Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 πŸ”ΈοΈApril 7, 2019 πŸ”ΉοΈAugust 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

xxxi

1.2K 50 11
By aryzxxi


Nilanghap ko ang sariwang hangin habang mabagal na naglalakad. Marahang hinahangin ang puting bestida na suot ko, I don't know if this is still Ysabelle's. Napagpasyahan kong mamasyal ngayon dito sa rancho dahil naalala ko ang pagpupumilit sa akin noon ni Ate Barbie na libutin ito. Also, medyo nagsasawa na ako sa madalas kong view sa loob ng mansyon nina Fire.

When I saw a herd of ducklings following a mother goose ay naisip kong sabayan sila. I craned my neck to see where they're going at nakita kong may pond sa di kalayuan. Natatawa ako sa paraan ng paglalakad nila, parang kapareho ko lang din dahil sa kaunting kirot ng binti ko.

Hindi na ako lumapit pa sa pond kung saan nagtampisaw ang mga bibe. The soil is quite soft too kaya baka maputikan ako. Sa paggala ko ng tingin sa rancho, I saw a couple of men in black, all look lean and stoic around the ranch. Sila ang mga bodyguard na kinuha ni Fire to guard around here. Ilang beses ko silang nakita noon and even heard that they threatened a couple of reporters before na gustong pumasok dito.

Bumalik ako sa mas patag na kalsada at inisip kung saan naman ako ngayon pupunta. I started humming while I walk at ang mga kamay ko ay magkahawak sa aking likod. I never felt this peaceful in my entire life. Napangiti ako nang marinig ang mga huni ng ibon.

Ilang saglit pa ay mga yapak naman ng kabayo ang narinig ko at parang palapit ito ng palapit. I turn around and saw Fire on a black horse. He is wearing his usual work clothes, maong na pantalon, boots and a shirt inside a checkered long sleeve polo.

Seryoso ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. Gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya but he looks eye-catching at this moment. He looks like a knight that is ready to protect the princess and fight the enemies.

"Hindi ka raw nag-almusal," wika niya.

"Ah, di ako nagugutom but I drank my milk.."

He frowned, "Hindi magandang di kumakain ng breakfast."

I shrugged. He went down his horse smoothly. Namangha ako sa ginawa niyang iyon. I wonder if I can also learn how to ride a horse.

"Mang Lupe," tawag ni Fire sa likod. An old man wearing worn out maong pants and white polo shirt came to sight. Ipinaubaya ni Fire ang tali ng kabayo sa matanda. "Paki balik po si Midnight.."

"Sige, senyorito." tumango ang matanda ang iginiya ang kabayo palayo sa amin. They walk towards a barn kung saan may malawak na fence na nakapalibot doon.

"Let's have breakfast," anyaya ni Fire. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko. His lips slightly opened at iniwas ang tingin. He said it's not good to skip breakfast pero siya ay nagtrabaho ng hindi pa kumakain non. I noticed how his jaw clenched. Para na naman akong batang manghang-mangha sa bawat detalye tungkol sa kanya.

"Ayoko munang bumalik sa loob. Dito muna ako sa labas," sabi ko. Muntik ko nang maidugtong na I feel suffocated inside.

It's not that walang hangin sa loob. Pakiramdam ko lang ay masyado akong binibigyang pansin ng mga tao roon. Pagkagising ko ay may kasambahay na agad na nakaantabay sa labas ng kwarto, mayroon din sa gitna at baba ng hagdan at kahit sa sala.

"Then we can have our breakfast there," turo ni Fire sa di kalayuan. Sinundan ko iyon ng tingin but I don't think I get where he's pointing at. He glanced at me and he probably saw my expression. Sinubukan kong tumingkayad para makita kung saan iyon because I'm curious.

"Saan?"

Lumapit siya sa akin at maingat na hinawakan ang bewang ko. I slightly stumble but good thing he's holding me! His hold now is firm.

