Arranged For You [Fin]

By YGDara

2.7M 36.9K 608

Napilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with th... More

Arranged for you
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40 --- BYEEE :))
SOFTCOPY!!!!

CHAPTER 27

54.8K 777 15
By YGDara






"Hans! Bilisan mo malelate na tayo oh. Mag se-seven na. Dali!"





"Eto na. Excited ka naman!"

"Eh kasi first day ko noh!"



"Ako naman din ah. First day ko din."



"Wag ka nga pilosopo what I mean is bago palang ako sa school mo."



"Oo na. Tara na!"





Hayy salamat. Makakaalis narin kami ni Hans. Ni-lock muna namin yung bahay then sumakay na kami sa kotse niya. Kinakabahan ako na parang natatae eh pano naman kasi di ba.. yung school niya parang pasosyalan. Hindi ko kaya yun. Oo dati mayaman kami pero hindi naman ako nkikipagsosyalan noh. Tsaka mahirap na ko ngayon kaya wala akong binatbat sa mga tao dun. Bakit pa kasi ako lumipat ehh. Kainis. Kinakabahan tuloy ako.





Malapit na kami sa university. Tumigil na si Hans sa may bake shop malapit lang sa school.



"Baba na." sabi niya.



Bumaba na ko at nagwave na ko sakanya.



"Goodluck sayo. You'll need it."





Pagkasabi niya nun. Pinaharurot niya na yung sasakyan niya. Lintek na lalaking yun. Lalo akong pinakaba. What does he mean sa katagang "youll need it?" papatayin ba ko ng mga estudyante dahil bagong salta ako sa kuta nila. Tae naman oh. Naglakad na ko papunta sa malaking gate ng university. Siguro nagtataka kayo kung bakit binaba ako ni Hans sa bake shop noh? Simple lang. Dahil ayaw ko at mas lalong ayaw niya na pag-usapan kami ng mga tao. Tsaka mabuti na rin yun kasi nga sikat siya eh. Baka malapa pa ko ng mga babaeng may gusto sakanya. Mahirap na.



Pumunta na ko sa designated room ko. At pagpasok ko.. bigla nalang tumahimik yung mga nasa loob pagkakita sakin.

Oh bakit? Ngayon lang sila nakakita ng dyosa?



Ngumiti nalang ako at umupo sa pinakasulok na upuan. Haay. Feeling ko mag-isa lang ako hanggang sa makagraduate ako ah. Hirap dre!



Pagkaupo ko. Bigla namang nagbulungan ang mga tao. Kainis! Bakit ba sila ganyan?! Ah siguro maganda ako. Oo! Tama! Maganda ako kaya ganyan sila at pinag-uusapan ako.





"Hi."



Napatingin ako sa nagsalita. Teka, ako ba kausap ng babaeng to? Tinignan ko muna kung may tao sa tabi ko. Wala naman. Ako lang. So ako nga kausap niya?

"Ako ba?" sabi ko at tinuro yung sarili ko.



"You're funny. Yeah. You. May iba pa bang tao rito sa sulok?"





"Ah. Hehe. Sabi ko nga."



Pahiya ako dun ah. Tinignan ko yung kausap ko. Mejo nerd siya. Hindi mo masasabing pangit siya pero hindi siya kapansin-pansin in fact. She's wearing rounded eyeglasses tapos yung buhok parang tinali lang na nakapusod di niiya ata kilala yung suklay. She is wearing braces. Maputi at ang luwag ng uniform niya.





"I'm Jorge by the way. You?"



"I'm Vhea. Uhm, Jorge? If you don't mind bakit Jorge di ba panlalaki yun?"



"Short for Jorgette. Eh ang haba kaya Jorge nalang. Hahah. Weird?"



"Of course not, cute name."



Ngumiti ako sakanya at ngumiti din siya sakin. Ang cute niya ngumiti. At feeling ko ang bbait niya din. Parang si Ynna. Ghaaaaaaaddd! I miss Ynna.



"Bago ka dito, shifter or transferee?"



"Transferee. Galing ako sa isang state university."



"Wow. Eh ba't ka lumipat?"

"Long story. Hehe."



"Oh."



Tapos ngumiti nalang siya.

Narinig ko nanaman na nagbubulungan yung mga kaklase namin. Especially yung mga girls. Dominated kasi yung class namin ng mga babae eh. Kaya ayan.



"They're perfect noh? Ms. Newbie and Ms. Betty La Fea."


Grabe! Nakakawindang. Hanggang dito may mean girls parin? Akala ko sa mga teleserye ko nalang iyon makikita, pero grabe ah! Ganito pala kapag live action. Nakakaexcite!



"Yah. They're like a couple. Ms. Ugly meets her friend. Awwee. How sweet isn't it?"



Naiinis na ko ah. Naku, kung di ko lang first day nakatikim na yung mga pagmumukha nila ng bagsik ng kamao ko eh.



"Don't mind them. Wala lang sila magawa sa buhay nila."



