The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.8M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Twenty

218K 5.6K 1.2K
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY

"HINDI mo pa 'ko mahal pero kung makatili ka kanina sa loob ng kotse, para kang nanalo sa lotto?"

Inirapan ni Sapphire si Johann. Pagkatapos nitong magtapat kanina na mahal na nga daw siya nito, totoo naman kasing nakaramdam siya ng pagkiliti sa kanyang puso. Yes, she felt so happy.

Pero, hindi niya inamin na mahal niya na rin ito. Naisip niyang itago muna. Sandali lang naman. She just wanted to feel... Being chased, possessed, loved... Oras na umamin siyang mahal niya na ito, baka magsawa ito sa kanya.

Just like her mother's ex-boyfriends always did to her mom.

Tinapos na ni Sapphire ang pagkain. "Akala ko ba hahayaan lang natin maging natural ang mga bagay? That we don't have to make it fast? Kasalanan ko ba na mas nauna kang nahulog?"

Tinitigan siya nito at saka nagkibit-balikat. "Hindi naman kita minamadali, Misis. Basta, mahal na kita. Bahala ka nang mag-handle ng kilig sa mga susunod na araw." Johann grinned from ear to ear.

"What are you going to do na hindi mo pa nagagawa?" nagtatakang tanong niya.

"Marami pa. Kapag may mahal ako, hahanap at hahanap ako ng isang libong bagay na puwede kong gawin, maparamdam ko lang sa kanya ang pagmamahal 'ko." He stared straight into her eyes. "Gagawa at gagawa ako ng maraming bagay, masiguro ko lang sa taong mahal ko na siya lang. Ikaw lang... masayang masaya na ang puso ko. Ikaw lang, Misis, buhay na buhay na ang katawang lupa ko."

She chuckled. Damn Johann. So cheesy and sweet! "Ganoon ka magmahal?"

He leaned close to her. "Ganoon dapat magmahal lahat. Sumobra man, at least, hindi dapat kulang. Sa kaso ko, mahihiya ang Anggat Dam dahil sa pagmamahal ko."

"Bakit?"

"Dahil mas mag-uumapaw sa kaligayan ang puso mo sa hatid nang tunay kong pag-ibig sa'yo." Napahawak ito sa sariling ilong. "Sandali, ang deep ko. Nosebleed. Pucha, ako ba 'tong nagsasalita?"

Napailing-iling siya pero hindi niya maitatangging touch na touch ang puso niya. "So gay of you, Mister. Yeah. That's you." Napangiti siya at saka tumayo.

Hindi na pinigilan ni Sapphire ang sarili. Lumapit siya kay Johann na nakaupo at nakatingala sa kanya. Yumuko siya. She cupped his face and kissed him.

"Isa pa," nakangiting hirit nito pagkatapos niyang humalik. Hinuli nito ang baywang niya. And she found herself sitting on his lap and kissing him torridly.

Parehas silang hingal nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Hindi mo pa ko mahal nang lagay na iyan, huh?" he teased.

She just smiled. She does not feel saying those three words yet. Not now. But she can make Johann feel about it.

"Do you consider making love to me now?" bigla niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata nito. "Ay jusko po." Hinawakan siya nito sa baywang. "Huwag kang nagtatanong ng ganyan. Ang wholesomeness ko, mawawala. Isa pa naman akong kagalang-galang na guro at propesor."

She made face. "Wala ka namang estudyante ngayon. And you're not in school. You're in our house. You're my husband. Puwede ka nang magmukhang hindi kagalang-galang."

Natawa ito at niyakap siya. "Hangga't sa hindi mo pa 'ko mahal, hindi natin gagawin. Ako lang mag-e-enjoy kasi ako pa lang ang nagmamahal. Kapag mahal mo na rin ako, mas masasarapan ka sa bawat sundot at hugot ng romansa at pag-ibig!"

Ang lakas ng tawa ni Sapphire. "Sundot at hugot? What the eff?! And you call yourself a noble teacher. That's disgusting!"

