SICK: Part Four

By Kuya_Soju

145K 5K 684

Nagbabalik na ang mga kwentong susubukan na pabaligtarin ang iyong sikmura! [EAT] Tasty, savory and... bloody... More

EAT [Teaser]
EAT [01]
EAT [02]
EAT [03]
EAT [04]
EAT [05]
EAT [06]
EAT [07]
EAT [08]
EAT [09]
EAT [10] Final Chapter
BLACK [Teaser]
BLACK [01]
BLACK [03]
BLACK [04]
BLACK [05]
BLACK [06]
BLACK [07]
BLACK [08]
BLACK [09]
BLACK [10] Final Chapter
SLIT [Teaser]
SLIT [01]
SLIT [02]
SLIT [03]
SLIT [04]
SLIT [05]
SLIT [06]
SLIT [07]
SLIT [08]
SLIT [09]
SLIT [10] Final Chapter

BLACK [02]

4K 130 10
By Kuya_Soju

“A-ANO po? Jino-joke niyo lang po ba ako?” Parang ayaw paniwalaan ni Angel ang sinabi sa kaniya ni Aling Sandy. “Pina-prank niyo lang ba ako kasi birthday ko ngayon?”

“Angel, hindi… Kailangan na naming magbawas ng tao ngayon dahil sa nalulugi na kami. Hindi na namin ikaw kayang bayaran. Pasensiya ka na.” Isang sobre ang inabot ng babae sa kaniya. “Huling sahod mo na iyan. Pwede ka nang umuwi. Alam mo, masipag ka. Nanghihinayang din ako na alisin ka pero kailangan talaga. Pasensiya na talaga, ha.”

Kapag nga naman minamalas ka. Talagang ngayong birthday pa niya ito nangyari, ha. Ang gandang regalo naman nito! Sa pagbibigay ni Aling Sandy sa huling sweldo niya ay nakumpirma niyang hindi joke ang lahat. Kabilang na siya ngayon sa mga Pilipinong walang trabaho.

Nakatulala pa rin si Angel kahit wala na sa harapan niya si Aling Sandy. Nang medyo mahimasmasan ay tiningnan niya kung magkano ang laman ng sobre. Three thousand pesos lang. Ilang araw naman kaya ang itatagal nito sa kaniya? Sa susunod na linggo ay magbabayad na sila ni Cecilla sa renta sa apartment. Tatlong libo ang upa nila kaya tig-one thousand five hundred sila.

Mas lalo siyang nanlumo. Gusto sana niyang umuwi na lang dahil sa nanghihina siya sa nangyari pero naisip niya na kung gagawin niya iyon ay siya rin ang kawawa. Kaya imbes na umuwi ay nagpunta siya sa isang computer shop at nagpa-print ng ilang kopya ng kaniyang resumѐ. Walang siyang mahihita kung magmumukmok siya sa bahay. Mas maganda pang maghanap na lang siya agad ng bagong trabaho.

Ang mga katulad niyang mahirap ay hindi pwedeng mawalan ng trabaho dahil gutom ang aabutin.

Agad na kumilos si Angel. Pinasahan niya ng kaniyang resumѐ ang mga pwede niyang pasukan. Gaya ng computer shop, restaurant at mga manufacturing company. Kahit nga ang tindahan ng ukay-ukay ay pinasahan niya. Iisa lang ang sinabi sa kaniya ng mga ito—tatawagan na lang daw siya kapag kailangan na ng tao.

Madilim na nang magdesisyong umuwi si Angel. Habang sakay ng jeep ay nakatanggap siya ng text message mula kay Cecilla. Nakaalis na daw ito ng apartment. May bagong bukas daw kasi na bar na sinabi iyong nagbubugaw dito at doon muna ito tatambay.

Sa totoo lang, ilang beses na niyang kinausap ang kaibigan niya na iwan na nito ang trabaho nitong iyon pero palagi siya nitong tinatawanan. Ano naman daw kasi ang makukuha niyang trabaho gayong kahit high school ay hindi nito natapos? Sa tingin niya ay katwiran lang iyon nito. Siya nga na hindi rin nakatapos ng high school ay nakakapagtrabaho ng marangal. Ito pa kaya? Ayaw lang talagang subukan ni Cecilla na makawala sa pagiging pokpok. Bilang kaibigan ay natatakot din siya na baka kung anong mangyari dito. Marami siyang napapanood sa balita na ikinukulong na mga pokpok o kaya ay mga pinapatay ng mga customer nito. Isa pa, baka magkaroon ito ng sakit dahil kung sinu-sino ang nakakatalik nito.

