The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.6K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ikalabing pitong Kabanata

77 2 0
By red_miyaka

Panglabing pitong Kabanata

Sofa


"Oy, magligpit na kayo. Uuwi rin ako sa bahay ngayon." Sambit ni Zil habang kumakain kami ng french toast na luto ni Maxine. Tinali niya ang buhok niya sa isang messy bun at nagsimula siyang mag-ayos ng mga gamit.

"Ako na maghuhugas." Paalam ni Vin at tumayo na matapos kumain. Nagpagpag siya ng kamay at damit niya. Binigay na lang namin sa kanya iyong mga ginamit naming plato para makapaghugas na siya.

"Asawa material naman pala." Nagsalita si Amarie sa tabi ko. Nilingon ko naman siya at tinignan.

"Kunusta na college life mo?" Tanong ko sa kanya. Sumimangot pa siya sa'kin.

"Ayon, olats pa rin sa crush ko." Sagot niya at natawa ulit. Kinunutan ko siya ng noo dahil matagal na noong huling banggit niya sa crush niya. Noong highschool kasi ay senior high ang crush niya, at nagkataon pang pareho sila ng pinasukang school sa college.

"Sino? Si Ate Jessie?" Tanong ko pa ulit. Biglang nalungkot ang mukha niya kaya bahagya pa akong nagpanic dahil baka nasaktan ko siya.

"Hindi, 'no. May boyfriend na 'yun, eh." Ngumiti siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino?"

"Hindi ko alam pangalan, eh. Basta alam ko senior sa engineering." Sagot niya na malungkot pa iyong ngiti.

"Eh, kaya ka pala olats kasi 'di mo alam pangalan!" Biro ko sa kanya. Nailing naman siya at sinuklay ang buhok niya habang natatawa.

"May picture ka sa kanya?" Tanong ko uli. Umiling siya at ngumuso.

"Stalk mo kaya blocmates mo? Suhestiyon ko. Ganoon kasi ang ginawa ko rati kay Tracy kaya friend ko na iyong iba kahit hindi ko naman sila close.

"Oo nga 'no? Ba't 'di ko naisip 'yun?" Sabi niya pa at napakamot sa buhok niya. Natawa na lang ako sa kanya.

"Amarie, ikaw na!" Sigaw ni Zil paglabas ni Maxine ng cr na kaliligo lang. Nagpaalam si Amarie sa'kin at tumayo na dahil siya na ang sunod. Tumayo na rin ako para pumasok sa kwarto ni Zil dahil naiwan ko pala roon ang bag ko sa tabi ng shelf niya. Kinuha ko roon ang cellphone ko at tinignan kung may messages ba. Pinatay ko iyon nang makita na wala naman pero tinext ko si papa na pauwi na rin ako.

"Shit." Nanlaki ang mata ko nang makita na nakasara na iyong pinto ng kwarto at kalalabas lang ni Vin ng cr.  Nakatalikod naman siya sa'kin at sana hindi na siya humarap. Gusto ko sanang magsalita at sumigaw kaso hindi ko magawa. Parang nakatahi iyong bibig ko kaya nanatili akong malaki ang mata at gulat na nakatingin sa kanya. 'Di niya man lang ba ako nakita rito?! 'Di naman gaano kalayo ang pwesto ko sa cr, eh!
Pinakalma ko ang sarili ko dahin bakit naman ako nagpapanic, wala namang masamang nangyayari.

Nagulat ako ulit nang makitang hinubad niya ang damit niya at nilagay iyon sa kama. Binuksan niya pa iyong cabinet sa tabi ng kama ni Zil. Napasinghap ako at napapikit nang mariin bago napagdesisyunang sumigaw. Para kasi akong tanga rito na nakatayo lang at nakatanga, baka mamaya isipin niyang minamanyak ko siya.

"Vin!" Napatayo siya agad. Lumingon siya sa'kin at nanlaki rin ang mata. Kaya pala hindi niya 'ko makita, 'di niya pala suot ang salamin niya. Sumingkit saglit ang mata niya bago nakita ako nang maayos.

"J-jana?!" Nautal pa siya at napalunok pa ako dahil nakikita ko na ang katawan niya. Nanatili akong 'di makaimik at nakatulala lang doon, kita ang maputi niyang balat. Kitang-kita ang hulma ng katawan niya na halatang inaalagaan niya pero hindi siya gano'n kabatak tulad nina Mateo, Franco, at On na may mga abs na niyayabang nila lagi at biceps. Sakto lang ang kanya kaya ang sarap niya yakapin.