"Tignan mo, disgusting pa sa'yo. Hindi ka pa handa. Kaya huwag mo 'kong babanatan kung gusto kong makipag-make love sa'yo. Dahil ang sagot ko laging oo."

Natigilan siya. "Bakit noon sabi mo, hindi mo iniisip iyon?"

"Hindi ko iniisip kapag di ka nakakandong sa'kin ng ganito. Argh! Mga babae nga naman. Temptasyon! Tukso!"

"Kapag magkatabi tayo sa kama, natutukso ka rin?"

"Hindi."

Tinaasan niya ito ng kilay.

Ngumiti ito nang nakakaloko. "Slight. Kinis kasi ng legs mo, eh. Nagkakasala minsan mga mata ko."

"Bakit sabi mo noon, hindi ka nate-tempt?"

"Kasi friends tayo. Ayokong ma-awkward ka at maging uncomfortable kapag sinabi kong nanggigil ako sa maputi mong legs at mapipintog mong hita. Siyempre dapat good boy ako."

"Hah! You're not so wholesome, afterall! Lagot ka kay Lord."

Sumingkit ang mga mata nito sa pagkakangiti. "Understanding naman si Lord. Asawa kita, hindi naman ako nagkakasalang manggigil sa legs mo." Hinalikan nito ang balikat niya.

Napatingin naman si Sapphire sa legs niya. Naka-shorts na lang kasi siya. "Oo nga, maganda nga legs ko."

Napatingin siya kay Johann na nakapikit na. She laughed.

"What happened to you?" she asked.

"Huwag kang tukso. Maki-cooperate ka naman, Misis. Walang akitan."

She chuckled. "Okay, open your eyes na. Ikaw ang maghuhugas ng plato ngayon. Schedule mo." Tumayo na siya pero hinila siya ulit nito pakandong rito.

"Nakakatamad pa maghugas. Ganito muna tayo, Misis. Masarap sa ano--"

"Sa ano?"

"Sa pakiramdam. Masarap sa pakiramdam na nasa kandungan ko ang bago kong mundo." Then, he winked at her.

Oh jeez. Corny lines, again. Corny lines that can make her smile. Damn it.

Ganoon ba talaga kapag inlove? O si Johann lang ang sadyang ganoon?

"Mahal kita," nakangiting sabi nito out of the blue.

Hinalikan niya na lang ulit ito. She wanted to reply 'I love you,too' but she's not yet ready.

She's just afraid.

***

KUNG KAILAN kailangan ni Sapphire ang mga pinsan niya, at saka naman hindi niya ma-contact ang mga ito. She wanted to seek for some advice. About love, yeah right.

It's her first time to feel that way and she wanted to consistently feel that way. Siya ang pinakamatanda sa kanila pero ngayon, kailangan niyang marinig ang sasabihin ng mga pinsan niyang naranasan nang magmahal noon. But too bad, hindi niya talaga ma-reach kahit isa man lang sa tatlo.

She ended up visiting her Grandmother's mansion kung saan siya nakatira dati. Gusto niyang makita ang picture nang Lola niya. She missed her. Hindi na rin masama ang loob niya sa naging kondisyon nito bago niya makamit ang mana niya. Kundi dahil doon, wala siyang Mister na nagpapangiti sa kanya araw-araw.

Pagpasok niya sa mansyon ay nakita niya agad ang Mommy niya na sa living room at nagbabasa ng magazine. Nandoon pala ito?

"Mommy..."

Nag-angat ito ng tingin. "Saphi, baby!" Masayang bati nito. Tumayo ito at mabilis siyang niyakap. Nakapantulog pa ito--specifically, she's wearing a sexy night dress. "Oh, I missed you! Buti nakapunta ka rito, are you with Johann?"

"Ahm... No. He's working. Pumunta lang ako to check on the mansion. I was not informed that you're here..." Ang alam niya kasi ay nagkabalikan na ito at ng boyfriend nito. Kapag ganoon, sa bahay o condo ng boyfriend ito nagste-stay.

"Oh, yes. Alam mo naman. Ito lang naman ang bahay ko."

