Someone
Matapos ang labanan sa pagitan ni Criszette at Serix. Nanatiling walang malay si Serix. At habang sina Mercedes at Yana ay nakarecover na naman. Ganun din si Criszette. Dahil napagod lang naman siya.
Linggo ngayon eto na ang nakatakdang araw para tumawid sila sa mundo ng mga tao.
At kasabay nun ay ang pagpapatigil ng magpinsan na Miguel at Joshua ng oras sa Normsantandia. Dahil alam nilang habang wala sila ay patuloy na kikilos si Oviad.
Kaya kailangan nilang patigilin ang oras sa buong Normsantandia. Pero limitado lamang ito dahil hanggang 2 months lang ang kayang itagal ng pagpapatigil ng magpinsan sa oras ng Normsantandia. Kaya kailangan nilang magmadali.
Nagdesisyong magpaiwan nalang si Enzo at Mercedes para bantayan ang Normsantandia. Kaya kasama sila sa titigil ang oras. Ang two months kasi ay katumbas ng dalawang araw sa Normsantandia. Kaya kailangan na nilang magmadali sa paghahanap sa hinahanap nila at pakay nila sa mundo ng mga tao.
"Handa na ba kayo?" seryosong tanong ni Criszette sa mga kasama niya.
"Para sa Normsantandia handa na kami." sabay-sabay na sabi ng mga kasama niya.
Wala na rito sina Mercedes at Enzo dahil papatigilin na ng magpinsan ang oras sa Normsantandia.
"Ngayon na Joshua at Miguel." utos ni Criszette sakanila.
Kaya agad na kumilos ang magpinsan.
At nagbigkas ng spell senyales na pinapatigil nila ang oras sa Normsantandia.
Habang si Criszette naman ay binuksan na ang portal patungo sa mundo ng mga tao.
Naunang pumasok ang mga kasamahan niya bago siya. At ng sumunod siya ay agad niyang isinarado ang portal.
"Mamimiss ko Normsantandia." nakangiting sabi ni Serena.
"Don't worry we will back soon." alo ni Keiron sa kapatid. "Kaya gawin natin ng maayos ang misyon natin dahil inaasahan tayo ng buong Normsantandia at ng anim na Sandiwa/Sandiwu ng Ovianad." dagdag niya pa.
"Nangako tayong ibabalik natin sila rito." nakangiting saad ni Criszette sa mga kasama niya.
"Pero teka ngayong nandito na tayo. Saan tayo tutuloy?" out of nowhere na tanong ni Andrea.
"Sa dating bahay namin." sabat ni Christian sakanila.
"Wow yung dating bahay niyo nila Tita Shami namiss ko doon." excited na sabi ni Andrea. "Ano pang hinihintay natin tara na." masayang-masaya na sabi ni Andrea at hinila na si Joshua.
"Teka nga Andrea alam mo ba kung saan yun?" tanong sakanya ni Joshua.
"Oo naman ako pa." sagot ni Andrea sa nobyo at kinindatan eto.
Natatawa lang silang pinanood ng mga kasama nila.
"Bakit excited na excited yan?" natatawang sabi ni Jenica sa kapatid na si Criszette.
"Tsk paano yan di maeexcite paano ba naman noong bago siya umalis papuntang ibang bansa. Mas mauuna pa yang umuwi sa bahay nila Criszette para tumambay. Mas mukha pa nga siyang anak ni Tita Shami kaysa kay Ursula at Criszette." naiiling na sabat na kwento ni Stacey.
"Minsan nga parang gusto na kaming palayasin ni Mommy. At si Andrea nalang ang anak niya. Bukod kasi sa parehas kaming walang pakialam sa paligid ni Criszette. Eh talaga namang napakaligalig ni Andrea. Kaya nagkakasundo silang dalawa ni Mommy. Habang iyang namang si Stacey isa ring nambubulabog sa bahay pero hindi kami ni Mommy ang binubulabog niya kundi si Criszette." natatawang kwento ni Christian.
"Ang sarap kayang bulabugin ni Criszette." natatawang sabi ni Stacey.
"Anong masarap dun? Eh kamuntikan ka ngang masapak ni Criszette dahil sa kakulitan mo buti nalang naalala niya na kaibigan ka nga pala niya." natatawang kwento pa ni Christian kaya napasimangot si Stacey.
