Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 ๐Ÿ”ธ๏ธApril 7, 2019 ๐Ÿ”น๏ธAugust 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

xxv

1K 41 11
By aryzxxi

"Wow! Dito talaga ang shoot?" manghang-mangha si Ate Barbie habang tinitignan ang paligid.

The vast green land and the scent of mountains and pine trees engulfed my senses. Hindi ko akalaing ganito kalaki ang rancho ng mga Salvador and that Fire and Fiona manages this.

"Tignan mo, oh! May mga kabayo," kinalabit ako ni Ate Barbie at parang batang excited na tinuturo ang tatlong taong nakasakay sa kabayo sa di kalayuan.

Hindi ko na pinatagal pa ang tingin ko roon dahil baka may makita pa akong hindi ko gusto. I scanned the place once again. Sa pinaka sentro ay nakatayo ang isang malawak na mansion. The wooden exterior, wide porch and large windows looks eye-catching and modern. May maliliit na barn house din sa bawat sulok ng rancho na magkakalayo as isa't-isa.

"Ate Barbie halika na.." tawag ko sa kanya. Her eyes are fixated on the men horseback riding. Ilang sandali pa ay hinila ko na siya para hanapin ang pwesto ng photographer at crew.

"Ziana Rose?"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. A woman in her late twenties in a pixie cut and wearing an ID lace went to me.

"Hi. I'm Olive, the creative director of the set. You're early, huh?"

Ngumiti ako,"Yes, ma'am. We went here after my morning schedule."

Tumango siya. Her gaze landed at Ate Barbie who's still busy ogling the whole place or maybe sa mga nangangabayo.

"Shall we go? Medyo maraming palitan ito."

Miss Olive led us to a tent near a small barn house. Maraming dayami ang nasa isang gilid at may lumang pulang truck pa. Maybe it's part of the shoot.

Agad naman kumilos si Ate Barbie para ilabas ang mini fan ko nang sinimulan na akong ayusan.

"Naglunch ka na ba Ziana?" tanong ni Miss Olive.

"Yes po, ma'am," sagot ko habang inaayusan ako ng buhok.

"Okay. But we'll prepare a snack for you. Do you like something in particular?"

"Chicken sandwich po and iced tea.."

Lumapit si Ate Barbie para iabot sa akin ang phone ko so that I can browse some pose and ideas na pwedeng gawin mamaya.

"Tanghaling tapat talaga ang photoshoot?" tanong ni Ate Barbie sa isa pang stylist na hinahanda ang mga damit ko.

"Oo. Yung mayari kasi busy daw sa umaga. Marami yatang tinapos para walang makaistorbo habang nagpo-photoshoot. Sobrang busy dito kanina."

Suminghap si Ate Barbie, "Talaga? Ang thoughtful naman niya. Buti pala pumayag siya na ipagamit itong rancho niya. Three days din yon."

I will model three different brands in three days. Itong una ay para sa cover ng magazine. I think tomorrow is an endorsement with an international clothing line. May dalawang models din akong makakasama. Ang huli naman ay para isang brand uli ng damit.

Tumango ang stylist at ngumiti,"Oo nga, eh. Sana bumisita rito mamaya."

Umayos ng upo si Ate Barbie at mas lalong nagmukhang interesado. "Pogi?"

Humagikhik ang nag-aayos ng buhok ko at namula. Through the mirror, I also glanced at other people's reactions.

"Oo! Kanina pag dating namin, nangangabayo pa. Parang sa mga teleserye lang. May poging haciendero tapos magaling mangabayo, businessman..."

Gusto ko sanang isipin na si Tito Nicholas ang tinutukoy nila. Even if he's on his late fifties, gwapo pa rin siya.

".. kaso mukhang playboy. Alam mo yun. Papaibigin ka lang tapos iiwan."

I reached for my bottle of water and drank. It's totally Fire they're talking about. Siyang siya yan.