"Doon," turo niyang muli. Napahawak ako sa kanyang polo habang lito kung uunahin ko bang titignan ang tinuturo niya o yung kamay niya ngayon na nakahawak sa akin.

"N-Ngayon na?"

"If you want," he softly said. Para akong hinehele sa boses niya samahan pa ng preskong hangin at ng magandang paligid.

"Magluluto ka?"

Pareho kaming bahagyang nagulat sa tanong ko. He's busy! May trabaho siya kaya bakit ko siya aabalahing ipagluto ako. My gosh, Ziana Rose! His brows furrowed and he looks like he's considering what I just said.

"Kung gusto mo. I can cook for us."

Nahiya ako at paniguradong pinamulahan. I shook my head then pulled away from him. His expression changed from amused to wondering while watching me step back.

"A-Ayos lang.. kahit ano na lang. You don't have to cook."

Sinamahan niya ako pabalik ng mansyon. The housemaids looks surprised seeing him kaya agad silang nagsilapit. Fire only raised his hand at di na tumuloy ang mga kasambahay. He told me to wait in my room at tatawagin na lang ako after an hour. I wondered if he's really going to cook.

"Saan daw po ang punta niyo Miss Ziana?" tanong ng kasambahay na inalalayan ako paakyat ng hagdan. She's still with me until I reach my room.

"Just.. around here sa rancho," sagot ko. Hindi ko alam kung ano ba talagang sasabihin ko dahil hindi ko naman nakita ng maayos ang tinuro ni Fire kanina.

I decided to change my dress at maghilamos na rin. Mabuti pala kanina ay naglinis ako ng mukha bago lumabas! I wore a layered pink chiffon floral dress and a strappy sandals. Hindi ko na hinintay pang tawagin ako para bumaba, lumabas na agad ako ng kwarto.

Pagkasarado ko ng pinto ay narinig ko rin ang pagkasara ng kay Fire. Our eyes met. Agad kong napuna na naligo siya at nagpalit ng damit. His hair is still damp at amoy na amoy ang panlalake niyang pabango. When we reached the stairs, nag-aalangan niyang nilahad ang kanyang kamay. Something tug my heart when  I saw the look on his face.

All this time, he's trying to protect me and give me what I want kahit na hindi niya naman iyon obligasyon. As my wounds heal, I think my heart also does. He had broken my heart years ago but he saved me from death. It made me realize that I have been judging him all this time. Iba na ang Fire na kasama ko ngayon, still he got those characteristics of his younger self but he matured, physically and mentally.

Hindi ko binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya though the moment we stepped outside their mansion, he loosened his hold. It was like he's testing if I will pull away but I didn't and he held it carefully like I'm a fragile glass or what. Sa kabilang kamay niya ay may dala siyang basket at may mat sa ibabaw. Are we going to have a picnic?

"Here.." sabi niya.

In front of us are beds of white daisies under the morning sun. Hindi naman sobrang init. There's the soft touch of warmth from the sun and the fresh blow of the wind. May mga paru-paru pa sa paligid and the fragrance of the flowers and the man beside me engulfed my senses.

Fire reluctantly freed my hand to arrange the mat on the grass. Pinanood ko siya habang ginagawa niya iyon. I giggled when two butterflies went to him at ang isa ay dumapo sa kanyang balikat, hindi niya ito napansin. Lumapit ako nang nakitang ayos na at naupo sa tabi niya. He looks shocked to see me that close to him. His gaze followed my hand nang inangat ko ito papunta sa kanyang balikat. Gusto ko sanang hawakan ang paru-paro but it flew before I can even touch it.

"Sayang.."

He cleared his throat at nilahad ang laman ng basket. Napatingin din ako roon.

"Ikaw nagluto?" tanong ko.

"Yes. Busy ang mga maid kaya.. ako na lang gumawa.."

 A smile crept my lips, "Ahh.."

