The New Boss is My Husband?!

By purplenayi

31.7M 398K 35.3K

[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage... More

Published in print/New Adult Pop Fiction
The New Boss is My Husband
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen P1
Chapter Fifteen P2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Epilogue
Nayi's Note
Behind The Scenes #1
Behind The Scenes #2
Behind The Scenes #3

Chapter Twenty-Nine

556K 7K 674
By purplenayi

More than three years ago...


"You're kidding right? Papa... hindi mo naman talaga ako ipapakasal sa payatot na 'yan di ba?" Bahagya pa akong tumingin kay Jace. I saw him wince pero hindi ko 'yun pinansin. Hindi ako makapapayag sa kalokohang 'to ng mga magulang namin.

Kababata ko si Jace. Hindi nga ako makapaniwala na bumalik pa sila rito pagkatapos ng sampung taon. At para ano? Para guluhin ang buhay ko?

Malaki na rin ang pinagbago ng hitsura niya. Not for the better. Yeah, that's right. Ni ayoko nga siyang tignan dahil ang sakit niya sa mata. Ang sarap niya na ngang tanungin kung nananalamin pa siya eh. May hitsura naman siya noong mga bata kami. Ewan ko ba kung bakit nagkaganyan siya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Napatingin ako kay Papa mula sa pag-aassess ko sa hitsura ni Jace.

"Pero Papa! Ang bata ko pa. And besides... ayoko sa kanya!" mariing sabi ko saka ko tinignan ng masama si Jace. Umiwas lang siya ng tingin saka yumuko.

Huminga ng malalim si Papa saka nagsalita.

"Listen, Lana. Laman ng last will ng Tito Tom mo na kailangan niyong magpakasal na dalawa para makuha ni Jace ang mana niya—"

"The hell I care! Hindi ko naman mana 'yun eh!" I snapped. "Saka pakialam ko ba sa pangit na 'yan!"

"Watch your mouth, Lana!" pasigaw na sabi ni Papa.

Hindi ko naman talaga intensyon na sabihin ang bagay na 'yun. I mean, yung pangit si Jace. Though totoo naman... pero basta. Ayoko lang talaga kasing magpakasal sa kanya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka kay Jace! And my decision is final!" ani Papa saka umalis.

Pagkaalis na pagkaalis ni Papa ay nanakbo ako papunta sa garden. Ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Buong buhay ko pinangarap maikasal sa taong mamahalin ko at ganun din siya sa akin.

"Jill..."

"Ay palaka!" sabi ko bigla sa gulat. Muntik ko pang masapok ang dumating.

Ngumiti siya bigla na ikina-inis ko. Pakiramdam ko kasi nang-aasar pa siya.

"Anong tinatawa-tawa mo r'yan?" inis nasabi ko.

Tumahimik siya bigla at yumuko. "Sorry..." aniya

Sandaling namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Aalis na lang sana ako nang magsalita siya.

"Pasensya ka na kung mapipilitan kang magpakasal sa akin ha?" Huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga mata ko. "Pangako gagawin ko ang lahat para maging masaya ka." Itinaas niya pa 'yung kanang kamay niya na akala mo nire-recite 'yung Panatang Makabayan.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng usig ng konsensya. Kunsabagay, napilitan lang din naman siya. Wala naman siyang kasalanan sa nangyayari.

"Whatever," sabi ko saka umalis nang tuluyan.

~*~

"Hey, cheer up! Kasal mo 'to hindi funeral!" ani Aya.

Narito pa kami sa labas ng simbahan dahil hindi pa naman magsismula ang kasal. Sinasamahan muna ako ng apat na bruha.

"Cheer up? Paano ko gagawin 'yun eh hindi naman ako masaya," sabi ko.

Pakiramdam ko kasi hindi naman kasal 'tong pinuntahan ko. Feeling ko eh sa slaughter house ako dinala at anumang oras eh kakatayin na ako.

"Eh ano ba kasing sinisintir mo d'yan? Gwapo naman 'yung groom mo ah? Sus, maka-kwento naman ng pangit 'to wagas! Eh nakita ko kanina si Jace. Gosh akala ko nga nalaglag na 'yung panty ko eh!" ani Genna.

Inirapan ko siya. "Ano bang pinagsasasabi mo d'yan? Wala ka talagang taste kahit kailan," sabi ko.

"Anong walang taste? Sige Jacky, silipin mo dun. Tignan mo kung nagsisinungaling ako."

Kunot noong tumingin si Jacky sa pwestong itinuro ni Genna. Nakanguso pa siya at parang nag-aalangan siya pero sumunod naman at pumunta roon.

Nakatingin kami lahat sa kanya nang bumalik siya.

"Tama si Genna..." aniya.

"Huh?!"

Agad na kumilos sina Aya at Joy para tignan si Jace. Pagkabalik nila ay agad akong binatukan ni Aya.