The make-up artist arrived at nilagyan na ako ng mga kolorete sa mukha. Sa loob yata ng tatlumpong minutong pag-aayos sa akin ay patuloy nilang pinag-uusapan ang mayari nitong rancho.

The outfit that I am wearing is a white laced long sleeves top and long white chiffon skirt. My hair is in a messy low ponytail at may gold accessories ako. I am just wearing a pair of comfortable bronze sandals, siguro ay hindi na ito isasama sa kuha.

Pagkalabas ko ng tent ay halos ginto na ang kulay ng paligid. Hindi naman masyadong mainit dahil sa simoy ng hangin. Agad akong kinausap ng photographer at sinabi ang mga ideya niya. Pinapaypayan ako ni Ate Barbie habang naglalakad kami sa damuhan.

Parang hindi mapakali si Ate Barbie at ang stylist na lingon nang lingon sa paligid. They're shielding their eyes as they scan the place. Ganon ba nila kagustong makita si Fire?

Nang makalapit kami sa set ay sinimulan na agad ang pagkuha ng mga letrato. The photographer wanted to take photos habang malakas pa ang sinag ng araw.

"At the count of three, turn around okay?"

Sinunod ko ang sinabi niya. I held my skirt pagkaikot ko. Tatlong beses pa naming inulit iyon hanggang sa tingin niya ay nakuha na niya ang gusto niya. I was given a straw hat at ginamit ko iyon as if I'm also endorsing that.

"Good job! Ang galing mo Ziana.." puri sa akin ng photographer.

"Thank you po," I said.

"Next outfit naman," nilahad niya ang kanyang kamay sa akin as we walk back to the tent. I firmly held his hand while my other is holding my skirt up. Parang may mga dahon kasing dumidikit sa skirt.

After removing my make-up ay pinaghilamos muna ako at pinakain ng snack. Hindi pa kasi yata nagtatanghalian ang staff. I wore a silk robe around my body while eating.

"Ang bait, ah? Pinagluto pa tayo," puna ng make-up artist ko.

"Ziana, ito na yung snack mo," abot sa akin ni Ate Barbie ng pagkain ko. The sandwich is wrapped in a foil at and iced tea ko ay nakalagay sa isang mababasaging baso at may metal straw.

Hinawakan ko ang sandwich at mainit-init pa iyon na parang bagong luto lang. Then I heard Miss Olive's voice outside the tent.

"Thank you, Mr. Salvador. You didn't have to.." masuyo niyang sinabi. Ibang-iba sa business tone na gamit niya sa akin kanina.

Agad na nagreact ang mga kasama ko sa tent even Ate Barbie. Isa-isa silang sumilip at lumabas. Don't tell me siya ang may gawa nitong sandwich ko? Marunong ba siyang magluto? Sinubukan kong alalahanin kung may napag-usapan kaming ganon noon.

"No problem. Just tell me if you need something." a deep pleasant voice replied.

Napaayos ako ng pag-upo nang marinig  iyon. I wrapped the ribbon of my robe tightly once again. Six years have passed at ngayon ko lang uli narinig ang boses niya. Mas lalo itong nagmature at lumalim. I don't know what else has changed but I am sure na marami at malaki iyon.

Tumikhim ako at ininom ang iced tea na nasa tapat ko. His voice got drowned in a series of giggles and questions.

"Nako. Nakakahiya naman po, sir," a girl said. Nako, Ate Barbie it better be not you.

"Where's the model?" he slyly asked.

Napalingon ako sa direksyon ng boses at kinabahan. Don't tell me he wants to see me? Napatingin ako sa itsura ko. I have no make-up, medyo magulo ang buhok at naka underwear lang ako ilalim ng roba ko!

"Ah, she's inside the tent. Kumakain yata," Miss Olive answered.

"Tawagin ko po ba sir?" suggestion ni Ate Barbie na medyo napalakas ang boses. She sounded like she'll immediately do anything he will say.

