The Billionaire's Secretary (...

By _sundaze

1.6M 39.3K 2.7K

Astrid Ramirez, a girl who works as a secretary for a man who has no sense of humour. Being a secretary is ok... More

THE BILLIONAIRE'S SECRETARY
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9✔
CHAPTER 10✔
CHAPTER 11✔
CHAPTER 12✔
CHAPTER 13✔
CHAPTER 14✔
CHAPTER 15✔
CHAPTER 16✔
CHAPTER 17✔
CHAPTER 18✔
CHAPTER 19✔
CHAPTER 20✔
CHAPTER 21✔
CHAPTER 22✔
CHAPTER 23✔
CHAPTER 24✔
CHAPTER 25✔
CHAPTER 26✔
CHAPTER 27✔
CHAPTER 28✔
CHAPTER 29✔
CHAPTER 30✔
CHAPTER 31✓
CHAPTER 32✓
CHAPTER 33✓
CHAPTER 34✓
CHAPTER 35✓
CHAPTER 36✓
CHAPTER 37✓
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2
BEKS, I love you
Q AND A PORTION
DEDICATIONS

CHAPTER 6

36.5K 839 87
By _sundaze

Astrid's P.O.V

Nakatunganga ako dito ngayon sa sofa sa sala ng bahay ni boss habang nakaupo, wala akong magawa dahil tulog naman si Prince.

Ayoko namang manood ng TV dahil paniguradong walang magandang palabas ngayon, gusto ko na sanang umuwi kaso ang bilin sa akin ni boss ay 'wag aalis hanggat hindi pa ito umuuwi. Kaya ito ako ngayon, no choice!

Ganoon nalang ang aking gulat ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong nabalitaan na uulan ngayon at naganda rin naman ang panahon kanina, parang may bagyo na may kasamang kulog at kidlat.

Paniguradong ibabalita mamaya na may bagyo, ganoon talaga siguro dahil sa climate change.

Naisip ko naman bigla si boss, may dala kaya itong payong? Paniguradong mababasa 'yun kung nagkataon na wala.

Tumayo nalang ako at dumiretso sa kusina upang magluto, hindi sa pakielamera. Alam ko lang kasi na paglulutuin din ako nito oagdating niya kaya ako na ang magkukusa—mabait ako, e.

Hindi nagtagal ay natapos na rin ako sa pagluluto ay doon ko lang rin narealize na may sumisigaw mula sa labas.

Akala ko kanina guni-guni ko lang ito, ganoon nalang ang paglaki ng mata ko ng mabosesan ang taong sumisigaw—si boss!

Dali-dali akong naglakad at binuksan ang pinto, do'n ko nakita si boss na basang-basa ng ulan.

"Nako boss, basang-basa ka na po!" Natataranta kong sambit at hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung saan hahanapin ang pamunas o kung hahawakan ko ba siya.

"Its your fault." Paninisi niya sa akin. Ako? Bakit ako, hindi naman ako ang tangang hindi nagdadala ng payong.

"Hala s'ya! Pa'no ko po naging kasalanan? E kayo po ang naligo sa ulanan."

"Ang tagal mo akong pagbuksan ng pinto kaya nabasa ako." Malamig na sabi ni boss at pumasok sa loob.

'yun pala ang kanina ko pa naririnig na kumakatok at sumisigaw, akala ko ay guni-guni ko lamang iyon kaya hindi ko pinansin.

Nang maisara ko na ang pinto ay 'agad na akong sumunod sa kan'ya.

At dahil nga basa si boss ay hindi ko napansin na nabasa na rin nito ang sahig na naging sanhi ng aking pagkadulas.

"WAAAAHHH!" Sigaw ko at napakapit kay boss sungit dahil sa aking labis na pagkagulat.

Napapikit nalang ako habang hinihintay ang pagbagsak ko sa matigas na sahig ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin. Unti-unti kong minulat ang aking mata at doon ko lang napansin si boss, pareho kaming nakahiga sa sahig at nasa ibabaw niya ako.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya na dumadaing ngayon dahil naitukod nito ang kanyang siko ng bumagsak kami.

"F*ck!" Marahil ay nagulat din ito at hindi nakatyempre kaya pareho kaming nadulas.

"Boss, Sorry po!" Hinging paumanhin ko habang dahan-dahan siyang inaalalayan patayo.

At doon ko naramdaman na mainit si boss, ang bilis naman nitong dapuan na sakit? Ilang minuto pa lang naman itong nababasa.