"Patingin mo na kaya 'yang mata mo?" aniya.

"Aray ko naman!" Hinawakan ko pa 'yung batok ko. "Muntik nang magulo 'yung buhok ko ha!"

Gaganti pa sana ako nang tawagin na silang lahat at pinaayos ng pila para sa pagpasok sa simbahan. Huminga naman ako ng malalim at inihanda ang sarili ko. Okay, this is it.

Pagkatapos makapasok ng lahat sa loob ay pinababa na ako ng kotse. Hindi tumitingin sa paligid na pumwesto ako sa pinto ng simbahan. Gusto kong matapos na lang ang lahat ng 'to.

Nakasimangot ako habang naglalakad patungo sa atlar. Express your feelings ika nga. Hindi ako masaya sa kasalang ito kaya hindi ko pipilitin ang sarili kong ngumiti. Ayokong lokohin ang sarili ko.

Napatingin ako kay Jace na ngayon eh nakangiti pang hinihintay ako sa harap. Mukhang sobrang saya niya sa hitsura niya. Huh! Magaling rin palang umarte ang isang 'to eh 'no? Akalain niyong nagagawa niyang ngumiti kahit labag sa kalooban niya ang nangyayari?

Malapit na ako sa kanya nang mapansin ko ang sinasabi nina Genna kanina. Ang laki ng iniba ng hitsura niya ngayon kesa noong mga panahong inaayos namin ang kasal. Bumagay sa kanya 'yung suot niyang tuxedo at hindi rin siya naka-salamin. In fairness, nagmukha siyang tao.

Mabilis lang ang seremonyas ng kasal. Ni hindi ko namalayan na tapos na pala 'yun.

"You may now kiss the bride." Narinig kong sabi ng pari.

Kunot noong tinignan ko si Jace. Nakangiting hinarap niya ako at iniangat niya naman ang suot kong belo. Wait... gagawin niya? Nanlalaki ang mga mata ko nang unti-unting lumalapit ang mukha ni Jace sa akin. Gusto ko siyang itulak pero tila na-freeze ang katawan ko at hindi ako makakilos.

Namalayan ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin. Parang may kung anong kuryente ang biglang dumaloy sa katawan ko. Naipikit ko pa ang mga mata ko at dinarama ang halik na 'yun. Magpo-protesta pa sana ako nang ilayo niya ang sarili niya sa akin. Parang ayoko pa sanang matapos ang halik.

~*~

Naiinip ako sa reception. Gusto ko na lang umalis doon. Kung anu-ano pa kasing pinapagawa nila sa amin ni Jace.

Mukha namang napansin ni Jace na naiinis na ako kaya nagyaya na siyang umuwi. Nagpaalam kami sa mga bisita at umayon naman sila at hinayaan na kaming umalis. Si Jace ang nagmaneho ng sasakyan at hindi ko na alam kung saan kami papunta.

"Teka, saan ang punta natin?" tanong ko habang nakatingin sa labas. Hindi talaga pamilyar sa akin ang lugar.

"Sa bahay natin," aniya.

"May sarili tayong bahay?" mukhang tangang tanong ko. Malamang may sarili kaming bahay kasi kasal na kami.

"Yep! At tamang-tama, nandito na tayo."

Napatingin ako sa bahay na tinutukoy ni Jace. Bumaba pa ako ng sasakyan para lang matignan 'yun ng buo. Ang ganda ng bahay. Ito 'yung tipo na pangarap ng kahit na sinong babae na tirhan.

"Bahay talaga natin 'to?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti si Jace at tumango. "Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako at nagsimulang pumunta sa may pinto. "Ang ganda..."

Pagkapasok namin sa loob ay lalo akong natuwa. Tulad ng makikita sa labas, maganda rin'yun sa loob. Kung tutuusin mas maganda pa 'to sa bahay nina Mama at Papa. Nagulat na lang ako nang bigla akong buhatin ni Jace.

"Wait, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba tradisyon 'to? Pagdating sa bahay, dapat buhatin ng groom ang bride hanggang sa taas?"

Napaisip ako. "Uhm, yata? Malay ko ba sa mga tradisyon na 'yan. Pero sigurado ka ba? Hindi ba mababali 'yang mga buto mo? Eh mukhang mas mabigat pa ako sayo eh," sabi ko.

"Oo naman. Payat lang ako pero malakas 'to!"

"Okay, sabi mo eh."

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Hindi niya man ipakita, halata pa ring nahihirapan siya sa pagbubuhat sa akin. Pero hindi ko na lang pinansin. Ginusto niya 'yan eh.

"Aray!" sigaw ko nang tumama ang paa ko sa may hawakan ng hagdan. Well, hindi naman masakit. Instinct lang talaga na umaray 'pag nabangga.

"Naku, sorry... sorry..." paulit-ulit na sabi niya at akmang ibababa ako.

"O, anong ginagawa mo?" tanong ko bago niya pa ako maibaba.