Umupo sila sa sofa at tumawag ito ng isang maid para dalhan sila ng snacks.

"Kumusta ka na, anak? Sorry I missed your birthday, ah? Pero alam ko namang nag-enjoy ka. I saw some pics on your husband's Instagram account."

Napakunot noo siya. Aba't umi-Instagram ang asawa niya? Hindi niya alam iyon ah!

"Ah, yeah. I enjoyed. But it could be happier if you are there..."

Mas lumambot ang mukha ng ina. Parang nagsisi ito. "I'm sorry, anak, ha? Si Arthur kasi inaya akong—"

"It's okay, Mommy," nakakaintinding sabi niya. "I know that your boyfriend wants to make up with you. Alam kong gusto mo rin siyang makasama. If Arthur can make you happy, sino naman ako para pilitin kang pumunta sa birthday ko, di'ba?"

Tila nagulat ang ina sa sinabi niya. "Saphi, baby..."

Napatayo siya. "Sanay na 'ko, Mommy. As long as you're happy, I'm happy for you, too. I lived my whole twenty-eight years and saw you chase your happily ever afters. You're my mother but you're not mine. I mean, that heart of yours? Para sa mga nagiging boyfriends mo lang iyan."

"Sapphire! Ano bang sinasabi mo? Mahal kita, anak."

Tumalikod na siya. Bakit nga ba nasasabi niyang lahat nang ito? Ugh! "I l-love you, too, Mommy. Kaya nga masaya ako kapag may nagpapasaya sa'yong ibang lalaki. Kasi nabibigay nila sa'yo iyong hindi na mabibigay ng totoo kong Daddy sa'yo. I understand, Mommy. I understand."

"Anak, hindi—Sapphire! Come back here! Nag-uusap pa tayo!"

Pero nakatakbo na siya palabas ng mansion. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya pagkasakay niya sa pinara niyang taxi. Napasinghap siya ng malakas, napayuko, at saka napaiyak.

Ayaw niyang isisi sa Mommy niya ang lahat kasi mahal niya ito. Pero masakit lang talaga na hindi niya kahit kailan mapapasaya ang ina. She's never enough for her.

Kaya takot siyang aminin kay Johann ang totoo, eh. Pati ang pagbabalik ni Czarina, itinago niya. Because maybe Johann loves her now pero paano kung nakita nito si Czarina ulit?

Johann's full heart, is it hers already?

***

NAGHIHIWA ng sibuyas si Sapphire kahit hindi siya marunong. Wala lang. Para lang iyong iyak niya, mapagkamalan na dahil naghihiwa siya ng onions.

            Sa ganoong estado siya nakita ni Johann, pagkauwi nito galing sa trabaho.

            "Misis, I'm home!" masiglang anunsiyo pa nito.

            Napasinghot siya at pinahiran ang mga luha gamit ang braso. Hawak pa rin niya ang kutsilyo at nagtuloy sa paghihiwa ng sibuyas.

            Naramdaman niya ang pagpulupot ni Johann ng mga braso nito sa baywang niya. Hinalikan siya nito sa may leeg at nagtagal pa ito doon. Pawisan siya pero inamoy pa siya nito.

            "Wow. Ang bango mo, Misis. Amoy sibuyas!"

            Napasinghot siya. "Lumayo ka nga!"

            Natigilan ito. "Bakit ang sungit mo naman? Sandali... umiiyak ka ba? Sino nagpaiyak sa'yo?! Iyang mga sibuyas ba? Akin na iyan, itatapon ko sila para mabulok sila sa basurahan!"

            Binitawan niya ang kutsilyo at humarap rito. Nang makita niya ang nag-aalalang mukha nito na may comforting smile sa mga labi, nangilid ang luha sa mga mata niya.

            Oh, shit. Iyakin na siya mula nang makilala niya si Johann.

            "Misis... nakakaiyak ba ang mukha ko?"

            Umiling siya at nagtuluy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha niya. Nakatingin pa rin siya rito. "Bakit walang akin, Johann?"