There are two glass tumblers of ice cold lemonade, two circular containers with bibimbap inside, fruits and a bag of my favorite potato chips! Namangha ako dahil nagawa niyang ihanda ang mga ito in a span of, i don't know, an hour? At nagkaroon pa ng oras para maligo. I could never.

Aabutin ko na sana ang potato chips dahil natatakam ako roon but he put it away, nilagay niya sa kabilang gilid niya at nilahad sa akin ang bibimbap. I almost frowned.

"Kainin mo muna yan," sabi niya.

"Then the chips?"

"Then the fruits."

"Then the chips," subok kong muli. Ngumiti siya pero pinanatili ang seryosong tingin bago tumango.

Tahimik kaming kumain. I tried to sit comfortably pero di ko magawa. Binaba ko muna ang kinakain para matanggal ang sandals ko. Fire immediately understood what I want to do at naunahan ako sa pagtanggal ng straps.

"May I?" tanong niya. He's already holding my heel kaya wala na rin akong magagawa kundi ang tumango. I removed the straps on the other naman before we resume eating.

"Gaano katagal mo nang pinapamahalaan itong rancho?" I asked. Actually, I'm fine with the silence but I feel like I should talk to him kaya nagtanong ako.

Uminom siya sa lemonade bago sumagot. "More than six years I guess."

Six years. I can just assume that's the time when he confessed that he was just playing me. Matapos ang araw na iyon ay madalang ko na lang siyang makita sa subdivision noon.

"After you rejected me?" may halong pagbibiro sa tono ko. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin iyon.

His jaw clenched at his hold on his drink tighten that I can see the veins on his tanned arms.

"Yeah," he said then nod. Seryoso ang ekspresyon niya habang nakatingin sa kalayuan hanggang sa ibinaling sa akin ang mga mata.

Inubos ko muna ang pagkain at uminom ng lemonade bago muling magsalita. "Why?"

Parag hindi ko na kailangan pang dugtungan ang tanong ko dahil mukhang nakuha na rin naman niya iyon.

"I don't want to come near you."

"Ashamed?"

"Yes," agad niyang sagot.

"Then why did you even thought of doing that to me," my soft voice filled the place. Sa katahimikan ng paligid ay tila pagsayaw ng mga bulaklak ang maririnig.

His pained expression somehow surprised me. "Let's not talk about it right now.." sabay iwas ng tingin.

Hinawakan ko ang braso niya. Pakiramdam ko kasi ay aalis na lang siya bigla. "I want to know Fire.. I'm not mad anymore.."

How can I get mad when all this time I felt thankful to you for saving my life? How can I get mad when I already let it all out through the songs I made?

The only thing that is keeping me bothered is my pride. I was always reminded of my pain whenever I hear and sing those songs. But really.. I guess it's time to move on. It's time to let this thing go.

 Kinuha niya sa kandungan ko ang container ng pagkain at nilapag ang fruit salad pati tinidor. Maybe if I eat this first ay sasagutin niya na ako mamaya.

"Can I eat my chips now?" tanong ko.

Bumagsak ang tingin niya sa fruit salad na di ko naubos. Maraming tira na watermelon at kiwi. I don't really eat those. Kinuha niya iyon at binigay sa akin ang chichirya. Akala ko ay ililigpit na rin niya ang fruit salad pero inubos ni Fire ang tira ko. Well, sayang nga naman.

"Can you tell me now? Don't worry, I can handle it."

He sighed heavily. Akala niya siguro ay titigilan ko na iyon. Sobrang curious lang ako dahil parang hindi ako kuntento noon sa sagot niya. It feels like there's something more. O baka naman naghahanap lang ako ng iba pang dahilan mula sa kanya dahil hindi ko matanggap ang sagot niya noon.

"You were failing because of me."

Natigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"What?" kunot-noo ko siyang tinitigan habang naghihintay ng idadagdag niya.

"Remember how your grades flunked? I don't think I'm a good influence to you," seryoso niyang sambit.