"May lagnat po kayo boss." Nag-aalalang sambit ko, hindi ko maiwasang hindi makonsensya dahil paniguradong ako ang dahilan ng pagkakasakit niya.

"Tss." Tanging tugon nito at 'agad na dumiretso paakyat sa ikalawang palapag ng bahay niya.

Dali-dali kong inayos ang basang sahig dahil baka madulas din si prince, pagkatapos ay 'agad akong umakyat upang sundan si boss doon.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at nakita roon si boss na nakahiga sa kanyang kama.

Hindi pa rin ito nakakapalit ng damit, ang basa parin niyang damit ang gamit n'ya.

"Boss sungit tumayo ka muna, magpalit ka po ng damit." Sambit ko habang kapit ang kanyang braso at pilit siyang pinapatayo. "Hmm." Tanging tugon niya, hindi p'wede na hindi siya magpalit.

Mas lalo siyang aapoyin ng lagnat kung hindi siya magpapalit.

"Boss sige na bumangon ka na saglit lang ito, hindi ka p'wedeng hindi magpalit mas magkakasakit ka niyan." Tila nanenermon ako sa isang bata na ayaw makinig.

Napaka-demonyito talaga nito at nakuha pang-hawiin ang kamay ko!

Shit!

Wala na akong ibang choice kundi ang hubadan siya dahil mukhang wala siyang kusa na magpalit.

Kesa naman ginawin siya 'di ba? Kesa naman mas magkasakit siya 'di ba? Pati hello! Wala akong gagawing kung ano kay boss 'no!

Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama nito at unti-unting tinanggal ang butones ng coat ni boss, naka-buisness attire kasi siya ngayon.

Ano ba! Bakit biglang uminit dito sa kwarto ni boss?

Natanggal ko na ang coat niya at sinunod ko naman ang panloob nitong damit.

Ang lakas naman ng ulan pero bakit ang init?

Ng matanggal ko na ang panloob ni boss ay sinunod ko naman ang pang-baba nito.

Mas lalong nag-init ang kwarto at pati ang aking mukha ay tila nag-iinit na rin. Kaya mo 'yan astrid! 6 pack abs lang yan ng boss mo!

Put—nagkakasala ako!

Napalunok nanaman ako dahil ang pants naman niya ang tatanggalin ko.

Halos nakailang lunok ako ng tuluyan ko na itong hinila pababa, patuloy rin ang pagtulo ng pawis sa aking noo.

Napakagat labi ako ng hindi maiwasang napatingin ako sa bukol na nasa pagitan ng mga hita nito. Ang laki, iniwas ko naman bigla ang aking pangingin mula dito.

Pagkatapos ay kumuha na ako ng damit.

Ang tanga ko dahil hindi muna ako kumuha ng damit bago ko siya hubaran, bakit ba excit---

Nevermind.

Sinuot ko na ang boxer short ni boss at isusuot ko na din sana ang T-shirt niya ng magawi ang tingin ko sa kanyang mukha pababa sa kan'yang mapupulang mga labi.

Hindi ko alam pero parang may humihila sa akin at nag-uutos sa akin na halikan siya.

So i did! I kissed him.

Aalis na sana ako ng biglang dumilat si boss kaya sobrang nagulat ako. Alam ko at ramdaman ko na sobrang pula ko na ngayon.

Nakakahiya ka Astrid! Ano ba ang ginawa mo!

"A-ahh kasi b-boss---

Hindi ko na natapos ang ano mang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong hinalikan.

No'ng una ay nagdadalawang isip pa ako kung tutugon ba ako pero kalaunan ay tumugon din.

Alam ko na mali at kasalanan ito dahil may asawa't anak na siya pero hindi ko mapigilan, nakakaakit ang mga halik nito na tila inuutusan ako na tumugon.

Hindi ko alam ang gagawin ko basta ang alam ko ay patuloy lang ako sa pagtugon sa mga maiinit nitong mga halik.

And the rest is the history..

***

Nakahiga ako ngayon sa kama ni boss habang nakatingin sa kisame ng kwarto nito, nagmumuni-muni at nag-iisip.

May nangyari sa amin ni boss at alam ko na mali iyon pero hindi ko parin maiwasan na hindi maging masaya sa hindi malamang dahilan.

Nakahiga ngayon sa tabi ko ang aking boss habang mahimbing itong natutulog, siguro dahil sa pagod at dahil na rin may sakit ito.