            His eyebrows creased. "H-Huh?"

            Ikinuwento niya ang naging biglaang outburst niya sa Mommy niya kaninang hapon. Alam na ng Mommy niya ang hinanakit niya rito. "Naiiyak ako kasi baka napasama ko ang loob ni Mommy. I walked out on her. Sabi ni Lola, it's bad daw na nakikipag-usap sa parents tapos biglang tatalikod. Kawawa naman si Mommy, baka nasaktan ko siya."

            Marahang kinuha ni Johann ang mga kamay niya at itinapat iyon sa gripo. Hinugasan nito ang kamay niya na amoy sibuyas. Pagkatapos ay kinapa nito ang mga bulsa.

            "Walang panyo..." bulong nito. Bigla na lang nitong hinubad ang polo na uniform nito. Hinaplos nito iyon sa buong mukha niya. "Singa ka."

            "W-What?"

            "Singa na."

            Suminga na siya sa polo nito. Nakahinga siya ng maluwag sa ilong. Hinila na siya nito sa sala at pinaupo sa sofa. Binuksan nito ang electric fan at itinapat sa kanya.

            "Sandali lang, ha?" Umalis ito saglit dala ang siningahan niyang polo nito. Pagbalik nito ay may dala itong maliit na... gitara?

            An ukelele, to be exact!

            "Alam mo, nakaka-offend ka, Misis," biglang sabi nito.

            Napasimangot siya. "Oo na. Alam ko nang na-offend ko si Mommy! Hindi mo—"

            "Hindi. Na-offend mo 'ko." Umupo ito sa center table na katapat niya.

            Napakurap siya. "W-What? Pero wala naman akong ginagawa sa'yo."

            "Na-o-offend ako nang sinabi mong walang iyo. Eh, ako? Hindi ba 'ko sa'yo?"

            Eh? She was astonished.

            Kinalabit-kalabit nito ang strings ng ukelele habang tinititigan siya. "Di'ba sinabi ko sa'yong mahal kita? Automatic, iyong iyo na 'ko. Kung dati nararamdaman mong walang pagmamahal na para sa'yo, eh, ano pang ginagawa ng isang Mister na tulad ko? Hindi ako nilikha ni Lord para maging useless sa asawa kong wagas magmahal sa hot niyang Mommy."

            Tulala siya rito.

            "Naniniwala ako na hindi puwedeng ariin ng isang tao ang isa pang tao dahil hindi naman tayo bagay para lagyan ng "property of". Pero alam mo, kung gusto mong tatakan ang puso ko ng "Property ni Misis si Mister" walang problema sa'kin. Gusto ko iyon. Iyo lang ako." Ngumisi ito.

            "Johann..."

            "May kabadingan akong gagawin at puwedeng puwede kang kiligin." Kinindatan siya nito. "Game?"

            Wala sa sariling napatango na lang siya.

            Tumingin ito sa tinutugtog na ukelele. Marunong pala itong maglaro niyon?

            "Well, you done done me and you bet I felt it. I tried to be chill but you're so hot that I melted. I fell right through the cracks. Now, I'm trying to get back..." biglang kanta nito.

            Nanlaki ang mga mata niya. Jeez! Wala ito sa tono!

            Pero... pero, napapangiti siya.

Pumikit pa si Johann. As if he's feeling the song. "Before the cool dawn run out, I'll be giving it my bestest. And nothing's gonna stop me but divine intervention. I reckon it's again my turn to win some or learn some. But I won't hesitate no more. No more, It cannot wait..."

He looked at her, smiled funnily, and winked. "I'm yours..." Ginalaw-galaw pa nito ang ulo. "Yes, Misis. Yeah! I'm yours! From head to toe!"

Ang lakas pa ng loob mag-adlib!

She roared a laugh. Oh my! Ang sakit sa tainga pero... why the hell her heart tumbled?

"Well, open up your mind and see like me! Open up your plans and damn you're free!
Look into your heart and you'll find love, love, love, love." Johann swayed his hips.