Napapikit ako. Agad na akong nag-isip ng excuse kung sakaling tawagin ako. Maybe I'll fake a headache?

"Hindi na."

"Okay po.." sabay-sabay nilang sagot. Parang natutuwa yatang hindi ako pinalabas. I don't know if I'll be relieved or annoyed.

Humupa rin ang tawanan at tanungan nang magpaalam si Fire sa kanila. Hindi pa agad bumalik sa loob ang mga kasama ko. Maybe they're all admiring him from afar hanggang sa mawala sa paningin nila. Ubos ko na ang pagkain ko nang naisipan nilang bumalik sa loob ng tent.

"Hay. Alam mo kung medyo bata-bata pa ako, pinatulan ko na yon," sabi ng isang staff member.

"Kita mo yung katawan?" bulong ng stylist ko sa likod.

"Bakat na bakat sa t-shirt!" another girl squealed. Napahagikhik naman si Ate Barbie sa likod ko.

"Feeling ko bet ni Miss Olive, eh."

"Siguro. Kaso di ba nililigawan siya ni Sir Junedos? Ang tagal na rin nilang magkapartner sa busines na to."

My brow raised while listening to them. Sir Junedos is the photographer of this shoot. Kaya pala tingin siya ng tingin kay Miss Olive. Nagpaalam muna ako na magtotoothbrush lang bago ayusan uli.

"Last change na," sabi ni Ate Barbie habang tinutulungan akong tanggalin ang accessories na nakakabit sa katawan ko.

Ang huling damit ko ay medyo revealing. The sheer off-shoulder top is outlining the shape of my breasts. May mahabang slit din sa kaliwang hita ko. My hair is down at wala na akong ibang accessory na isusuot pa.

They decided to shoot at the black fences na nagbabahagi sa barn at mga kambing sa likod.

"Hindi ka naman takot sa mga kambing right?" tanong ni Sir Junedos.

"Hindi naman po," I said. Mukha naman silang maamo and I don't think that nangangagat sila.

Hindi na masyadong mainit ngayong hapon at mahangin pa. Hinawakan ko ng maigi ang dulo ng damit na suot ko. Habang sinusubukan kong pumwesto ay mukhang tinetest naan ni Sir Junedos ang lighting.

The sky is turning bright pink now with a tinge of orange. Bata pa lang ako ay gustong-gusto ko na ang ganitong kulay ng langit. Maybe because it's a mark that school is going to an end at simula na ng pagpa-practice para sa musical o di kaya ay oras na para umuwi at maghintay ng sundo. Napasimangot ako nang may maalala.

"Ready Ziana?"

Tumango ako at hinawi ang buhok sa aking balikat. Sumandal ako sa bakod, my hand is on my collarbone and I turned my face on the right, sinalubong ko ang direksyon ng hangin.

Then I changed my pose and ran a hand on my exposed leg and fiercely looked at the camera.

"Good!" puri sa akin. "Do that again."

So I did. Binago ko na naman ang posisyon ko. I turned sideways para mas makita ang slit ng dress then my hand subtly cupped my left breast habang nakatingala ako. Sinalubong kong muli ang direksyon ng ihip ng hangin. It weakly blew my hair away from my shoulders and dress.

Matapos ang ilan pang kuha ay tinignan niya ang laptop.

"I think I got it!" masayang sambit ni Sir Junedos habang nakatingin sa kanyang camera. "Thank you so much Ziana!"

Pagkadilat ko ay sinundan ko agad ng tingin ang crew, hindi ko nga lang naayos agad ang posisyon ko nang makita ang pamilyar na anyo ni Fire sa di kalayuan. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. He's on his brown horse several feet away from where we are. Hinahangin ang kanyang suot na t-shirt, revealing the shape of his body.

