Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

543K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 31

10.4K 430 83
By Nickolai214

Author's Note

Skip po muna natin yung Season Finale. Medyo madugo kasi paggawa ng chapter na iyon.

Don't worry hindi naman iyon makakaapekto sa kwento kasi POV naman ni Rafael iyon after ng pagtatalo nila sa kotse dun sa chapter 29.

Heto naman ay POV ni Ivan after ng scene sa chapter 29.

Bago ako mawala ng ilang araw ay magpapabaon muna ko ng isang chapter.

Thank you!

-Nickolai214

••••••

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

Nang maihatid ako ni Jako sa Villa Aurelia mula Maynila ay mabilis na rin siyang nagpaalam.

May aasikasuhin daw siya sa bayan at iniutos ng Papa niya sa kanya iyon noong nakaraang araw pa ngunit dahil nasa Maynila siya ay hindi niya kaagad nagawa.

Bitbit ang bag na dala ko ay nagpasya ako na pumasok na sa loob ng villa. Pagkabukas ko pa lang sa pinto ay marinig ko na kaagad ang malakas na boses ni Ryle.

"Tito Aybaaan!" sigaw niya.

Natigilan naman ako saka ako napalingon sa kanya. Iginala ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala akong makita na ibang tao doon.

Bahagya ko nang isinara ang pinto saka ako humakbang patungo sa hagdan nang bigla na lamang tumakbo ang bata patungo sa akin.

"Tito Ayban can we play?" inosenteng taning niya sa akin habang nakatingala siya.

Hindi ko alam ngunit naku-cute-an ako sa batang ito ngunit hindi ko makita ang resemblance niya kay Rafael.

Napailing ako. Maaaring nagmana siya ng facial features sa nanay niya. Gusto ko tuloy makadama ng inggit sa Isabel na iyon na kahit minsan ay hindi ko nakilala.

Napasulyap ako sa kaliwang kamay ng bata. Hawak niya ang isang laruang kotse saka siya matiyaga na naghihintay sa isasagot ko.

"Tito Ayban?" muli ay sambit niya sa mahinang tinig.

Napahinga ako ng malalim saka ko siya muling sinulyapan. "Pagod ako ngayon Ryle. Makipaglaro ka na lang sa yaya mo." sabi ko sa kanya.

"Pero ikaw po gusto ko makalaro. Sabi po ni Daddy you're a nice guy. Tapos love ka daw niya kaya dapat love din daw kita." sabi niya.

Napakurap naman ako. Hindi ko inasahan na sasabihin iyon ni Ralf sa anak niya.

Ngunit sa kabila ng pagtataka ko ay nakadama rin ako ng amusement sa bata. Sa pagkakatanda ko ay three years old pa lang siya pero malinaw na siya kung magsalita.

Well, except for my name. Napangiti ako sa kaisipang iyon.

Ginulo ko ang buhok ng bata saka ako umupo sa isang baitang ng hagdan.

Kung ginagalit ako ng ama niya ay ang batang ito naman ang nagpapawala ng inis ko. Kaya hindi naman siguro masama kung makipaglapit ako sa kanya.

Hindi naman siya kasama sa galit ko sa ama niya. This boy is innocent. Magaan ang loob ko sa kanya.

"Okay! Maglalaro tayo mamaya. Pero iaakyat ko muna ang mga gamit ko, ha?" malambing na sabi ko sa kanya.

"Can I go with you upstairs?" tanong niya.

Natawa naman ako saka ko isinukbit sa balikat ko ang bag ko. "Okay! Masyado kang nagpapalambing sa akin ah. Hindi ka siguro nilalambing ng Papa mo no?" wala sa loob na sambit ko.

Napasulyap ako sa bagong pasok na si Nana Sita. Nakatingin siya sa amin at mababakas ang pag-aalala sa anyo niya dahil ako ang kasama ng bata.

"Ryle, pagod ang Tito Ivan mo.