"Palagi ka ba nila ginaganyan?"



"Yes. Since freshmen years, I'm used to it kaya wapakels nalang ako."



"Ah. Pero dapat lumalaban ka. May anti-bullying act of 2012 na ngayon. Tara .. demanda na natin oh."



Natawa siya. "Aksaya lang yan sa oras. Ganyan talaga ang mga tao dito. Bihira lang kasi may magtransfer dito. Hindi sa pagmamayabang pero bihira talaga kasi di kaya ang tuition. Kaya parang allergic sila sa mga tao galing sa labas ng kaharian nila which is this university."

"Narrow minded people to be short."



Nagkwentuhan lang kami ni Jorge. Ang sarap niya kausap. Talagang lalabas yung kadaldalan mo sakanya. May kapatid pala siyang lalaki pero nasa Korea daw. Tapos nalaman ko din na business pala ng family niya eh mga pstry shop at restaurants. Wow.



Pumasok na yung professor namin tapos nagpakilala ako and as usual di nawala ang mga bubuyog. Introduction lang muna ng subject yung ginawa ng mga professors namin. Pagkatapos nun eh lumabas na kami. Nilibot ako ni Jorge sa campus. At spell AWESOME dahil ang daming pwedeng gawin sa university na ito.

They have swimming club,dancing,drama,yoga,martial arts,painting,choir of course and many more. Pumunta kami sa sky dome canteen nila. Nasa open air kasi siya at parang nasa mataas siya na lugar.

Ang haba ng pila naman. Sabi kasi ni Jorge madaming canteen daw dito sa school na ito pero parang bakit ata lahat ng estudyante nandito.



"AH!!!!!! ANJAN NA SILA!!!!!!"



Napatakip ako ng tenga. Grabe naman makasigaw itong mga babaeng nasa likod namin. Pagkatapos niyang sabihin yun, nagtakbuhan na yung mga tao papunta sa entrance ng canteen. Pati mga tao sa pila nagtakbuhan papunta dun. Kaya ayos kasi kami nalang ni Jorge ang nakapila. Nauna na kong naupo sa isang table dun. Wala kasing masyadong tao sa paligid nun.



"Oy, Vhea. Wag ka jan. dun tayo oh."



Sabay nguso niya sa mga tables na overcrowded. Madami kasing tao.

"Wag na. Dito nalang. Mas tahimik dito."



"Nako, Vhea. Tara .. please.. baka malin--"



"Ehem!"



Napalingon ako kung sino yun. Nakita ko si Jorge na nakayuko at parang uneasy. Tinignan ko yung babaeng mukhang tuod at tinaasan siya ng kilay.



"You can't seat there."



"Bakit? May pangalan mo ba to?"



Aba. Di ako magpapatalo noh.



"Wala. Kasi alam ng lahat ng estudyante dito na may nagmamay-ari na ng table na yan."



"At sino naman?"



"KAMI!"



Napatingin ako sa babae na yun may sumulpot na tatlong balahurang babae din. Hinatak nila ako patayo. Kaya napasubsob ako sa sahig.

Pinagtatawanan nila ako. Nakakainis na ha! Badtrip.



"Ayan. Buti nga sayo!"



"Stop it Amber!"

"Telll your friend here, na alamin niya ang lugar niya dito. Okay Jorge?"



"She's just new here. Give her a break."



Tumayo ako at tinignan ang babae. Bwisit lang ha. Ang sarap sabunutan!

Pero bigla ulit nila kong tinulak. Napalakas yung tulak nila kaya napasubsob na talaga ako.

Ah! Sumosobra na talaga ito ah! Kahit kailan hindi ko 'to naranasan sa dati kong pinapasukan. Maganda nga ang eskuwelahan, asal kalye naman ang mga estudyante!



"What's going on here?"



Napatigil yung mga tawanan . Natahimik ang lahat. Ang sakit na ng tuhod ko. May sugat na! Kainis naman! Ilang lotion at cream nanaman ang uubusin ko para mawala ang marka! Nakakainis. Gusto kong umiyak sa sobrang inis.



"Ah, Jayden. W-Wala .. were just having fun."



Di ko narinig sumagot yung lalaki. T-teka. Jayden? Parang narinig ko na yun ah. Agad kong naramdaman na may humawak sakin at tinayo ako.



Nang magpapasalamat na ko sakanila .. nanlaki yung mga mata ko. At mga mukha nila. Halatang nagulat na rin. Di nga ko nagkakamali.. sila yung kaibigan ni Hans.,

Pero si Jayden, Ian at Dave lang nandito. Nasaan kaya si Hans?



Nabasa ata ni Ian yung nasa isip ko kaya may binulong siya sakin.



"Naiwan si Hans sa room. Tinamad lumabas." he whispered.



"Salamat. Sige mauna na kami."



Hinatak ko si Jorge palabas ng canteen. Mabuti nang lumayo kesa mabuking pa kami ni Hans na mag-asawa.



"Sige Jorge, mauna na ko sayo ha. Uuwi na ko."