"Ziana halika! Tignan mo itong mga letrato mo," tawag sa akin ni Miss Olive. I immediately tore away my gaze from him. My heart is racing as I walk towards them. 

Kabado ako nang muling bumalik sa rancho nina Fire kinabukasan. I wished that he won't show up today just like what he did yesterday. Hindi ko nagugustuhan ang reaksyon ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. 

"Wow! Ang lawak! I never thought there's a place like this in the Philippines," the blonde haired model said. Sa pagkakaalam ko ay Pilipina rin ito or maybe half. Mas matangkad siya sa akin at ang buhok niya ay straight na straight. She's wearing a pair of shorts and black tank top.

Ang isa pang model na kasama namin sa tent ay paulit-ulit namang kinunkunan ng letrato ang paligid niya kanina. She's also amazed at the surrounding lalo na kanina ay may isang grupo ng mga pato na dumaan sa harap namin led by a dog.

"Hi, Ziana. I'm Gigi from CDB," pakilala niya sa akin.

Agad naman akong napalingon sa kanya at naglahad ng kamay. Bihira lang na may maka trabaho ang isang taga Aspire na mula sa ibang istasyon, halos lahat at freelance o di kaya ay galing sa ibang bansa.

"Hi, Gigi!"

Her skin is darker than mine. It's bronze and she looks sexy in that color of skin. Mas mature ang itsura niya kumpara sa blonde na model kanina at mas lalo naman kaysa sa akin.

Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa salamin. My milky white skin, oval face and double eyelids looks so generic. Parang napaka normal ng itsura ko kumpara sa kanila. I've been praised because of my "perfect face" but it's not as exotic or unique as the others. Hindi agaw pansin.

"Oh? Bakit naka busangot ka diyan Ziana?" tanong ni Ate Barbie nang nilahad ang isang baso ng tubig sa mesa ko.

"W-Wala.. Uhmm.. paabot po ng phone ko Ate.. "

Ngumisi siya,"Ano? Nagtext ba si Conrad?" asar niya. Agad naman akong nilingon ng blonde na model na nasa kaliwang banda ko lang.

Well, Conrad sent me a message kanina pero hindi iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makuha ang phone ko. I need some ideas for the shoot! I glared at Ate Barbie when she handed me my phone. Tumawa lang siya at umalis para tawagin ang make-up artist.

"You're the girl linked with Conrad Williams?" tanong ng blonde na model. Nilingon ko siya, di ko alam kung ngingiti ba ako o ano.

Her eyes scanned me from head to foot bago binalingan ang sariling repleksyon sa salamin. Conrad's been touring around the US and Australia. Sikat na sikat siya hindi lang sa mga Pilipino roon kundi pati na rin sa mga foreigner. Kaya hindi nakakapagtaka kung iniidolo o gusto siya nitong katabi ko.

Sana lang hindi ko maranasan uling siraan ng damit o di kaya'y makalmot na naman just because of him.

We went out wearing different colors of checkered polo, shorts, and boots. The blonde model is wearing a red one, Gigi is wearing black and white and I am wearing an unconventional color, dark green.

Tatlo kaming kinunan ng letrato. The poses are sultry and fierce. I did my best na sabayan ang tatlo but I think I am outshined. Gigi looks so natural and the blonde thought of different poses.

"Break muna," sabi ng photographer, "Ziana come here.."

Hindi muna ako nilapitan ni Ate Barbie para mapaypayan. I went to the photographer and he showed me the shots in his laptop.

"You're pretty but nagmumukha kang extra lang sa mga kuha na to. Sayang ang efforts ng mga kasama mong model. Look.."

Nakaramdam ako ng hiya habang tinitignan ang mga letrato.

"I'm not asking you to stand out pero pantayan mo sana ang fierceness na pinapakita nila."

"Yes, sir."

Pinapaypayan ako ni Ate Barbie habang naglalakad kami pabalik sa tent. My mind is immediately clouded by some poses that I can do. Nakakahiya naman. Just because I am intimidated by my co-models ay naapektuhan na agad ang performance ko.

