Agartha: The Lost Civilization

By anjelasheyn

938 69 33

Daphne Benson, a young girl whose world is upended when her parents mysteriously disappear, leaving her in th... More

Prologue
Chapter II (Missing)
Chapter III (Well)
Chapter IV (Hope)
Chapter V (Trouble)
Chapter VI (Agartha)
Chapter VII (Adapt)
Chapter VIII (Death?)
Chapter IX (Guardian)
Chapter X (Strong)
Chapter XI (Training)
Chapter XII (Friends)
Chapter XIII (Weird)
Chapter XIV (Lost)
Chapter XV (Pixie)
Chapter XVI (Way)
Chapter XVII (Brave)
Chapter XVIII (Deal)
Chapter XIX (Impossible)
Chapter XX (Mask)
Chapter XXI (Bad)
Chapter XXII (Start)
Chapter XXIII (Clip)
Chapter XXIV (Pair)
Chapter XXV (Impossible)
Chapter XXVI (Revelation)
Chapter XXVII (Caught)
Chapter XXVIII (Death?)
Chapter XXIX (Real)
Chapter XXX (Visitor)
Chapter XXXI (Purpose)
Chapter XXXII (Gone)
Chapter XXXIII (Truth)
Chapter XXXIV (Hero)
Chapter XXXV (Home)
Chapter XXXVI (Queen)
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter I (Odd)

111 8 20
By anjelasheyn

Nakaharap ako sa salamin na halos anayin na yata sa sobrang kalumaan habang nakatitig sa sarili kong repleksiyon. Hinawi ko ang medyo mahaba ko ng bangs para makakita ako nang maayos. Hindi ko na tanda ang huling beses na nagupitan ako ng buhok dahil ayaw ng Lola ko kaya ngayon ay lampas bewang na ang haba n'on. Napabuntong hininga ako at kukuha na sana ng suklay nang sakto namang bumukas ang pintuan at niluwa si Lola.

"Magandang umaga po!"

"Magandang umaga din sa apo kong napaka-ganda." Maaliwalas ang mukha niya, malawak ang pagkakangiti dahil mukhang maganda yata ang gising. Nilapag niya sa kama ko ang uniporme ko bago sa pwesto ko at kinuha ang hawak kong suklay 'tsaka siya nagsimulang suklayan ako.

"Kaarawan mo na nga pala bukas. Ang bilis ng araw. May gusto ka bang ipabili? Bagong damit? Bagong selpon? Sabihin mo lang-" 

Marahan akong umiling. "Wala po. Ayos na sa akin na magkasama tayong dalawa. Siguro kumain na lang po tayo sa labas pagkauwi ko galing school?"

"Sige apo. Ikaw ang bahala." 

Do'n natapos ang maikli naming usapan ng lola ko. Mabilis akong nakapag-prepare para pumasok sa school dahil sa tulong niya. Walking distance lang ang layo nang pinapasukan ko kaya laging maagap ang pasok ko. 

Nasa gate palang ako ay tanaw ko na agad ang kumakaway na si Rosa, parehas kaming nasa ika-labing dalawang baitang na, ABM din ang strand niya katulad ko at naging kaibigan ko lang din siya nitong nakaraang taon. Masigla siyang tumakbo papalapit sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa classroom namin.

Napansin kong malawak ang pagkakangiti niya nang isukbit niya ang braso niya sa akin at halos tumalon pa habang naglalakad kami. "Ano't ang saya mo na naman Rosa? Umagang-umaga ah."

"Anong Rosa ka diyan?! Don't call me that! Ang sabi ko 'di ba Rose ang itawag niyo sa akin. Rose!" Reklamo niya, natawa naman ako.

"Nah, I like Rosa more, ang unique kaya."

"Hindi kaya, pang-matanda! Ewan ko sa'yo, palibhasa maganda ang pangalan mo Daphne." Ungos pa niya, I just shrugged my shoulder off. "Anyways, kaya masaya ako ngayon ay dahil pinalitan na nila si Ma'am Araneta!"

Kaya naman pala, si Ma'am Araneta ang teacher na lagi siyang pinag-iinitan at ang dahilan din kung bakit may bagsak siyang grado last semester. "Ibig sabihin may bago pala tayong guro gano'n?"

"Oo! At alam mo ba?! Ang sabi pa nila bata pa daw 'yon, fresh graduate 'tsaka gwapo! Oh my God Daphne mukhang magkakaro'n tayo ng inspirasyon sa pagpasok araw-araw!"

Napangiwi ako. "Anong tayo? Ikaw lang. Hindi ako mahilig sa gwapo 'no."