Totoo ba to? Dahil lang sa grades ko? I remember almost failing in my Chemistry and Economics subjects. Hindi ko kasi talaga gusto ang mga iyon. Nagkataon pang busy din ako sa workshop dahil naging sobrang demanding ni Teacher Maricel.

Hindi ko magawang balansehin ang pag-aaral ko at ang pag-eensayo ng mga panahong iyon. My only escape was my short trips with Fire. Sa kanya ay parang wala akong inaaalala. I don't feel burdened by my grades, saka ko na lang iyon iisipin kapag nasa eskwelahan na. I don't feel pressured by my performance at my training, saka ko na lang iyon iisipin kapag nasa practice room na.

"Zian was worried about you."

"Did he confront you about this?" may konting diin as tono ko. I don't think I can take it if my twin brother knew about that bet or what.

Umiling si Fire. "No. Tinanong niya lang ako noon kung ano bang.. ginagawa natin. That's when I realized that you were dodging the topic if it's about school."

Binalik ko ang tingin ko sa mga bulaklak. "Kaya ko naman iyon. Nabawi ko rin naman yung grades ko."

"Yeah. After I rejected you."

"Iyon lang ba Fire? Because of my grades?!"

Siya naman ngayon ang nagkunot ng noo. "You were still young that time Ziana. Anong gusto mong gawin ko sa nararamdaman mo? You were just probably infatuated with me. Mawawala rin iyon if I disappear in your life. Hindi mo ba alam ang mga pinagsasasabi nila tungkol sayo about liking someone like me?"

Parang nilukot ang puso ko sa mga sinabi niya. "W-What is wrong about liking you?"

"See! Wala kang nakikitang mali sa akin. It was all.. a damn crush!"

"No, it's not! Anong alam mo sa nararamdaman ko?" sabi ko habang sinusubukang isuot ang sandals. "And the hell I care about what they say! Hindi naman nila alam ang totoo."

Dahil lang doon Fire? Nagpadala ka sa mga sinabi nila tungkol sa akin? You broke my heart because other people's opinion is more important for you? Tumayo ako at tinalikuran siya because my eyes are starting to water.

"But I care! I care about what they say about you! I care about how it will affect your dreams and future." he said roughly. Napalingon tuloy ako sa kanya, stunned with what he said.

It's the first time I see his eyes lit that way, pleading and pain mixed. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan. The cocky, arrogant and strong Fire that I knew is nowhere to be found. The man I am facing right now looks defeated.

Hindi ko na napansin ang pagpatak ng luha ko. Napatayo siya roon at sinubukang lumapit sa akin pero hindi ko siya hinayaan. For the second time, I felt betrayed and heartbroken.

"I.. I'm sorry. If we continued what we had before, I don't think you would reach where you are right now. Maybe I will just pull you down." umiling siya habang marahang pinupunasan ang mga luha ko.

Mas lalo akong nasaktan. He thought of himself as a nuisance when all this time, even when I was young, he's one of my inspirations. How can he think of himself that way?

"So.. e-every word you said about fooling me and the bet was a.. lie?" tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig.

"Yes."

My heart thumped. It was all a lie! A lie!

"You could've just talked to me properly!" sabi ko habang tinatanggal ang hawak niya sa aking pisngi. "Why do you have to break my heart?"

Tumuwid siya sa pagkakatayo at nag-iwas ng tingin. Maiintindihan ko naman siguro kung sasabihin niyang ayaw niya sa akin?

"It's the only way I can think of. I'm sorry."

But then, that's what he's trying to make me feel when I was crushing on him. Hindi niya ako pinapansin pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. So maybe, even if he talked to me, I would still get mad.

Maybe he's right. Maybe breaking and crushing my heart to pieces was the only way.

"Miss Ziana.. hero na po yung hapunan niyo," sabi ng maid habang nilalapag ang isang tray sa mesa rito sa kwarto.

"S-Si Fire po?"