Itinigil na nga lang niya ang pagpilit dito dahil baka pagsimulan pa iyon ng away nila. Baka sabihin nito na pakialamera siya ng buhay ng may buhay.

Pero sana ay maliwanagan ang pag-iisip ni Cecilla. Hindi siya nawawalan ng pag-asang mangyayari iyon gaya ng pag-asa niya na balang araw ay yayaman din siya.


-----ooo-----


DAHIL sa labis na pagod sa maghapon na paghahanap ng trabaho ay nakatulog na si Angel sa jeep. Nagising na lang siya nang may marinig siyang pumara sa kaniyang tabi. Pagdilat ng mata niya ay doon niya napagtanto na nakatulog na pala siya sa balikat ng katabi niyang lalaki.

“Pasensiya na po…” Nahihiya niyang sabi dito. Kapansin-pansin ang suot nito na puro kulay itim. Mula sa amerikana, pantalon at sapatos. Hindi nga lang niya makita ang mukha nito dahil sa medyo madilim sa jeep.

Hindi nagsalita ang lalaki. Bumaba na lang ito nang huminto ang jeep na sinasakyan nila.

Tumingin si Angel sa labas. Malapit na pala siyang bumaba. Ang sakay na lang ng jeep ay siya at isang matandang babae na nasa bungad sa kabilang hanay ng upuan. Siyempre, bukod ang driver.

Pagtuon niya ng isang kamay sa gilid niya ay may natuunan siyang matigas na bagay. Pagtingin niya kung ano iyon ay nalaman niyang isang kulay itim na attache case. Agad niyang naisip na ang may-ari niyon ay iyong lalaking naka-itim na amerikana. Karaniwan kasi sa napapanood niya sa TV ay may dalang attache case ang mga nakasuot ng ganoon.

Kinuha niya ang attache case. Napatingin siya sa matanda at nakatingin ito sa kaniya na para bang isa siyang magnanakaw.

“Isasaoli ko ito, lola.” Pagtatanggol niya sa sarili. “May ID naman po siguro ito sa loob.”

Wala siyang nakuhang sagot mula sa matanda.

Nang bumaba siya ay bitbit na niya ang kulay itim na attache case. Hindi iyon mabigat. Magaan nga, e. Naisip niya na kung limpak-limpak na salapi ang laman niyon ay ano kaya ang gagawin niya? Ibabalik pa ba niya sa may-ari? Pero paano kung ito na ang pagkakataon na hinihintay niya para yumaman? Papakawalan pa ba niya?

Ipinilig ni Angel ang ulo. “Ano ba itong iniisip ko? Baka mamaya ay hindi pera ang laman nito, e!” sabi niya sa sarili.

Bigla siyang natigilan at nanlamig nang maisip niya na kung hindi pera ang laman ng attache case ay baka naman time bomb! Baka sinadya iyong iwanan ng lalaki sa jeep para pasabugin iyon. Kaya upang makasiguro ay inilapit niya sa tenga niya ang attache case at pinakinggan niyang mabuti kung may maririnig siyang tunog ng parang orasan.

Wala naman. Hindi siguro bomba. Paranoid lang siguro siya. Baka nga pera talaga.

Bumalik ulit ang excitement ni Angel. Mas lalo niyang binilisan ang paglalakad papunta sa apartment nila ni Cecilla. At nang sa wakas ay nakauwi na siya ay agad niyang ini-lock ang pinto. Ibinaba niya ang mga kurtina sa bintana at nagkulong sa kwarto. Magulo doon. Mabuti na lang at wala na iyong Kyle na nakauna sa kaniya. Umupo na siya sa ibabaw ng kama.

“Ano kayang laman nito?” tanong niya habang nakatingin sa black attache case.

Paano naman kasi niya malalaman kung titingnan lang niya, 'di ba? E, kung binubuksan na kaya niya. Edi, nasagot na ang tanong niya kanina pa.

Kaba. Excitement. Iyan ang nararamdaman ni Angel. Malakas kasi ang kutob niya na pera ang laman niyon. Kung pera man ay pasensiya na ang may-ari niyon dahil wala siyang balak na ibalik.

Pera. Pera sana, please… Kahit one million lang! Dasal niya.

Huminga siya nang malalim at tinanggal ang dalawang lock ng attache case. Habang binubuksan niya iyon ng mabagal ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya.

Nang tuluyan na niyang mabuksan ang attache case ay napangiwi siya dahil sa disappointment. Nagkamali siya. Hindi pera ang laman kundi isang box na kulay itim din. Kasing-laki ng box ng cellphone. Siguro ay kulay black ang paboritong kulay ng may-ari niyon.