Napahinto kami sa paglalakad nang makita ang blonde na model sa harap ng tent kausap si Fire. Agad namang lumapit ang ibang staff.

"Hi! I'm Stella. You have a lovely ranch," the blonde model held out her hand.

Fire shook her hand briefly, "Thank you."

May sumulpot sa likod niya na mga naka simpleng polo shirt lang at mukhang may dalang mga pagkain. Sinalubong sila ng staff at nagpasalamat kay Fire. Ganyan ba talaga siya ka-hospitable? Pwede namang lumabas ang crew para bumili ng pagkain o di kaya'y dapat nagprepare na sila. Baka nakakaabala na to sa mga tauhan ni Fire.

"Pasok na tayo sa tent Ziana," parang excited si Ate Barbie nang hinigit ako. "Batiin mo rin siya. Hinanap ka niyan kahapon."

"Ha? Bakit?" I pretended that I didn't hear their conversation yesterday.

"Ewan ko. Pero batiin mo na rin. Binati siya ni Gigi kanina, yung isang model.."

Umirap ako at tinampal ni Ate Barbie ang braso ko. "Ziana, ah. Manners.. Halika, samahan kita. Wag kang matakot diyan kay Sir. Mukha namang mabait. Kita mo, personal pang naghahatid ng snack kahit di naman na kailangan."

She enumerated all the good things about Fire, the farm and Fire. Hindi nga lang namin naabutan dahil hinigit siya ni Stella sa kabilang banda. She insisted him to show her the horses kahit na nasa kabilang gilid lang naman iyon. Susunod sana ang assistant ni Stella but she mouthed something kaya nagpa-iwan ito.

"Ay.. ang harot naman ng model na yon.."

Nagtaas ako ng kilay."Pati rin siguro yung mayari."

Ate Barbie turned to me and looks offended. "Grabe ka naman Ziana."

"It's true. Pumayag naman siya sa alok ni Stella." I said bitterly. "Baka kung ano pang gawin nila doon."

Namula si Ate Barbie at parang na-eskandalo sa sinabi ko. Iritado akong bumalik sa tent. I didn't ate the chicken sandwich on my table. Uminom lang ako ng iced tea at kinain ang chocolate bar na binaon ko. An ugly feeling spread through my system. 

Masama pa rin ang timpla ko hanggang sa pinabalik kami sa set. I used all my energy in creating poses. Hindi ko na pinansin ang mga kasama ko at ginawa ko na lang ang trabaho ko.

"Thank you so much for this opportunity working with you girls!" sabi sa amin ng photographer habang isa-isa kaming kinakamayan. Ako ang huling nilapitan dahil naging abala ako sa pagtatanggal ng dayami na dumikit sa buhok ko.

 "Ziana. It's such an honor working with you. I hope to work with your bandmates soon," sabi niya.

Bigla naman akong natuwa, "I will tell them, sir. For sure, our manager will approve it."

"Diamond is a rising group. You have so much potential and I hope to see you shine overseas.."

Sumabay kami sa pag-alis ng crew sa rancho ng mga Salvador. Hindi nga lang uli ako nakapagpaalam kay Fire di tulad ng suggestion ni Ate Barbie. Hanggang sa pagbalik namin sa inn ay sinesermonan niya ako tungkol doon.

"Bukas Ziana, batiin mo. Dios mio ka naman! Sina Gigi tsaka Stella bumati at kahit yung mga direktor at photographer nagpasalamat. Ikaw lang ang hindi."

Tahimik ko lang siyang pinakikinggan habang tinitignan ang Instagram feed ko. May posted a photo eating in a fancy restaurant. Sino kayang kasama niya diyan? May is not the type of person who likes eating alone, si Eugene ang ganon sa aming lima.