Nang mapansin kong nakatulala ako sa katawan niya ay agad akong napatakip sa mukha ko. Ang dami mo pa kasing sinabi, Jana! Kung anu-ano pa talaga ang iniisip ko habang nakamasid doon.

"Uh, s-sorry. 'Di ako makapagsalita kanina." Kinagat ko ang labi ko. Parang nabalik din siya sa wisyo at nakita ko pa dahil nakasalip ako sa maliit na butas na ginawa ko sa mga kamay ko.

Nang makapagbihis na siya, tinanggal ko na ang mga kamay ko na nasa mukha ko. Napaiwas ako ng tingin nang makita na nakayuko na naman siya dahil inaayos niya ang bag niyang nasa kama ni Zil. Kung anu-ano na 'yung pumapasok sa isip ko. Kaysa pansinin ang nasa utak ko ngayon, napagdesisyunan ko na lang na tumalikod para kunin ang bag ko. Napaatras ako at naramdaman pa bigla si Vin sa likod ko kaya natigilan ako saglit bago suminghap at lumingon.

Leeg niya agad ang sumalubong sa'kin paglingon ko. Napaatras ako ng kaunti bago siya tingalain dahil baka magkadikit naman ang mukha namin. Seryoso lang iyong tingin niya sa'kin kaya tinampal ko ang mukha niya. Napangisi siya kaya napairap ako. Pinagtitripan na naman ako nito! Palibhasa kasi alam niya 'yung epekto niya sa'kin. 'Wag ko kaya siya pansinin ng isang araw?

Humakbang ako at nagtuloy-tuloy palabas ng pinto habang bitbit ang bag ko. Nakasunod lang siya sa'kin at hindi nagsasalita kaya hindi ko na lang siya nilingon pa. Binuksan ko na agad ang pinto.

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko dahil pinitik ako ni Zil paglabas ng kwarto. Babalik ko sana sa kanya iyon kaso agad naman siyang lumayo at nakaharang pa ang mga kamay sa mukha niya.

"Uy, ano ginawa niyo ro'n?" Bigla namang sambit ni Anton at sumandal sa counter. Umirap ako at nagdere-deretso sa sofa.

"Nakalock pa talaga pinto!" Pang-aasar naman ni Franco na nakaupo roon sa stool. Binigyan ko sila ng middle finger dahil ang malisyoso talaga nilang lahat. Kailan ba kami titigilan ng mga 'to? Pwede bang iba na lang ang asarin nila, ha?

"Uy, tulala." Umupo si Mateo sa tabi ko para asarin na naman ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang nakakrus ang mga braso. Naalala ko na naman iyong nangyari kanina kaya napamasahe ako sa sentido ko, pilit iyong inaalis sa utak ko. Bumulong pa 'ko ng kung anu-ano at napapamura ng kaunti dahil literal na lumilipad na ang isip ko sa kung saan.

"Ano iniisip mo, ha?" Malisyosong tanong ni Mateo. Tinignan ko lang siya at buti na lang ay siya na ang sunod na maliligo kaya tinigilan niya na ako. Mabuti naman. Kung anu-ano naman kasi ang tinatanong niya sa'kin. 'Di ko na alam ang isasagot dahil ang mga nasa isip ko ay naghahalo-halo na.

Ngumuso na lang ako at nagcellphone na lamang. Nag-aayos kasi sila lahat ng gamit kaya ako lang mag-isa rito sa sofa. Karamihan ay dumederetso sa terrace kapag natapos na. Biglang nawala ang ibang mga lalaki pero hindi ko na lang sila pinansin. Hinayaan ko na lang sila dahil talagang tinatamad na ako tumayo o kumilos man.

"Hi." Naramdaman kong lumubog ang sofa sa kaliwa ko. Napalingon ako at nakita si Vin doon na nakatingin lang sa'kin. Ngumiti ako sa kanya.

"Hi rin." Kaswal na sabi ko. Nilagay niya pa iyong buhok ko sa likod ng tenga ko kaya napalunok ako. Bigla-bigla na lang talaga siyang manggaganyan, 'no? Kahit simpleng kilos niya lang, ang laki na ng epekto niya sa'kin.