"Don't worry, Nana. Gusto lang pong makipaglaro ng bata." mahinahon na sabi ko.

Tumango naman siya saka niya inutusan ang kasama niyang kasambahay na bitbitin ang mga gamit ko.

Hinayaan ko naman siya saka ko na kinarga si Ryle paakyat ng hagdan hanggang sa loob ng silid ko.

Nang mailapag ko siya sa kama ay kinuha ko na sa maid ang dala kong bag upang ayusin iyon.

Natuwa naman ang bata dahil malambot ang kama sa silid ko. Nagtatalon siya doon habang malapad ang mga ngisi na nakatingin sa akin.

"Be careful! Baka mahulog ka." paalala ko sa kanya.

Inilagay ko na lang sa gilid ng cabinet ko ang bag ko. Mamaya ko na iyon aayusin dahil kinakabahan ako sa makulit na batang ito.

Kaagad ko siyang nilapitan saka ko siya akmang pipigilan sa pagtalon nang bigla na lang siyang bumaba ng mabilis sa kama saka siya tawa nang tawa na lumayo sa akin.

"Halika na dito. Ipapasyal kita sa bayan." nakangiting sabi ko sa kanya.

Tuwang-tuwa naman siyang tumakbo palapit sa akin. "Yehey!" masiglang sabi niya saka na niya hinawakan ang kamay ko gamit ang napakaliit na kamay niya.

"Pero bawal kang maglikot doon. Kapag naglikot ka iuuwi kita." pananakot ko.

"Opo! Promise po, Tito!" natutuwang sabi niya.

Hinila na niya ang kamay ko saka siya patalun-talon pa habang naglalakad kami palabas.

Ipinagpaalam ko siya kay Nana Sita. Sa simula ay atubili pa ang matanda na payagan kami ngunit sa huli ay pumayag din siya.

Dinala ko ang bata sa amusement park na nasa bayan ng Cervantes at doon ay masaya siyang naglaro kasama ako.

Hindi naman ako nahirapan sa pagbabantay sa kanya dahil katulad ng ipinangako niya kanina ay hindi siya naging malikot.

Sumusunod siya sa lahat ng sinasabi ko at mas lalo pa siyang naging clingy sa akin sa paglipas ng mga oras.

Kahit ako ay hindi nakadama ng pagkabagot sa buong durasyon na magkasama kami.

Kung hindi lang sana ako galit sa ama niya ay nakakaisip ako ng masayang eksena kasama siya.

Kahit papano sa loob ng maghapon na ito ay naramdaman ko na masaya ako kasama si Ryle.

At habang nakatitig ako sa kanya na tuwang tuwa sa kinakain niyang ice cream ay napaisip ako.

Magkakaanak din kaya ako sa future? Pero paano? Lalaki rin ang gusto ko.

"Hindi ba pumasok sa isip mo na pakasal na lang sa akin sa ibang bansa para manatiling sayo ang villa? Madali mo naman akong mapapaibig dahil kahit noon pa man ay naaakit na ako sayo."

Mabilis akong napailing sa kaisipang iyon. Bakit ba naiisip ko pa ang sinabing iyon ni Rafael? Napaka-imposible ng bagay na iyon.

Hindi kami kailanman magkakasundo ng lalaking iyon. Baliw! Kasama mo nga ngayon ang anak niya diba! Sermon sa akin ng isang bahagi ng isip ko.

Nakita ko na nagkalat sa gilid ng labi ni Ryle ang ice cream kaya mabilis akong kumuha ng tissue upang punasan iyon.

Hindi ko namalayan na fiesta pala sa isa sa mga barangay ng Cerventes kaya nagsimulang magliwanag sa kalangitan ang mga fireworks.

Mabilis namang napatayo si Ryle at tuwang-tuwa sa mga nasasaksihan niya.

Halos alas-otso na ng gabi nang makauwi kami. Mabilis na sumalubong sa amin si Nana Sita at ang isa pang katulong nang marinig nila ang engine ng sasakyan ko.