Napataas ang kilay niya. "Mukha mo!"

Inikutan ko na lang siya ng mga mata. Totoo naman, ni-wala nga akong crush na kahit sinong school mate namin eh. Hanggang sa makapasok kami ng classroom ay 'yon lang ang bukambibig niya pati ng mga kaklase ko. 

Umupo na lang ako sa pwesto ko at nagsimulang magbuklat ng libro. Hindi na ako nag-abalang makisama sa usapan nila at hinayaan ko na lang ang sarili ko na malibang sa librong binabasa ko. The book is titled Cathedral of Time and was written by Stephen Thorpe. It's such a good book, ilang beses ko nang nabasa pero hindi pa rin ako nagsasawang ulit-ulitin.

Napatigil ako sa ginagawa nang mapansing biglang tumahimik ang buong klase. Nang mag-angat ako nang tingin ay may teacher na pala kami sa unahan. Late na naman si ma'am Santos as usual. Isa siya sa mga terror naming teacher kaya gano'n na lang ang reaksiyon ng mga kaklase ko. Nilabas ko ang Philosophy book ko at nakinig nang maigi.

"Kung talagang naintndihan niyo nga ang mga sinabi ko. Here's the question." Maya-maya'y sabi ni Ma'am kaya bigla akong nabuhayan ng diwa. This is what I like about her subjects, the hypothetical questions kasi marami talaga akong napupulot na aral.

"Is true beauty subjective or objective?"

Natahimik ang buong klase, marahil ay napapaisip din yata katulad ko. Ilang minuto ang lumipas pero wala pa ring nagtataas ng kamay. Narinig ko ang mga singhapan ng mga kaklase ko nang ilabas ni ma'am ang mga index card. Kahit ako ay kinabahan nang bahagya kasi paniguradong mapapatayo ako buong klase kapag hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

"Trinidad." Mabilis na tumayo ang kaklase ko na 'yon. Bakas sa mukha ang kaba. Ilang minuto lang siyang tumayo do'n nang hindi nagsasalita. Hanggang sa magtawag ulit si ma'am nang panibagong pangalan.

Huminga naman ako nang malalim at nag-isip nang mabuti kung ano ang isasagot. Halos lahat na ay natawag at dalawa pa lang ang napaupo. Sunod na natawag si Rosa at nakinig ako sa sagot niya.

"Para po sa akin Subjective kasi-"

"Speak in English."

Napailing ako nang hindi na siya nagsalita pa pagkasabi n'on. Paiyak na ang itsura niya at mukhang napahiya talaga. God, bakit ba may mga teacher na ganito?

"Benson." Tumayo agad ako pagkatawag ng pangalan ko.

"I believe that beauty is s-subjective." Shit! I stuttered. 

Medyo naiilang ako sa mga tingin nila kaya nag-pause ako sandali. When I gathered all my guts I continued. "People never found and never will find the same things beautiful - it's a fact. There is no universal criteria to what is beautiful and what is not. Every single person finds different traits attractive and that's the beauty - having so many different views."

Tumango si ma'am nakukuha ang pinupunto ko. Okay, that's a good sign. 

"What I find beautiful might not be beautiful to another person and vice versa - that doesn't mean that either of us two are wrong. It just means that we have different definitions of what is beautiful in our eyes. I was always of that opinion that the saying "beauty is in the eye of the beholder" is true and I still believe it is."

"Very good Ms. Benson. You may seat down." And that's a relief! Nakahinga ako nang maluwag at naupo na rin. Rosa mouthed 'Wow' which made me laugh a bit. 

Nagpatuloy ang klase na apat lang kaming nakaupo habang ang halos lahat ay nakatayo. Ganito naman lagi ang takbo ng klase kapag si Ma'am Santos. Nasanay na din kami, araw-araw ba naman eh. Ewan ko lang sa mga kaklase ko na alam na ngang mapapatayo sila hindi pa nag-a-advance study.

Laking pasasalamat nila nang matapos ang klase, nabawi naman lahat ng 'yon dahil wala ang kasunod naming teacher, meaning vacant kami ng isang oras at kasunod ay lunch break na. 

"Daphne, sama ka ba? Pupunta kami ng faculty room." Yaya ni Kara na parang sinampal sa magkabilang pisngi dahil sa sobrang tint na gamit habang magkalingkis sila ni Rosa na para namang bulateng inasinan sa sobrang likot.

"Bakit anong meron?"

Si Rosa ang sumagot. "Sisilay lang sa bagong teacher tapos mag-l-lunch na din pagkatapos! Tara!"