After our dinner, napagpasyahan kong matulog na kaso ilang ulit na akong nagpapalit-palit ng pwesto pero hindi pa rin ako makatulog. Seeing Fire and hearing his voice bothers me. Bakit ganon? Noon naman nang nakita ko siya hindi ganito?

I looked at Ate Barbie who is sleeping soundly sa kama na katabi ng akin. Tahimik akong tumayo at kinuha ang cardigan ko. I opened the room's balcony. Medyo malakas at malamig ang ihip ng hangin. Gusto ko sanang magmuni-muni rito sa labas pero agad akong nilamig. Hindi talaga ako sanay sa lamig, mas gusto ko ang mainit at preskong klima.

I went back to my bed and started counting sheeps pero wala pa rin. Maybe I should count horses?

"Zia! Ziana! Gising na!"

I stirred and covered my face with the blanket. Patuloy naman si Ate Barbie sa pagkalabit sa akin. Hindi ko na nakayanan ang paulit-ulit niyang pag tawag sa pangalan ko kaya bumangon na ako. I saw her packing our things at may nakahandang almusal sa maliit na mesa.

"Umorder ako ng tapsilog tsaka prutas. Buong araw yata tayo kaya maganda na ang heavy breakfast," sabi niya bago tumayo sa kama ko. "Kumilos ka na Ziana dahil mas busy ang shoot na to ngayon."

I groggily stood up. Kinukusot ko pa ang mata ko habang umiinom ng tubig. Madaling araw na yata ako nakatulog kagabi. I woke up twice earlier because I was bothered by my dreams. Napapikit ako sa kahihiyan nang maalala iyon.

It's not the first time I dreamt of Fire that way. Ikinahihiya ko ang sarili ko sa tuwing ganon ang napapanaginipan ko. I was wearing that sheer white dress sa shoot ko and Fire imprisoned me with his arms. Agad niya akong inatake ng malalalim at mapupusok na halik. I immediately feel warm despite my thin clothing. Ang kamay niya ay naglakbay pataas mula sa hita ko, bewang, dibdib at leeg.

His kissed my jaw, bit my exposed collarbone and tore the clothing covering my breast. Napakagat ako sa labi ko nang matanto kung saan patungo ang mga halik niya.

"Hoy, Ziana Rose! Kumain ka na't maliligo ka pa!" saway ni Ate Barbie. Halos mapatalon ako sa kinauupuan at agad naman akong nabalik sa huwisyo.

Hawak-hawak ni Ate Barbie ang kanang palapulsuhan ko habang naglalakad kami patungo sa set. Bawat hakbang ko ay kabado ako lalo na nang maaninag kong nandoon ang taong pinaka ayaw kong makita sa pagkakataong ito. How can I face him properly when I just had an erotic dream about him last night?!

"Batiin mo siya Ziana. Kung hindi isusumbong ko kay Ma'am Cellyn ang attitude mo. Hindi ka dapat ganyan," pangaral niya.

"Ano ba naman ang simpleng good morning," dagdag niya pa na para bang hindi iyon big deal.

Well for her it's not! Pero sa akin napakalaking bagay non! I haven't talked to him for years! Ilang taon akong umiwas sa kanya at pagkatapos ngayon babatiin ko siya? After what he did?

Sobra-sobra ang pasasalamat ko nang hindi namin naabutan si Fire sa set dahil agad itong umalis bago pa kami nakalapit.

"May emergency daw yata sa bahay ng Lola niya."

"Aahh. Ganon ba?" sabi ni Ate Barbie.

Halos buong araw ang shoot namin. Ilang beses akong nagpalit ng damit at make-up. Totoo nga na ito ang pinaka busy sa lahat ng shoot, mabuti na lang at ito na ang huli. I can go back to Manila tomorrow after a fan meeting later sa mall. Gusto ko nang makapagpahinga para fresh ako mamaya.