Ayoko nang bumaba. Nag-eenjoy na akong buhat niya eh.

Napatitig siya sa akin, hindi alam ang sasabihin niya.

"I-ibababa na sana kita... b-baka kung saan ka pa kasi bumangga," aniya.

Inirapan ko siya. "Aish! Inumpisahan mo na 'yan eh! Tapusin mo na!"

Mukhang hindi niya na-gets ang ibig kong sabihin. Kunot noong nakatitig pa rin siya sa akin sa nagtatanong na mga mata.

Inayos ko 'yung pagkakakapit ko sa leeg niya saka ininguso ang kwarto sa itaas. "Iakyat mo na ako, bilis!"

Mabilis pa sa alas kwatro na tumango siya at umakyat ng hagdan. Binuksan niya ang isang pinto roon at ipinasok ako saka ibinaba.

"Ito ang kwarto mo, doon ako sa kabila." Itinuro niya pa 'yung dingding.

Alam ko nang hindi kami magkasama sa kwarto dahil ang gusto ni Papa eh maka-graduate muna ako. May isang semester pa kasi ako bago gumraduate.

Tumango ako saka tumalikod sa kanya.

"Oo nga pala, magka-share tayo sa banyo. 'Pag gagamitin mo, i-lock mo na lang 'yung pinto sa kabila. 'Wag mong kakalimutang buksan ulit pagkatapos ha?"

~*~

Umabot na kami ng mahigit isang buwan at so far, wala namang problema. Medyo tumataba na siya kasi lagi kong nilalagyan ng maraming pagkain ang plato niya. Sabi ko sa kanya na gusto ko, sa 1st year anniversary namin eh malaman na siya. Hindi naman siya pumapalag at mukhang natutuwa pa.

Unti-unti na rin akong nakaka-adjust. Mabait naman kasi si Jace kaya wala akong problema sa kanya. Madalas pang ako ang nasusunod sa bahay. Medyo nagiging close na rin kami. Sinamahan ko siya sa optal para mapalitan na 'yung mukhang pang matanda niyang salamin saka nag-shopping na rin kami para sa mga bagong damit niya.

Lagi niya akong sinusundo sa school kapag uwian. Except ngayon. May mahalaga raw kasi siyang inaasikaso. Naka-isip ako ng surprise para sa kanya. Tutal, lagi na lang siya ang sumusundo sa akin, siguro magandang ako naman ang pumunta sa kanya ngayon.

Bumili pa ako ng pasalubong para sa kanya. Sana naman matuwa siya.

Patakbo pa akong pumasok sa loob ng ng building na inuupahan nila. Nasa 20th floor ang opisina niya kaya naman sumakay agad ako ng elevator. Excited pa na tinignan ko ang bitbit kong pasalubong.

Lumapit agad ako sa sekretarya ni Jace pagkababa ng elevator. Kilala niya na ako dahil ilang beses na rin naman akong nagpunta rito. Nakangiti pa siya nang makita ako.

"Good afternoon po, Ma'am Lana!" bati niya sa akin.

"Si Jace nand'yan ba?"

"Naku, kakaalis lang niya. Nagkasalisi yata kayo sa elevator. Pero baka abutan mo pa 'yun sa parking."

"Ganun ba? O sige, salamat!"

Binilisan ko ang kilos at sakto namang bumukas ang elevator. Sumakay agad ako at pinindot ang 'B'. Kailangan kong abutan si Jace. Sayang naman ang punta ko kung hindi.

Patakbo akong lumabas ng elevator pagtigil nun sa basement parking. Pumunta agad ako sa reserved parking ni Jace at nakitang naroon pa ang kotse niya. Napangiti ako. Sakto lang ako.

Papalapit na ako nang mawala ang ngiti ko. Hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Jean Laurel sa loob ng kotse niya. Ipinakilala niya sa akin ang babaeng 'yun ang dumating dito sa Pilipinas. Ang sabi ni Jace ay si Jean ang nag-iisang kaibigan niya sa States.

Hindi ko gusto ang babaeng 'yun. Halata kasi sa kanya na hindi niya ako gusto at kung wawariin ay may gusto siya kay Jace.

Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit nang mapatigil ako ng tuluyan. Laking gulat ko nang umalis sa pagkaka-upo si Jean sa passenger's seat at naupo sa kandungan ni Jace paharap. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko. Humakbang agad ako paatras, tumalikod at tumakbo palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 105K 43
[NO SOFTCOPIES] He's the King of the school. She's the Queen of Cosplay. He's the rule setter. She's the rule breaker. Rigid Razor Montez, the imposi...
179K 4.9K 49
• 𝗢𝗡-𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - • How far would you go for that thing called LOVE?
51K 440 33
Hindi ko inaasahang maging magkaklase kami sa huling taon ng highschool. He's an androgynous genius whose face is beautiful as the petals of the gold...
72.9K 4.3K 17
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.