Alam ko na hindi ako papatulan ng isang katulad niya, sino ba ako 'di ba? May pamilya siya kaya bakit? Hindi kaya dahil may sakit ito?

Nalungkot naman ako sa aking naisip, paniguradong iyon nga ang dahilan.

"Hmm, why are you still awake?" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang paos nitong boses, mukhang naalimpungatan siya.

Pgil ang aking hininga habang pinipilit ko ang aking sarili na huwag siyang lingonin.

Masyadong nakakahiya ang nangyari kani-kanina lang at wala akong mukhang maihaharap sa kanya ngayon.

Ano nalang ang sasabihin ko? Baka sesantihin pa ako nito dahil sa nangyari sa aming dalawa.

"Are you shy?" Tanong na naman nito kaya mas lalo akong nahiya, hindi ba halata? Gusto ko na ngang lamunin ng kama ngayon dahil sa sobrang hiya.

Nanatili pa rin akong tahimik at hindi siya iniimik.

Taimtim na pinakikiramdaman ko kung gising pa ba ito ngunit mukhang bumalik na ito sa pagkakatulog.

Kaagad akong tumagilid at napangiwi ng sumakit ang aking gitna. Hinipo ko ang kaniyang noo at nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko na bumaba na ang lagnat nito.

"Alam mo ba na nakalunok ako dati ng piso?" Nagulat ako ng bigla itong nagsalita pero ng tignan ko ay tulog pa din ito.

teka..

Nagsasalita ba ito habang natutulog?

"Tapos muntik na akong malunod sa putik nung 5 years old ako." Pilit kong nilabanan ang kagustuhang tumawa.

Sino ang hindi matatawa kung muntik na itong malunod sa putik? At sinong hindi matatawa dahil nagsasalita ito ng tulog?

"A-At dati hinabol ako ng aso kasi kinain ko yung pagkain niya." Ano daw? kinain nito ang pagkain ng aso?

Bakit naman niya gagawin iyon?

"K-kasi nawawala ako noon. T-tapos gutom na ako." Labis na awa at gulat ang aking naramdaman, nawal pala siya dati.

Mukhang kapag may sakit itong si boss ay nagi-sleep talk nalang ito bigla.

"I-ikaw? Anong childhood story mo?" Tulog ba talaga ito? Bakit parang hindi naman dahil parang totoong kinakausap niya ako.

Kinuha ko ang kaniyang ulo at inunan sa aking braso pagkatapos ay sinuklay ko ang kaniyang buhok gamit ang aking kamay.

Sulitin ko na dahil paniguradong bukas ay papaalisin na ako nito sa kompanya niya.

"Natae na ako sa school." kahit alam kong hindi niya ako naririnig ay gusto ko pa din magkwento. Gusto kong magkwento kahit na alam kong tulog siya.

"Nahulog ako sa isang libingan."

Naalala ko noon naglalaro kami tapos bigla akong nahulog saktong umulan pa at muntik na akong malunod dahil napupuno ng tubig ulan ang butas ng libingan na pinaghulugan ko, buti na lang ay may nagligtas sa akin noon.

Isang batang lalaki, madungis ito at puro putik ang katawan. Sabi pa niya noon na hintayin ko siya at ililigtas niya ako

And then, bumalik siya, may dala itong lubid at to the rescue sa akin kahit na hindi naman ako nito kilala, pero 'yun na ang una't huli naming pagkikita dahil bigla nalang itong nawala pagkaligtas sa akin.

Katulad ng mga totoong superhero, araw-araw noon—lagi akong pumupunta sa lugar na iyon at nagbabakasakali na makita ko ulit siya pero wala.

Hindi na siya muli pang nakita, ni-hindi ko nga nagawang tanungin maski ang pangalan niya.

Dahil sa aking labis na pagmumuni-muni hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 103 12
isang gobernador na nagampon ng batang babae ngunit paglipas ng paanahon ay papangasawahin at aanakan niya lang pala ito.
1.5K 129 11
Isang malakas na sampal ang tinamo ko mula sa hindi ko kilalang Babae. "Lucca! ang sama ng ugali mo!" sigaw nito. Nagtawanan ang mga ka-Fraternity...
35.5K 513 23
A mother is willing to do whatever it takes to keep her child. Even if it involves tricks, lies, or even murder. These books are partly inspired by u...
98.4K 3.5K 39
So... I read a few fanfics of Jackson + Jinyoung... Also saw a video and started shipping them hard. HAHA. This story is entirely fiction and some r...