"Tsk." malamig na sagot na lamang ni Criszette at nauna at iniwan ang mga kanina ay katabi niya.
Narinig naman niyang patuloy na nagkwekwentuhan ito.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Yana kay Criszette.
"Medyo pero malapit na rin naman. Dahil nasa kabilang street ang bahay namin." sagot sakanya ni Criszette.
Habang sina Andrei at Serena naman ay nagkwekwentuhan lang sa gilid. Ganun din sina Coleen at Miguel.
At maiingay namang nagdadaldalan sina Christian,Jenica,Stacey kasama sina Drake at Cheena na nakikinig lang sakanila.
Habang si Joshua at Andrea naman ay nauuna sakanila.
Habang si Keiron tahimik na naglalakad lang.
Patuloy namang nagkwekwentuhan sina Christian ng puro tungkol kay Criszette. Tuwang-tuwa pa nga silang pinagkwekwentuhan si Criszette na walang kamalay-malay.
"Yana gusto ko lang sana akong itanong sayo." out of nowhere na sabi ni Criszette sa katabi na si Yana.
"Ano naman yun?" nagtatakang tanong ni Yana sakanya.
"May gusto ka ba kay Nathan?" deretsahang tanong ni Criszette sakanya.
Kaya nagulat si Yana at bahagyang namula.
"Ewan di ko alam di pa ko sigurado eh." namumulang sabi ni Yana.
"Tsk namumula ka." panunukso ni Criszette kay Yana.
"I'm not. Di ko akalaing marunong ka rin palang mang-asar." natatawang sabi ni Yana kay Criszette.
"Tsk." irap na sagot sakanya ni Criszette.
"Eh ikaw alam ko namang may gusto ka kay Keiron pero bakit hanggang ngayon di pa rin nagiging kayo?" takang tanong ni Yana sakanya.
"Di ko alam pero naguguluhan na ko. Simula ng nangyari samin ni Serix. Ewan ko ba. Pero alam ko sa sarili kong si Keiron ang gusto ko noon pa man." paliwanag ni Criszette sakanya.
"Do you mean? Naguluhan ka simula ng makalaban mo si Serix." naguguluhang sabi ni Yana sakanya.
"Parang ganun na nga." sagot sakanya ni Criszette.
"Ang gulo naman pala ng lovelife mo." natatawang sabi niya.
"Tsk may isa pang nagpagulo sa isip ko. Si Ryle isa pa yun. Umamin siya sakin nung isang araw. Inamin niya sakin na may gusto siya sakin." seryosong sabi ni Criszette kay Yana.
"For real?" gulat na tanong ni Yana. "So ibig sabihin totoo yung lahat ng pinakita niya sayo." namamangha na sabi pa ni Yana.
"Ayun ang sabi niya sakin." pagsang-ayon ni Criszette.
Nagtitili naman si Yana kaya napalingon ang lahat sakanila. Agad namang tinakpan ni Criszette ang bibig niya.
"Ang ganda mo naman pala ang daming nagkakagusto." pang-aasaar ni Yana sakanya.
"Mukha ba kong natutuwa na marami sila. Pakshet hindi. Dahil ang sakit nila sa ulo sa totoo lang. Andami-dami ko ng iniisip dumadagdag pa sila buti na nga lang di na nakisali si Enzo." umiiling na sabi ni Criszette kay Yana.
"HAHAHAHA di ko akalaing may ganiyang problema ang isang Sandiwa ng Ainabridge." natatawang sabi ni Yana sakanya.
Inirapan nalang siya ni Criszette at nauna na at iniwan si Yana na humagalpak ng tawa.
At makalipas lamang ang ilang oras at nakarating na sila sa pupuntahan nila.
"Oh nandito na tayo." masayang sabi ni Andrea. At naguna-una ang gaga papasok sa gate ng bahay nila Criszette.
"Bahay mo? Bahay mo?" naiinis na sigaw sakanya ni Criszette. Pero di siya pinansin ni Andrea.
Kaya nauwi sa tawanan ang lahat.
Ngayong nasa mundo na sila ng mga tao? Maging tagumpay kaya sila sa paghahanap sa Hari at Reyna?
At sa Sandiwa ng Ovianad.
Matapos na kaya ang lahat ng gulo. Pagkatapos ng lahat buo pa rin kaya sila.
O may masasawi na naman?
-The End-