Umiling ako at nilabas ang phone ko. "Kayo na lang, tinatamad ako."

Maigi naman at hindi na nila ako pinilit pa. Gano'n din ang ginawa nang halos lahat ng mga kaklase ko kaya ako na lang ang bukod tanging natira sa classroom. Hindi naman ako nagugutom. Nagpasak ako ng earphones at nakapangalumbaba na tinanaw ang labas mula sa bintana.

Halos kalahating oras ako sa gano'ng pwesto, nang maumay ako ay nagpasya na akong lumabas sa classroom para sa library naman tumambay. At tulad nga din nang inaasahan ko ay walang ibang tao do'n bukod sa matandang librarian. Sinauli ko ang librong hiniram ko at nagsimulang maghanap nang mga bagong babasahin.

Isa sa mga dahilan ko kaya ko napiling pumasok sa Unibersidad na ito ay ang library mismo. Sobrang lawak kasi at pwedeng matambayan anytime. Tumungo ako sa parte kung saan hindi ko pa napupuntahan, medyo malayo kasi 'yon at madilim, ngayon ko lang naisipang puntahan.

Luma pala ang mga librong nandito kaya naman pala bihira lang puntahan. Abala ako sa paghahanap ng librong matitipuhan ko nang bigla akong nakarinig nang kung anong kalabog, paglingon ko ay may nalaglag lang pala na libro. Lumapit ako para damputin 'yon. Ibabalik ko na sana nang mapukaw ng title ang atensiyon ko.

Phantom of the Poles written by William Reed

This is a fascinating one. Bitbit ang mga librong napili ko ay umupo ako sa isang sulok para magsimulang magbasa. Hindi pa ako nakakapagbuklat nang mapadako ang tingin ko sa orasan. Oh shit! Ang bilis ng oras time na pala!

Sa sobrang pagmamadali ko ay isang libro lang ang nabitbit ko palabas. Tinakbo ko na palabas, hindi ako pwedeng ma-late! Pagliko ko sa isang hallway ay may natapakan akong kung ano na naging sanhi para matapilok ako. Mabuti na lang at hindi ako nadapa. Huminga ako nang malalim at hindi naman sinasadyang napalingon ako sa bandang bintana.

Sa parte 'yon ng gubat kung saan pinagbabawal pumasok ang mga estudyante, may nakita akong isang lalaki na naka-formal ang suot na naglalakad do'n. Hindi ko naaninagan ang mukha dahil nakatalikod siya. Teka baka naliligaw siya, delikado pa naman sa parteng 'yon.

Akmang sisigaw na sana ako nang makitang wala na ang lalaki. That's weird. Saan napunta 'yon? Lalakad na sana ako patungo do'n kung hindi ko lang naalala na late na nga pala ako. Shit! Tumakbo ulit ako patungo sa building. Hingal na hingal ako nang makarating sa tapat ng classroom.

Bigla akong nanlumo nang mapansing tahimik ang paligid, ibig sabihin lang may teacher na kami. I knocked first before opening the door. Kung tahimik kanina ay mas lalo pa yatang tumahimik nang pagtinginan nila ako.

"Sorry I'm late." Mabilis kong usal at hindi man lang tiningnan ang teacher na nasa unahan bagkus ay nakayukong mabilis na naglakad patungo sa upuan ko.

Hinawi ko ang bangs ko para punasan ang pawis sa noo ko. Medyo hinihingal pa ako sa ginawang pagtakbo. Nang mawala ang hiya ko ay 'tsaka lang ako tuluyang nag-angat ng tingin.

Nagulat ako nang mapansing hindi ko kilala ang teacher na nasa unahan pero mas nagulat ako nang mapansing nakatitig siya sa akin. Muli akong yumuko dahil nakaramdam ako ng kung anong kaba. Baka ipahiya niya ako sa klase.

"Don't worry, hindi pa naman nagsisimula ang klase, kapapasok lang din ni Sir." Pasimpleng bulong ng katabi. Tumango naman ako at muling tumingin sa harapan.

"Before we start let me introduce myself first." Malalim at baritono ang boses na lalaking nasa unahan. 

Rinig ko ang mga paimpit na tili ng mga kaklase kong babae. Ito siguro 'yong kanina pa nila pinag-t-tsismisan. Tiningnan ko ng mabuti. Tama nga sila, may itsura ang lalaki, matangkad at maganda ang tikas. Pero there is something weird on how he looks at people, tipong parang manliliit ka bigla dahil sa sobrang intensidad n'on, or ako lang yata.