Binuhat ko mula sa passenger seat ang nakatulog nang si Ryle.

"Naku, bakit ba ginabi na kayo?" nag-aalalang tanong ng matanda.

"Nawili po kasi si Ryle sa mga fireworks na nakita niya sa Cervantes." sabi ko.

Iyon lang at kinuha na ni Nana Sita mula sa akin ang bata. Ngunit nagising ito saka siya tumingin sa matanda bago mahigpit na yumakap sa akin.

"Halika na. Matutulog na tayo." sabi ni Nana Sita.

Bugnot na umiling naman ang bata saka niya mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Gusto ko tabi kami ni Tito." bugnot din na sagot nito.

Nagkatinginan kami ni Nana Sita.

"Hayaan niyo na po. Sasamahan ko na siya sa silid niya. Marahil ay hinahanap lang niya si Ralf. Nakauwi na po ba siya?" tanong ko.

Umiling si Nana Sita at malungkot na tumingin sa akin. Ngunit nararamdaman ko pa rin sa kanya ang panlalamig sa tuwing kami ang magkausap.

Mula pa iyon kanina nang dumating ako sa Villa Aurelia at simulan akong kulitin ni Ryle.

"Hindi pa nakakauwi si Rafael. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa Maynila. Magkasama kayong umalis pero hindi mo siya kasama sa pag-uwi mo." may hinanakit na wika niya.

"May hindi lang po kami napagkasunduan." sabi ko.

"Kailan ka nga ba nakipagkasundo sa kanya?" may bahid ng paninisi na sabi niya.

"Nana!" sagot ko.

Nang hindi na siya sumagot ay iniakyat ko na si Ryle sa silid na ginagamit nito.

Pagkalapag ko sa kanya sa kama ay binalak ko na iwanan na si Ryle sa oras na makatulog na siya ng mahimbing ngunit hindi ko namalayan na pati ako ay nakatulog na rin.

Nagising na lang ako kinabukasan na maliwanag na at humuhuni ang mga pang-umagang ibon. Mahimbing pa rin ang tulog ni Ryle na nakayakap sa akin.

Bahagya akong gumalaw upang hindi siya magising. Bumangon ako at lumipat sa silid ko upang mag-ayos ng sarili.

Kakahilamos ko lang nang makarinig ako ng mga katok sa pinto. Mabilis ko namang binuksan iyon at isang katulong ang nabungaran ko.

"Nasa ibaba po si Sir Jako. Hinahanap po niya kayo." sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko. Napakaaga naman yata niya.

Mabilis ko nang inayos ang sarili ko saka na ako sumunod sa baba.

Naabutan ko si Jako na nagkakape sa komedor. Nang makita niya ako ay kaagad naman siyang ngumiti at tumayo.

"Hi! Napakaaga mo yata?" bungad ko sa kanya.

"Nahihiya kasi ako sayo kahapon. Basta na lang kita iniwan dito pagkahatid ko sayo. Kaya bumawi ako."

"Hindi mo na kailangan gawin iyan. I'm fine." sabi ko saka na ako umupo upang sabayan si Jako sa almusal.

Matapos naming makakain ay niyaya ko siya sa portico.

"May sadya ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya nang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin.

Tumikhim siya saka niya mabilis na ginagap ang mga palad ko at ikinulong sa mga palad niya.

"I've thought this over last night, Ivan. Kilala na natin ang isa't isa simula pa noong mga bata tayo. Hindi mo na kailangan magbalik pa dito sa hacienda. Tinitiyak ko sayo na hindi pakakawalan ni Rafael ang villa. It was a chance of a lifetime. And staying here for three months is a waste of time."

Huminga ako ng malalim. Maaaring tama si Jako. Pero sinabi ni Ralf sa akin na ibabalik niya ang villa. Paniniwalaan ko ba iyon?