With the setting sun came a sky of fire, pumwesto ako katabi ng isang brown na kabayo. Medyo nagtagal ang tingin ko roon dahil parang pamilyar.

"Ready Zia? Dito ka lang sa tabi ng fence at kabayo. Don't worry, mabait yan," agap ng photographer.

Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya dahil natagpuan na naman ng traydor kong mga mata ang nag-iisang taong nagpapainit ng damdamin ko sa panaginip man o personal. I cannot explain if this is still hate or something else. I cannot tell if what I'm feeling was a budding hate or an old flame of what I felt for him long ago.

Akala ko ay hindi na siya makakabalik sa rancho dahil sa emergency na tinutukoy nila kanina. He was gone the whole day. I sighed and focused. Matapos lang talaga ang shoot na to.

Ilang minuto pa ang tinagal bago natapos at nagwrap up. Pinalis ko ang pawis sa aking noo at inayos ang buhok na tumatakip sa mga mata ko.

"Ziana," tawag ni Ate Barbie habang papalapit siya sa akin.

Napapikit ako at nakaramdam ng kagustuhang tumakbo. Nang makalapit siya ay iniwas ko sa kanyang paghawak ang kamay ko. Pinandilatan niya ako.

"Babatiin mo lang," may diin niyang sinabi.

"Ay, sige hija. Mabait naman ang senyorito. Papansinin kayo niyan," sabi ng caretaker ng kabayo bago ito nilakad pabalik sa barn.

"Oh, kita mo. Halika na.."

"A-Ano naman ang sasabihin ko Ate?" ramdam na ramdam ko ang kalabog ng puso ko.

"Good afternoon. Thank you sa pagpapagamit nitong magandang rancho mo sir, sa uulitin po," sabi ni Ate Barbie with hand gestures pa.

Anong sa uulitin? Di na ako babalik dito!

Fire is surrounded by the crew and the male creative director of this shoot. Mukhang kinakausap yata sa posibleng pagbalik dito. Seryoso naman ang tingin ni Fire sa kanya na parang hindi gaanong interesado sa naririnig.

When he averted his gaze from him, my heart skipped a beat. He loosened up his arms from crossing, napatingin ako roon. It looks vague but I think nabigyan naman ng hustisya ng panaginip ko ang totoong itsura ng katawan niya.

Nice one Ziana Rose. Just when you thought about running away and never coming back, heto ka at iniisip ang malaswa mong panaginip tungkol sa kanya.

"Hi, Sir. Ito nga pala ang alaga ko. She's the model of this shoot and has been here for three days," pakilala ni Ate Barbie nang makalapit kami.

I tried breathing normally at kinalma ang sarili. Bigla akong nahiya sa suot ko. Masyadong mababa ang cut ng damit sa harap, revealing my chest. Marahan akong siniko ni Ate Barbie.

I didn't looked at him directly. Pinanatili ko ang mga mata ko sa kanyang dibdib which I think isn't a good idea also.

"H-Hi.. thanks sa.."

"Sa pagpapagamit," bulong ni Ate Barbie sa likod ko.

I blinked several times, refusing to say what she wanted me to.

"Basta thank you," mahina kong sambit at nagmadaling umalis sa harap niya. My arms crossing in front of my chest.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 71 35
Carmela Chandria Arellano knew that true love exists, but that doesn't necessarily mean she wants anything to do with it. Love comes with pain and be...
33K 1.1K 34
After losing her first love due to cancer, Vienna made a promise to never open her heart for love again. She would rather choose to stay as a maiden...
4.9K 574 43
โฆ WINNER OF THE RIVETING WRITING CONTEST โฆ OLIVER IS DYING With only months left to live at just seventeen, Oliver spends his remaining days of endle...
229K 2.6K 100
๐ฉ๐ซ๐ž๐Ÿ๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ข๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐›๐š๐ฌ๐ž๐ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐œ๐ค๐ฌ ๐œ๐ก๐š๐ซ๐š๐œ๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ.