanilang mag-ina ang babae at di kalaunan ay naging kaibigan niya na ito, tinuring na din ng anak niya bilang pangalawang ina ang babae kaya naman 'mama' ang tawag ng anak niya dito.


Napatayo mula sa pagkakaupo si Devi ng makitang may lumabas na doctor, tinanggal ng doctor ang suot nitong surgical mask bago magsalita.


"Ikaw ba ang kasamahan ng pasyente?" tumango siya sa naging tanong nito. "Stable na ang lagay ng pasyente, wala namang tinamaan na internal organs sa kanya pero maraming dugo ang nawala. kakailanganin pa siyang salinan ng dugo sa mga susunod na araw, sa ngayon ay pwede na siyang ilipat ng kwarto pero limitado lang ang pwedeng lumapit sa kanya."


Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Devi ng marinig mula sa doktor na buhay at maayos lang si Chip, tumango siya sa doktor ng sabihin pa nito ang mga kakailanganing gawin kay Chip.


Nagpasalamat si Devi sa doktor bago ito umalis sa kanyang harapan, napaupo siya sa bench na kinauupuan kanina.


'Buhay ka Chip.'


Nang mailipat si Chip ng kwarto ay agad naman nagpunta doon si Devi.


Pagkapasok niya sa loob ng kwarto ay napatitig agad siya sa lalaking nakahiga sa kama, mabibigat ang paa niyang naglakad palapit sa kama.


Umupo siya sa upuan sa tabi ng kama nito at pinakatitigan ang lalaki, tipid siyang napangiti habang nakatingin sa mukha ni Chip.


Namumutla ito pero hindi kabawasan iyon sa pagiging gwapo nito sa kanyang mata, inabot niya ang isang kamay nito at hinawakan ng mahigpit gamit ang dalawa niyanh kamay.


"Salamat at lumaban ka. hinihintay kita Chip, hinihintay ka namin ng anak mo." Hindi na napigilan ni Devi ang luha na pumatak sa mata niya.


Hindi niya akalain na magiging ganito ang muli nilang pagkikita ni Chip, ang magkita silang muli at ang paglagay sa kapahamakan ng anak niya, ang pagpatay ni Chip sa katrabaho niya at muli niyang pagpatay, ang pagpatay niya sa sariling pinsan.


Ibinaon na sa limot ni Devi ang mga masasamang nagawa niya noon simula ng dumating sa kanya ang anak niya, kinalimutan niya ang lahat lahat, tinalikuran niya ang marangyang buhay at kumayod para sa kanila ng anak niya pero sa isang iglap lahat ng mga bagay na kinalimutan niya ay unti unti nagbalik ng magkita ulit sila ni Chip, ang pagpatay na matagal na niyang inalis sa sistema niya ay nanumbalik sa kanya nung oras na malaman niyang nasa peligro ang anak niya.


Ngayon niya napagtanto na mahal na mahal pa din niya si Chip at hindi niya kayang mawala ito, rumagasa na naman ang luha galing sa mata niya.


Hindi namalayan ni Devi na nakatulog na pala siya, nagising lang siya dahil sa marahan na paghaplos sa kanyang ulo.


mabilis siyang napaangat ng ulo at napatitig kay Chip na gising na, napaawang ang bibig niya dahil gising na nga ito.


"C-chip.." mahinang ani niya, matamlay siyang nginitian nito na ikinalundag ng puso niya.


Hindi na napigilan ni Devi ang lumapit sa lalaki at yakapin ito, nagsimula na naman bumuhos ang luha niya habang nakayakap sa lalaki.


"You're alive Chip! Thank you! Thank you for staying with me Chip, I love you. Hindi ko alam ang gagawin kung.. kung.." napakagat ng labi si Devi dahil parang nagbara ang salitang sasabihin sa lalamunan niya.


Napapikit nalang siya ng maramdaman ang malumanay na paghagod ng kamay ni Chip sa likuran niya, dahan dahan niyang inangat ang tingin sa mukha nito na titig na titig din sa kanya habang may matamlay na ngiti sa labi.