Nakakahiya ang pagkembot nito at wala pa rin ito sa tono pero... Aww! He's so cute!

"Listen to the music of the moment, people dance and sing, we're just one big family...
And it's our God-forsaken right to be loved, loved, loved, loved, loved..."

Marunong mag-strum ng ukelele, wala sa tono kumanta, may pakembot-kembot pa na parang sa macho dancer... okay lang ditong magmukhang tanga at kahiya-hiya...

He's fine to look so funny as long as... she can smile and laugh, again. Para lang gumaan ang pakiramdam niya... para lang... para lang iparating na si Johann...

He's mine.

            "So I won't hesitate no more, no more it cannot wait, I'm sure."

She stopped laughing and smiled at him. Nakinig na lang siya rito. Simula ngayon, maganda na sa pandinig niya ang wala sa tonong 'I'm Yours' ng asawa niya.

"There's no need to complicate. Our time is short. This is our fate," Huminto ito sa pagkembot at tumingin na naman sa kanya na parang siya lang ang nag-iisang babae sa buong mundo.

"I'm yours! Oh, owo-owow-owow!" Nagtuloy-tuloy ito sa pagtugtog ng ukelele at mukhang masayang-masaya habang nakatingin sa kanya.

"Kaya ikaw, Misis ko, lagi mong tatandaan, kung sa tingin mong walang pag-ibig na sa iyo lang, well, Johann, your  poging mister is here! Kakantahan kita, sasayawan kita, magsti-strip pa 'ko mamaya para lang sumaya ka. Ayan ang 'hashtag galawang Johann'! Pasasakitin ko ang tainga mo sa kanta ko, pasasakitin ko ang tiyan mo sa kakatawa sa sayaw ko, pero pakikiligin ko naman ang puso mo sa sobrang saya dahil sa dulot ng pag-ibig ko."

Tumayo siya at nilundag ito ng yakap. "Mister..."

Naramdaman niyang nilapag nito ang ukelele at niyakap rin siya. Hinalik-halikan pa nito ang tuktok ng ulo niya. "Mahal kita, Misis. Promise!"

Mas humigpit ang yakap niya rito. He's real... Johann's real. God!

"You're mine..."

"I'm yours. From head to toe. Body and soul. Heart and mind. To infinity and beyond! I'm Buzz Lightyear!"

Nagkatawanan sila.

Tiningala niya ito at hinuli ang mga nakangiting labi nito.

"Ay, gusto ko 'to," he murmured before kissing her back. Hinigpitan nito ang yakap sa baywang niya.

Nakalimutan niya muna sandali ang problema sa ina. Nakalimutan niya ang takot sa pag-ibig.  She forgot her insecurities with his promising kiss.

"I love you, Mister..." kusang nanulas sa kanyang mga labi sa gitna ng halik.

"I know."

Siya ang napahinto sa paghalik. "H-Huh?"

He chuckled. "Alam ko. Alam kong sasabihin mo rin iyan kapag handa ka na." He touched her face. "Alam kong mahal mo 'ko kasi ramdam ko, ramdam ng puso kong mahal na mahal ka." Ngumiti ito. "Shet. Quota na ko sa ka-kornihan. Kiligin ka, please?"

Kunwaring sinampal niya ito pero hinalikan naman niya ulit.

"I love you, too, Misis."

Mabilis ang sumunod na nangyari. Natagpuan na lang ni Sapphire ang sarili na nakahiga sa sofa at nasa ibabaw niya si Johann.

"A-Anong gagawin natin?" she dumbly asked. Really, Sapphire? Really?

Johann smiled. Hinding nakapang-aasar na ngiti ngunit iyong ngiting humahaplos sa puso.

"Ito na ang 'hashtag galawang Johann version two point-O'. Let's get ready to rumble!"

She bit her lower lip. Bakit excited siya? Damn!

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

499K 17.5K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
705K 10.9K 33
Almost Perfect Series I Perfect ang family. Perfect ang set of friends. Perfect ang lovelife.What more can I ask for? Just when I thought na perfect...
6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...
414K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...