"Ah, may inaasikaso po yata sa opisina sa labas. Mukhang hindi ho kayo masasabayan kaya pinasabing dalhan na lang po kayo rito ng pagkain."

Tahimik along kumain mag-isa. Ibang-iba ang katahimikang ito kumpara sa kung anong mayroon kami ni Fire kanina. Hindi matanggal sa isipan ko ang mga sinabi niya.

Nang bumalik ang kasambahay ay parang nag-aalala siya dahil hindi ko man lang napangahalatian ang pagkain ko. I smiled at her apologetically.

I drifted to sleep easily even when I was bothered with Fire's words.

"Zia! Ziana!"

"Ahh!" breathing heavily, I looked around my room. Ang mga kamay ko ay nanginginig at parang nakakaramdam na naman ako ng lamig.

"Ziana.."

"Fire!" tawag ko sa kanya at sabay yakap. I cried in his arms.

"Shh. It's okay. I'm here.." dahan-dahan niyang hinahaplos ang buhok ko habang ang isang braso ang nakayakap sa aking katawan.

I had a nightmare again. Akala ko ay maayos na ako nang hindi na ako muling dinalaw ng ganito nitong nakaraan. It's all the same. Tungkol na naman sa aksidente. How can I dream of it when I can't even remember what happened?

"D-Dito ka lang," iyak ko nang maramdaman ang paglayo ni Fire.

Akala ko ay aalis siya but he just stood up to arrange the blanket at mas maibalot ito sa akin. He claimed my trembling hands again in his right hand while the other continues to caress me. Naupo siya sa aking kama habang ako ay halos ibalot ang sarili sa kanya dahil sa higpit ng yakap ko.

I thought he will complain or ask me to loosen my hug but he didn't. Hinayaan niya lang ako. He lips is on my forehead, he kept on whispering something I cannot fully comprehend because of what I'm feeling right now.

"Fire," my brittle voice called. "Si May.. Si May.." iyak ko.

"What about her?" he gently asked habang pinapalis ang mga luha sa aking mukha.

"There's b-blood.. may dugo! May dugo sa hita!" I cried harder.

"Shh.."

The last thing I remembered that night was Fire's soft kiss on my forehead, my eyes and on the tip of my nose when I finally calmed down.

I wake up with a heavy feeling on my stomach. Sinubukan kong gumalaw but it's still there. Hinayaan ko na lang muna because it's not really bothersome and it's warm. I like it though I don't feel cold anymore.

Napabalikwas ako sa kama nang may maalala. Si Fire! Is he still-

"Oh my gosh.." then I covered my mouth.

Fire is sleeping next to me! Topless! His arm on my stomach and leg on my legs!

So, he was really here last night to comfort me. Topless ba siya non? I can't remember. So.. I hugged him when he's topless? The kiss. Did he really kissed me? Natigil ako sa mga iniisip when he groaned and hugged me tighter. Mas ibinaon niya ang kanyang mukha sa pagitan ng unan at ng katawan ko.

I looked at the window. Pasikat pa lang ang araw. Maybe it's five in the morning. Maaga pa. I cannot wake him yet. Siguro ano.. hayaan ko na lang muna siyang ganito. I don't want to disturb his peaceful sleep when he comforted me last night so I can get my own sleep.

Napahilamos ako ng mukha sa aking mga palad nang maalala ko na naman ang panaginip. I've been dreaming about a car crash, May mumbling something and her tremendous loss of blood and about escaping something.

Hindi ko masabing totoo iyon because if it is. It's going to be quite impossible to say she's still alive. Ang dami ng dugong nawala! I got chills whenever I picture her at that state.

Nahiga akong muli dahil nakaramdam na naman ako ng lamig. Fire scoots closer, I immediately felt the warmth of his body. Bahagya akong nakikiliti sa marahan niyang paghinga na lumalapat sa aking leeg kaya tinalikuran ko siya.

Before I close my eyes again, I silently prayed na mahanap na si May.