Kinuha niya ang box at inalog iyon. May naririnig siya. May laman ang box.

Hindi kaya isang bungkos ng pera! Nabuhayan siyang muli sa naisip. At muli siyang nagdasal na sana’y kahit one hundred thousand pesos ang laman ng itim na kahon ay tatanggapin niya.

Marahan niyang inalis ang takip ng box hanggang sa tumambad sa kaniya ang laman niyon. Isang touchscreen na cellphone! Nang kunin niya ay nalaman niyang kulay itim din at mukhang bago pa. Ineksamin niya ang cellphone pero wala siyang nakitang tatak nito. Ang naisip niya kasi ay maaari niya iyong ibenta. Kaya lang paano niya iyon mape-presyuhan kung hindi niya alam ang tatak ng cellphone.

Sinubukan niyang buhayin at nabuhay naman. Umilaw ang screen at naging puro black na.

“Sira pa yata. Malas naman…” bulong ni Angel.

Ilang segundo pa ay nawala na ang kulay black na screen. Nagre-request na iyon ng fingerprint para ma-unlcok. Aba nga naman. Sobrang high tech ng cellphone na ito dahil sa panahon ngayon ay wala pang cellphone na kailangan  ng fingerprint. Puro password lang o kaya ay code.

E, wala naman palang kwenta ang cellphone na nakuha niya dahil hindi niya rin mabubuksan. Kailangan daw na ilagay niya ang isa sa mga daliri niya sa bilog na pindutan sa ilalim ng screen. Sigurado siya na hindi niya iyon ma-a-unlock dahil alam niyang ang fingerprint ng may-ari ang naka-register doon.

Napailing siya. Ipinatong muna niya ang cellphone sa harapan niya. Binulatlat pa ni Angel ang kahon at attache case at baka meron pang mas importanteng bagay siyang makikita pero wala na.

Binalikan niya ang cellphone at tinitigan iyon. “Paano kaya kita maibebenta?” Kung by parts niya iyon ibebenta ay baka baratin lang siya ng pagbebentahan niya.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatingin sa cellphone. Hanggang sa naisipan niyang kunin iyon at ilagay ang thumb ng kanang kamay niya sa bilog…

PHONE UNLOCKED!

Iyon ang rumehistro sa screen ng cellphone. Ibig sabihin ay nagawa niyang i-unlock ang cellphone gamit ang kaniyang fingerprint! Pero paano? Ngayon lang niya nahawakan ang cellphone na ito. Kahit nga iyong lalaki na hinala niyang may-ari ng attache case ay hindi niya kilala. Kaya paanong nangyari iyon?

Naguguluhan man ay masaya na rin si Angel dahil na-unlock niya ang nakuhang cellphone. Inisip na lang niya na baka nagkaroon ng error kaya iyon nangyari.

“Hmm… ano kaya ang nakalagay dito?” aniya habang hinihintay na mag-boot ang cellphone.

Ilang segundo pa ay nag-appear na ang home screen. Kulay itim lang ang wallpaper. Ano pa nga ba ang ikinagulat niya doon, 'di ba? Ang app na naroon ay ang call register, contacts, messages, Facebook at camera. Kahit anong scroll niya sa kaliwa at kanan para makita ang ibang app ay hindi iyon naaalis sa home screen. Mukhang hanggang doon lang yata iyon.

Sino naman kaya ang bibili ng cellphone na ganoon? Walang paraan para makapag-install ng bagong application dahil walang app store. “Walang kwenta!” palatak ni Angel.

Bibitawan na sana niya ang cellphone nang may makita siyang um-appear na salita sa screen.

Connecting…

Napakunot ang noo niya. Hanggang sa makita niyang nagkaroon ng signal ang data ng cellphone. Pero wala namang nakalagay kung anong network. Ibig sabihin ay walang SIM card ang cellphone kaya nakakapagtaka kung paano iyon nagkaroon ng signal.

“Ay puta ka!” Gulat niyang sigaw nang biglang mag-ring ang cellphone.

May tumatawag at ang nakalagay ay Unknown Number. Agad niyang naisip na baka iyon na ang may-ari. Kung iyon nga ay handa naman siyang ibalik dito ang cellphone dahil wala iyong kwenta. Walang bibili niyon.