"My name is Pablo Marshall and I will be your teacher for this subject," He gracefully lift the book he's holding. "Fundamentals of Accountancy, Business, and Management for the whole semester. I hope I can get along with all of you." He then flash a boyish grin that made my girl classmates shriek. 

Oh my God? Hindi ba sila marunong mahiya? Parang ako 'yong nahiya bigla para sa kanila. Ako lang yata ang hindi natutuwa na siya ang teacher namin, mukhang puro pa-pogi lang ang alam ng isang 'to. Knowing na fresh graduate lang pala at baguhan sa pagtuturo. Specialization subject pa naman ang hawak niya. Napailing na lang ako sa disappointment, I can foresee it.

At do'n ako nagkamali.

He can teach well. Kumpara kay Ma'am Araneta mas nagets ko nang maayos ang mga topic. Hindi ko mapigilang mamangha, halos lahat din yata ng mga kaklase ko ay nakikinig at naiintindihan lahat ng mga sinasabi  niya. Sa buong klase din ay never nagkaro'n ng dull moments. He can make us laugh and learn at the same time. Wow.

Just wow.

Napatingin ako sa mga notes ko. This is the very first time na mabilis kong nagets ang lesson without asking any further questions. Nang magbigay siya ng problem ay halos magtulakan pa ang mga kaklase ko sa pagsasagot sa board. I can't help but smile. This is a good sign. Mukhang magiging maganda ang semester na 'to.

I was in awe hanggang matapos ang klase at makalabas ng classroom si Sir. Marshall.

Bahagya akong natulala sa pintong nilabasan niya. Natauhan ako nang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay si Kara pala na nakangising aso kasama na naman siyempre si Rosa.

"Ano? Crush mo na din si Sir. Marshall 'no?" Mabilis akong umiling.

"Nope, 'wag niyo akong itulad sa inyo 'tsaka bawal sa school na 'to ang student-teacher relationship baka nakakalimutan niyo." Mariin kong tanggi.

Natawa silang dalawa na pinagtaka ko. "Ang OA mo talaga Daphne! Crush lang naman! Wala naman kaming sinabing jojowain namin si Sir! Ikaw ha? Gan'ya siguro ang iniisip mo 'no?" Sabi ni 

Biglang uminit ang tenga ko. What?! Wala naman akong sinabi ah! Ni-hindi nga 'yon sumagi sa isipan ko."H-hindi ah!"

"Weh? Si Daphne gusto jowain si Sir. Marshall!" 

"Rosa!" Singhal ko. Shit!

And now the whole class is teasing me. What the hell?! Buong araw ay hindi nila ako tinantanan ng asar hanggang sa paguwi namin. Hinayaan ko na lang kasi hindi naman totoo, baka mas lalo pang lumala kapag pinatulan ko. Sana lang ay hindi na makarating kay Sir. kasi nakakahiya 'yon kapag nagkataon.

Ang bilis lang talaga ng oras. I was exhausted when I got home. Pero nawala din agad 'yon nang salubungin ako ni Lola. We shared our dinner together as I talk about my day. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na may pagsasabihan ka ng lahat ng mga nangyari sa'yo, that's why I am really blessed for having my grandma.

Bago ako matulog ay naalala ko ang librong balak ko sanang basahin kanina. Hinagilap ko 'yon at nagsimulang magbasa habang nakasandal sa headboard ng kama. The story is all about a mysterious phenomena reported by polar explorers by postulating that the Earth is in fact hollow, with holes at its poles. 

Fascinating and odd at the same time. Sa sobrang ganda ng istorya ay hindi ko namalayan ang oras at naka-limang chapter agad ako. Tinigil ko ang pagbabasa nang malayang mag-uumaga na pala pero sa sobrang hook ko the story keeps lingering on my mind until I fall asleep.

A civilization that is said to reside in the Earth's core, is that even possible?

Continue Reading

You'll Also Like

270K 8.1K 37
She was born in mortal world pero yan ang akala niya ... In her 17th age she discovers that she have a power (Yan lang muna sa prologue nyo nalang ba...
168K 4.8K 71
[THIS BOOK IS UNDER MAJOR EDITING, SOME CHAPTERS MAY CHANGE] "Mahal na prinsesa, nagsisimula na sila." Kinuha ko ang baso ko at tumalikod dito. Nags...
99.5K 2.3K 24
Im Caroline Hope Echizen, heiress of Echizen Academy, Na mag papanggap bilang Hope Garcia upang maprotektahan ang aking sarili at ang aking pamilya...
248K 7.2K 47
Ito ay story ng isang itinakdang babae ng mga Goddesses upang magkaroon ng peace sa pagitan ng dalawang kaharian sa Other world/ Fantasy world, ang L...