"Oh my! Anong?! Oh my!!"

"Harley! Shh! May natutulog!"

"Arthur don't tell me-"

"It's not like that Almira!"

Nagising ako dahil sa ingay na mula sa labas ng kwarto. Nilingon ko ang tabi ko. Fire is not there anymore. Maybe he went to work. Kinulot ko ang mga Mata ko then I glanced at the small clock on the bedside table. It's seven thirty in the morning.

"Oh my!! Hahahaha! Eh, ano? Why are you topless?"

"Why are you here?" narinig ko ang boses ni Fire. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama.

"Edi, bumibisita."

"We have business to talk about right? May business proposal akong nakuha from a friend. You might want to hear it," ani ng pamilyar na boses. Maybe it's Fiona.

"And why is she here?"

"Bumibisita nga! I'm bored since Lucas is busy with Ysabelle about something. You know, rich kid talks.."

Naghilamos ako at nagpalit ng damit bago lumabas. Sinalubong ako ng kasambahay at sinabihang nakahanda na ang agahan. Sumunod naman ako sa kanya. Pagkarating sa dining area ay nakita ko si Fire na napatayo mula sa kabisera, ang kanyang kapatid na si Fiona na sumisimsim ng kape at isa pang babae na nakangiti that kinda looks familiar.

"Good morning! My! Ziana Rose right!" naunahan ng pamilyar na babae si Fire na makalapit sa akin. Fire glared at her but she just smiled teasingly.

"I'm a fan! Napanood ko yung movie niyo ni Conrad Williams. Ang galing mong umarte!" she cheerfully said and extended her hand. "By the way, I'm Harley. Pinsan ako nina Fire."

Tinanggap ko ang kamay niya at nginitian ,"Ziana.."

"Let's eat." sabi ni Fire. Hinawakan niya ang likod ko para igiya sa hapag.

I smiled shyly at Fiona who is seriously looking at her brother. Si Harley naman ay naupo sa tabi ni Fiona.

"Gusto mo ba nito?" alok ni Fire sa akin ng ham. I can still feel their gaze on us samantalang si Fire naman ay abala lang sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko.

"T-Tama na.." pigil ko sa kanya sa pagdadagdag pa ng kanin.

"Hindi ka raw kumain ng marami kagabi."

Harley snickered and Fire immediately looked at her. Agad namang pumormal si Harley pero may ngiti pa rin sa labi. Now with a slightly serious expression ay parang hawig niya si Hughes.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay nagtanong si Harley.

"Ziana. I heard you're nominated for an award dahil sa movie niyo ni Conrad.."

"Really?" tanong ko. Ang tagal ko na palang walang balita sa mga ganyan.

"Yes. Ang galing kasi ng performance niyo roon and the movie's great. Right, Fiona? Fire?"

Tumango si Fiona at binalik ang atensyon sa pagkain.

"Pinanood mo ba Fire?" Harley's eyes narrowed. Napatingin din tuloy ako sa kanya. "Ay, di mo pala pinanood!"

Sumimangot si Fire sa sinabi ng kanyang pinsan. Harley once again caught my attention.

"Actually, dapat manonood na siya kaso na-spoil noong may nagpost about your k-"

"Harley, let her eat first." Fire sternly said.

Hindi naman natinag si Harley sa tono ng pananalita niya but she kept her mouth shut until we finished eating. Nga lang ay parehong nakangisi ang mga babae samantalang ako ay medyo nalilito sa nangyayare.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 126K 44
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
33K 1.1K 34
After losing her first love due to cancer, Vienna made a promise to never open her heart for love again. She would rather choose to stay as a maiden...
55.8K 2.9K 19
He was in hurry. She was in a hurry too. He only saw her back. She didn't saw him at all. But he pick up something from her. He thought it was a book...
1M 17.8K 200
Just a book of imagines about Joe Kerry and his characters. Take note that some content may not be appropriate for younger readers. Read at your own...