Sinagot na ni Angel ang tawag. “Hello po? Kayo po ba ang may-ari nitong phone. Nakuha ko po kasi ito sa jeep. Pagkatapos po ay—”

“Hello, Angel!” Malaki ang boses ng nagsalita. Halatang may ginagamit ito para mag-iba ang boses kaya hindi niya mawarian kung lalaki ba o isang babae ang kausap niya.

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Nagtataka niyang tanong.

“Importante pa ba iyon? Ang mahalaga ay nakakausap na kita ngayon.”

“Teka, teka! Sino ka ba? Ikaw ba ang may-ari nitong cellphone?”

“Ako lang ang nagbigay niyan sa iyo pero hindi ako may-ari. Ikaw, Angel…”

“Ako?” Hindi makapaniwalang itinuro pa niya ang sarili. “H-hindi ko kaya maintindihan. Hindi sa akin ang cellphone na ito kaya paanong magiging akin 'to? Sandali! Baka naman binebentahan ninyo ako ng sapilitan? Ay, ayoko po! Ibabalik ko na lang ito!”

“Sabihin na natin na bigay ko sa iyo ang cellphone na iyan. Walang bayad. Libre. Para mas madali mong maunawaan.”

“Aba! Parang sinasabi niyo naman na slow ako at bobo—”

“Kailangan mo ng trabaho! Gusto mo ng malaking halaga ng pera!” Putol nito sa pagsasalita niya.

Sandali siyang natigilan. “Paano mo nalaman?!” Nakakapagduda na ang dami nitong alam tungkol sa kaniya. “Sino ka ba talaga?”

“Sabihin na nating ako ang sagot sa matagal mo nang gustong mangyari. Ako ang makakapagbigay sa iyo ng malaking halaga ng pera na makakapag-ahon sa iyo sa kahirapan. Hindi ba’t matagal mo nang gustong yumaman, Angel?”

Natigalgal si Angel. Dapat ba niyang paniwalaan ang pinagsasabi ng taong hindi niya kilala? Kung babae o lalaki nga ito ay hindi niya alam, e. O baka naman ito iyong nauusong networking? I-invite siyang magkape tapos ire-recruit lang siya sa networking nito.

“Angel? Papalampasin mo ba ang pagkakataon na ito?”

“A-alam mo, kung nangloloko ka ay huwag ako, please. Wala akong pera. Mahirap lang ako—”

“Iyon nga ang dahilan kung bakit ikaw ang napili ko, Angel. Gusto kitang tulungan. Gusto mo bang malaman kung magkano ang maaari mong makuhang pera sa akin?”

“M-magkano?”

“Ten million pesos!”

Nanlamig bigla si Angel sa ten million pesos. Iniisip pa lang niya na nasa kaniya ang perang iyon ay parang nalulula na siya. Sa ganoong kalaking halaga ng pera ay pwede na siyang makabili ng bahay at lupa. Sapat na rin iyon para sa isang negosyo para hindi na niya kailangang magtrabaho pa. Sampung milyong piso!

Ipinilig niya ang ulo. “Budol ka!” Walang tangang tao ang magbibigay ng ganoong kalaking halaga ng pera sa taong hindi nito kilala.

“Bakit hindi mo muna subukan, Angel?”

“Sinabi ko na—huwag ako!”

“May secret compartment ang attache case. May makikita kang maliit na apat na turnilyo sa loob niyan. Tanggalin mo iyon at isang ATM card ang makikita mo. Nakapangalan iyon sa iyo Miss Angel Pelayo. I-install mo na lang sa cellphone mo ang app ng banko para malaman mo kung magkano ang laman niyon. Oras na i-withdraw mo na ang perang iyon, ibig sabihin ay pumapayag ka na sa gusto ko.”

“Ano bang gusto mo?” Tiningnan niya ang attache case at meron nga doon na mga turnilyo.

“Ikaw ang may gusto at ibibigay ko lang sa iyo iyon. Trabaho at pera. Tama?”

Umiling si Angel. Parang hindi kasi totoo ang mga sinasabi nito. “Pasensiya na kung sino ka man pero hindi ako papatol sa trip mo. Bye!” At pinutol na niya ang tawag sabay patay sa cellphone.

Continue Reading

You'll Also Like

681K 47.8K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
2.3K 537 21
It's hard to move on from your dead boyfriend. Mel realized this when Evan left her. Matapos ang ilang araw ng pagkukulong sa kanyang apartment, nagi...
2.1M 42.8K 69
"Anong gagawin mo kung minumulto ka ng matalik mong kaibigan? Humihingi ba siya ng tulong? O kasama ka sa mga nagkasala sa kanya?" Highest Rank: #1...
2.4M 88.1K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016