Inayos ko rin ang buhok ko sa kabilang gilid tulad ng ginawa niya. Napatingin pa ako sa kanya bigla pagtapos iyon gawin dahil nakatapat ang cellphone niya sa'kin. Kumunot ang noo ko at agad hinarang ang kamay ko sa mukha ko. Pinipicture-an ba 'ko nito?

Natawa siya bigla at naiiling habang nakatingin sa phone niya. Agad akong umurong papalapit para kunin iyon at nakipag-agawan pa sa kanya dahil ayaw niya iyong ipakita. Hinampas-hampas ko na siya at patuloy lang siya sa pag-iwas kaya napaurong siya hanggang sa dulo ng sofa. Nasa tapat ko siya at halos nakakandong na dahil tinataas niya iyong phone niya. Nakaluhod na tuloy ako sa sofa, tinanggal ko ang sapatos ko at pilit na inaabot 'yon. Lumuhod na rin siya dahil malapit ko nang makuha. Nasa dulo na iyon ng mga daliri ko at panay lang ang tawa ni Vin.

"Hoy!" Sigaw ko ulit. Iniwas niya na naman iyon kaya sinundan ko. Nakaisip ako ng paraan para makuha ko iyon kaya agad ko nilagay ang isang daliri ko sa bewang niya para sundutin iyon. Napaiwas siya at roon at nababa ang kaliwang kamay niya. 'Di niya iyon namalayan kaya agad kong inagawa ang phone niya.

"Aha!" Sabi ko nang sa wakas ay makuha ko iyon. Agad kong tinignan ang naroon at napahiga habang sinisipa-sipa siya para hindi niya iyon makuha. Agad akong napasimangot nang makita ang mukha ko roon, noong nag-ayos ako ng buhok kanina.

"Hoy! Ang panget ko naman dito!" Inis kong sabi kay Vin. Nakataas lang ang isa kong paa na nasa tiyan niya, iniiwas ko pa rin ang phone niya. Pilit niya pa rin iyong kinukuha at natatawa pa rin siya.

"Huwag mo idelete!" Sabi niya pa nang magpipindot ako roon. Binelatan ko siya at pipindutin na sana ang delete kaso ay kiniliti niya ako bigla sa paa. Tumawa tuloy ako at nakuha niya iyon. Siningkit niya pa ang mata niya at siya naman ang bumelat. Sinipa ko ang tiyan niya kaya napahawak siya roon at ngumiwi. Napababa pa siya ng kaunti habang ako ay tawang-tawa sa reaksyon niya. Ang cute niya dahil sa itsura niya pero agad ko ring naalala ang picture ko.

"Ang pangit ko ro'n!" Sigaw ko na naman sa kanya kahit nasa taas pa rin siya sa'kin. Nakahiga pa rin tuloy ako dahil hindi naman siya umaalis sa pwesto niyang 'yon. Nakatungkod ang mga siko niya sa magkabilang gilid ko habang hawak niya ang phone niya. Ako na ang naiilang sa pwesto namin dahil hindi ako makagalaw ng maayos at kung ano na naman ang nasa isip ko pero mukhang wala naman siyang problema.

"Cute mo nga, eh." Sagot niya sa'kin at nag-angat ng tingin. Pumikit pikit pa siya at parang nagpapacute. Napairap na lang ako.

"Bahala ka nga diyan." Sabi ko na lang sa kanya. Ang kulit niya naman kasi. Aaminin ko, medyo naninibago pa ako dahil hindi naman siya ganito kakulit noon. Hindi rin naman siya maingay, palabiro, at puro kulit lang kapag sa school. Dito lang yata siya ganito kaya pagbibigyan ko na lang. Kawawa naman ang bata.

"Galit ka?" Tanong niya sa'kin at inangat uli ang tingin. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakababa naman ang tingin ko sa kanya. Mas naconcious pa tuloy ako dahil nakikita na ang double chin ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi." Sagot ko sa kanya. Kukunin ko sana ang phone ko kaso naroon pala sa kabilang banda. Pinaglaruan ko na lang ang mga kamay ko habang nakatingala. Si Vin ay nakampante na yata sa pwesto niya at nilagay na lang ang baba niya sa tiyan ko at nakapatong pati phone niya. Ang cute niya tignan kaso medyo nakikiliti rin ako kaya tinignan ko pa siya saglit. Hinayaan ko na lang siya roon dahil ang peaceful ng itsura niya.