"Teka yung sugat mo. Gamutin muna natin."



"Di na. Malayo naman yan sa bituka."

Napilitan na si Jorge na maghiwalay kami. Naglalakad ako palabas ng gate.. ang sakit talaga ng sugat ko kaya umupo muna ko saglit.



"Ahhh.. shit!" I cursed. Naramdaman ko na tumutulo yung dugo.



"Excuse me miss. Can I help you?"



"Ah nako. Okay lang ako."



"No, tara sa clinic. Baka lalong lumala yan."



Inakay na ko ng babae papunta sa clinic. Di na ko nakamaktol eh hinawakan na ko eh. Tinignan ko yung babae. Parang nakita ko na. Pero imposible. Bago palang ako eh.



Nakarating na kami sa clinic. Agad naman ako umupo..

"Thank you ah."



"Wag na. Minsan wag kang maging arogante. Kung alam mong nasasaktan ka na.. wag mong titiisin. Tinulungan kita kasi ako nahihirapan jan sa sitwasyon mo. Mag-ingat ka kasi minsan."



Pagkasabi niya nun eh lumayas na siya.

Akala ko ba naman mabait na. Eh may kamalditahan palang tinatago. Looks can be deceiving talaga..







Pagkatapos gamutin yung sugat ko. Umuwi na ko sa bahay namin, bubuksan ko na sana yung gate nang pagtulak ko bukas pala ito! Lintek ! May nakapasok sa bahay namin ni Hans. Pagtingin ko sa loob ng bahay, glass lang kasi yung isang wall namin kaya kita ang sala. Nakita ko bukas ang ilaw. Kinabahan na ko. Di ko alam gagawin ko. Natatakot na ko. Tinawagan ko si Hans pero busy yung phone niya. Hindi na ko mapakali kaya nagpapanic na ko.



Luminga-linga ako sa garden tapos nakakita ako ng isang walis tambo. Kinuha ko ito. Bahala na si batman. Dahan dahan ko binuksan yung pinto. Tapos nagulat ako nang may biglang sumunggab sakin ng yakap. Ipapalo ko na sana yung walis pero natigilan ako..



"Woah woah! Easy hija, kami lang ito."





"Mama! Ghad, you scared me, kelan pa po kayo nakauwi? Asan sila papa at dad?"



Sakto naman lumabas na sila dad sa may kusina.



"DAD!"Btumakbo ako papunta sakanya at niyakap agad siya. Pansin ko na nangayayat siya. Pero hindi naman gaano.








"Ang prinsesa ko namiss ata ako masyado." tatawang tawa sabi ni dad.



"Akala ko po ba five months kayo dun? Eh wala pa ngang isang buwan ah."



"Eh may aasikasuhin muna kami" - papa rico



"Aasikasuhin? Ano po yun?"--ako



"Edi ang debut mo! I'm so excited!"-- tita linda.



Debut? Ano na bang date ngayon? Waaaahhh. Oo nga pala . 18th birthday ko na sa Saturday. Eh Monday na. Kaya ba yun?



"Eh mama sabado na birthday ko. Baka di na po kayanin pang asikasuhin,"



"Are you challenging me? Don't worry hija. Kami na ang bahala."





Mga 9pm na nakauwi sila Dad kasi madami silang nakwento. Pinagusapan na din namin yung debut ko. Hinanap pa nga sakin si Hans eh. Eh di ko naman alam kung sang lupalop ng mundo siya napadpad.



Pagkauwi nila. Nagshower na ko at nagbihis ng pantulog. Pero hindi pa ko inaantok. Nanuod muna ko ng tv pagtingin ko sa orasan. 12Am na. Hala, asan na kaya si Hans. Madaling araw na oh. Tinext ko siya.



To: Hans-asungot.

Hans. Asan ka? Pumunta kanina dito sila mama. Hinahanap ka? Uuwi ka ba?



Message sent.



Siguro mga ilang minuto nagreply na siya.



From: Hans-asungot.

I will not come home tonight.



Yun lang? Di man lang ba niya sasabihin kung nasan siya? Di man lang ba siya nag-aalala sakin? Grabe naman. Parang wala lang ako sakanya.



To: Hans-asungot



why? San ka ba?



Bahala na, gusto ko malaman kung okay lang ba siya eh. Nakakatuliro kaya maghintay. Kayo ba? Di ba nakakainis maghintay?



Hinihintay ko ang reply niya pero wala parin ako natatanggap. Sa kahihintay nakatulog na ko.



------

Follow @kendeyss
Twitter/Instagram/Ask.fm

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 12K 5
Megan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akit...
101K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
17K 503 47
CHASING SERIES #1 Status: Completed. Date: April 16 - May 11 2020. (August 16, 2020.) Chelsea Silvestre. Chelsea's known as the maldita and pala away...
1M 20.4K 49
[Completed] Ross is my best friend since first year college. Matalino, gwapo, mayaman, sweet, in other words, perfect, pero certified heartbreaker. I...