Kumunot ang noo niya ng makita ang unti unting pagngiwi ng kanina ay nakangiting si Chip, bumaba ang tingin niya sa suot na hospital dress nito. mabilis na umalis siya mula sa pagkakayakap ng makita niyang nababahiran na ng dugo ang puting suot nito.


"S-sorry.." napapahiyang sabi niya pero tanging pagngiti lang ang sinagot sa kanya nito, luminga linga ito sa buong kwarto na para bang may hinahanap hanggang sa bumalik sa kanya ang tingin nito.


"N-nasaan si Chip?" bakas sa boses nito ang panghihina pero pilinit pa din nito magsalita upang alamin kung nasaan ang anak nito.


"Kasama siya ng—"


nakuha ang atensyon nilang dalawa ng bumukas ang pintuan, kaagad na nagliwanag ang mukha ni Chip ng makita ang inosente at maamong mukha ng batang lalaki na nakasilip mula sa pintuan.


napaangat ang tingin ni Devi sa nakatayo sa likod ng anak niya, nginitian niya ito at nag thank you. tumango naman si Nimfa sa kanya.


Napalingon siya ng makitang tinaas ni Chip ang kamay at sinenyasan ang anak na lumapit, nahihiyang lumapit ito sa may kama.


"M-magaling kana po m-mister?" inosenteng tanong nito sa ama, napangiti si Chip at marahang ginulo ang buhok ng anak.


"You have to stop calling me mister kiddo. I'm your father, you should start calling me daddy." mahinang sabi ni Chip sa anak, bakas pa din ang panghihina nito.


Napayuko naman ang bata at tila namumula ang mukha, napangiti si Devi sa tinuran ng anak. Kahit kailan ay hindi ito nagtanong sa kanya tungkol sa ama niya kaya hindi niya din alam kung ano ang nararamdaman nito ngayon.


"H-hindi mo na po ba iiwan ang m-mommy ko? s-sasama na po ba kayo sa amin? t-titira kana po sa bahay namin?" nagulat si Devi sa sunod sunod na naging tanong ng anak niya sa ama nito, hindi niya inaasahan ang tanong na yun na manggagaling sa anak niya.


Hindi naman mapigilan ni Chip na matuwa sa bata at mapakamot ng ulo, ang katotohanan na ang mommy nito ang nang iwan sa kanya at hindi siya ay hindi niya maisatinig.


"No kiddo." parang lumaylay ang balikat ng batang Chip ng marinig ang sagot ng ama, bakas din ang lungkot sa mukha nito. "Kayo ang sasama sa akin, doon tayo titira sa bahay ko."


mabilis na nag angat ng tingin ang bata at hindi makapaniwalang nakatingin sa ama, mabilis na sumampa ang bata sa kama at kaagad na niyakap ang ama.


"Talaga po? papasakayin mo po ba ulit ako sa car mo?" habol na tanong ng bata habang nakayakap pa din sa ama na ikinangiti naman nito.


Napangiwi si Chip ng maramdaman ang pagkirot ng sugat niya pero hindi niya sinuway ang anak na mahigpit na nakayakap sa kanya, ramdam niyang masayang masaya ito katulad niya.


Pinahid ni Devi ang luhang kumawala sa mata niya habang pinapanuod ang mag ama niyang magkayakap, napatingin siya kay Chip na nakatingin na pala sa kanya, sinenyasan siya nito na lumapit at daluhan sila ng anak sa isang yakap.


Tumango siya at lumapit sa dalawa, hindi mapigilan ni Devi mapangiti habang magkakayakap silang tatlo.  Sa unang pagkakataon ay nabuo silang tatlo, ipinapangako niya na hindi na ulit siya aalis sa tabi ni Chip.


-QSpade
Thank you for reading Killer Girlfriend, next chapter will be the Epilogue. 

Continue Reading

You'll Also Like

82.2M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
245K 1.1K 4
Sex in the car with my crush.
2.8K 52 6
Si Mark, isang bakla na naghahangad lamang ng pagtanggap mula sa kanyang ama na labis ang pagkamuhi sa kanya at sa mga kauri niya. Tinatago ang tun...
31.6K 879 44
Zoey Saavedra is far from being a princess or a damsel in distress. She only has one qoute in life and that is, "What Zoey Saavedra wants, Zoey gets...