"Ano, kayo lang tao rito, ha?" Biglang sabat ni Eliott na kagagaling lang ng terrace. Nakalanghap ako ng amoy ng alak mula sa kanya. Kaya pala mga nawala, uminom na naman pala. Sumunod naman sa pagdating sina Zil kaya napaayos na si Vin at naupo. Umupo na lang din ako at kinuha ang phone ko.

"Mga uminom na naman kayo?" Tanong ko kay Zil na nasa tapat ng ref at umiinom ng tubig. Kumunot ang noo niya at umiling.

"Si Eliott lang!" Turo niya pa kay Eliott. Umangal naman si Eliott at nagturuan pa sila hanggang sa madamay sina Brianne. Napailing na lang ako sa kanila. Kukulit talaga.

"Hoy! Si Amarie nga nagsimula!" Sabi ni Leila at tinuro pa si Amarie. Tinuro ni Amarie ang sarili niya at sunod na tinuro si Bianca. Nagturuan na naman sila sa kung sino ang nauna. Ang iingay na nga nila, eh.

May kumatok naman sa pinto kaya natigilan sila. Sumilip si Zil at binuksan iyon, pumasok naman ang tatlong lalaki habang nagtatawanan. Nangunot ang noo ng halos lahat sa'min dahil hindi alam kung saan sila nanggaling.

"Diyan lang sa baba. Dumaan lang sa gym, dapat pala kaninang umaga ay pumunta kami." Sabi ni Mateo at dumeretso kay Brianne. Nagsabi pa si Amarie na baka may tinitignan lang sila roon kaya hinampas pa ni Brianne si Mateo na napangiwi na lang. Panay naman ang sagot ni On ng hindi, ang sama na rin ng tingin sa kanya ni Zil. Wow, 'kala mo sila. Si Anton naman ay panay ang iling pati na rin si Franco.

Hinayaan ko silang mag-usap doon at siguro mag-away. Nilingon ko pa si Vin dahil ang tahimik niya bigla sa gilid ko. Seryoso ang tingin niya sa phone niya at kagat niya pa ang labi niya. Sinubukan ko pang sumilip doon sa phone niya pero agad niya namang iniwas. Ngumuso na lang ako.

"Ano ba 'yan?" Curious kong tanong at pilit pa rin iyong sinisilip. Iniwas niya iyon at nilayo sa'kin para 'di ko makita.

"Shh." Saway niya lang sa'kin. Tinigilan ko na lang din siya at napasandal na lang sa sofa habang nakakrus ang mga braso. Panay scroll lang ako sa phone ko kaya nagulat pa ako dahil tinapik na ako ni Zil para yayaing umalis. Nag-ayos ako saglit at tumayo na rin, nakasunod naman sa'kin si Vin.

Tulad ng nakasanayan, ganoon ulit ang pagsakay sa kotse. Nagpaalam kami sa isa't-isa at nagsabi na sa susunod na lang ang regalo dahil nakalimutan din namin 'yon. Nag-usap pa kami ng kung ano sa parking bago dumeretso na roon sa mga sasakyan.

Pinagbuksan ako ni Vin ng pinto kaya pumasok ako at naupo. Naglagay ako ng seatbelt at hinintay siyang makapasok. Sinimulan niya na ang makina at bumisina nang magkasalubong ang apat na kotse namin sa may labas. Pumindot naman siya ng kung ano at plinay ang playlist niya. Tahimik lang din ako habang nakasandal ang ulo sa bintana at sumasabay na lang din sa kanta. Hindi ko alam iyong iba pero sumabay pa rin ako dahil nakuha ko rin naman iyon.

Your words are high and running through a tired mind
A howling wind surrounds you
I'm trying to illuminate a clouded heart
I'm gonna find the strength to stay

Feel we're gonna break out
At the last step now
Feel we're gonna break out
I really wanna see your face, and I see

Naboring-an ako kaya nilabas ko ang phone ko para magscroll sa social media accounts ko. Una kong tinignan iyong messenger at nangunot pa ang noo ko dahil may nakita akong notification na may nagtag sa akin. Agad ko iyong pinindot at bahagyang umawang ang bibig ko nang makita iyong picture ko kanina na nakaedit na pang vintage film.

Bright bright lights, bright lights to guide me
Bright bright lights, bright lights to guide me home

thevineliandra: My bright light.


--------

Bright Lights - Haevn

Continue Reading

You'll Also Like

38.4K 826 50
Vhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1K 90 49
V A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng...
8.4M 262K 68
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...