Malungkot akong sumulyap kay Jako. "Sa maikling salita, sinasabi mo ba sa akin na i-give up ko na ang inheritance ko, ganoon ba?" tanong ko sa kanya.

"You have no choice. I wondered why your mother gave such ridiculous provision gayong kahit saan daanin ay mawawala pa rin sayo ang villa. Kapag nagpasya si Rafael na mag-asawa ay automatic na sa kanya na mapupunta ang bahay, di ba?"

Bahagya ko nang naintindihan ang sinabi ni Jako na kawalang-halaga ng mga provision ni Mama.

Natuon ang pansin ko sa huling sinabi niya. Bakit parang may sumusugat sa dibdib ko dahil sa kaisipang maaaring mag-asawa si Rafael?

Galit ako sa kanya pero kapag napag-uusapan na maaaring may babae nang mag-aangkin sa kanya ay parang may pumipiga sa dibdib ko.

What's wrong with me?

Nang hindi ako kaagad na nakasagot ay hinawakan ni Jako ang baba ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Listen, we're childhood sweethearts, Ivan. Kilala na natin ang isa't isa. Noon pa man ay minamahal na kita ng totoo. Nararamdaman ko rin na kahit papaano ay mahalaga ako sayo."

Totoong mahalaga si Jako para sa akin ngunit hindi ko masasabi na mahal ko rin siya katulad ng pagmamahal niya sa akin.

"Bakit hindi na lang natin ibalik ang dating relasyon natin? Magsimula tayong muli bilang magkasintahan."

Hindi ako kumibo. Naguguluhan ang isip ko sa mga pinagsasasabi ni Jako mula pa kanina.

"Nakahanda ako na maghintay sayo, Ivan. Kahit gaano pa katagal iyon. Siguro hindi mo pa ako mahal ngayon kagaya ng nararamdaman ko sayo. Pero alam ko na kaya mo naman akong mahalin kung gugustuhin mo lang."

"Let's start over. At kapag sigurado ka na ay maaari na tayong magsama. Nakahanda ako na magpakasal sayo sa kahit saang lugar mo man gustuhin."

"Kalimutan mo na ang villa. Hindi mo na iyan mababawi pa. I have more than enough upang makapamuhay tayo ng maayos and more or less ay compatible tayo sa lahat ng bagay. Just like the old times."

Hindi ko inasahan ang biglaang mga desisyon ni Jako. Hindi pa sumasagi sa isip ko ang mga bagay na iyon.

Ngunit may punto siya. Pero hindi ko maaaring basta na lamang isuko ang villa. Mahalaga iyon sa akin.

Umiwas ako ng tingin bago ako nagsalita. "P-pag-iisipan ko ang mga sinabi mo, Jako. Besides, hindi ko basta ibibigay ang villa nang walang laban. At sa ngayon ay wala pang babaeng napupusuan si Rafael."

"Don't be so naive. It's very easy for him to pick any one para lang sa makasariling motibo. Marry me at kalimutan mo na itong villa."

"No! Kailangan ko munang sumugal. Tatlong buwan lang naman ang hinihinging palugit. Madali lang na lilipas iyon. Nag-usap na kami ni Rafael. Sinabi niya sa akin na ibabalik niya ang villa basta manatili lang ako dito sa loob ng tatlong buwan kasama siya."

"Naniwala ka naman sa kanya?" medyo inis na sagot na ni Jako dahil sa kakulitan ko. "Magising ka nga, Ivan!"

Napatingin ako sa kanya at sumagi sa isip ko anh matinding kalituhan. Mapanghahawakan ko nga ba talaga ang mga salita ni Rafael?

Alam kong hindi pero bakit ako umaasa na totoo ang mga sinabi niya sa akin? Bakit ako umaasa na totoong ibabalik niya ang villa sa kabila ng katotohanan na alam kong hindi siya mapagkakatiwalaan.

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
2.4M 112K 61
Juariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng pagiging miyembro ng sindikato hindi kail...
900K 30.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.